Stuck On You

By zhidez

160K 4.7K 1K

To Kyle, Marie Kris is like gravity. He can't help but fall for her. Once, twice, thrice...countless times. T... More

Chapter 0: INTRO
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41: FINALE

Chapter 14

3.3K 105 25
By zhidez

Half day kami ngayong araw at kanina pa nangungulit si MK para sumama ako sakanila. May 'mega SALE' daw kasi sa convention center malapit sa school. Wala naman akong kailangang bilhin pero nagpupumilit parin siya. Isa pa, mukhang kailangan nga muna naming ipakita na 'girlfriend' ko siya.

"TARA NA! Walang aangal!" Itinulak ako ni MK palabas ng classroom.

"Saglit lang ako." Paalala ko ulit sakanya. Medyo nakakairita narin kasi kapag paulit-ulit siya. That's one thing that's bothering me right now. She's more annoying than usual.

"Nasa labas na si Akie, Paul, Samantha at Fairy!" Sabi niya habang naglalakad kami. Huminto ako at napatingin sakanya.

"Fairy?"

"Yup! Nag-usap na kami kahapon. Ang sabi nga niya, nagkaroon daw siya ng lakas ng loob dahil sa'yo. Ano naman ang sinabi mo sakanya?"

"Clichédideas." Sagot ko. Humakbang ulit ako pero hindi naman siya gumalaw sa kinakatayuan niya kaya binalikan ko siya.

"May problema ba?"

"AH! Iniisip ko lang yung sinabi ni Fairy. Pero wala 'to." She smiled.

"I told you last time, just be yourself around me. No one's even watching." Itinuro ko ang paligid namin. Nasa may tapat na kasi kami ng library building.

"Ni hindi ko nga alam kung... Tss. Hayaan mo na! Wala 'to." She brushed off the topic and went on and on about that 'mega SALE'.

Totoo ngang nasa labas si Akie, Paul, Samantha at Fairy. Kinawayan ako ni Fairy at Samantha, tumango naman si Akie at Paul. Magkakatabi ang mga babae sa paglalakad hanggang sa makasakay kami at makarating sa sale event. Ang daming tao at hindi na maiwasang magkahiwalay-hiwalay kami.

Fuck, pinagtitinginan kaming tatlo (Akie, Paul at ako) ng mga tao habang naglalakad kami. Majority of them are students from other schools. I could discern from their uniforms.

"Ang daming tao, uuwi na ako." Paalam ko sa dalawang kasama ko pero humarang silang dalawa sa harapan ko.

"Brother's club ito. Walang makakaalis." Sabi ni Paul. Parehong kumunot ang noo namin ni Akie at tumingin kay Paul.

"Fuck off!" Sigaw ni Paul nang sabay kaming tumawa ni Akie. Shit, halos maiyak na ako. Ang seryoso kasi ng mukha niya kanina. Mukha siyang isang batang iiwan ng mga kalaro niya.

"H-holy...Sh...it.... Calm the fuck down. Hindi ka namin iiwan." Tumatawang sabi ni Akie. I grinned.

"Tara doon, mukhang may space pa." Turo ko nalang sa may bandang dulo ng convention. Pinigilan ko nalang ang tawa ko para hindi pa lalong mapahiya si Paul. Habang naglalakad kami ay may nakita akong mga tindang balloons. May isang hugis panda kaya agad kong naalala si MK.

"Akie, manlibre ka naman. Nagkabalikan na kayo ni Fairy e!" Bunyag ni Paul nang nakalayo na kami. Inilabas ni Akie ang wallet niya at inabutan ng pera si Paul.

"Your suggestion." I shrugged. Walang nagawa si Paul kundi umalis at bumili nga ng pagkain. Mukhang may gusto rin kasing sabihin si Akie sa akin e.

"You keep on cornering me. Ready to confess?" Simula ko agad kay Akie. Tumawa lang siya.

"Paano mo 'yun ginawa? Ang masabihan si Fairy? Alam mo bang ok na rin sila ni MK? Ang sabi ni Fairy, may sinabi ka raw sakanya pero hindi niya sinabi sa akin kahit na anong tanong ko. Pati si MK nagtatanong."

"Kinorner mo ako para lang diyan? Hindi ba sapa't na yung ok na kayo?"

"Baka lang naman may nasabi sa'yo na dapat kong malaman...Para hindi na maulit ang nangyari dati."

"She's your girlfriend, ask her directly. For fucks sake, I'm not a diary. Everyone's been logging their day's activity to me lately." Frustrated na sabi ko.

"Dahil reliable ka, kahit na wala sa mukha at itsura mo."

"None taken. Siguro ito lang ang masasabi ko, nag-aalala lang si Fairy sa inyong dalawa ni MK."

"Si Fairy ang pinili ko. Sa tingin ko naman ay magiging ok si Marie nang dahil sa'yo. Aalagaan mo naman siya, hindi ba?" May halong pagbabanta sa boses niya. Oh fuck, I almost forgot.

"Yeah. Buti naman nakapili ka na."

"Paano kung si MK ang pinili ko?"

"Wala akong magagawa dahil sa huli, si MK din naman ang mamimili."


"Shit, may sagot ka talaga sa lahat! Fucking welcome to the brother's club!" Lalapit sana si Akie para yakapin ako pero itinulak ko siya.

"Fuck off! Pakisabi nalang sa iba, umuwi na ako." Paalam ko.

"Huh? Si MK?"

"Baka nakikipagkwentuhan pa yun ng husto o namimili. Itetext ko nalang. Sige." Paalam ko sakanya. Nag-'oo' lang din siya.

Kailangan kong umuwi agad para tignan ulit ang mga files ni Kuya. Babalik na siya mamayang gabi at hindi pa ako nakapagdesisyon kung dapat ko nga ba siyang kausapin o hindi. Ayaw ko siyang pagdudahan pero oras na nagkamali ako, lahat ng pinaghirapan ni MK ay mawalala.

What if Max is on the wrong side? I bet MK would hate me. Maybe I should start preparing myself for that. Maybe I should start distancing myself so that when that day comes (but I'm hoping it won't), I could just easily yell: 'FUCK YEAH, hate me. I don't care.'

***

Isa ang XENO-G sa mga malalaking kumpanya pagdating sa reseach ng mga bagong gamot. Halos international na ang nararating nito at ayon sa balita, malapit na silang maglabas ng bagong gamot. It's supposed to be a high-end drug for pain. From what I understood, it's action's supposed to match or surpass those drugs that are commonly used. It's a highly anticipated drug since it doesn't cost that much. It's cheap but they'll profit big time if it would hit the international market.

"Fuck, my brain hurts." Tumayo ako at bumaba para kumuha ng tubig. Ah shit, naiwan ko pala yung phone ko sa may kusina. Pagtingin ko sa phone ay may fifteen na missed calls galing kay MK. I called her back.

"Bakit ka tumatawag?" Tanong ko agad noong sagutin niya iyon.

"Iniwan mo ako." Seryoso ang boses niya.

"Pinasabi ko naman kay Akie."

"Balikan mo ako." She sounded cold and angry.

"Nandiyan ka parin?" Tinignan ko ang oras, halos alas otso na ng gabi. Hindi niya ako sinagot, ibinaba lang niya agad ang tawag.

What the fuck is wrong now? Kinuha ko ang jacket ko at lumabas. Nag-taxi ako papunta sa may sale convention. Marami paring tao at nadagdagan ang mga stalls ng pagkain sa tabi-tabi. Tinawagan ko si MK noong nandoon na ako.

"Where in the fuck are you?" Hindi ko matimpi ang inis ko.

"Nasa may likuran mo." Malamyang sagot niya. Paglingon ko ay nandoon siya at may hawak siyang dalawang balloons. One red and the other, green.

"Did you really want to play 'boyfriend-girlfriend' that much?" Sabi ko sakanya sa phone. Ibinaba niya ang tawag at tinignan niya ako ng masama.

"Ano?"

"You're acting out and I don't have any idea why."

"Fine. Sorry kung tinawag-tawag pa kita dito. Umuwi ka na." Tinalikuran niya ako at mabilis na naglakad palayo.

"C'mon!?" Hinabol ko siya. Buti nalang at may mga hawak siyang balloons. Kahit na maraming tao ay alam ko parin kung saan siya papunta.

Finally, she stopped. It's at the furthest part of the convention, literally a dead end. There were trees around and the a cliff with a nice view ahead.

"Ano ba talaga ang problema?" Matinong tanong ko sakanya. Nilingon niya ako. She was crying. Why am I always there when she's crying? Wait. I think I made her cry this time.

"Umuwi ka nalang kaya?" Mukhang naiinis parin siya.

"Ok. I'm sorry. Marami lang akong iniisip nitong nakaraang mga---" Napahinto ako dahil may isang grupo na lumapit sa amin. What the fuck is with Denver's timing? Hindi ko kilala ang karamihan sa mga kasama niya.

"MK? Umiiyak ka ba? Pinaiyak ka ba ng gagong ito?" Tanong ni Denver kay MK. Agad kong hinila si MK papunta sa likuran ko. This scene is so familiar. I hope it won't have the same result.

"Ito ba ang binabanggit mo?" Tanong ng isang kasama niya. May hikaw sa magkabilang tenga ang nagsalita. Looks like bad news.

"Tara na." Hihilain ko sana si MK pero may sumipa sa likuran ko, dahilan para mapadapa ako sa semento. FUCK! Agad akong bumangon.

"DENVER! Ano ba ang ginagawa mo?!" Pumunta si MK sa harapan. Silly girl, she wants to protect me now huh? Definitely not the same as the last one.

"Ikaw, MK! Putang ina! Kailan lang noong gusto mong matulog sa bahay tapos ngayon may iba ka ng boyfriend? Putik, wala pala akong pakialam doon. Ang hindi ko tanginang matanggap ay iyong ipahiya niyo akong dalawa sa harap ng lahat. You fucking asshole!" Kasabay ni Denver na lumapit sa amin ang buong grupo.

May humila kay MK palayo sa akin. Nakita kong lumipad ang dalawang lobo. FUCK, wala akong laban sakanila pero kailangan kong subukan.

"Shithead!" Pinagsusuntok at pinagsisipa ko ang bawat masagi ko pero mas malalakas na sipa at suntok din ang natanggap ko.

"TAMA NA! PLEASE!" Sigaw ni MK sa may likuran. Sa kabila ng mga mura at sigaw ay may pumito. Agad na nagsialisan ang mga nakapaligid sa amin. Ubo ako ng ubo, dura ng dura. Damn it.

"KYLE! KYLE! Huwag kang mamatay!" Lumuhod si MK sa may bandang ulo ko. Hindi ko na kasi kayang tumayo e. Panay din ang pag-iyak niya.

"C-calm down, just some broken r-ribs---" Naubo nanaman ako. Hinihintay ko ang pagdating pulis o tanod pero may dalawang batang dumaan habang naglalaro ng pito. Natawa ako. That was some luck.

"KYLE! SORRY!" Inalalayan ako ni MK tumayo pero agad naman niya akong dinamba ng yakap.

"H-hurts. Everything h-hurts, but I'm not dying so calm down." Sumandal ako sa isang malaking puno. Naglabas ng sanitizer at panyo si MK. Iyon ang ginamit niya para punasan ang mukha ko. Buti nalang at naka-leather jacket ako, walang gasgas sa kahit na saan.

"Tama na ang pag-iyak." Alo ko sakanya.

"Kasalanan ko nanaman 'to e. Kung hindi ako naging selfish kanina. Kung hindi kita tinawag dito. Gaya noon, noong pilitin ko si Kuya na kumain muna kami sa favorite restaurant ko bago kami... Kung hindi sana kami dumaan doon....." Her voice trailed, she sobbed and sobbed.

"Let's talk."

"AH. Oo nga pala, ayaw mo sa mga ganoong kwento. Tatawag nalang ako ng taxi para ipunta ka sa ospital." Pinunasan niya ang mga luha niya. Nagawa ko pang mahila ang mga kamay niya bago pa siya makaalis.

"Let's. Just. Talk."

"Pero..."

"Gasgas lang 'to." Pagsisinungaling ko. Umupo ako sa kinakatayuan ko para makasandal ako sa puno. Nang mapatingin ako sa taas para tingalain si MK ay nakita ko ang pulang lobo na nakasabit sa may puno. The other one got away I guess. I don't know if the green balloon was lucky for floating away freely. Or if the red one here is miserable for being stuck.

The green one's starting to see the world on a higher perspective... The red one, stuck here, will just watch and wait for everything to be over.

"KYLE! K----" MK's shouting again.

***

Hawak-hawak ni MK ang kamay ko nang buksan ko ang mga mata ko. Magsasalita sana ako pero nanunuyo ang lalamunan ko.

White?

IV drip?

"You fucking brat." Mahina pero madiin na sabi ng boses malapit sa akin. Shit, hindi ko napansin na nandito pala sa loob ng kwarto si Kuya. Tulog si MK habang nakaupo. Gusto kong bawiin ang kamay ko pero ayaw ko munang magising siya.

"Napaaga ang dating mo?"

"Yeah. What the hell happened?" Tanong niya.

"Later." Itinuro ko si MK.

"Wake her up. Someone I know will take her home." Sagot niya. Sakto namang bumukas ang pintuan. You've got to be kidding me.

"Yow!" Nakangiting bati ng pumasok na lalaki. Mukhang nagising si MK dahil doon. She looked horrified when she saw who it was.

"Baka nag-aalala na ang mga magulang mo, Marie. Ihahatid ka na ni Carl pauwi." Pautos na sabi ni Kuya. I looked at MK. Napanga-nga lang siya at humigpit ang hawak niya sa kamay ko.

Carl is Denver's brother. Carl is Kipp's former workmate and apparently, Carl is now acquainted to my fucking brother.

"I need her here." Napilitan akong sabihin. Tumingin si Kuya, Carl at MK sa akin. I can't believe with what's about to get out of my mouth.

"She's my girlfriend, I need her here." Ulit ko, para mas malinaw na.

"WHOOOOAW! KAYO NA?!" Nawala ang seryosong mukha ni Kuya. Kay MK na nakabaling ang antesyon ng dalawang nasa harapan namin.

"O-opo. Tumawag na po ako sa bahay. Sasamahan ko lang po si Kyle ngayon gabi kung ok lang. Kasalanan ko naman po kung bakit siya naospital." Nagmamadaling sabi ni MK.

"Totoo bang hinabol mo ang dalawang balloon kaya ka nahulog sa puno?" Tanong ni Kuya. MK, what the hell is with this story.  Hinigpitan ko ang hawak ko sa kamay ni MK.

"Yeah. She looked so sad." Pilit na sabi ko.

"Kita mo nga naman ang mga batang in-love. Hindi pa nga ako binabati ni MK o." Singit ni Carl. And just like that, MK's 'other side' switched on.

"Ay sorry Kuya Carl! Hello. Kasi iniisip ko lang yung ginawa ni Kyle kanina. Ang sweet pero nasaktan pa tuloy siya." Sagot ni MK. This story is making me stupid. They might think I'm stupid. What else can I do?

"Mauna na ako. Nice to meet you, Kyle. Bro, ikaw na ang bahala sa mga batang ito." Halos humagikgik iyong si Carl.

"I'll buy us something to eat. Calm down, kiddos." Sabi ni Kuya at sibayan niyang umalis si Carl.

"Kyle. Si Kuya Carl...Siya ang Kuya ni Denver." Bulong ni Mk sa akin.

"I know."

"Bakit sila magkasama ng Kuya mo?"

"I have no idea." Napatingin ako sa mga kamay namin. Napansin niya ang ginawa ko, doon lang niya narealize na hawah-hawak niya parin ang kamay ko. Bumitaw siya. I shook my hand, she gripped it really hard.

"Kanina pa ba si Kuya dito?" Tanong ko.

"Oo. Pero hindi ko alam na kasama niya si Kuya Carl."

"At gusto ka pang ihatid pauwi ng Carl na 'yun. Ok na ako, puwede na siguro akong lumabas." Sinubukan kong igalaw ang bawat parte ng katawan ko. Walang masakit pero baka dahil may gamot na itinurok sa akin.

Hindi ko nga alam kung paano ako napunta dito e.

"Bigla ka nalang nawalan ng malay kanina." Sabi niya bigla.

"Sinong kasama mong nagdala sa akin dito? May iba bang nakakita?"

"Si Akie at Paul, hindi parin pala sila nakakauwi. Pero umalis na sila. Sorry, ang weird ng naisip kong kwento. Tapos, napilitan ka pa para protektahan ako. Kyle, natatakot ako. Tama na yata. Hindi ko alam kung ano ang mangyayari. Baka hindi ko kayanin kung mangyari ulit ang nangyari kay Kuya sa'yo. Mahalaga kang kaibigan sa akin. Tama na yata, Kyle." Yumuko siya sa may kama ko. Mukhang ayaw niyang tignan ko ang mukha niya.

"Good night." Humiga ako at hinila ang kumot ko.

"Kyle, seryoso ako."

"I'm not just going to run when it gets hard. Not anymore." I patted her head. 

"Seryoso talaga ako." She said, her voice muffled.

"Then, let's talk. I'll walk you home." Bumangon ako, tinanggal ang swero at dinampot ang jacket ko na nasa may isang upuan. Buti nalang at hindi ako pinagsuot ng hospital gown.

"Kyle! Huwag ka nga. Hindi naman ako aalis e. Dito lang talaga ako." Hinarang niya ang daan papunta sa pinto.

"Paano kung makatulog ako at biglang may tanungin sa'yo si Kuya? Paano kung maramdaman mo sa Kuya ko ang takot na nararamdaman mo dahil kay Denver at sa Kuya niya?"

"H-huwag mong sabihin yan. Walang kinalaman ang Kuya mo dito."

"Are you sure? Because I'm not. Whether your coming or not, I'm out of here." Nilagpasan ko siya. Sumlip ako sa labas. May ilang nurse at mga tao sa paligid pero baka hindi nila mahalata.

Yumuko ako at pasimpleng naglakad palabas ng ospital. Kampante ako nang makalabas ako dahil alam ko na kasunod ko lang si MK.

---

Continue Reading

You'll Also Like

52.9M 2.2M 172
Ever since Sari's sister married the seemingly perfect man, she had dreamt of her own happily ever after. Gusto niya rin ng gwapo, mayaman, at gwapo...
22K 1.2K 30
Somersault Boys Series #1 Might not. Probably won't. Maybe never. Unlikely. Doubtful. Despite being everything he could have been, Elize constantly s...
82.2K 2.4K 53
Samantha Gabrielle Torres has been seeking for answers why her mother did not return after seventeen years. Now that her father is about to marry, s...
72.4K 3.6K 47
"Seoul gave me a lot to hold on to. From creating good memories to bad heartbreak. From life lessons to applying it. Seoul taught me that love is unc...