NAPAMAANG na lang si Lorraine nang magtuloy-tuloy talaga sa loob ng sarili nitong apartment si Brielle.
"Unbelievable," turan niya sa sarili, "baliw ngang talaga ang babaeng 'yon." Asar na ipinagpatuloy na lang niya ang pagwawalis. Panaka-nakang sumusulyap sa kapit-bahay. Umaasa siyang lalabas muli ito at sabihing nagbibiro lang ito.
Pero walang Brie na lumabas. Natigil muli si Lorraine sa ginagawa at napaismid. "May pagka-sensitive din pala ang baliw na 'yon."
Mula sa loob ay hinawi ni Brie ang kurtina at sinilip si Lagring. Pangiti-ngiti sa sarili. "Hmp. I-t-torture na muna kita ngayon." Alam niyang kahinaan nito ang pagkain at hahayaan muna niya itong matakam at maglaway.
Hindi talaga niya matanggap na nilait-lait lang nito si Pen.
At member ng Illuminati? Like, what the hell?
Napailing si Brie. Malala na talaga si Lorraine.
SUMAPIT ang gabi na hindi pa rin lumabas ng bahay si Brielle.
Si Lorraine ay nakaupo sa maliit niyang salas. Nakabukas ang TV ngunit wala ang isip niya roon.
Tiningnan niya ang tinapay na nasa ibabaw ng center table. Iyon muna ang pinagdiskitahan niyang kainin kanina.
Napahalukipkip si Lorraine. "Nakakainis talaga ang babaeng 'yon. Hindi pa naman ako nagluto," palatak niya.
Lihim niyang hinihintay na mag-doorbell si Brie. Ganoon naman iyon kapag nag-aaway sila. Mauuna pa rin itong mag-approach.
Sumulyap siya sa bintana ng kapit-bahay. Nakasarado ang kurtina niyon at hindi niya makita ang loob.
Dinampot niya ang cellular phone sa gilid niya. Hinanap niya ang numero ni Brie. May number siya dito dahil ito mismo ang nagpumilit na mag-save niyon. Natutukso siyang tawagan o i-text na ito. Mukhang na-offend talaga ito sa sinabi niya.
"Grabe. Ano ba kasing nakita niya sa Pen na 'yon? Totoo namang baliw ang writer na 'yon. Lesbian na, atheist pa."
Ibinaba na niya ang cellphone. Tinalo na siya ng pride. At para sa kanya ay napaka-childish ng dahilan ni Brie para magtampo ng ganito.
Pinatay na muna niya ang TV at tumayo na. Hindi pa rin siya makapagdesisyon kung magluluto ba siya o hindi.
Pa'no kung biglang dumating si Brie?
Napatingala sa itaas si Lorraine at umungol. "Ano ba, Lorraine... Ba't ka ba nagpapaapekto sa baliw na lesbian na 'yon?" Kastigo niya sa sarili.
Nagulat pa siya nang biglang mag-ring ang cellphone niya. Dali-dali niyang kinuha iyon. Napangisi siya nang mag-flash ang number ni Brielle.
"Sabi ko na, hindi ka rin makakatiis," aniya sa sarili bago pindutin ang accept button."O, bakit?"
"Gutom ka na ba?" Tanong ni Brie sa kabilang linya.
Napataas ang kilay ni Lorraine. "It's not like I don't have my own food here. Pakialam ko diyan sa pagkain mo," Pakipot muna niya.
Sa totoo lang ay halos ubos na rin ang stocks niya. Hindi pa siya nakapamalengke dahil abala na siya sa pagtuturo sa mga bata. Tamad na tamad din siya nitong mga nakaraang araw.
"Oh, really? Kaya pala nakikipagtalo ka riyan sa sarili mo," tudyo ni Brie.
Lumipad ang tingin ni Lorraine sa bintana. Nakapinid pa rin ang bintana at kurtina. "Are you spying on me?"
Bahagyang natawa si Brie. "As a matter of fact, yes. Alam ko ring hindi ka pa nagluluto. Kanina ka pang nakaupo diyan sa may salas."
Lumapit si Lorraine sa bintana at pilit inaninag si Brie sa kabila. "Hindi ka lang lesbian at baliw. Stalker ka pa."
Parang nai-imagine ni Lorraine ang pag-ikot ng mga mata ni Brie sa kabilang linya.
"Yeah. Yeah. But the point is... Alam kong gutom ka na. Gusto mo na bang pumunta na 'ko diyan?" Tanong ni Brie sa nanunudyong tono.
"Excuse me. Hindi ako nagugutom! At magluluto na kaya ako. 7PM pa lang naman."
As if on cue, Lorraine's stomach suddenly grumbled.
Biglang napahagalpak ng tawa si Brielle sa kabilang linya. "Hindi pala nagugutom, ha?"
Napaangil si Lorraine. For someone half-deaf, how did she hear that?
"Oo na! Nagugutom na nga ako. Pero magluluto ako 'no!"
"Aw, come on... Huwag ka nang mag-abala pa. Mapapagod ka lang. Isang sorry lang ang kailangan para pumunta ako diyan."
"At bakit ako mag-s-sorry, aber?"
"Kasi nga judgmental ka. Mag-sorry ka na kasi."
"Hindi ako judgmental. Nagsasabi lang ako ng totoo."
Biglang natahimik si Brie sa kabilang linya.
Natigilan naman si Lorraine. Very unusual kay Brielle ang tumahimik.
"Okay. Fine. Then, no food for you," malamig na wika ni Brie. Iyon lang at binaba na nito ang linya.
Halos hindi makapaniwalang napatitig na lang sa cellphone si Lorraine. Naasar man ay bigla siyang na-guilty. "Sumpunging lesbian," mahinang turan niya.
Napatitig muli siya sa bintana ng kapit-bahay, at pagkuwa'y tumitig muli sa cellphone. She was contemplating kung tatawagan na niya ito upang mag-sorry. Mukhang totoo talaga ang pagtatampo ng makulit niyang kapit-bahay.
She sighed defeatedly while rolling her eyes. "Fine." Pinindot na niya ang call button at inilapit sa tainga ang telepono.
Nakailang ring din bago sagutin nito.
"Sorry na. Okay?" Lorraine said sincerely.
GUMUHIT ang matagumpay na ngiti sa bibig ni Brielle. Sabi na nga ba at hindi nito matatanggihan ang pagkain. Siyempre ay nag-drama din siya ng kaunti. Pero totoo talagang na-offend siya.
"Gutom ka na talaga 'no?" Tanong niya rito.
Mula sa maliit na siwang ng kurtina ay nakita niya ang pag-ikot ng mata ni Lagring.
"Oo na. Kaya pumunta ka na dito. Malapit nang maubos ng mga bulate ang intestines ko."
Natawa si Brie sa sinabi nito. Nakita niya nang mapangiti rin ang masungit niyang kapit-bahay.
Hinawi na ni Brie ang bintana upang makita siya nito.
Bahagyang napaismid si Lorraine, ngunit hindi pa rin nawala ang ngiti.
"Food's coming," ani Brie bago ibaba ang linya.
Kinuha na niya ang pagkaing kanina pang nakatengga sa ibabaw ng sofa. Pagkatapos ay lumabas na siya ng apartment. Ini-lock muna niya ang gate.
Sinalubong siya ni Lorraine. "May patampo-tampo ka pa talagang nalalaman, ha..." Nakataas ang isang kilay na turan nito. Nabuksan na nito ang gate.
Umirap si Brie. "Masyado ka kasing judgmental."
Naglakad na sila papasok matapos i-lock ni Lorraine ang tarangkahan.
"Para kang ewan. No'ng ikaw ang nilalait ko, parang wala lang epekto sa 'yo. Tapos ngayon, nagagalit ka kahit hindi mo naman kaanu-ano 'yon."
"Iba naman kasi noon. Hindi pa tayo close no'n kaya hindi ako gaanong apektado."
"Anong connect? Saka... tayo? Close?"
"Bakit hindi ba? 'Eto nga't pinapatuloy mo na 'ko sa bahay mo." Unang beses niyang makakapasok sa loob ng bahay nito. Kadalasan ay sa garden lang sila.
Biglang tumigil si Lorraine mula sa pagbubukas ng front door at hinarap siya. Ikiniling ang ulo'ng tila nag-iisip. "Hm..."
" 'Oy may pagkain ako, oh..."
Bahagya itong natawa. "Oo na. Pasalamat ka at gutom ako," anito at binuksan na ang pinto.
"Patay-gutom ka talaga," biro dito ni Brie.
Pabiro siyang inangilan ni Lorraine. "Gusto mong palabasin ulit kita."
"Sige. Okay lang. Di, hindi ka rin makakakain," ganti naman ni Brie. Pabiro siyang huminto at humarap ulit sa pinto.
"Huwag ka nga!" Bigla siyang hinaltak ni Lorraine sa braso, "nagugutom na talaga 'ko eh!" Reklamo nito at kinaladkad na siya patungong salas .
Natawa si Brie. "Patay-gutom."
"Oo na! Basta't pakainin mo na 'ko. I'm starving!"
----
THE WORST thing that can happen to you in Manila was to got stuck on traffic.
Napaungol si Brie. Parang gusto na niyang magsisi na kinuha pa niya ang na-impound na kotse. Sana talaga ay nag-MRT na lang siya. Kahit halos magsiksikang parang sardinas sa loob ay mabilis namang makakarating sa opisina.
Galing Parañaque ay papunta siya ng Quezon City, dahil nandoon ang opisina ng RP.
Napatingin siya sa bandang kanan. Nasa Guadalupe na siya at halos bumper to bumper na ang mga sasakyan gayong alas-singko pa lang naman ng umaga.
Biglang may ideyang pumasok sa isip niya nang makita ang kalsadang papasok ng Guadalupe Nuevo. Ang lugar kung saan nakatira si Gelai.
Sinipat niya ang wristwatch na isang authentic na Seiko. May higit isang oras pa naman siya, at siguradong kakaunti lang din ang iuusog ng traffic kahit mga tatlumpung minuto na siya doon.
Napagpasyahan muna niyang iliko ang kotse at daanan si Gelai. Gusto lang niyang magpasalamat dito.
Natatandaan pa niya ang daan papunta doon.
Nang makarating ay kumatok siya sa bakal na gate. "Tao po!"
Nakailang katok pa siya bago may lumabas.
Bumungad sa kanya ay may katabaang babae na nakasuot ng maluwag na short at t-shirt. "Ano pong kailangan niyo?"
"Ah... Ate, nandiyan po ba si Gelai?" Magalang na tanong ni Brie.
"Gelai? Naku. Hindi na siya nakatira dito. Kakaalis lang niya kahapon. Umuupa lang iyon sa isa sa mga kuwarto dito," sagot ng babae.
Ikinagulat iyon ni Brie. Mukhang nagsasabi naman ito ng totoo. Napakamot siya sa ulo. "Gano'n po ba... Sige ho, maraming salamat na lang."
Hindi na siya nag-abalang magtanong kung saan lumipat si Gelai. Naalala niya ang banta ni Pen.
Papasok na sana sa loob ng kanyang kotse si Brie nang biglang mag-ring ang kanyang cellphone. Dinukot niya iyon sa bulsa at tiningnan ang caller ID.
Unknown number.
Napakunot ang noo niya. "Sino naman kaya 'to?"
Pinindot niya ang answer button. "Hello?"
Ilang segundong walang sumagot sa kabilang linya.
Lalong napakunot si Brie. "Hello?" Ulit niya.
Ibababa na sana ni Brie ang telepono nang biglang may boses ng babae ang magsalita.
"Didn't I tell you not to bother my friend?"
The voice was powerful and thick but not losing the womanly texture.
Biglang nanlaki ang mga mata ni Brie. Hindi siya nakapagsalita.
Could it be?