PERPETUITY

谞讻转讘 注诇 讬讚讬 DANATHOUGHTS

20.4K 1K 94

A SEASON II of TILL THE END. If you are a fan of ANGERIK this story is for you. 馃挌 注讜讚

KABANATA I
KABANATA II
KABANATA III
KABANATA IV
KABANATA V
KABANATA VI
KABANATA VII
KABANATA IX
KABANATA X
KABANATA XI
KABANATA XII
KABANATA XIII
KABANATA XIV
KABANATA XV
KABANATA XVI
KABANATA XVII
KABANATA XVIII
KABANATA XIX
KABANATA XX
KABANATA XXI
KABANATA XXII
KABANATA XXIII
KABANATA XXIV
KABANATA XXV
KABANATA XXVI
KABANATA XXVII
KABANATA XXVIII
KABANATA XXIX
KABANATA XXX
KABANATA XXXI
KABANATA XXXII
KABANATA XXXIII
KABANATA XXXIV
KABANATA XXXV
KABANATA XXXVI
KABANATA XXXVII
KABANATA XXXVIII
REMINDER
KABANATA XXXIX
KABANATA XL
KABANATA XLI
KABANATA XLII
KABANATA XLIII
KABANATA XLIV
KABANATA XLV
KABANATA XLVI
KABANATA XLVII
KABANATA XLVIII
KABANATA XLIX
KABANATA L
ANNOUNCEMENT

KABANATA VIII

395 26 3
谞讻转讘 注诇 讬讚讬 DANATHOUGHTS

Eric's POV

Medyo masakit pa rin ang pisngi ko dahil sa pagkakasampal niya. Siya nga ba talaga yun ang babaeng nasa picture frame sa kwarto ko? Dahil kung oo mas maganda siya sa personal at mukhang malaki ang galit niya sa akin. Gusto ko siyang sundan pero hindi kaya ng katawan ko dahil sa pagod sa byahe.

Nanatili akong nakatayo sa store habang nakahaplos sa aking pisngi,pilit kong pinapatigil ang mga luhang kanina pa lumalandas pero ayaw  nitong tumigil.

Bakit ganito,bakit ako pa sa dinami dami ng makakalimutan bakit siya pa. Pipilitin kong ibalik ang pagmamahal niya ibalik ang mga ala alang binura ng isipan ko ibalik ang babaeng mahal ko noon.

"Anak,nandito ka pala? Anong nangyari?"
Nag aalala nitong saad at wala akong magawa kundi yakapin siya

"Ano ba ang nangyari,my masakit ba sayo?"

"Daddy,nakita ko siya. Nakita ko ang babaeng sinasabi mong mahal ko pero bakit ganun,bakit parang gusto niyang wala nalang ako at hindi na muling makita"
Hinarap ko siya at pilit na ngiti ang ibinigay sa akin

"Anak,sana maintindihan mo na sa tagal ng panahon na nawala ka ang alam niya ay patay kana. Nagkamali kami ng Tito mo na ilihim sa kanya ang nangyari sayo kaya siguro ganun nalang ang reaksyon niya ng makita ka niya. Patawad anak kung hindi dahil sa amin hindi sana ganito ang pagkikita ninyo"
Naiyak niyang saad

"Wala kayong dapat ikahingi ng tawad ginawa niyo lang po ang tingin ninyo ay karapat dapat"

"Gusto ko siyang makausap Daddy,gusto kong malaman niya ang buong nangyari. Dahil sa muling pagkikita ko sa kaniya parang sinasabi ng puso at isipan ko na kailangan ko siya Daddy wala man akong naaalala pero sa puso ko ay mahal ko siya"
Pagdadagdag ko pa at hinaplos naman niya ang aking likod

Bumalik kami sa sasakyan para umuwi at magpahinga,pagkarating ay agad akong nagtungo sa aking kwarto at naiwan si Daddy na kausap si Tito sa phone.

Angelina's POV

Tumatakbo sa daan na parang walang katapusan,mga sakit na labis ang hapdi na parang mas lumalalim ang sugat sa bawat hiwa nitong nadarama. Sa bawat pagtakbo ko pagtakas sa katotohanan ang siyang bumabakas.

Hindi na kinaya ng paa ko ang pagtakbo at napaluhod nalang ako sa lupa sa gitna ng kawalan...

"Ahhhhhrggghhhh"

"Pagod na pagod na akong umintindi"

"Pagod na pagod na akong masaktan pa at maramdaman ang sakit na wari koy hindi na matatapos"

Iyak lang ako ng iyak at parang ang langit ay nararamdaman ang sakit na meron ako kaya unti unting pumapatak ang ulan

Sa bawat pagpatak ng luha ko ay pagpatak din ng ulan pero napansin ko na walang patak ng ulan ang dumadampi sa aking katawan kaya dahan dahan kong inangat ang ulo ko at ang sumalubong sa akin ay isang payong na green at ang lalaking dahilan ng pagkawala ng dating ako ang dahilan ng mga luha ko ngayon...

Tumayo ako at hinarap siya,bakas sa mukha niya ang pag iyak pero binalewala ko iyon ng akmang maglalakad ako ay kinabig niya ang braso ko at ikinulong sa dalawa niyang braso sobrang higpit ng pagkakasara nito wala na akong lakas para kumawala pa sa yakap na minahal ko yakap na sobra kong namiss.

"Sana ay...hayaan mong magpaliwanag ako sa mga nangyari hindi ko intensyon na saktan ka,dahil alam mo naman siguro na noon pa man ay mahal na mahal kita. Pero hindi ko alam kung mahal mo pa rin ako dahil ganito na lamang ako isang taong walang alam sa pag ikot ng mundo,walang alam sa nakaraan"
Naiyak niyang saad kaya napakalas ako ng pagkakayakap sa kaniya ng marinig ang mga iyon

"Anong ibig mong sabihin"
Pag hihingi ko ng paliwanag sa kaniya

Ngunit naputol ang usapan ng dumating si Tito Max para sunduin kami at sumakay sa isang van na dating ginagamit ni Eric pag my event siya.

Tahimik lang kami na nakasakay sa sasakyan. Binigyan niya ako ng isang towel at ipinulupit sa katawan ko at pinapatay ang aircon ng sasakyan.

Mga ilang minuto ay nakarating kami sa bahay,oo sa bahay namin at bumungad sa amin sila Daddy,Mommy and Yang na walang kibo at halata sa mga mukha ang pagkagulat at alala.

"Gel san ka ba galing bat bigla ka nalang nawala"
Ani niya ng akmang lalapit sa akin pero hinarang ko ang aking kamay na kinatigil niya sa paglalakad

"Anak"

Ni isa sa kanila ay hindi ko pinapansin kahit ang lalaking nasa tabi ko nabalot ng katahimikan ang sala

"Ano na,wala ba kayong sasabihin? Ikaw at nilingon ang lalaking nasa tabi ko na nakatitig sa akin,ano bang kasinungalingan ang sasabihin mo"
Galit ang tono na pinakawalan ko

"Angelina please makinig ka muna sa amin"
Malumanay na saad ni Tito Max

"Sige nga po,ano pa po ba ang mga nililihim ninyo maliban sa pagtatago na buhay pala ang isang ito,nakakatawa na napagkaisahan pala ako ng magulang at ng bestfriend ko para lang sa isang ito"

"Ang sakit alam ninyo yun,parang nung nawala ka buong buhay ko na ang kapalit dahil sobra kong sinisi ang sarili ko Eric... Oo nagkamali ako ng gabing iyon at hindi ko inaasahan na maaaksidente ka,para bang sa pagkawala mo ay hiniling ko na sana ako rin nawala nalang ng tuluyan para magkasama pa rin tayo. Araw araw kong dinadalaw ang p*tang**ang puntod na iyon na hindi naman pala ikaw lagi kitang kinakausap na sana bumalik ka,sana sinama mo nalang ako kung hindi kana babalik. Ang sakit Eric sobrang sakit na nawala na yung dating Angelina nawala ang ako ng dahil sa pagkawala mo."

"Pero heto ka nasa harapan ko buhay na buhay at buong buo,napakatanga ko lang na bakit hindi ko naramdaman na ginagago na pala ko"

"Anak hindi ka namin niloloko"
Pagpuputol ni Daddy sa aking sasabihin

"Kung hindi e ano,pinagsinungalingan?"
Pasigaw kong tanong sa lahat

"Alam niyo ba yung mas masakit,yung tinanggalan ninyo ako ng tiwala na kaya kong tanggapin ang nangyari,tinanggalan ninyo ako ng tiwala sa sarili ko. Bakit? Bakit kailangan ninyong ilihim gayong kaya ko naman tanggapin gayong kaya ko iisang tabi ang career para sa kanya."
Napataas na ang boses ko sa lahat ng tao dito sa paligid ko sa sobrang sakit na nadarama ko

"Masakit na tinanggalan ninyo ako ng karapatan na alagaan ang taong mahal ko at mas worst hinayaan ninyo akong magluksa sa isang taong hindi ko naman kilala"

"Anak,alam kong mali ang aming ginawa ang naging desisyon namin pero ginawa namin iyon para sa inyo ni Eric dahil kung pareho kayong mawawalan ng career paano na ang magiging future ninyo paano na pagnaging maayos si Eric"
Pagsasaad ni Daddy

"Alam nyo na magulang kami at ang gusto lang namin ay ang ikakabuti ninyo,masakit din Angelina sa akin ang nangyari miski ang magulang mo ay tutol sa naging desisyon ko pero para sa iyo ginawa nila. Mali nga na inilihim namin sayo pero wala na kaming naging choice pa kundi ituloy iyon dahil nakita namin na natanggap mo na nung una pero nagkamali kami dahil sa ilang taon na nawala siya saksi kami sa mga nangyari sayo nasasaktan din kami Angelina at sana maintindihan mo at mapatawad mo kami."
Naiyak na saad ni Tito Max

Halos lahat kami sa loob ng sala ay naiyak na miski ang lalaking nasa tabi ko na walang imik at parang my iniindang sakit ay umiiyak din

"Kung sana lang anak,naibabalik ang panahon binalik namin sa panahon na hindi na namin inilihim ang lahat sa iyo,natakot lang kami sa kung anong pwede mangyari at sa kalagayan ni Eric,Sana maintindihan mo rin na kapakanan ninyo lang ang iniisip namin anak,ang career na meron kayo siguro nga naging madamot kami sayo pero anak maniwala ka na hindi namin ginusto na magkasira kayo ni Eric"

"Pero paano po yun,hindi na naibabalik ang mga nangyari na and mas worst nakatatak na iyon sa puso't isipan ko ang panloloko ninyo sa akin"

"Kaya kong mawala ang lahat ang career ko pero alam niyo alam mo Eric na hindi ko kayang mawala ka"
Pagtatapos ko at deretso ang mga luha ko sa pagkawala

"Angelina"
Mahina niyang usal pero hindi ko iyon pinansin at naglakad na ako palayo sa kanila

Sa aking paglalakad malapit na ako sa pinto ay biglang nagsigawan sila na aking kinagulat kaya nilingon ko sila at nakita ko ang walang malay na Eric na nakahiga sa sahig

Mabilis na tumakbo ako papalapit sa kanya at iniangat ang ulo halos lahat ay nagpapanic

"Ericccc"
Pagsigaw ko sa pangalan niya habang tinatapik sa pisngi pero hindi siya nagigising

"Anong nangyari dalhin natin siya sa ospital please"
Pagmamakaawa ko habang nakatitig sa walang malay na Eric

Mabilis na dumating ang ambulance na tinawag ni Tito Max,pagkarating sa ospital ay naiwan kami sa labas ng room habang chinecheck siya ng doctor mahigit 1 oras din ang tinagal bago siya mailipat sa private room.

Habang naghihintay kami sa paglabas ng doctor inexplain sa akin ni Tito Max ang naging kalagayan ni Eric sa Canada. Nanlumo ako sa nalaman ko hindi ko alam na meron siyang amnesia wala akong idea dahil nga ang buong akala ko ay patay na siya. And worst nasaktan ko siya.

Habang kausap na nila ang doctor pinapasok na ako ni Tito Max sa loob dahil hinahanap daw ako ni Eric..

Pagpasok ko ay bumungad sa akin ang ngiti niya..kaya naman ginantihan ko iyon ng ngiti lumapit ako sa tabi niya

"S-orry"

"Shhh wag kana muna magslita hindi ka pa okay,sabi ng doctor kanina kailangan mo ng pahinga dahil pagod ka tapos nagpaulan ka pa kanina"

"Dito ka lang sa tabi ko please,tulad ng pag i-stay mo sa Canada sa tabi ko"

"Huh?ngayon lang ulit kita nakita and hindi ako napunta sa Canada"

Ngumiti lang siya sa akin at ipinakita ang picture ng side table niya na nakalagay ang picture ko

"Ayan oh,lagi kang nasa tabi ko"
Natatawa niyang saad

"Baliw ka talaga,hindi ako aalis dito sa tabi mo at hindi na tayo magkakahiwalay pa"
Nakangiti kong saad at hinalikan siya sa noo

Habang hawak ang kamay ko ay hindi ko namalayan na nakatulog na pala siya kaya naman hinilig ko nalang ang ulo ko sa kamay niya at binantayan siya.

Minsan ang kailangan ng lahat ay pag iintindi at pakikinig,dahil lahat naman ng bagay napag uusapan para hindi lumala.

Pleade do vote and comment for updates 💚

讛诪砖讱 拽专讬讗讛

You'll Also Like

24.5K 552 41
STORY OF THIRDY AND BEA HAVING A BABY FOR THE FIRST TIME
766K 15.5K 111
Yaszy Romano has been through so much pain and suffering her entire life but it makes her who she is. Dark Angel...Dangerous, Powerful. An Assassin...
36K 1.4K 27
What gonna happen if Seven mafia kidnapped seven normal boys what if they did mistake that will let them lost the most precious person in their life...
BNHA ONESHOTS!!!! 谞讻转讘 注诇 讬讚讬 Jazzy

住驻专讜转 讞讜讘讘讬诐

22.1K 259 19
Look it's my first story so if it's bad deal with it lol! I lemons, fluff, angst, etc. You can request it is allowed....ANy wAy EnJoY!@$% PS please...