Dearest Angel

By AAGyanna

225 0 0

"For the past years, I've always believed that she ruined my life. But I was proven wrong. Yes, she did chan... More

Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Epilogue

Chapter 29

4 0 0
By AAGyanna

Chapter 29

Asher's POV

Weeks have passed since nung umalis si Yvette at nung bumalik si Mom sa Pilipinas. It was so much fun it almost felt surreal. Hindi ko kailanman naisip na pwede pala kaming makumpleto ulit tatlo.

Everything was awkward at first pero hindi nagtagal ay naging ayos na lahat. Nakakapagusap na nang maayos si Mom at si Dad. Malakas yung pakiramdam ko na nagbalik yung nararamdaman nila para sa isa't isa... well, kung nawala man ito.

Honestly, it was pretty obvious that they still like each other but there are still certain barriers which prevent them from being together. Syempre ano pa ba yung makakapigil kay Dad? Walang iba kung hindi si Yvette.

I immediately tried to erase those thoughts before it ruin my day. I'll just focus on my parents. I took my phone from my pocket and opened my gallery.

I can't help but to smile as I look at our pictures. We were like a normal, happy family. Sobrang saya ko nitong mga nakaraang araw to the point na natatakot ako na matigil ito. Na biglang bumalik sa dati ang lahat.

How I wish this happiness won't be temporary.

"So what's your plan for today, Asher?" Sa ilang weeks na lumipas, bilang lang sa kamay kung ilang beses pumasok si Dad sa trabaho niya. He canceled lots of meetings para lang makasama kami.

"Well, I asked Bianca to meet us for lunch later. Will that be okay with the two of you?" Natigilan naman si Mom kaya napatingin ako sa kanya. Nagkatinginan sila ni Dad at parang nagkakaintindihan na sila kahit hindi nagsasalita.

"That would be great. I really want to meet the girl who captured my son's heart." Sabi ni Mom pero ramdam ko na hindi siya ganon ka-excited na makita si Bianca. I don't know why pero pakiramdam ko hindi na agad gusto ni Mom si Bianca para sa akin kahit hindi pa naman niya ito kilala personally. I just hope that meeting her in person would change her mind.

Nagready na kaming lahat at umalis din agad dahil 10 am na rin at 11 am ang sabi kong oras kay Bianca. We already reserved a table in a restaurant so hindi na namin kailangan pumila pa pero ayoko naman paghintayin nang matagal si Bianca.

Halos isang oras din yung naging biyahe namin dahil medyo matraffic na. Pasukan na rin kasi bukas. Patapos na pala agad ang sembreak namin. Tama nga sila. Mabilis lumipas ang oras kapag masaya ka.

Anyway, pagkadating namin sa restaurant ay nakita agad namin si Bianca. Tumayo siya pagkakita sa amin at hinintay na makalapit kami.

"Mom, Dad, this is Bianca, my girlfriend." Agad naman kinamayan ni Bianca si Mom and Dad at bigla siyang kumapit sakin pagkatapos. Ramdam ko yung kaba na nararamdaman niya kaya hinawakan ko yung kamay niya. Tinignan ko siya at nginitian para pakalmahin siya.

Napatingin naman ako kay Mom at kitang-kita ko yung pagsulyap niya sa kamay namin ni Bianca na magkahawak bago siya tumingin kay Dad na nakatingin lang din sa kanya.

Umupo ako sa tabi ni Bianca habang nasa harap naman namin sina Mom and Dad. Tahimik lang kami nung una pero biglang nagsalita si Mom.

"So Bianca, it's nice meeting you. You look pretty in that dress, by the way." Napangiti naman si Bianca dahil si Mom na yung unang nagapproach sa kanilang dalawa.

"Thanks po. Kayo rin po. Your dress suits you. You look so young I can't believe you already have a son."

"Oh." Napatawa naman si Mom. "Thank you. Heard that quite a lot of times already yet hearing that from you makes me feel that it's true."

"It is, Mom." Natatawang sabi ko.

Nagsimula na kaming mag-order ng pagkain nang biglang mapatingin si Mom sa may entrance.

"Isn't that Raven?" Biglang sabi ni Mom kaya naman natigilan ako. Naramdaman ko ring natigilan si Bianca kaya napatingin ako sa kanya. I smiled at her like I'm telling her not to worry. Kilala ko naman si Raven. Hindi 'yan magsusumbong kay Mom. At isa pa, wala naman kaming kasalanan ni Bianca. Kung meron mang may kasalanan sa amin, sila 'yon.

Napatingin ako sa may entrance at nakita kong natigilan din sa Raven. I was hoping na hindi niya kami makikita but it was to late. Nakatingin lang siya sa amin na para bang iniisip niya kung lalapit ba siya o hindi. Bigla naman siyang tinawag ni Mom at sinenyasan na lumapit sa amin kaya naman no choice siya kung hindi sumunod.

"I'm glad to see you." Sabi ni Mom na tumayo pa para makipagbeso kay Raven. I don't know kung sinasadya ba ni Mom or hindi pero medyo pakiramdam ko may gusto siyang iparating sa amin dahil sa mga kinikilos niya. "What are you doing here? Are you alone?"

"No, Tita. I'm actually waiting for someone po." Sabi lang ni Raven. Hindi ko alam kung bakit pero pakiramdam ko kinakabahan siya.

"Why don't you join us while waiting for your... friend?" Kilala ko si Raven. Hindi niya magagawang tanggihan si Mom kaya naman kumuha na ako ng extra chair galing sa kabilang table na wala namang nakaupo at ipwinesto sa pagitan ng chair ko at chair ni Mom.

Umupo naman doon si Raven pero ramdam ko ang pagiging balisa niya. Napapasilip siya sa phone niya at hindi talaga siya mapakali.

"So, Raven, how are you? I'm really glad my son has a friend like you." Nakangiting tanong sa kanya ni Mom habang kami nila Dad at Bianca ay nananatiling pinapanood sila. Hindi naman tumitingin si Raven sa amin ni Bianca kaya medyo kinakabahan ako sa isasagot niya.

"I'm doing good po, Tita. Kayo po? It's good that you're back po." Nakangiting sagot niya kay Mom. Mabuti na lang hindi na niya sinubukan I-open yung topic about sa nangyari noong birthday ko.

"I'll only stay here for a few weeks then babalik na ako sa New York. Doon na kasi ako nagwowork after ko sa Korea. Sino nga pala yung "friend" na hinihintay mo, If I may ask?" Hindi ko maintindihan kung bakit kailangan ni Mom I-emphasize yung word na 'friend.' Naguguluhan talaga ako sa kanya ngayon.

Parang mas naging balisa siya dahil sa tanong ni Mom. "A friend from school po."

"Oh is that so? That's great then! Why don't you ask him or her to join us since friends din naman siguro sila ni Asher. And gusto kong makilala yung iba pang kaibigan ni Asher."

"No!" Nagulat ako ng biglang sumigaw si Raven. "I mean he's a friend from other section po and shy type po kasi siya kaya po baka next time na lang. Sorry to be rude po, naghihintay na po kasi siya sa labas. Pupuntahan ko po muna." Tumayo na si Raven at mabilis na lumabas.

Pero wait. He? Other section? Yung lalaki na naman atang nagpaiyak sa kanya. Tsk ano bang kailangan niya kay Raven? At bakit sumasama pa si Raven sa gagong 'yon?

"May boyfriend na si Raven?" Gulat na tanong ni Mom sa akin. Seriously, kailan pa naging interesado si Mom sa buhay ng kaibigan ko?

"I don't know." Hindi ko alam kung bakit parang medyo pagalit yung pagkakasagot ko. Ewan medyo nawala ako sa mood mabuti na lang at hindi na uli nagtanong si Mom about sa kanya.

"So what are your plans after eating?" Biglang tanong sa akin ni Dad. Siguro para lang basagin yung katahimikan sa table namin after umalis ni Raven.

"Well, we can watch a movie." Napatingin naman ako kay Bianca para tanungin siya kung ayos lang sa kanya pero nakita ko siyang nakatulala lang. Naramdaman niya ata na nakatingin ako sa kanya kaya bigla siyang nabalik sa reyalidad.

"Are you okay?"

"Of course I'm okay." Sabay ngiti niya kaya napangiti na rin ako.

Pagkatapos kumain ay nagbayad lang kami ng bill at dumiretso na sa movie theater. Hinayaan namin na si Bianca ang mamili ng papanuorin at pinili niya ang isang romantic movie na nakalimutan ko yung title.

Well, okay naman yung movie. It's just that di ko siya masyadong naappreciate dahil... okay fine. Medyo boring but it's okay dahil kasama ko naman si Bianca.

Pagkatapos manood ay nagpaalam na sa amin si Bianca dahil hinahanap na siya sa kanila. It's supposed to be family day dahil Sunday pero imbis na sa sarili niyang pamilya sa sumama ay kami ang kasama niya. I like it pero syempre nakakahiya sa family niya.

Pauwi na kami bigla nang may tumawag kay Daddy. Hindi namin alam kung sino dahil sinuot niya yung headset niya na para bang ayaw niya talagang marinig namin kung anong paguusapan nila nung kung sino man yung tumawag.

Hindi naman namin maintindihan yung pinaguusapan nila dahil halos "okay" lang yung sinasagot ni Daddy.

Maya-maya lang ay nakauwi na kami. Masaya kaming nagkwekwentuhan ni Mom about sa mga nangyari noong nakaraang linggo nang biglang mapatigil kami noong nakita namin yung isang malaking maleta na nasa salas.

Damn it, she's already back.

Continue Reading

You'll Also Like

238K 7K 51
we young & turnt ho.
1.1M 62.4K 40
Millie Ripley has only ever known one player next door. Luke Dawson. But with only a couple months left before he graduates and a blackmailer on th...
4.1M 88.2K 62
•[COMPLETED]• Book-1 of Costello series. Valentina is a free spirited bubbly girl who can sometimes be very annoyingly kind and sometimes just.. anno...
15.9K 485 16
Alaz, usulca elini yanında uyuyan Asi'nin karnına doğru indirdi avucunda hissettiği sertlik ve şişlik harici hareketliği sonucu canı sıkıldı, çok sık...