Scary Stories 5

By Sheree_Mi_Amour

41.4K 1.3K 19

The stories you're about to read are not mine. These are all from the popular Facebook page "Spookify". Enjoy... More

Nueva Ecija - 1997
Ang MedRep
Maynila - 1993
Nueva Ecija - 1989
Tapik
Mindoro - 2006
Pamahiin sa Patay
Cagayan de Oro - 1950
San Mateo, Rizal - 1996
Bicol - 1955
Camping sa Baguio
PUP Scary Stories
Look Up, Up, Up
Serial Killer si Madam
The Horror Stories of Mindanao State University, Marawi City
Ilaw at Sigaw
The Customer
Opisina
R.L.E.
Full Moon
Nagpaparamdam na mga patay
Baguio Experience - 2019
Haligi ng Tahanan
Compiled Stories 1
Dugwak
Immersion (Parts 1-5)
Kulam
Caramoan
Accident call
Batangas (Bundok) (Parts 1-5)
Kapahamakan sa Kabundukan
Manggagamot
Bakanteng Lote
Nang dahil sa sampung piso
No one will know (Parts 1 & 2)
No one will know (Parts 3 & 4)
Compiled Stories 2
Station 4
Parola
Mananabtan
Katotohanan (Parts 1 & 2)
Ortigas - 6/29/19
Factory
Engineering Building
Bisita sa Bicol
Haunted Supermarket
Ang Engkanto sa Parking Lot ng Trinoma
Auntie V
Auntie V (Balikan)
Tubuhan (Parts 1 & 2 + Prequel)
Compiled Stories 3
Ingay ng Bulong (Parts 1 & 2)
Education Building
Bakuran
Mountaineer Stories
Hinang-hina ang Gabay namin
Playground of Ghost and Such (Parts 1-3)
Amadeuz Tale : Jenny
Salabay
Bulong
Past 3AM
Yaya
Ligaw
The Unsolved Mystery in my School
Compiled Stories 4
Unfamiliar face of a girl on the stair
Summer Vacation (Parts 1 & 2)
Training Center
The Museum
When Someone's Dying
Third Eye
Compiled Stories 5p
Orphanage
Sapi
Kababata/Baway
Random Stories (Parts 1 & 2)
Kasunduan sa Demonyo
Anita, Babaeng Itim, Paring Pugot at Retreat
Nakita Kita
Compiled Stories 6
Land of the Rising Sun
LAStsING
The Wake & The Game
Di na tayo pwede
Pag oras mo na, oras mo na
Compiled Stories 7
Boundary at Subdivision
Lungsod ng Quezon - 2009
About Doppelgangers
Kaybiang Tunnel Stories
Compiled Stories 8
Mackaroo's Journal : My Last Confession
11/21
1994
Compiled Stories 9
Kay-Anlog Road
Ang Batang Tambay sa 14th Floor
Compiled Stories 10
Multo sa Mall?
Hilaga
Dalisay + Faith Healer
Earthquake Drill
Kuya Leo and Ate Lea
Gown
My Lola's Story (Parts 1-3)
Compiled Stories 11
Kulam Adventures (Parts 1-3)
Doppelganger Stories
The Chronicles of Nadia (Parts 1-5)
Compiled Stories 12
Stranger Danger
Dayo
Friday Night at Ang Babae sa Mall
NoSleep Series : Trabaho sa Dark Web (Parts 1-5)
Davao Doctors College (6th Floor Cad Bldg)
Unknown
Dyablo Island
My Lola and I (Parts 1-3)
Enchanted
Auditorium (Parts 1 & 2)
Kulam ba o Mental Illness?
Tubuhan: Triangle
Compiled Stories 13
Pamahiin
Ngiti
Engkanto
Compiled Stories 14
Madre
Me and My Two Best Friends (Parts 1-4)
Lason
Compiled Stories 15
Si Ninong (Parts 1 & 2)
Jose + Sumpa
Spirit of the Coin
Black Witch (Parts 1 & 2)
Compiled Stories 16
Mahiwagang Garden (Parts 1 & 2)
NoSleep One-shot Story : Ang Insidente sa Highway 1093
NoSleep One-shot Story : Parang may mali sa aking Lasik Surgery
The Sign
Compiled Stories 17
Compiled Stories 18
Compiled Stories 19
Kasabay
Ngayon naniniwala na ako
Papatayin kita
Mga kababalaghan
Naririnig kita
Compiled Stories 20
Compiled Stories 21
UV Express, Black and White Feathers at Si Anna
Psychosis (Caloy from Cebu)
Come Again
Compiled Stories 22
New Found Friend
Creepy Classroom
Bicol Dekada Otsenta
Hindi lang kami ang baliw dito, Miss
NoSleep (One-Shot Story) : Ang baog kong asawa ay nakabuo ng bata
Compiled Stories 23
Crematorium, 2012
Experiment
Compiled Stories 24
Mt. Cristobal (The Devil's Mountain)
Doppelganger Stories 1
Compiled Stories 25
Cronica Bruja : Hatid
Ilog sa Mt. Banahaw, Quezon Province
Compiled Stories 26
Compiled Stories 27
Ghost Wedding
Gutom (Parts 1-2)
Compiled Stories 28
Isay comes home (Parts 1-2)
Ricky's Wishing Coin
Stranger Danger (Parts 1-2)
Deliver us from evil
Kainan sa may Palengke
Anino (Parts 1-3)
The Bus Station (Thailand Tour)
Sine
Nawawala ang Nakaburol
Ang Babaeng pinaanak ang sarili (Parts 1-2)
Baboy
Kakila-kilabot na pagsalubong sa Bagong Taon
Till death, we'll never part (Parts 1-4)
Compiled Stories 29
Doppelganger Stories 2
Thou shalt not steal
Kerosene
Compiled Stories 30
Semana Santa
Huling gabi ng Santa Cruzan
Balkonahe (Lilac Story)
Poso
Kaibigan
At lumabas ang Halimaw mula sa Libro
Selos
Bahay-bahayan

Who is she? (Parts 1 & 2)

156 5 0
By Sheree_Mi_Amour


She is Aurora and here is the twist in our story.

Ilang porsiyento ang tiyansa na makita mo yung tao sa panaginip mo? O mas magandang tanong, ilang porsiyento ang tiyansa na makakapanaginip ka ng tao na never mo pang nakita in person? At once na makita mo sila kahit hindi gaanong pamilyar yung itsura, ramdam mo na parang buong buhay mo ng kakilala sila. Hindi naman gaanong ka-creepy kung iisipin pero base sa mga pagsasaliksik ko, may kakayahan daw ang ibang tao na pagalain ang kaluluwa nila at makapunta sa ibang lugar at maka-attract ng dark entity sa paligid o di naman kaya ay reincarnation ng mga kaluluwa natin.

So, back to story na tayo.

Muli ko siyang nakita as new hired IT staff sa department namin. Coincidence lang siguro noh? Yan din yung gusto kong isipin. At naglakas loob na nga akong kausapin sya nung nakita ko sya sa pantry kasama yung ibang IT staff.

Ako: Hi, nagkita na tayo last week sa *tooot* mall diba? Alala mo pa?
Aurora: Oo, pero sa tingin ko hindi yun yung una nating pagkikita.

Halata yung pagtataka sa mukha ng mga katrabaho namin na nasa paligid. Kasi hindi ako palakausap na tao. May iba pang nabungisngis kasi galawang Hokage daw ako. Hahaha!

Ako: Sa panaginip ba? Ang weird siguro nun (pabiro kong sinabi).
Aurora: Tsaka na tayo mag-usap kapag wala ng ibang tao (then walk out pabalik sa work place nila).

Si Aurora, mabilis na sumikat sa office maging sa ibang department. Hindi siya yung pang modelo na ganda pero kada ngingiti sya, hindi mo maiiwasang hindi mapatitig sa kanya. Sobrang bait pa kaya halos lahat ka-close nya. Umabot ng ilang araw bago ako nakatyempo na mag-isa lang sya sa pantry. Lumapit ako agad para tanungin kung saan niya ako unang nakita.

Aurora: Sa panaginip. Kamukhang-kamukha mo yung lalaki na nasa panaginip ko.
Ako: Ako? Impossible naman yata na mapanaginipan mo yung tao na never mo pang nakikita sa personal.
Aurora: Kaya ba natulala ka din nung nakita mo ako kasi nakita mo na din ako sa panaginip mo?
Ako: Marahil Oo pero hindi ako pamilyar sa itsura. Bigla ko lang naramdaman na ikaw yun. Ano ang panaginip mo tungkol sakin?
Aurora: Fernan?

Na-mindblown ako noong oras na yun. Like, wth!

Ako: Anong nangyari, namatay ba talaga si Fernan?
Aurora: Hindi ko alam. Pagkatapos ng pangyayaring yun, dinala nila ako sa malayong lugar. Hanggang doon lang ba umabot ang panaginip mo?
Ako: Oo kasi patay na ako doon. Halos ilang buwan ko ng hindi napapanaginipan yun.
Aurora: Kumonsulta ako sa isang eksperto, kung gusto mo isasama kita. Malamang may paliwanag siya sa mga nangyayari.

Kumuha na sya ng eksperto sa ganung field dahil naaapektuhan na ng panaginip yung totoong buhay niya.

Ako: Para saan pa? Tapos na ang role ko sa mundong yun.
Aurora: Kung malalaman mo ang buong kwento, hindi ka mag-aatubili na bumalik.
Ako: Hindi ka ba natatakot? Hindi mo ba nakikita yung mga itim na usok sa likod ng mga taong nakapaligid sayo? Sa likod mo?
Aurora: Mas malala pa doon yung makikita at mararanasan mo kung itutuloy mo ang panaginip mo.

Takot ako na managinip ulit ng ganun. What if mamatay ako sa panaginip na yun at isipin ng utak ko na patay na talaga ako? Pero syempre curious din ako sa kung ano ang mangyayari. Gusto kong malaman kung ano yung kwento na magpapabago ng desisyon ko. Kaya nagpasya ako na sumama kay Aurora sa isang Pseudopsychiatrist. Eksperto daw sila sa mga hindi napapaliwanag na siyensa about sa utak o panaginip. Occult science kumbaga, na tinatangkilik pa din ang makalumang pamamaraan ng panggagamot tulad ng hypnotismo. Ipinakwento muna sakin ni doc yung about sa panaginip ko, simula umpisa hanggang sa huli. Nakaka-amaze daw na parehas na parehas kami ng napanaginipan ni Aurora maliban sa may mga dagdag na panaginip si Aurora noong araw na nabaril ako.

Bago umpisahan yung pagpapatulog samin, binalaan nya muna kami na vulnerable ang katawan namin sa ganung estado. Once na may sumunod samin na entity, may tyansa na hindi na kami makabalik sa sarili naming katawan. Kaya hangga't maaari ay huwag naming tatagalan ang paggagala sa mundo na yun.

Pinahiga niya kami sa kama. Magkahiwalay. Nakaupo sya sa upuan, sa pagitan namin. Naglabas sya ng orasan na kasing laki ng mukha at dahil sa sobrang tahimik ng lugar, dinig na dinig namin yung pag-tiktok ng kamay nito.

Doc: Babalik kayo sa lugar kung saan lahat ng bagay ay posible para tapusin ang inyong inumpisahan. Sundan nyo ang tunog ng orasan at gagabayan kayo nito pabalik sa katotohanan.

Hanggang sa nakatulog na kami.

Nagising kami na magkatabi. Pero ang lugar, nasa gitna kami ng sobrang lawak na garden. Halos hindi mo matanaw yung dulo. Lanta na yung mga halaman at halatang napabayaan na yung lugar.

Aurora: Dito ang daan. Nakarating na ko dito.

Naglakad kami saliwa sa sikat ng araw, papunta sa masukal na punuan. Habang palapit ng palapit, padilim ng padilim ang paligid. Halos parang gabi na sa dilim at nakarating kami sa likod ng malaking bahay. Iba sa unang bahay na nakita ko noon. Pumasok kami pero napaatras ulit ako sa dami ng tao. Ganun pa din ang itsura nila. Mga nakangisi at patay ang ekspresyon ng mata.

Aurora: Mga kaluluwang ligaw ang mga yan. Hanggang ngayon hindi pa sila nakakakita ng katawan na papasukan o kaya naman ay hindi pa sila nare-reincarnate sa bagong katawan.
Ako: Paano mo nalaman? Hindi ka ba natatakot?
Aurora: Pinaliwanag sakin ni doc. Takot pero masasanay ka din. Ang kailangan nating gawin, makapasok sa kwarto sa taas ng hindi niya nalalaman.
Ako: Nalalaman nino?
Aurora: Basta sumunod ka na lang sakin.

Sa lahat ng oras na yun, halos nakapikit lang ako. Hindi ko kayang titigan yung mga nilalang na nasa paligid namin. Habang tumatagal, palala ng palala. Hanggang sa makarating kami sa paanan ng hagdan. "Huwag kang maingay kung ayaw mong hindi na makalabas sa panaginip na 'to", sabi nya sakin. Napalunok ako ng isang basong laway sa takot. Akala ko naman kasi aalamin lang namin yung mangyayari sa love story ni Felicia at Fernan pero bakit napunta sa ganito yung istorya?.

Dahan-dahan kaming umakyat. As in walang sounds, cat walk kumbaga. Nakarating kami sa harap ng malaking pinto. Kulay itim at gawa sa bakal. Inutusan nya ako na buksan ko yun kasi kahit anong gawin niya daw, hindi nya mabuksan yung pintuan na yun (napaisip ako na ang payat-payat ko, paano ko mabubuksan 'to?). Ako naman si uto-uto, hinawakan ko yung nagsisilbing hawakan na bakal na pabilog sabay hila gamit lahat ang lakas ko. *insert biceps emoticon* Unti-unting bumukas yung pinto pero lumangitngit yung pinto kaya nakagawa ng creepy sounds. Binilisan ko ang pagbukas at hinila nya ako kaagad papasok sa loob. At tinulungan ko sya na itulak pabalik yung pinto.

Nakapasok kami sa isang silid na puro mannequin ang laman. Bawat sulok may mga matang pakiramdam mo sayo lang nakatitig. Mga mata na patay pero ramdam mong yung panlilisik. Hinawakan ko siya sa kamay, tinitigan ko siya na parang sinasabi ko na "Baka gusto mong magpaliwanag?". Agad siyang humikab at nagsalita.

Aurora: Parte 'to ng panaginip natin. Pagkatapos mong mabaril, dinala nila ako sa malayong lugar. Sumunod na nangyari, buntis na ako at ikaw ang ama. Tapos nanganak ako, alam mo ba kung gaano kasakit ang manganak? Mas masakit pa yun sa naramdaman mo nung nabaril ka. Tapos may pumunta sa bahay, pilit nilang kinukuha yung anak ko. Wala akong nagawa! Kaya ngayon babawiin natin siya pero hindi tao o espiritu yung kumuha ng anak natin.
Ako: *utak ko nagpo-process.... Processing.... Nag-blue screen* Haaaa? Ano? (isipin mo yun! nagkaanak ako sa panaginip? pero mas curious ako sa kung paano nila ginawa yung baby hahaha! joke).
Aurora: Sumunod ka na lang sakin para malaman mo.
Ako: Bakit kailangan pa nating isalba? Panaginip lang naman 'to.
Aurora: Naririnig mo ba ang sinasabi mo? Totoong tao ka. Totoong tao ako. What if kung saang dako ng mundo ay totoo yung bata na yun? At hindi siya makabalik sa sarili niyang katawan? Masisikmura mo bang pabayaan na lang siya?
Ako: *guilty* *napahiya ako sa sinabi ko*. Pero gawin natin 'to ng mabilis.

Nilakad namin yung pasilyo na puno ng manika. Dagdag pa sa kilabot yung mga manika na kusang nagalaw, mga de makina na tumatawa. Sa dulo ng pasilyo tumigil kami. May tinuro siyang laruang bahay. Yung bahay halos kasing laki ko. "Nandiyan sa loob yung anak natin", ika ni Aurora. Nanginginig yung tuhod ko na lumapit doon sa doll house. Tsaka ko narinig yung mahinang iyak ng isang bata. Kahit takot, binuksan ko yung bubong ng doll house para makita yung isang 4 o 5 yrs old na lalaki. Nakayupyop sa loob. Sinabihan ko siyang tumayo para maabot ko yung kamay nya. Binuhat ko siya palabas at sabay yakap sa kanya ni Aurora ng mahigpit. Umiyak silang dalawa, wala akong dapat maramdaman pero ramdam ko na napakaimportante ng ginawa ko. Halos mapaiyak na din ako. Nang biglang bumukas yung pintuan mula sa malayo. Nag-umpisang maggalawan lahat ng manika. Tawa, yabag, palakpak. Magkakahalong ingay galing sa mga manika.

Ako: Mas mabuti yata kung umalis na tayo.
Aurora: Sa bintana tayo dumaan. Nandiyan na siya.

Binuksan ko yung bintana at halos malula ako kasi sa 2nd floor lang kami umakyat pero ang tanawin mula sa bintana, halos nasa 5th floor kami. No chance na makakaligtas kung tatalon kami. At naisip ko, "Tumalon kaya tayo? Baka sakaling magising tayo". "Tanga! Kapag namatay ka dito, mamamatay ka din sa totoong buhay". "Anong gagawin natin?". "Maghanap ka ng lubid. Nang kahit na ano para makababa tayo".

Dali-dali akong naghanap ng kahit na anong klaseng panali. May nakita akong kadena, agad-agad kong kinuha at tinali sa haligi ng bintana. "Paano tayo bababa?", sabi ni Aurora "Itatali ko muna siya tapos ibababa ko ng dahan-dahan. Sumunod ka kaagad habang inaalalayan ko 'tong kadena" Ligtas na nakababa yung bata tsaka si Aurora.

Nung time na ako na ang bababa, may humablot ng kamay ko. T******! Yung itsura nya hindi ko maipinta. Kulay pula yung buong katawan nya. Yung bibig nya yung parang bibig ng sikat na mask kapag halloween, yung nakanganga. Nanlilisik yung mata nya. Mahaba yung buhok na parang barbed wire. Sigaw ako ng sigaw. Harmless ako na tao pero pinagsusuntok ko sya sa mukha para lang bitawan niya ako. Yung kuko nya bumabaon sa laman ko kaya sobrang sakit. Wala akong magawa pero mas gugustuhin ko na lang na mahulog mula sa 5th floor kesa makuha ng pangit na yun. Noong pakiramdam kong hopeless na ko. Dito na ko mamamatay, biglang sumikat yung araw na sobrang sikat (mas sikat pa kay Brad Pitt at Angelina Jolie). Sobrang nakakasilaw. Doon nabitawan ako ni pangit, nasunog yung balat nya tas kumulo ang kulo. Ang kinabagsakan ko? Sa lupa. Yung sakit nya, feels like fvck! Sobrang sakit, parang nabali lahat ng buto ko. Yung pakiramdam na dapat patay ka na pero buhay ka pa? Agadan akong tinayo ni Aurora at kahit halos maihi na ako sa pantalon sa sobrang sakit.

Tumakbo kami pabalik ng punuan. Pilit naming sinusundan yung tunog ng orasan para makabalik sa lugar na pinanggalingan namin pero pabalik-balik lang kami sa likod ng bahay. Yung mga nilalang na nasa loob ng bahay, nagsilabasan sa pinto at bintana tapos hinabol kami. Kaya ang takbo namin pang marathon, pilit kong iniisip na sana matapos na 'tong panaginip na 'to pero doon pa lang pala mag-uumpisa ang pinakamahabang gabi at panaginip sa buong buhay ko.

Susundan ko po agad hangga't maaari. Maybe tomorrow or overmorrow. Salamat!

PS. Sa pagbabasa ko ng comments, tsaka ko lang nalaman at kanina lang napanuod yung 'Your Name'. Na-LSS din ba kayo sa OST? *slightgrin emoticon* Takeno hamada takeno. (RIP lyrics)
PPS. Shout out doon sa nag-iisang nag-comment ng 'Prince Mackaroo' Hahaha! Bhuju?

The end of our dream.

Wala kaming ibang ginawa kundi tumakbo ng tumakbo. Halos maubusan na ako ng hininga sa sobrang pagod pero kahit anong sunod namin sa tunog ng orasan, hindi kami makarating. Sa hindi kalayuan, may matandang lalaki kaming natanaw. Wini-wave in nya yung kamay nga na parang pinapapunta nya kami sa kanya. Nagdalawang isip ako kung liliko ba kami o pupunta palapit sa kanya. Nung lumapit-lapit kami, naaninag namin ng pantay yung itsura nya, unlike sa mga nahabol samin. Dali-dali kaming lumapit sa kanya tas nagtago kami sa gilid ng malaking puno. Naghintay kami kung may nasunod pa samin pero nung nakita namin na wala ng entity sa paligid namin. Tinanong sya ni Aurora kung anong pangalan nya. Pero hindi sya nasagot. Tinanong ni Aurora kung bakit sya nasa panaginip namin. Pero hindi sya naimik. Tapos nag-handsign sya, tinuro nya yung bibig nya then winave nya yung kamay nya. Doon namin na-gets na pipi pala sya. Tinanong ni Aurora kung may alam ba syang portal o anything na makakapagpalabas samin sa panaginip namin. Tumango sya, which means Oo. Nag-umpisa na siyang maglakad at sumunod lang kami. Karga-karga ko yung bata tas kinakausap sya ni Aurora.

Aurora: Anong pangalan mo?
Bata: Jj po.
Aurora: Taga saan ka Jj?
Jj: 'Di ko po alam.
Aurora: May mama at papa ka ba?
Jj: Mama lang po. Si Mama Edna.
Aurora: Ako? Kilala mo ba ko?
Jj: Hindi po. Sino ka po ba?

Akala ko sasabihin ni Aurora na sya yung mama nya. Hahaha! Pero sinabi nya na lang na "Ako si Ate Aurora. Friends na tayooo ha?"

Hindi ko namalayan na nakarating na pala kami sa destinasyon namin. Tumigil kami sa gilid ng lawa. Tinuro ng matanda yung isang bangka. Na-gets namin agad na sasakay kami doon. Pero ang tanong saan kami pupunta? Tumuro lang yung matanda sa lawa. Tapos naglakad na sya pabalik sa gubat. Nagtaka kami ni Aurora kung hihintayin ba naming bumalik yung matanda o aalis na kami. Napagkasunduan namin na mauna na dahil sa tingin ni Aurora na spirit din yung matanda. Pagkasakay namin ng bangka. Nagsagwan ako papunta sa kawalan. Habang palayo kami ng palayo sa lupa, pakapal ng pakapal 'yung fog. Hindi na namin makita 'yun paligid. Ilang minuto lang may naaninag kami sa malayo na anino. Hugis tao sya. So, natakot kami. Pilit kong minamaniobra yung bangka para lumiko pero hindi nagana. Parang tinutulak kami papunta doon sa anino. Nung nakalapit na kami, laking gulat namin kasi nandoon na naman si pangit. Nagsisisigaw si Aurora. Wala akong magawa para makalayo. Mas mabuti ng sa lupa, at least makakatakbo. E sa lawa? Sa totoong buhay nga, hindi ako marunong lumangoy e. Hahaha! Tas sa panaginip, swimmer? Hindi ko na sinubukang lumangoy palayo. Winave ko na lang ng winave yung sagwan. Akmang hahatawin ko sya. Tapos biglang sumigaw si Aurora ng ubod ng lakas. "TANTANAN MO NA KAMI! HINDI MO NA SYA MAKUKUHA ULIT! IN THE NAME OF JESUS CHRIST, BUMALIK KA SA PINAGGALINGAN MO!". Narindi ako ng sobra. Tapos si pangit, unti-unting lumubog sa tubig habang nasigaw. Hanggang sa nilamon na sya ng lawa. Doon, unti-unting lumiwanag.

Next thing I know, nagising na lang ako dahil sa pagyugyog sakin ni Aurora. Kinabahan daw sya kasi isang oras na daw syang gising pero ako tulog pa din. Sobrang sakit ng ulo ko. Pawis na pawis ako at kinakapos ng hininga. Tumingin ako sa orasan ko para tignan kung anong oras na pero laking gulat ko na nandon yung sugat ko na nakuha ko nung hinawakan ako ni pangit. Tatlong bilog na sugat pero scar na lang sya.

Bago kami umalis, kinausap muna kami ni Doc. Dahil daw sa ginawa naming yun. Nagbukas kami ng sarili naming portal papunta sa mundo ng mga kaluluwa. Sinabi din nya na pwede pang maging mas worse kasi doon ang maranasan namin. Pinayuhan nya kami na kontrolin namin ang panaginip namin at kung maaari huwag magpagala-gala sa panaginip.

Tinanong ko kung meron bang way para hindi na ako managinip ng ganito pero sabi ni Doc, na hindi daw sya ang dapat tanungin sa ganun. Sa ibang espesyalista daw ako lumapit.

Balisa pa ako ng umalis kami sa clinic ni Doc. Nagpahinga kami sa malapit na lomi house. Umorder ako agad kasi gutom na gutom ako. Habang nakain, natanong ko si Aurora kung ano kayang nangyari kay Jj.

Aurora: Sana nakabalik na sya sa mama nya.
Ako: Ayos ka lang ba?
Aurora: Oo naman. Salamat nga pala sa pagsama mo sakin
Ako: Ako? Halos wala nga akong ginawa e. Isang sigaw lang pala sa pangit na yun, aalis na. Hindi mo pa agad ginawa nung umpisa. Hahaha!
Aurora: Hahaha! Siraulo ka.

That night buong gabi kaming magkausap. Kinuwento nya yung unang beses niyang naranasan na managinip ng ganun. Mga creepy experiences nya. Napagtanto ko nun na siguro kung ako ang nakaranas ng ganon sa murang edad. Baka mabaliw na lang ako sa sobrang nakakatakot na naranasan nya. Pero hindi ko pa pwedeng ikwento yung kinuwento nya sakin. Kailangan ko munang humingi ng permiso sa kanya, baka mayari ako e. Hahaha! Pero sa susunod kong post, ayun na ang isusunod ko. Kung hindi sya pumayag. Yung about na lang sa pangalawa kong panaginip.

After that incident, madalas kong makita si pangit sa peripheral vision ko pero kapag titignan ko na ng diretso, wala naman. Pero thankful din ako na hindi third eye ang napunta sakin, hindi katulad ni Aurora. May third eye na, nag-aastral pa.

PS. Spoiler Alert. Hindi naging kami ni Aurora. Na-friendzone si kuya nyo. Hahaha!

132320

Continue Reading

You'll Also Like

EAT By Sharmain Yap

Mystery / Thriller

35.4K 1.4K 38
"TO EAT IS A NECESSITY, BUT TO EAT INTELLIGENTLY IS AN ART." - Fdlr 6 • Not Edited. 6 • Date Started: December 23, 2017 6 • Date Finished: June 23, 2...
44.2K 1K 31
Limang kwento ng kababalaghan at katatakutan ang magdurugtung-dugtong dahil sa isang masaklap na massacre na nangyari.
5.1M 58K 106
Kanina may nakita akong DYOSA~ Nung nilapitan ko Naumpog ako.... - Shuteng inerns SALAMIN LANG PALA! - #DyosaProblems #LoveProblems #InCrushProblems...
46.8K 1.8K 34
Sampung daliri sa kamay. Sampung magkakaibang kuwento ng... Mga daliring mapaghiganti... Sa sampung taong nakatakdang kikitil ng buhay sa iisang lug...