Dearest Angel

By AAGyanna

224 0 0

"For the past years, I've always believed that she ruined my life. But I was proven wrong. Yes, she did chan... More

Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Epilogue

Chapter 31

5 0 0
By AAGyanna


Chapter 31

Asher's POV

I can't believe it. She's now back.

Bakit ngayon pa? Bakit ngayon kung kailan maayos na ang lahat sa amin? Bakit kailangan niya pa bumalik?

Simula na naman ng pasukan ngayon at parang wala akong gana pumasok pero wala naman akong choice dahil alam kong kailangan ko at papagalitan ako ni Mom pag hindi ako pumasok.

Bumaba na ako pagkatapos ko mag-ayos at nakita na nandoon na silang tatlo. Natigilan ako dahil naninibago ako. Dati kasi kapag ganito, makikita ko sila Mom at Dad na nag-uusap at minsan nagaasaran pa sila. Tapos ngayon biglang sobrang tahimik sila na para bang natatakot silang gumawa ng kahit anong ingay.

"So how's your vacation with your Mom, hija?" Pagbabasag ni Dad sa katahimikan. Tuluyan na akong bumaba at lumapit sa kanila. Umupo ako sa tabi ni Mom na tahimik lang na kumakain.

"Okay lang po. Medyo busy rin po si Mommy kaya hindi na siya sumama sa pagbalik dito." Sinubukan ko kumain kahit konti pero parang wala talaga akong gana. Tumayo na ako kahit hindi pa ako tapos at lumabas ng bahay. Narinig kong tinawag ako ni Dad pero nagkunwari akong wala akong narinig. Nababadtrip ako dahil sa pagbalik ni Yvette. Tsk.

Dumiretso na ako sa school at pumunta sa room nila Bianca pero wala siya doon. Nandon yung bag niya kaya alam kong nandito na siya pero kasama niya siguro yung mga kaibigan niya sa labas.

Lumabas na rin ako at pumunta sa may field para doon magpahinga. Ang daming tumatakbo sa isip ko kaya kahit wala pa naman akong ginagawa ay pakiramdam ko pagod na pagod na ako.

Maya-maya lang ay narinig ko na yung bell kaya tumayo na ako at umakyat papunta sa room. Kita ko na agad sina Yvette kasama sina Raven na masayang nagkwekwentuhan.

Aaminin ko, namimiss ko na silang kasama pero wala eh. Sila ang may kasalanan kaya bakit ako ang lalapit? Magsorry muna sila. Ang hirap kasi na ang taas masyado ng pride nila.

Ang bagal ng takbo ng oras. Kahit sinusubukan ko makinig sa discussions, wala akong maintindihan. Para akong magkakasakit na ewan.

Natapos na rin sa wakas ang first two subjects namin at recess na kaya tumayo na ako para puntahan si Bianca sa room nila.

Nakita ko naman siya kasama ang mga kaibigan niya. Parang napatigil naman sila sa pagkwekwentuhan pagkakita sa akin.

Ngumiti at kumaway ako sa kanya at ganoon din ang ginawa niya sa akin. Nilapitan ko na siya at sabay na kaming bumaba papuntang cafeteria.

Cassandra's POV

Nandito kami ngayon sa cafeteria at tahimik na kumakain. As usual, si Castiel at Yvette ay naglalandian. Well, pagbigyan na dahil ilang linggo rin namang hindi nagkita yang dalawa. Hindi ko alam kung ano na yung status nila dahil hindi naman sila nagkwekwento pero masaya akong makitang masaya silang dalawa.

Si Raven? Ayon, pinipilit na wag tignan si Asher at Bianca na kakapasok lang sa Cafeteria.

Si Levi? Wala pa ring kwenta. Just kidding. Busy habang naglalaro ng cell phone niya.

Nagulat na lang ako nang biglang may tumabi sa akin at nasira naman agad yung araw ko nang makita ko kung sino yon.

"Hi Miss Sungit." Bati niya sa akin. Plastic naman akong ngumiti sa kanya pero ramdam ko yung pagbilis ng tibok ng puso ko.

"Oy Oliver ikaw pala." Great mabuti naman at hindi na ako yung kukulitin ng lalaking to.

"Hey, Raven. Kamusta bakasyon?" At nagsimula na silang magkwentuhan. Wala naman akong pake sa pinaguusapan nila kaya nanahimik na lang ako.

Kanina pa sila tumitingin sa akin pero hindi ko na sila pinapansin. Feeling ko sinisiraan lang naman ako ni Raven sa Oliver na 'yon eh.

Natapos na ang recess namin kaya naman umakyat na kami. Tahimik lang akong naglalakad nang biglang tumabi sa akin si Raven.

"Pst. May sasabihin ako sayo." Natatawang bulong niya sa akin.

"Ano 'yon?"

Tumawa pa muna siya bago siya lumapit uli sa akin. "Crush ka raw ni Oliver."

Para akong nabingi dahil sa sinabi niya at napasimangot. Aaminin ko, bumilis yung tibok ng puso ko sa idea na 'yon pero pakiramdam ko inaasar lang naman ako ni Raven kaya ayaw kong ipakita sa kanya na affected ako.

"Talaga ba? Psh." Sabi ko na lang at umirap pa ako.

"Kunyare hindi affected namumula naman." Natatawang sabi ni Raven bago siya lumapit kina Castiel at Yvette.

Pakiramdam ko kinekwento sa kanila ni Raven yung sinabi niya sakin kaya napatingin sakin yung dalawa tapos yung mukha nila ay para bang nang-aasar.

Pagkadating namin sa classroom ay dumiretso na ako sa upuan ko. Wala pa naman yung teacher namin at mukhang absent pa kaya matutulog na lang ako.

"Uyyy." Napabangon ako nang biglang may nagsalita sa may tabi ko. Pagkatingin ko ay si Yvette lang pala. Mang-aasar pa to.

"Wag mo nga akong guluhin. Inaantok ako." Inis kunyare na sabi ko pero tinawanan niya lang ako.

"Sa akin ka pa ba talaga maglilihim? Alam ko namang crush mo na rin siya eh."

"Hindi ko crush si Oliver. Pwede ba?"

Bigla naman siyang natawa at narealize ko kung bakit. Wala naman siyang sinabi kung sino yung tinutukoy niya ah? Bakit inisip ko na si Oliver agad yung tinutukoy niya? Psh.

"Okay, fine. You win." Sabi ko na lang at mas lalo siyang natawa. Maya-maya lang ay bigla siyang tumigil sa pagtawa at ngumiti sa akin.

"I want you to be happy, Cass. Just follow your heart, okay?" Biglang sabi niya. Nakakaloka naman tong babaeng to. Bigla-bigla na lang sumeseryoso. "Don't be afraid to fall in love and don't be afraid to get hurt because that's already a part of loving someone. Never naging masama ang magmahal basta tama yung way na ginagamit mo sa pagpapakita na mahal mo ang isang tao."

Imbes na mapangiti ay parang mas kinabahan pa ako dahil sa sinasabi niya. Magtatanong pa lang sana ako nang bigla niya akong inaya na magpunta ng CR. Inalis ko na lang muna sa isip ko yung naiisip ko kanina at sinamahan siya.

"Eto na nga yung sasabihin ko dapat kanina before dumating si Asher." Papasok na sana kami sa loob ng CR ng bigla kaming napatigil dahil sa narinig namin.

"Alam niyo ba kung anong nalaman ko? Diba may kapatid si Asher sa klase nila? Si Yvette? Nalaman ko na half-siblings lang pa silang dalawa." Parang nanigas si Yvette sa kinakatayuan niya dahil sa kanyang narinig.

"Pano mo nalaman?"

"Hala totoo?"

Sa tingin ko nasa apat silang nandoon. Hindi ko makilala yung boses pero feeling ko kakilala namin siya.

"Kahapon kasi inaya ako ni Asher na makipagmeet with his parents. I saw Yvette's Mom before. Sa TV siguro. At hindi siya yung pinakilala ni Asher sa akin."

"What? That's crazy!"

Nagkatinginan kami ni Yvette. Shit. Si Bianca.

"It's true. Sa tingin ko, yung Mom ni Asher yung kabit dahil itsura pa lang parang... alam mo na? Yung mahilig mang-akit?" Bigla siyang tumawa at nagtawanan din naman yung mga kasama niya.

"So anong plano mo with Asher?"

"I'm going to break up with him, duh. Hindi naman siya legitimate son. Ayokong mapahiya pag nalaman ng iba yon no."

Biglang bumukas yung pinto at gulat na gulat na napatingin sa amin si Bianca pati na rin yung mga kasama niya.

"Are you eavesdropping?!" Galit na tanong niya. Pare-pareho naman kaming nagulat nang bigla siyang sinampal ni Yvette.

"How dare you!" Nagulat na lang ako noong hinila ni Bianca yung buhok ni Yvette. Ang bilis ng pangyayari. Agad kong pinigilan si Bianca pero ang higpit ng kapit niya sa buhok ni Yvette.

"Wala kang karapatan pagsabihan ng ganon ang kapatid ko dahil wala ka namang alam!" Galit na sigaw ni Yvette at hindi ko inaasahan na hihilahin niya rin yung buhok ni Bianca.

Mukhang malakas talaga yung boses nilang dalawa kaya naman bigla na lang lumabas yung mga tao mula sa rooms nila.

Sasabunutan ko na rin sana si Bianca pero bigla akong pinigilan nung tatlong kasama niya. Fuck hindi namin to kaya.

"Bakit?! Totoo naman diba?! Bakit apektado ka?! Wag mong sabihin na ipagtatanggol mo pa yung kapatid mo kahit ang Mom niya ang kumabit sa Dad niyo?" Mas lalong hinigpitan ni Yvette yung hawak niya sa buhok ni Bianca dahilan para mapasigaw ito sa sakit.

"What's happening here?!" Agad kaming napatingin lahat doon sa nagsalita at nakita namin si Asher na gulat na gulat na nakatingin sa amin.

Agad bumitaw si Bianca kay Yvette at bigla siyang umiyak.

Mabilis na nilapitan ni Asher si Bianca at tinulak si Yvette para bumitaw ito sa buhok niya. Napalakas yung pagtulak ni Asher kay Yvette kaya nahulog ito at napaupo sa sahig.

Agad kong inalis yung pagkakahawak ng mga kaibigan ni Bianca sa akin at nilapitan si Yvette para tulungan siyang mapatayo. Nakahawak lang siya sa dibdib niya kaya kinakabahan ako.

"What the hell is going on? Bakit kayo nag-aaway?!" Magsasalita na sana ako pero naunahan ako ni Bianca. Kunyare pang umiiyak ang bruha.

"Yan kasing kapatid mo pati yang bestfriend niya. Tahimik lang kami na naguusap tapos bigla silang sumugod sa amin at sinampal ako." Parang batang nagsusumbong na sabi niya. Napasinghap na lang talaga ako sa gulat dahil sa sinabi niya. Tama naman na sinampal siya ni Yvette pero duh, malamang may dahilan ang kaibigan ko para gawin 'yon! Ang kapal talaga at siya pa yung may ganang magpaawa!

Napatingin si Asher sa mga kaibigan ni Bianca na parang nagtatanong kung totoo ba yung sinabi niya at sabay-sabay naman itong napatango.

"What is wrong with you, Yvette?!" Galit na tanong ni Asher kay Yvette. Nagsimula ng tumulo yung luha ni Yvette at hindi siya makapagsalita. Kita ko yung galit sa mukha ni Asher at kahit ako medyo natatakot lalo na at ang taas ng boses niya.

Mabuti na lang talaga at dumating sina Castiel, Raven at Levi. Parang nanghihina na yung tuhod ko. Marami pa ring nanonood sa amin na para bang nasa isang pelikula kami pero walang pake yung mga kasama ko sa kanila.

"Why are you shouting?" Tanong ni Castiel kay Asher.

"Shut up. Wag ka makisali dito dahil hindi ikaw ang kausap ko!" Tapos tumingin uli siya kay Yvette.

"Wag kang umiyak lang dyan dahil ikaw ang may kasalanan! Magsalita ka! Bakit mo ginawa yon?! Dahil ba sa kasasama mo dyan sa bestfriend mong 'yan, ginagaya mo na yung ugali niya?!"

Sasagot na sana ako nang bigla akong mapatingin kay Yvette at nakita ko siyang nahihirapan na talagang huminga. Napaiyak ako bigla dahil sa sobrang takot at sinabihan ko na si Castiel na dalhin si Yvette sa clinic.

Hindi na namin pinansin si Asher kahit tinatawag niya pa kami dahil mas importante yung kaibigan ko kesa sa kapatid niyang gago.

Fuck it, Asher. Gago ka pa rin talaga. 

Continue Reading

You'll Also Like

46.1K 1K 53
not you're average mafia brothers and sister story.. This is the story of Natasha Clark, an assassin, mafia boss, and most of all the long lost siste...
13.1M 435K 41
When Desmond Mellow transfers to an elite all-boys high school, he immediately gets a bad impression of his new deskmate, Ivan Moonrich. Gorgeous, my...
65.6K 1.5K 78
Harry Potter x female reader °。°。°。°。°。°。°。°。°。°。°。°。 Cedric Diggory has a younger sister named Y/n and she's starting her fourth year at Hogwarts. H...
154K 885 30
spoiler "Berani main-main sama gue iya? Gimana kalau gue ajak lo main bareng diranjang, hm? " ucap kilian sambil menujukan smirk nya. Sontak hal ter...