Kung Ika'y Mawawala [complete...

By walangmagawa1210

1.3M 28.2K 1.5K

Life has never been easy for Francine. She's already a widow at the age of 23 and a single mom to a cute 5 ye... More

Kung Ika'y mawawala [Altamerano brothers series book 1]
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15 part 1
Chapter 15 part 2
Chapter 16
Chapter 17 part 1
Chapter 17 part 2
chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38 (FINAL)

Chapter 11

31K 780 45
By walangmagawa1210

Date Uploaded: 11-21-14

Chapter 11

Shaun

"FINALLY!" I was somewhat releived when Aldrin walked inside the room. Mag-a-ala-singko na ng hapon at hanggang ngayon ay wala pa rin kaming balita kay Ysabelle. Kanina pa gustong tumawag ng pulis ni Kirsten, pero pinipigilan ko lang sya. Baka naman nag-pa-panic lang kami out of nothing. And besides, hindi rin naman kami i-e-entertain ng pulis dahil wala pang 24 hours nawawala si Ysabelle. Hindi pa sya ma-i-ka-classfy as a missing person. Baka naman naisipan lang ni Ysabelle na mag-isip-isip, manood ng sine, magshopping at nakalimutan lang nyang magsabi kung nasaan sya. Ang problema lang, naghihisteriacal na si Kirsten! And I'm getting paranoid!

"Any word?" Unang tanong ni Aldrin pagpasok na pagpasok sa kwarto.

"Nada."

Lumapit si Kirsten kay Aldrin at nilahad nya ang kamay nya and Aldrin shook it.

"Hi I'm Kirsten, I'm Ysabelle's sister and I believe that you are Aldrin? Ikaw yung nagdala sa ate ko dito sa Manila?"

"That is correct."

Marunong naman palang pumormal itong babaeng ito, e bakit kanina asal gubat?

"Huwag kang mag-alala dahil hindi ka kasali sa mga idedemanda ko. "

Napailing na lang ako habang napangisi naman si Aldrin.

"Tito Aldrin! " masayang masayang tumakbo ang bata patungo sa kanya at umaliwalas naman ang mukha ni Aldrin at binuhat nya yung bata.

"Hey kiddo!" May kinuha si Aldrin na dried mangoes sa bulsa nya at ibinigay nya kay Clyde. "Here's your order."

"Wow! I missed this! Thanks Tito Aldrin!"

"Have you finished your homeworks?"

"Yes, and I've already studied for my quizzes tomorrow."

"Hey, that's great. Say what, do you want to go to the mall with your yaya and buy some ice cream?"

"I can? But it's a school day. My mom will not like it." The kid pouted.

"I'll talk to your mom and make this day an exemption. It'll be my treat because you have been a good boy."

Nanlaki ang mga mata ng bata.

"Really? Yehey!"

"Go and dress up, I'll just talk to your yaya for some arrnagements."

Masayang masaya si Clyde na pumasok ng kwarto at nagbihis habang kinausap naman ni Aldrin ang yaya at hinabilin sila sa driver para dalhin sila sa mall. Nang makaalis na yung mag-yaya at naupo kaming tatlo sa salas para makapagusap ng matino.

"Nice idea. I should have thought about that."

"Kahit naisip mo yon, hindi ka naman nila susundin, hindi ka nila kilala. That kid is a smart one."

"Pansin ko nga, manang mana sa akin."

"Dream on Shaun." Haaaay... Bumanat na naman si Kirsten! "Pwede bang pagusapan na lang natin ang tungkol sa ate ko? Nasaan na ba sya? Nawawala na naman ba sya? May kumuha na naman ba sa kanya?"

"Paranoia will get you nowhere." Pinanlisikan nya ako ng mata pero hindi na rin nagsalita.

"I don't know where she is. Hindi nya sinasagot ang mga tawag at text ko, at palagay ko ngayon ay drained na ang battery nya dahil out of coverage area na ito. "

Tumayo si Kirsten at naglakad lakad. "What if she will not come back?"

"She will, I will make sure of it." Confident na sabi ni Aldrin.

"Kamusta nga pala ang naging lakad mo sa Cebu?" Inilihis ko ang usapan para mawala naman kahit kaunti ang pag-aalala ni Kirsten. And I'm also dying to know if my theory is correct.

Napakunot ang noo nya. Kinuha nya yun brown envelop na bitbit nya kanina. Binuksan nya yon at may inilibas na litrato. "This is Brandon Santos. Sya ang kinikilalang yumaong asawa ni Francine."

Kinuha ni Kirsten ang litrato at napasimangot sya. "Malabong ito ang asawa ni ate! Sure ako na hindi nya type yan! Saka hello! Imposibleng iyan ang ama ni Clyde, ang layo ng mga features nila. Oo, may itsura naman sya, pero hindi mahilig sa moreno si ate. "

Kinuha ko kay Kirsten ang litrato. "For the first time, I agree with you."

Huminga ng malalim ni Aldrin.

"Tama kayo dyan, hindi nga asawa ni Francine iyang lalakeng 'yan. First of all, hindi sila kasal. Walang records ng kasal nila. Hindi lang kasal ang wala. Hindi na rin siguro kayo magtataka na, walang record na Francine Santos, Francine cruz Santos, or even Francine Cruz. " he gave us a pained expression. I know that he was still hoping that Francine is not Ysabelle. Pero nabuhayan naman kami ni Kirsten dahil napatunayan lang na si Francine talaga ang Ysabelle na nawawala. Hindi sya namatay! "Pero, here's the thing, Brandon Santos also does not exist. Ipinadala ko na ang picture nya sa kakilala ko sa NBI and they are now tracing kung sino itong lalakeng ito at para malaman natin kung paano napunta si Francine sa kanya. At kung bakit nawala ang ala-ala nya. "

"Kung maibabalik lang sana ang alaala ni ate, malalaman na natin ang totoong nangyari sa kanya."

Nagbuntong hininga si Aldrin. "Yes, malalaman natin ang totoo. "

***

Francine

Pabalik na kami sa condo at pareho kaming walang imik ni Spencer. Parehong lumilipad ang mga isip namin. Napakaraming nangyari sa loob lamang ng dalawang araw. Nagulo ng husto ang mundo ko at hindi ko na alam kung ano na ang nangyayari. Hindi lang ulo ko ang nagugulo, pati na rin ang puso ko.

I need a break. I need to think straight. Pero paano ko gagawin yon kung halo-halo mga bagay ang nasa isip ko. Sino ba talaga ako? I'm really starting to believe what they're trying to say to me is true! The things that flashed in mind was so real! Parang totoo ang mga nangyari na yon. It's as if Spencer was really part of my past. Hindi man lubos na naaalala ng isip ko, iba ang sinasabi ng puso ko. Kahit kailang ay hindi ko ito naramdaman sa yumaong asawa ko. The intensity of what I felt is nothing near to what I felt for Brandon. Parang kaibigan lang ang turing ko sa kanya. Wherein kay Spencer, my Gosh! It's as if my heart will explode on both happiness and sadness!

But how about Aldrin? Nagnakaw ako ng tinging kay Spencer na ngayon ay nakakunot ang noo nya na parang napakalalim ng iniisip nya.

'Spencer..... Minahal ba talaga kita? '

HIndi ko namalayan na huminto na ang sasakyan at unti-unti syang tumingin sa akin. Matagal kaming nagkatitigan at namalayan ko na lang na pinipigilan ko na pala ang aking hininga. He reached out for my face and touched my cheeks. Even his simplest touch brings shivers thru my skin. Why? A part of me loves the feeling of being close to me, but a part of me also screams that what we're doing is wrong!

Ipinikit ko ang mga mata ko. I tried to enjoy every minute of our time. Dahil alam ko na kapag lumabas na ako sa sasakyang ito, kung ano man ang kakaunting alala ko sa kanya ay pipilitin ko ng ibaon sa limot. Hindi kakayanin ng konsensya ko na ako ang magiging dahilan ng pagwasak ng relasyon ni Spencer sa fiance nya.

"Mahal na mahal kita Ysabelle. I have never stopped loving you."

Parang piniga ng husto ang puso ko at halos hindi ako makahinga. Bakit ang sakit?! Tinignan ko ang mga mata nya na nagmamakaawa, hindi ko ito matagalan kaya ipinikit ko na lang ang mga mata ko. I have to do what is right. Kahit na nagpoprotesta ang puso ko, at kahit masaktan ko pa sya.

"I'm sorry Spencer, mas mabuti ng tuluyan mo na lang akong kalimutan. Isipin mo na lang na patay na talaga si Ysabelle. Wala na si Ysabelle. "

HInawakan nya ang magkabilang braso ko at pilit na iniharap nya ako sa kanya. Iniyuko ko ang ulo ko dahil ayokong makita ang mukha nya na alam kong lubos na nasasaktan ngayon.

"Sab! Look at me! Please.... look at me... at sabihin mo sa akin na wala kang nararamdaman sa akin na kahit na katiting lang!"

I refused to give in to his request, patuloy pa din akong nakayuko at nakapilit. "I'm sorry Spencer, you are just a stranger to me." Habang sinasabi ko yon ay parang libo libong patalim ang tumutusok sa dibdib ko.

'HINDI AKO NANINIWALA! LOOK AT ME!" Niyugyog nya ako at dahil doon ay napilitan akong tumingin sa kanya na labis ko namang pinagsisihan. I felt my heart crushing when I saw the hurt in his eyes. Ayoko syang saktan, pero wala akong choice.

"Hindi na rin naman importante kung anong nararamdaman ko. All I know is we both have to move on with our lives. Wala na ang nakaraan. Mabalik man o hindi ang alaala ko, wala na rin naman tayong babalikan. "

"No! I can't accept this!"

"Yes you can! HINDI KITA MAHAL SPENCER AT KAHIT SIGURO BUMALIK NA ANG ALAALA KO, HINDI NA RIN KITA MAMAHALIN!" nabitawan nya ako sa mga sinabi ko, pero kahit ako, para kong sinaktan ang sarili ko. Sobrang sakit ng dibdib ko at pigil na pigil ang pagtulo ng luha ko.

"You have to think about Lovely. Alam ko naman na mahal mo sya at mahal na mahal ka nya. Wag mo syang iwan."

Gusto ko na talagang umiyak, i already want to break down at pakiramdam ko ay wasak na wasak na ako, pero hindi pa pwede. HIndi maniniwala sa akin si Spencer kapag umiyak na ako ngayon sa harapan nya. Kailangan kong pangatawanan ito at tatagan ang loob ko dahil ito ang tama.

"Ysabelle.... "

"Don't call me that! Hindi ako si Ysabelle... Ako si Francine!" Madiing sabi ko. Nagbuntong hininga ako. " You have to understand, hindi talaga tayo pwede. Tanggapin na lang natin na hindi talaga tayo itinadhana para sa isa't isa. You have moved on before, you can do it again. "

Hindi na nagsalita si Spencer.

Binuksan ko na ang pintuan ng kotse at wala pa rin syang imik.

"Kalimutan mo na si Ysabelle....... " I looked at him one last time. "Goodbye Spencer. "

Nagmadali na akong lumakad papalayo dahil hindi ko na kayang pigilan ang mga luha ko. Sa nais kong masaktan si Spencer para tigilan na nya ako, sarili ko ang parang pinatay ko!

Aldrin

Tinignan ko ang relo ko. Kapag pumatak ng 7:30 at wala pa rin si Francine ako na ang tatawag sa pulis. Pinapakita ko na cool lang ako pero deep inside, nag-pa-panic na din ako.

Nasaan na ba sya? HIndi ganon ka-reckless si Francine para hindi ipaalam kung nasaan sya mas lalo na kung alam nya na may mga mag-aalala sa kanya. Hindi ko tinantanan kanina ang pagtawag sa kanya hanggat hindi ko sya nakakausap, pero kahit text message ay walang bumalik sa akin.

Where could she be?! Bawat segundong lumilipas ay mas tumitindi ang kaba na nararamdaman ko.

May kumaluskos sa may pinto and we all looked at the door when it opened. I should have felt relief pero parang mas lalong gumulo ang mundo ko ng makita ko si Francine na pumasok at nag-iiiyak. Dali-dali akong napatayo ako para salubungin ang bagong dating. HIndi na ako nag-isip at niyakap ko sya.

"Hey, what's wrong? What happened?" Kumuha ako ng panyo at ponahid ko ang mga luha nya. Hindi ko alam kung anng nangyari sa kanya, maayos ko naman syang iniwanan kagabi, pero ngayon, pakiramdam ko ay labis syang nasasaktan at hindi ko alam kung bakit!

Pinilit nyang ngumiti at pigilan ang mga luha nya, pero siguro sa tindi ng nararamdaman nya ay hindi na nya kinaya ito. Dire-diretso ang liha nya, at sa bawat pagpatak nito ay ako ang mas lalong nasasaktan! Kung pwede ko lang kunin ang lahat ng sakit na nararamdaman nya ay ginawa ko na.

Umiling-iling na lang sya. Isinandal ko ang ulo nya sa dibdib ko at doon ay pinagpatuloy nya ang kanyang pag-iyak. I ran my hands thru her hair hoping that the gesture will calm her don.

Makalipas ang ilang minuto ay bumukas na naman ang pinto and in came an unexpected guest.

"Spencer?" sabi ni Shaun. " Are...... you..... two......"

HIndi na tinuloy ni Shaun ang sasabihin nya. Ako man ay nahulaan ko na rin na sila ang magkasama kanina. Natigilan si Spencer ng makita nyang umiiyak si Frnacine.

"What the hell are you thinking!" Hindi ko na napigilan ang galit ko. "I told you to stay away!" Susugurin ko na sana si Spencer pero pinigilan ako ni Francine.

"Aldrin please. Nag-usap na kami ni Spencer and I think we've already had an understanding. Kakalimutan na namin ang lahat, ang nakaraan. We are all going to forget everything as if nothing had happened, so we can all move on with our lives."

"Then why are you crying? Sinaktan ka ba nya?"

Umiling siya and my heart went out for her. She tried to deny what she's feeling but I know better. Labis syang nasaktan sa mga nangyayari. Kung pwede ko lang syang protektahan sa lahat ng bagay ay gagawin ko!

"Kahit kailan ay hindi ko sya sasaktan. At kahit na masakit para sa akin na kalimutan ang lahat ay gagawin ko, para lang sa ikatatahimik ng lahat. Kung iyon ang gusto nya...... Gagawin ko. " nagbuntong hininga sya. "Umakyat lang ako dito para isoli ito." Inabot ni Spencer ang isang bracelet kay Francine. Pagkakita nya sa bracelet ay tumulo na naman ang mga luha niya. " You're right Ysabelle, I mean, Francine. Wala na tayong nakaraan na dapat pang balikan. I'm sorry for everything. HIndi ko intensyon na saktan ka o paiyakin ka. Nagbabakasakali lang ako na kung pwede pa nating dugtungan ang mga nakaraan. But, I guess you're right. We both have our own lives to live now. I have Lovely and you have.... " Tumingin sya sa akin at ramdam ko ang sakit na dinadala nya. "Aldrin. "

I held Francine protectively in my arms. A gesture that says that the girl is mine, and I guess, Spencer got the message loud and clear.

"So I guess this is goodbye, Ysabelle. This is the last time that I will say your name. I hope that you will be happy. "

Tumango na lang sya at tumalikod, pero bago pa sya makalabas ay biglang bumukas ang pinto.

"HEY MOMMY! LOOK WHAT I GOT!!!!" Masayang masaya si Clyde na pumasok ng pinto na may bitbit na laruan. Napatitig kaming lahat sa kanya at pakiramdam ko ay parang tumigil ang mundo.

Continue Reading

You'll Also Like

367K 11.3K 34
Ano ang mas masakit sa salitang friends lang tayo? Iyon ay ang tawagin kang KUYA... Tapos kakantahan ka pa ng mga ulol mong kaibigan ng Tinawag mo k...
2.4M 17.6K 31
WATTPAD FEATURED STORY Her name is Dallen dela Torre. Smart, rich, socialite, stunning and talented. Her mistakes and foolishness are countless... I...
2.2M 144K 50
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...
166K 678 6
Ginawang pambayad utang si Yleena ng step-brother niyang si Virgo sa pinagkakautangan nito dahil sa pagkalolong sa sugal. Labag man sa loob ni Yleena...