DAUNTLESS CHANGE (PUBLISHED)

By DynastyPhoenix

740K 13.8K 738

WARNING!! R18 πŸ’₯πŸ’₯ [[COMPLETED]] πŸ’•πŸ’•πŸ’•This is a stand alone novel.πŸ’•πŸ’₯ "Ako si Erica Valentino. πŸ’• Isang bol... More

AUTHOR'S NOTE
TEASER
D E D I K A S Y O N E S S S S
CHAPTER 1 - ANG STAR
ANG BILLIONAIRE
BOLDSTAR & BILLIONAIRE
CHAPTER 2 - STUNNED
TOUCHED
ALONE (SPG)
THE AGREEMENT
CHAPTER 3 - I WANT YOU
COME ON
MENTOR
BEG FOR MORE(SPG)
CHAPTER 3 - THE BIG DAY
THE BIG NIGHT
IT'S BIG (SPG)
HUNCH
BAD GIRL
NAUGHTY BUT NICE (SPG)
BEHIND (SPG)
CHAPTER 5 - ERWAN WILLIAMS
JERSEY
---AUTHOR'S NOTE---
TERMINATION
ERROL WILLIAMS
CHAPTER 6
THE START
STAND ALONE
CHAPTER 7
SOMETHING IS COMING
IT'S YOU (SPG)
CHAPTER 8
SECRET #1
YOU AND ME
CHAPTER 9
ERWAN HAS ARRIVED
IS IT ME?
CHAPTER 10
SHOCKED
SCAR
CHAPTER 11
AUTHOR'S NOTE
MATCHED
OTHER SIDE
CHAPTER 12
SHARDS
IT'S ME
CHAPTER 13
TRIGGERED
THE PAST
CHAPTER 14
ROSES AND THREATS
BEGGED AND LEFT
CHAPTER 15
EUNICE
SWITCHED
CHAPTER 16
DIE, JERSEY. DIE
COMMERCIAL BREAK MUNA :P
MONSTER'S THOUGHT
CHAPTER 17
DENIED
MONSTERS ARE IN THE HOUSE
CHAPTER 18
CONFESSION OF THE MONSTER
MOTHER AND HER TWINS
ROAD TO FOREVER (FINALE)
AUTHOR'S NOTE

CHAPTER 4 - WHY?

12K 226 12
By DynastyPhoenix

Tahimik lang akong nakaupo sa sala at nakatitig sa front door. Bored na ako. Wala pa kaming one week na kasal ni Errol, nababagot na ako.

Para lang akong security guard dito sa loob ng bahay niya. Paikot-ikot. Parang nagroronda. Dito ko na-realized na mahirap pa lang naghihintay na lang ng salary. Kailangan, mag-start na ako sa plano ko.

Mahirap din ang kalagayan ko. Provided nga lahat pero nganga naman ako. Busy si Errol. Halos tumira na sa opisina. Kapag umuuwi naman ay halos hindi ako kinakausap.

Pero nahuhuli ko siyang laging nakatingin sa akin. Naiinis na ako. Lagi na lang ganoon.

Nakakapanis ng laway.

Ngayon, hinihintay ko siya. Kailangang magtuos na kami. Hindi ko pala kayang deadmahin na lang ang lahat at maghintay na lang ng biyaya.

Ewan ko ba sa sarili ko. Kahit hindi ko na dapat problemahin pa si Errol at isiping lugi siya dahil hinire niya ako ng ganito lang, hindi ko mapigilang maging concern.

Or maybe because I started to care about him? Lagi ko na lang kasi iniisip ang kalungkutan sa mga mata niya. Lagi na lang akong nagiging intersado sa pagiging mysterious niya.

Lagi ko na lang siyang iniisip!

Pero ako ba? Iniisip niya ba ako?

Argh! Nasisiraan na talaga ako ng ulo kakaisip sa kanya!

Huminga ako nang malalim at kinalma ang sarili. I need to focus. Hindi ko paiikutin ang mundo ko kay Errol. Kailangan ay magkaroon din ako ng sariling buhay. Hindi iyon ganitong hinhintay ko siya at panonooring malungkot.

Tumayo na ako at kinuha ang macbook. Akin daw iyon sabi ni Errol. Feel free to use it, sabi pa niya noon. Sumalampak ako sa carpeted na sahig at kumunekta sa wifi.

I search about cosmetics. Nanood din ako ng mga tutorials. Hindi nagtagal ay busy na akong inaaral ang cosmetics industry.

Doon dumating si Errol. Bigla akong hindi mapakali. Ang initial na naramdaman ko ay nasabik ako. Na-imagine ko ang role ng magasawa. Sabik si wifey kay hubby. Susugurin ni wifey si hubby ng yakap at...

Erase! Baka nakakalimutan mong mayroong sariling mundo si Errol. Iniisip mo ang role mo bilang wifey pero siya ba? Alam ba niyang maging hubby?

Mabuti na lang ay kumontra ang matinong bahagi ng isip iyon. Iyong parteng hindi marupok. Bumalik ang focus ko sa ginagawa.

Handa rin akong deadmahin si Errol!

"What are you doing?" basag ni Errol sa katahimikan. Naupo siya sa sofa at inilapag ang attache case sa mesa, katabi ng macbook ko.

Kahit ramdam na ramdam ko ang presensya niya at nasasamyo ang pogi niyang amoy ay umasta talaga akong deadma. Pagkakataon ko na itong bumawi!

"Erica, I am talking to you." mababa ang tono ni Errol. Serious.

Umismid ako. "I am busy. Bakit ba?"

"I just want to help."

Naupo siya sa tabi ko at niluwagan ang necktie niya. Mukhang balak makiusyuso sa ginagawa ko. Isinara ko ang macbook at hinarap siya.

"Help? Bakit?"

Tinitigan niya ako. Mukhang puzzled sa reaksyon ko. "Why are you angry?"

Napabuga ako ng hangin. "Wala." inis kong sagot at niligpit na ang macbook.

Bigla akong nainis sa sarili ko. Maliwanag ang resolve ko sa sarili kanina. Hindi naman kami nagmamahalan ni Errol. Hired lang ako. May sarili siyang mundo. Gagawa rin ako ng sarili kong mundo pero heto ako, gusto ko siyang sumbatan.

Napailing ako sa sarili ko.

"Where are you going?"

"Sa langit!"

Ah, lintik. Hindi ko talaga mapigilan ang sarili ko. Padabog na akong umakyat at nagkulong sa study room.

May sofa rin doon. Doon ako nahiga at nakatulog.

Pero nagising na lang ako sa kama namin. Katabi ko si Errol. Pareho kaming nakatagilid at paharap sa isa't isa.

Obviously, hindi siya nakatiis na hayaan akong nakakulong sa studyroom. He got the keys so he has the capacity to unlock the door. Kahit paano ay nakabawas iyon sa inis ko. Kahit hawak niya ang susi, hinayaan niya muna ako magpalamig ng ulo. Pero kahit paano ay hindi naman niya ako hinayaang maburo.

Napahinga ako nang malalim nang matitigan ang guwapo niyang mukha.

Natagpuan ko na lang ang sarili kong hinahaplos ang pisngi niya. Napaungol siya at napasinghap din ako sa init na hatid niya.

"Hindi kita maintindihan. Nakakaloka ka." bulong ko.

Tama. Hindi ko talaga siya maintindihan sa maraming aspeto. He was such a mystery, a puzzle that it was hard for me to solve.

Sumiksik ako sa dibdib niya. Dahil maaga pa, nakatulog din ako. Nagising na lang ako nang mag-ring ang cellphone ni Errol.

Bumangon ako at kinuha iyon sa side table. Erwan ang caller.

Pero ang nakapagpakunot ng noo ko ay ang napansin kong ringtone niya.

Fur Elise.

Ngayon ko lang narinig ang ringtone ni Errol. Kadalasan kasi ay naka-vibrate lang iyon. Kung naka-on ang tone ay hindi ko naman naririnig.

Kaya nagulat ako nang marinig ang kantang Fur Elise.

Pero bakit hindi niya sinabing gusto rin pala niya si Beethoven? Noong nalaman niyang paborito ko si Beethoven ay nag-walkout siya.

Something's going on. Ramdam ko talaga.

Bumangon ang interest ko at curiosity.

At hindi ako mapakali. Kailangan maipaliwanag na ito ni Errol sa akin.

Napaigtad ako nang mag-ring ang cellphone. Naulit ang pagtawag. Nanuyo ang lalamunan ko at kinabahan. Nagdalawang isip ako kung sasagutin iyon hanggang nagpasya akong sagutin na.

"H-hello?"

"Who is this?" takang tanong ng lalaki sa kabilang linya. Buo iyon at malaki. I imagine a big man who owns that voice.

"I am Erica." pigil hiningang pakilala ko. Tumayo ako at hinanap si Errol. Habang nililibot ang bahay ay kumakabog din ang dibdib ko.

Hindi ko alam kung bakit ganoon na lang ang ilag at kaba na nararamdaman ko kay Erwan.

"Where's Errol?" tanong niya

"Hindi ko alam. Hinahanap ko siya ngayon dito sa bahay. May ipagbibilin ka ba?"

"Erica!" saktong tawag ni Errol nang pumasok ako sa kusina.

Biglang nawala ang atensyon ko kay Erwan dahil nakita ko si Errol na naka-apron. Nagluluto siya ng breakfast.

Bakit ganoon? He still look dashing even he was just wearing an apron? It made my heart go crazy.

Agad siyang lumapit nang ituro ko ang cellphone saka isinenyas na si Erwan ang caller. Agad niya iyong sinagot.

Saglit na nawala si Errol. Hinarap ko na ang pagluluto. Fried rice, egg and bacon. Paluto na iyon kaya hindi nagtagal ay pinatay ko na rin ang stove. Inaayos ko na ang mesa nang dumating si Errol.

Tahimik ulit si Errol. Naupo ako sa tabi niya at marahan siyang siniko.

"Problema?" tanong ko.

Humugot muna siya ng isang malalim na hininga bago nagsalita. "I told him about us. He wants to meet you." sagot niya at tumitig sa akin. Napalunok ako nang makita ang lamlam sa mga mata niya. "Can you make a promise?"

Kumabog ang dibdib ko. "A-ano iyon?"

"You don't have to please my family. Just be yourself."

Hindi ko alam kung matatawa o hindi. Pero sa huli, tumango na ako. Ayoko rin naman magpanggap na babaeng marangal dahil ang totoo naman ay hindi ako ganoon.

"Puwede ba akong magtanong?"

"Go ahead."

"Si... Beethoven. Fur Elise din pala ang ringtone mo. Bakit?"

Napatingin siya sa malayo. Tila nagkaroon nang pagtatalo sa loob ng isip niya hanggang sa malungkot na ngumiti sa akin.

"Yes. He's my favorite too."

Napatango ako. "So bakit hindi ka natuwa noong malaman mong paborito ko rin iyon?"

"Because it felt nostalgic." simple niyang sagot.

"Bad memories?" panghuhula ko.

"Sad memories."

Alam ko ang salitang respeto kaya hindi ko na siya kinulit. Nakikita kong hindi na madali sa kanya ang mag-share.

He looked broken.

And it surprised me to feel the same for him. Seeing this man broken made me feel shattered too.

And I found myself embracing this lonely man. I hope, by doing this I can make him whole again.

I sighed.

Continue Reading

You'll Also Like

1.2M 15.4K 51
Warning : R-18 (SPG) _________ Mistress. Isa ako sa kanila. Nagmahal ako ng lalaking may asawa na. At ang mali pa ay asawa siya ng nakakatanda kong...
661K 14.8K 37
I woke up in the middle of nowhere and to my surprise. I saw a beautiful creature, a goddess sitting next to me wearing her precious smile. "Hello da...
46.2K 2.2K 25
[WARNING: RATED SPG!] FIVE in ONE! Limang Summer Trips, sino ang mananakit? Saan magaganap at sino ang magpapanggap? Limang kwento, sa iisang libro...
1.1M 29.7K 44
It was one fine morning at Konsehal Casimiro Zaragoza's office-nang may dumating na isang babae at ipinapaako sa kaniya ang anak nito. Pero paano ni...