Gangster's "I Hate You"

By chuporybeer

146K 1.6K 452

[Keres, the worst girl in the world, brings herself back to life. Life, where happiness exists but pain is un... More

[Prologue]*
Chapter 1 [What Happened?]*
Chapter 2 [Present Time]
Chapter 3 [First Day of School]*
Chapter 3 [First Day of School] (Part two)
Chapter 4 [Batch election. Meet... who?]*
Chapter 5 [Explosion (~~,)]*
Chapter 6 [He's a GC...] (Part one)
Chapter 6 [He's a GC...] (Part two)*
Chapter 7 [Answers to my Questions]*
Chapter 8 [Chismosa]*
Chapter 9 [Déjà vu?]*
Chapter 10 [Bakit sila pa?!]
Chapter 11 [Deadly Desserts]*
Chapter 12 [Baliw -.-]
Chapter 13 [Friday, Fried day!]
Chapter 14 [What's in the eyes.]*
Chapter 15 [Sister]*
Chapter 16 [Change the World =.=]*
Chapter 17 [Wicked Angels]*
Chapter 18 [We did it!]
Chapter 19 [Valentines Day :">]
Chapter 20 [Way back into Love]
Chapter 21 [Say Huwaaat?!]
Chapter 22 [Can't be Moved]
Chapter 23 [What a SURPRISE!]
Chapter 24 [Breakeven]
Chapter 25 [New but Old]
Chapter 26 [Power of Love]
Chapter 27 [Acceptance]
Chapter 28 [A day to remember]
Chapter 29 [Moving Closer]
Chapter 30 [Status: Compl...]*
Chapter 31 [TCC :">]
Chapter 32 [Raise Your Glass]
Chapter 33 [Ow-key? .__.]*
Chapter 34 [The Merge]
Chapter 35 [CMFT...WLUBMYGF]*
Chapter 36 [Realization and Expectations]
Chapter 37 [Starts with the Letter W] (Part1)
Chapter 38 [I Lied] (Part 2)
Chapter 39 [Sing it from the heart]
Chapter 40 [That Ikikikikik >.<]
Chapter 41 [Story of Us]*
Chapter 43 [Guardian Angelsss]
Chapter 44 [Best best best]*
Chapter 45 [Le Visitors]
Chapter 46 [Official]*
Chapter 47 [The Right Time]
Chapter 48 [Suddenly]
Chapter 49 [Freedom]
Chapter 50 [Richard Flores]*
[EPILOGUE]
Special Chapter [New Lives are Formed]

Chapter 42 [Ghost]*

1.4K 11 0
By chuporybeer

[Ghost]

“Bukas ba pwede kang pumunta ulit dito?”

“Gusto ko sana kaso hindi eh. May flight ako papuntang California mamayang gabi. Pinapapunta kasi ako ni Mama eh. Three days ata ako doon tapos paguwi, sasabay na sa akin si Mama.”

“A-ah. So parang susunduin mo siya?”

“Yes. Parang ganun na nga. Sorry ha. Kung hindi lang sana ako nakapagpa-book ng flight, pupunta ulit ako dito. Kaso kasi eh.”Nakita ko ang pagbabago ng ekspresyon sa mukha niya.

“Ano ka ba! Ayos lang yun. Naiintindihan ko naman eh. Saka diba nga yung village niyo katabi lang ng village namin? Edi pagkadating na pagkadating mo pupuntahan agad kita! Hehe.” Sa sandaling pag-uusap namin kanina, ang dami ko nang nalaman sa kanya. Good thing at malapit lang ang mga bahay namin.

“Sige. Ito. Promise ko, babalik ako. At marami kang pasalubong! Haha.”

“Yun oh!” Nagtawanan kami.

“Saka, ipapakilala na rin kita kay Mama.” Bigla niyang sabi kung saan napatigil ako. Oo. Di pa ako kilala ng mama niya. Siya rin naman, di pa kilala ng parents ko. Noon kasi sa states, masyadong busy ang mga magulang.

Sabi sa akin ni Jetty, nakukwento naman daw niya ako sa parents niya. Pero ako, kahit kalian hindi ko siya nakwento sa parents ko. Eh wala naman silang time sa akin eh. Kay kuya at kay Yaya Sol ko lang siya nakwento.

“B-baka magalit siya sa akin.”

“What?! Syempre hindi noh! For sure, matutuwa pa si mama sayo. Basta chill ka lang.”

“Oo na po. Oh pano? Hatid na kita?” tanong ko sa kanya.

“ =___= Pasaway ka talaga kahit kalian. Ako ang maghahatid sayo at hindi ikaw ang maghahatid sa akin. Tara na.” Tumawa nalang ako. Masyado kasi siyang gentleman kaya naman inaasar ko siya. At naaasar naman siya kapag ganun. Ayaw niya kasi ng pinapahirapan ang mga babae o kung ano pa.

“Tita.” Tawag ko kay Tita Alice ng makita siya na nagkakalikot ng halaman sa may garden.

“Oh hija. Sino yung naghatid sayo?”

“Best friend ko po. Mahabang kwento po eh. Mamaya ko nalang sasabihin. Akyat na po muna ako.” Nag-nod nalang si Tita. Wala siyang kaalam alam sa mga nangyayari. Kahit si Yaya Sol o si Tita Ana.

Nakasalubong ko si Mae sa may hagdan.

“Hi Chessa. Kamusta na? Hindi na tayo masyadong nakakapag-usap.” Tama ang sinabi ni Mae. Medyo bumalik kasi ako sa dati na tahimik.

“Hello. Oo nga eh.” :(

Automatic na yumakap kami sa isa’t isa. Nakakamiss.

“AY MAE!”

“Oh?!” Gulat na tanong ni Mae. Naalala ko yung tatay niya.

“Mae. Nakita ko yung tatay mo. Kanina. Nagbe-benta siya ng ice cream. Binigyan ko siya ng contact number para matawagan niya ikaw.”

“Ganun ba? Anong sabi niya?” Inalala ko ang pinag-usapan namin ng tatay ni Mae.

“Kinamusta ka lang niya. Tapos tinanong ko kung gusto ka niyang makita. Ang sabi niya, sa susunod nalang daw. Sa tingin ko, ang akala niya galit ka. Wag kang mag-alala. Sa susunod, isasama kita doon sa lugar kung saan ko siya nakita. Baka sakaling magpang-abot kayo.”

“Talaga? Salamat ng marami Chessa.” Naluluhang sabi ni Mae.

“Wala yun. Sige. Pasok muna ako sa kwarto.” Sana magkita sila.

***

“Susunduin ka ba ng best friend mo?” tanong ni Tita. Nasabi ko na sa kanya na best friend ko yun sa States. Pero di ko pa nasasabi yung nangyari sa amin ni Drake.

Kung anu-ano na ngang dina-dahilan kung bakit hindi na ako sinusundo ni Drake eh. Sa tingin ko, naggda-dahilan din si Drake sa tita niya. Oh well. Good luck sa pinag-gagawa namin.

“Hindi po eh. Saka nasa California po siya ngayon. Tatlong araw po siya doon.”

“Ah ganun ba? Osige. So, mag-isa ka lang pala ngayon.  Mag-ingat ka ha. Bye.” Lumabas na ako ng bahay at sumakay ng sasakyan. Remember? May sasakyan na ako.

Pagkadating ko sa school at pagkababa ko ng kotse, pansin ko ang pagsunod ng mga mata sa akin. Hindi ko sila pinansin at nagdire-diretso sa room ng 4-B.

“Okay. Class dismissed.” Half day lang kami ngayon. Sayang! Kung kailan naman pwede akong gumala saka wala si Jetty. Tagal paaa. 2 days pa T_T

“Bye Chessa!”

“Bye!” I gave them a slight smile. Nasa section B pa rin ako. At kahit papano, hindi na ako mukhang bangag pero syempre tahimik pa rin. Basta. Hindi na ako iyakin pero parang naging moody? Ewan.

Kahapon kasi nung kasama ko si Jetty, ang ingay at ang saya ko. Ngayon para akong na-mute sa sobrang tahimik. Tapos parang nabatukan ng malakas at na-steady sa pagkakayuko yung ulo.

Eh sino ba namang tao ang mag-iingay at ngingiti ng mag-isa?! Jusko po. Hindi pa ako baliw. =___=

Hay. Kung anu-ano na naman tong iniisip ko. Makapaglibot na nga lang. Iinggitin ko si Jetty. Sasabihin ko sa kanya na kumain ako ng madaming cake at ice cream! BWAHAHA.

~ Lalala

Parang tanga akong naglakad. Ewan ko ba. Nung naisip ko ang evil plan ko para kay Jetty, bigla akong ginanahan. O baka dahil excited lang akong kumain? -.-

“Mianna…” Narinig ko. O baka guni-guni ko lang yun? Too late. Dahil alam kong totoo yun. Nakita ko na. Syempre, kasama niya si Raiza.

Act normal Chessa. Magagalit sayo ang kuya mo pati si Jetty pag ganyan kaaa.

“Uy Charles! Kamusta? Long time no talk ah.” Ngumiti ako. Yung ngiti na parang walang problema. Nakita ko ang panlalaki ng mata niya. Siguro dahil hindi na niya nakikita ang pain sa akin. Hay. Kung alam niya lang, binalik na naman niya.

Hindi sila nakapag-react. Pati si Raiza parang natatakot na natatae.

“Hey guys. Okay lang kayo? “ Itinapat ko ang kamay ko sa mukha nila para mabalik sila sa realidad.

“Ah. Y-ye—“ Naputol ang sanang sasbaihin ni Drake.

“Oo naman Chessa. And we’re happy together.” Nakangiting sabi ni Raiza sabay sumabit sa braso ni Drake.

Naramdaman kong nagdikit ang mga ngipin ko.From smile, nagiging gritted teeth. Bago pa tuluyang makita ang galit ko, nagsalita na ako.

“Oh talaga? Good to hear. *smirks* Una na ako ha. Kakain pa kasi ako. Bye. Take care.” Tinalikuran ko na sila.

At bumalik na naman ang mukha ko sa pag-simangot. Pero di talaga ako pwedeng umiyak. Wala lang. Ayoko lang. Mamaya ma-dehydrate na ako eh. Mamatay pa ako.

Makapunta na nga lang sa Cake shop. Naglakad na ako. Panget kasi kapag nag-kotse pa ako. Masyadong malapit. Sayang gas.

Habang naglalakad ako, bigla nalang akong may naaninag.

Bigla nalang akong napatigil. Di ako pwedeng magkamali. Siya yun. Siya yung nakita ko malapit sa may likod ng school.

Si Richard. Pero hindi ko siya pinansin. Walang dahilan para pansinin ko siya.

Wala naman na akong pakialam sa kanya eh. Kaya lalagpasan nalang. Mabuti nang magpatuloy nalang maglakad.

At isa pa... masyado na akong maraming... wala.

"Chessa." Tawag niya. Pero deadma lang.

"Keres." Napatigil ako. Siya na naman. Gusto ko... gusto ko ng bumalik sa pagiging siya. Pero di ko magawa.

Hinarap ko si Richard.

"Sorry Richard. Marami akong ginagawa ngayon. Kung gusto mo makipag usap, mag-set ka ng appointment natin sa secretary ng school. Una na ko." Sa totoo lang, wala naman akong ginagawa.  -__-

Alam ko namang hindi maniniwala si Richard eh. Hindi naman ako celebrity para masobrahan sa pagka-busy na tipong kailangan na ng sekretarya. At ng school pa. Tsk! Maniniwala siya? Tanga niya.

"Liar. Ang sabihin mo, naduduwag ka lang." Napayukom ang kamay ko sa narinig ko pero pinigilan kong gumawa ng isa pang galaw dahil alam kong iba na ang magagawa ko.

Nakatayo lang ako at hindi siya pinansin.

Nagulat ako sa sunod niyang ginawa.

Sinuntok niya ako. Sa pinaka mahinang parte ng katawan ko. 

Sa braso. Madalas, pag nasusuntok ako doon, napapa-aray talaga ako. Pero ngayon...  Ewan ko ba.

"Ang hina mo Richard. Kahit saang klase ng bagay, napakahina mo pa rin." Sabi ko. Para maasar siya. At para malaman niya ang totoo.

"Hindi ako mahina. Ikaw. Bakit hindi mo magawang lumaban pabalik? Takot ka na noh? Naduduwag ka na. Bakit dahil sobrang nasaktan ka sa nangyari? Alam ko yun. Nabalitaan ko. Ang sakit noh?" Nagpanting na ang tenga ko sa narinig ko. Halos maitaas ko na ang kamay ko para sumuntok pero sa pangalawang pagkakataon, pinigilan ko. 

Nasasaktan ako. Nadudurog ang puso ko tuwing naaalala ko kung paano... kung paano niya ako niloko. Mga bagay na gustong gusto ko nang kalimutan.

"Hindi sa lahat ng pgkakataon, ang paglaban pabalik ang magpapakita ng katapangan ng isang tao. Minsan, ang pagsuko rin. Alam mo, Hindi ko alam ang sinasabi mo. Aalis na ako." Nagumpisa na akong maglakad pero bigla nalang niya akong tinulak. Natumba ako pero wala pa rin... akong nararamdaman.

"Weak ka Chessa!"

*BOOG*

Sinuntok niya ako. At nalasahan ko naman ang dugo sa bibig ko.

At doon, nag umpisa ng tumulo ang luha ko. Hindi dahil sa suntok niya kundi dahil sa sinabi niya. Tama siya weak ako. Tignan mo, sabi ko di na ako iiyak eh. Leshe.

"HA-HA-HA-HA. Ang galing mo naman! HA-HA-HA." Tumawa ako ng patay. Habang patuloy paring tumutulo ang luha.

"Kasalanan mo kung bakit ako naalis sa Thornton!" Isang suntok na naman mula sa kanya. He's so stupid. Ako pa talaga ang may kasalanan? Tsk.

"HA-HA-HA. Ang gag* mo naman. HA-HA-HA."

Puro tulak at suntok ang natamo ko mula sa kanya pero hindi ko siya ginantihan. At wala akong balak.

Kawawa naman siya. Baka walang punching bag sa bahay nila. Tss.

Itinaas niya ang kamay niya para muli akong suntukin. Alam kong malakas ito dahil kitang kita ko ang tensyon sa mga mata niya. At ang pwersa sa nanginginig niyang braso. Kaya ipinikit ko ang mata ko para hindi ko makita.

Para diretso tulog na ako. At sana... hindi na ako magising pa.Siguro naman maiintindihan ni Jetty kung mawawala na ako.

Ilang segundo ang hinintay ko para sa suntok niya pero wala akong natanggap.

At ng itaas ko ang ulo ko, nalaman kong may pumigil pala sa kanya. Ang tatlo sa Deadly deserts at ang Wicked Angels. 

"Dalhin niyo na si Chessa sa school. Kami na ang bahala dito." Sabi ni Jm. Inalalayan naman nila ako.

Nang makarating na kami sa office ni Tita, patuloy pa ring tumutulo ang luha ko. Pinunasan ni Kelly ang luha ko at niyakap nila ako.

Sila ang dahilan kung bakit hindi ko kayang ibalik si Keres. Sila... na alam kong totoo sa akin.

Na alam kong nandiyan para sa akin. 

Pero hindi ko alam kung hanggang kailan... At ako mismo sa sarili ko, ayaw na tulungan nila ako. Dahil ayoko na silang madamay. Pero naalala ko. Pinag-usapan na namin to ni Kelly. Na tutulungan nila ako kapag gusto nila. *sighs* Sana pala umilag ako kay Richard para di nalang nila ako tinulungan.

"B-bakit? B-bakit niya yun ginawa sakin? Bakit niya ko niloko? Okay lang naman sa akin kung sinabi niya agad o kung pinaliwanag niya ng maayos pero hindi eh. Pinagmukha niya pa akong tanga. Ang masaklap pa nun... hindi nagagamot yung sakit." Bigla bigla nalang lumabas sa bibig ko habang ginagamot nila yung sugat ko. Natatakot na ako sa boses ko. Si Keres ang kilala kong may-ari ng boses na iyon.

"Chessa..." tawag nila. Tumulo na naman ang luha ko. Chessa. Buti nalang nandyan sila para ipaalalang ako si Chessa.

AAAAAHHH! Ayoko na. Kung isa man tong masamang panaginip, sana may isang taong magmalasakit at magbuhos sa akin ng malamig na tubig para magising na ako. Hindi ko talaga alam kung hanggang kailan ganito at hindi ko rin alam kung hanggang kailan ko kayang tiisin ang lahat ng to.

"Daig pa ng sakit na iyon ang sakit pag pinatay ka eh. Ang sakit kasi pag pinatay ka, onting hintay lang, mawawala na rin. Hindi mo na mararamdaman. Pero eto... humihinga ka pa... gumagalaw ka pa...

Parang pinapatay ka na... " </3

Natahimik silang lahat. Parang tanga talaga ako. Mali. Tanga na talaga ako.

“HAHAHA.” Bigla kong tawa. Naguguluhan na ako. Tokwa. “Ha ha ha. Wag niyo na akong intindihin. Joke lang. Haha.” Sabi ko and the next thing happened? Everything went black.

[Kelly's POV]

 Nahimatay si Chessa kaya agad namin siyang binuhat at dinala sa kwarto sa office ni Tita Ana.

Buti nalang wala si Tita Ana ngayon at kay Jm pinagkatiwala ang susi ng office kaya agad kaming nakapasok.

Pangalawang beses na to na pinapahirapan ni Chessa ang sarili niya physically. Last time, yung pinagsusuntok niya yung puno. Ngayon naman, kay Kuya.

 “Grabe namiss ko talaga tong baklang to.” >o< Nech

“Ako rin kaya.” TToTT Claire

 “Eh kasi. Bat niya ba talaga tayo nilalayuan?” Tanong naman ni Hannah. Alam na nila ang ginagawang pag-iwas ni Chessa. Napansin nila eh. Kaya sinabi ko na yung tungkol sa pakiusap ni Chessa.

Kaya nga hindi na talaga namin masyadong kinakausap si Chessa dahil yun ang pakiusap niya at naintindihan din ito ng barkada.

Pero kahit ganun, lagi namin siyang sinusundan o pinapanuod. Nakita nga namin kahapon yung lalaking kasama niya. Hindi nga lang namin naririnig yung pinag-uusapan nila at hindi rin namin kilala yung lalaki.

Syempre hindi kami pwedeng lumapit dahil malalaman ni Chessa na sinusundan namin siya.

Kanina rin. Nakita namin na nagkasalubong si Chessa pati sila Drake. Nagulat pa kaming lahat ng makitang ngumiti si Chessa. Hindi namin yun pinakialamanan pero sa nakita namin sa ginawa ni Kuya, sobra kaming nagulat at di namin napigilan na hindi siya tulungan.

“Hindi ko rin alam kung bakit eh. Pero tingin ko, ginagawa niya yun para sa atin din. Magtiwala nalang tayo sa kanya. Nababantayan naman natin siya kaya ayos lang.” Paliwanag ko sa kanila.

Lately, parang bumaliktad yung mundo namin. Sila yung stressed tapos ako lagi yung nagpapaliwanag sa kanila. Kumbaga, parang ako yung naging ate.

Raiza Gomez kasalanan mo to =___= Kung di mo sana nilandi si Charles, mae-enjoy ko pa ang childhood ko >0<

“Asan na si Chessa?” Napalingon kami sa pinto at nakita si Mark.

“Nasa kwarto. Eh si kuya? Anong ginawa niyo sa kanya?” Kahit g@go yun, nag-aalala pa rin ako sa kanya. Ang bait ko talagang kapatid.

“Wala. Nag-utos lang ako sa mga tauhan ni Tita Ana na iuwi na si Richard sa condo niya. Wala naman kaming ibang ginawa.” Paliwanag ni Jm.

“Salamat.” Sambit ko.

“Wala yun. Di naman talaga namin siya balak saktan o ano eh. Kahit papaano, kapatid mo pa rin yun at naging kaibigan din namin yun dati. Sige. Una na kami. Tawag nalang kayo pag may kailangan kayo.” ~ Josh sabay umalis na silang tatlo.

Ano bang nangyayari sa Deadly desserts >__< Tatlo nalang sila! Baka sa susunod si Jm nalang ang matira.

*BLAG!*

Continue Reading

You'll Also Like

100K 4.2K 26
Love at first sight, that's what Dominique Lorre Fuentes felt for her Best friend's Older sister, Celeste Rein Alegre. The first time she laid her e...
2M 24.9K 48
Soon to be Published Solana's mother works as a maid for Yleo's family, but in an unexpected event her mother passes away. Before it disappeared fro...
1M 35.1K 76
[REVISED VERSION: MAY 2024] Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but with dissonance.
54.8K 1.5K 54
What will happen if The Bobo Meets The Gago ??? What if the Poor meets the Rich ..? Matututunan ba nilang mahalin ang isat isa ?? Does their relation...