My Tag Boyfriend (Season 2)

By OppaAnja

15.9M 280K 69.7K

Nagsimula ang kwento nila sa maling pagkaka-tag ni Sitti sa pinakasikat na lalaki sa school nila na si Kaizer... More

Plot
My Tag 1
My Tag 2
My Tag 3
My Tag 4
My Tag 5
My Tag 6
My Tag 7
My Tag 8
My Tag 9 (Special Chapter)
My Tag 10
My Tag 11
My Tag 12
My Tag 13
My Tag 14
My Tag 15
My Tag 16
My Tag 17
My Tag 18
My Tag 19
My Tag 20
My Tag 21
My Tag 22
My Tag 23
My Tag 24
My Tag 25
My Tag 27
My Tag 28
My Tag 29
My Tag 30
My Tag 31
My Tag 32
My Tag 33
My Tag 34
My Tag 35
My Tag 36
My Tag 37
My Tag 38
My Tag 39
My Tag 40
My Tag 41
My Tag 42
My Tag 43
My Tag 44
My Tag 45
My Tag 46
My Tag 47
My Tag 48
My Tag 49
My Tag 50
My Tag 51
THE END

My Tag 26

249K 4.6K 873
By OppaAnja

UNEDITED. DI NA-EDIT. MADAMING TYPO. WALANG KWENTANG CHAPTER.

My Tag 26

Sitti's POV

          Dear Lord, bakit po ako? Bakit po ako ang napili sa klase namin na sumali sa song writing contest na iyon? Ni hindi nga po maayos yung penmanship ko. Iba-iba rin po ang font ko kapag nagsusulat. May iba-iba rin po silang direksyon sa papel ko.

          Kaya bakit po ako? Bakit?

          "Kaya mo 'yan!"

          Biglang sumimangot ang mukha ko nang marinig ko yung pigil na pagtawa ni Kaizer "The Yabang" Buenavista na nasa tabi ko.

          "Sige! Tawa pa! Yayaman ka dyan!" Inis na sabi ko sabay irap sa kanya.

          Ang yabang talaga kahit kailan ng Kaizer Buenavista na 'to! Akala mo kung sino kagalingan! Tatawa-tawa pa siya! Huh! Mabulunan sana siya sa kakatawa niya!

          'Eh talaga namang magaling siya, Sitti. Kaya ano pang dinadabog-dabog mo dyan?' Sermon na naman sa akin nung boses sa utak ko.

          Siya nga pala, nasa bahay na pala ako ngayon at kasalukuyang nanggugulo sa gulong-gulo ko ng utak si Kaizer Buenavista.

          Psh! Kung di lang siya ini-special request ni Mama sa akin, di ko na siya isasama dito sa bahay eh!

          'Sitti, hindi mo siya sinama. Sinama niya ang sarili niya dito.' Sagot na naman ng boses sa utak ko.

          Ay oo nga pala! Nakalimutan ko na nagprisinta pala siya na dumaan sa bahay namin para dito na daw makikain at para matulungan na rin daw niya ako sa nakatoka sa akin na category para sa contest.

          Sus! Di naman niya ako tinutulungan! Inaasar niya lang ako eh! Pauso nitong mayabang na 'to! Gusto lang naman niya makikain sa amin eh!

          "May naisip ka na bang theme para sa isusulat mong kanta?"

          "Sige! Mang-asar ka pa talaga!" Inis na sabi ko sa kanya. "Pinoproblema ko pa nga kung paano ko siya isusulat tapos tatanungin mo pa ako sa theme-theme na yan? Di ko nga alam yan eh!"

          Kita ko na naman sa mukha niya yung reakyson na nagpipigil ng tawa.

          Luh! Ano kayang nakakatawa doon sa sinabi mo? OA ng taong 'to.

          "Sabi ko na nga ba at hindi ka pa nagtatanong ng tungkol sa category mo eh!"

          "Huh?"

          May answer and question portion din ba dito? Ano ba 'yan! Anong klase song writing contest ba 'to?

          "May theme sa song writing contest. At 'yung pagkapanalo mo sa contest ay magbabase doon sa relevance ng kantang ginawa mo sa theme."

          "Huh?" Ano daw sabi niya? Nag-i-alien talk ba si yabang kanina o nabingi lang ako kaya di ko siya narinig ng maayos?

          Narinig ko ang mabigat na pagbuntong-hininga ni Kaizer sabay hinilot ng daliri niya yung space sa pagitan ng mga mata niya.

          "Wala na. Talo na section natin dito." Pagod ba sabi niya.

          "Wala naman akong balak na manalo ano! Ni hindi nga ako marunong kumanta, sumulat pa kaya ng kanta?"

          Nagulat ako nang biglang kuhain ni Kaizer yung dalawang kamay ko saka niya hinawakan iyon at dinala sa binti niya.

          "TG, magaling ka. Magaling kang kumanta. Kailan mo ba mapapansin iyon huh?"

          "H-Hindi naman ako magaling. " Nauutal pang sabi ko sabay iwas ng tingin sa kanya. "Guni-guni mo lang iyon!"

          Nanlaki ang mata ko nang bigla na lang hawakan ni Kaizer ang magkabilang pisngi ko saka niya ako pwersahang pinaharap sa kanya.

          "Sitti, kailan ka ba magbubulag-bulagan sa mga kaya mong gawin huh? Bakit ba lagi mong binababa ang sarili mo?"

          Iniwas ko ang tingin ko sa mga mata niya bago muling nagsalita.

          "Ano bang magaling doon? Wala akong talent. Isa lang akong anti-social loser tapos ihaharap niyo pa ako sa maraming tao. Para ano? Para mas ipahiya pa ang sarili ko?"

          Nasabi ko na. Nasabi ko na sa wakas yung biggest insecurity ko sa sarili ko.

          Kahit na naging kaibigan ko pa yung mga pinakasikat na estudyante sa school, kahit na naging girlfriend pa ako nung heartthrob sa school namin, wala pa ring nagbago sa akin.

          Ako pa rin si Felicity Sandoval. Yung babaeng hindi pansinin sa school at yung babaeng di katalinuhan at di kagandahan.

          Ako pa rin yung anti-social na babae na nagkataon lang na naka-tag ng kilalang tao sa school namin—yung pinaka kilalang-kilala—kaya medyo napansin na ako sa school namin. Sa maganda at hindi magandang paraan.

          "TG..."

          "Totoo naman di ba? Hindi ako magaling. Hindi rin ako matalino. Lalong di ako maganda. Kaya bakit ako pa yung isinali nila sa contest na yun?"

          Binitawan na ni Kaizer 'yung mukha ko saka ko naramdaman na para bang inoobserbahan niya ako saka ko siya narinig na bumuntong-hininga.

          "TG, ang pagiging magaling ng isang tao ay hindi nagbabase sa kung paano niya nakikita ang sarili niya.Ang ibang tao ang makakakita ng kagalingan mo hindi ikaw."

          Napatingin ako sa mukha ni Kaizer.

          "Magaling kang kumanta. Magaling ka ring magluto. Alam mo rin paano gumamit ng gitara. Saka magaling kang magpayo sa ibang tao. Hindi pa ba sapat iyon para maniwala ka sa sarili mo na magaling ka?"

          Napaisip ako doon sa sinabi niya.

          Paano ko maiisip ang mga bagay na iyon, na magaling ako, kung ang mga tao na nakapaligid sa akin na ang nagsasabi at nagpapakita na hindi ako magaling? Na kahit kailan ay hindi ako gagaling? Na na habang-buhay na ako sa pagiging loser freak sa school?

          "Hindi ka pinili ni Sir sa contest na yan para ipahiya ka. Nabunot ka. Ibig sabihin nakalaan talaga para sayo ang bagay na 'to."

          "Kaizer..."

          "At isa pa," sabi niya sabay ngumiti sa akin. "Sa tingin mo ba hahayaan ko na pahiyain nila ang girlfriend ko sa harap ng maraming tao?"

          Napatingin ako sa mga mata niya.

          "Susuportahan kita, TG. Manalo man o matalo." Seryosong sabi niya. "Saka ayokong marinig pa sayo na hindi ka magaling dahil magaling ka at alam kong makakaya mo yan. May tiwala ako sayo, TG."

          Hindi ko maiwasan na hindi matuwa (at kiligin) doon sa sinabi niya.

          Nakakatuwang isipin na kahit wala akong tiwala sa sarili ko, nandyan si Kaizer para suportahan ako.

          'Lakas talaga maka-quotes nito eh no?'

          "Ano ba yung theme ng contest?" Tanong ko maya-maya.

          "Ang sabi sa akin ng team sa org na mag-aasikaso sa contest niyo, ang kanta raw na isusulat niyo ay tungkol sa bagay o tao na nagbigay ng malaking pagbabago sa buhay mo. Life changing ang theme ng kantang isusulat mo."

          "Life changing?!" Windang na sabi ko.

          Anong kamalasan ba ang bumagsak sa akin at parang mas pinahirapan pa ako ng contest-contest na 'to? Pwede bang magdonate na lang ako ng pera doon sa charity?

          Saka life changing?! Ano 'yun? Paano ako susulat ng kanta na may ganoon-ganoon? Di ba pwede 'yung freestyle writing na lang?

          "Mas madali sumulat ng kanta kapag inspired ka." Sabi ni Kaizer sabay hindi ko alam kung sure nga ba talaga ako sa nakikita ko pero parang nagpapa-cute yata siya sa harapan ko ngayon?

          Yuck. Kadiri.

          "Tingnan mo na lang ako, TG para ma-inspired ka mag-isip ng kanta." Nakangiting sabi pa niya.

          "Wow naman!" Sarcastic na sabi ko sabay palakpak ng mahina. "Parang lumakas yata 'yung eletic fan namin ngayon 'no? Pansin mo?"

          Nginitian na lang ako ni Kaizer sabay kami natawa sa pinaggagawa namin.

          Ako natawa kasi ang yabang niya. Ewan ko lang sa kanya anong dahilan ng pagtawa niya.

          'Baliw.' Sa isip ko matapos kong makipagtawanan sa kanya.    

          Nasa kalagitnaan kami ng pag-iisip ng kantang pwede kong isulat nang may bigla akong maalala.

          "Ay siya nga pala, yabang—este Kaizer pala!" Muntik na ako doon ah! "May sasabihin sana ako sa'yo."

          "Ano 'yun?"

          Napatingin muna ako ng ilang sandali sa mukha niya.

          Okay! Nakangiti siya so mukhang in good mood siya.  Baka pwede kong itanong sa kanya 'yung bagay na iyon.

          "Alam ko na nagsabi ako sa'yo na hindi ako magtatanong—ay teka! Nagsabi nga ba ako?"

          "Ano ba iyong gusto mong sabihin sa akin, TG?"

          Tumingin ako ulit sa kanya bago ako huminga ng malalim at nagsalita.

          "Pwede ba kayong magbati ni Mia?"

          Nakita ko na biglang natigilan si Kaizer doon sa tinanong ko sa kanya saka unti-unti na ring nawawala 'yung ngiti sa labi niya.

          Hala! Nagalit ko ba siya? Galit na ba siya? Ano bang ginawa ko?!

          'Baliw ka talaga kahit kailan, Felicity Sandoval!' Inis na sermon ko sa utak ko saka ko binatukan ang sarili ko sa isip ko.

          "Bakit mo tinatanong sa akin 'yan?"

          Oh-oh. Nagbago na ang boses niya. Naging seryoso. Nagalit ko nga yata talaga siya.

          "Ah hindi! Joke lang iyon!" Naiilang na sabi ko sabay tawa ng plastik at winagayway ko ang mga kamay ko sa harapan niya para hindi na niya isipin 'yung sinabi ko. "Wala lang iyon. Wag mo na isipin—"

          Hindi ko na natapos ang iba ko pang sasabihin nang biglang hawakan ni Kaizer 'yung dalawang kamay ko saka niya binababa ang mga iyon sa gilid ko.

          "Seryoso ako, Sitti. Bakit mo tinatanong sa akin 'yan ngayon?"

          Halata ko nga sa mata, boses at kilos ni yabang na seryoso nga siya sa sinasabi niya kaya napabuntong-hininga na lang ako saka sinabi sa kanya ang dahilan ko.

          'Bahala na! Magalit na siya sa akin kung magalit!'

          "Paano kasi...naawa ako kay Mia." Malungkot na sabi ko nang maalala ko 'yung nagiging pagtrato ng mga schoolmates ko kay Mia. "Hindi ko alam kung ano bang nagawa niya sa inyo noon maliban doon sa nakwento mo pero kasi ayokong makakita ng babaeng nagaganoon sa school."

          "Babaeng nagaganoon?" Takang ulit niya.

          "Oo. 'Yung babaeng parang silent na na-bu-bully sa school?" Sabi ko. "Alam ko kasi 'yung pakiramdam na pinag-uusapan ka sa likuran mo. Na sinasabihan ka ng kung ano-ano. Alam ko 'yung pakiramdam na hindi ka pinapansin tapos ano-ano pang masasakit na salita ang sasabihin nila sa'yo. Alam mo iyon? 'Yung cold treatment?"

          Ilang sandaling nakatingin sa mukha ko si Kaizer bago ko siya narinig na bumuntong-hininga.

          "Sitti, di ba pinag-usapan na—"

          "Kaizer, kung talagang wala ka ng nararamdaman para kay Mia at kung talagang masaya ka na talaga ngayon sa buhay mo, di ba dapat napatawad mo na siya sa naging kasalanan niya sa'yo?"

          "TG..."

          "Di ba sabi ko dapat magpasalamat ka kay Mia dahil kung hindi dahil sa ginawa niya hindi mo ko makikilala?" Binigyan ko siya ng alanganing ngiti. "Kaya makipagbati ka na sa kanya huh?"

          Muli na naman akong tinitigan ni Kaizer sa buong mukha ko bago siya ulit bumuntong-hininga at napangiti sa sarili niya.

          "Hindi ka ba nagseselos sa kanya?"

          Huh? "Bakit naman ako magseselos?"

          "Kasi ex-girlfriend ko siya." Sagot niya na para bang hindi pa obvious sa akin ang bagay na iyon. "Di ka ba nakakaramdam ng selos sa kanya?"

          "Uulitin ko, bakit ako magseselos?" Nakakunot-noong sabi ko. "Dapat ba akong magselos?"

          "Girlfriend kita. Ex ko naman siya. Hindi pa ba sapat na dahilan iyon para magselos ka?" Takang sabi niya.

          "Kailangan ba sa isang relasyon ang selos?" Ako naman ang nagtanong sa kanya. "Kailangan ba kapag naging schoolmate at classmate ng boyfriend ko ang ex-girlfriend niya dapat na akong magselos?"

          Nakita ko na nagtaas ng kilay niya sa akin si Kaizer saka siya unti-unting napapangiti sa akin.

          "Kaizer, hindi binubuo ng selos ang isang relasyon. Di ba dapat kapag nagkagusto ka sa isang tao, ang gusto mo sa kanya ay isang understanding relation? Kaya nga siya naging relationship di ba? Kapag puro selos ang pinapairal mo, magiging jealouship iyon at pangit pakinggan ang ship na iyon."

          "Pffft!" Nagulat ako nang biglang tumawa ng malakas si Kaizer. "Jealouship pala huh?"

          "Alam mo kanina ka pa tawa ng tawa. 'Yung totoo? Naka-drugs ka ba?"

          Hindi niya ako pinakinggan sa halip tuloy pa rin siya doon sa pagtawa niya ng malakas. Yakap-yakap na nga niya 'yung tiyan niya sa kakatawa at halos mawalan na rin siya ng boses sa kakatawa niya.

          'RIP Kaizer Buenavista. Hayaan mo, mamaya magpapasama ako kay Mama para ihatid ka sa mental. Kailangan mong magamot.' Sa isip ko.

          Nang tumigil na siya doon sa kakatawa niya—kasi wala na siyang boses—pinahid pa niya 'yung ilang butil ng luha na nabuo sa gilid ng mukha niya kakatawa saka niya ako ulit hinarap.

          "Pasensya na, TG pero hindi kita mapagbibigyan sa gusto mo."

          "Huh? Bakit?"

          "Dahil ayoko." Sagot niya sabay huminga ng malalim. "Di ba sabi ko wala na akong pakialam sa kanya? Na mas importante 'yung kung ano meron tayo ngayon?"

          "Pero bakit nga?" Kulit ko sa kanya. "Kung talagang wala ka ng pakialam sa nangyari sa inyo noon, di ba dapat mag-let go ka na? Di ba dapat makikipagbati ka na sa kanya?"

          Napatingin na naman sa mukha ko si Kaizer. At dahil naiinis na ako sa pagtingin niya sa mukha ko, tinitigan ko na rin ang mta niya.

          Gah! Nakakatunaw siyang tingnan! Maboshi!

          "Gusto mo talaga akong makipagbati kay Mia?" Nagulat pa ako nung bigla siyang magsalita.

          "Oo."

          "Hindi ka talaga magseselos?"

          "Bakit nga ako magseselos?" Ang kulit ng mayabang na 'to ah! "Alam kong mababaw ako mag-isip pero hindi naman tama na maging mababaw din ang mga reasoning natin sa mga ganitong bagay di ba?"

          Napangiti ulit siya sa akin.

          "Walang mangyayari sa isang relasyon kung puro na lang selosan ang papairalin natin. Kasi kung talagang mahal mo ang isang tao at talagang malaki ang tiwala mo sa kanya, hindi ka dapat magseselos kung sakaling kausapin man niya ang ex niya. 'Yung taong kasama mo ngayon ang nagustuhan mo at hindi iyong kung ano ang meron siya noon. Kaya bakit ako magseselos di ba?"

          "Sitti..."

          "Saka gusto ko maging masaya ka." Bigla akong napahawak sa kamay niya nang wala sa oras. "Pati na rin si Mia. Kasi kahit sabihin mo pa na nagkaroon kayo ng hindi magandang relasyon noon, at least di ba, kahit papaano, napasaya niyo rin ang isa't-isa? Na kahit paano, minahal niyo rin naman ang isa't-isa?"

          Hindi na umimik sa sinabi ko si yabang kaya nagpatuloy na lang ako sa speech ko.

          "Kaya mag-usap kayo at magpasalamat ka sa kanya. Ibigay mo sa kanya 'yung forgiveness na hinihingi niya mula sa'yo."

          Ilang sandali kaming nasa ganoong kalagyan nang magpasiya siyang magsalita.

          "Bakit ba pakiramdam ko ang tali-talino mo sa mga pinagsasabi mo ngayon-ngayon lang, TG?"

          "Ganoon talaga!" Mayabang na sabi ko. "Saka nakuha ko lang ang lahat ng iyon sa mga librong nababasa ko."

          "Kaya pala." Sabi niya saka natawa.

          Makikitawa na rin sana ako sa kanya para hindi naman siya magmukhang baliw kakatawa ng mag-isa nang bigla na lang niya ilagay sa ibabaw ng ulo ko 'yung isang kamay niya saka niya marahang ginulo 'yung buhok ko.

          "Salamat, TG. Sige. Gagawin ko 'yang sinasabi mo."

          Ako naman ngayon ang napangiti sa sinabi niya. "Wag kang mag-alala. Sasamahan kita."

          Nginitian niya ako pabalik saka kami pumunta sa may kusina nang tawagin na kami ni Mama para kumain.

          Hay. Sana lang talaga magkaayos na sila Kaizer at Mia.

         

Kaizer's POV

            "Mia."

          Nakita ko na bigla siyang huminto sa paglalakad niya dito sa may corridor saka siya dahan-dahang humarap sa direksyon ko.

          "K-Kaizer."

         Napakuyom muna ako sa kamao ko saka ako huminga ng malalim bago ako naglakad palapit sa kanya.

          Mabuti na lang at wala pang masyadong estudyante ngayon dahil mamaya pa sila magsisipasok. Kaya lang naman ako maaga dahil may tatapusin pa akong paper works sa student org.

          At laking pasalamat ko na rin na maagang pumasok si Mia dahil ayokong makita ako ng ibang tao sa school na 'to na nakikipag-usap sa kanya.

          Hindi sa may pakialam ako sa iisipin nila kundi dahil ayokong mag-isip sila ng kung ano-ano sa pagitan namin ni Mia na baka makasira sa relasyon namin ni Sitti.

          Gagawin ko lang 'to dahil gusto kong mapasaya si TG. At isa pa, may punto rin naman 'yung sinasabi niya sa akin kagabi.

          "Pwede ba tayong mag-usap?" Tanong ko nang makalapit na ako sa kanya.

          "Dito?" Takang sabi niya saka napatingin sa paligid namin.

          "Sandali lang 'to. May sasabihin lang ako sa'yo."

          Nakita ko ang pagtataka sa mukha ni Mia pero hindi na lang siya nagsalita at hinintay ang mga susunod kong sasabihin.

          Napabuntong-hininga na lang ulit ako bago nagsalita.

          "Gusto kong magpasalamat sa'yo." Panimula ko. "Gusto kong pasalamatan ka sa pang-iwan mo sa akin noon."

          "Kaizer hindi ko—"

          "Alam mo. Narinig ko na 'yan. Hindi mo sinasadya. Oo na." Bagot na sabi ko saka tumingin ulit sa mukha niya. "Pero salamat pa rin. Kasi kung hindi dahil doon sa ginawa mo sa akin, hindi ko makikilala si Sitti at hindi sana ako magiging ganito kasaya ngayo."

          "Kaizer..." Nahihiya at nakokonsensyang sabi niya.

          Napangiti ako sa sarili ko nang mapansin ko si Sitti na palihim na nagtatago sa may palikong daan sa may corridor.

          'Nagtago pa siya eh nakikita ko naman buhok niya!' Napapangiting sa isip ko.

          "Gusto kitang pasalamatan kasi naging daan ka para makilala ko si Sitti. Kaya salamat, Mia."

          Mukhang nagulat ko na naman siya doon sa sinabi ko. Kahit ako nagulat din ako sa sinabi ko dahil hindi ko aakalain na papasalamat ko ang taong nanakit at nang-iwan sa akin noon.

          Pero gaya nga ng sabi ni Sitti, dapat akong magpasalamat sa kanya.

          "Kaizer, I'm so sorry talaga. Hindi ko naman gusto na saktan ka eh!"

          "Alam ko." Nakangiting sabi ko. "Kaya nga nagpapasalamat ako sa'yo ngayon."

          "Kaizer..."

          "Masaya na ako kay Sitti ngayon. Gusto ko siya. Gustong-gusto ko siya kaya sana pangatawanan mo 'yung sinabi mo sa akin na hindi ka manggugulo sa amin."

          Marahan siyang tumango.  "Wala naman talaga akong balak gawin iyon, Kaizer."

          "Salamat kung ganoon."

          Tumango na lang ako kay Mia bilang pamamaalam saka ako siya nilagpasan.

          Pero nakakailang hakbang pa lang ako palayo sa kanya nang bigla niyang tawagin ang pangalan ko.

          "Kaizer!"

          Nilingon ko siya saka siya nagsalita at ngumiti sa akin.

          "Sana magtagal pa kayo ni Sitti. I wish you all the best."

          Napangisi ako doon sa sinabi niya. "Hindi lang sana iyon, Mia. Talagang magtatagal kami kasi wala akong balak bitawan siya."

          Natigilan si Mia doon sa sinabi ko saka ako ulit napangiti sa kanya.

          "Ganoon ko siya kamahal. Hindi ko siya kayang bitawan."

          Hindi ko na hinintay pa ang sunod niyang sasabihin saka ko nagdere-derecho sa paglalakad ko palayo sa kanya saka lumiko sa may corridor kung saan nagtatago si Sitti.

          "Okay na. Tapos na." Bagot na sabi ko sabay tingin sa kanya mulo ulo hanggang paa. "Nagtago ka pa eh kanina pa kita napapansin dyan!"

        "Ay ganoon ba? Sorry." Parang bata na sabi niya. "Bati na kayo ni Mia? Nag-thank you ka na sa kanya?"

          Tango na lang ang sagot ko sa kanya.

          Nung akala ko magsasalita na naman siya, nanlaki ang mata ko nang bigla na lang niya ako yakapin ng mahigpit saka siya nagtatatalon sa tuwa sa harapan ko.

          "Yehey! Ayan! Masaya ka na talaga! Magpaparty na tayo mamaya!"

          Kahit na mainit ang pakiramdam ng buong mukha ko, napangiti na lang ako sa kanya saka ko natawa ng marahan bago ko inakbay sa balikat niya 'yung isang kamay ko.

          "Matagal na naman na akong masaya. Ikaw lang naman ang hindi naniniwala."

          "Pansin ko nga 'yan kagabi." Sabi niya habang naglalakad na kami papunta sa may student org room. "Nakahithit ka na naman ba ng katol? Kaizer may deperensya ka na ba sa utak?"

          Tinawanan ko na lang siya saka hindi pinansin 'yung kabaliwan niya.

          Masaya ako na siya 'yung babaeng pumalit kay Mia. Na siya 'yung babaeng kasama ko ngayon at patuloy na nagpapasaya sa akin.

          Kapag napahiwalay ako sa kanya, baka hindi ko kayanin. At korni man pakinggan pero siguro ganito ko lang talaga siya kamahal.

          "Siya nga pala," sabi ko maya-maya. "May naisip ka na bang kanta? Bukas na ang pasahan noon."

          Napanganga si Sitti sa sinabi ko na para bang ngayon niya lang narinig 'yung tungkol sa bagay na ito.

          "Wala ka na talagang pag-asa,TG." Bagot na sabi ko.

          "Pwede ba magcopy-paste na lang ako galing sa google?"

          "Bawal iyon."

          Pinanood ko si Sitti doon sa paghi-hysterical niya para doon sa song writing contest na iyon.

          At sa bawat panonood ko sa kanya, kahit na sabihin pa nating baliw siya, masaya ako na makita ang lahat ng kabaliwan niya sa buhay.

          At hindi ako magsasawa na panoorin siya na maging baliw kahit habang-buhay pa.

          "Ako puso mo, Felicity Sandoval." Biglang sabi ko na nagpahinto sa kanya at sa paglalakad namin.

          "Gah!" Ewan ko kung anong reaksyon iyon basta napatili na lang siya sa akin habang namumula ang mukha at nakaturo ang isang daliri niya sa akin. "Ang unfair mo! Dapat nagsabi ka muna kung kailan aatake ang pagiging Wattpad writer mo."

          "Huh?"

          "Bumwelo ka muna kapag magsasabi ka niyan!" Namumula pa rin 'yung buong mukha niya.

          'Baliw ka talaga.'

          "Dapat bang magpapasabi muna ako bago ko sabihin sa'yo na mahal kita?"

          "Gah! 'Ayan ka na naman! Oo! Dapat magsabi ka muna!"

          Tinawanan ko na lang siya saka pinitik 'yung noo niya.   

          Bakit ba ako nagkagusto sa baliw na kagaya niya?

Sitti's POV

            Dear Utak, kung nasaan ka man, mag-isip ka naman ng kanta para doon sa contest-contest na iyon!

          Napasigaw na lang ako sa sobrang inis saka ko nilamukos 'yung papel na nasa harapan ko nang wala pa rin akong makitang letter na nakasulat doon sa papel.

          Nakakainis 'yung ballpen ko! Peke yata 'to eh! Di marunong sumulat!

          "Ano ba 'yung kanta na pwede kong isulat na life changing?"

          Kanina pa ako isip ng isip ng sagot para sa tanong na iyan. Ilang oras na yata naluluto 'yung utak ko pero wala pa rin akong maisip na kanta!

          "Ako puso mo, Felicity Sandoval."

          Bigla na namang namula ko ang pisngi ko sabay napahawak ang dalawang kamay ko doon nang maalala ko ang biglang sabi ni Kaizer ng ako puso mo na pauso niya.

          Masaya na ako na nagkaayos na sila ni Mia. Pero tama bang bigla siyang babanat ng ganoon nang walang pasabi sa akin?! Dapat magpaalam muna siya kapag sasabihin niya ang three words na iyon!

          "Teka nga lang sandali..."

          Bigla kong naibalik ang tingin ko sa papel na nasa harapan ko sabay biglang nagflashback sa utak ko ang mga eksena na sobrang nagpabago sa buhay ko.

          Napapangiti ako sa sarili ko habang nagsisimula ng sumulat ang kamay at ballpen ko.

          'Sana nga lang matanggap 'to para sa evaluation bukas!'

          Sana.

A/N: Ano kaya 'yung kanta na magagawa ni Sitti? Maging maganda kaya ang kakalabasan noon? Mananalo kaya siya sa contest? At ano na kayang balita sa tandem nila Mia at Margaret? Maging succeful ba ang talent showcase na ito sa Eastton? ABANGAN! Hohoho! Leave comments mga taggers! Lavyah! ^______^v

 

Continue Reading

You'll Also Like

11.2M 187K 34
Georgina is homeless and broke, and her ex-boyfriend came to her rescue by letting her temporarily stay in his house. But with the two of them living...
13.5M 212K 68
Aragon Series #4 : This is the story about the Aragon's next generation. Humandang makisabay sa mga pangyayari sa buhay ng New Batch as they ride the...
47.5M 802K 79
[ZyMiYa Trilogy: Book 1 - Zylie] Language - Taglish Started in Aug 2011 | Revamped in Feb 2014 | Finished in July 2014 Published into 2 parts (2nd pa...
1.8M 101K 35
FLAMES: F- Forever, L-Love, A-Angry, M-Married, E-Enemy, S... Sinister ... Isang taon na nahinto ang sikat na estudyante sa Sto. Cristo, naaksidente...