PERPETUITY

By DANATHOUGHTS

20.4K 1K 94

A SEASON II of TILL THE END. If you are a fan of ANGERIK this story is for you. 💚 More

KABANATA I
KABANATA II
KABANATA III
KABANATA V
KABANATA VI
KABANATA VII
KABANATA VIII
KABANATA IX
KABANATA X
KABANATA XI
KABANATA XII
KABANATA XIII
KABANATA XIV
KABANATA XV
KABANATA XVI
KABANATA XVII
KABANATA XVIII
KABANATA XIX
KABANATA XX
KABANATA XXI
KABANATA XXII
KABANATA XXIII
KABANATA XXIV
KABANATA XXV
KABANATA XXVI
KABANATA XXVII
KABANATA XXVIII
KABANATA XXIX
KABANATA XXX
KABANATA XXXI
KABANATA XXXII
KABANATA XXXIII
KABANATA XXXIV
KABANATA XXXV
KABANATA XXXVI
KABANATA XXXVII
KABANATA XXXVIII
REMINDER
KABANATA XXXIX
KABANATA XL
KABANATA XLI
KABANATA XLII
KABANATA XLIII
KABANATA XLIV
KABANATA XLV
KABANATA XLVI
KABANATA XLVII
KABANATA XLVIII
KABANATA XLIX
KABANATA L
ANNOUNCEMENT

KABANATA IV

306 21 0
By DANATHOUGHTS

Eric's POV

Nagising ako na medyo masakit ang ulo at naliliyo ,hindi ko alam kung anong una kong gagawin sa pagmulat ng aking mga mata tanging liwanag ang nakikita ko na nanggagaling sa ilaw. Wala akong maalala at bahagya pa akong nakaramdam ng sakit sa aking balikat ng akmang babangon ako my biglang pumasok at niluwa ng pintuan ang isang lalaki.

"Sin-o ka"
Tangi kong naiusal habang nakatingin sa kaniya

"E-ric anak ako ito si Daddy mo"
Nangingiyak nitong saad

"Anak?nasaan ba ako?anong nangyari?"
Nalilito kong pagtatanong sa kanya habang nililibot ang mga mata sa paligid ng malawak na kwarto

Ikinuwento naman ni Daddy sa akin ang nangyari pero kahit ata ilang beses niya ikuwento sa akin ang lahat ay wala pa din ako maaalala. Paano ko bang maaalala ang lahat?

"Puwede niyo po ba akong tulungan na maalala ang lahat?"
Seryoso kong saad

"Oo naman anak? Alam mo bang lagi kaming nandito para sayo lagi ka namin kinakausap kahit tulog ka para sa paggising mo ay mas madali mong maalala ang lahat. Anak magpagaling kana dahil babalik tayo ng pinas kung saan doon mas maraming tao ang nagmamahal sayo"
Naiyak nitong saad

"Mga mahal,kayo?sino po si Mommy"
Malumanay kong tanong

Bahagya naman siyang ngumiti sa akin

"Hindi anak,ang ama ng kasintahan mo ang siyang lagi ko kasama dito para alagaan ka"

"kasintahan?"
Meron akong kasintahan sino naman at bakit kahit siya hindi ko maalala

(my amnesia nga diba Eric special siya sa puso mo pero hindi sa amnesia anuna)

"Oo anak si Angelina kaso....

"kaso ano po?"

"Ang alam niya ay wala kana,dahil sa inilayo ka namin para sa inyo din naman anak. Mukhang maling desisyon ang nangyari pero iyon ay para sa career na inyong binuo ng magkasama at ayaw namin na masira iyon. Habang nagpapagaling ka ay ipinagpatuloy niya ang kaniyang career,pero hindi na katulad ng kayo ay magkasama."

"Kung gayon my iba na siya hindi ba"

Hindi na ito nakaimik pa at nagkuwento nalang ng mga pangyayari noon at kung ano ako dati. Imagine isa pala akong isang sikat na singer

"Daddy,kelan po ba tayo babalik ng pinas?"

"kung kailan mo gusto anak basta kaya na ng katawan mo"

Gustong gusto ko na bumalik ng Pinas para mas madali kong maalala ang lahat at para makilala muli ang aking kasintahan na sana ay wala pang nagmamay ari muli ng puso niya.

"Kung pwede po sana ay sa susunod na linggo"

Tanging ngiti at tango lamang ang sagot na ibinigay niya sa akin.

Lumabas siya ng kwarto para tawagan ang doktor sa kondisyon ko. Natahimik ako sandali at nahiga,hindi ko namalayan kanina na my isang imahe pala sa side table ng aking kama at doon nakita ko ang isang imahe ng babaeng mukhang anghel.

Isa ba itong anghel?Ito siguro ang nagbabantay sa akin pag wala si Tito and Daddy. Napakaganda niya sa aking paningin.

Muling bumalik si Daddy sa kwarto para sabihin ang pinag usapan nila ng aking Doctor

"Ric,pwede ka naman na daw magbyahe pero hinay hinay lang and bukas maglilibot tayo dito para naman makapamasyal ka anak"
Nakangiti nitong saad

Akmang lalabas na siya ay nahagip ko agad ang kaniyang kamay para pigilan sa paglabas

"Daddy sino siya"
Ani ko at sabay turo sa imahe na aking nasulyapan

Ngumiti siya ng pagkatamis at napatingin sa akin

"Siya ang iyong kasintahan Eric si Angelina,inilagay pala ng Tito mo diyan nung huling dalaw niya sa iyo para naman daw mybantay ka pagwala kami"

"siya ang aking mahal,huling dalaw?gaano na po ba ako katagal dito?"

"taon na ang lumipas anak,nagising kana noon pero hindi mo pa kaya sabi ng doctor normal lang iyon"

Hindi ko namalayan na pumapatak na pala ang luha ko

"Kung ganun napakatagal na pala talaga ng panahon ng huling beses nagkita kami"

"Anak,mahal ka niya at hindi magbabago iyon"
Ani niya at hinaplos ang aking likuran

"Anak,gusto mo na ba siya makita talaga at malaman kung meron ka pang puwang sa puso niya?"

Naangat ang tingin ko sa kaniya at kita ko na mypag asa pa

"Opo,gustong gusto ko Daddy"

"kung gayon pwede naman na mas maaga tayong bumalik ng Pinas"

"Salamat Daddy"

Matapos na kami ay mag usap pinatuyo ko ang mga luhang kanina ay umaawas at bumangon para maglakad lakad mahigit ilang taon din ako nakahiga dito.

Medyo sumasakit naman ang ulo ko sa tuwing nakakaalala ako ng mga nangyari noon.

Meron akong namimiss pero hindi ko matukoy kung ano at sino,siya kaya si Angelina ba?


Please do vote and comment guys! Thank you 💚
HAPPY NEW YEAR EVERYONE 💚💚💚

Continue Reading

You'll Also Like

13.3K 390 9
When the Marauder era got a letter from golden era saying that there is second wizarding war, and they are going to watch the life of two Potter in o...
22.1K 259 19
Look it's my first story so if it's bad deal with it lol! I lemons, fluff, angst, etc. You can request it is allowed....ANy wAy EnJoY!@$% PS please...
5.5K 193 23
An au in a corporate world where Kyle is the heir of the country's biggest tech company, and Francine took the job of being his assistant. Started: J...
36K 1.4K 27
What gonna happen if Seven mafia kidnapped seven normal boys what if they did mistake that will let them lost the most precious person in their life...