The Odds Against Us

By aerudeity

57.3K 2.1K 365

When an unexpected man in a black mask appeared in front of her door and introduced himself as the grim reape... More

Simula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17

Kabanata 8

1.8K 120 11
By aerudeity

MAURICE

Naalimpungatan ako nang marinig ang malakas na tunog ng alarm mula sa'king cellphone. Kinuha ko mula sa mesa ang cellphone ko para patayin ang ingay na nagmumula rito. Bumangon ako sa'king kama at sinuot ang sapin sa paa.

Papikit-pikit pa ang mata kong pumunta sa banyo para maghilamos.

Tumingin ako sa salamin at nakipagtitigan sa dalawang magagandang pares ng mata.

"Ano nga ba 'yung napanaginipan ko?" Wala sa sariling tanong ko.

Alam kong may napanaginipan ako pero hindi ko lang talaga maalala. Gustong-gusto kong malaman kung ano 'yun pero nananakit lang ang ulo ko sa kakaisip.

I have this gut feeling na parang mahalagang parte iyong ng pagkatao ko.

Napabuntong-hininga na lamang ako bago tuluyang hinubad ang lahat ng saplot ko sa katawan upang maligo.

Habang nag-aayos ng sarili ay hindi ko mapigilang maalala ang nangyari kahapon.

Pagkatapos madala ni Daniel sa hospital ay pinasuspinde na lahat ng klase. Hindi ko na nga nakita pa sina Briece, Neron at Shai simula ng umalis sila sa cafeteria.

Hindi na rin ako pumasok sa Coffee Shop dahil sa nangyari.

Natapos ako ng pag-aayos sa sarili. Bumaba ako mula sa kwarto ko at dumiretso sa kusina para magluto ng almusal. Dadamihan ko na rin para may maibigay ako kay Daniel kapag bumisita ako sa kanya mamaya.

Napatigil ako sa pagpapalaman ng tinapay ng makarinig ng mahinang pagkatok sa pintuan ng apartment. Kaagad namang napakunot ang noo ko.

Sino naman kaya ang kakatok ng alas-kwatro ng umaga?

Itinigil ko ang ginagawa ko at lumapit sa pintuan para buksan.

"M-Maurice."

Nagulat ako ng bumungad sa'kin si Briece. Nakasuot pa rin siya ng pantulog at halatang galing sa mahabang takbuhan dahil sa pawis at gulo ng buhok niya.

Kaagad niya akong niyakap at humagulhol sa balikat ko. Ipinatong ko naman ang kamay ko sa likod niya at dahan-dahang hinaplos para pakalmahin siya.

"Pasok tayo sa loob," anyaya ko bago ko sinara ang pinto.

Pinaupo ko siya sa sofa bago kumuha ng tubig sa ref.

"Ito, o. Inom ka muna," kinuha naman niya ang tubig at inubos kaagad ang laman nu'n.

Umupo ako sa tabi niya. "Sorry, ha. At naabala pa kita," aniya.

Ngumiti naman ako sa kanya. "Ayos lang," sagot ko dito.

"S-Salamat."

Isang mahabang katahimikan ang nangyari sa'ming dalawa bago niya iyon pinutol.

"I'm sorry kung tumakbo ako kahapon. Nakokonsensya talaga ako kaya 'di ko na matiis na puntahan ka. Hindi ako makatulog."

"Briece, alam naman naming may dahilan ka, e. Kaya 'wag ka ng makonsensya."

Lumandas ang lungkot sa mga mata niya. "I'm sorry, naging duwag ako."

Umiling ako sa sinabi niya. "Ayos lang maging duwag. Normal lang 'yan sa tao."

"Pero tumakbo ako. Tumakas ako. Nakokonsensya ako, Maurice. Nahihiya ako kay Daniel. Hindi ko alam kung paano siya haharapin."

"Briece," tawag ko.

Napatahimik naman si Briece at tumingin sa akin.

"Alam ko naman na may dahilan ka kung bakit ka tumakbo kahapon. Hindi mo na kailangang magpaliwanag sa kin."

Tumango lang siya at napayuko.

"May problema ba?" Nag-aalalang tanong ko.

Para kasing hindi 'yung tungkol kahapon ang pinunta niya dito. Alam kong may iba pa siyang dahilan lalo pa't nagmamadali siyang pumunta sa'kin.

Nagkaroon ng katahimikan sa pagitan naming dalawa.

"Nag-away kami ng Mama ko," pagsisiwalat niya.

Hindi ako umimik at pinakinggan lang siya.

"N-Nalaman niya kasing takot ako sa dugo. Nagalit siya sa akin."

"Dahil hindi mo sinabi?"

Tumango siya.

"Alam mo... hindi ko talaga pinangarap maging doktor."

Nagulat ako sa isinawalat niya. Kaya pala kahit takot siya sa dugo ay no choice siyang i-pursue ang pagiging doctor.

"Magulang ko lang naman talaga ang may gusto nu'n, e. Kahit takot ako sa dugo at nasusuka sa amoy ng mga gamot, sinunod ko pa rin sila."

"Why didn't you tell them?"

"It was my choice na sundin sila."

Tumingin siya sa akin at mapait na ngumiti.

"Gusto kong abutin ang pangarap ng Kuya ko. Para sa kapatid ko... bibitawan ko ang sarili kong pangarap."

Bibitawan niya ang sarili niyang pangarap para sa kapatid niya?

Ganu'n na lang ba talaga kahalaga ang kapatid niya na handa niyang bitawan kahit ang sarili niyang mga pangarap?

Hindi ko alam ang dapat sabihin kay Briece. Walang salitang lumalabas sa bibig ko upang pagaanin ang loob niya. Para bang natakot ako sa mga salitang maaari kong sabihin sa kanya.

Baka kasi imbes na mapagaan ko ang loob niya ay baka mas mapalala ko pa ang nararamdaman niya.

Hindi ko naman kasi pwedeng sabihin na naiintindihan ko siya kasi masyado iyong malalim kung iisipin mo. Para sa akin ang salitang 'I understand you' ay masyadong komplikado.

Hindi naman kasi natin tuluyang maiintindihan ang desisyon ng isang tao dahil wala naman tayo sa posisyon nila. 

Kung ako ba ang nasa posisyon niya, ganu'n din ba ang gagawin ko?

Hindi ko alam since iba-iba naman ang tao kung paano pagdesisyunan ang isang bagay.

Sa sitwasyon ni Briece, siya lang ang tanging makakaintindi ng tuluyan sa sarili niya.

Ngayon, tanging ang pandinig ko lang ang maaaring maitulong ko kay Briece.

"Kaya tumakbo ako kahapon kasi naduwag ako sa dugo. Sorry."


"It must be hard in your position, Briece. Please, don't be too hard on yourself."

Ang sakit marinig na paulit-ulit siyang humihingi ng sorry dahil sa inaakala niyang kasalanan.

"I..."

Niyakap ko siya bago pa man siya makapagsalita. "Sa totoo lang ay hindi ko talaga alam ang sasabihin ko para kahit papaano ay mapagaan ko ang loob mo. Pero ito lang ang masasabi ko... hindi ka duwag, Briece. Ang totoo niyan, sobrang tapang mo dahil lahat ng ginagawa mo ay para sa ibang tao at hindi para sayo. Briece... you're a fighter."

Pinunasan niya ang luha niya sa mata bago pilit na ngumiti. "Thank you."

Tumawa naman ako para pagaain ang atmosphere sa pagitan naming dalawa.

"Don't be too hard on yourself, ha. Masyado ka lang masasaktan, " ani ko.

Ngumiti lang siya at tumango.

"Maurice, pwede bang dito muna ako kahit ngayon lang. Ayoko munang makita si Mama. Pero mamaya naman ay aalis na rin ako. Kailangan ko pa siyang kausapin. "

"Oo naman, welcome na welcome ka dito."

"Thank you." Niyakap niya ko. "Thank you talaga."

"So anong plano mo? Mag-shishift ka ba?" Kuryoso kong tanong.

Ngayong alam na ng Mama niya ang sikreto niya ay siguradong ilipat siya ng program. Halata namang mahalaga siya para sa mga magulang niya.

"Ayoko. Magtutuloy pa rin ako. Naumpisahan ko na e, 'di ko pa ba tatapusin. May ways pa rin naman siguro para mawala ang takot ko sa dugo."

Tumango ako. "It's your choice. Wala naman akong karapatan na i-judge ang desisyon mo."

"Thank you."

Ngumiti lang ako sa kanya.

"Tama na muna ang drama. Tulungan mo na lang akong magluto ng almusal. Dito ka na din kumain," anyaya ko sa kanya.

Ngumiti naman rin siya at mas nauna pa sa'king pumunta sa kusina.

Dumiretso ako sa hospital nang makaalis si Briece. Mabuti na lang talaga't maayos na ang pakiramdam niya. Dumiretso siya sa bahay nila matapos tumawag ang mga magulang niya. Siguro ay mag-uusap sila ng masinsinan.

Sana ay maayos nila ang kung ano mang gusot ang meron sa pamilya nila. Hindi ko alam kung anong nangyari sa Ate ni Briece at wala akong karapatan na ungkatin iyon. Lalo pa't mukhang masyadong masakit para sa kaibigan ko na buksan ang usapan tungkol dito.

"Ayos ka lang talaga, ha?" Paninigurado kong muli kay Daniel na nakaupo sa kama niya

Ako naman ay nakatayo at tinitingnan ang galaw niya.

Tumawa naman siya dahil sa kakulitan ko. Napanguso na lang ako.

"Oo nga, kulit mo," aniya at bahagyang napangibit ng gumalaw siya.

"O, tingnan mo. Anong ayos d'yan?" Naniningkit kong tanong habang nakaturo sa nakabenda niyang bewang.

Nanlaki naman ang mata niya at tinakpan ang hubad na katawan gamit ang mga braso niya. Akala mo ay pinagnanasahan ko ang katawan niya dahil sa naging aksyon niya.

"Oo nga. Alam ko namang maganda ang katawan ko pero 'wag mo namang pagnasahan. Sa susunod na lang kapag inalis na 'tong benda," pabirong sabi niya at ngumisi sa'kin.

Nahampas ko tuloy ang braso niya.

"Nga pala, kainin mo 'yung niluto kong sopas, ha. T'yaka 'yung sandwich. Magpalakas ka para makalabas ka kaagad," paalala ko.

"Oo na, para ka ng si Mama, e," aniya at umismid.

Sa pagkakataong ito naman ay ako na ang tumawa.

"Ano ka ba naman! Syempre, nag-aalala lang sayo si Tita Stella," nakangiting sabi ko.

Nawala naman kaagad ito ng makitang natahimik si Daniel habang nakatitig sa mukha ko. Na-conscious naman ako dahil sa titig niya.

"May dumi ba ako sa mukha?" Tanong ko.

Sumilay ang isang kakaibang ngiti sa labi niya bago iniwas ang tingin sa'kin at tumingin sa labas. "Alam mo bang sobrang ganda mo?" Tanong niya.

"Hindi nam-"

"Sabi na, e," putol niya sa sasabihin ko.

Tumingin naman siya sa'kin ng seryoso dahilan para kabahan ako. Bukod sa nangyari kahapon ay ngayon ko na ulit nakita ang seryosong mukha ni Daniel. Wala na ang pagiging makulit niya at madaldal.

Nagulat naman ako ng hawakan niya ang palapulsuhan ko at hinigit papalapit sa kanya. Muntik na tuloy akong bumagsak kung hindi ko lang naitungkod ang isa kong kamay sa kama.

Tinitigan niya ang mga mata ko. "You should be careful. Baka sa susunod ay sayo naman mangyari ang nangyari kay Shai. Ayokong pati ikaw ay makaranas nu'n," pabulong niyang sabi.

Tumango na lang ako dahil sa gulat ng ginawa niya.

Ngumiti naman siya bago nilayo ang sarili sa'kin. "Kung kailangan mo ng tulong. Nandito lang ako. Tawagin mo lang ang poging kaibigan mo," aniya ng may halong biro.

Napatawa na lang ako at nag-thumbs up sa kanya.

"Opo, Kuya!" Masiglang sagot ko.

Tumawa naman siya. "Daniel. Halos magkasing-tanda lang tayo, uy."

Sabay kaming tumawa. Natigil lamang iyon ng biglang bumukas ang pintuan. Bumungad sa'min ang gulat na si Shai. Nakapang-alis siya at halatang umiyak dahil sa mugtong mata.

"S-Sorry. Sige alis na 'ko," may nakikita akong kakaiba sa mga mata niya ng sabihin niya iyon.

"Hindi! Ah. Aalis na rin naman ako. Sige mag-usap na kayo," pigil ko sa kanya ng akma siyang lalabas.

Tumingin muna ako kay Daniel t'yaka tumango. "Una na 'ko," bulong ko kay Daniel.

Hindi siya sumagot kaya naging hudyat iyon para iwan ko silang dalawa.

Nang makalabas ay sinarado ko ang pinto bago napabuntong-hininga. Wala na rin ang masayang mukha ni Shai.

Nakakapanibago.

Maglalakad na sana ako ng matanaw ko si Jane na papalapit kung saan man ako naroroon. Kita ko pa ang gulat nito ng makita ako.

"Uy, ginagawa mo dito?"

"Dinadalaw si Daniel."

"Ganu'n ba? Sige, pasok na 'ko. Ibibigay ko pa 'to sa gunggong na 'yon," sabi niya at t'yaka pinakita ang tupperware na hawak-hawak.

Akmang bubuksan niya ang pinto ng pigilan ko siya.

Umiling ako sa kanya.

"Mamaya na lang siguro. May kausap kasi si Daniel, e," paliwanag ko.

Nagtaka naman siya sa sinabi ko. "Sino?"

"Si Shai. 'Yung bago kong naging kaibigan sa school. May mahalaga yata silang pag-uusapan kaya umalis na 'ko"

Kita ko ang kakaibang emosyong dumaan sa mata niya ng sabihin ko kung sino ang dumalaw kay Daniel. Tulad ng pinakita ni Shai kanina.

"G-ganun ba."

"Selos ka?" Tanong ko.

Tumawa naman siya pero hindi iyon umabot sa mga mata niya.

"'Di noh... ako nagseselos... No!" Maang-maangan niya.

"Papasok ka na ba? Sabay na tayo," Iba niya ng usapan.

Ngumiti naman ako at tumango.

Konti na lang ang tao sa hallway ng building namin ng makarating ako sa eskwelahan. Nakakahiya lang dahil kahit kokonti ay panay pa rin ang tingin nila sa gawi ko. Nakakailang.

"Late na tayo."

Napatingin naman ako sa gilid ko ng may magsalita doon. Nakita kong muli ang babaeng tumulong sa'kin para mabigyan ng first aid si Daniel. Tulad pa rin kahapon ay may malamig pa rin siyang tingin sa ilalim ng malaki niyang salamin.

Napakunot naman ako ng noo.

"Classmate kita. 'Di mo alam?" aniya.

Napangiwi na lang ako at tiningnan siya ng may paghingi ng pasensya.

"That's fine. Kahapon lang din naman ako pumasok." Lumingon siya sa'kin.

"Nasaan ang mga runaway friends mo?" Tumawa siya ng pagak. "Sorry, pero natatawa lang ako dahil sa pagtakbo nila kahapon."

Napayuko na lang ako. Kung makapagsalita siya ay parang alam niya ang problema ng dalawa. 'Yan ang problema sa mga tao. Nag-jujudge sila kahit hindi nila alam ang totoong kwento ng taong jinujudge nila.

Natigil naman ang pag-iisip ko ng bumagsak bigla sa tabi ko si - what's her name?

Kaagad ko naman siyang tinulungang tumayo.

"'Wag ka kasing paharang-harang," matigas na sabi ng babaeng nakabangga kay- hindi ko alam ang pangalan.

Mukhang hindi mapagkakatiwalaan ang mukha ng babae dahil sa makapal niyang lipstick na kulay itim pati na rin ang eyeshadow niya. Marami rin siyang hikaw sa kaliwang tenga. Hindi rin maayos ang pagkakasuot niya ng uniform. Pero kahit ganun ang itsura ay hindi maipagkakailang may itsura ang babae.

Lumipat ang tingin sa'kin ng babae at tiningnan ako simula ulo hanggang paa. Napataas ang kilay niya bago kami nilagpasan.

"Tara na," malamig na anyaya sa'kin ng kasama ko.

"Sino siya?" Taka kong tanong habang nakatanaw sa papalayong bulto ng babae.

"Corrine Silva. Third-year college na siya. Same ng program na kinuha na'tin," sagot niya.

Tumingin ako sa kanya ng may halong pagtataka. "Bakit ganu'n siya manamit? P'wede ba 'yun?" Tanong kong muli.

"Huwag ka ng magtanong. Basta mag-ingat ka na lang sa kanya."

Mas lalong napakunot ang noo ko.

"Usap-usapan kasing gangster siya."

Nanlaki naman ang mata ko. Gangster?.

Sumilay ang ngisi ng kasama ko dahil sa naging reaksyon ko.

"By the way, Claudette," pakilala niya.

Tumingin naman siya sa relo niya at napailing. "Hindi na tayo papapasukin. Pupunta akong Gym, ikaw?"

"Sama nalang ako," sagot ko.

Tunog ng bola ang unang maririnig pagkapasok namin ng gym. Halos lalaki ang nandito at nakasuot ng pang-jersey. May mga babae rin naman ngunit konti lang. Mga cheerleader lang.

"Hintayin mo na lang ako do'n. May sasabihin lang ako kay Coach," sabi niya kaya tumango ako.

Umupo ako sa unang palapag ng hagdanan kung saan kitang-kita mo ang mga manlalarong nagpa-practice. Kita ang pagod dahil sa tagaktak ng pawis nila sa katawan.

"Tama na 'yan! Pahinga muna kayo! Kami naman muna ang mag-papractice!" Sigaw ng pamilyar na boses.

Napakurap-kurap ako ng makita si Kuya Xian na nakahubad habang may dala-dalang bola at may nakapaskil na ngisi sa labi niya. Kita ang matipuno niyang katawan kaya naman ang mga babae ay may impit na tilian.

Napaiwas na lang ako ng tingin dito.

Mukha talaga siyang badboy.

"Yo! Captain!"

Napalingon rin ako kung saan sila nakatingin. Mula sa kinaroroonan ko ay natanaw ko si Claude na may malamig na aurang nakapaligid sa kanya. Tuloy-tuloy lang ang lakad niya papunta kay Kuya Xian habang pinupunasan ang pawis niya.

Tulad ni Kuya Xian ay naka-jersey rin ito dahilan para makita ang kanyang biceps.

Natuod ako sa kinaroroonan ko ng magtama ang mata naming dalawa. Nakipagtitigan lamang ako sa kanya hanggang sumilay ang ngisi sa labi niya. Iniwas ko naman ang tingin sa kanya dahil sa pagkailang.

"Kayo po ba si Maurice?"

Napatingin ako sa gilid ko ng makarinig ng boses. Nakita ko mula rito ang isang lalaking may salamin sa mata at halatang nahihiya.

"Opo. Bakit po?" Tanong ko dito.

Kita ko namang namula ang lalaki at napakamot ng ulo. "Pinapatawag ka kasi sa diciplinary office," sagot nito na kaagad kong pinagtaka.

"Bakit daw po?" mahihimigan sa boses ko ang kaba.

"'Di ko alam, e. Baka tungkol sa nangyari kahapon," aniya.

Napabuntong-hininga na lang ako bago ngumiti sa lalaki.

"Salamat sa pagsasabi," sabi ko dito bago sinukbit ang bag sa balikat.

Tumingin muna ako kay Claudette na kinakausap ang coach bago naisipang lumabas ng gym.

Siguro nga ay tungkol sa nangyari kahapon kaya ako pinatawag. Dahil kaya ito sa ginawa ko?

Ginawa ko lang naman ang makakatulong kay Daniel, e.

Kumatok ako ng tatlong beses sa diciplinary office pero walang sumagot kaya naisipan ko ng pumasok.

Bumungad sa'kin ang may kaliitang kwarto na kung saan may isa lamang lamesa sa gitna at may couch sa gilid. May mga metal na kabinet din ang makikita malapit sa mesa na t'yak akong mga folders ang laman.

Umupo ako sa isang mahabang couch. Ibinaba ko ang bag ko sa tabi at naningin-ningin lamang sa paligid.

Napatayo ako mula sa pagkakaupo ko ng bumukas ang pintuan sa pag-aakalang si Mr. Baroda na ito ngunit nagkamali ako.

Nagtama ang mata namin ni Claude. Nakasuot pa rin siya ng kanyang jersey.

Nagpupunas siya ng kanyang pawis kaya nagugulo ang buhok niya. Ngunit kahit ganoon ay ang gwapo pa rin niya.

Sinundan ko siya ng tingin hanggang umupo siya sa kaharap kong couch at nag-dekwatro ng upo na akala mo'y isa siyang hari.

"Pinatawag ka rin ba?" Malumanay kong tanong.

Hindi siya sumagot bagkus ipinikit niya lang ng mariin ang kanyang mata. Naging hudyat iyon para hindi na muli ako magsalita.

Siguro'y ayaw niya lamang ng maingay.

Umupo ako sa tapat niya at tiningnan lang siya.

Ang gwapo niya talaga!

Bigla naman siyang nagmulat ng tingin kaya napaiwas ako.

Ang awkward naman.

"Hey."

Nag-taasan ang balahibo ko ng maramdaman ang hininga niya sa pisngi ko. Dahil sa gulat ay kaagad akong napatingin sa kanya na kaagad kong pinag-sisihan dahil sa sobrang lapit ng mukha namin sa isa't isa.

Amoy na amoy ko tuloy ang panlalaki niyang amoy kahit na pawisan siya.

"Bakit?" Nauutal kong tanong.

Paanong nasa harapan ko kaagad siya ng hindi ko man lang naramdaman?

May superpower ba siya?

Hindi siya sumagot at patuloy lang tinitigan ang mata ko.

Namula naman ako. Para akong nalulusaw sa tingin niya.

"Captain?"

Parehas naman kaming napatingin sa pintuan nang may magsalita.

"Anong ginagawa n'yo?"

Continue Reading

You'll Also Like

14.3M 435K 67
Highest Rank Reached in Action Category: Rank #1 Her innocence. Their violence. How come a weak and innocent girl manage to enter the academy. Except...
10.2M 135K 23
Daughters and sons of conglomerate families gathered at Fukitsu Academy. They believe they are untouchable, yet there is one clan they fear the most...
1.7M 55.2K 67
Arrow Sanchez has only one goal in life, to enjoy her peaceful life and to know exactly what happened in the past before she lost her memories. Every...
2.8M 104K 75
Sypnosis Andilyne Dave was just a typical senior highschool student. Lumaking mag isa at namuhay ng tahimik. Not until his father surprised him one d...