Scary Stories 5

By Sheree_Mi_Amour

41.4K 1.3K 19

The stories you're about to read are not mine. These are all from the popular Facebook page "Spookify". Enjoy... More

Nueva Ecija - 1997
Ang MedRep
Maynila - 1993
Nueva Ecija - 1989
Tapik
Mindoro - 2006
Pamahiin sa Patay
Cagayan de Oro - 1950
San Mateo, Rizal - 1996
Bicol - 1955
Camping sa Baguio
PUP Scary Stories
Look Up, Up, Up
Serial Killer si Madam
The Horror Stories of Mindanao State University, Marawi City
Ilaw at Sigaw
The Customer
Opisina
R.L.E.
Full Moon
Nagpaparamdam na mga patay
Baguio Experience - 2019
Haligi ng Tahanan
Compiled Stories 1
Dugwak
Immersion (Parts 1-5)
Kulam
Caramoan
Accident call
Batangas (Bundok) (Parts 1-5)
Kapahamakan sa Kabundukan
Manggagamot
Bakanteng Lote
Nang dahil sa sampung piso
No one will know (Parts 1 & 2)
No one will know (Parts 3 & 4)
Compiled Stories 2
Station 4
Parola
Mananabtan
Katotohanan (Parts 1 & 2)
Ortigas - 6/29/19
Factory
Engineering Building
Bisita sa Bicol
Haunted Supermarket
Ang Engkanto sa Parking Lot ng Trinoma
Auntie V
Auntie V (Balikan)
Tubuhan (Parts 1 & 2 + Prequel)
Compiled Stories 3
Ingay ng Bulong (Parts 1 & 2)
Education Building
Bakuran
Mountaineer Stories
Hinang-hina ang Gabay namin
Playground of Ghost and Such (Parts 1-3)
Amadeuz Tale : Jenny
Salabay
Bulong
Past 3AM
Yaya
Ligaw
The Unsolved Mystery in my School
Compiled Stories 4
Unfamiliar face of a girl on the stair
Summer Vacation (Parts 1 & 2)
Training Center
The Museum
When Someone's Dying
Third Eye
Compiled Stories 5p
Orphanage
Sapi
Kababata/Baway
Random Stories (Parts 1 & 2)
Kasunduan sa Demonyo
Anita, Babaeng Itim, Paring Pugot at Retreat
Nakita Kita
Compiled Stories 6
Land of the Rising Sun
LAStsING
The Wake & The Game
Di na tayo pwede
Pag oras mo na, oras mo na
Compiled Stories 7
Boundary at Subdivision
Lungsod ng Quezon - 2009
About Doppelgangers
Compiled Stories 8
Who is she? (Parts 1 & 2)
Mackaroo's Journal : My Last Confession
11/21
1994
Compiled Stories 9
Kay-Anlog Road
Ang Batang Tambay sa 14th Floor
Compiled Stories 10
Multo sa Mall?
Hilaga
Dalisay + Faith Healer
Earthquake Drill
Kuya Leo and Ate Lea
Gown
My Lola's Story (Parts 1-3)
Compiled Stories 11
Kulam Adventures (Parts 1-3)
Doppelganger Stories
The Chronicles of Nadia (Parts 1-5)
Compiled Stories 12
Stranger Danger
Dayo
Friday Night at Ang Babae sa Mall
NoSleep Series : Trabaho sa Dark Web (Parts 1-5)
Davao Doctors College (6th Floor Cad Bldg)
Unknown
Dyablo Island
My Lola and I (Parts 1-3)
Enchanted
Auditorium (Parts 1 & 2)
Kulam ba o Mental Illness?
Tubuhan: Triangle
Compiled Stories 13
Pamahiin
Ngiti
Engkanto
Compiled Stories 14
Madre
Me and My Two Best Friends (Parts 1-4)
Lason
Compiled Stories 15
Si Ninong (Parts 1 & 2)
Jose + Sumpa
Spirit of the Coin
Black Witch (Parts 1 & 2)
Compiled Stories 16
Mahiwagang Garden (Parts 1 & 2)
NoSleep One-shot Story : Ang Insidente sa Highway 1093
NoSleep One-shot Story : Parang may mali sa aking Lasik Surgery
The Sign
Compiled Stories 17
Compiled Stories 18
Compiled Stories 19
Kasabay
Ngayon naniniwala na ako
Papatayin kita
Mga kababalaghan
Naririnig kita
Compiled Stories 20
Compiled Stories 21
UV Express, Black and White Feathers at Si Anna
Psychosis (Caloy from Cebu)
Come Again
Compiled Stories 22
New Found Friend
Creepy Classroom
Bicol Dekada Otsenta
Hindi lang kami ang baliw dito, Miss
NoSleep (One-Shot Story) : Ang baog kong asawa ay nakabuo ng bata
Compiled Stories 23
Crematorium, 2012
Experiment
Compiled Stories 24
Mt. Cristobal (The Devil's Mountain)
Doppelganger Stories 1
Compiled Stories 25
Cronica Bruja : Hatid
Ilog sa Mt. Banahaw, Quezon Province
Compiled Stories 26
Compiled Stories 27
Ghost Wedding
Gutom (Parts 1-2)
Compiled Stories 28
Isay comes home (Parts 1-2)
Ricky's Wishing Coin
Stranger Danger (Parts 1-2)
Deliver us from evil
Kainan sa may Palengke
Anino (Parts 1-3)
The Bus Station (Thailand Tour)
Sine
Nawawala ang Nakaburol
Ang Babaeng pinaanak ang sarili (Parts 1-2)
Baboy
Kakila-kilabot na pagsalubong sa Bagong Taon
Till death, we'll never part (Parts 1-4)
Compiled Stories 29
Doppelganger Stories 2
Thou shalt not steal
Kerosene
Compiled Stories 30
Semana Santa
Huling gabi ng Santa Cruzan
Balkonahe (Lilac Story)
Poso
Kaibigan
At lumabas ang Halimaw mula sa Libro
Selos
Bahay-bahayan

Kaybiang Tunnel Stories

180 5 0
By Sheree_Mi_Amour


Story #1

Hi! This is Jessie. Share ko lang yung experience naming magpipinsan yesterday. We planned for a ride going to Matabungkay, Batangas sa may cottage na balsa. 14 kaming lahat so 7 motors in total.
Enil-Eroufa (magkapatid),
Seph-Jim (pinsan ng tropa ni Enil si Seph then pinsan namin si Jim),
Megan-Ralph (mag-asawa),
Arjhay-Grace (mag-asawa),
Jhang-Francis (mag-asawa),
Ej-Yhel (mag-asawa)
then kaming mag-asawa Jessie-Jay.

We're amateur so ang talagang experienced rider na sa amin is Kuya Enil siya yung nag-lead sa amin then kami sa likod ng asawa kong si Jay although di rider ang asawa ko alam niya na yung diskarte sa daan. Syempre di mawawala sa ride yung may delay kasi may nasiraan, so ayun na nga 1st na huminto kami dahil yung side mirror ni Seph nag-loose, buti may mga riders na nakatambay sa McDo silang na nahiraman namin ng tools, thanks to them, go na ulit. We touched down sa Matabungkay after long ride and we enjoyed naman so uwian na pray then planned to pass the Kaybiang Tunnel. While heading the spot yung daan kasi dun is like snake road place for banking nga kung tawagin ng mga rider then up and down parang buhay lang. Suddenly nauna kaming 4 couples, Naka-received ng message si Grace from Eroufa na bumalik kami kasi naaksidente si Seph-Jim dumulas sila then nadaganan ng motor (aerox) for the second time and it's around 5pm salamat ulit sa mga riders sa nag-alalay sa kanila, salamat din sa Diyos dahil minor lang. pahinga muna kaming lahat inhale-exhale nag-aagaw na ang dilim at liwanag then sabi ni Ej "tara na huwag na tayong magpaabot masyado ng dilim" then bakbak na ulit saktong 6pm narating na namin si Kaybiang Tunnel first time kong nakarating dun ang weird ng pakiramdam ko katakot talaga. antayan muna ulit makompleto then pasok na. Nauna sila Enil then huli kami ni Jay may nakasabay kaming bukod tanging couple na walang helmet haba ng hair ni Ate nakamaliit na backpack, mega yakap kay kuyang jowa nya naisip ko baka residente lang din ng lugar kaya ganun. Nalampasan na namin ang tunnel success! Huminto kami sa gasoline station para mag-stopover, then nagtanungan, "nakita nyo ba yung magjowa nung papasok tayo ng tunnel?" sumagot ang lahat ng "oo" pero walang nakakita na nakalabas sila dahil iisa lang naman ang labasan. Dun na kami lahat kinilabutan. Pagpatak ng 6pm huwag ka na pala dapat bubusina dahil mabubulabog yung mga kaluluwa sa tunnel, sa umaga lang dapat gagawin. May naaksidenteng mag-asawang bagong kasal nag-rides din sila nagpapakita at sumasabay sa mga grupo. Wooh! At napili nila si Seph-Jim na kunin sana, luckily we passed the tunnel na buo kami. Salamat sa prayers before and after the ride. It's my first time na mag-send ng story. Thanks.

Story #2

Happened 2 years ago. Galing kaming Tali beach, Batangas.
4 na sasakyan kaming convoy, ako ang lead car.

Navara (me)
Trailblazer
Elantra
L300

3:30pm ng lagpasan namin ang tunnel pauwi. After naming kumanan, medyo pababa na, sa tabi ng bangin may nakita kaming bata, madungis, naka-short lang na itim, may tela siyang hawak, nilalaro nya.

Yung girlfriend ko sabi nya. (verbatim)
Gf: Tangina bakit may bata diyang naglalaro? Nasan kaya ang magulang niyan?
Kami: Oo nga, pinababayaan lang yung bata oh.

Pagkalagpas namin sa bata, pagtingin ko sa rear mirror, wala na sya. Tapos biglang may parang sumakay sa likod namin, hindi ko na pinansin dahil baka nalubak lang kami, After non may paliko, pagpreno ko ayaw ng kumagat, as in nawalan kami ng preno, hindi naman ako nag-panic, nag-pray na lang kami, bumalik din naman after 30 secs. Tapos pagbaba namin nag-stopover muna kaming lahat sa gas station. Ang akala ko lang baka manipis na yung brake pads pero habang nagkukuwentuhan kami about sa nangyari, lumapit samin yung gasoline attendant, tinanong nya kung anong nangyari, sabi ko nawalan ako ng preno after Kaybiang Tunnel, tapos bigla nyang sinabi ito.

Verbatim.
Ate: Ay oo, mag-ingat kayo diyan, may nangunguha diyan, yung batang naglalaro ng puting tela.

Kami naman nagulat, e hindi naman namin pinagkwentuhan yon, tapos tinanong namin yung 3 car na kasama namin, wala naman daw silang nakitang bata.

Meaning kami lang yung nakakita dun sa bata.

Then sinabi pa ni ate, 1 week ago daw before namin, may nawalan din daw ng preno don, same time, Innova naman, binangga sa puno nung driver, patay yung limang tao.

-H

Story #3

Hi good evening! Ako yung sender about 'Kaybiang Tunnel' happened last November 17 this year. Yung about Seph-Jim na ilang beses nagkaaberya. Akala namin ok na, namatay si Jim nitong 12mn November 22, wala pang 1 week nung galing kami sa ride. Ang saya pa namin kahapon walang bahid na mawawala na pala sya. Yung dalawang nakababatang kapatid niya nakarinig sa kanya na kakaiba yung hilik then nag-try silang gisingin pero ayaw mag-respond ni Jim tapos sinabi na nila sa mga kasama sa bahay na tulungan sila para dalhin sa hospital, naihi na sya sa shorts. Pagdating ng hospital nag-try pang i- revive si Jim kaso declared 'Dead on Arrival' na.

Nung nasa resort pa kami sa Matabungkay, nalasing si kuya ni Jim, si Arjay di namin lahat mapabangon sa kalasingan, sambit pa ni Jim "Huy bro! Gising ka na pala? nire-revive ka na namin lahat kanina pabirong pang-aasar nya", nagtawanan ang lahat . Yun pala sa araw na ito sa kanya mangyayari .Nagluluksa kaming pamilya ngayon. Di namin alam if premonition na nga ba ang nangyari. Napakabuti ni Jim walang dull moments sa kanya, never mong naringgan ng reklamo pag humingi ka ng favor. Siya pa nga ang hihingi ng pasensya eh. Napakabilis man ng nangyari, kailangan nalang talaga naming tanggapin if ito talaga ang nakatadhana.

Mahal na mahal ka namin. Salamat sa lahat.

-Jessie

Story #4

Hello spookify, readers and admins!
Share ko lang po yung nangyari samin sa Kaybiang, dami ko din kasing nabasa na kwento dito non e pero yung kanila ay mga multo ganon.

October 2019, mga 1am na yata nun kakatapos lang naming mag-inuman ng tropa, kwentuhan nalang kami nagkatamaran na din kasing mag-inom e, kaya naman napagplanuhan namin na mag-stroll, 1st time ko palang nun makakapunta ng Kaybiang Tunnel kasi taga Olongapo talaga ako e tas kailan lang din ako dito sa Cavite tumira. So yun na nga, go na kaming lahat, bale tatlong motor yun tas tigtatlo din ang sakay, bale 9 kami lahat.

Nasa byahe na kami nun papuntang tunnel, nakakatakot kasi ang dilim ng paligid, tanging mga ilaw lang ng motor yung nagbibigay liwanag, tas ang lamig pa that time. nag-overtake sa kanan yung kasama namin tas nung nauna na sila bigla siyang nagpreno, may nakaharang pala na malaking sanga, e di nauna na kami, nagdahan-dahan na kami nun. Sa kanan na daan ang daming kung anu-anong nakaharang. May nag-iisang barricade pa nga sa gitna nun, tas yung kasunod nun na ilang metro lang ang layo plywood naman ang nakaharang. Naisip ko na baka may nantitrip lang ganon. sabi ng tropa nun na bumalik nalang daw kasi baka daw mapaano kami, pero tumuloy pa din kami pa tunnel. Hanggang sa nakarating na kami ng Kaybiang Tunnel, 2am na non at kami lang yung taong nandon, naka-park yung mga motor sa gilid bukas naman yung headlight na nagbibigay liwanag samin, nagsibaba na kami para kumuha ng litrato, kaming tatlo ng tropa kong babae nasa gitna kami ng daan kinukunan namin ng litrato yung mga anino namin kaharap ang Kaybiang Tunnel, maya-maya may sasakyan na pumasok sa tunnel, galing Batangas. Gumilid na kami ng tropa ko, lahat kami nakatingin lang dun sa sasakyan, dahan-dahan lang yung takbo nya patungo kung saan kami naroroon, e di nagtaka kami kasi ang bagal lang talaga, maya-maya nagpatay-sindi yung headlight ng kotse. Dahan-dahan kaming nagsilapit sa motor, malapit na din makalabas yung kotse sa tunnel, tamang hinala kami nun kaya nagsiangkas na yung iba, at in-start na din yung motor. Nang nakalabas na yung kotse, sumakay na kami at sinusundan pa din namin ng tingin yung kotse. Potah bes gumilid yung kotse sa kabilang side na kaharap namin, nagsesenyasan na kami ng mga tropa na "Tara na", "Andar na" bumukas yung pinto ng kotse, kaya umandar na kami, ang bilis ng takbo namin nun. Pumasok kami ng tunnel, nung nasa loob na kami nun pinatay na namin yung mga ilaw namin tas tumigil kami sa kabilang dulo ng tunnel, tinahulan kami ng mga aso,  kabado na ako nun baka kung anong gawin e puro kabataan pa man din kami. Tumahimik kaming lahat, tumigil na din sa pagtahol yung mga aso, tinatanaw namin yung kotse, hindi pa rin umaalis doon. Kaya usap-usap nalang kami na babalik kami ng mabilis yung takbo ganon, sabi pa ng tropa baka daw mga adik yun. E di pinag-iisipan pa din namin maigi kung babalik na ba kami, hanggang sa awa ng Diyos, may mga narinig kaming tunog ng motor at maliwanag din, ang daming riders na dumating at dun sila tumigil  kung saan kami nakatigil kanina katapat nung kotse kaya naman binilisan na namin yung takbo ng motor pabalik, bumati ng busina yung mga riders ganon din kami, tinignan ko yung kotse nun pero tingin ko wala ng tao dun, sabi ng mga tropa may tatlong lalaki daw na nakatayo dun sa gilid malapit lang sa mga riders. Di multo o kung anong elemento yun pero grabe yung kaba ko nung mga oras na yun, kasi dito samin uso yung mga sina-salvage.

Sa mga mahilig po mag-stroll diyan, palagi po tayong mag-iingat hehe kasi kami sa Caylabne po kami naaksidente, pauwi na kami pero ibang araw naman po yun at hapon nun, nawalan kami ng preno nun eh, up and down po ang daan tas yun, nung pababa na kami di na kumakagat yung preno, eh sa kabilang side bangin kaya ginilid nalang ng tropa ko kasi sobrang bilis na ng takbo namin eh hindi naman kami parehong batikan sa pagmomotor kaya yun nag-slide kami, awa ng Diyos buhay pa naman kami, pumalo yung ulo ko sa bato, pero yon nga buhay pa din. Mga sugat at may black eye pa ako jusko. Kaya lagi po tayong mag-iingat guys, makinig din tayo minsan sa magulang natin pag di tayo pinayagang gumala, minsan kasi sign yon na may mangyayari sating masama. Yun lang po. Thank you.

Continue Reading

You'll Also Like

5.1M 58K 106
Kanina may nakita akong DYOSA~ Nung nilapitan ko Naumpog ako.... - Shuteng inerns SALAMIN LANG PALA! - #DyosaProblems #LoveProblems #InCrushProblems...
2.4M 88.2K 47
Once you've start to read it, there's no turning back. Season 1 Start: December 22, 2015 End: April 11, 2016
46.8K 1.8K 34
Sampung daliri sa kamay. Sampung magkakaibang kuwento ng... Mga daliring mapaghiganti... Sa sampung taong nakatakdang kikitil ng buhay sa iisang lug...
64.7K 2.5K 32
#PHTimes 2019 #1 in Horror🏅11142018 Magmula ng ipanganak si Emy ay nababalutan na ng hiwaga ang kanyang buong pagkatao. Ang kanyang inang nagsilang...