Scary Stories 5

By Sheree_Mi_Amour

41.4K 1.3K 19

The stories you're about to read are not mine. These are all from the popular Facebook page "Spookify". Enjoy... More

Nueva Ecija - 1997
Ang MedRep
Maynila - 1993
Nueva Ecija - 1989
Tapik
Mindoro - 2006
Pamahiin sa Patay
Cagayan de Oro - 1950
San Mateo, Rizal - 1996
Bicol - 1955
Camping sa Baguio
PUP Scary Stories
Look Up, Up, Up
Serial Killer si Madam
The Horror Stories of Mindanao State University, Marawi City
Ilaw at Sigaw
The Customer
Opisina
R.L.E.
Full Moon
Nagpaparamdam na mga patay
Baguio Experience - 2019
Haligi ng Tahanan
Compiled Stories 1
Dugwak
Immersion (Parts 1-5)
Kulam
Caramoan
Accident call
Batangas (Bundok) (Parts 1-5)
Kapahamakan sa Kabundukan
Manggagamot
Bakanteng Lote
Nang dahil sa sampung piso
No one will know (Parts 1 & 2)
No one will know (Parts 3 & 4)
Compiled Stories 2
Station 4
Parola
Mananabtan
Katotohanan (Parts 1 & 2)
Ortigas - 6/29/19
Factory
Engineering Building
Bisita sa Bicol
Haunted Supermarket
Ang Engkanto sa Parking Lot ng Trinoma
Auntie V
Auntie V (Balikan)
Tubuhan (Parts 1 & 2 + Prequel)
Compiled Stories 3
Ingay ng Bulong (Parts 1 & 2)
Education Building
Bakuran
Mountaineer Stories
Hinang-hina ang Gabay namin
Playground of Ghost and Such (Parts 1-3)
Amadeuz Tale : Jenny
Salabay
Bulong
Past 3AM
Yaya
Ligaw
The Unsolved Mystery in my School
Compiled Stories 4
Unfamiliar face of a girl on the stair
Summer Vacation (Parts 1 & 2)
Training Center
The Museum
When Someone's Dying
Third Eye
Compiled Stories 5p
Orphanage
Sapi
Kababata/Baway
Random Stories (Parts 1 & 2)
Kasunduan sa Demonyo
Anita, Babaeng Itim, Paring Pugot at Retreat
Nakita Kita
Compiled Stories 6
Land of the Rising Sun
LAStsING
The Wake & The Game
Pag oras mo na, oras mo na
Compiled Stories 7
Boundary at Subdivision
Lungsod ng Quezon - 2009
About Doppelgangers
Kaybiang Tunnel Stories
Compiled Stories 8
Who is she? (Parts 1 & 2)
Mackaroo's Journal : My Last Confession
11/21
1994
Compiled Stories 9
Kay-Anlog Road
Ang Batang Tambay sa 14th Floor
Compiled Stories 10
Multo sa Mall?
Hilaga
Dalisay + Faith Healer
Earthquake Drill
Kuya Leo and Ate Lea
Gown
My Lola's Story (Parts 1-3)
Compiled Stories 11
Kulam Adventures (Parts 1-3)
Doppelganger Stories
The Chronicles of Nadia (Parts 1-5)
Compiled Stories 12
Stranger Danger
Dayo
Friday Night at Ang Babae sa Mall
NoSleep Series : Trabaho sa Dark Web (Parts 1-5)
Davao Doctors College (6th Floor Cad Bldg)
Unknown
Dyablo Island
My Lola and I (Parts 1-3)
Enchanted
Auditorium (Parts 1 & 2)
Kulam ba o Mental Illness?
Tubuhan: Triangle
Compiled Stories 13
Pamahiin
Ngiti
Engkanto
Compiled Stories 14
Madre
Me and My Two Best Friends (Parts 1-4)
Lason
Compiled Stories 15
Si Ninong (Parts 1 & 2)
Jose + Sumpa
Spirit of the Coin
Black Witch (Parts 1 & 2)
Compiled Stories 16
Mahiwagang Garden (Parts 1 & 2)
NoSleep One-shot Story : Ang Insidente sa Highway 1093
NoSleep One-shot Story : Parang may mali sa aking Lasik Surgery
The Sign
Compiled Stories 17
Compiled Stories 18
Compiled Stories 19
Kasabay
Ngayon naniniwala na ako
Papatayin kita
Mga kababalaghan
Naririnig kita
Compiled Stories 20
Compiled Stories 21
UV Express, Black and White Feathers at Si Anna
Psychosis (Caloy from Cebu)
Come Again
Compiled Stories 22
New Found Friend
Creepy Classroom
Bicol Dekada Otsenta
Hindi lang kami ang baliw dito, Miss
NoSleep (One-Shot Story) : Ang baog kong asawa ay nakabuo ng bata
Compiled Stories 23
Crematorium, 2012
Experiment
Compiled Stories 24
Mt. Cristobal (The Devil's Mountain)
Doppelganger Stories 1
Compiled Stories 25
Cronica Bruja : Hatid
Ilog sa Mt. Banahaw, Quezon Province
Compiled Stories 26
Compiled Stories 27
Ghost Wedding
Gutom (Parts 1-2)
Compiled Stories 28
Isay comes home (Parts 1-2)
Ricky's Wishing Coin
Stranger Danger (Parts 1-2)
Deliver us from evil
Kainan sa may Palengke
Anino (Parts 1-3)
The Bus Station (Thailand Tour)
Sine
Nawawala ang Nakaburol
Ang Babaeng pinaanak ang sarili (Parts 1-2)
Baboy
Kakila-kilabot na pagsalubong sa Bagong Taon
Till death, we'll never part (Parts 1-4)
Compiled Stories 29
Doppelganger Stories 2
Thou shalt not steal
Kerosene
Compiled Stories 30
Semana Santa
Huling gabi ng Santa Cruzan
Balkonahe (Lilac Story)
Poso
Kaibigan
At lumabas ang Halimaw mula sa Libro
Selos
Bahay-bahayan

Di na tayo pwede

187 7 0
By Sheree_Mi_Amour


Admin, please hide my identity since sa bff ko ang account na ito, siya kasi ang nagpumilit na mag-send ako dito sa Spookify, reader kasi siya dito.

So ayun naglakas loob na akong ikwento sa inyong lahat ang story ko. Pagpasensyahan nyo na, di ako magaling magkwento di naman kasi ako writer at sorry if medyo mahaba ito. Call me Tina, so ito na.

"Too much love will kill you" yan ang linyang lagi kong sinasabi sa mga kaibigan kong sobra kung magmahal na parang ikamamatay na nila kapag naghiwalay na sila hahahaha. Pero di ko inasahan na ang kahulugan ng linyang yan ay mararanasan ko pala, literally. It is when I met Adrian (not his real name). It was 2017, when I met him. We were both in Senior High School, lagi ko naman siyang nakikitang mag-perform sa school, magaling kasi siyang sumayaw at kumanta, actually wala akong pake dun. Hanggang dumating sa point na chinat nya ako sa Facebook at isa sa di ko makakalimutan ay yung tanong niyang *bakit lagi kang nanonood sa mga performances ko, crush mo ko 'no? hahaha" (I know na may halong biro ang tanong nya but bwisit kinabahan ako na natatawa na din). So dun na nag-start ang lahat.

FF. Niligawan nya ako, nung una ayoko, di sa choosy ako ha! May height sya tapos gwapo pero sakin kasi pag-talented, habulin. Pero di nya ako tinigilan, hatid sundo, flowers, chocolates, hanggang di ko inakalang pupunta siya sa bahay nagpasama pa sya sa bff ko. Tinawag nalang ako ni mama kasi daw may bisita ako, nagulat ako syempre lakas ng loob ng gago hahaha! Nagpaalam sya sa mga magulang ko na liligawan nya ako kaya ayon di nagtagal naging kami din, 6 months rin siyang nanligaw ha! Akalain nyo yun, sa 6 months na yun napatunayan nya sa akin kung gaano ka-genuine ang pagmamahal nya sa akin.

Isang araw after a very busy school week nagkaroon na kami ng time para mag-date, sa date na yun parang ayoko ng umuwi parang may nagsasabi sa akin na manatili sa mga yakap nya, until nag-aya na siyang umuwi. Hinatid nya ako, nagkwentuhan pa kami sa gate nun, inuulit nya yung una kaming nagkakilala, alam nyo ba kung ano yung weird dun? Parang ang bigat ng pakiramdam ko na parang may ibang mangyayari pero inisip ko nalang na pagod lang siguro ako. Kaya pumasok na ako sa loob, bago pa man siya umalis niyakap nya ako at hinalikan, ewan ko pero parang gusto ko pa siyang yakapin. Tinawag ako ni papa kaya ayun nagpaalam at umalis na din siya.

Sinubukan kong ipikit ang mga mata ko, sandali lang akong nakatulog nagising din ako kasi di talaga ako makatulog parang may mali, nakatagilid ako na nakaharap sa left, kaya tumagilid ako paharap sa right, gusto kong sumigaw! Pero di ko nagawa, nakita ko ang boyfriend ko pagharap ko, ngumiti lang siya, tinanong ko siya kung bakit siya nandito at kung paano siya nakapasok, sabi nya lang "Matulog ka na, babantayan kita" sobrang weird kaya ayun natulog na ako, alam nyo yung feeling na nandun siya pero parang gusto kumawala ng mga luha ko, di ko alam kung sa lungkot na nadarama ng puso ko na di ko alam kung saan nanggagaling o sa saya dahil katabi ko siya.

6am nung nagising ako wala na si Adrian sa tabi ko, kaya bumaba ako tinanong ko si papa sabi ko "Pa, si Adrian?", sagot nya "Wala pa maaga pa naman", di na ako nagtanong pa kasi baka akala ni papa tinanong ko kung naghihintay na si Adrian kasi sabay kaming pumapasok sa school araw-araw. 730am kasi pasok namin kaya agad na akong naligo at nag-ready na. Hinintay ko sya but usually by exactly 7am nandito na siya pero wala pa siya kaya hinatid nalang ako ni papa. Huminto si papa sa harap ng gate, binati ko ang guard ng school kapitbahay siya ni Adrian kaya tinanong ko kung maaga ba siyang pumasok, di niya ako sinagot tinignan niya ako na parang nagtataka na nalulungkot na ewan weird, nag-smile ako sa kanya, pababa na sana ako ng sinabi niyang "Ineng, si Adrian nakaburol sa kanila, bakit di mo alam? Naalsidente sya habang papauwi kagabi." Yun ang mga salitang di ko kinaya, tinignan ko si papa na-gets nya agad ang mga mata ko kaya agad niyang pinaandar ang motor, para akong lutang na nakasakay di tumutulo ang mga luha ko nanatili akong nakanganga. Ang mga luhang kanina pa nagtatago ay agad tumulo ng makita ko siya. My first love was inside the coffin. I dont know what to do and say. I hugged his coffin crying in pain. Di ko narinig ang mga sinasabi nila sakin basta ang gusto ko lang umiyak ng umiyak na para bang galit ako sa kanya na iniwan nya ako. Di na ako pumasok binantayan ko lang siya.

And these are the weird things I experienced in their house. Nag-cr ako nun pagkatapos tumayo ako para mag-zipper pero guys nag-flash mag-isa yung inidoro kahit wala pa akong ginagawa, di ko alam kung matatakot ba ako o matutuwa kasi nagparamdam ang boyfriend ko sakin. Tapos ayun pumasok ako sa kwarto nya, dun nakalagay ang mga gamit ko dahil dun muna ako natulog habang nakaburol siya. Humiga muna ako kasi pinagpapahinga ako ng mama nya wala daw kasi akong tulog, tatayo na sana ako kasi i-o-on ko ang aircon kaso umandar siya mag-isa tapos gumalaw yung baso sa gilid ko na may lamang tubig na parang sinasabi nya na huwag kong kalimutang inumin yun kaya ayun ininom ko. Alam nyo sa oras na iyon imbes na takot, saya ang nadama ko nun kasi kahit wala na sya pero pinaparamdam nya pa rin ang pagmamahal at pag-aalaga nya sakin.

Pagkatapos ng libing nya pinauwi na ako ni papa kasi iyak lang daw ako ng iyak wala na daw akong pahinga, nasa kwarto ako nun mga 6pm na, tinawag ako ni papa mula sa baba dinig ko tinatawag nya ako para kumain, tatlong ulit nya akong tinawag hanggang sa kinatok na nya ang pinto ko at sabi nya "Tina, kumain ka na kanina ka pa walang kain, huwag mo akong galitin" kaya ayon bumaba na ako. Naabutan kong naghahanda ng pagkain si papa, nag-sorry ako sa kanya, nagtanong sya kung bakit, sabi ko dahil pinatawag ko pa sya ng maraming beses sabi naman nya di nya daw ako tinawag kasi iaakyat lang naman daw nya yung pagkain. Sa point na yun alam ko na na si Adrian yun.

Lumipas ang isang taon ganun pa rin, lagi pa rin siyang nagpaparamdam, lalo na pag nagbe-breakdown ako dahil sa acads at sa pagkawala nya lalo niyang pinaparamdam na di nya ako iniiwan, minsan pa nga kapag di ko naliligpit ang tinulugan ko pagbalik ko sa kwarto ayos na. Saya at sakit ang lagi kong nadarama, saya dahil di nya ako iniwan at sakit dahil alam kong kahit di nya ako iniiwan, imposible na mabalik yung dating kami, dahil di na nga pwede iba na ang mundo namin ngayon. Masakit man sa akin pero pilit kong huwag na lang pansinin ang mga pagpaparamdam sa akin dahil payo nila sa akin kailangan ko na daw mag-move on at di daw ako makaka-move on kapag palagi kong papansinin ang presensya nya. Pinilit ko siyang limutin hanggang dumating ang isang gabi, binangungot ako nakita ko si Adrian duguan ang mukha nya galit na galit siyang umiiyak sabi niya "Nililimot mo na ako mahal ko" at paulit-ulit na "Bakit Tina? Bakit? Bakit? Bakit?" nagising ako sa takot at naramdaman ko ang mga luha kong ayaw huminto sa pagpatak, sobrang sakit, ang sakit sakit ng puso ko ngayon! "sorry" ang tanging salitang lumabas sa aking bibig na kasabay naman nito ang pagkahulog ng small picture frame ko. Iyak lang ako ng iyak nun.

Pagkalipas ng isang taon ulit nagkaroon ako ng manliligaw, ayoko sa kanya dahil gusto ko pang mag-focus sa pag-aaral at dahil hindi pa ako handang umibig muli dahil alam ng puso ko na si Adrian pa rin ang laman nito. Ngunit kinumbinsi ako ng mga kaibigan ko at mga magulang ko na pagbigyan ko ito dahil mabait naman at baka dahil kay Rodel (pangalan ng nanligaw sakin -- not his real name) ay maka-move on na ako kay Adrian. Nakinig ako sa kanila dahil ayoko namang mamatay sa lungkot sa pangungulila kay Adrian. Ngunit di ito ikinatuwa ni Adrian parang nagalit ito, pumunta si Rodel sa bahay namin dahil inimbitahan ito ni papa ngunit habang nasa kainan kami bigla nalang nag-patay-sindi-patay-sindi ang ilaw hanggang sa namatay na ang ilaw. Kaya tinignan ni papa sa labas, hindi naman brownout, bumalik siya sa loob at umilaw ulit. Sa puntong yun alam ko na agad, alam na din ito ni mama kaya pagkatapos kumain pinauwi na nila agad si Rodel. Pagpunta ko sa kwarto ko sobrang gulo ng mga gamit, na para bang binagyo ito kaya tinawag ko si mama, umakyat naman ito iyak ako ng iyak sabi ko kay mama "Mama, galit na siya. Ma anong gagawin ko?"iyak ako ng iyak. Pinainom ako ni mama pagkatapos naming ayusin ang kalat sa kwarto ko pinatulog ako nila mama at papa sa kwarto nila dahil natatakot ako, ngunit binangungot ulit ako nakita ko si Adrian galit na galit ang duguan niyang mukha sabi nya "DI MO AKO PWEDENG PALITAN! AKO LANG DIBA NANGAKO KA! TAYO LANG DALAWA! KAYA SASAMA KA NA SA AKIN!" lumapit sya sakin gusto kong tumakbo pero di ako makagalaw, hinawakan nya ang leeg ko akala ko mamamatay na ako, nagdasal ako. Sa awa ng Diyos nagising ako dahil ginigising ako ni mama at papa. Iyak ako ng iyak sa kaba at takot. Niyakap nila ako at kinuwento ko sa kanila lahat.

Me: Ma, papatayin nya na ako! Isasama na daw niya ako. Ma, natatakot na ako sa kanya Ma!.
Mama: Anak di pa tanggap ni Adrian ang pagkawala nya lalo na ang idea na may lalaking gustong pumalit sa kanya sayo.
Papa: Anak, hindi na tama ito. Naaawa na ako sa iyo (niyakap nila ako).

Pumunta kami sa isang bahay. Sabi ni mama sa kaibigan nya daw ito. Natakot ako nun kasi nakakatakot yung bahay nya parang ang daming rebulto tapos ang daming mga bagay-bagay na di ko alam. Pinaupo kami ng babaeng kaibigan ni mama pinakwento sa akin ng babae ang lahat, ayaw tumigil ng mga luha ko habang kinikwento ko ang lahat pagtapos ko magkwento ito ang sabi niya.

Babae: Tina, alam ko na may sakit at takot sa puso mo. Ngunit kailangan nang umalis ni Adrian sa mundong ito at upang makaalis siya kailangan niyang matanggap ang pagkawala niya at na wala na kayo. Pareho kayong nasasaktan oo, pero alam natin na hindi na kayo pwede pa.
Me: Ano pong kailangan nating gawin?.
Babae: Kausapin mo siya.
(may ginawa siyang ritwal at pinapasok ako sa isang kwarto, pinatayo nya ako na nakaharap sa pintuan, paalala niya sa akin huwag daw akong lilingon kahit maramdaman ko ang presensya nya sa likod ko, kausapin ko lang daw si Adrian sa paraang ito di niya ako masasaktan at di mapuputol ang connection ko sa kanya).

Kaba at takot ang naramdaman ko sa mga oras na yun. Nasa loob ako ng kwarto at alam ko na ako nalang mag-isa dahil lumabas na sila. Biglang lumamig ang paligid ko. Ramdam kong di na ako nag-iisa sa kwarto. Hanggang sa may nagsalita sa likod ko at sa boses nya palang alam ko na, na si Adrian ito -- the man I love.

Non-verbatim.
Adrian: Bakit kailangan mo akong limutin at palitan?.
Me: (di ko mapigilang umiyak) I'm sorry, di ko intensyon na limutin ka pero kapag lagi kong nararamdaman na nandiyan ka mas lalong di ako makaka-move on.
Adrian: Hindi mo kailangang mag-move on dahil nandito naman ako! (alam ko galit siya).
Me: Iba na ang mundo natin ngayon, mahal kita oo, ngunit di na tayo pwede mananatili ka nalang sa puso ko ngunit kailangan mo nang umalis at magpahinga, tama na.
Adrian: Kung mahal mo ako sasama ka sa akin!.
Me: Kung mahal mo ako pababayaan mo na akong makalaya at sumaya ulit dahil yun ang tunay na pagmamahal! (matagal pa siya bago nagsalita at dama ko ang sakit at luha sa kanya).
Adrian: Pasensya kana mahal, natakot at napahirapan kita (humihikbi). Hindi ko lang matanggap na wala na ako. At di na pwedeng maging tayo pa na sabay tatanda.(Mas lalo akong umiyak sa sinabi nya parang gusto kong lumingon at kayapin siya).
Me: Mahal magpahinga kana, kahit anong mangyari mahal kita at kahit may dumating man na iba, alam mo na you will always have a big part in my heart, I love you.

Walang sagot mula sa kanya ngunit nakaramdam ako ng yakap mula sa likod ko. Nung sandaling alam kong umalis na siya kaya agad akong napaupo at umiyak ng parang wala ng bukas. Bumukas ang pinto at Alam kong ang babae at sina mama at papa yun. Pinainom nila ako ng tubig at pinagpahinga. Sabi ng babae sa akin wala na daw akong dapat ipag-alala pa at hayaan ko nalang muna ang mga huling presensya ni Adrian hanggang tuluyan na syang kunin ng liwanag.

Nararamdaman ko pa rin ang presensya nya ngunit na katulad ng dati na nagdadala ng takot sakin, hanggang sa wala na akong napapansin na kakaiba o presensya ni Adrian. Kinausap ko si Rodel at pinaliwag ko na hindi pa talaga ako handang magmahal ulit gusto ko munang mag-heal.

Dear Adrian,
To the man I love... You will always remain in my heart, kahit wala kana masaya ako dahil alam ko na kasama mo na si Lord. Oo, di na tayo pwede pero love... You are my first love, the love of my life. My first everything! Mawala ka man sa akin, you will always have a place in my heart, I love you!
                                                            Love,
                                                            Tina

Sana ma-post itong napakahabang kwento ko sorry hanggang dito nalang po, thank you Spookify.

Continue Reading

You'll Also Like

1.9M 106K 35
FLAMES: F- Forever, L-Love, A-Angry, M-Married, E-Enemy, S... Sinister ... Isang taon na nahinto ang sikat na estudyante sa Sto. Cristo, naaksidente...
6.8K 433 25
ANGELICA: Ang Multo ng Balete Drive Kuwento ni Segundo Matias, Jr. Guhit ni Jamie Bauza
87.5K 2.3K 60
๐’ž๐‘œ๐“‚๐“…๐“๐‘’๐“‰๐‘’๐’น ๐ŸŒธ Ako ay isang ๐˜„๐—ต๐—ถ๐˜๐—ฒ ๐—น๐—ฎ๐—ฑ๐˜†. Oo, white lady! Daig ko pa ang mga model ng shampoo sa haba ng hair ko. Akala nyo ba wala pan...
17.2K 1.4K 34
Cursed Stories #1 | A lie will cause harm, so is the truth. *** A novelette. "Rain, rain, go away. Come again another day." There's a curse in Lorrai...