MR.YAKAP BOY..(COMPLETED)

By KimVerly

181K 3.4K 438

YOUR HUGS AND KISSES ARE LIKE THE STARS THAT LIGHT UP MY LIFE WHEN THINGS GET DARK!!!!!! More

MR.YAKAP BOY..(PROLOGUE))
CHAPTER 1: STALKER
CHAPTER 2:FIRST DAY,FIRST HUG!!!
CHAPTER 3: ROOFTOP
CHAPTER 4:NEW FRIEND
CHAPTER:5 PARTNER
CHAPTER 6:MY FROG PRINCE-part1
CHAPTER:6:MY FROG PRINCE-PART 2
CHAPTER 7:AWAY O GULO?
CHAPTER 8: KINAIN NIYA
CHAPTER 9: PAUTANG
CHAPTER 10: SHE'S MINE
CHAPTER 11:SORRY
CHAPTER 12: PANGAKO
CHAPTER:13:DAY DREAM
CHAPTER:14:DETENTION ROOM
CHAPTER:15:DAMN PICTURE
CHAPTER:16:SINUNGALING
CHAPTER:17:NAUWI SA WALA!
CHAPTER:18:THE MASK MAN!
CHPATER:19:THE GAME
CHAPTER:20: FIRST DATE
CHAPTER:21:KIEL MY SAVIOR
CHAPTER:22:ANG KULIT!
CHAPTER:23:HELP ME
CHAPTER:24:HALAGA
CHAPTER:25:DREAM GIRL
CHAPTER:26:MALING AKALA
CHAPTER:27:FREE HUG'S
CHAPTER:28:LOVE STORY SA WEBSITE
CHAPTER:29:THE GIFT
CHAPTER:30:BEST GIFT
CHAPTER:31:FORMAL RELATIONSHIP
CHAPTER:32:GOODNIGHT
CHAPTER:33:PERVERT
CHAPTER:34:I LOVE YOU,SORRY NA!!
CHAPTER:35:HAPPY MONTHSARY
CHAPTER:36:TAGAYTAY TRIP(part 1)
CHAPTER:37:TAGAYTAY TRIP(PART 2)
CHAPTER:38:THE SIX PACK ABS
CHAPTER:39:MMS
CHAPTER:40:IT HURT'S
CHAPTER:41:TALKING TO HIM
CHAPTER:42:OK LANG AKO!
CHAPTER:43:THE PAIN OF LOVING YOU
CHAPTER:44:I WON'T GIVE UP!
CHAPTER:45:MYB
CHAPTER:46:NEW CASS!
CHAPTER:47:ANG SAKIT-SAKIT NA!
CHAPTER:48:THE TRUTH
CHAPTER:49:WAITING FOR YOU
CHAPTER:50:IT'S TOO LATE
CHAPTER:51:MOVE ON
CHAPTER:52:SINO BA TALAGA?!
CHAPTER:54:HOLD MY HAND
EPILOGUE(MR.YAKAP BOY THE FINALE)
PASASALAMAT NANG AUTHOR
SPECIAL CHAPTER

CHAPTER:53:KIEL OR GIAN?

2.4K 41 6
By KimVerly

AN:2 chapter nalang tpos na...hay..nabadtrip aq kahapon kc ba naman may nag fan skn para magtanong lang pala,tpos pagktapos qng sagutin ung tinanong nya bigla nalang nya aqng niremove fan..ok lang naman sakin na ndi na q i fan tpos magtanong ka kung gusto mo,eh ung i fan pra makapag tnong lang at pagktapos nang lahat i reremove fan ka..nakakainis diba?..ano to gamitan?..kainis lang..un lang naglabas lang nang sama nang loob..

kim_rhoj..

>____________<

CHAPTER:53:KIEL OR GIAN?

Sinabi ko kala Eurie yung gagawin kong desisyon mamayang gabi,full support naman ang mga ito sakin.basta ang sabi nila piliin ko daw kung saan ako sasaya,naglakad-lakad muna ako tutal at alas tres palang nang hapon.wala kaming pasok kasi sabado ngayon,malapit na din pala ang graduation namin

Parang kailan lang nang pumasok ako bilang isang tahimik na estudyante na nangangarap na mapansin nang crush nya,hanggang sa isang araw hindi lang nya ako napansin kundi naging kami pa.lumipas ang buwan akala ko magiging masaya ako sakanya kaso sinibukan kami nang tadhana at pinaglayo kami

Pinaglayo kami dahil sa isang babae na nagmahal din sakanya at nagawa ang lahat para mapaghiwalay kami.nagdulot iyon nang pasakit sakin,sa lungkot at pagdadalamhating natamo ko may isang tao na tumulong sakin para ngumiti ulit at magmahal ulit

Dahil sa kanya natuto ulit akong magmahal,dahil sa kanya natuto akong maging matatag at dahil din sa kanya nakuha kong mangarap, na sana pagdating nang araw siya ang makasama ko habang buhay,pero ang kapalaran ay sadya talagang mapaglaro sinubukan niya din kami at kami ay nagkalayo

Bumalik ang unang taong minahal nya,sa pagbalik nya nagulo ang dating masayang pag-iibigan namin,hanggang nagdesisyon ang isa na pumili kung saan ba talaga siya liligaya,pinili nya ang una niyang minahal keysa sakin,sa pangalawang pagkakataon muli na naman akong nasaktan

At ngayon naiipit na naman ako sa mahirap na desisyon,kailangan kong mamili sa dalawang taong naging parte nang buhay ko,ang dalawang taong nagpagulo sa mundo ko..ang dalawang taong nagturo saking magmahal at umiyak sa sinasabi nilang pag-ibig

Huminga ako nang malalim at dinama ang hangin na ngayon ay pilit na nilalaro ang mahaba kong buhok,kailangan ko nang mamili,kailangan ko nang pilliin kung saan ako sasaya at hindi na masasaktan pa,sa paglalakad ko nakita ko ang isa sa kanila

Nakita ko siya na masayang nakikipag-usap sa taong kaharap nito,ang ngiti na yun!ang ngiting alam kong makikita kong muli sa gagawin kong desisyon,ngayon alam ko’na kung sino ang pipiliin ko,alam ko na..umuwi ako nang bahay at natulog muna kahit saglit,kailangan kong ipayapa ang isip ko mamaya sa magiging desisyon ko,kailangan nasa normal na pag-iisip ko..kailangan para sa ikabubuti nang lahat

Nag-alarm na ang alarm clock ko,hudyat na nang pag-alis,tumingin ako sa salamin at pinagmasdan ang sarili,simpleng pink na t-shirt at jeans lang ang suot ko.hinayaan ko nalang nakaladlad ang mahaba kong buhok,ready to go na..umalis ako nang bahay at sumakay sa tricycle na nakita kong pabiyahe sa park

Pagkadating doon bumaba ako at mabilis na nagbayad sa driver,naglakad ako sa lugar kung saan kami magkikita-kita,una kong nakita si Kiel na napatayo nang Makita ako,sumunod namang tumayo si Gian at nakangiting tumingin sakin,I smile back

Nakatayo na sila parehas at nakatingin sakin,napapagitnaan nila akong dalawa,sa kanang bahagi nandun si kiel at sa kaliwang bahagi naman nandun si Gian,bumuntong hininga ako at pinagmasdan silang mabuti,halata mo ang pagka tense sa kanilang dalawa,lalong-lalo na kay Kiel na hindi mapakali

ah,Cass..ok lang bang mag cr muna ako saglit! si kiel na parang maiihi na ata sa kaba

sige..ok lang! nag nod ito at mabilis na tumakbo

Naiwan kaming dalawa ni Gian,hindi ito nagsasalita basta nakatingin lang ito sakin,unti-unti akong lumapit sa kanya at hinawakan ang kamay nito,mukhang nagulat naman ito sa ginawa ko,ngumiti lang ako at pagkaraan nang ilang minuto dumating na si kiel na halata mong nagmadali pa sa pag-ihing ginawa

pasensya napag… “ natigilan ito sa pagsasalita nang dumako ang mga mata nito sa kamay kong nakahawak sa kamay ni Gian,para itong maiiyak na hindi maintindihan pero pinilit parin nitong magpaka normal

I’m sorry kiel..hindi ko na ito patatagalin pa..si Gian ang pinili ko! kitang-kita mo ang biglang pagbagsak nang luha nito,ni hindi ito makapag salita at nakaawang lang ang bibig na nakatingin lang samin

pasensya na pare..respeto nalang sana sa ginawa niyang desisyon! napaluhod ito sa lupa at napatungo nalang,yumuyugyog din ang balikat nito at maririnig mo ang pag-iyak na namumutawi sa bibig nito

mahal na mahal kita cass…mahal na mahal..pero kung..kung sa kanya ka sasaya..sige lang hahayaan na kita.hahayaan na kita.. basag na basag na ang boses nito,napakagat labi ako sa pagpipigil na maiyak

Mahal ko din sya,sobrang mahal din kita kiel kung alam mo lang,pero sa tingin ko kasi hanggang dito nalang talaga tayo dahil alam ko hindi tayo magiging masaya sa isat-isa kung hanggang nagyon nasa puso mo pa din si kate..

Iniwan namin siya ni Gian sa park,nagtuloy kami sa bahay nito,hindi ko masasabing masaya ako sa naging desisyon ko dahil sobra din akong nasaktan sa ginawa ko,pero ito ang nararapat,kay Gian alam ko hindi na ako masasaktan pa at iiyak,siya ang una kong minahal kaya hindi na rin siguro mahirap na maibalik ko ang pagmamahal ko sa kanya

GIAN’S POV

Ako ang pinili nya pero masaya ba talaga siya sa ginawa niyang desisyon?..sa araw-araw na nagkakasama kami ginawa kong lahat mapangiti lang siya,ngumingiti siya sakin pero alam ko may kulang pa din,alam ko hanggang ngayon si Kiel pa din ang mahal niya

Natutuwa akong ako ang pinili niya,sobra ko kasi siyang mahal na kahit ano gagawin ko para lang sa kanya,pero sapat naba talaga ang pagmamahal kong maibibigay sa kanya kung ang puso niya ay patuloy pading nagmamahal nang iba?!

Nanood kami nang sine at niyaya ko siya kung saang alam kong magiging masaya siya,nag-eenjoy naman siyang kasama ako pero totoo ba yun?o nagpapanggap lang siya para hindi niya ako masaktan,mahal ko siya pero hindi naman pwedeng palagi nalang ako ang nagmamahal

Hindi ako sakim na tao kaya kung hihilingin niyang palayain ko siya gagawin ko kahit ang kapalit ay pasakit na naman sakin,malapit na ang graduation namin at sa London na ako titira pagka graduate ko,gusto kasi nang mga magulang kong magkasama-sama na kami at dun ko ipagpatuloy ang pag-aaral ko

Pero bago ang lahat gusto ko munang malaman kung ano ba talaga ang nilalaman nang puso ni Cass,kung naibalik na’ba niya ang pag-ibig sakin o hindi?.kailangan kong malaman dahil doon ko ibabase kung sasama ako o hindi sa pamilya ko

Pabalik na kami nang room,magkasama kaming dalawa,ngumingiti siya sa mga joke na sinasabi ko pero ang ngiting iyon ay pilit lamang,hinawakan kong kamay niya at niyakap siya nang mahigpit,halata namang nagulat ito sa ginawa ko,nakita kami ni Kiel at nakita kong nasaktan ito,Mahal niya talaga si Cass

kung papalayain naba kita CASS magiging masaya ka kaya?..magiging masaya ka kaya sa piling niya?!..pero ang tanong kaya ko ba?kaya ko bang mawala siya ulit sa buhay ko!..matagal akong naghintay,matagal akong nagtiis na muli siyang mahagkan at mayakap,hindi ko yata kakayanin kung mawawala pa ulit siya sakin

Yam,may problema kaba?! umiling lang ako at pinakawalan na siya mula sa pagkakayap ko sa kanya

ok lang ba sayong tumuloy tayo sa bahay mamaya?.. tumango naman ito at ngumiti sa sinabi ko

Pagkatapos nang klase pumunta kami nang bahay,ako mismo ang nagluto nang magiging dinner namin,kahit papano naman kasi may alam ako sa pagluluto,tuwang-tuwa naman ito dahil sa mga pagkaing niluto ko at inihain

pagkatapos naming kumain niyaya ko siya sa kwarto,nanood kami nang Movie,nakakatawa nga ito dahil  kahit hindi naman masyadong  nakakatakot yung palabas takot na takot na agad ito.maya-maya lang biglang umiyak yung bida,sa part kasi nang Movie merong tagpo na kailangan na nilang magkahiwalay kahit mahal na mahal nila ang isat-isa

pinagmasdan ko siyang mabuti at kitang-kita ko ang lungkot sa mukha nito,maya-maya din tumulo na ang luha nito na agad din nitong pinunasan,bigla itong tumayo at nagpaalam na mag ccr muna alam ko, si kiel ang naiisip niya kanina,alam ko naman yun eh at nararamdaman kong mahal na mahal niya talaga si kiel

pinatay ko na yung pinapanood namin at umupo ako sa kama habang hinihintay siya,dinig na dinig ko ang imipit na pag-iyak niya,nasasaktan na naman siya,lumabas ito mula sa cr at nakangiti nang lumapit sakin,pinipilit na naman niyang ngumiti para lang hindi ko masabing nasasaktan na naman siya

tumabi siya sa tabi ko,niyakap ko siya at pabiglang hiniga sa kama,nagulat ito sa ginawa ko lalo na nang marahas ko siyang hinalikan,hinalikan ko siya pa leeg at muling umakyat pataas mula sa labi niya,gagawin ko ang lahat mapasakin ka lang,ayoko nang maiwan na mag-isa,ayoko nang mapag-isa

Gian..ano ba?,,,

nagpatuloy ako sa ginagawa ko,hindi ko siya pinakinggan sa pagsigaw niya sakin at pagpipilit na makawala sa ginagawa kong marahas na paghalik sa kanya,bigla kong nasuntok yung kama nang bigla nalang itong umiyak sa harapan ko

huwaa,,Gian,..tama na! tumayo ako at pinagsusuntok ang pader

kung akala mong ikaw lang ang nasasaktan ako din Cass… nasasaktan ako,siya ang mahal mo pero bakit ako pa ang pinili mo?!..ako na ang boyfriend mo ngayon pero bakit yung mukha niya pa din ang nakikita mo sakin!!?Cass..mahal kita pero may damdamin din ako!pinipilit kitang intindihin,ginagawa kong lahat maibalik lang natin ang dati pero wala..kulang pa rin pala ang effort na ginagawa ko,pano mo makakalimutan si kiel kung patuloy mo pa din siyang itatali dyan sa lintik mong  puso!!

Gian..i’m sorry.. niyakap ako nito mula sa likod

umuwi kana cass..saka nalang ulit tayo mag-usap! kinalas ko ang pagkakayakap nito sakin at pumasok ako sa cr at pabalibag na sinara ang pinto,narinig ko naman ang pagpihit nito nang pinto nang kwarto ko,lumabas na siguro siya

Halos magdugo na ang kamao ko sa kakasuntok sa pader,nakuwa kong palayain siya noon kapalit nang magiging kasiyahan nito,siguro magagawa ko na din ulit ngayon..gagawin ko na ang tama ayoko nang mabuhay sa salitang puro asa..aasang mamahalin niya akong muli at aasang muli naming maibabalik ang nakaraan.ayoko na..

Mahirap umasa lalo pa at alam mong talo kana sa simula palang..tama nang pagpapahirap,itama na ang itatama at kalimutan na ang lahat!

CASS’S POV

Nagulat ako sa ginawa sakin ni Gian,hindi ko akalain na sobrang nasasaktan ko na pala siya,akala ko kasi kaya kong maibalik yung pagmamahal ko sa kanya pero hirap na hirap pa din ako,akala ko pag ngumingiti ako sa kanya sumasaya siya,pero hindi pala dahil dinadaya ko lang pala siya

Ramdam na ramdam ko ang sakit na dinulot ko sa kanya sa bawat salitang sinabi niya,kung makakaya ko lang matanggal si kiel agad-agad sa puso ko ginawa ko na,kung pwede lang sana na sa paggising ko isang umaga nakalimutan ko na si kiel sa buhay ko at si Gian na ulit ang mahal ko

Kung pwede lang sana..ang kaso ang hirap, sobrang hirap lalo na pag sa tuwing nakikita ko si kiel sa school,gustong-gusto ko siyang lapitan,gustong-gusto ko siyang kausapin at sabihing mahal na mahal ko siya pero hindi ko magawa dahil  napag desisyunan ko nang si Gian ang gusto ko ulit makasama

Ang sakim ko lang,pinili ko si Gian dahil nagsigurado akong hindi ako masasaktan sa kanya pero hindi ko naisip na sa ginawa ko nasasaktan ko siya nang sobra,ang sama-sama ko,sobrang sama ko sa ginawa kong desisyon..

Buong araw ako nitong hindi kinausap kinabukasan,masyado ko siguro siyang nasaktan,gusto kong mag sorry pero para san pa’ba yung salitang sorry?.. baka mas lalo ko na naman siyang masaktan,tahimik lang ako sa buong klase,nung lunch time naman hindi ito sumabay samin nila Eurie

Hindi ako nagkamali nang puntahan ko ito sa Gym,nandun ito at naglalaro nang basketball mag-isa,pumwesto ako malayo sa kanya at pinanood ito,dati rati mamatay-matay  ako sa kilig pag sa tuwing makikita ko itong maglaro nang basketball

Sobrang gwapo pa din niya,lahat nang babae talagang magkakandarapang maging girlfriend niya,sinong mag-aakalang ang isang taga hanga niyang katulad ko ay mabibigyan nang pagkakataong mahalin nang gwapong nilalang na nasa harapan ko ngayon

Sobrang swerte ko,madaming babae ang inggit na inggit sakin pero hindi ko manlang napahalagahan ang pagmamahal na binibigay nito sakin,sobrang dami na niyang naisakripisyo sakin,lahat nalang ginawa niya sakin..wala akong nagawang mabuti sa kanya kundi puro pasakit lang

Wala akong kwenta..hindi ako karapat-dapat sa pagmamahal niya,gumulong ang bola na nilalaro nito at tumigil sa harapan ko,napatingin ito sakin at malungkot na ngumiti,pinulot ko ang bola at naglakad papunta sa kanya

“ maglaro tayo Gian ok lang ba sayo?! nag nod ito at bahagyang ngumiti

anong premyo kung matatalo ka?! naka smirk na sabi nito

maraming halik at yakap ok na’ba yun sayo?! ngumiti ito at tatawang sumagot

ok na ok!..handa mo nang labi mo,madami akong kiss na ibibigay sa’yo!

yabang mo..tignan lang natin kung manalo ka sakin! haha,ang yabang ko kung makapag salita ako prang sobrang galing ko sa pag babasketball

haha..well let see! nag-umpisa na kaming maglaro,sampung shoot lang ang gagawin namin. ang kaunahang maka sampu panalo

ang daya mo naman! “ maktol ko nang nakalimang shoot na ito at ako wala pa

ahaha,hindi ako madaya ikaw kasi ayaw mong galingan! nag pout lang ako,may naisip akong dahilan

ahhh,ang sakit! nagkunwari akong sumakit yung paa ko sa pagtakbong ginawa ko, agad naman itong lumapit sakin,haha,nung malapit na ito sakin bigla nalang akong tumakbo papuntang ring at pinasok ang bolang hawak ko

aww..madaya! sigaw nito

“ haha..bleh! “ naka two points na’ko,tatawa-tawa naman itong hinarangan ulit ako sa pag shoot na gagawin ko

Tawa kami nang tawang dalawa sa paglalaro,kahit papano nawala yung iniisip naming dalawa na problema,kaya naman pala naming ienjoy ang isat-isa kung tatanggalin ko lang sa isipan ko si kiel,pero bigla akong natigilan nang pumasok na naman sa isip ko si kiel,panalo na sana ako nang maalala ko na naman si kiel,kaya yung tinira kong bola sumablay

haha,pano ba’yan talo ka!!

oo na!daya mo… tatawa-tawa itong lumapit ito sakin at niyakap ako,ngumiti naman ako dito,ayokong ipahalata na si kiel na naman ang naiisip ko,kaya nung hinalikan niya ako buong puso akong nagpaubaya

“ I LOVE YOU YAM!! “

“ I LOVE YOU TOO!! “ nakangiti kaming naghiwalay at lumabas nang gym,baka daw kasi may makakita pa saming dalawa at isumbong kami sa guidance,haha,baliw talaga si gian

Naging maayos naman ang araw na iyon saming dalawa,ang kailangan ko lang ngayon ay kalimutan na talaga si kiel..kalimutan ang lahat para sumaya na kaming dalawa ni Gian..

Continue Reading

You'll Also Like

63.1M 2.2M 44
Warning: Do not open if you haven't yet read Hell University. This is just a sequel of that book. Thank you!
70.9K 4.5K 13
Rocket Grimalde is the not-so-known playboy of Eastern Hills International School. Sa kabila ng reputasyon nito bilang dakilang palikero, the school...
10.4M 564K 22
[PUBLISHED under LIB] #1. "If pleading guilty means protecting you, I will."
2.7M 53K 31
Si crush ang gusto ko pero girlfriend niya ang nakuha ko. She's a monster. A beautiful monster, my own Monteclaro. NOTE: THIS STORY IS ALREADY COMPLE...