The Rain in España (Universit...

By 4reuminct

150M 3.5M 7.9M

University Series #1 In a family of doctors, Kalix decided to take a different path and found himself studyin... More

PROLOGUE
01
02
03
04
05
06
07
08
09
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
29
30
31
32
33
34
35
EPILOGUE
Author's Note

28

3.7M 89.2K 243K
By 4reuminct


"Ilagay n'yo 'yan sa likod. Doon na kayo mag-halo." 


Nandito ulit kami ni Sevi sa Tagaytay. Kahapon, naroon kami sa Rizal para sumali sa pagcheck ng site. Nagsisimula na ang ground breaking doon kaya baka mapadalas ang pagkawala ni Sevi rito. 'Yung isang project, dinaluhan na namin kanina kaya ngayong hapon, dito naman ang atensyon namin. 


"Nakita ko 'yung Instagram post, ah." Nakangisi si Sevi sa 'kin. 


"Hindi ako 'yon. Tawag niya lang 'yun sa buwan." Umirap ako habang tinitignan ang blueprint. 


"Deny lang nang deny!" Pagpaparinig ni Sevi. "Kaka-deny mo, mahulog ka dyan ulit. Tatawanan talaga kita. Hindi na kita tutulungan maka-ahon ngayon, 'no!" 


"Engineer Camero!" 


Sabay kaming napalingon sa tumawag na babae. Kumunot ang noo ko at nagulat naman si Sevi sa hindi niya inaasahang pagdating ng medyo galit na magandang babae sa may gate, kakababa lang sa dalang SUV. Padabog itong naglakad palapit at naramdaman kong kailangan kong umalis kaya nagkunwari akong abala sa backyard. 


Nilabas ko ang cellphone ko nang maramdamang mag-vibrate 'yon. Nag-text pala si Kalix. 


From: Atty. Martinez

I'm on my way. Do you want anything?


Agad naman akong nag-tipa. 


To: Atty. Martinez

The workers need food. 


From: Atty. Martinez

How about you? Nag-lunch ka ba kanina?


To: Atty. Martinez

No. 


Hindi na siya nag-reply pagkatapos no'n. Lumabas na lang ako ulit para i-check 'yung extension sa harapan. Lumayo ako nang kaunti para makita ko nang maigi. Napapasulyap tuloy ako kay Sevi at sa babae na mukhang nag-aaway doon. 


Ano na naman bang ginawa ng kaibigan ko? Pamilyar sa 'kin 'yung babae... Bakit ba hindi ko maalala? Iba ang kulay ng buhok at medyo malayo sila sa akin kaya hindi ko makita nang maayos. Nahihiya naman akong lumapit. 


Nang lingunin ako ng babae ay napaiwas ako ng tingin. Nakita kong medyo may halong kaunting galit pa ang tingin niya sa 'kin! Hindi naman niya kailangan mag-selos! Wala namang nangyayari sa amin ni Sevi! 


Nang bumalik ako sa gate, narinig ko pa ang iritang sabi ni Sevi. 


"Huwag ka ngang spoiled." 


My mouth formed an 'o' before I entered the house. Ayoko naman maging chismosa kaya roon na lang ako sa loob ng bahay. Maya maya, dumating na rin si Kalix na may dalang pagkain. Dumaan siya sa loob papuntang backyard para ibigay sa workers bago siya bumalik at nilapag 'yung isang paper bag sa breakfast table kung nasaan ako. 


"Eat," sambit niya.


Gutom na 'ko kaya hindi na rin ako tumanggi. Nagtaka 'ko dahil tatlong take-out ang nasa loob ng paper bag na 'yon! "Ang dami naman! Ano 'to? Hanggang bukas?!" Reklamo ko sa kaniya. 


"You didn't eat lunch," he reasoned out. 


Umirap ako at binuksan 'yon isa-isa para makapili kung ano ang gusto ko. 'Yung isa, puro kanin lang at 'yung isa, wings. 'Yung isa naman pasta. Mukhang pinapataba ako nitong si Kalix. Hindi ko naman mauubos lahat 'to!


"Si Sevi? Nabigyan mo ba ng pagkain?" Tanong ko.


Tumingin siya sa labas bago binalik ang tingin sa 'kin. Nakita ko pa ang dumaang inis sa mata niya bago tumikhim. 


"No, he's... busy." He shrugged and looked outside again. 


"Chismoso," pag-aakusa ko kaagad. Curious siguro 'to kung sino ang babaeng kasama ni Sevi dahil kanina pa tumitingin sa labas. 


"I didn't even go near." 


Tinapos ko na lang ang pag-kain ko. Nang hindi ko na kinayang ubusin, binigay ko sa kanya at sinabing siya ang umubos noon dahil siya naman ang pala-desisyong binilhan ako ng pagkarami-rami! Sumimangot pa siya pero kinain niya lang din. 


Lumabas na ulit ako para i-check kung nagtatrabaho na sila ulit. "O, nasaan na si Engineer?" Tanong ko sa isang worker nang mapansing wala na sa paligid si Sev. 


"Ah, umalis po, Architect," sagot niya. 


Tumango ako at naisipan kaagad na asarin si Sevi bukas kung magkikita kami. Kaya pala mukhang inspired na palagi, ha... May girlfriend na pala si kumag. 


Nagtagal pa ako roon habang si Kalix ay nakatambay sa labas at may ginagawa sa laptop niya. Nang mapagdesisyunan ko nang umuwi, lumapit ako sa kanya at sinilip 'yung ginagawa niya sa screen. 


"Ano 'yan?" Tanong ko.


Nanlaki ang mata ko nang lumingon siya bigla sa 'kin at naramdaman ko ang sobrang pagkalapit ng mukha niya sa gilid ko. Agad akong umayos ng tayo at umatras palayo. 


"It's a criminal case," sinara ni Kalix ang laptop niya at tumayo na. 


"You're taking a criminal case?" Gulat na tanong ko.


Umiling naman siya kaaagad. "No, I'm helping Adonis with his."


"What is it about?" Curious na tanong ko habang naglalakad kami papunta sa sasakyan. 


"Homicide. Still interested?" Tumaas ang kilay niya at binuksan ang pintuan ng SUV niya.


"You guys are defending a murderer?" Hindi makapaniwalang sumbat ko. "Isn't that wrong?" 


Nagulat ako nang isara niya ulit ang pintuan ng sasakyan niya at humakbang palapit sa 'kin. Napaatras ako sa bilis ng kilos niya hanggang sa mabunggo ako sa bakod ng gate. Nilagay niya ang kamay sa may railings at tinignan ako. 


"We are not wrong for defending a wrongly accused," mariing sabi niya. 


"How would you know?" I arched a brow. 


"The guy has two children, earns minimum wage, no wife, and does part-time jobs for his children's future. He was accused of using drugs, the reason why he committed murder. You know how it is. Powerful families would often resort to targeting and pinning a crime against the poor who has no power to defend themselves. This is a pro-bono case. I am not getting anything out of this." 


Tinalikuran niya 'ko at sumakay sa sasakyan niya. Noong mawala siya sa paningin ko, doon lang ako nakahinga nang maluwag. Napahawak ako sa dibdib ko dahil sa mabigat na paghinga. He was mad! Nagalit siya sa 'kin! 


Napamura ako sa sarili ko pagkapasok ko ng sasakyan. Hindi ko naman alam! Hindi ko ine-expect na magagalit talaga siya sa 'kin! Still, it was my fault. Halos hindi na nga 'ko noon pinatulog sa gabi. 


Kinabukasan tuloy ay hindi ako dumiretso sa site. Dumaan ako sa kumpanya at doon bumaba sa legal department, umaasang makikita ko siya roon. 


"Architect Valeria," kabadong tumayo kaagad 'yung Philip nang makita ako. "W-wala po si Atty. Martinez."


"Alam mo ba kung nasaan siya?" Tanong ko. 


"Baka po nasa firm, Architect." 


Tumango ako at nagpasalamat bago bumalik doon sa parking. Hindi ko pa nga alam kung paano ba 'ko magso-sorry sa kanya. Hindi ko naman alam na mao-offend siya kaagad pero kasalanan ko naman talaga 'yon kaya nga ako ang naghahabol sa kanya. 


Habang nagda-drive ako, may nararamdaman akong kakaiba sa sasakyan ko pero inignora ko lang 'yon. Nang makarating ako sa firm nila, dumiretso na 'ko kaagad sa 15th floor. Kabadong kabado pa 'ko at nanginginig ang mga kamay ko kaya binulsa ko na lang. I was wearing a black sleeveless jumpsuit and silver heels. Pagkabukas ng elevator, dumiretso ako sa receptionist. 


"Si Atty. Martinez?" Kinakabahang tanong ko. 


"He's currently in a meeting with his client, Ma'am. Do you have an appointment?" 


Appointment. 'Yan na nga ang kinakatakot kong irereply nila sa 'kin dahil iyon ang wala ako! Naalala ko tuloy ang sinabi ni Kalix dati na kung gusto ko siyang makausap, dapat ay nag-set ako ng appointment sa kanya. Ngumiti na lang ako at umiling.


"No, I'll just wait here." 


Iyon nga ang ginawa ko. Gusto ko siyang i-text na nandito ako sa labas kaso baka mapikon na naman siya at sabihing hindi siya magca-cancel ng meetings para sa 'kin. Hindi naman 'yon ang gusto ko kaya hinintay ko na lang na bumukas ang pintuan. Nakakatakot minsan 'tong si Kalix, e. 


Bumukas nga 'yon at bumungad sa 'kin 'yung Clara sa restaurant! Nakahawak siya sa pintuan at nakatalikod sa 'kin, nakikipag-usap pa rin at tumatawa-tawa. Hindi ko makita si Kalix dahil baka nga nasa likod siya ng pintuan. 


Napatikhim ako nang i-hatid na nga siya ni Kalix sa labas. Seryoso lang ang itsura niya habang may sinasabi 'yung Clara. Nagtatawanan pa sila. Humawak siya sa braso ni Kalix at pinisil ito habang nakangiti.


"Come on, Attorney! Hindi ka na nga pumunta noong birthday ko!" Clara giggled more. They were so loud. 


Umiwas ako ng tingin at nagkunwaring may ginagawa sa phone ko. Hindi ko marinig ang usapan nila pero sakto noong lumingon ako ulit, humalik sa pisngi ni Kalix 'yung Clara at agad naglakad paalis, kumakaway pa. 


Nakaawang ang labi ko sa gulat nang magtama ang tingin namin ni Kalix. Medyo nagulat din siya sa presensya ko, hindi inaasahang naghihintay ako sa labas ng office niya. Nagmamadali akong tumayo para maglakad papuntang elevator. Nagbago na ang isip ko. Saka na lang pala kami mag-uusap. 


Akala ko ay makakasalubong ko pa 'yung Clara sa elevator pero mukhang nakasakay na siya kaagad. Humalukipkip ako habang hinihintay ang pagtaas ng elevator para masundo ako rito. 


"Hey," narinig ko si Kalix sa gilid ko. 


Hindi ko siya pinansin at nilabas ang phone ko para i-text si Sevi. 


To: Sevi

Tumawag ka sa 'kin bilisan mo. 


Binaba ko ang phone ko saglit at tumingin ulit sa numero sa may elevator, inip na inip na. Nahagip ng mga mata ko ang pinipigilang ngiti ni Kalix dahil sa itsura ko. Ano bang nakakatawa? May nakakatawa ba? 


"Sinong pinunta mo rito?" He asked the obvious. 


Natigilan siya nang mag-ring ang phone ko. Sinagot ko kaagad ang tawag ni Sevi. 


"Hello? Nasaan ka?" Bungad ko para magkunwaring busy ako. 


[Huh? E 'di nasa site?] Sagot naman nitong si Sevi. 


"Really? Kailangan daw ako riyan? Sinong nagpapatawag? Sige, papunta na 'ko," sunod-sunod na sabi ko. 


[Pinagsasasabi mo?] 


Kalix pursed his lips and pushed the down button on the elevator twice. Nainis kaagad ako nang mawala ang ilaw doon! Nilagpasan tuloy ako noong elevator! 


"Seryoso ba? Galit na? Heto na, nagmamadali na 'ko papunta," pagpapatuloy ko. 


[Ha? Hatdog.] 


Barumbado talagang sumagot 'tong si Sevi! Ang slow! Hindi man lang na-gets ang sitwasyon ko! Mabuti na lang at hindi naman siya naririnig ni Kalix kaya okay lang na isipin ni Sevi na nababaliw na 'ko. 


Sasagutin ko na sana ulit si Sevi nang mawala sa hawak ko ang phone ko. Napalingon kaagad ako kay Kalix na inagaw ang cellphone ko. Pinindot niya ang end call bago binalik sa 'kin. 


"I'm talking to you," seryosong sabi niya. 


I gritted my teeth and pretended that I was typing a message on my phone. I was keyboard smashing on my texts with Sevi. Wala akong pakialam kung iisipin niyang baliw ako o ano.


"I'm sure as hell you didn't go here just to ignore me." Hinawakan ni Kalix ang braso ko. 


"Hindi nga pero nagmamadali na 'ko, okay? Pinapatawag ako sa site," pagdadahilan ko.


Nawala ang tinatype ko nang kuhanin niya na naman ang cellphone ko. Napasinghal ako at sinubukang agawin sa kanya 'yon pero pinakita niya sa 'kin ang screen ng keyboard smashes ko. 


"Are you talking to someone outside Earth?" Tumaas ang kilay ni Kalix. 


Agad kong inagaw ang cellphone ko at inirapan siya. Tinanggal ko na rin ang hawak niya sa braso ko. Naaalala ko lang ang paghawak sa kanya noong babae niya. Nakakainis naman 'to, e! Bakit hindi na lang ako hinayaan umalis?! 


"Let's talk inside my office," aya niya sa 'kin.


Nakakainis pero mas nainis ako sa sarili ko dahil nagpahatak ako sa kanya papasok doon sa office niya. Sinara niya ang pinto at pinaupo niya 'ko sa couch. Padabog kong nilapag ang bag ko sa coffee table at doon ako umupo sa may tapat ng desk niya. 


He smiled and sat on his swiveling chair. Kumuha pa siya ng ballpen at pinaglaruan 'yon sa daliri niya habang nakatingin sa 'kin, mukhang natutuwa. 


"So, are you here to file a complaint?" His brow shot up. "Tell me about it..." Sumandal siya sa upuan niya. 


"You're unprofessional," I whispered, pouting a bit. 


Napaayos siya ng upo dahil sa sinabi ko at sinandal ang braso niya sa desk para mapalapit sa 'kin. Tinaasan ko lang siya ng kilay at nilabanan ang tingin niya sa 'kin. 


"How can you say so? Do you have proof?" He asked back. Umiling ako, masama pa rin ang tingin sa kanya. "In what way am I unprofessional, huh?" 


Hindi ako sumagot. Bumuntong-hininga siya at sumandal ulit sa inuupuan niya, acting disappointed in me.Nilapag niya ang ballpen at tumayo. Sinundan ko siya ng tingin. Umupo siya roon sa sofa at tinapik ang espasyo sa tabi niya, sinesenyasan akong umupo doon. 


Magmumukha naman akong tangang walang kausap dito kaya tumayo ako at umupo doon sa kabilang dulo ng sofa para malayo sa kanya. "What is your problem?" Tanong niya sa 'kin. 


"I just came here to apologize about what I said last time," pag-amin ko sa dahilan kung bakit ako nandito. "I'm sorry."


"Apology not accepted," sagot niya kaagad.


Inis ko siyang tinignan. Hindi man lang niya pinag-isipan at talagang sinabi niya kaagad 'yon! "How can you say that? Sincere naman ako, ah!" 


"Act like it." He shrugged, obviously just trying to piss me off. 


Hindi ako nagsalita at padabog na tumayo. Kung hindi siya maayos kausap ay aalis na lang ako. Kinuha ko ang bag ko sa table at umambang maglalakad na papunta sa pinto pero nahawakan niya ang kamay ko.


"Luna, sit down," seryosong sabi niya. 


"Ano ako, aso mo?!" Singhal ko. 


Hindi siya sumagot at nagpakawala lang ng malalim na buntong-hininga. Bumalik ako sa pagkakaupo ko at humarap sa kanya. Fine. Ako nga pala ang may kasalanan dito. I said my apology in the sincerest way as possible. 


"I'm really sorry. I was wrong. I shouldn't have said that," paghingi ko ulit ng tawad. 


"I understand." Tumango siya. 


"Then I'm going." Hinawakan niya ulit ang kamay ko para pigilan akong tumayo. Agad akong napatingin sa kamay naming dalawa. Nang makaramdam ng kakaiba, binawi ko ang kamay ko at umiwas ng tingin sa kanya. 


"Can you tell me what your problem is so I would know what to do?" He asked softly. 


I fake coughed and roamed my eyes around the office, ignoring him. Hindi ko lang maatim aminin sa kanya na nagtataka ako kung bakit narito na naman ang babae niyang 'yon. Minsan, naiisip kong may mga kliyente siguro si Kalix na sinasadyang gumawa ng kasalanan para lang maka-bisita sa office niya. 


"Sure ka hindi mo fubu 'yun?" Hindi ko napigilang magtanong.


The look on his faced changed from being serious to being amused. He bit his lower lip and avoided my gaze to stop himself from smiling. I gritted my teeth and shifted on my seat uncomfortably. The silence after my question made it awkward.


"So you're jealous now?" He teased. 


"No," agad na tanggi ko. "Bakit ako magseselos? Maganda nga 'yon at may sex life ka. Good for you. Congratulations."


Hiyang-hiya ako sa rami ng sinabi ko. I was blurting out nonsense because I was nervous and pressured to deny my feelings. 


"Since when did you become so concerned with my sex life? Hmm?" He tried to catch my eyes.


Nakatingin pa rin ako sa harapan at tinatanggihang tignan siya kahit hinuhuli niya ang tingin ko. I swallowed the lump in my throat, wanting to say something but still couldn't. 


"Answer me," he demanded. 


Inis ko siyang tinignan ngunit nang makitang nakatingin rin siya sa 'kin, agad ko ring iniwas. Naghihintay siya ng sagot ko habang nakatitig. His stare was enough to melt my words down. Pakiramdam ko pinagpapawisan na 'ko. 


"I am not concerned with your sex life. You can fuck whoever you want. Ang sabi ko, congrats, hindi ba? Ano pa bang gusto mong marinig?" Kinakabahang sabi ko. 


"Then why are you grumpy?" He was cautious. 


Huminga ako nang malalim. Why did I feel like he was questioning me in court like a suspect in a crime?! Pakiramdam ko tuloy ay may ginawa akong masama kahit wala naman talaga. Nakakainis lang na ganito ang nararamdaman ko kahit hindi dapat. Hindi naman ako ganito! 


"Are you mad?" He asked again when I didn't answer.


"I'm not mad," kalmadong sagot ko.


"You're mad," he concluded.


"Tangina, hindi nga!" 


Nagulat siya nang sigawan ko ulit siya pero hindi pa rin nagbabago ang itsura niya. Mukhang natutuwa pa rin siya kahit ganoon ang reaksyon ko. Para ngang may na-achieve siyang kung ano dahil doon. 


"Don't shout, please," he tried to calm me down.


"Sinong hindi magagalit, e ang kulit kulit mo. Pinagpipilitan mo ang gusto mo. Ano ka, bata, ha? Hindi mo maintindihan? Hindi nga 'ko galit. Naiinis ako kasi pinipilit mong galit ako, e hindi nga," sunod-sunod na sabi ko. 


"Okay, I'm sorry." Tumango siya at hindi na lumaban pa pero kita ko sa kaniya ang pagpipigil ng ngiti niya. 


"Ano? May nakakatawa ba?" Singhal ko ulit.


"Wala," sagot niya ulit. "Hindi naman ako tumatawa." 


Sabagay, hindi nga naman siya tumatawa pero nakikita ko kasing gusto niyang ngumiti at doon ako napipikon lalo. God, I felt like I was back to being a teenager! Hindi nga kami ganito noong teenager kami, e! Ngayon lang dahil kasabay ng pagtanda ko ang pagnipis ng pasensya ko dahil sa stress.


"Okay, I'm sorry. Damn, when did the tables turn?" Bulong niya pa sa sarili niya. 


Napaisip din ako sa sinabi niya. Ako nga pala ang pumunta dito para mag-sorry pero siya na ngayon ang humihingi ng tawad sa 'kin. Paano nga ba naging ganoon? Makulit kasi siya, kaya ganoon! 


Napatingin kami sa pintuan nang biglang bumukas 'yon. Napasapo ako sa noo ko nang makita si Adonis.


"Alam n'yo, ang ingay n'yo," sambit niya sa amin. 


"Get out," agad na sabi ni Kalix.


"Kung mag-aaway kayo, halika't tutulungan ko kayong ayusin sa opisina ko!" Sumenyas pa si Adonis na tumayo kaming dalawa at sumunod sa kanya. 


Hindi sumagot si Kalix at tumayo para pumunta sa pinto, pilit sinasara 'yon kahit nakaharang si Adonis. 


"Ganyang-ganyan 'yung mga nakikita kong mag-asawang nag-aaway sa office na gustong magpa-annulment, e!" Comment ulit niya. 


"Just get out." Tinulak-tulak na siya ni Kalix.


"Maghalikan na lang kayo! Away-away pa!" His voice was already muffled when Kalix closed the door. 


Napaayos tuloy ako ng upo gawa ng awkwardness dahil sa sinabi ni Adonis. Parang pinagpawisan tuloy ako. Gusto ko nang umalis dito! Naiilang na ako! Bakit kasi kailangan niya pang sabihin 'yon?! 


"Aalis na rin ako. Pupunta na 'ko sa bahay mo." Tumayo na 'ko at kinuha ang bag ko. 


"Let's go together." 


Pumunta siya sa desk niya at kinuha ang coat niyang nakasabit sa upuan. Hindi ko siya hinintay ay tuloy-tuloy lang na lumabas ng office niya para mag-abang ng elevator. Mabuti na lang ay mabilis na nakarating. Pumasok ako roon at agad pinindot ang close button kaso naharang ni Kalix ang kamay niya. Sayang! 


Napairap ako at umatras papunta sa pinakalikod. Tumabi naman siya sa 'kin habang niluluwagan ang necktie niya. Tahimik lang kami sa loob at umiingay lang kapag bumubukas ang elevator at may pumapasok na mga empleyado.


"Hi Attorney!" Bati noong mga babaeng empleyado sa kanya bago pumasok sa elevator. 


Napakunot ang noo ko nang magbulungan ang mga 'yon at magkurutan pa. Hindi ko maintindihan kung ano ang pinag-uusapan nila pero halata namang tungkol kay Kalix 'yon. Mukhang kinikilig pa. 


Hindi ako nagsalita hanggang sa makarating kami sa parking lot. Magkaiba ang parking ng kliyente sa mga employees kaya sa ibang floor siya bumaba. Mukhang hindi niya rito ngayon pinark ang sasakyan niya. 


Bubuksan ko na sana ang kotse ko nang mapansing may mali. Parang hindi pantay. Yumuko ako para tignan ang gulong. Napasapo ako sa noo ko nang makitang may nakatusok roon na matalim na bagay. Kaya pala may nararamdaman akong kakaiba kanina habang nagda-drive! 


Kinuha ko ang cellphone ko para magtawag ng pwedeng mag-ayos noon nang biglang may humintong sasakyan sa harapan ko. Bumaba si Kalix doon at tinignan rin ang tinitignan ko.


"What's wrong?" Tanong niya. 


"Flat tires," turo ko sa gulong. "Buti hindi pumutok 'yung gulong kanina." 


Niluhod niya ang isang tuhod niya para tignan 'yon. Pagkatapos, nilabas niya ang cellphone niya at may tinawagan. Napabuntong-hininga na lang ako dahil alam kong sasabay ako sa kanya ngayon papuntang Tagaytay. Akala ko naman ay makakatakas na 'ko sa kanya! 


May dumating na lalaking empleyado niya ata at kinausap niya 'yon. Iniwan niya ang susi ng sasakyan ko roon sa lalaki bago ako nilingon. "Let's go," aya niya pagkababa ng phone. 


Iyon na nga ang nangyari. Sumakay ako sa shotgun seat at nagsuot ng seatbelt. Pagkatapos, nag-drive na siya paalis. Siguro ay mamaya o bukas, ayos na ang sasakyan ko. Papalitan lang naman ang gulong. 


"Magkano kinikita mo per month?" Tanong ko habang nagda-drive siya. 


Nagtataka lang ako kasi ang dami niyang trabaho? Kung tama ako, dalawa ang sasakyan niya. 'Yung Corvette tapos itong Ford na SUV. Ito lang naman ang palagi niyang gamit, e.


"It's rude to ask that," sagot niya.


Sabagay, hindi ko rin naman sasagutin kapag may nagtanong sa 'kin tungkol sa sinasahod ko. Malaki 'yon pero kapag sinabi ko, magmumukhang nagyayabang ako kaya huwag na lang. Ganoon din siguro ang nararamdaman niya. 


"Kumain ka na ba?" Biglaang tanong niya nang may makitang mga kainan sa gilid ng daan. 


'Yan na naman siya! Ang laki ng pakialam niya sa pag-kain ko, e, 'no? Siguro kahit naghihingalo na 'ko sa hospital bed, ang una niyang itatanong sa 'kin ay kung kumain na ba 'ko. 


"Drive-thru na lang. Bilhan natin 'yung workers doon," sabi ko. 


Iyon nga ang ginawa namin. Dumaan kami sa drive-thru at nag-order nang marami. Kung ano-ano ang iniisip ko. Inisip ko pa na malas siguro kung may YouTuber sa likod namin na gumagawa noong challenge na kung ano in-order ng tao sa harapan, 'yun din ang oorderin nila. Ang dami naming in-order, e. Lugi. 


Matagal din tuloy kaming naka stand-by doon habang hinihintay silang i-prepare ang in-order namin. "I saw your post," sambit ko sa gitna ng katahimikan. 


Napatingin siya sa 'kin, hindi man lang nagulat. Nakasandal ang siko niya sa may bintana at nakahawak sa ulo niya. Ang isang kamay naman ay nakapatong doon sa gear. He looked so casual. 


"Your caption..." Hindi ko alam ang sasabihin ko. Paano ko ba sisimulan? Baka sabihin niya ay assuming ako. 


"It means moon," putol niya sa sasabihin ko. 


"Yeah, but people might get the wrong idea. Dapat cinaption mo na lang 'Buwan' o ano. Bakit Luna pa, e pangalan ko 'yon." Umiwas ako ng tingin. Nakakahiya naman 'to. 


"I didn't put Louisse Natasha, what are you saying?" He titled his head a little, hiding a smile. 


I cringed when he mentioned my full name! Ang tagal ko na ring hindi narinig 'yon! Literally no one calls me Louisse or Natasha. Nakakapanibago. 


"Yeah, but still, baka iba ang isipin ng mga taong makakakita noon," ulit ko. 


"Anong iisipin?" He asked more. 


"Na mahal mo pa 'ko," diretsong sagot ko.


Natahimik siya bigla sa sinabi ko. He wasn't expecting me to say it out loud but I was sure he knew I was pertaining to that. He licked his lower lip and looked in front, acting like he didn't hear anything. He was eventually saved by the fast food crew! 


Binuksan niya ang bintana para kuhanin ang mga paper bags. Tinulungan ko siyang ilagay 'yon sa backseat. 


"Thank you. Have a nice day," sambit niya roon sa crew bago nag-drive paalis. 


Walang nagsasalita sa 'min habang nagdadrive siya. Pinagsisisihan ko na tuloy sa loob-loob ko na sinabi ko pa 'yon. Ang tapang ko pa talaga pero ako rin ang nailang. 


"Whoo, ang init." Pinaypayan ko ang sarili ko para lang may masabi ako. 


Sumulyap si Kalix sa may pindutan ng aircon at nilakasan 'yon. Tinapat niya pa talaga sa 'kin 'yung aircon sa gitna. Nilamig tuloy ako! Naka-sleeveless lang kaya ako! 


"Ang lamig," bulong ko ulit.


"You're confusing me, Luna." 


Kinagat ko ang labi ko at tinapat sa kanya 'yung aircon. His line reminded me of the same line he used back then. Hindi maganda na naalala ko na naman 'yung mga masasayang nangyari sa 'min noon. Hindi maganda dahil nararamdaman kong gusto ko silang balikan. Hindi naman dapat. 


Nakakalayo na kami at pakiramdam ko'y malapit na nang magsalita ako ulit.


"Kalix," tawag ko. 


Sumulyap siya sa 'kin at agad ding binalik ang tingin sa daan. He was waiting for me to say something. 


"Do you have any regrets?" I asked. Hindi siya nakasagot agad. He swallowed hard when he thought of something. 


"I regret failing that sem," he said in a hoarse voice. "Because of that one sem, everything in my life fell apart," he said with so much pain. 


"Your dreams," sambit ko. 


"Everything, Luna." 


Saka ko lang naalala 'yung Mommy niya. Hindi ba mayroon silang kasunduan? Isa sa mga pinagtataka ko ay bakit abogado si Kalix ngayon sa harapan ko at hindi doktor? Nagkaroon ba ng change of heart ang Mommy niya? 


"Good thing your mom allowed you to continue studying law," sambit ko.


He smiled a little. "Yeah, under certain circumstances." 


Hindi na 'ko nagtanong pa dahil mukha namang wala siyang balak sabihin 'yon. Nakita ko kasing hirap siyang magsalita at mag-open pa tungkol doon kaya pinigilan ko na lang ang sarili ko. Maybe next time.


"How about you? Any regrets?" He asked back. 


Marami. Marami akong pinagsisisihan. Hindi ko kayang isa-isahin 'yun kaya inisip ko ang pinakauna sa listahan ko. 


"Yes, that one night..." 


It was that night when he decided that he was so done with me. It was that night when I used Sevi to conceal my feelings. It was that night. My biggest mistake. 


"When I said I didn't love you anymore." 


He stopped the car in front of the house but he didn't open the door. Nakatingin lang kami sa harapan at iniisip ang nangyari noon. 


"I didn't believe you," pag-amin niya.


"But it stopped you." 


"I just knew you wanted to get rid of me so bad that you even resorted to lying about your feelings. That stopped me." Huminga siya nang malalim. "I just thought that maybe... I was really too much." 


Siguro nga. One of the reasons why we broke up was because it wasn't healthy anymore. If he didn't cheat, I wouldn't have realized that. 


"So if you still don't want me in your life now, I will understand, Luna," seryosong sabi niya. 


Tumango ako at hindi nagsalita. 


"But I want you to know that I am trying. At least give me another chance to prove myself to you. If you still don't want me after that, I promise you won't see me ever again," sambit niya bago bumaba ng sasakyan.

________________________________________________________________________________

:)


Continue Reading

You'll Also Like

3.7K 157 32
Compilation of some short stories. Includes The Gold Squad, and other love teams. You can request din if you want :) Mature content will be posted in...
556K 5K 28
Written by: 4reuminct Gwy Saludes.
1.9M 129K 46
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...