Chapter 32
Back to work. Hindi ko alam kung nagbe-busy-busy-han lang ako para mawala ang sama ng loob ko o talagang hindi lang ako makapag-concentrate sa work kaya hindi ko matapos 'tong tambak na deadline.
“Is Kent inside?” napaangat ako nang tingin at halos mapasimangot ako na makita kung sino ang nasa harapan ng desk ko.
“Why? Do you have an appointment?” nakataas kilay kong sabi.
“I’m Cassey Aragon. I don’t need to make an appointment just to see Kent.” She said. Hahambalusin ko 'to ng upuan eh. I wonder kung alam niyang boyfriend ko si Kent.
“I’m sorry, Ms. Aragon. But you have to make an appointment before talking to my boss.” Civil kong sabi sakanya kahit sa totoo ay gusto ko siyang sipain palabas ng bintana para deretso siyang makaalis sa building na'to.
“You sure are rude for a secretary, missy!” pinanliitan niya ako ng mata.
“Learned from the best.” Nakangiti kong sabi.
“Isusumbong na talaga kita kay Kent! I’ll tell him na sisantehin ka. Hindi ko nga alam kung bakit ka niya pinagta-tiyagaan na maging secretarya, eh. No fashion sense at ang baduy-baduy. Where’s your class, missy? Out-dated ka na.”
“Kung iinsultuhin mo lang naman ako mas mabuting umalis ka na bago pa magdilim ang paningin ko sa'yo at ako mismo ang kumaladkad sa'yo palabas ng bintana!” matigas kong sabi. Napamaang siya sa sinabi ko.
“Kent will surely hear about this! At sisiguraduhin kong bukas wala ka nang babalikang trabaho!” nakangisi niyang sabi bago tumungo papuntang elevator.
Napaupo na lang ako sa silya ko habang hinihilot ag noo. Padagdag nang padagdag ang stress sa buhay ko. Ano pa susunod? Hanggang ngayon nga hindi pa rin ako pinapansin ni Mica. Ayaw ko namang suyuin kasi alam ko namang masama pa rin loob niya sa akin.
Tumayo ako at nilagay sa table ni Kent ang ilang papers na tapos ko na. Nasa 8th floor kasi siya at may kausap na mga bagong suppliers.
Pag-balik ko sa station ko, nakatanggap ako nang unknown message.
From: 0917xxxxxxx
Theyn, baba sa basement. Please? Importante lang.
Napakunot ako. At sino naman 'to? Hindi ko na sana papansinin ang text pero sige pa rin ang send niya ng message with the same content. Baka naman si Jean o Florence at nakitext lang?
To: 0917xxxxxxx
Sino ka?
From: 0917xxxxxxx
Basta bumaba ka na lang.
Haay. Bumaba ako at nakita kong maraming employees din ang papuntang cafeteria. Lunch time na pala. Sino naman kaya 'yung nag-text sa akin?
Palabas na sana ako papuntang basement nang may tumawag sa akin. Si Florence at Jean.
“Sabay ka sa aming mag-luch.” Yaya ni Florence.
“Kaninong number na 'yung gamit niyo? Bakit niyo ako tinext na pumunta sa basement?” nagtatakang tanong ko.
“Basement? Hindi ka naman namin tinetext. Mabuti nga at nakita ka namin. Medyo nahihiya na kaming lapitan ka kasi hindi ka na namin ma-reach.” Biro ni Florence.
“Baliw!” natatawa kong sabi. Pero sino kaya nagtext sa akin? Lumapit sa akin ang dalawa at kinaladkad ako papasok sa cafeteria. Namiss ko rin 'to na kami ang magkakasama. Lagi na lang kasing si Kent ang kasama ko eh.
“Kumusta na kayo ni Sir Kent?” tanong ni Florence habang pumipila kami sa counter para magbayad ng order.
“Okay naman kami,” tipid kong sabi. “Eh kumusta naman kayo ni Migo?” mapang-asar kong tanong. Kita ko namang gulat si Jean kaya tiningnan niya si Florence nang masama.
“Kayo ba ni Sir Migo?!” nakapameywang na sabi ni Jean.
“Sshhhh! Hindi ba puwedeng walang makaalam?” natatawang sabi ni Florence pero halatang kinikilig dahil sa pagba-blush.
“Bruha ka! Lagi tayong magkasama hindi mo man lan sinasabi sa akin. At kay Theyn ko pa talaga nalaman, ah?” hinampas niya sa balikat si Florence kaya nagtawanan lang kami.
“Hindi kami ni Sir Migo. Pero may pagkakaunawaan na kami,” sabi ni Florence dahilan para mapatili si Jean dahilan para mapatingin sa amin ang lahat.
“Malandi ka.” Biro ni Jean. “Bakit ba kayo nakasungkit ng dalawang C-Suit? Gusto ko din!” nagtatampong sabi ni Jean.
“Hahahaha. Isusumbong ka namin kay Clark.” Sabi ni Florence at tinutukoy ang boyfriend ni Jean.
“Hehehe, joke lang naman.” Napapakamot na sabi ni Jean.
After nang lunch namin ay nagkanya-kanya na kami. Hanggang sa maalala ko ang nag-text sa akin. Kung hindi si Florence at Jean ito, sino 'tong nagte-text sa akin?
“Ma’am Theyn,” napalingon ako sa tumawags akin.
“Mang Lito, bakit po?” tanong ko sakanya. Si Mang Lito ang security guard sa basement at nakatoka para magbantay ng CCTV sa buong unit. Kumakailan lang tinanong ko siya kung puwede kong makuha ang copy no’ng time na last nilang makita si Cindy sa surveillance camera.
“Okay na po ma’am 'yung copy gusto mong makuha. Medyo weird po siya ma’am eh. nakakatakot nga po kasi parang may multo. Hahaha”
“M-multo po?” naku bakit pa ba 'yon nabanggit ni Mang Lito. Para tuloy ayaw kong panuorin.
“Medyo blurry po siya ma'am at magalaw po 'yung video. Nakakatakot talaga ma'am. Parang 'yung sa paranormal activity lang. Hindi ko naman po kasi ma'am ugali mag-replay ng CCTV kaya gano'n,” napapakamot na sabi niya.
“Eh nasa'n na po?” tanong ko. Baka mamaya puwede ko siyang panoorin since hindi pa naman tapos ang vacant time ko.
“Eto po ma'am Theyn.” Inabot niya sa akin ang isang flashdrive na color itim.
“Salamat po, Mang Lito,” nakangiti kong sabi sakanya. “Uhh, Mang Lito, mas maganda po sana kung walang makakaalam ng tungkol dito. Okay lang po ba?”
“Okay lang ma'am,” nakangiting sabi ni Mang Lito.
-=-
Replay. Pause. Backwards.
Replay. Pause. Backwards.
Replay. Pause. Backwards.
Replay. Pause. Backwards.
Halos manlamig ako sa nakita ko. The black silhouette was lingering around habang nasa likod ito ni Cindy. Nakatago siya sa likod ng isang kotse habang may pinapanuod sa kung saan. Hindi na kasi abot ng camera ang kabilang side kaya hindi ko makita kung sino at ano ang tinitingnan ni Cindy.
Bigla na lang na may pumalibot na itim kay Cindy at para siyang nababalot ng itim na usok. Nakakunot na nilapit ko ang tingin ko sa monitor. Nakita ko na lang na nakahandusay si Cindy at parang hinihigop ang kaluluwa niya.
May dalawang lalaking lumapit kay Cindy at—
“Theyn,”
Mabilis kong na-exit ang VLC at napaangat ng tingin kay Kent. Nasa harapan siya ng table ko at kakaakyat niya lang ata. He was holding his phone a folder on the other.
“K-kanina ka pa diyan?” tanong ko.
“I heard Cassey was here. Did she do something crazy?” parang nag-aalalang sabi ni Kent. Napabuntong hininga na lang ako. Muntik ko ng makalimutan ang tungkol sa babaeng 'yon.
“Beyond crazy. Hindi niya pala alam na tayo, 'no?”
“Hindi ko nabanggit sakanya. May ginawa ba siyang masama sa'yo?” tanong niya. Aside sa tinakot niya ako na isusumbong sa'yo, wala na. Gusto ko sanang sabihin pero hindi kasi ako 'yung tipo ng tao na magsusumbong para lang makakuha ng simpatya.
“Wala naman. I can handle her, don’t worry.” Nakangiti kong sabi kay Kent. Tumango naman siyas a akin tapos tumabi sa akin. Inakbayan niya ako saka pinisil ang balikat ko.
“Huwag puro trabaho, Theyn. 5 pa lang mag out ka na, ah?” sabi niya.
“Eh bakit ikaw?”
“Mag-o-overtime ako,” nakangiti niyang sabi.
Napanguso ako, “Hindi mo ako ihahatid?”
“Ihahatid syempre. Pero babalik din naman agad ako.” I nodded at him.
Bago matapos ang araw ay inayos ko na ang gamit ko. Tinago ko 'yung flashdrive sa drawer ko para walang ibang makakuha no'n. Isang napaka-importanteng ibedensya noon para sa pagkamatay ni Cindy. Isa pa, hindi ko pa siya napapanuod ng buo. Baka bukas ko na lang siya panuorin ulit. Medyo natatakot talaga ako sa nasaksihan. Hindi kasi ako puwedeng magkamali. 'Yung nakakatakot na parang usok na nakita ko dalawang beses na ay parehong umatake kay Cindy. Medyo Malabo lang pero sigurado ako na pareho 'yon.
Ayaw ko muna kasing sabihin kay Kent. I want to be sure. Besides, baka kung ano ang isipin niya. Kapag sinabi ko 'to sakanya, I want to have all the prove. Pero wala pa akong balak sabihin kay Jean at Florence ang lahat. Hindi pa rin maalis sa isip ko na nakasama ang pangalan ni Kent sa mga binanggit ni Jean.
“Hi, Theyn.”
“Huh? Ano'ng ginagawa mo dito?” nagtataka kong tanong. It was Ivo.
“Ang lalim ata ng iniisip mo at hindi mo man lang napansin na lumabas akong elevator,” he said amused.
“Nasa loob si Kent. You want to see him?”
“Yes, please.” Sabi niya. Giniya ko naman siya papasok sa opisina ni Kent saka ako lumabas.
Pinakiramdaman ko ang dalawa sa loob. Baka mamaya magpatayan 'yan. Pero feeling ko okay naman silang nag-uusap kasi wala namang nagtataas ng boses.
“Hindi ko siya inaagaw ko sa'yo. I just want her safe!” biglang narinig kong sabi ni Ivo.
“I can take care of her!”
“But she's not safe here anymore.”
“I’m aware of it. Stop budging in our lives, Ivo. Kaya ko siyang protektahan without your help.”
“Hindi na ako nag-iisip na agawin sa'yo si Theyn kasi I know for myself na hindi siya magpapa-agaw. Kaya sana sabihin mo na sakanya ang totoo para hindi ka na mahirapan na sa pagtatago sakanya sa katotohanan.”
Natigilan ako sa sinabi ni Ivo. Anong katotohanan?
xxx
Primotivo on the right side. Isn't he a hottie? hahaha I was thinking na gawan siya ng story kapag natapos ko na 'tong MKiSF. What d'you think, guys? Link: http://www.wattpad.com/82866427-cold-fangs-prelude
Siguro hanggang chapter 50 lang ang MKiF. All problems were popping kaya maraming clues ang lumalabas. Sino 'yung nagtext kay Theyn? It's a sccret. ;">
Ate Thy <3