My Gangster Husband

By modernongmariaclara

14.6M 275K 56.2K

PART TWO ON GOING More

Prologue.
Chapter 1. [Where it all started]
Chapter 2. [Shocking Announcement]
Chapter 3. [Accept it or not?]
Chapter 4. [My first kiss]
Chapter 5. [Wedding Day]
Chapter 6. [Embarrassed]
Chapter 7. [Proposal]
Chapter 8. [Smiles]
Chapter 9. [2 Gangsters?!]
Chapter 10. [Trending]
Chapter 11. [Gang fight]
Chapter 12. [Hurting]
Chapter 13. [Drunk]
Chapter 14. [Unattached]
Chapter 15. [Lost]
Chapter 16. [Worries]
Chapter 17. [Strangers, again]
Chapter 18. [My turn]
Chapter 19. [Strike]
Chapter 20.1 [Friendly date]
Chapter 20.2 [Friendly date]
Chapter 20.3 [Dance]
Chapter 20.4 [Dance]
Chapter 21. [Marked]
Chapter 22. [Promise]
Chapter 23. [Secure]
Chapter 24. [Getting closer]
Chapter 25. [Broken]
Chapter 26. [Confidential]
Chapter 27. [Mindset]
Chapter 28. [Explanation]
Chapter 29. [Depressed]
Chapter 30. [Confession]
Chapter 31. [Butterflies]
Chapter 32. [Awkward]
Chapter 33. [Reasons]
Chapter 34. [Inevitable]
Chapter 35. [The Truth]
Chapter 36. [The Aftermath]
Chapter 37. [Assurance]
I'm back! Please read this ~refresher~ first. :)
PART 2: SOON!
MY GANGSTER HUSBAND PART 2
MGH 2: Chapter 1. [I'm back]

Chapter 38. [Comeback]

324K 6.2K 2.7K
By modernongmariaclara

Late update. Nagrereview for IU. =)))) Hi pala kay @lyzaselosa =))))

Yung feeling na ipapalabas na Sungkyunkwan Scandal na sa ABS. Mga MacNah dyan nako kilig na naman kayo =)))) Paano na HanDy?

E ang ManDy?

--------------------------

HANNAH'S POV

DCU

CAFETERIA

"OH MY GOD YOU SNEAKY WITCH!"

-_________________-

Ang lakas naman ng boses niya.

Second sem na, wala pa ring pinagbago kay Dara.

"C'mon bes! Go kwento pa! More kwento please!"

"Kinwento ko na sayo lahat."

Sumimangot siya. "Yun lang? YUN LANG?!"

"Ano ba! Sakit naman sa eardrums ng boses mo!"

"E kasi naman ang bitin kaya ng kwento mo! Seriously? Yun lang talaga moments niyo habang nasa ospital ka?"

"Bakit? Inaalagaan niya naman ako ah?"

She rolled her eyes. "Hello?! Dapat nagiging sweet rin siya sayo! Kinwento mo na nung araw na nagpanggap kang may amnesia which is like, so cliche, he grabbed you and kissed you full on the lips!"

"Ssssh ano ba!" tinakpan ko yung bibig niya at napatingin sa mga tao na nasa canteen, baka kasi may nakarinig. I glared at Dara. "Ang ingay mo ano ba kapag may nakarinig talaga naman!"

Tinanggal niya lang yung kamay ko at inakbayan ako.

"Ano ba, there's no harm naman in telling the world that you like each other! Okay, I admit alam ko na na after nung day na nagpanggap ka and he kissed you dahil alam niyang pakulo mo yun, magiging sweet si kuya sayo the whole day. He's like that. Pero kapag nagtagal, balik Dylan talaga na masungit siya at, let's say, pabago-bago ng mood! Masyado pang protective!"

I sighed.

Oo nga e. Siguro that day, may nakain si Dylan na pampa-sweet ng mood kasi halos di niya na ko bitawan nun. Kaso, the next day, back to masungit, mayabang, conceited at gangster na Dylan na naman siya.

Pero hindi niya ako sinasalbahe. Parang normal na lang niya yun. Lagi pa kong sinisigawan kapag di ako kumakain ng maayos! Tapos may time na umiyak ako kasi naman sumasakit yung kaliwang kamay ko, tinawag niya kong cry-baby.

Pero inalagaan naman niya ako.

May kasama nga lang pitik sa ilong.

Ewan ko ba, gusto ko sweet siya sakin pero mas gusto ko yung seryoso, yung laging nang-aasar at yung laging 'sundin mo ko or else' Dylan na nagustuhan ko.

Siya talaga yun eh. I mean, he's that type of guy.

Tinignan ko si Dara na nagtataka na kung bakit di ako nagsasalita.

I sighed.

"Ganito kasi yun Dara. Di naman namin kailangan ipagsigawan sa buong mundo na gusto namin ang isa't-isa diba? Sapat na yung alam namin na, we like each other."

"Ano ka ba! Hello? Si kuya habulin ng mga babae yan! At lahat ng babae inggit sayo dahil nga sayo na si kuya! Kapag di niyo man lang ipakita sa lahat na kayo, hala ka bes! Baka mamaya may bigla na lang humablot dyan at agawin na forever si kuya sayo!"

"Wag naman!" nagpout ako. "Wag naman..."

"Huy joke lang! Bakit ba kasi like niyo lang ang isa't-isa? Di ba pwedeng love na agad?"

Bigla akong naewan sa sinabi niya. Masyado kasing nakakaano, ewan ba.

We like each other lang naman. Pero love? That's such a strong word.

Wala naman akong magagawa kung sakaling magkagusto si Dylan sa iba.

Pero bakit parang naiinis ako (at parang may something sa puso ko na kumikirot?) kapag naiiisip ko yung possibility na magkagusto siya sa iba?

"Oh! Look at her! That transferee from the other block! Paano kung bigla na lang siyang magustuhan ni kuya? Ang ganda at wow, ang curves!"

Napatingin ako sa sinabi niya.

Grabe, parang nanliit ako. Ang gandang babae. Red curly hair, perfect skin, perfect curves, tapos ang ganda talaga ng katawan niya.

"Magugustuhan kaya siya ni Dylan?"

"I think so! Ang ganda kasi niya! So di malabong magustuhan siya ni kuya!"

"Di siya pwedeng magustuhan ni Dylan dahil siya yung bagong girlfriend ni Drake."

"Grabe Nathan di ko napansin na nandyan ka na pala." sabi ko. Nagulat kasi ako.

"Wag kang maniwala dito sa babaeng 'to, gusto niya lang maging sweet kayo sa lahat ni Dylan kaya dinedemonyo ka niya. Wag kang mag-alala, hands off ang lahat kay Lyza dahil nga siya ang girlfriend ni Drake ngayon."

"Hoy Nathan ang sama mo sakin!"

Nagbabangayan na naman sila.

Ah, Lyza pala name nung girl.

Napatingin ako bigla sa kanya at nagulat ako ng napatingin rin siya sakin. Ng nagtama ang mga mata namin, ngumiti siya. Napangiti na rin tuloy ako.

She looks nice.

"Archi rin ba siya?" tanong ko kay Nathan pagkatingin ko sa kanya.

"Oo. Blockmates sila ni Drake. Wag mo ng tanungin sakin kung paano naging sila dahil di ko rin alam. Di naman nagkkwento si Drake sakin e."

"Sus, ang sabihin mo lang, inggit ka dahil yung kuya mo habulin ng babae, ikaw, hindi."

"Wala akong pakiealam sa mga ganyan. Masaya na ko na nakikitang masaya si Hannah. Diba Hannah?"

"Nathan naman..."

"Haha joke lang yun! Haha! Alam ko naman na wala na kong pag-asa!"

Nathan talaga, hay. Pero kahit ganun, he's important to me.

"Baliw ka talaga."

"Oo nga e. Haha." ngumiti siya at inabot yung isang burger na dala niya. "O, binilhan kita. Eat well."

Sumimangot si Dara.

"E ako paano? Bakit di mo ko binilhan?!"

"Bakit? Close ba tayo?"

"What?! Ang kapal ng mukha mo! Oo di talaga tayo close!"

"Good. Kaya wag kang mag-expect na bibilhan kita ng burger ha?"

"Che! Isaksak mo sa baga mo yang burger mo!"

"Inggit ka lang. O, tignan mo ang burger na 'to, ang bango! At ang sarap pa! Mmmm!"

"Wala akong paki!"

Napabuntong-hininga na lang ako. Nag-aaway na naman 'tong dalawang 'to. Lagi na lang. Parang aso't-pusa kung makapagbangayan.

"Hannah! Wag mong kainin yang burger! Baka malason ka!"

"Hannah wag kang maniniwala sa babaeng 'to!"

Hmm, ang ewan nila!

"O, yan na pala si kuya!"

Tinignan ko yung tinuro niya.

Wow. Naka-uniform si Dylan?!

Pero teka, sino yung mga kausap niyang babae? Nakangiti pa siya ah?

Bigla akong nainis.

Dumaan ako sa kanila at nagkunwaring inaantok, tapos dumaan sa kanila.

"Anakng!"

"Ay sorry." sabi ko na lang paglagpas ko sa kanila.

Nakakainis talaga siya!!!

Lalabas na sana ako ng bigla niya akong hinila paharap sa kanya.

"Namiss kita." sabi niya sabay halik sa labi ko.

Nagulat ako ng nagtititili yung mga schoolmates namin sa loob ng cafeteria.

Mabilis na halik lang yun. Pero mygod, bakit parang namula na ko ng wala sa oras?!

Dagdag mo pa na first time niyang nag-uniform. Pinilit-pilit ko kasi siya kagabi, inaway pa niya ako pero eto nga siya...

Naka-uniform.

"Dylan naman eh."

Nagkamot siya ng ulo. "Sorry. Kinausap ako e. Di na mauulit."

Nagpout ako. "Hmp."

"Tss. Hannah naman, wag ka na ngang ano."

"Oo na. Sorry."

"Ayie! Oh my god ang sweet naman!"

Nagulat ako ng biglang nasa harapan na namin si Dara pati si Dylan na tinakbo pa yung burger ko. Nag-later look na lang ako sa kanya.

"Ang sweet niyo talaga!"

"Dara naman eh." namumula talaga ako. (_ _)

"Manahimik ka na nga lang Dara."

"Ang bad mo sakin kuya!"

"Wala akong pakielam. Hoy Nathan, layas nga muna kayo ni Dara."

"Bakit? Para makapagsolo kayo ni Hannah ganun ba?"

O/////////////O

"A-anong sabi mo?! Aish! Lumayas na nga kayo!"

Ang sungit na naman tuloy ni Dylan! Kasi naman yung aso't-pusa eh!

"Oo na! Oo nga pala kuya, nahanap niyo na ba yung may lightning tattoo na nambastos kay Ate Mandy?"

Napatigil ako bigla sa sinabi niya.

Anong... lightning tattoo?

Bakit di ko alam yun? Anong.. anong meron? May tinatago ba sila sakin?

Nahurt ako bigla.

Tatanungin ko na sana si Dylan ng bigla niyang tinignan ng masama si Dara.

"Ang daldal mo."

Pagkasabi niya nun, hinila na ko ni Dylan palabas ng cafeteria.

Di na ko nagsalita. Hinayaan ko na lang siyang hilahin ako kung saan man niya ko gustong dalhin.

Nagulat ako ng dumiretso kami sa hidden sanctuary. Walang tao kaya kaming dalawa lang ang nandito.

Sinarado niya na yung pinto saka binitawan yung kamay ko. Tumalikod siya at nagkamot ng ulo. Para bang di niya alam kung paano niya ipapaliwanag yung pag-uusap nila ni Dara kanina.

Maya-maya humarap siya sakin at bumuntong-hininga. "Itatago ko sana sayo 'to dahil ayaw na kitang madamay."

I sighed. "Dylan, kung hindi ko dapat malaman, ayos lang. Wag mo na sabihin sakin."

"Hannah..."

"Dylan, okay nga lang."

"Hannah, ganito kasi yun." tinignan niya ako ng diretso sa mga mata. "May lead na kami sa gumago kay Mandy."

"Bakit di mo sinabi sakin?"

"Ayaw ko na ngang madamay ka pa. Atsaka, ginagawa ko lang 'to para matulungan si Mac."

"Si Mac?!"

"Shit!" tinampal niya yung noo niya. "Wala!"

"Anong si Mac? Akala ko ba wala kang contact sa kanya since after the accident?"

Tinanong ko kasi siya last week nung nadischarge na ko sa ospital kung nagpunta man lang si Mac, o kinontact siya. Wala daw. Bestfriend ko pa rin naman si Mac eh.

Pero ano ba talagang nangyayari?

"Kaya nga ayaw ko ring sabihin sayo kasi, ah basta! Hahanapin ng hahanapin mo yung lalaking yun."

"Bestfriend ko pa rin naman siya Dylan. Pumunta ba siya?"

"Tss. Hannah naman! Bakit ba atat na atat ka sa kanya ha? E siya nga ang may kasalanan ng lahat ng nangyari!"

"Sinisigawan mo na naman ba ako?"

"Aish." nagkamot siya ng ulo. "Sorry."

I sighed. "Okay lang. Oo na, di ko na tatanungin yung about kay Mac. Kasi naiintindihan kita. So ano ng meron? I mean anong meron dun sa lightning tattoo?"

"Sabi kasi ni Mac, natandaan daw ni Mandy yung lalaking alam mo na."

I nodded. "Anong lead?"

"May lightning tattoo sa left arm niya at may tatak na 'uno'."

"Wait, gang symbol ba yan?"

"Di siya parte ng kahit anong gang dito. Naghanap na ko ng impormasyon pero wala talaga eh. Wala talaga akong mahanap. Para ngang wala yun dito. Kung myembro man yan ng gang, malamang di taga-Pinas yan."

Di ko alam pero parang napaisip ako sa sinabi niya.

Kung hindi taga-Pinas, taga-ibang bansa?

Kinuha ko yung ballpen ko sa bulsa.

"Teka, may papel ka ba?"

"Wala. Bakit?"

Di ko pinansin yung tanong niya. Kinuha ko na lang yung panyo ko at umupo sa gilid.

"Tss. Ano na naman ba yan Hannah?"

"Yung sa lead na sinasabi mo."

"Sinabi ko lang sayo yun pero wala akong sinabing tutulungan mo kami. Sinabi ng ayaw kitang madamay diba?"

Di ko siya pinansin at sinimulang idrawing yung lightning symbol at isulat yung 'uno' na sinasabi niya.

ϟ uno.

Habang tinitignan ko, di ko alam kung anong pumasok sa isip ko at tinry kong i-vertical ang pinagsamang u at n.

un = S.

Ang labas 'pag pinagcombine ang S at o?

'So.'

Nanlaki yung mga mata ko ng may marealize ako.

So in Korea can be Seo.

Teka lang!

"Dylan, text mo na si Mac ngayon. Pakitanong kamo kung lightning symbol ba talaga nakita ni Ann o ibang characters yung nakita niya pero lightning symbol pa rin ang ibig sabihin."

"Teka--"

"Please, ask him now."

Sinunod naman niya yung sinabi ko. Maya-maya, biglang tumunog yung cellphone niya.

Si Mac.

"Sabi daw ni Mandy, korean hanja characters daw. Lightning nga daw ang ibig sabihin nun."

I knew it.

Huminga ako ng malalim at dinrawing yung korean hanja characters ng lightning.

Kung titignang mabuti, parang magkacombine na U at L. Baligtad nga lang yung U, pero kahit ganun, 'pag pinacombine, UL pa rin ang labas.

At kapag pinagcombine yung Seo at UL. Ang mabubuo, Seoul.

Seoul, Korea.

Tinignan ko si Dylan.

"Malaki ang chance na taga-Seoul Korea yung bumastos kay Mandy."

Nanlaki yung mata niya. "Paano mo nasabi?"

"Ieexplain ko sayo. Okay?"

*riiiiiiiiiiiiiiiiiiiing!*

"Oh no. Bell na. Mamaya na lang."

"Teka, baka malate tayo. Sa class na lang! Tabi naman tayo ng upuan eh."

"Oo na. Lika na nga."

Tumayo na kami. Nauna na siyang lumabas at ako ang nasa likod niya.

Nagulat ako ng huminto siya...

At inabot niya yung kamay niya sakin.

"Ang kupad mo naman maglakad. Bilis na."

Di ko alam pero napangiti na lang ako sa sinabi niya.

At pagkuha ko sa kamay niya, bigla na lang akong sumaya.

Di talaga siya expressive. Pero kahit ganun, masaya ako.

Sa simpleng ganun niya, napapangiti na lang ako.

Ang lambot talaga ng kamay niya. At para bang, 'pag hawak niya kamay ko, safe ako? Di ko na nga alam 'tong nararamdaman ko. Ang lakas ng tibok ng puso ko. Tapos, pakiramdam ko nagpapawis yung palad ko. Nakakahiya naman. Sana hindi.

Pero ewan, ang saya ko.

Pagkapasok namin sa building namin, nagulat ako kasi ang ingay ng mga students.

"Oh my god, she's back! She's really back!"

"I thought she's dead! Grabe talaga!"

"Nawala siya nung junior high right?"

"Oo, bakit 1st year college agad siya?"

"Sabi ng tita ko ginawan ng paraan ng family niya!"

"Oh, paano? Nag-exam siya or what?"

"Yup! Exam. E alam naman nating matalino siya 'no!"

"Wala akong pakielam dyan, basta ako masaya!"

"The Queen Bee is back! She's really back!"

Napatingin ako kay Dylan. Di siya nagsasalita. Takang-taka rin siya kagaya ko.

Pagpasok namin sa classroom, lahat sila nakatingin kay Dylan. Bakit? Dahil magkahawak-kamay kami?

Bakit parang iba yung dahilan?

Umupo na lang kami sa seat namin.

Tumingin sa likod namin si Dara.

"Kuya--"

"Dara, mamaya na tayo mag-usap."

"Pero kuya--"

"Hannah, explain mo na."

Tumalikod na si Dara at nagkamot ng ulo.

"Hannah."

"Oo na." pinakita ko na yung panyo. "Ganito kasi yu--"

"Class! A moment of silence please."

Napatigil kaming lahat at napatingin kay Prof Ledesma na nakangiting-aso sa aming lahat.

"We have 2 new transferees this second semester in our block and they are the lovely children of two of our generous benefactors here in Dela Cruz University. Let's do our best to make them feel at home, shall we?"

"Yes sir." sabay-sabay na sagot namin.

Well, si Dylan, hindi sumagot kasi nagtulug-tulugan, habang hawak yung kamay ko.

"Although di makakapasok yung isa nating transferee, nandito naman ang isang transferee natin na may history na dito sa DCU. She's really talented and smart."

May biglang kumatok sa pintuan.

"Looks like she's here already." binuksan niya yung pintuan at may pumasok na babaeng sa unang tingin mo pa lang, elitista talaga ang dating.

At ng ngumiti na siya saming lahat at nakita ko na ng mas maayos yung mukha niya, nagulat ako.

Sobrang nagulat ako.

"Let's welcome loud and proud, Ms. Mandy Alexandria Salvador!"

At mukhang di lang ako ang nagulat.

Dahil bigla na lang napaupo si Dylan...

Saka nabitawan yung kamay ko.

She's back...

She's really back.

------------------------------------------

Pahinga mode, update soon.

Continue Reading

You'll Also Like

15.7K 850 13
(Epistolary ⌖ GA: The Game) All Belle Santiago wanted was to have a normal college life. Iyong walang mga matang nakabantay, hindi engrande o espesy...
174M 3.7M 76
Sa Kingdom High kung saan magkakaaway ang mga lalaki at babae, posible bang may mabuong relasyon at pagkakaibigan? (Completed. Published under Pop Fi...
325M 6.7M 94
[BAD BOY 1] Gusto ko lang naman ng simpleng buhay; tahimik at malayo sa gulo. Kaso isang araw... nagbago ang lahat. Inspired by Boys Over Flowers.
16.9M 501K 71
Westside University is a home for the wealthiest, most powerful successors in the business world. Students of this campus are not just rich and popul...