Ms. Officer on Duty

By Artasia_Aquila

115K 4.4K 612

Isang dalagang Police Officer si Alexis Ryzzy Valdemor . Siya ay nakapagtapos ng pag-aaral sa Philippine Nati... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Announcement

Epilogue

3.6K 53 10
By Artasia_Aquila

Hindi talaga biro ang napagdaanan ko sa pagpupulis. Maraming pagsubok ang kinakaharap ngunit nandito ako nagbubuwis ng buhay para sa iba.

Nandito kami sa loob ng barko ng hindi alam kung sino ba talaga ang tunay na kalaban.

Napagdesisyunan namin na maghiwalay-hiwalay na upang mapabilis ang aming trabaho. Si Aliah at Storm na ang nagbabantay sa mga dalagita at kami naman ni Caitlyn will inspect the whole area.

Napagpasiyahan naman namin na maghiwalay kami para mas mabilis namin malibot ang buong barko, may kalakihan din kasi ito kaya mahihirapan at matatagalan kami kapag mag kasama.

Isa-isa ko naman tinignan ang bawat kwarto, ngunit tumambad lang sa akin ang bakanteng mga kwarto. Nakakapagtaka nga lang na walang nakabantay sa amin. Wala man lang akong nakasalubong na mga goons. Parang sobrang dali lang sa amin na malibot ang barko.

I decided to check outside and suddenly I stop when I see a familiar back of a person.

What are you doing here Lolo?

Agad kong ibinaba ang aking baril at lumapit kay Lolo ng dahan-dahan. Bakit ganito ang nararamdaman ko? Bakit ako kinakabahan?

Nang nasa likuran na ako nito ay marahan ko itong tinapik sa kaniyang balikat. Nang lingunin niya naman ako ay mababakas sa mga mata nito ang gulat.

Matagal din kaming nagtitigan, at kung kanina mababakas sa mga mata nito ang gulat. Ngunit, ngayon iba't-ibang emosyon ang ipinapapakita ng kaniyang mga mata.

Hindi ko tuloy mapigilan na mag-alala kahit nagtataka ako kung ano ang ginagawa niya rito.

“Anong ginagawa mo dito Lolo?”

Hindi ko na mabasa ang sinasabi ng mga mata niya para hindi ko na kilala ang taong nasa aking harapan. Sana hindi tama ang nasa isip ko, sana hindi siya isa sa sindikato. Hindi ko alam  kung kaya ko siyang patawarin.

He's my role model, I always proud that he's my grandfather. Noong nag-aaral pa nga ako sa Academy lagi kong ipinagyayabang na siya ang Lolo ko. Minsan pa nga napapakamalan kami na mag tatay, kasi kahit na matanda n si Lolo matikas at maganda pa rin ang pangangatawan nito. And, if ever na part nga siya ng sindikato hindi ko alam ang dapat kong gawin.

“Lo, please...Tell me.”

“Alexis, you don't need to know. I have my own reason.” seryosong saad nito.

Para naman akong pinagbaksakan ng mundo. Hindi ako makapaniwala, hindi kasi ganito ang pagkakakilala ko sakaniya.

Pilit naman akong tumawa ng malakas. Iniisip ko na lang na isa ito sa mga biro ni lolo. Pero pilitin ko 'man, ito ang katotohanan na nakipagtulungan siya sa mga sindikato. “Naku, Lo! Huwag ka na nga magjoke.” pinilit ko pang tumawa ng malakas, umaasa ako na makikitawa rin si lolo pero nanatili itong tahimik.

“Wtf! I can't believe you, Lolo! Why?”

Napaurong naman ako sa aking kinatatayuan. Ngayon lang kasi ako sinigawan ni Lolo “You don't need to know, Alexis!”. Hindi ko na talaga siya makilala.

Hindi ko tuloy maiwasan na mapuno ng tanong ang aking isipan. Kilala ko ba talaga siya? Kilala ko nga ba talaga ang Lolo ko? Bakit niya 'to ginagawa? “ 'Yun na nga lo, hindi ko alam. I need you to explain to me, so I can understand why are you doing this.”

Napabuntong hininga na lang ito at animoy lalapit sa akin, mabilis naman akong humakbang palikod. Hindi ko maatim na hawakan siya.

Napatigil na lang ako ng maramdaman ko na ang railings sa aking likuran. Hindi na rin ito nag- attempt na muling lumapit.  Napangiti na lang ito at napatango-tango.

“Mahal na mahal ko ang Lola mo, Alexis.”

Nagitla naman ako ng magsimula na siyang magsalita. Bigla naman sumikip ang dibdib ko ng maalala ko si Lola.

Flashback

Alexis 7th Birthday

“Alexander, tayo na sa bakeshop ni Edna tapos na daw ito sa pinagawa nating cake.” natuwa naman ako ng marinig sa aking Lolo Adoracion na kukunin na nila ang aking cake.

Sobrang saya ko dahil madaming mga kaibigan ko ang inimbitahan namin sa gaganapin na party. Sanay naman ako sa mga magarbong celebration pero mas excited ako ngayon dahil kumpleto kaming buong pamilya.

“Lola, pwede po ba akong sumama?” ipinakita ko dito ang napakatamis kong ngiti. Tumango naman ito at kinurot ang aking pisnge. “Oo naman, apo.” agad naman akong humawak sa kamay nito.

“Ihahanda ko na ang sasakyan.” nakangiting saad ni Lolo at nagtungo na sa garahe para kuhanin ang aming masasakyan.

“Ma, mag-iingat kayo.” sigaw ni mama mula sa kusina.

“Tara na, apo.”

Naging maingat si Lolo sa pagmamaneho at nakarating kami ng ligtas sa bakeshop ng kaibigan ni lola. Nang maiparada na namin ang sasakyan ay nakita namin ang kumpulan ng tao sa labas ng shop.

“Alexander, anong nangyayari?” nag-aalalang saad ni lola.

“Dito lang muna kayo, huwag kayo lalabas ng kotse.” bago pa umalis si Lolo ay hindi nito kinalimutang halikan sa noo si Lola. Napangiti na lang ako sa lambingan ng dalawa.

Sinuguro naman ni lola na nakasarado ang mga pinto ng sasakyan. Ilang minuto ang nakalipas ay hindi pa rin bumabalik si Lolo.

“Nasaan na po si Lolo?” hindi ko na maiwasan pang magtanong.

“Sandali na lang iha, sigurado akong pabalik na siya.”

Bigla naman kaming nakarinig ng sunod-sunod na putok ng baril. Napagdesisyunan tuloy ni lola ang lumabas kaya naiwan naman ako sa loob.

Naglakad na ito palayo. Nang ilibot ko ang paningin ko nakita ko ang isang lalaking may hawak na baril na parang may hinahanap. Hindi naman ito napansin ni lola dahil sa kabilang bahagi naka- focus ang kaniyang tingin. Pinagmasdan ko lang mabuti ang lalaki at nakita kong may tinititigan itong mabuti, ibinaling ko naman ang pansin sa tinititigan nito. Napakunot naman ang noo ko ng makita ang lalaking may kasamang bata na halatang takot na takot. Nakatayo sila malapit sa pwesto ni Lolo na animoy hinahanap si Lolo.

Nakita ko naman na nagmamadaling tumakbo ang mamang may hawak ng baril patungo sa pwesto nila Lola Kung kaya't nataranta ang lalaking may kasamang bata. Nagulat ako ng may biglang may dumating na pulis at pinalibutan sila. Ngunit, hindi pa rin natinag ang lalaking may baril, itinutok ang baril sa gawi ng lalaki.

Naging aware na rin si Lola sa nangyayari, Lalo na sana ito sa lugar at muling babalik sa sasakyan ng bigla na lamang siyang itulak ng lalaking may kasamang bata sa lalaking may hawak ng baril.

Agad naman sinunggaban ng lalaki si Lola at tinutukan ng baril.

“Kung hindi niyo ako papakawalan, papatayin ko ang babaeng 'to!” itinutok pa nito ang baril sa sintido ni Lola.

Nanatili naman kalmado si Lola, nahuli ko pang tumingin siya sa gawi ng aming sasakyan at marahang tumango at ngumiti.

Umiyak lang ako nang umiyak sa loob ng sasakyan.

“Bitawan mo ang asawa ko.” nabuhayan Naman ako ng loob ng makita si Lolo. May hawak din itong baril at nakatutok sa lalaki.

“Mamamatay din  naman ako kaya idadamay ko na ang babaeng 'to.”

Nangibabaw ang mga putok ng baril sa buong parking lot. Nakita ko din na unti-unting tumulong dugo sa bibig ni lola, ngunit kahit na  napuno na ng dugo ang puti niyang damit ay hindi pa rin nawala sa labi nito ang mga magaganda nitong ngiti.

“Adoracion.” nagmamadali naman dinaluhan ni Lolo si Lola at hindi na nito napigilan ang mapaluha. Niyakap nito ang katawan ni Lola na hindi na gumagalaw.

Nasa tabi naman ni ang katawan ng lalaking naliligo na rin sa sariling dugo.

Hinanap ko naman ang lalaking siyang tumulak kay Lola at namataan ko itong nanginginig lang sa isang tabi. Galit na galit ako sa lalaki, ngunit nakita ko ang anak nitong nakatingin din sa akin at umiiyak.

End of flashback

Naalala ko pang inabot pa ako ng gabi sa loob ng sasakyan bago dumating sila mama. Nalaman ko na lang din na wala na si Lola.

“Pero, hindi ito ang gusto ni Lola. Hindi siya matutuwa na makitang gumagawa ka ng masama makaganti lang.”

“Pasensiya na Alexis pero tatapusin ko ang nasimulan na.”

Itinaas ko ang aking baril at itinutok ito kay Lolo. Kahit masakit sa dibdib ay kailangan ko siyang pigilan.

“Babarilin mo ba ako iha?” mahinahon niyang tanong.

“Kailangan kong gawin ang trabaho ko. Huwag kang kikilos ng masama. Arestado ka sa salang pagkakalakal ng mga dalagita at pagkasangkot sa ilegal na droga.”

Ngumisi naman ito na mas nagpakunot ng aking noo.

“Handa na akong mamatay, Alexis. Gusto ko na makita ang Lola mo.”

Yayakapin sana ako ni Lolo ng bigla na lang sumulpot si Tyronne at nagpaputok ng baril ng dalawang beses. Nakita ko na lang na may tama na si Lolo sa kaniyang tiyan.

“Lolo!”

Hindi na ako nakagalaw pa sa kinakatayuan ko, itinutok ko ang baril kay Tyronne. Bakit niya ginagawa ito?

“Lolo, gumising ka. Huwag mo kaming iwan, kailangan ka pa namin.”

Isang matamis na ngiti lang ang gumuhit sa labi nito bago ito tuluyang mawalan ng malay.

“Lolo!”

Sila ba talaga ang namumuno sa sindikato?

Nag-uunahang tumulo ang mga luha sa'king mata.

“Anong ginagawa mo Tyronne?”

Nanginginig naman ang mga kamay nitong may hawak na baril.

Isang putok ng baril nanaman ang pinakawalan, kasabay ng malakas na alon ang pagtama ko sa railings ng barko at pagkahulog ng katawan ko sa tubig.

Naramdaman ko pa ang mainit na pakiramdam sa aking dibdib. Nakita ko na rin na humahalo ang aking dugo sa bughaw na kulay ng dagat. Napangiti na lang ako na mapait, hanggang dito na lang ata ako. Hinayaan ko na lang na tangayin ako ng malalakas na alon, at sa huli ipinikit ko na ang aking mga mata.

Naramdaman ko pa ang pagkatanggal ng aking kwintas na pinamana ni Lolo. Gusto ko man dumilat at hanapin kung saan ito napadpad kaya lang katawan ko na ang siyang sumuko.


Sa huli, bigo akong gawin ang mission ko.













-----

Natapos ko na rin itong MOOD. Thank you sa lahat ng nagbasa at magbabasa pa lang. Abang lang kayo sa Book 2. Don't forget to vote and comment. Sorry talaga natagalan. I love you all<3


Continue Reading

You'll Also Like

950K 13.7K 58
An Excerpt Shock siyang tumingin sakin habang hawak hawak ang pisngi niya na tinamaan ng sapak ko. I looked at him evenly in the eyes. Kung walang...
1.1M 14.7K 70
"Is this your idea of a sick joke ha Dave? Papaanong anak ko si Avie? Hindi pa ako nabubuntis at na-nganganak ever in my life!" I felt shock in my wh...
538K 1K 5
Love is a sacred feeling. It is a combination of trust and faith for all creatures. But what if the one you love betrays you? Amara Dale is the best...