Mister Fanboy, Itanan Mo Ako...

By GHIJK_Elle

6.9K 316 204

Madami ang humahanga kay Koa sa lugar nila; maging ang mga kababaihan ay baliw na baliw sa kagwapuhang taglay... More

Prelude
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 6

Kabanata 5

640 28 17
By GHIJK_Elle

Kabanata 5

Hindi Magkakagusto

"WELCOME to Happy Island, Sinta!"

Inirapan ni Jade Paris si Koa. Nakaka-inis ang malawak na ngiti nito. Samantalang siya ay nanlalagkit na ang pakiramadam.  My god!  Hindi niya inaasahang sasama siya dito.  Anu bang pumasok sa isipan niya't pumayag siya sa gusto ng lalakeng ito?

Puyat siya. Masakit din ang pang-upo niya dahil sa matagal na pagkakaupo.  Mula Araneta Cubao, sumakay sila ng Provincial Bus at labing dalawang oras iyon bumyahe. Inaasahan niyang mga apat na oras lang ang itatagal ng byahe nila. Nakakainis lang!

Hindi niya itatangging kahit paano, hindi siya nahirapan sa byahe dahil pantatlong upuan ang kinuha nila.  Nakaunan pa siya sa balikat o di kaya nama'y sa hita ng lalake kapag antok na antok na siya.  Iyon nga lang ay hindi komportable dahil sa nakatakip na mukha niya upang walang makakilala sa kanya.

Makakahinga na sana siya ng maluwag nang bumaba sila sa bus pero sumakay naman sila ng barko ng apat na oras bago nakarating sa Catanduanes-ang sinasabi nitong Happy Island.

Gusto na niyang magpalit ng damit.  Pakiramdam niya'y ang baho-baho na niya. Pero itong lalakeng kasama niya ay tila walang pake at sinasamantala pa ang pagkakataon dahil panay ang akbay sa kanya habang tinutungo nila ang sakayan ng jeep.

"Sinta, ayusin na muna natin iyang takip sa mukha mo.  Baka may makakilala sa 'yo."

Inirapan niya si Koa at tinabig ang kamay nito. "Ako na! And please, don't talk to me! Naiirita ako!"

Napaiwas siya ng tingin nang ngumuso ito.

"Ang harsh mo naman."

Hindi siya nagkomento saka inayos ang takip sa mukha niya.

"Malayo pa ba tayo?" aniya nang makasakay sa jeep.  Pinagpapawisan na siya at naiinitan dahil siksikan sa loob.  Naghalo pa ang mga amoy ng kasama niya.

Akala niya'y hindi narinig ni Koa ang tanong niya kaya inulit niya iyon pero sa pangalawang pagkakataon ay wala siyang nakuhang sagot dito.  Nginitian lang siya saka inakbayan.

"I am asking you! Malayo pa ba tayo?" Alam niyang may napalingon sa kanya dahil sa tono ng boses niya pero pake niya ba? Naiinis na siya.

"Sabi mo kasi, 'wag kitang kausapin.  Sinusunod ko lang ang gusto ng Sinta ko." Inihapit siya nito saka pinasandig sa balikat. "Tulog ka muna. Medyo malayo pa ang byahe."

Mayamaya'y nakaramdam siya ng marahang tapik sa pisngi.  Inalalayan siyang bumaba ni Koa sa Dyip saka iginaya sa mga sakayan pa ng bus.

"Are we here already?"

Her forehead creased when Koa shook his head.

"Ano pala? Wala pa ba tayo sa tutuluyan natin? Nanlalagkit na ako Mister Labastete! My god! Una pa lang alam kong mali ang pagsama sa 'yo dito!"

Tuluyan nang uminit ang ulo ni Paris Jade lalo na nang ilibot ang paningin.  Isang landmark ang nakita niya at sa harapan ay puro mga bus at tricycle. Wala siyang makitang magandang bahay na may posibilidad na bahay ng lalakeng kasama niya.

Inirapan niya si Koa nang magkamot ito ng ulo. "Isang sakay pa kasi tayo ng bus, Sinta eh. Sa pinakadulong munisipyo tayo ng Catanduanes pupunta."

Napatirik siya ng mata. "Fine! Pero wala bang malapit na restroom dito? I wanna change my clothes already!  Nanlalagkit na ako!"

Mas lalong naiinis si Jade Paris dahil mukhang hindi man lang naaapektuhan si Koa sa pagsigaw at pagsungit niya dito.

"Sa bahay ka na lang pumalit. Aalis na kasi ang bus. Baka maiwan tayo, mas lalo tayong matatagalan. Saka okay lang 'yan, kahit mabaho ka na, hindi pa rin nabawasan ang paghanga ko sa 'yo--"

She averted her gaze. What with this man?  Hindi man lang magalit sa kanya.

Nagpatianod si Jade Paris sa paghila ni Mister Labastete. Nang sumakay ulit sila sa isang bus ay tinulugan niya lamang ito. 

Good thing, they are at the province. Kahit sobrang layo ng Pandan, Catanduanes, narating nila ito within two hours dahil di naman uso dito ang traffic.

"Nandito na tayo," Koa smiled at her. "Isang sakay na lang ng tricycle."

Hindi na nagprotesta pa si Jade Paris dahil sa pagod niya. Pagod na din siyang sungitan ang lalakeng hindi man lang makadama ng inis sa pagtataray niya.

Isang bakod na yari sa kawayan ang sumalubong kay Jade Paris matapos nilang bumaba ng tricycle.

"I think, it's not safe for me to stay here."

Sa tingin niya kasi ay madaling pasukin ng magnanakaw ang bahay nila dahil sa sira-sirang tarangkahan.

Her gaze averted on her hand when Mister Labastete hold it.

"Safe ka dito, Sinta. Basta nasa pangangalaga kita, walang mangyayari sa 'yo." Koa said then pushed the wooden gate.

"Nay, Tay, uya na ang pinakagwapong aki ninyo!"  Nay, Tay, nandito na ang pinakagwapong anak ninyo!

Hindi maintindihan ni Jade Paris ang sinasabi ni Koa pero alam niyang pagmamayabang iyon dahil sa salitang gwapo.

"Pasok tayo sa bahay nila nanay, magmano ka muna bago tayo didiretso sa sarili kong bahay." Nilingon siya ni Koa saka hinila sa isang bahay na hindi naman gaanong kaganda pero alam niyang matibay dahil sa gawa ito sa bato..

"Nay? Tay?"

Walang sumagot.

"Nasa palengke pa siguro sila Nanay. Sa bahay muna tayo. Anong gusto mong pananghalian?  Ipagluluto kita," anito habang hila na naman siya patungo sa isa pang bahay sa likurang bahagi ng bahay na pinasukan nila.

"Ito na muna ang magiging bahay mo pansamantla, Sinta," may pagmamalaking ani Koa nang pumasok sila sa isa pang bahay na hindi kalakihan kumpara sa naunang pinasukan nila.

"So where's my room?" umarko ang kilay niya.

Iginaya siya nito sa isang kwarto na wala man lang pintuan at tanging kurtina lamang ang harang para hindi makita sa loob.

"Dito ka tutuloy sa kwarto ko--"

"Wait, Mister Labastete! Your room? No!  I won't sleep in your room. Take me to the guest room!" Hindi pa siya nahihibang para matulog sa kwarto ng lalake. Paano kung gapangin siya nito gayong walang pinto ang kwarto. Saka saan matutulog si Koa?

Nagkamot si Koa sa kanyang ulo. "Sinta, hindi kami mayaman. Hindi uso ang guest room dito na sinasabi mo. Saka medyo malaki naman ang kama sa kwarto ko, magiging komportable ka.".

"There is no way, Mister Labastete!" Inirapan niya ito bago pinagkrus ang kamay sa tapat ng dibdib.  Nakita niya sa gilid ng mata ang pagsalubong ng kilay ng binata.

"Kanina ko pa napapansin, Sinta. Hindi lang ako nagku-komento. Pero ang bastos mo naman. Niyuyurakan mo ang apelyido ko na magiging apelyido mo rin sa tamang panahon. Anong labastiti? Labatete iyon."

Pinamulahan ng mukha si Jade Paris hindi dahil sa kilig, basgkus dahil sa galit. "Fvck! Kung ganyang apelyido lang din naman ang dadalhin ko, ayoko! Ayaw kitang mapangasawa!" From Ballar to Labas--Labatete. Ang bahong pakinggan! Hindi iyon mangyayari kaylanman! It's like, Jade Paris, ilabas mo ang t*t*. That so fvcking eww!.

"Harsh mo naman. Baka mamaya..." Tinaas-baba ni Koa ang kilay, tila inaasar siya kaya mas lalo siyang pinamulahan.

"There's no way in hell na magugustuhan kita, Koa Labastete!" she walked out saka pumasok sa isang pintong nakita niya. Good thing, it was a bathroom at may pinto. Walang pagdadalawang isip na hinubad ni Jade Paris ang damit saka naligo. Wala siyang pake kung pagod siya sa byahe. Nanlalagkit siya at nandidiri sa sarili niya.

Nang matapos sa pagligo saka niya lamang napagtantong wala siyang dalang tuwalya o damit man lang.

Muling nag-init ang ulo niya.

"Mister Labaste--" She was about to shout.

"Andito ako, Sinta. Alam kong tatawagin mo ako dahil wala kang dalang gamit dyan.  Buksan mo ang pinto at iaabot ko sa 'yo ang tuwalya saka damit na maaari mong gamitin."

"No! Baka silipan mo ako!"

She heard him sighed. "Ginagalang ko ang pagkababae mo, Sinta kahit na sa kabila ng paglapastangan mo sa apelyido ko. Dali na, kahit konting awang lang. Baka malamigan ka at sipunin."

Wala nang nagawa si Jade Paris at inawang ng konti ang pinto. Sapat na upang makuha niya mula dito ang damit.

"Pag tyagaan mo muna ang damit ni Nanay. Mamaya,  bibilhan kita ng damit sa bayan. Suotin mo muna 'yung boxer ko, dahil alam kong wala kang underwear--"

"Damn it! 'Wag mo nang ituloy!"

Naiinis si Jade Paris at wala man lang preno ang bibig nito sa pagsalita. Siya na lang 'yung nahihiya sa mga pinagsasabi nito.

"Masusunod, Sinta ko. Hintayin kitang makapagbihis, pupunta tayo sa kabilang bahay. Hintayin natin sila Nanay."

"I wanna rest please. Ikaw na lang."

Walang pagdadalawang isip na umuo si Koa. "Sige, okay lang ba na dito ka muna?"

"Yes. So please, iwan mo muna ako!"

Muli niyang narinig ang pagbuntong hininga nito saka sumunod ang papalayong yabag ng binata.

Matapos magbihis ay labag man sa loob ni Jade Paris dumiretso siya sa kwarto ng binata. Matapos patuyuin ang buhok ay nahiga siya, akap-akap ang unan sa takot na tabihan siya ni Koa.

Halos papalubog na ang araw nang magising si Jade Paris. Iginala niya ang paningin, doon niya lamang naproseso sa isip na nasa malayong lugar nga siya, malayo sa Siyudad-sa magulong Maynila.

Maingay sa labas ng bahay kaya napagdesisyunan niyang lumabas upang tingnan ito.  Naabutan niyang may dalawang lalakeng nag-iinuman sa labas at nagtatawanan.

Nang mapasulyap sa kanya ang matanda ay tinuro siya nito saka lumingon si Koa sa kanya. Agad itong napatayo at dinaluhan siya.

Kung titingnang mabuti, napakagwapo talaga ng binata. May laban ito kung itsura man lang ang pag-uusapan sa dati niyang kasintahan.

Pero ewan niya ba at inis na inis siya dito.  Naiinis siya sa mga banat nitong wala man lang kabuluhan.

"Sinta ko, gising ka na pala.  Halika, ipapakilala kita kay Tatay." Hindi na siya nagprotesta nang igaya siya nito sa matanda.

Nginitian niya lamang ito ng pilit at hindi nagsalita. She doesn't know what to say.

"Tay, siya 'yung yasabi ko sa imo na tig-tanan ko pero bako ko man na agom." Tay, siya 'yung sinasabi ko sa 'yo na tinanan ko, pero hindi ko naman asawa.

Tumawa ang binata sa sinabi nito kaya kumunot ang noo niya.

"Painano mo ugod an nadala uya, Koa? Baad kasuhan kang kidnapping kaan." Kung gayon, pano mo siya nadala dito, Koa?  Baka kasuhan kang kidnapping n'yan.

Humalakhak ang binata, halatang lasing na. "Hindi 'yan, Tay. Dadating din yung araw na magiging patay na patay din to sa 'king si Sinta," anito, nabura na ang ngiti sa mga labi.

Tumawa rin ang matanda. "Imposible ang yasabi mo na an. Baad makulgan ka pa sa pagkagusto d'yan.  Delikado an, Koa. Dae ka bagay d'yan." Imposible 'yang sinasabi mo. Baka masaktan ka pa r'yan. Delikado 'yan Koa. Hindi ka nababagay sa kan'ya.

Nakita niya ang pag-iling ng binata. "Magiging bagay rin kami."

Dinig niyang bulong nito.

Wala siyang naiintindihan pero alam niyang siya ang pinaguusapan ng mga ito.

Nabaling ang tingin niya sa tatay ni Koa. Tinanguhan siya nito bago nagpaalam na papasok na. "Bukas na lang ako magpapakilala ng normal sa 'yo, Sinta ng anak ko at ako'y lasing na."

Nang sila na lamang ang natira sa labas ay nagdesisyon siyang pumasok na din sa kabilang bahay.

"Saan ka pupunta?"

Napatigil siya sa akmang pagpasok sa kwarto.

"Mamaya ka na pumasok r'yan. Ipaghahanda lang kita ng pagkain. Kagabi ka pa walang maayos na kain. Hindi pwedeng mangayayat ang Sinta ko."

Gutom na nga si Jade Paris pero kahit nakita niya ang mga pagkaing nakahain sa mesa kanina ay hindi siya kumain.  Malay niya ba kung may gayuma ang mga iyon ni Koa. Di tapos na ang career niya pagnagkataon.

"Sige na, pumwesto ka na. Alam ko ang iniisip mo.  Don't worry, walang halong gayuma ang mga pagkain. Kahit nasa liblib tayong lugar, hindi yun uso dito.  Saka may iba pang paraan para mahumaling ka sa 'kin..." ngisi nito.

Nag-init ang pisngi niya kaya iniwas niya ang tingin dito.

Hindi niya maiwasang mailang dahil halos hindi tanggalin ni Koa ang paningin habang kumakain siya.

"Will you stop staring? Hindi ako makakain ng maayos." Pagmamaldita niya.

Ngumiti naman ito, tila tulad nung una na hindi talaga naaapektuhan ng pagsusungit niya.

"Akala ko talaga ay sobrang bait mo Sinta. Madalas kitang panuorin sa telebisyon. Ang dami mong natutulungan tapos malapit ka pa sa mga mahihirap. Hindi ko alam na masungit ka pala."

Halos mabulunan siya. Naging alerto naman ito at inabutan siya ng tubig.

Sinamaan niya ito ng tingin. "Hindi lahat ng nakikita mo sa TV ay totoo. Saka kelangan ko bang ipakita kung ano ba talaga ako gayong tumutulong na nga ako? Hindi naman importante iyon diba? Hindi iyon yung tinitingnan dito. Sapat nang makatulong ako pero wala sila--o kayong karapatan punain kung ano talaga ang ugali ko."

Sanay na si Jade Paris na mapagsabihan nga mga ganoong bagay.  Kalat din sa mundo ng showbiz kung gaano kasama ang ugali niya.  Kaya nagtataka siya at hangang-hanga itong si Mister Labas--Labatete sa kanya.

Mas lumawak ang ngiti nito. "Ayos lang na ganyan ka sa 'kin, Sinta. Titiklop ka din sa 'kin kapag pinatikim na kita--"

"Bastos!" Binato niya ito ng buto ng karneng kinakain niya.

Humalakhak naman ang huli saka tumayo at dumukwang sa kanya. "Ang dumi ng isip mo, Sinta. Partida, pinakitaan pa lang kita ng abs ko, nagkakaganyan ka na. Ano pa kaya kung--"

"Shut up!" Padabog siyang tumayo saka naghugas ng kamay sa lababo. 

Tawa naman nang tawa ang binata sa kanya.

"Ano bang iniisip mo? Ang tinutukoy ko lang naman ay titiklop ka rin sa 'kin kapag pinatikim na kita ng pagmamahal ko. Sinta kung alam mo lang, kahit asin lalanggamin kapag ika'y napa sa 'kin."

Dinig niyang ani ng lasing na si Koa.

Narindi na si Jade Paris kaya inilagay niya ang mga kamay sa magkabilang teynga.

Hindi ako magkakagusto sa 'yo! Taga mo pa sa bastos mong apelyido!

Itutuloy...

01-18-20

Continue Reading

You'll Also Like

186K 6K 50
Tagalog-English BL - There's an urban legend saying that people with the same name cannot live together. It's a curse. Romeo Andres is a basketball h...
3.3M 300K 52
Living alone with her sister, Rizaline Chavez has always found Sarah to be loving, caring, and kind. She is her polar opposite. But that's before she...
409K 21.6K 33
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.
1.7M 79K 53
[This is a GL story] Date started: March 24, 2017 Date completed: April 29, 2020 Additional chapters: Date Started: May 9, 2020 Date completed: July...