Scary Stories 5

By Sheree_Mi_Amour

41.4K 1.3K 19

The stories you're about to read are not mine. These are all from the popular Facebook page "Spookify". Enjoy... More

Nueva Ecija - 1997
Ang MedRep
Maynila - 1993
Nueva Ecija - 1989
Tapik
Mindoro - 2006
Pamahiin sa Patay
Cagayan de Oro - 1950
San Mateo, Rizal - 1996
Bicol - 1955
Camping sa Baguio
PUP Scary Stories
Look Up, Up, Up
Serial Killer si Madam
The Horror Stories of Mindanao State University, Marawi City
Ilaw at Sigaw
The Customer
Opisina
R.L.E.
Full Moon
Nagpaparamdam na mga patay
Baguio Experience - 2019
Haligi ng Tahanan
Compiled Stories 1
Dugwak
Immersion (Parts 1-5)
Kulam
Caramoan
Accident call
Batangas (Bundok) (Parts 1-5)
Kapahamakan sa Kabundukan
Manggagamot
Bakanteng Lote
Nang dahil sa sampung piso
No one will know (Parts 1 & 2)
No one will know (Parts 3 & 4)
Compiled Stories 2
Station 4
Parola
Mananabtan
Katotohanan (Parts 1 & 2)
Ortigas - 6/29/19
Factory
Engineering Building
Bisita sa Bicol
Haunted Supermarket
Ang Engkanto sa Parking Lot ng Trinoma
Auntie V
Auntie V (Balikan)
Tubuhan (Parts 1 & 2 + Prequel)
Compiled Stories 3
Ingay ng Bulong (Parts 1 & 2)
Education Building
Bakuran
Mountaineer Stories
Hinang-hina ang Gabay namin
Playground of Ghost and Such (Parts 1-3)
Amadeuz Tale : Jenny
Salabay
Bulong
Past 3AM
Yaya
Ligaw
The Unsolved Mystery in my School
Compiled Stories 4
Unfamiliar face of a girl on the stair
Summer Vacation (Parts 1 & 2)
Training Center
When Someone's Dying
Third Eye
Compiled Stories 5p
Orphanage
Sapi
Kababata/Baway
Random Stories (Parts 1 & 2)
Kasunduan sa Demonyo
Anita, Babaeng Itim, Paring Pugot at Retreat
Nakita Kita
Compiled Stories 6
Land of the Rising Sun
LAStsING
The Wake & The Game
Di na tayo pwede
Pag oras mo na, oras mo na
Compiled Stories 7
Boundary at Subdivision
Lungsod ng Quezon - 2009
About Doppelgangers
Kaybiang Tunnel Stories
Compiled Stories 8
Who is she? (Parts 1 & 2)
Mackaroo's Journal : My Last Confession
11/21
1994
Compiled Stories 9
Kay-Anlog Road
Ang Batang Tambay sa 14th Floor
Compiled Stories 10
Multo sa Mall?
Hilaga
Dalisay + Faith Healer
Earthquake Drill
Kuya Leo and Ate Lea
Gown
My Lola's Story (Parts 1-3)
Compiled Stories 11
Kulam Adventures (Parts 1-3)
Doppelganger Stories
The Chronicles of Nadia (Parts 1-5)
Compiled Stories 12
Stranger Danger
Dayo
Friday Night at Ang Babae sa Mall
NoSleep Series : Trabaho sa Dark Web (Parts 1-5)
Davao Doctors College (6th Floor Cad Bldg)
Unknown
Dyablo Island
My Lola and I (Parts 1-3)
Enchanted
Auditorium (Parts 1 & 2)
Kulam ba o Mental Illness?
Tubuhan: Triangle
Compiled Stories 13
Pamahiin
Ngiti
Engkanto
Compiled Stories 14
Madre
Me and My Two Best Friends (Parts 1-4)
Lason
Compiled Stories 15
Si Ninong (Parts 1 & 2)
Jose + Sumpa
Spirit of the Coin
Black Witch (Parts 1 & 2)
Compiled Stories 16
Mahiwagang Garden (Parts 1 & 2)
NoSleep One-shot Story : Ang Insidente sa Highway 1093
NoSleep One-shot Story : Parang may mali sa aking Lasik Surgery
The Sign
Compiled Stories 17
Compiled Stories 18
Compiled Stories 19
Kasabay
Ngayon naniniwala na ako
Papatayin kita
Mga kababalaghan
Naririnig kita
Compiled Stories 20
Compiled Stories 21
UV Express, Black and White Feathers at Si Anna
Psychosis (Caloy from Cebu)
Come Again
Compiled Stories 22
New Found Friend
Creepy Classroom
Bicol Dekada Otsenta
Hindi lang kami ang baliw dito, Miss
NoSleep (One-Shot Story) : Ang baog kong asawa ay nakabuo ng bata
Compiled Stories 23
Crematorium, 2012
Experiment
Compiled Stories 24
Mt. Cristobal (The Devil's Mountain)
Doppelganger Stories 1
Compiled Stories 25
Cronica Bruja : Hatid
Ilog sa Mt. Banahaw, Quezon Province
Compiled Stories 26
Compiled Stories 27
Ghost Wedding
Gutom (Parts 1-2)
Compiled Stories 28
Isay comes home (Parts 1-2)
Ricky's Wishing Coin
Stranger Danger (Parts 1-2)
Deliver us from evil
Kainan sa may Palengke
Anino (Parts 1-3)
The Bus Station (Thailand Tour)
Sine
Nawawala ang Nakaburol
Ang Babaeng pinaanak ang sarili (Parts 1-2)
Baboy
Kakila-kilabot na pagsalubong sa Bagong Taon
Till death, we'll never part (Parts 1-4)
Compiled Stories 29
Doppelganger Stories 2
Thou shalt not steal
Kerosene
Compiled Stories 30
Semana Santa
Huling gabi ng Santa Cruzan
Balkonahe (Lilac Story)
Poso
Kaibigan
At lumabas ang Halimaw mula sa Libro
Selos
Bahay-bahayan

The Museum

185 5 0
By Sheree_Mi_Amour


Good Evening po. Just want to share my experience last 2017 noong naisipan namin ni ex na pumasok sa isang lumang museum dito sa bayan namin. I won't mention the place nalang.

Nasa hagdanan pa lang kami na may pulang carpet at sabay na tiningala ang madilim na 2nd floor. Nagkatinginan kami at hindi ko alam kung guni-guni ko lang ba yun pero saglit ko syang nakitaan ng takot sa mata nya. "Natatakot ka ba?" Natatawang puna ko. Agad naman nya akong sinamaan ng tingin, lalong nagsalubong ang kilay nyang makapal. "Hindi ah. Ano, ready ka na ba?" Tumango ako pero mahahalata sa mukha ko ang pag-aalangan.

Bumuga sya ng malalim na hininga at bahagyang pinukpok ang dibdib, "Wooh! Bigla akong kinabahan." Parehas kaming natawa. Hindi kasi namin alam kung anong naghihintay sa amin sa itaas, madilim kasi. Mukhang parehas kami ng iniisip. "Akala ko ba hindi ka takot sa mga ghostly thing?" Nabanggit nya kasi dati na minsanan na din silang nag-ghost hunting ng mga kaibigan nya pero hindi naman daw sya kailanman nakakita pa ng ghost. Parehas din kaming adik sa horror movies at immune na immune na daw sya since bata pa lang, yun na ang interes nya. Gustong-gusto nya daw kasing makaranas na makakita man lang ng ghost kung totoong nag-e-exist daw ba sila.

"Em," tawag nya sa akin. "Pwedeng next time nalang natin gawin 'to? Iba kasi ang pakiramdam ko dito e." Doon na ako tuluyang humagalpak ng tawa pero hininaan ko ang boses ko. "Seryoso?" Sabi ko sabay tingin sa itaas at sa kanya. Nasa hamba na kami ng hagdanan tapos biglang maisipan nyang mag-retreat? Hindi sya mapakali at panay ang galaw nya. Muli syang huminga ng malalim at natawa. "Tsk, tara na nga lang, sayang naman ang binayad natin dito." sabi ko nga.

Nagsimula na kaming umakyat at medyo nauna ako aa kanya ng konti since sinadya nya yatang magpahuli. Hanggang sa nakarating na nga kami sa ikalawang palapag. Kakaapak ko pa lang sa sahig mismo nang marinig ko syang nagmura, "Oh shit!" nilingon ko sya nang may napansin ako, diretso akong napaharap sa kanya at napasinghap, mangiyak-ngiyak, saglit pa akong napapikit at nanigas ang buong katawan. Pagdilat ko ay impit akong napasigaw, "Shettyy!."

Alam mo yung feeling na gulat kang sinalubong ni kamatayan at saka mo lang namalayan na nasa bingit ka na pala ng kamatayan? Yung naglalaro kayo ng tagu-taguan nang may biglang mag-'boo' sa pinagtataguan mo? Yung biglang ang seryoso ng pinanonood mong horror scene nang biglang mag-jump scare, nakakagulat kasi pakiramdam mo, biglang hinugot ang puso mo at muling binalik. As in, parehas talaga kaming nagulantang sa nangyari. Teka, ano nga bang nangyari?.

"Ikaw rin?!" sabay naming singhap parehas. Paano, nang umapak kasi ako sa sahig na mismo, bigla syang nagmura, paglingon ko, saktong may napansin akong itim na parang usok or more like, anino, tumakbo ito sa bandang likuran ko kaya diretso akong napaharap sa kanya. As in, about face kung about face. Napapikit ako sa sobrang gulat, hindi ko inaasahan yun, sa totoo lang. Naramdaman ko lang sila pero ni minsan, hindi pa ako nakakita, ngayon lang. Nagmistulang tuod ako bigla. Dumilat ako at...

Isang pari na nakatayo pero walang ulo sa tapat ko mismo. Yun pala isang mannequin lang na nakadamit pampari nang maaninag ko. Kaya natatawang napamura ako sabay tingin sa gulat at nanlalaki nyang may kasingkitan na mga mata. Literal na nakatunganga siya at nakanganga.

Sandali pa kaming nagkatinginan at muling natawa. Hindi ako nakaramdam ng takot talaga, I am actually thrilled. This is my first time seeing a black entity. Akala ko magyayaya na syang umalis na kami doon pero ngumisi sya at sinabing, nakita daw nya ang isang repleksyon ng isang itim na anino sa salamin pagkaangat nya ng tingin. Nasa gilid daw ito hanggang sa pumunta nga sa likuran ko at biglang nawala.

"Hahaha, tara na nga, itutuloy na natin ito. Imahinasyon lang natin yun." Aniya at diretsong naglakad. Nagpalinga-linga pa sya sa paligid at taas noong sinabing, "See? Wala namang ibang tao dito bukod sa atin." Natatawa akong sinundan sya.

Hindi naman ako natakot pero hindi lang kasi ako kumportable sa mga naglalakihang estatwa kahit pa sabihin nating mga rebolto iyon ng mga santo at may mga sculptures din ng Panginoon. Medyo madilim kasi sa loob, nakapatay ang ilaw. Tanging ang liwanag lang na nagmumula sa bintana ang nagsisilbing ilaw namin sa malawak na silid nito. Tapos makulimlim pa sa labas at dumagdag pa itong kasama ko.

Ang creepy ng ambiance sa totoo lang. Lumang bahay kasi at ang sahig ay yari sa kahoy na sa tuwing inaapakan mo ay may nililikhang tunog na kadalasang naririnig sa mga horror movies.

Abala ako kakatingin sa mga rebolto at inaaninag din ang mga ito since hindi ko masyadong mamukhaan at parang anino lang sila na nakatayo dahil nga madilim. Bigla akong mapapakislot nang maramdaman ang hindi mapakaling galaw ng kasama ko. Segundo lang ang pagitan at bahagya itong maalarma sa hindi ko malamang dahilan. Hindi tuloy ako maka-focus sa ginagawa ko kaya panay ang sunod ko sa kanya. Kung saan-saan kasi sya pumupunta. Pilit na dini-distract ang sarili.

"Oh, bakit ka sunod nang sunod sa akin? Doon ka nga! Huwag mong sabihing natatakot ka?" Kung alam nya lang na kanina ko pa sya pinagmamasdan at lihim na pinagtatawana. "Di ah, parehas lang na dito din ang punta ko." Sabi ko nalang at tiningnan ang paligid. Napunta na naman kami sa kabilang sulok kung saan ko nakita ang pari na walang ulo kanina. Nakita ko na naman ang mannequin nito at tatlo pala talaga sila.

Walang saysay ang pagtitingin ko ng pictures, may mga nakapaskil kasi sa mga board sa bandang ito, kasi naman madilim. Hindi ko maaninag. Ang liliit nila lahat. Muli na naman syang gumalaw ng kasing bilis ng kidlat at pumunta sa kabila. Sinundan ko nalang ulit dahil kanina ko pa napapansin na parang may iniiwasan sya. Hindi talaga sya sanay 'no?.

Bigla pa akong kinabahan nang hindi ko agad sya nakita. Maraming pasikot-sikot kasi ang kabuuan ng silid. Maraming mga nakahilerang boards. Nakahinga lang ako ng maluwag nang makita ko sya sa bandang bintana. Sa harapan ng isang glass kung saan may painting o drawing yata sa loob nito. Hindi masyadong klaro, mukhang landscape o mga tao? May kalumaan na din kasi.

Maya-maya pa. muli na naman syang napasinghap at akmang aalis na naman nang magsalita ako, "Hayaan mo lang kasi siyang sumunod. Huwag mo nalang pansinin. The more mo kasing pansinin, the more kang guguluhin." Sabi ko kahit na nararamdaman kong nasa kabilang gilid ko lang ang kanina nya pa iniiwasan. Tapat nya mismo. "Hindi ko kasi mapigilan e." mahinang sabi nya. Sabi na nga ba.

Tiningala ko sya at nginitian, "Huwag mo lang ipahalata na nakikita mo siya." Alam kong hindi lang basta nararamdaman nya, may pagkakataong nakikita nya rin ito. Sino nga ba kasing hindi matatakot kung dalawa lang kaming nandito sa madilim na silid na ito at panay pa ang sunod ng isang hindi mo kilala kung tao ba ito o isang entity.

Aware ako sa ibang presensya sa kanina pa naming kasama, sinalubong pa nga kami di ba? "Maging mabait ka naman, ni-welcome na nga tayo kanina oh tapos ganyan ka pa." Biro ko sa kanya. Napalunok sya at muling umalis. "May nakita akong kwarto doon sa kabila, tara puntahan natin." Napailing ako at sinundan nalang siya.

Yung akala mo sa mga palabas at libro mo lang nalalaman pero yung feeling na ma-e-encounter mo sila mismo? Kakaiba sya. Pero sanayan nalang talaga. Ang kaso, hindi talaga sanay itong kasama ko, first time nya e. First time ko rin namang makakita pero nanatili naman akong kalmado. Wala ka kasing mapapala kung magpapadala ka sa takot mo at magpapanic ka. Hindi ka na makapag-isip ng tama dahil pinangunahan ka na ng takot. Baka kung ano pang mangyari sa'yo sa ganuong estado ng pag-iisip.

Nang makarating kami sa kwartong sinasabi nya ay sobrang luma na nga nito. May isang single size na higaan na yari sa rattan. Isang upuan na rocking chair yata, pero sira na. Isang table sa gilid ng kama. May picture frame din na nakasabit sa dingding. Medyo may konting alikabok na ang lahat ng kagamitan, siguro hindi masyadong nalinis ng mga caretaker.

Lumapit ako sa bintana at saka hinarap ang kasama ko na nanatiling nakatayo. Sa palagay ko, mukhang nakahinga sya ng maluwag. Napabaling ang tingin ko sa higaan na nasa gilid nya. Hindi ko tuloy maiwasang ma-imagine ang isang matandang lalaki, puting-puti na ang buhok, nakaupo sa gilid ng higaan nito. Nakatingin ito sa akin tapos sa kanya. Iyong nakita kong larawan ng isang lalaki sa picture frame. Napailing ako at bahagyang nilapitan sya.

"What if, let's have a picture?" Sabi ko. Binilinan din kasi kami kanina na bawal daw kumuha ng litrato. Pero since, nasa isang kwarto naman kami at maliwanag, baka pwede. "Kumuha ka diyan mag-isa mo." Aniya at biglang nataranta ulit. "Teka, naririnig mo ba yun?" Sabay tingin sa labas ng kwarto. Doon sa mga hilerang rebolto mismo. Kita lang naman kasi. Hindi ko maitago ang ngiti ko. Natatakot na talaga sya. "Ang alin ba?"

"Yun!"

"Yung tunog na yun!"

Aniya habang nakaturo ang hintuturo sa itaas, handa ng tumakbo. Tiningnan ko sya at parang maiihi na sya na ewan. Blangko naman ang kabuuan ng mukha nya pero makikita sa mata nito ang matinding takot. Ang bilis pa ng pag-angat baba ng dibdib nya. Mabilis na paghinga. Nagbiro pa sya pero nangingibabaw pa rin yung eerie feeling na kanina nya pa nararamdaman.

May narinig naman akong parang isang tunog ng device. Yung kadalasang ginagamit sa mga ghost hunting. Yung tunog na yun ang naririnig ko. I think normal lang yun sa lugar na 'to. Spirit detector yata ang tawag. Ewan. "Yun? Kanina ko pa naman naririnig yun, bakit?" pero napapaisip din ako sa sinabi ko. Wala naman yun kanina pagpasok namin. Hindi ko nalang sinabi sa kanya ang napansin ko. "Hindi. Parang tunog ng sapatos." Aniya at nag-demonstrate pero iba naman ang tunog na nalikha nya.

"Nope. I think it's a device. Yun bang nakaka-detect kapag may ibang eapiritu sa isang lugar. I think, normal naman yan dito. Tapos kapag bumibilis ang tunog nito, ibig sabihin, meron nga at malapit lang ito." Pagpapaliwanag ko sa kanya. Pero nababagabag din kasi talaga ako. Wala talaga yung tunog na yun kanina pagdating namin. Kami nga lang yung maingay e. Panay bulungan.

"Hindi talaga e." Ini-insist talaga nya na hindi yun ang narinig nya. Hindi naman tumigil ang tunog at medyo naninindig na din ang balahibo ko. Biglang sumibol ang kaba sa dibdib ko kaya bahagya akong lumayo sa kanya at sinilip ang labasan. Napasinghap pa ako nang makitang may tao doon. "Ikaw lang pala yan kuyang guard. Nananakot ka naman e," may hawak syang flashlight, nakatingin sa itaas at nilingon nya ako sabay ngumiti. Hindi naman sya nagsalita at inalis ko na rin ang tingin ko sa kanya. "Umakyat si kuyang guard. Tara na nga lang sa labas." Sabi ko sa kanya at saktong paglabas namin ay wala na si kuyang guard. Saan kaya yun nagpunta?.

Hanggang sa makababa kami, hinanap ko pa rin si kuyang guard na nakita ko kanina. Wala, isang guard lang ang nakita ko at kalbo pa. Hindi naman kalbo yung nakita ko sa taas. At kung hindi naman sya bumaba, naabutan pa sana namin sya paglabas since nasa iisang floor lang kami at mabilis namang mapansin ang uniform nyang bagong-bago. Tsaka, wala pang isang minuto ang paglabas namin mula nang makita ko sya at nginitian pa nya ako.

I don't want to think differently kaya hindi ko nalang din sinabi sa kanya ito avoid confusion.

-- This happened to us last 2017 sa isang lumang museum. Until now, I could still recall vividly what happened. But, I still love to go to museums.

📌 EM

Continue Reading

You'll Also Like

15.8K 755 27
Walang ibang hangad si Dra. Chenimeth Bayron kung hindi ang makapagbigay ng libreng serbisyo sa mga kapos-palad. Dahil dito, napagpasiyahan niyang su...
5.1M 58K 106
Kanina may nakita akong DYOSA~ Nung nilapitan ko Naumpog ako.... - Shuteng inerns SALAMIN LANG PALA! - #DyosaProblems #LoveProblems #InCrushProblems...
6.8K 433 25
ANGELICA: Ang Multo ng Balete Drive Kuwento ni Segundo Matias, Jr. Guhit ni Jamie Bauza
204K 6.1K 71
Hinghest Achievement in Horror - #7 Transfer Student si Jasmin Fajardo sa Kirin Art Academy , Eskwelahan na akala niya ay Normal ngunit hindi pala...