Scary Stories 5

By Sheree_Mi_Amour

41.4K 1.3K 19

The stories you're about to read are not mine. These are all from the popular Facebook page "Spookify". Enjoy... More

Nueva Ecija - 1997
Ang MedRep
Maynila - 1993
Nueva Ecija - 1989
Tapik
Mindoro - 2006
Pamahiin sa Patay
Cagayan de Oro - 1950
San Mateo, Rizal - 1996
Bicol - 1955
Camping sa Baguio
PUP Scary Stories
Look Up, Up, Up
Serial Killer si Madam
The Horror Stories of Mindanao State University, Marawi City
Ilaw at Sigaw
The Customer
Opisina
R.L.E.
Full Moon
Nagpaparamdam na mga patay
Baguio Experience - 2019
Haligi ng Tahanan
Compiled Stories 1
Dugwak
Immersion (Parts 1-5)
Kulam
Caramoan
Accident call
Batangas (Bundok) (Parts 1-5)
Kapahamakan sa Kabundukan
Manggagamot
Bakanteng Lote
Nang dahil sa sampung piso
No one will know (Parts 1 & 2)
No one will know (Parts 3 & 4)
Compiled Stories 2
Station 4
Parola
Mananabtan
Katotohanan (Parts 1 & 2)
Ortigas - 6/29/19
Factory
Engineering Building
Bisita sa Bicol
Haunted Supermarket
Ang Engkanto sa Parking Lot ng Trinoma
Auntie V
Auntie V (Balikan)
Tubuhan (Parts 1 & 2 + Prequel)
Compiled Stories 3
Ingay ng Bulong (Parts 1 & 2)
Education Building
Bakuran
Mountaineer Stories
Hinang-hina ang Gabay namin
Playground of Ghost and Such (Parts 1-3)
Amadeuz Tale : Jenny
Salabay
Bulong
Past 3AM
Yaya
Ligaw
The Unsolved Mystery in my School
Compiled Stories 4
Unfamiliar face of a girl on the stair
Summer Vacation (Parts 1 & 2)
Training Center
The Museum
When Someone's Dying
Third Eye
Compiled Stories 5p
Orphanage
Sapi
Kababata/Baway
Random Stories (Parts 1 & 2)
Kasunduan sa Demonyo
Anita, Babaeng Itim, Paring Pugot at Retreat
Nakita Kita
Compiled Stories 6
Land of the Rising Sun
LAStsING
The Wake & The Game
Di na tayo pwede
Pag oras mo na, oras mo na
Compiled Stories 7
Boundary at Subdivision
Lungsod ng Quezon - 2009
About Doppelgangers
Kaybiang Tunnel Stories
Compiled Stories 8
Who is she? (Parts 1 & 2)
Mackaroo's Journal : My Last Confession
11/21
1994
Compiled Stories 9
Kay-Anlog Road
Ang Batang Tambay sa 14th Floor
Compiled Stories 10
Multo sa Mall?
Hilaga
Dalisay + Faith Healer
Earthquake Drill
Kuya Leo and Ate Lea
Gown
My Lola's Story (Parts 1-3)
Compiled Stories 11
Kulam Adventures (Parts 1-3)
Doppelganger Stories
The Chronicles of Nadia (Parts 1-5)
Compiled Stories 12
Stranger Danger
Dayo
Friday Night at Ang Babae sa Mall
NoSleep Series : Trabaho sa Dark Web (Parts 1-5)
Davao Doctors College (6th Floor Cad Bldg)
Unknown
Dyablo Island
Enchanted
Auditorium (Parts 1 & 2)
Kulam ba o Mental Illness?
Tubuhan: Triangle
Compiled Stories 13
Pamahiin
Ngiti
Engkanto
Compiled Stories 14
Madre
Me and My Two Best Friends (Parts 1-4)
Lason
Compiled Stories 15
Si Ninong (Parts 1 & 2)
Jose + Sumpa
Spirit of the Coin
Black Witch (Parts 1 & 2)
Compiled Stories 16
Mahiwagang Garden (Parts 1 & 2)
NoSleep One-shot Story : Ang Insidente sa Highway 1093
NoSleep One-shot Story : Parang may mali sa aking Lasik Surgery
The Sign
Compiled Stories 17
Compiled Stories 18
Compiled Stories 19
Kasabay
Ngayon naniniwala na ako
Papatayin kita
Mga kababalaghan
Naririnig kita
Compiled Stories 20
Compiled Stories 21
UV Express, Black and White Feathers at Si Anna
Psychosis (Caloy from Cebu)
Come Again
Compiled Stories 22
New Found Friend
Creepy Classroom
Bicol Dekada Otsenta
Hindi lang kami ang baliw dito, Miss
NoSleep (One-Shot Story) : Ang baog kong asawa ay nakabuo ng bata
Compiled Stories 23
Crematorium, 2012
Experiment
Compiled Stories 24
Mt. Cristobal (The Devil's Mountain)
Doppelganger Stories 1
Compiled Stories 25
Cronica Bruja : Hatid
Ilog sa Mt. Banahaw, Quezon Province
Compiled Stories 26
Compiled Stories 27
Ghost Wedding
Gutom (Parts 1-2)
Compiled Stories 28
Isay comes home (Parts 1-2)
Ricky's Wishing Coin
Stranger Danger (Parts 1-2)
Deliver us from evil
Kainan sa may Palengke
Anino (Parts 1-3)
The Bus Station (Thailand Tour)
Sine
Nawawala ang Nakaburol
Ang Babaeng pinaanak ang sarili (Parts 1-2)
Baboy
Kakila-kilabot na pagsalubong sa Bagong Taon
Till death, we'll never part (Parts 1-4)
Compiled Stories 29
Doppelganger Stories 2
Thou shalt not steal
Kerosene
Compiled Stories 30
Semana Santa
Huling gabi ng Santa Cruzan
Balkonahe (Lilac Story)
Poso
Kaibigan
At lumabas ang Halimaw mula sa Libro
Selos
Bahay-bahayan

My Lola and I (Parts 1-3)

178 7 0
By Sheree_Mi_Amour


PART 1

Hi. It's me again, Yukari. Sequel po ito ng 'My Lola's Story'. Wala na pong part 4 yun kasi this time kasama na ako ni Lola at naging saksi na rin sa mga kababalaghang pangyayari.

Year 1996 nung ipanganak ako dito ako sa Manila. Iniwan ako ng Mama ko nung 2 months old palang ako sa Papa ko dahil walang stable job si Papa. Nung mag-2 years old ako e iniwan naman ako ni Papa kay Lola Luna. Nag-decide si Papa na pumunta ng probinsya at doon magtrabaho dahil hindi sapat ang kinikita nya sa Talyer. Sa dagat kasi mahusay si Papa. Nung mag-4 years old ako nag-decide naman si Lola na sumunod kami kay Papa sa probinsya. Doon kaming tatlo nanirahan.  May alaala dito sa utak ko na hinding-hindi ko malilimutan sa maniwala kayo't sa hindi. Tuwing hapon umaalis si Papa para pumalaot at inaabot sya doon ng tatlong araw. Hatinggabi na noon, iyak ako ng iyak dahil hindi ako natimplahan ng gatas ni Lola. Nakatayo ako sa may bandang kusina namin habang umiiyak, nang may biglang malaking-malaking ibon ang bumaba sa likod ng bahay namin. Sobrang lakas ng pagaspas ng pakpak nya at sobrang lakas ng huni nya kaya napalingon at natahimik ako. "WAAAKKKKK, WAAAAKKKK, WAAAAKKKK!!" huni nya, nakakatakot. Kaya naman bigla nalang akong binuhat ni Lola at ipinasok sa kwarto. Kumuha sya ng itak, tinawag ang aso kong si Luck at Lumabas. Maya-maya ay narinig ko nalang ang paglayo ng ibon at pumasok na ulit si Lola kasama si Luck. Sabi sakin ni Lola "Wag ka na ulit iiyak. Dahil kapag umiyak ka pa ulit, kukunin ka ng malaking ibon." Natakot ako noon kaya hindi na ako umiyak. Ngunit gabi-gabi ay palagi nang nasa likod ng bahay namin yung ibon at hindi ako nakakatulog. Kaya naman nagpasya si Lola na iuwi nalang ulit ako sa Manila. Naiwan si Papa sa Probinsya at dito naman kami sa Maynila. Kasa-kasama ako ni Lola sa lahat ng pupuntahan nya dahil hindi nya ako pwedeng iwang mag-isa. Kaya kahit may papaanakin sya e kasama ako. Nung mag-11 years old ako, naiiwan na ako sa bahay dahil may kasama na akong kapatid ko. Madaling araw noon ng may sumundo kay Lola sa bahay dahil may manganganak. Kapag ganun na umaalis sya ay hindi ako natutulog hangga't hindi sya bumabalik. Pagkauwi nya kinabukasan kinuwento nya sakin yung naging karanasan nya dun sa bahay ng pinaanak nya. Sabi nya aswang daw yung tiyahin ng pinaanak nya, dahil habang nagle-labor na daw yung buntis e nagtataka si Lola bakit daw ayaw pang lumabas ng baby e ang lapit-lapit na daw ng ulo. Hirap na hirap yung buntis sa pag-iri, maya-maya nagulat si Lola kasi may kumakalmot ng nakasaradong bintana. Pilit na binubuksan, sobrang lakas ng pagkakakalmot, at nakakangilo. Maya-maya ay sumigaw daw yung buntis nang "Tiya mamaya kana pumasok! Ayaw lumabas ng baby ko kasi nandiyan ka! Maaa! Paalisin nyo si Tiya!" Maya-maya ay nawala yung pagkakalmot sa bintana kaya nakalabas agad yung baby, pero nung umiyak na yung sanggol, doon na naman nagsimula yung pagkalmot pero this time sa pinto naman. Parang gigibain nya daw yung pinto kaya matapos malinis ang sanggol ay pinagbuksan na sya ni Lola ng pinto. Matino naman daw yung itsura nya medyo may edad na. Tumakbo daw agad ito papasok at lumapit sa baby na nakahiga na sa tabi ng nanganak. Nagsalita daw si Lola "Amoy-amoy lang ha. Apo mo yan." Tumingin lang daw yung matanda kay Lola. Maya-maya ay pumasok na rin yung mga magulang at asawa ng nanganak kaya umalis na din si Lola at umuwi na.

Makalipas ang ilang buwan lumipat sila Tita Momo ng bahay malapit samin. Buntis si Tita Momo at inaaswang sya. Noong una hindi ko alam kung bakit pinipilit nya ako na samahan siyang matulog sa bahay nila. Wala kasi yung asawa nya tuwing gabi dahil minsan out of town ito kasama ng Boss nya, kaya naiiwan si Tita Momo kasama ang dalawa niyang anak. Hindi nya sinabi sakin nung una na inaaswang sya dhil ayaw niyang matakot ako. Isang gabi habang natutulog kami nagising ako dahil bumangon si Tita Momo. Nakaharap sya sa may pader na may butas (yung butas na naka-design na sa pader, madalas makikita sa lababo or cr. yung mukhang bintana), may ganun kasi silang bintana sa tapat ng kama kaya pag tumayo ka or umupo mapapatapat ka talaga doon. Bumangon si Tita Momo para umihi pero para siyang nanigas sa pagkakaupo nya sa kama. Nung hahawakan ko na sya sa balikat nya bigla siyang sumigaw kaya nagulat ako. Pagkaharap nya sakin umiiyak sya at sinabing may aswang daw. Nakita daw nya doon sa butas kaya naman dali-dali kong kinuha yung flashlight at itak saka binuksan ang pinto at lumabas. Pero laking gulat ko at nanigas ako sa kinatatayuan ko ng makita kong lumabas sa makipot na eskinita ang isang matandang lalaki. Tumingin lang sya sakin sandali at naglakad na rin papalayo. Sobrang takot yung naramdaman ko nun. Kaya naman matagal-tagal bago ako nakabalik sa ulirat nung sumigaw si Tita Momo at tawagin ang pangalan ko. Sinilip ko yung eskinita sa may gilid ng bahay ni tita Momo kung saan nakapwesto yung bintana nila nagulat ako ng makita ko kung gaano kakipot yung daan. Maski nga ako hindi magkakasya doon e. Pero yung matanda na yun doon sya lumabas. Nagtaka ako, paano siyang nagkasya dun e ang laki ng tiyan nya at medyo mataba sya. Matanda na yung lalaki. Mga nasa 50s. Nakikita ko na sya dahil asawa sya ng isa ring kumadrona. Kinabukasan pagkagising ko ng umaga, wala sa kama si Tita Momo kaya dali-dali akong bumangon at sakto namang paglabas nya sa cr. Umiiyak sya at biglang bumulwak yung dugo galing sa pwerta nya kaya naman tumakbo ako papunta sa bahay namin at tinawag si Lola. Pagkarating sa bahay nila tita Momo ay inasikaso agad sya ni Lola, inihiga sya sa kama at nilinis yung nagkalat na dugo. Kitang-kita ko yung fetus, nakunan si Tita Momo. Nilagay ni Lola sa garapon yung fetus at dinala sa Hospital si Tita Momo. Nang ma-i-confine si Tita Momo sa Hospital ay siyang dating ni Tito Jes (asawa nya) umuwi kami ni Lola at inempake namin ang iba nilang gamit at sinabi ni Lola kay Tito Jes na ilayo muna si Tita Momo doon. Sa probinsya muna sya pinagpahinga para hindi rin sya masyadong malungkot sa pangyayari. Tinanong ako ni Lola kung ano ang nangyari at inilahad ko naman ang lahat. Walang labis at walang kulang. Galit na galit si Lola kaya sinugod nya yung bahay ng matanda pero yung asawa nyang kumadrona ang humarap sa amin. "Ilabas mo ang asawa mo Nora! Alam kong alam mong inaswang nya ang anak ko. Parehas tayong kumadrona at obligasyon natin na magligtas ng buhay ng mag-ina pero bakit mo pinabayaang patayin nya ang apo ko?!" Grabe. Galit na galit si Lola kaya inawat ko na sya at sinabing ipagpasa Diyos nalang, kaya kahit papaano ay kumalma naman si Lola. Pero ako yung pinakana-trauma sa mga nangyari at nasaksihan ko kaya hindi ako nakakatulog ng maayos sa gabi. Natatakot akong matulog dahil nakikita ko yung mukha ng aswang at yung fetus. Kaya naman hindi ko pinapatulog si Lola hangga't gising pa ako dahil pakiramdam ko ay may mata na nakatingin sakin. Dinala ako sa rehab para mapabilis ang paggaling ko dahil pati pag-aaral ko naapektuhan. Hindi na ako pumapasok sa school dahil palagi akong tulala at bigla nalang iiyak. Pero hindi yun nakatulong dahil mas lalo lang akong natakot kaya iniuwi nalang ulit ako at pilit nililibang sa ibang bagay. Pinabantayan ako ni Lola kay Tito Rey kaya naman ng Lumipas ang ilang buwan ay nawala na rin sa isip ko yun. May isang gabi na inutusan ako ni Tito Rey na bumili ng softdrinks medyo late na rin kasi yun kaya madilim na sa daan, habang naglalakad ako ay may tumawag sakin kaya napahinto ako. Lumingon ako at nakita ko nga ang isang kakilala nung iharap ko na muli ang paningin ko ay may malakas na hangin ang dumaan sa harap ko at purong kulay puti ang nakita ko. Masyadong mabilis pero nakakakilabot dahil nagtayuan ang lahat ng balahibo ko at hindi agad ako nakagalaw. Kaya naman nung may makita akong kapitbahay na lumabas ng bahay nila ay agad akong tumakbo. Pinagpapawisan ako at nanginginig ang mga kamay habang bumibili ng softdrinks at tumakbo ulit ako pauwi. Pagpasok ko sa pinto namin ay umiyak ako at sinabi sa Lola ko ang nakita ko kaya naman pinagalitan nya si Tito Rey dahil gabi na daw ay pinapalabas pa ako. Akala ko nung una sa probinsya lang may mga engkanto or aswang. Sabi naman ni Lola kahit saang lugar daw ay meron. Bihira nga lang silang magparamdam o magpakita dahil maingay ang Maynila. Makalipas na naman ang ilang taon ay bumalik kami ni Lola Luna ng probinsya para doon tapusin ang high school ko dahil nandoon si Papa. 3rd year high school na ako nung mag-transfer ako doon. At doon na ako nagkaroon ng sariwang karanasan na hinding-hindi ko malilimutan.

Nagdesisyon kaming maglakad pauwi ng mga kaibigan ko galing school, marami naman kasi kami at dumaan sa kagubatan. Malayo kasi ang eskwelahan namin sa baryo kaya pag sa gubat kami dumaan ay shortcut. Inabot na kami ng dilim sa daan dahil 5pm ang out namin sa school. Mahigit isang oras din bago ka makarating sa baryo namin galing ng bayan kung nasaan ang eskwelahan namin. Habang naglalakad kami ay may mga kakaibang huni kaming narinig kinilabutan kami kaya naman nagtakbuhan kami. Dahil mabagal akong tumakbo, ako ang nahuhuli. Bago ka makalabas ng kalsada ay may paakyat na kabatuhan kang madadaanan, maraming puno sa paligid nun. Habang tumatakbo kami paakyat kumapit ako sa isa sa mga kaibigan ko dahil feeling ko bibigay na yung tuhod ko. Tumingala ako para humugot ng hininga ng mapatingin ako sa puno ng manggyum sobrang gulat ko dahil may nakita akong malaking aso na kulay itim. Sumigaw ako at napabilis ang takbo namin, pagkalabas sa kalsada doon na tuluyang bumigay ang tuhod ko at nahirapan na akong huminga kaya naman pinasan na lamang ako ng isa sa mga kaibigan kong lalaki hanggang sa makauwi. Galit ni galit si Lola noon sakin dahil bakit daw ako naglakad gayong may sundo ako at sa gubat pa daw talaga namin naisip na dumaan. Delikado daw dahil may mga engkantong nananakit o sumusugod. Kaya simula noon ay hindi na kami ulit dumaan sa gubat. Sa kalsada na kami naglalakad para kahit abutan man kami ng dilim ay may mga dumadaan naman na mangilan-ngilang sasakyan.

PART 2

Simula nung tumira ako sa probinsya namin e ang dami nang weird na pagyayari akong nasasaksihan. Tulad nalang nito. Sa probinsya kasi uso yung mga bahay na may silong tas kawayan yung sahig. Sa mga nakapunta na sa probinsya alam nyo na yan hehe. Tapos sawali yung dingding at gawa sa dahon ng niyog yung bubong, nakalimutan ko na ang tawag dun e. Tas may hagdan na dalawang baitang lang. Kaya magmumukha siyang kwarto kung magdudugtong kapa ng dingding sa baba. Ganun kasi ang itsura ng bahay namin e. Tas may papag pa kami sa baba kasi dun kami nagpapahinga pag tanghali. Tapos kapag nag-12mn na, pinapatay na yung kuryente sa buong Baryo. Tuwing gabi doon ako nakaupo sa papag namin kasi gumagawa ako ng takdang aralin bago matulog. Yung dingding namin sa baba gawa lang sa kawayan kaya kita mo yung labas. Pati mga pinto namin gawa lang din sa kawayan. May pinto kami papunta sa likod ng bahay kasi nandun ang cr nmin e. Pati sa kwarto namin. Minsan ako nalang mag-isa ang naiiwang gising. Nasa taas na sila lola at yung kapatid ko. Tapat naman ng bahay namin yung lumang balon. Pero hindi na itsurang balon. Hindi ko nga alam na balon pala yun kung hindi pa sinabi sakin ng kapitbahay namin e. Kasi giba na sya at natabunan na ng lupa. Kaya pala doon palagi nagsusunog si Lola. Tas sa tabi ng balon e kawayanan. Tas bago ka makalabas sa kalsada, damuhan ang daraanan mo. Looban kasi ang bahay namin e, sa may paanan kasi kami ng bundok. Lagi akong pinaaalalahanan ng Lola ko na bago ako matulog e magsindi ako ng mga gasera at ilagay sa bawat pinto (takot kasi ang mga engkanto sa apoy. masakit sa mata nila). Nung gabi na yun habang gumagawa ako ng takdang aralin ay hindi pa ako nagsisindi ng gasera. Kasi naman 9pm palang yun, e 12mn nga ang patayan ng kuryente. Ipinasok ko na ang aso kong si Azumi sa loob ng bahay at habang nalilibang ako sa ginagawa ko pakiramdam ko ay may nanunuod sakin tas biglang kumahol si Azumi. Sinaway ko sya pero di sya nakikinig, nakatingin sya sa may pinto. Tapos bumukas naman yung pinto sa kwarto namin. Umupo si Lola sa may pinto at sinabi saking "Sindihan mo na ang mga gasera at ilagay sa kani-kanyang pwesto. Dito mo na sa loob gawin ang takdang aralin mo." Nagtataka man ay sinunod ko na lamang sya. Nagsindi ako ng gasera at inilagay sa lapag sa may pinto sa harap at sa likod. Wala kasing ilaw sa kwarto namin. Nasa labas ang ilaw kaya doon ako gumagawa ng takdang aralin. Kaya nung matapos ako ay umakyat na ako at pumwesto sa may pinto ng kwarto namin dahil hagip yun ng liwanag. Nung magsisimula na akong magsulat, biglang nagsalita si Lola na "Wag ka ng pupwesto doon sa papag kapag ganitong gabi na. Dahil palagi kang pinupuntahan ng Kapre. Tulad niyan kanina, naramdaman ko sya kaya pagkabukas ko ng pinto ay nakita ko agad sya. Baka kunin ka nya kaya hangga't maaari tapusin mo ng maaga ang mga takdang aralin mo." Pagkasabi nya nun ay niligpit ko agad ang mga gamit ko at isinara ang pinto ng kwarto namin. Nagtalukbong ako ng kumot hanggang sa makatulog ako.

Kinabukasan, tinanong ko si Lola kung ano ang ibig niyang sabhin. Sabi nya may Kapre daw na bumababa galing bundok tuwing 5pm at nakatayo na daw agad yun sa may tabi ng kawayanan (uwi ko galing school). Kaya pala tuwing ganung oras nagsusunog si Lola ng insenso't kamanyang. Kaso, ilang araw nang hindi nakakapagsunog si Lola dahil busy sya sa isdaan. Tagabilad kasi sya ng isda at taga-file ng tuyo at daing na iniluluwas dito sa Maynila, kaya ginagabi na sya ng uwi at hindi na sya nakakapagsunog. Natakot ako nun kaya kapag nag-akyatan na sila Lola sa kwarto e hindi na ako nagpapaiwan. Tapos may isang gabi na inutusan ako ni Lola na bumili ng kape dahil gigising kami ng madaling araw dahil darating yung bangka na may dalang isda na idadaing. Sa likod ako ng bahay namin dumaan, kasi natatakot ako dumaan sa harap kapag ako lang mag-isa kasi nga madaraanan ko yung kawayanan at balon. Pagkauwi ko, papasok na ako sa pinto sa likod ng makita ko si Lola na nakatayo sa may pinto sa harap at may kausap sya. "Layuan mo ang apo ko." Dinig kong sabi nya. Na-curious ako kaya tuluyan na akong pumasok sa loob para makita ko rin kung sino yung kausap ni Lola sa Labas. Sumilip ako pero wala akong makita. Hindi napansin ni Lola na nasa likod na nya ako kasi busy sya sa kausap niyang hindi ko alam kung sino. "Hindi ko sya pwedeng ibigay sayo at hindi ako sasama sayo." Sabi na naman ni Lola kaya nagsalita na ako. "La, sinong kausap mo?" Napalingon sakin si Lola bigla niyang isinara ang pinto at pinapasok ako sa kwarto. Kinuha nya yung galon namin ng gaas at lumabas . Binuhos nya yung gaas doon sa tumpok ng tuyong dahon sa may lumang balon saka sinindihan. Ayun sobrng liwanag saka pumasok si Lola at sinara lahat ng pinto, nagsindi narin sya ng mga gasera at nilagay na sa mga pwesto nito. Tapos sabi nya skin matulog nadaw ako. At ginawa ko naman. Alam kona kung bakit. Lumipas ang ilang araw wala na akong kakaibang nararamdaman sa paligid. Tapos eto, gabi din nung lumabas kaming tatlo para makinuod ng Tv. Wala kase kaming tv kaya nakikinuod lang kmi,mayamaya ngsabi si Lola na mauuna na syang umuwi kase inaantok nasya, magsabay nlang daw kmi ng kapatid kong si Jester sa pag-uwi. 10pm narin at naglalakad na kmi pauwi ng matanaw naming nakabukas yung pinto at lumabas si Lola na may daladalang thermos. Nagtaka ako kung anong gagawin nya sa thermos? Magkakape ba sya sa waiting shed? Gabi na kaya. Pero nagulat ako ng makitang buksan nya to at isaboy sa paligid. Tumakbo papalapit si Azumi sa knya at kumahol ng kumahol tas bglang aalulong. Sumigaw kami at tinawag namin si Lola ng bigla rin syang sumigaw ng "TAKBOOO! BILISSS!" Nalilito man ay hinila ko si Jester at tumakbo narin kami papalapit sa knya, inilikod nya kami agad na parang pinoprotektahan at ipinasok sa loob ng bahay. Hindi ko talaga alam kung anong nangyayari kase wala naman akong nakikitang kakaiba hanggang sa pumasok si Lola at kinuha ang itak at itarak nya sa lupa sa may bandang pinto, pati narin yung bagong kulo na tubig. Sinalin nya sa plangganita yung tubig, binuksan ang pinto at isinaboy sa labas ang mainit na tubig sabay sigaw ng "PESTE KAYONG MGA ENGKANTO KAYO! LAYUAN NYO KAMI NG MGA APO KO." At doon ko narinig yung malakas na huni ng manok. Palakas ng palakas yung huni. Parang galit na galit yung mga manok. E wala naman kaming alagang manok. Mayamaya nawala narin. Pagkapasok ni Lola ay isinara at kinandado na nya ang pinto. Pinaakyat na nya kami sa kwarto at umakyat narin sya.Tinanong ko sya kung ano yun? Sabi nya ayun daw yung engkantong delikado yung nagpapanggap na kahuni ng manok dahil pumapasok daw yun sa loob ng bahay at nananakit. Sumusugod daw ang mga ganoong klase ng engkanto kaya kailngan daw mag-ingat. Kapag mahina ang huni ibig sabhin malapit lang, pero kapag malakas ibig sabhin malayo na. Kaya pala sobrang lakas nung nadinig ko kase malayo na sila. Ikaw ba naman sabuyan ng kumukulong tubig e di kapa ba aalis? Lumipas na nman ang ilang buwan at wala nayun sa isip ko. Madaling araw noon ng magising kmi ni Lola dhil sa lakas ng pagaspas ng pakpak ng mga kwago. "Pakinggan mo silang maigi Yukari." Sabi ni Lola. Mygad para silang nag-uusap. Huhuni yung isa ng ganito. "KOOOK KOOOOK KOOOK" Sobrang buo at sobrang laki ng boses, nung matapos sya ay may sumagot sa knya, kapareho din ng huni magkaiba lang ng boses. Sa palagay ko babae at lalaki sila. Nagulat ako ng may kumatok sa bahay nmin, napakapit pako kay Lola sa takot kaya nakotongan nya tuloy ako kase nagulat sya sa ginawa ko. Narinig namin na tinatawag yung pangalan ni Lola. "Ate Luna! Si Roger po ito, manganganak napo yta si Ruby. Bumaba si Lola at pinagbuksan sya ng pinto. "Paanong manganganak e hindi pa nya kabuwanan. Magwawalong buwan palang ang tyan nya." Sagot ni Lola. "Sumasakit nadaw yung Tyan nya Te, parang lalabas nadaw yung baby." Kinuha ni Lola yung mga gamit nya at sinabi nya saking. "Halika Yukari, sumama ka sakin." Tumutol ako "Pano si Jester? Iiwan natin syang mag-isa dito? Baka aswangin sya!" Natawa ang Lola ko at sinabing wag daw akong mag-alala dahil walang gagalaw kay Jester. Kinausap ng Lola ko si Azumi na animo'y isang tao at sinabing bantayan si Jester. Umalulong si Azumi, alam ko kapag ganun sya ibig sabhin may elemento sa paligid, sinara ko ang pinto ng kwarto pati pinto sa baba at sumunod na kay Lola sa Labas. Pagkalabas namin lumipad naman yung mga kwago. Kala ko umalis na sila pero nagkamali ako. Kase pagkaakyat namin sa bundok kung nasaan ang bahay nila ate Ruby ay nandoon din ang mga ibon. Nakasampa sila sa sanga ng puno sa likod ng bahay nila ate Ruby. Kitang kita ko ang malalaki at bilog nilang mata. Pagkapasok sa Loob ng bahay ay naabutan naming dinudugo si ate Ruby. Sbi ni Lola delikado daw yun at baka makunan sya. Umiiyak na si ate Ruby sa sakit ng biglang humuni ng napakalakas yung mga kwago, jusme ang lapit lang nila. Nasa likod lang sila ng bahay at narinig ko nalang yung mga kahol at alulong ng mga aso. Pumasok si kuya Roger at sinabihan sya ni Lola na magsiga sa Likod ng bahay nila, paapuyin nya ng sobrang maliwanag at ibababa daw namin si ate Ruby para dalhin sa Hospital. Ginawa nga yun ni kuya Roger. Lumabas sya at sumunod naman ako sa knya sa likod ng bahay nila. Nagulat ako ng makita ang limang malalaking aso na galing pa sa baba ng bundok. Aso ng mga kapitbahay namin. Tahol sila ng tahol habang nakatingin sa puno kung nasaan ang mga kwago. Nung magsindi na si kuya Roger, lumiwanag ng sobra at lumipad papalayo ang mga kwago at nagsialisan nadin ang mga aso. Pumasok ako sa loob at tinulungan si Lola na alalayan si ate Ruby pababa. Isinakay sya sa L3 ng kapitbahay namin at sumama si Lola. Pinauwi nako ni Lola at sya nadaw ang bahala doon. Pagtingin ko sa relo ko ay 4am palang. Natakot akong umuwi kaya nagpasama ako sa pinsan kong lalaki na nagtatrabaho sa isdaan. Hinatid nya ako sa bahay at hindi iniwan hangga't hindi nagliliwanag. 7am narin ng makauwi si Lola at sinabi nyang ligtas naman daw yung mag-ina. Inengkanto daw si ate Ruby at yun yung mga kwago nayun. Mygaaadddd.

Note : Sa mga nagtataka po kung paano ako nagkaroon ng kapatid dun sa Part 1 gayong hiwalay ang parents ko, actually pinsan ko si Jester. Anak sya ni Tito Rey, 17 lang kase si Tito Rey nung makabuntis sya at hindi nya pa kaya ang responsibilidad kaya iniwan nya rin kay Lola si Jester at tinuring ko naman itong kapatid. At yung kay Papa naman kung bakit di namin sya kasama e sya nga ang dahilan kung bat nasa Probinsya ako e sa kadahilanang nasa ibang isla po sya at kasama ang bago nyang pamilya.

Thank you po sa mga matiyagang nagbabasa ng stories ko.

Part 3

(Di masyadong nakakatakot)

Nung mag-4thyear HS nako napilitan akong huminto ng pag-aaral dhil kinakapos na kami ng pinansyal. Ngtrabaho ako bilang kasambahay sa parteng Syudad ng Probinsya namin. Nging maayos naman ang ilang linggo ng pamamalagi ko doon. Mababait ang naging amo ko, mag-asawa sila at may tatlong anak. Dalawang lalaki at bunso ang nag-iisang babae. 14years old ako noon at 10years old yung alaga kong babae. Isang araw nagbilin sakin si Ate Mina(Amo kong babae) na may out of town daw silang mag-asawa kaya ako na muna ang bahalang mag-asikaso sa mga anak nya lalong lalo na sa bunso. Kinagabihan dahil tatlo lang naman kaming naiwan sa bahay dahil yung panganay na anak ay sa barkada nakitulog nagdesisyon kaming sa sala na lamang matulog. Naglatag kami ni Rein ng kutson sa lapag dahil sa Sofa daw matutulog si Rod. nanunuod kami ng tv ng mapansin kong tulog na si Rein kaya sinabi ko kay Rod na matutulog nadin ako, pero nagsalita sya. "Kung anuman ang maririnig mo mamayang madaling araw, wag na wag mong papansinin." Kinilabutan ako sa sinabi nya kaya tinanong ko sya kung bakit. "May naglalakad kase dito twing madaling araw, babae na nakakatakot yung mukha, kaya kung ayaw mong maalala mo sya gabigabi wag mo nasya titingnan." Kala ko nagjojoke lang sya kaya hindi ko na pinansin. Nagtalukbong ako ng kumot at ipinikit ko ang mga mata ko. Narinig kong namatay na ang tv at nagsalita si Rod na matutulog nadin daw sya. Hindi nako sumagot para maisip nyang tulog nako at hindi na magkwento ng nkakatakot pa. Palalim na ang tulog ko noon ng maalimpungatan ako dahil may naririnig akong naglalakad. Iminulat ko ang mata ko habang nakatalukbong prin ng kumot at tiningnan ang relo kong glow in the dark. Patay na kase yung ilaw, pagtingin ko sa relo ay 3:13 am na, ang babaw lang ng tulog ko kaya ipinikit kong muli ang mata ko at kinalma ang sarili ko upang makatulog akong muli. Ngunit sadyang usyusera ang tenga ko. Dahil naririnig ko parin ang lakad na dahan dahan at pabalik balik lang. Yun yung lakad ng nkayapak tapos dumidikit yung talampakan sa linoleum. Kaya sa katahimikan ng madaling araw malakas yun sa pandinig ko. Aalisin ko na sana ang talukbong ko dahil baka mamaya magnanakaw yun ngunit naalala ko ang sinabi ni Rod. Kaya ipinikit kong muli ang mga mata ko, naging malikot ako sa pagkakahiga ko dahil sa sobrang kaba. Sa mga napapanuod ko kase sa tv pagdilat mo anjan na yung multo sa tabi mo kaya sobrang natatakot talaga ako. Gusto kong magsalita kaso baka lumapit sya sakin. Nagulat ako ng may biglang humihip sa tenga ko, kahit na nakakumot ako e tumagos yun, takte kaya tuluyan nakong napasigaw, napatayo at tumakbo papuntang switch. Binuksan ko ang ilaw at nagising silang dalawa. Umiiyak nako sa takot kaya nilapitan at niyakap agad ako ni Rod. Hindi na kami nakatulog hanggang magliwanag. Matapos ng pangyayaring yun ay gabi gabi bago ako matulog nakikita kong may pigura ng tao sa Dyelosi naming bintana sa may kwarto, tapos twing tanghaling tapat pag ako lang mag-isang naiiwan sa bahay dahil may mga trabaho at pasok sila sa school bgla nalang may babagsak na kaldero o kaya sandok sa kusina, kaya nagdesisyon akong umuwi nalang samin dahil hindi ko na kinakaya ang takot. Di ko alam kung multo ba yun o engkanto. Pero mas naniniwala ako sa engkanto kesa sa multo. Nung makauwi nako samin kinwento ko lahat sa Lola ko habang umiiyak kaya sinabi nyang hindi nadaw ako babalik doon. Marahil daw ay bantay ng bahay ang nilalang na iyon. Makalipas ang isang taon balik eskwelahan nako. Ngunit nang magtatlong buwan ay nagkaroon ng mga hindi magandang pangyayari sa school kaya isang linggo kaming nawalan ng pasok(may kwento din to). Saktong sakto at pyesta sa kalapit na isla, inaya ako ng kaibigan ko na dumayo daw kami doon kase may kuya naman daw syang nakatira doon kaya walang dapat ikabahala. Nagpaalam ako sa Lola ko na sasama nga kay Ces sa kalapit na isla pero labis ang pagtutol ng Lola ko. Delikado daw na basta basta nalang dumayo dahil hindi ko kabisado ang lugar sa probinsya namin. Nagpumilit parin ako at iniyakan si Lola para lang payagan ako. Nagalit pa ako sa knya kaya wala syang nagawa kundi ang pumayag nalang. Nakarating kami sa isla na yun at nagsaya, friday kami dumating doon, kumain ako ng mga handa tulad ng spaghetti, pansit, salad, lechon at kung ano ano pa. Nakipagsayawan at nakipag-inuman kami dahil nga fiesta. Kinabukasan naman araw ng sabado pumunta kami sa isang beach at nagswimming. Linggo na kami umuwi, habang nasa byahe kami sakay ng bangka pauwi ay maayos na maayos ako. Ngunit pagkarating sa bahay, pagkaapak na pagkaapak ko sa may pintuan namin ay bgla nalang akong hinimatay. Nagising akong nakahiga na sa kwarto namin at nakita kong pinupusan ako ni Lola ng towel na may maligamgam na tubig. "La, anong nangyari?" Tanong ko sa knya. "Anong nararamdaman mo?" Balik tanong naman nya skin. Pinakiramdaman ko ang sarili ko, kada igagalaw ko ang ulo ko ay matinding hilo ang nararamdaman ko.

At hindi ko gaanong maigalaw ang mga kamay ko, masakit ang sikmura ko at nanlalamig ako, pawis na pawis at nanghihina. "La, nilalagnat bako?" Tanong ko kay Lola sa sobra kong pagtataka. "Sa tingin ko ay nausog ka, yan nanga bang sinasabi ko e. Paano natin ngayon hahanapin yung taong may kagagawan nyan? May bumati ba sayo? May tumapik? Natatandaan mo ba ang mukha? Hays. Ang tigas kase ng ulo mo." Sunod sunod na tanong ni Lola. Natakot ako kase sabi nila pag hindi mo daw naibalik yung usog ay may posibilidad na mamatay ka. Isang linggo akong nakaratay, hindi nakakaupo at hindi nakakatayo. Dumating pa sa puntong hindi nako nakakakain at nakakapagsalita. Sobrang putla ko na at sobrang payat pa. Malamig din ang katawan ko, kaya pala maligamgam ang laging ipinipunas sakin si Lola. Hindi naman nya ako madala sa Hospital dahil sa syudad pa iyon, center lang ang meron kami sa bayan, kapos pa kami sa Pinansyal. Isang umaga nagising ako dahil narinig ko si Lola na umiiyak at may kausap sa selpon. "Ano na? Hindi mo man lang ba pupunthan ang anak mo dito? Nakaratay ang anak mo at hindi ko alam kung hanggang kelan nalang ang itatagal ng buhay nya. Wala ka man lang malasakit, wag ka naman sanang gumaya sa Ama mo na kayang pabayaan ang sariling anak.... Albularyo? Bakit dadalhin sa albularyo? Alam mong hindi ako naniniwala doon..... Hahanapan ko ng paraan pero kapag namatay ang anak mo itatakwil kita." Yun lang at tuluyan ng umiyak si Lola. Sa may papag sa baba sya nakaupo pero rinig na rinig ko sya sa kwarto. Naiyak ako noon at naisip ang pagkakamaling ginawa ko. Na sana nakinig ako sa Lola ko dahil mas marami syang nalalaman kesa sakin. Ang tigas tigas kase ng ulo ko. Ipinikit ko ang mga mata ko at nanalangin na nawa ay bgyan pa ako ng isa pang pagkakataon na mabuhay. Hanggang sa marininig kong may tumawag kay Lola, si Lola Mely kapitbahay namin at madalas kakwentuhan ni Lola. Umakyat silang dalawa ni Lola sa kwarto. Inalalayan ako sa pagbangon ni Lola at nakita ko yung daladalang bote ni Lola Mely, may laman itong mga ugat ugat at ang akala ko ay tubig ang nasa loob dahil malinaw ang likido nito pero sinabi ni Lola Mely na langis daw iyon. Pinainom nya ako ng dalawang kutsara, nakakadiri ang lasa, para akong uminom ng mantika. Makalipas ang ilang minuto ay prang hinalukay ang sikmura ko. Sumuka ako ng sumuka at nailabas ko lahat ng kinain ko nung nasa kalapit na isla pa ako. Buong buo pa yung pasta ng spaghetti. Nakkapagtaka man dhil ilang araw akong hndi nakkakain ng maayos pero ang dami kong isinuka, at yun pa yung mga kinain ko pa nung nasa kabilang isla ako. Mejo gumaan ang pakiramdam ko. "Pagpahingahin mo muna sya Luna, pakainin mo sya ng maigi upang bumalik ang lakas nya." Wika ni Lola Mely. "Anong nangyari sa knya? ang akala ko ay nausog sya." Tanong ni Lola Luna. "Nalason sya. Lason sa hangin ng islang yun. Marahil nagpakawala ng lason yung manglalason at sumama sa hangin kase alam nyang maraming dadayo dahil may okasyon. At dahil baguhan ang apo mo ay nalason sya ng malanghap nya iyon." Paliwanag ni Lola Mely.
"Pero kung nalason sya dapat ay doon palang nagkaganyan na sya, dahil tatlong araw sya doon." Sagot nman ni Lola. "Luna, hindi iyon mga pangkaraniwang lason, may lason na sa isang tapik lang sayo pwede kanang mamatay oramismo. Tulad nalang ng kaibigan ng anak mo, hindi bat tinapik lang yun? pero makalipas ang ilang minuto ay namatay sya sa daan. Meron din namang babatiin ka o usog. Yung lason sa apo mo ay lason na eepekto lang oras na lisanin nya ang lugar kung saan sya nalason." Paliwanag ni Lola Mely. "Ngayon, naiintindhan ko na. Salamat." Pasasalamat ni Lola Luna. Sa totoo lang aware kami sa mga usog at pagbati dahil minsan narin akong nausog nung nasa Manila pa ko nawala lang yun ng malawayan ako. Nung una nga hindi ako naniniwala doon e, kadiri naman kase ang malawayan ka ng iba. Yung tungkol naman sa tapik, naikwento yun ni Papa nang minsang mag-usap kami sa selpon bago kmi pumunta ng Probinsya. Mag-ingat daw kami dahil yung pantalan na dadaungan ng Batil na sinakyan nmin ay delikadong isla. Marami daw doon manlalason na kaya kang patayin sa isang tapik lang, ganoon ang nangyari sa kaibgan ni Papa habang naglalakad sila doon upang bumili ng materyales sa bangka at saksi sya sa pangyayaring iyon. Bilin nya pa samin na wag muna bumaba ng Batil habang wala sya, at kung may tumapik man samin ay kailangan tapikin din namin pabalik, kapag may bumati nman ay batiin din namin pabalik. Dahil yung kakilala naman ni Lola noon na isang magandang dalaga ay naisama papuntang siquijor, may bumati daw sa knya doon na ang ganda ganda daw nya lalo na yung ilong nya. Kaya nung makauwi ang dalaga sa knila ay nagumpisa nang kumati ang ilong nya hanggang sa maagnas. Kaya simula ng pangyayaring iyon kapag sinabi ng Lola ko na wag pupunta doon, wag sasama kay ganito, ay sinusunod ko na lamang sya. Mahal ko pa kase buhay ko e . Kaya sobrang pasasalamat ko noon na binigyan pa ako ng Diyos ng ikatlong pagkakataon na Mabuhay.

Opo pangatlo na ito dahil yung pangalawang beses na nalagay sa bingit ng kamatayan ang buhay ko ay pinaghina ng Evil Spirit ang katawan ko. Hindi po ako napossess iba po yun, bgla nalang humina ang katawan ko noong 8years old ako . Sa Manila pa po kami nakatira noon. Ilang Hospital na ang pinuntahan namin pero walang may gustong gumamot sakin dahil walang findings ang mga Doctor. Sabi nila patay nadaw dapat ako dahil malamig na ang katawan ko. Nangingitim nadin ang mga kuko ko, sobrang putla na mejo naninilaw at sobrang payat. Maski biscuit hindi ko na kayang kainin at pati tubig hindi ko na kayang lunukin. Nung dalhin nila ako noon sa Hospital si tita Risa ang bumuhat sakin, sabi nya sobrang gaan ko daw, para syang bumuhat ng manika. Tinanggap na noon ng Lola ko ang kamatayan ko at hinihintay nalang kung kelan ako babawian ng buhay, dumating nadin ang mga relatives ko sila tita Momo at si tito Rey. Si tita Risa naman ay nasa bahay na noon pamang magkasakit ako para may katuwang si Lola sa pag-aalaga, wala si Papa noon nasa Province. Ipinatawag ni Lola yung Pastor namin para ipagpray ako bago mamatay. Dumating yung Pastor namin at sinabing hindi pa ako mamamatay, ipinagpray nya ako ng matindi at habang ginagawa nya yun nananakit ng sobra ang mga buto ko. (Uulitin ko, hindi po ako sinapian pero may nagpapahirap sakin, hindi din po ako kinukulam.) Umiiyak nako sa sobrang sakit ng mga buto ko hanggang sa bitawan ni Pastor ang salitang. "Sa PANGALAN NG PANGINOONG HESUKRISTO NA ATING TAGAPAGLIGTAS AT SA KAPANGYARIHAN NG DAKILANG DIYOS AMA, KINAKALAGAN KO ANG WALANG HANGGANG KAPANGYARIHAN LUMAYAS KA ESPIRITU NG KARAMDAMAN SA KATAWAN NG BATANG ITO." At nawalan na ako ng malay. Pagkagising ko nkita ko lahat ng pamilya ko na nakaabang sa paggising ko at umiyak ng umiyak si Lola at niyakap ako. Niyakap ko pabalik si Lola at doon ko napagtanto na bumalik na ang lakas ko. Lagi akong sinusubok ng Dyablo sa aking kalusugan pero kung malakas ang pananampalataya at pagtitiwala mo sa Panginoong Diyos walang sinuman ang maaaring makapanakit sayo, ito man ay Elemento ng Dilim, Engkanto, Multo, Aswang o Masamang Espiritu. Manatiling manalangin sa Diyos na Lumikha sapagkat ang Pananampalataya sa knya ang pinakamabisang Panlaban sa anumang uri ng Kapahamakan.
N/: Pasensya napo kung hindi sya nakakatakot. Gusto ko lang ishare to kase Lesson Learned din sya.
Maraming salamat po sa mga nagbabasa ng Stories ko. Nawa'y ingatan kayo palagi ng ating Panginoon!

-YUKARI.

Continue Reading

You'll Also Like

155K 6.4K 63
Highest achievement: Rank 6 in Horror Simula ng makatanggap ako ng note, sunod-sunod na ang kababalaghan. At nalaman ko nalang na ang simpleng note n...
15.8K 755 27
Walang ibang hangad si Dra. Chenimeth Bayron kung hindi ang makapagbigay ng libreng serbisyo sa mga kapos-palad. Dahil dito, napagpasiyahan niyang su...
Turo Game By Nhico Divelton

Mystery / Thriller

32.6K 1K 25
Matapos ang bangungot na naranasan nina Marissa at Kevin sa bayan ng Kalu ay namuhay sila nang payapa at bumuo ng isang masayang pamilya. Lahat ng mg...
204K 6.1K 71
Hinghest Achievement in Horror - #7 Transfer Student si Jasmin Fajardo sa Kirin Art Academy , Eskwelahan na akala niya ay Normal ngunit hindi pala...