October 17, 2017
Zenaya's POV
"Aww" daing ko pagkagising ko
Shit, bakit ang bigat ng pakiramdam ko? Feeling ko tinusukan ako ng maraming karayom
Atsaka,
Bat may kakaiba akong nararamdaman?
"Wait," kinuha ko yung cellphone ko at tinignan yung date
"What the eff!?" Bulong ko
Naalala ko yung tinusukan ako ni Mom ng syringe sa bewang
Agad akong tumayo at pumunta sa harap ng salamin para tignan yung itsura ko
Kung payat ako dati, mas payat ako ngayon
Para na kong tingting
Pansin ko din na may mga marka ako ng injection
"Anong ginawa nila sakin?" Napaupo nalang ako dahil wala talaga kong maalala
Ang huling natandaan ko eh yung in-injection ako ni Mom
Agad akong pumunta sa puno na pinaglagyan ko ng gamit
"Buti nalang andito pa" bulong ko at kinuha
'baka binalik lang nila? Ilang araw akong tulog'
Friday ngayon at 5am palang
Chineck ko lang ulit yung phone ko at don ko lang napansin na andaming text and missed calls mula kila Kaila at Joey
Asking kung bat hindi ako pumasok ng isang linggo
Nakita ko yung note at envelope sa desk ko
From Dad,
Anak, we are going now sa Japan, anjan na yung allowance mo for 1 month. Take care
Walang nakalagay na date kaya hindi ko alam kung kailan toh
Agad akong nagayos para sa school at bumaba para kumain
"Uhm, yaya, kailan umalis sila Dad?" Tanong ko sa isa sa maid namin, "Ah, kahapon lang po Mam" sagot nya
"Ilang araw ako tulog?" Tanong ko pa kasi baka mamaya mali lang ako ng iniisip
"Halos isang linggo Mam, ngayon nga lang po kayo bumaba eh. Ang sabi nila Sir nung tinanong ko eh malakas daw yung tinurok sayo na gamot" sabi niya
"Binuhat ba nila ko paalis?"
"Ayy opo Mam, nagtaka nga kami kung san ka po dadalhin pero ang sabi nila sa laboratory lang daw, kahapon lang din po kayo nabalik dito sa bahay" kwento niya
"Pinasok ba nila yung kwarto ko?" Wala sa mood kong saad
Hindi na ko natutuwa sa magulang ko
"Opo, hinagulgol po nila yan Mam, pero pinaayos nila agad bago kayo ibalik dito" i knew it
"Sige salamat Yaya, pabalot nalang po ako ng pagkain, babaunin ko nalang po" sabi ko at umupo sa sofa
'what the hell they want?'
Pilit ko man hindi isipin yun, talagang napapaluha lang ako
Hindi ko kasi inexpect na magagawa nila kong pagexperimentuhan
"Mam eto na po"
"Sige yaya, salamat, mauna na ko"
Agad akong lumabas at sumakay sa kotse ko
Hinarurot ko yun daan papuntang school kaya wala pang 10mins eh andito na ko
"6am palang" bulong ko
Pumunta agad ako sa pwesto namin ni Joseph at ningudngud yung ulo ko para marelax ako
"Hey, andito ka na pala ulit" inangat ko yung ulo ko para harapin si Joseph
"Yah, i'm back" bored kong sabi
"San ka galing? I mean, bat ka absent ng 1week?" Tanong niya, napabuntong hininga nalang ako
"Somewhere with parents" sabi ko nalang
"Pumayat ka" sabi niya
Ngumiti nalang ako ng pilit
"May kailangan ka bang gawin?" Tanong niya
Well sa pagkakaalam ko is general rehearsal ngayon
"Wala naman, maybe i'll stay here for the whole day? Yah" sabi ko dahilan para tumawa siya
"Well same here, pero magnnotes ako so maybe baka pwede mo ko samahan dito?" Tanong niya
"Yah no problem" sabi ko nalang
Nagsimula na siyang magsulat samantalang ako nakatutok sa isa kong phone na ginamit ko pang hack sa company nila Mom
Sinubukan kong ihack yung system ng company pero parang mas humirap kaysa sa nakaraan
"Hey okay ka lang jan? Parang inis yung mukha mo eh" napatingin ako kay Joseph
"Yah i'm fine" sabi ko nalang
*bzztt*
From: Joey
Where are you? Sabi ng maid nyo sainyo pumasok ka daw
To: Joey
On my way
"Uhm, Joseph, i'll go ahead muna, hinahanap ako ni Joey eh" paalam ko
"Yung S.C President ng BED?"
"Yup, pinsan ko"
After that agad akong umalis at pinuntahan si Joey
"Hey insan" tawag ko pagkakita kay Joey
"Where have you been?" Inis niyang tanong sakin
"I'll tell you in time, Joey" sabi ko
"Did your parents did something to you?" Napakunot noo naman ako sa sinabi niya
"I saw you with them sa tapat ng company, buhat buhat ka ni Tito Leon" tumango nalang ako bilang pagsangayon sa tanong niya
"And also, naka jacket ka, hindi ka naman nagsusuot ng jacket at sobrang payat mo Zenaya, anong ginawa nila sayo?" Nagaalalang tanong niya
"Insan, kakagising ko lang kanina at wala akong matandaan, let me rest my head and brain" mahina kong sagot
Niyakap naman niya ko kaya niyakap ko siya pabalik
"I'm always here for you Insan" ngumiti naman ako sakaniya, "Thankyou"
"All students, please go back to your respectives room. I repeat, please go back to your respective rooms"
"I'll see you later" paalam ko
Bumalik naman ako sa classroom
"ZENAYAAAA!" Agad akong napatakip ng tenga nang sumigaw nang pagkalakas lakas si Kaila
"Bat ka absent ha bruha ka!?" Tanong niya agad
"Diyan diyan lang" sagot ko at naupo sa pwesto ko
Panay tanong ng mga kaklase ko kung bakit one week akong absent at pare parehas lang ang sagot ko
"Diyan diyan lang" sagot ko kay Ivann, one of my friends
"Pre, anong ginawa mo ng one week at pumayat ka ng sobra ha? Hinugutan ka ba ng taba?" Pangasar ni Cj, kaibigan ko din
"Tsk, shut up guys, ang ingay nyo" inis kong sabi sakanila
May mga kaniya kaniya na silang ginagawa
Yung mga kaibigan ko eh mga naglalaro ng Mobile Legends habang ako nakadukdok sa arm chair
"AHHHHHH!!!!!!"
Agad akong napaangat ng ulo nang sumigaw yung isa sa mga kaklase ko
"Bakit Cath? Anong nangyari?" Tanong ni Honelyn
"M-may zombie" sagot niya