Dearest Angel

By AAGyanna

226 0 0

"For the past years, I've always believed that she ruined my life. But I was proven wrong. Yes, she did chan... More

Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 40
Epilogue

Chapter 39

8 0 0
By AAGyanna

Chapter 39 - Her POV

Yvette's POV

"Wooow!" Hindi ko mapigilan mapasigaw dahil sa pagkahanga sa mga nakikita ko. Hindi ako makapaniwala na ganito pala sa Pilipinas. Naninibago ako sa lahat. Wala naman kasi akong idea kung anong meron dito. Never naman kasing nagkwento sa akin sila Mommy.

Natutuwa ako sa lahat ng nakikita ko pero hindi maalis sakin yung maexcite dahil makikita ko na finally yung kapatid ko.

"Mommy?" Napatingin naman siya sa akin kaya ngumiti ako nang malaki sa kanya. "Thank you for letting me come here." sabay kiss ko sa cheeks niya.

"Anything for you, baby." Ngumiti lang din siya sa akin kiniss rin ako.

Napatingin ako kay Daddy at siya naman dapat yung tatawagin ko pero napatigil ako nang makita ko siyang nakatingin lang sa labas na parang malalim ang iniisip.

Ano kayang meron?

Siguro iniisip lang ni Dad yung sa work niya. Mamaya na lang ako magpapasalamat sa kanya. Masyado kasi siyang workaholic. 'yon din ata yung reason kung bakit sila madalas mag-away ni Mom eh. Tumitigil lang sila kapag nandyan na ako.

Naririnig ko yung mga nagsasalita sa radio at natutuwa ako dahil naiintindihan ko sila. Kahit naman kasi nasa Canada kami, Filipino pa rin yung language na unang tinuro sa akin nila Mommy. Pero syempre I need to learn English so sometimes hindi ko maalis yung accent ko kapag nagsasalita ako ng Filipino.

Ilang oras din ang naging biyahe namin bago kami tumigil sa isang malaking bahay. Sabi nila Mommy sa bahay raw nila Daddy kami titira kaya eto na siguro yon. Pero hindi ko maiwasang mamangha dahil sa sobrang laki ng bahay na to. Amin ba talaga to?

Papasok na sana kami sa loob nang biglang may lumabas na isang batang maliit mula sa loob.

Tumatakbo siya papalapit sa amin at biglang lumakas yung tibok ng puso ko nang makita ko kung sino siya.

Kuya Asher.

Masaya siyang tumakbo papunta kay Dad at itinaas niya pa yung kamay niya na para bang nagpapakalong siya pero tinignan lang siya ni Dad at ginulo yung buhok niya.

Kita kong nagulat siya dahil sa ginawa ni Dad habang ako naman ay naguguluhan sa kinilos ni Dad. Para kasing ang cold niya. Napansin ko rin na palipat-lipat yung tingin ni Daddy sa aming dalawa kaya biglang napatingin samin si Kuya Asher at bigla na naman lumakas yung tibok ng puso ko nang mapatitig siya sa akin.

"Dad, who is she?" Nagtatakang tanong ni Kuya kay Dad.

Tumingin naman sa akin si Dad at pinalapit ako sa kanilang dalawa. "This is your

sister, Asher. Sophia Yvette Madrid."

Ngumiti ako nang malaki kay Kuya Asher at inaasahan kong matutuwa siya na makita ko kaya naman nagulat ako nang bigla lang siyang tumingin kay Dad at nag-aya na papasok.

Parang dinurog yung puso ko dahil hindi niya man lang ako kinausap. Ibang-iba 'yon sa inaasahan ko sa first meeting namin pero hindi ko na lang ginawang big deal yon at nanatili pa rin akong nakangiti. Ayoko naman na may maisip sina Mommy na dahilan para pabalikin ako sa Canada.

Ayoko bumalik lalo na ngayon na kasama ko na yung Kuya ko dito.

Napatingin ako kay Mommy para tignan kung napansin niya yung nangyari pero parang lumilipad yung isip niya kaya napahinga ako nang maluwag. Napatingin ako kina Dad at nakapasok na sila sa loob kaya hinila ko na si Mommy papasok.

Hindi ko na naman napigilan ang mamangha dahil sa luwag sa loob ng bahay. Sobrang linis pa ng lugar na to. Malaki rin naman yung bahay namin sa Canada pero hindi naman yon kasing laki nito.

Pinahatid ako nila Mommy sa kwarto ko para raw makapagpahinga muna ako dahil nga mahaba yung biyahe namin. Alam ko namang pagod na rin sila kaya kahit gusto kong maglibot dahil sa mga nakita kong park and malls kanina, hindi na rin ako nangulit pa at hinayaan din silang magpahinga.

Papasok na sana ako sa loob ng kwarto ko nang biglang may narinig akong nagsasalita mula sa isang kwarto. Sabi nila Mommy masamang makinig sa usapan ng ibang tao pero curious kasi ako kung sino yon.

"Yes, Mom. I did what you told me to do. I acted cold in front of their daughter." Ah si Kuya Asher pala yon. Pero ano raw? Kausap niya si Mommy? Eh diba nasa kwarto nila sila ni Daddy? Their daughter? Ako?

Naguguluhan talaga ako dahil sa narinig ko kaya umalis na ako don at tuluyan nang pumasok sa kwarto ko.

Gusto kong tanungin sina Mommy and Daddy pero pakiramdam ko hindi ko dapat itanong yon sa kanila kaya pinilit ko na lang yung sarili kong kalimutan yon.

Ilang araw ang lumipas ay napagkasunduan namin nila Mommy na papasok ako sa totoong school. Hindi na naman ako sinusumpong ng sakit ko kaya pakiramdam namin nila Mommy okay na talaga ako pero hindi ibig sabihin non pwede ko na itigil yung pag-inom ng mga gamot ko.

Naninibago ako dahil home-schooled lang naman ako before. Mabuti nga at napasa ko yung exam para maging accelerated ako dito. Advance rin pala kasi yung lesson na itunuturo sa akin ng teacher ko kaya hindi na ako nahirapan. Ngayon, same grade level kami ng Kuya ko kaso magkaiba kami ng section.

Pagkadating ko sa room na tinuro sa akin ay nakita kong may mga tao na. Hindi ko mapigilang makaramdam ng hiya dahil nakatingin sila sa akin ngayon. Ayoko man ay pumasok pa rin ako dahil mas lalo nila akong pagtitinginan kung nasa labas lang ako.

Umupo ako doon sa may upuan sa likod at nagulat na lang ako nang biglang may lumapit sa aking babae. Ang ganda niya. Nakangiti lang siya sa akin at bigla siyang kumaway.

"Hi! Ikaw yung transferee? Ako nga pala si Cassandra Lorraine Ignacio but you can call me Cassie or Cass in short." Napangiti naman ako dahil sa kabaitan niya. Grabe ang ganda na niya tapos mabait pa siya. Hindi siya katulad don sa mga napapanood ko sa tv na bigla na lang mangbubully kasi maganda sila at mayaman.

Naging magaan yung loob ko kay Cass hanggang sa itinuring na namin yung isa't-isa bilang magbestfriend.

Lumipas pa ang ilang taon at kami pa rin ni Cassie yung palaging magkasama. Hindi na rin ako inaatake kaya panatag lang si Mommy na okay na ako.

Hindi ko lang alam kung bakit ang cold ng trato sa akin ni Kuya Asher. Hindi masyado sa bahay pero dito sa school laging masama yung tingin niya sa akin. Hindi nga siya sumasama sa akin eh.

Tapos si Dad palaging wala sa bahay. Nakakalungkot nga eh. Pakiramdam ko kasi sobrang pinapagod niya yung sarili niya at hindi na siya umuuwi sa amin. Puro siya trabaho. Mabuti na lang at naiintindihan yon ni Mommy kaya hindi siya nagtatampo kay Daddy.

Pagkapasok na pagkapasok ko sa school ay nagulat na lang ako nung nagtitinginan sakin lahat ng mga nakakasalubong ko tapos biglang bubulong sila sa mga kasama nila. Naguguluhan ako pero hindi ko na lang pinansin dahil hindi ko naman alam kung anong meron.

Wala pang tao sa room pagkadating ko kung hindi si Cass. Masaya siyang kumaway sa akin at ganon din ako sa kanya. Lalapit na sana ako sa kanya nang bigla na lang may tumawag sa akin kaya napalingon ako agad. Di ko naman inaasahan na itutulak niya ako kaya bigla akong natumba at napaupo sa sahig.

Tinignan ko kung sino yon at nakita ko si Kuya Asher na umiiyak habang sobrang sama ng tingin sa akin.

Agad tumakbo si Cass papalapit sa kanya para pigilan siya sa paglapit sa akin pero tinulak lang din siya ni Kuya Asher.

"Ikaw siguro yung nagpakalat non no?!" Galit na sigaw niya sa akin. Naguguluhan naman ako dahil hindi ko alam kung ano yung sinasabi niya. "Ikaw siguro yung nagsabi sa iba na anak ako sa labas at kabit ang Mommy ko!"

Halos tumigil ang mundo ko at hindi ako makapaniwala sa narinig ko. Hindi ako makasagot dahil hindi ko naman alam kung anong sasabihin ko. Wala akong alam sa sinasabi niya.

"Ang kapal ng mukha mo! Kung meron man dapat tawagin na kabit dito, yung mommy mo yon! Dahil inagaw niya ang Daddy ko! Ikaw ang totoong anak sa labas dito!" Yun lang ang sinabi niya at umiiyak siyang umalis.

Hindi naman ako makatayo dahil hanggang ngayon ay hindi ako makapaniwala sa mga narinig ko. Kabit? Anak sa labas? Sunod-sunod na tumulo yung luha ko dahil sa mga ideya na naisip ko. Pakiramdam ko biglang naging maliwanag na lahat para sa akin.

Kung bakit ayaw nila akong pauwiin ng Pilipinas. Kung bakit hindi namin kasama si Kuya Asher doon. Kung bakit ang cold ng trato ni Kuya Asher sa akin simula pa lang at kung sino yung Mom na kausap niya noong narinig ko siya.

Agad akong tumakbo palabas ng school kahit na tinatawag ako ni Cassie. Nakita ko yung driver namin na hindi pa nakakaalis kaya naman sumakay uli ako sa sasakyan. Gulat na gulat siya dahil sa biglang pagbalik ko pero hinatid niya na lang ako pauwi dahil nga sa iyak pa rin ako ng iyak.

Pagkadating namin sa bahay ay agad akong tumakbo palabas. Ramdam ko yung paninikip ng dibdib ko at medyo nahihirapan na ako huminga pero pinilit kong makapasok sa loob. Sakto naman at nandoon si Mommy at Daddy.

Agad na napatayo si Mom pagkakita niya sa akin at nagulat sila nang makita akong umiiyak.

Tumakbo ako papalapit kay Mommy at agad humawak sa damit niya at kahit medyo hinihingal ako ay pinilit ko pa rin magsalita.

"Mommy, totoo po ba? Totoo po ba na inagaw mo si Daddy sa Mommy ni Kuya Asher? Totoo po ba na ako yung anak sa labas?" Yun lang ang natatandaan kong sinabi ko hanggang sa tuluyan na akong mawalan ng malay. 

Continue Reading

You'll Also Like

126K 3.1K 84
- ๐™„๐™‰ ๐˜ฝ๐™€๐™๐™’๐™€๐™€๐™‰ - started: 12/29/23 finished #1 | 2009 #1 | diorgoodjohn #2 | jessicaalba #3 | vancouver #3 | stuckinthemiddle #3 | diorgoodjo...
39.8K 1.7K 23
โ ๐ˆ ๐Š๐๐Ž๐– ๐‡๐Ž๐– ๐ˆ๐“ ๐…๐„๐„๐‹๐’ ๐๐„๐ˆ๐๐† ๐‹๐„๐…๐“ ๐๐˜ ๐˜๐Ž๐”๐‘๐’๐„๐‹๐… ๐ˆ๐ ๐“๐‡๐„ ๐‘๐€๐ˆ๐.. ๐–๐„ ๐€๐‹๐‹ ๐๐„๐„๐ƒ ๐’๐Ž๐Œ๐„๐Ž๐๐„ ๐“๐Ž ๐’๐“๐€...
545K 6.7K 93
"Berani main-main sama gue iya? Gimana kalau gue ajak lo main bareng diranjang, hm? " ucap kilian sambil menujukan smirk nya. Sontak hal tersebut me...
477K 11.9K 49
๐˜Œ๐˜ท๐˜ฆ๐˜ณ๐˜บ๐˜ต๐˜ฉ๐˜ช๐˜ฏ๐˜จ ๐˜ธ๐˜ฆ ๐˜ต๐˜ฉ๐˜ช๐˜ฏ๐˜ฌ, ๐˜ด๐˜ข๐˜บ, ๐˜ข๐˜ฏ๐˜ฅ ๐˜ฅ๐˜ฐ ๐˜ฉ๐˜ข๐˜ด ๐˜ค๐˜ฐ๐˜ฏ๐˜ด๐˜ฆ๐˜ฒ๐˜ถ๐˜ฆ๐˜ฏ๐˜ค๐˜ฆ๐˜ด ๐˜ง๐˜ฐ๐˜ณ ๐˜ฐ๐˜ถ๐˜ณ๐˜ด๐˜ฆ๐˜ญ๐˜ท๐˜ฆ๐˜ด ๐˜ข๐˜ฏ๐˜ฅ ๐˜ง๐˜ฐ๐˜ณ ๐˜ฐ๐˜ต๐˜ฉ๐˜ฆ๐˜ณ๐˜ด.