Straight-phobia (GirlXGirl)[C...

By angDiyosaNgBuwan

260K 11.9K 2.1K

"DON'T FALL FOR STRAIGHT GIRLS", iyon ang rule ni Brielle. Ngunit isang bagong kapit-bahay ang tila makapagb... More

ALL RIGHTS RESERVED © 2019
1. Brielle
2. Lagring
3. Attempts
4. Fair
5. Argument
6. Casualty
7. "That will Never Ever Ever Happen"
8. Don't Fall for Straight Girls
9. Trish
10. The Hunt for Pen
11. Pen
13. Unang Tampuhan
14. Mario
15. Overprotective "kuya"
16. Tagu-taguan
17. Pag-usbong
18. Green
19. A Scary Thing
20. A Scarier Thing
21. Love is in the Air
22. Feelings
23. Tulak ng Bibig, Kabig ng Dibdib
24. This is.... It!
25. Just do it
26. Opportunity Knocks Only Once
27. Break
28. Waiting For You
29. Mystery
30. "Mahal Kita"
31. Roller Coaster
32. Gone
33. The Moment of Truth
34. Kasal-Sakali-Saklolo
35. The Runaway
36. Official
37. Susô
38. "Tara, punta na tayo sa hell."
39. Ang Kasal
40. Ang Paghaharap
41. Ang Ganti ni Brielle
42. Tinik sa Daan
43. Ang Duwelo
44. Ang Debate
45. Ang Panibagong Simula
Author's Note
100k Reached

12. Pagbabalik

4.6K 228 28
By angDiyosaNgBuwan

MATAMANG pinagmasdan ni Brie ang bawat kilos ni Gelai. Hindi ito lumingon nang tawagin niya, ngunit nakita niya ang bahagyang panginginig nito.

"Pen," ulit niyang tawag dito.

Hindi pa rin ito tuminag at nagpatuloy lang sa pagbubukas ng pinto ng gate.

Si Trish na magkakrus ang dalawang braso ay napailing na lang. Hindi talaga ito kumbinsidong si Pen at si Gelai ay iisa.

"Pen, alam kong ikaw 'yan," hindi pa rin sumuko si Brie.

Nabuksan na rin ni Gelai ang pinto bagamat mukhang tensyonado ito. Nagkunwari itong walang naririnig at anyong dideretso na sa loob nang tawaging muli ni Brie.

"Gelai!"

Napabuntung-hininga ito at nilingon sila. Tila iritado ang mukha. Nangunot pa ang noo nito nang makilala sila. "Kayo? Sinundan niyo ba 'ko rito?"

"Ikaw si Pen, 'di ba?" Sa halip na sagutin ito ay tanong ni Brie.

"Pen? Nagbibiro ba kayo?" Tila hindi makapaniwalang tanong din nito.

Sandaling parang nagdalawang-isip din si Brie.

Tama nga ba ang hinala niya?

Napabilang si Pen sa listahan ng Most Influential Asians dahil sa mga revolutionary books na isinulat nito. Posible bang ang babaeng nasa harap niya, na kagaya ng sinabi ni Trish ay mukhang broke na kolehiyala, ay si Pen? At sa pagiging napakasikat at napakayamang writer, posible bang ang babaeng ito na puno ng kahungkagan ang mga mata, ay ang manunulat na iyon?

"Sabi ko naman sa 'yo, imposible na maging siya si Pen," komento naman ni Trish sa likod niya.

"Hindi nga ba?" Ikiniling ni Brie ang ulo kay Gelai. Bagamat base sa mga nakikita ng kanyang mata ay ni walang bakas ng Pen dito, iba ang sinasabi ng kutob niya.

"Sinundan niyo 'ko hanggang dito, dahil akala niyo ako si Pen?" Taas-kilay ni Gelai, "sino ba talaga kayo?"

Ngumiti ng tipid si Brie. "All right. Magpapakilala kami. Staffs kami ng Rainbow Productions, at hina-hunting namin si Pen."

"Brie!" Hinawakan ni Trish sa braso si Brielle, "huwag mong i-disclose sa kanya ang identity natin, ano ba..." Saway nito sa mahinang tinig.

Hindi nagpaawat si Brie. "Kung sakaling siya si Pen, at kung gusto talaga natin siyang makausap, kailangang huwag na tayong magpaligoy-ligoy pa," pagrarason niya kay Trish.

"And what if she's not? Baka ibuko niya ang pagpapanggap natin," pabulong pa ring kontra ni Trish.

"Umalis na kayo. Hindi ako ang hinahanap niyo."

Naputol ang pagtatalo nila nang magsalita si Gelai. Tumalikod na ito pagkatapos.

"Sige, babaguhin ko ang tanongkilala mo ba si Pen?" Habol dito ni Brie.

Napabuntung-hininga uli si Gelai at muling hinarap ang dalawa. "Kung sakali mang kilala ko siya ay hindi ko sasabihin sa inyo. Wala kayong mahihita sa 'kin," matigas nitong pahayag.

Bago pa ito makatalikod ulit ay agad nang nagsalita si Brie. "Sige... Ganito na lang. Kung sakali mang kilala mo siya — pakisabi na lang sa kanya na gustong i-produce ng RP ang libro niyang Enlightened. Wala kaming babaguhin na kahit ano doon. Hindi kagaya ng SHUN, pinapahalagahan namin ang mararamdaman ng writers. Wala kaming hakbang na gagawin na hindi muna isasangguni sa kanya. Hindi ka na namin kukulitin pa. At huwag kang mag-alala, wala kaming intensyong ibunyag ang katauhan ni Pen. Gusto lang talaga namin siyang makausap. Maraming salamat sa panahon mo." Bahagya pang yumukod si Brie matapos ang kanyang munting talumpati.

Napamaang na lang si Trish nang gawin niya iyon.

Hinila na rin ito ni Brie upang makaalis na sila.

"Did you just really bowed at her?" Paninigurado ni Trish.

Brie just smiled sheepishly as an answer.

Si Gelai naman ay nakakunot pa rin ang noo habang sinusundan ng tanaw ang papalayong likod ng dalawa.








----








"BRIE!!!"

"Whoa!" Nagulat pa ang noon ay katatayo lang na si Brie mula sa kanyang cubicle, nang bigla ay daluhungin siya ng yakap ni Trish. Hindi niya maintindihan kung bakit parang masayang-masaya itong nagtitili.

Pinagtitinginan na din sila ng mga kasamahan na halatang mga nagtataka rin.

"Brie, we did it! We got Pen!" Masayang-masayang balita ni Trish.

Namilog naman ang mga mata ni Brie. "We did??" Kasabay noon ay napayakap na rin siya kay Trish at nakitili na rin dito.

"I still can't believe it!" Bulalas ni Trish nang maghiwalay sila.

"Teka... Pa'no?" Tanong ni Brie.

Napahawak sa isang baywang si Trish. "Hm... I think you have been right after all," anito.

"See... I told you!" Proud na wika ni Brie, "so, si Gelai nga?" Hininaan niya ang tinig.

"Hm... I'm not sure though. And hey, she sent us a private letter." Iwinagayway nito ang isang puting sobre sa kamay.

Kinuha iyon ni Brie at sinipat. "Wow. We got a private message from Pen," masayang wika. Anyong bubuksan na niya iyon nang muling kunin ni Trish.

"Uh-uh... Not here," anitong umiiling. Inilapit nito ang mukha kay Brie. "Pen strictly said that it was meant for 'our' eyes only."

"Ohhh... Intriguing."

"So, let's go somewhere private. Come on." Hinila na nito si Brie palayo doon.

Nakasunod naman ng malisyosong tingin ang mga kasamahan nila.

"Somewhere private daw..." Mahinang wika ni Devin na sumilip mula sa cubicle nito.

"Go, bro! Enjoy!" Habol na sigaw ni Mario sa likod ng dalawa.

Napalingon naman dito si Brie at binigyan ito ng matalim na tingin. Gayon pa man ay nagtuloy-tuloy lang sila ni Trish at hindi na pinagkaabalahang itama ang iniisip ng mga ito.

Nakarating sila sa rooftop ng gusali.

"To Brielle Yulo and Patricia Vergara," ang basa ni Brie sa sulat. Napatingin siya kay Trish. "She knows our full name."

"Huwag ka nang magtaka. Baka nga ngayon ay may listahan na iyon ng buong angkan natin. After the stunt we've pulled?" Ika naman ni Trish.

Ipinagpatuloy na nila ang pagbabasa.

"A friend told me about you. I admire your persistence; therefore, I am accepting the offer. But note — DON'T EVER BOTHER MY FRIEND, ANYMORE. Or you'll be dead. Don't take this threat lightly, because I'm dead serious."

Nagkatinginang muli ang dalawa.

"Scary..." Kunwa ay kinikilabutang sabi ni Brie.

Tiniklop na ni Trish ang sulat. "Well... Understandable naman ang pagbabanta niya. But the point is..." Nag-pause muna ito, "we got Pen!" Muli nitong niyakap si Brie.

"Teka... May nakakalimutan ka yata," ani Brie nang kumalas ito. Ngumuso siya para ipahiwatig ang ipinangako nitong halik.

"Okay," tila walang-anumang tugon nito, "pikit ka muna."

"Ah... Exciting 'yan ah," ani Brie na pinagkiskis pa ang dalawang palad. Pumikit na siya habang nakanguso.

Maya-maya pa ay naramdaman na niya ang paglapat ng bibig nito sa balat niya.

Napamulagat si Brie. "Sa noo?? Bakit sa noo lang?" Reklamo niya.

"Bakit? 'yong pinag-usapan natin halik lang 'di ba? Hindi ko naman sinabing sa lips. Saka dapat matuwa ka, ibig sabihin ng paghalik sa noo, ginagalang kita," medyo natatawang pagrarason nito.

Napangiwi si Brie. "Ginawa mo naman akong bata. Ang daya-daya mo!" Sumbat niya.

"Hoy, teka nga lang, Brielle Yulo," anitong dinuro pa siya, "akala ko ba, motto mo sa buhay ang 'don't fall for straight girls'," nag-qoute pa ito sa pamamagitan ng daliri.

"Bakit? Sinabi ko bang ma-f-fall ako sa'yo?" Pagdadahilan naman ni Brie, " 'yong kiss ang pinag-uusapan natin dito. Madaya ka."

"O, sige. Ulitin natin. Pikit ka ulit."

Sumunod naman si Brie. Sumilip muna siya sa isang mata. "Tunay na 'yan ha. Sige, go."

Natatawang napatakip ng bibig si Trish. Kinuha nito ang kamay ni Brie at iyon ang hinalikan.

Napamulat na si Brie. "Ano ba yan! Ngayon, ginawa mo naman akong lola!"

"Hindi ah. Iyon ang ginagawa ng mga maginoong lalaki sa mga magagandang babae. I just gave you a noble's kiss," anito sabay tawa.

Napamaywang na lang si Brie. "Siraulo din 'to eh..."

Patuloy lang ito sa pagtawa. Napailing na lang siya. Natawa na lang din. Hindi niya akalain na ang inaakala nilang sosyal at hindi makabasag-pinggan na si Patricia Vergara ay may tinatago din palang ganitong side.








----








"LAGRING!!!"

Napaangat ng ulo si Lorraine nang marinig ang tawag na iyon. Nagwawalis siya noon sa tapat. Nakita niyang tumatakbo si Brie palapit sa kanya at may balak pa yata siyang yakapin.

Agad niyang itinaas ang kamay na tila sa traffic enforcer na nagpapatigil ng kotse. "Hep-hep-hep."

Napatigil naman ito. "Ang damot mo naman..." Nanunulis ang ngusong wika nito, "yakap lang eh. Hindi mo ba 'ko na-missed?"

Halos apat na araw ding hindi nakauwi si Brie. Tumuloy muna siya sa bahay nina Mario.

"At bakit kita mami-miss, aber?" Mataray na tanong ni Lorraine na nakapamaywang pa.

Inayos ni Brie sa balikat ang may kabigatang backpack. "Alam mo, hindi ka na nagbago. Napakasungit mo pa rin. May dala nga pala akong pagkain," ipinakita niya rito ang dalang Shakey's pizza na may kasamang fried chicken at mojos, "pa-blow-out ko kasi may malaking project kaming naisara. Nakuha lang naman namin ang pinakakilalang writer sa Pilipinas. Si Pen."

"Sino?"

"Si Pen. Sikat 'yon. Hindi mo ba kilala?" Takang tanong ni Brie.

"Ah... Iyong member ng Illuminati?"

"Anong member ng Illuminati ka diyan. Saan mo naman narinig 'yon?"

"Hindi ba nga? Siya iyong baliw na writer na kung anu-anong sinasabi tungkol sa mundo."

"Hoy, anong baliw ka diyan? Huwag mong matawag na baliw ang idol ko ah," alma ni Brie.

"Idol mo ba 'yon? Kaya pala baliw ka rin eh."

"Alam mo grabe ka talagang makapagsalita."

"Pakialam ko sa'yo. Umalis ka nga riyan. Palagi ka na lang nanghaharang!" Pagtataboy ni Lorraine. Sa tuwinang nagwawalis siya ay nandoon si Brie upang mangistorbo.

"Ayaw mo ba ng pagkain?" Tanong naman ni Brie.

Napatigil si Lorraine. "Oo nga pala. Siyempre gusto ko. Pahingi."

"Ayoko nga! Bawiin mo muna 'yong sinabi mo," ani Brie na iniiwas naman ang pagkain.

"Anong sinabi ko?"

"Bawiin mo 'yong sinabi mong baliw si Pen!" 

"At bakit naman? Sa baliw naman talaga siya, ah."

"Sige. Wala ka nang pagkain. Diyan ka na." Naglakad na si Brie palayo rito.

"Hoy!"














----
Na-missed ko si Lagring. Kayo ba?

— A.

Continue Reading

You'll Also Like

233K 9K 62
Gxg : Loving a married woman. Highest ranking: Number 1 gxg story Feb. 2019 #1 gxgstory June 10, 2020 #Completed (Nov. 2017...
961K 23.1K 43
Clarise Laine Montenegro: A student from engineering department, she's gorgeous, oozing with sex appeal and damn hot, there's no human being will not...
144K 5.3K 25
Alison Tuesca---Isang manloloko, manggagamit, at kulang sa pansing feelingera. Yan ang pagkakakilala ni Raven sa ex niyang iniwan siya matapos ng ila...
6.3M 96.2K 43
Warning:Rated SPG Location: San Antonio, Hacienda Miranda