The Union Of Bloods (Revised...

By JanineDVS

208K 3.4K 1.9K

She's not a vampire but she's fast and strong. Not a werewolf but sometimes acts as one. Not a witch but has... More

SHORT AUTHOR'S NOTE
PROLOGUE
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7

CHAPTER 8

6.8K 229 204
By JanineDVS


"DON'T worry. I'll take her home."

Awtomatikong napalingon si Cheezer kay Stone. Wrong move. Nakatutok pala sa kanya ang mga mata ng lalaki na tila sinusubukan siyang basahin. Mabilis niyang inilipat ang atensyon kay Rexter na abot tainga ang pagkakangiti.

"Oo nga, Book. Grabe ka naman sa amin. Hindi mo kailangang mag-alala. Kami na ang bahala kay Cheezer. Besides, mukhang may iba kang kailangang ihatid."

Sinundan niya ng tingin ang direksyong inginuso ng binata. Doon lang niya napansin na may nakaupo palang babae sa katapat niyang mesa at mukhang kanina pa nanonood sa kanila. Alanganing ngumiti ang singkit na estranghera sa kanila at bahagyang kumaway pa.

"Are you really okay? Kusa ka bang sumama sa kanila rito?" maya-maya ay tanong ng kaibigan sa kanya. Nacurious man sa babaeng kasama nito ay hindi na siya nagtanong. Tutal naman ay mukhang hindi talaga siya gustong makita ng lalaki.

"That hurts, man. Hindi kami nangingidnap ng babae. OA ka."

"Okay lang ako. Hindi mo ako kailangang alalahanin. Hindi na rin naman ako bata na kailangan pa ng patnubay ng magulang."

Mataman siyang tinitigan ni Booker saka napabuntong-hininga. "Okay. Give me your phone." 

Kinuha na nito ang teleponong ipinatong niya sa mesa kanina bago pa man siya makaalma. Ang kaibigan na rin ang humila sa kamay niya at naglapat ng kanyang hintuturo sa likuran ng cellphone upang mabuksan iyon. 

"Ise-save ko muna ang number ko as number 1 speed dial para mabilis mo akong matawagan kapag kailangan mo ako. Palitan mo nalang kapag nakauwi ka na. And I'll inform Justice that you're here," dire-diretsong wika nito habang kinakalikot ang hawak na gadget.

She pouted and threw him a deadly look. Pero hindi na siya kumontra. Wala rin namang kwenta ang anumang sasabihin niya. Siguradong isusumbong pa rin siya nito sa pinsan kahit magmakaawa siya rito.

Nang matapos ito sa pagkalikot sa cellphone niya ay mataman muna siya nitong tinitigan bago tuluyang iabot iyon sa kanya. Ilang beses pang bumuntong-hininga ang lalaki na waring nakikipagdebate sa sarili kung iiwan talaga siya. Maya-maya pa'y walang-salitang tinapunan nito ng tingin ang misteryosang babae na agad namang naintindihan ng huli dahil mabilis itong tumayo at nauna nang naglakad palabas ng kainan. Sumunod na rin ang kaibigan niya pero kitang-kita niya nang sandali itong huminto sa gitna ng dalawang kaharap. Wala siyang narinig na kahit ano at hindi rin siya sigurado kung may sinabi nga si Booker dahil likod nalang nito ang nakikita niya. Ang magkaibigan naman ay parehas na blangko ang ekspresyon ng mukha.

"So... let's go?" Si Stone ang bumasag sa nakakailang na katahimikang namayani nang maiwan na silang tatlo roon.

"Ahmmm...saan?" kunot-noong tanong niya.

"Ihahatid na kita."

"Ahhh..."

Bakit may iba ka bang ineexpect na pagdadalhan sa 'yo? paninita niya sa sarili. Hindi niya inaasahang seryoso ang lalaki sa sinabi kanina.

"Kung okay lang, gusto ko sanang mag-stay nalang dito for tonight. Don't worry, I'll just pay for my room. Ngayon lang kasi ako nakapunta rito so I might as well enjoy it."

"Ohhh... what a brilliant idea! Sure, sure. Hindi mo naman kailangan magbayad pero kung do'n ka komportable go lang."

Ngumiti siya sa tinuran ni Rexter. Nagpapasalamat siyang jolly ang lalaki at madaling kagaanan ng loob. Kahit papaano ay nawawala ang awkwardness na nararamdaman niya kapag nakikita ang kaibigan nito.

"Tamang-tama pala dahil may event ngayon sa bar. Birthday ng isang kaibigan. Tara, makiparty-party ka muna," walang-babalang hinawakan siya ng lalaki sa palapulsuhan upang hilahin sa kung saan mang balak puntahan. Pero nakakailang hakbang palang sila nang bigla na lamang itong napahinto dahilan para mapasubsob siya sa likod ng binata.

"Aray naman," reklamo niyang sinapo pa ang noo. Pakiramdam niya sa pader siya nauntog.

"Okay lang ba sa 'yo?"

Nag-angat ng tingin si Cheezer upang sagutin sana ang tanong ni Stone nang maagaw ang pansin niya sa kamay nitong nakahawak sa braso ng kaibigan. Doon niya naintindihan kung bakit bigla nalang napatigil ang lalaking kanina lang ay excited na niyayakag siya.

Nakangiting humarap sa kanya si Rexter habang bihag pa rin ang kamay niya. "Okay lang naman 'di ba?"

"Ah, eh..." pinaglipat-lipat niya ang tingin sa dalawa.

"Mag-eenjoy ka ron. Akong baha--aray!" sigaw nitong mabilis na binitiwan siya at minasahe ang braso nitong hawak kanina ni Stone na sa 'di niya malamang dahilan ay pulang-pula na at parang namamaga. "What the hell, man! Balak mo bang baliin ang braso ko?"

"Okay ka lang, Rexter?" iche-check sana ni Cheezer ang braso ng binata pero mabilis na humarang sa harap niya si Stone.

"Okay lang siya. He deserved it."

"What?! Wala naman ako masamang ginawa, ah."

"Next time, huwag ka basta nanghihila nang hindi sumasang-ayon ang babae. Kaya ka napagkakamalang nangingidnap."

"FYI, man, kasama ka sa napagkamalan. And come to think of it, dinala mo si Cheezer dito ng walang malay so pwedeng sabihin na kinidnap mo nga siya. I-report ko kaya kay Booker."

Hindi pinansin ni Stone and kaibigan at muli siyang binalingan. "So, do you want to come with us?" 

Sandali siyang napaisip. Wala naman sigurong masama kung susubukan niyang makisalamuha sa ibang tao. 

Simula pagkabata kasi ay mga malalapit lang sa kanya ang nakakasama niya. Hindi niya naranasang magpunta sa bar o club, maka-attend sa christmas program, valentine's day celebration o kahit anong acquaintance party. Kung iisipin ay napakaboring pala ng buhay niya. Sabagay, madalas naman ay mas gusto niyang nasa bahay lang at nagbabasa ng libro. 

"I'm not sure if it'll be fun but I guess you can try."

"Huwag kang makinig diyan, Gorgeous. Mag-eenjoy ka ro'n. Trust my very handsome face."

"Game," masiglang sagot niya. Mukha namang kakilala ni Booker ang dalawa kaya mas panatag siyang sumama.

Naunang kumilos ang lalaking may kulay asul na mga mata at naglakad palabas ng cafeteria habang si Rexter naman ay sinabayan siya at nag-usisa tungkol kay Precy. Nag-enjoy siyang sagutin ang mga tanong nito kaya hindi niya namalayan na nakarating na sila sa venue ng party.

"May problema ba?" untag sa kanya ni Stone nang mapahinto siya sa paglalakad at magmistulang naitulos sa kinatatayuan. Tumambad kasi sa kanya ang naggagandahang mga katawan. Halos lahat ng naroroon ay kakapiranggut lang ang mga suot. Pinagsisihan tuloy niya ang pagsama sa dalawa. 

For pete's sake, hindi man lang sinabi ng mga ito na Pool Party pala ang pupuntahan nila! Kung alam lang niya, nunca siyang papayag kahit pa mamatay siya sa boredom sa loob ng silid niya.

Wala tuloy sa sariling tiningnan niya ang sarili. Mula sa suot na plain white blouse, pababa sa cropped jeans hanggang sa puting-puting sneakers niya. Parang kulang pa ang salitang out of place upang ilarawan ang itsura niya sa mga sandaling iyon. Mabilis siyang tumalikod at aalis na sana nang hawakan siya sa kamay ng kung sino. Handa na si Cheezer na kurutin ang singit ng talipandas kung hindi lang gwapong mukha ni 'Bato' ang tumambad sa kanya nang lumingon siya. 

Oo nga pala. Kasama niya nga pala ang lalaking pumunta roon.

"Are you okay? May problema ba?"

Sa halip na sagutin ito ay natutok ang atensyon niya sa magkadaupang-palad nila ng binata. Ayaw man ay bigla niyang naalala si Kenly. Gustong-gusto kasi ng dating nobyo na naghoholding hands sila. Public man o private ang lugar. Natatakot daw ang lalaking bigla na lang siyang mawala sa tabi nito.

Napaismid siya sa alaalang iyon. Puro bullshit lang pala ang mga pinagsasabi ng gago niyang ex. Takot daw na mawala siya pero ang walanghiya mismo ang tumapos sa relasyon nila. Hay. Napakauto-uto kasi niya, eh.

"Cheezer?" boses ng katabi ang nakapagpabalik sa kanya sa realidad. Hindi rin nakaligtas sa kanya ang bahagyang pagpisil nito sa kamay niya.

"Ha? Ahmmm... Ano na ngang sinasabi mo?"

"I'm asking if you're okay. May problema ba?" 

Tinitigan siya ni Stone dahilan para maconscious siya. Kung bakit ba kasi ang hilig nitong tumitig na akala mo binabasa ang iniisip niya. Nag-iwas nalang ng tingin si Cheezer at sinubukang hagilapin ng kanyang mga mata si Rexter. Pero bigo siya. Mukhang kanina pa pala sila iniwan ng huli upang makisali sa mga nagkakasiyahan.

"Ah.. eh... hindi kasi ako nagsusuot ng swimsuit."

"And so?"

Hay naku. Kainis naman ang mokong na 'to. Kailangan ko pa ba talagang ipaliwanag?

"Iyon lang ba ang problema? Hindi ka naman required na magsuot kung ayaw mo."

Nakaawang ang bibig na binalingan niya ang lalaki. "Seryoso? Makikisalamuha ako sa mga iyan ng ganito ang suot?" 

Ikinumpas pa ni Cheezer ang kanang kamay mula ulo pababa upang bigyang-diin ang porma niya. 

"Napaka-out of place ko kaya. Hindi mo ba nakikita 'yang mga babaeng nandyan? Medyo malayo pa nga tayo sa kanila pero hiyang-hiya na akong ipakita ang pagmumukha ko. Lalo na siguro kapag kata--" nabitin sa ere ang anumang gusto pa niyang sabihin nang bigla na lang pisilin ni Stone ang ilong niya kasabay ng matamis na pagngiti nito.

"Don't worry. You're with me."

For some reason, that calmed her down. It's her first time seeing him smile like that. Parang gusto niyang maniwala na walang mangyayaring hindi maganda sa kanya kapag kasama ito.

"And if it's any consolation to you, wala rin akong balak magpalit. So relax and enjoy the party. May bandang tutugtog mamaya after ng messages for the birthday celebrant. If I'm not mistaken, Back 2 Zero 'ata ang name ng band."

"Back 2 Zero?" nagniningning ang mga matang sambit niya. Mahilig siya sa music at isa sa kinahuhumalingan niya ngayon ay ang grupong binanggit nito.

"Yep. From what I've heard, they're quite popular."

Mabilis at sunod-sunod na tango ang ginawa ni Cheezer. Sa Facebook niya nakilala ang B2Z nang magviral ang video ng mga ito. Mula noon ay sinusubaybayan na niya ang activities ng sikat na banda. Sayang nga lang at hindi pa siya nakakapunta sa concert ng grupo. Pero pagkakataon na niya iyong marinig ng live ang pagtugtog ng mga ito.

Naramdaman niya ang unti-unting pagbilis ng tibok ng puso niya. Ganun pala ang pakiramdam kapag malapit nang makita ang iniidolo. Hindi niya mapigilang manlamig at kabahan.

"Mukhang kilala mo rin sila."

"Oo naman. My ghad! Bakit ngayon mo lang sinabi? Nandito na ba sila? Asan?" bumaling siya sa maliit na stage na nasa gilid ng pool. "OMG! Nasa stage na ang mga instruments nila... baka nasa paligid na sila... gosh, nakakaexcite naman ito... for sure mas pogi sila sa personal..." 

Inilibot niya ang tingin sa buong lugar pero hindi niya nakita ang mga ito. Sabagay, napakalawak ng lugar at maraming parte ang madilim kaya mahihirapan talaga siyang makilala ang lahat ng tao ro'n. 

"Lika na, Stone, dali. Ano pang hinihintay mo?" Hinila na niya ang kamay ng lalaki na nakahawak pa rin pala sa kanya.

"Hmmm... mukhang magandang pumuwesto sa may balcony. Tanaw na tanaw ang stage pero hindi maliwanag kaya hindi masyadong kita. Nandun din ang bar at mga pagkain," pagkausap niya sa sarili. Medyo madilim sa parteng nilalakaran nila kaya tiwala siyang hindi siya basta makikila ng mga nandoon. Pero makilala man siya, wala nang pakialam si Cheezer. Kailangan niyang masilayan ang Back 2 Zero kahit anong mangyari.

"Dahan-dahan, baka madapa ka."

Binalewala niya ang sinabi ng binatang kahawak-kamay at halos patakbo siyang nagtungo sa balcony. Pagkaakyat ay mabilis niyang sinuyod ang lugar upang humanap ng magandang spot. Mabuti nalang at kakaunti lang ang naroon dahil halos lahat ng bisita ay nasa malaking pool sa ibaba at ang iba'y may kanya-kanyang upuan at mesa sa gilid ng malawak na palanguyan.

Nagmamadali siyang pumuwesto sa bakanteng silya kung saan wala halos tumatamang liwanag. Binitawan na rin niya si Stone na inukopa naman ang tabi niya.

"Bakit parang kinakabahan ako?" Hinarap niya ang lalaking kanina pa nananatiling tahimik. "Ayos lang ba ang itsura ko? Hindi ba magulo ang buhok ko? Ay wait... nevermind. Hindi pala nila ako makikita. Importante makita ko sila. Gosh... teka lang... nauuhaw ata ako. Saan ba makakakuha ng maiinom rito?" 

Inilibot niya ang paningin para hagilapin ang nakita niya kaninang waiter na may bitbit na mga inumin. "Ay nasa likod nga pala natin ang bar. Mukhang masasarap din ang mga pagkain. Pero hindi naman ako gutom... or wala lang akong ganang kumain... excited na ako... omg... sana bilisan ng B2Z... "

Sa pagtataka niya'y bigla na lamang tumawa ang katabi. Binalingan niya ito para tanungin kung anong nakakatawa pero hindi na niya nagawa iyon nang makita ang itsura ng binata. May mapaglarong ngiti sa mga labi nito at tila aliw na aliw na nakamasid sa kanya.

"So this is how you fangirl, huh. Cute."

Napakunot-noo siya. Ako ba ang cute? "Huh?"

"Nothing. Just wait here. I'll grab some foods and drinks for us."

Tumango nalang siya at sinundan ng tingin ang likod ng lalaking papalayo sa kanya. Maya-maya pa ay napahawak siya sa magkabilang pisngi at parang sira na ngumiti. Cute daw ako. Hahahaha

"Ano ba 'yan. Hindi ba siya nahihiyang pumunta rito ng ganyan ang suot?"

"Ano ka ba, naman, Danica, kung ganyan ang katawan ko hindi talaga ako magkakalakas ng loob mag-bikini."

"Sabagay may point ka."

Inhale. Exhale. Inhale. Exhale. Relax ka lang, Cheezer. Isipin mo nalang makikita mo mamaya sina Daddy Aqie, Ino, Oasis at E.

Umayos siya ng pagkakaupo at nagdesisyong balewalain nalang ang naririnig na usapan sa kalapit na mesa. Hindi niya hahayaang sirain ng mga ito ang gabi niya. Pero gusto 'ata talaga ng mga tsismosa na mabwisit siya dahil nilakasan pa lalo ng mga ito ang pagsasalita. Hindi tuloy siya makapagconcentrate sa pakikinig sa Emcee na nasa stage.

"Anong meron? Mukhang aliw na aliw kayo."

"Oh, Grace, asan na si John? Akala namin nahila mo na siya sa kung saan at busy na kayong maglabing-labing."

Kanya-kanyang reaksyon at panunukso ang narinig ni Cheezer. Pinigilan niya ang sariling lumingon sa direksyon ng grupo kahit parang familiar sa kanya ang boses ng bagong dating.

"Oo nga. Kaya hindi ka na namin tinawag kanina."

"Hay naku. Dumating 'yung pangit na girlfriend niya. Nasira na naman diskarte ko kay John."

Ngek. Bakit kasi sa may jowa ka didiskarte? Kaloka.

"Ah, si Mylene? Ganda kaya niya. Nagplaplano na nga raw 'ata silang magpakasal, eh."

"Shut up, Allyson."

Napailing siya sa takbo ng usapan ng mga ito. Hindi naman sa nag-I-eveasdrop siya pero... parang gano'n na nga.

"Anyway, anong pinag-uusapan ninyo kanina?"

Saglit na nanahimik ang mga ito. May palagay siyang tinuturo na siya o di kaya'y nagsesenyasan na. Ilang sandali pa ay may naramdaman siyang masamang aura este presensya sa tabi niya.

"Well, well, well. Look who's here."

Napapikit siya ng mariin nang tuluyang marealize na kilala nga niya ang tinawag na Grace kanina. Ayaw man ay napilitan siyang balingan ang babae. Gaya ng dati, hayun at nakapaskil dito ang nang-uuyam na ngisi sa tuwing makikita siya. Ilang taon na ang lumipas pero mukhang hindi ito nagbago. Masama pa rin ang budhi.

"Hi," alanganing bati niya na hindi naman nito pinansin. Pinasadahan lang siya ng tingin ng babae mula ulo hanggang paa. Hindi pa ito nakuntento at inulit pa iyon. Simula naman sa kanyang paa paitaas.

"You know her, Grace?"

"Yeah. Unfortunately."

"Friend mo?"

"Yuck! Of course not. Maghunos-dili ka nga, Rosemarie. Bakit naman makikipagkaibigan ang tulad kong sikat na modelo sa tulad niyan?" Humalukipkip ito. "Siya 'yong nakwento ko na dati sa inyo. Si Reynang Baboy," sinundan nito iyon ng nakakalokong tawa na ginaya naman ng mga 'alipores' ng walanghiya.

"Okay na ako sa pagiging baboy. Kesa naman sexy nga wala namang laman ang utak. Hilig pang dumikit sa may sabit," ganting patutyada niya na sa pool na nakatingin. 

Kung akala ng babae mabu-bully siya nito katulad nung high school days nila ay nagkakamali ito. Hindi siya palaaway pero natuto na siyang ipagtanggol ang sarili niya sa mga katulad nitong lukaret.

"What? Anong sinabi mo?"

"Narinig mo naman siguro ang sinabi ko. Ayaw lang kitang tingnan dahil iniiwasan kong makakita ng mga di-kaaya-ayang bagay."

"Whoah. Lakas."

"Awts. Sakit no'n."

"Palaban ang lola."

"Heh! Magsitahimik nga kayo! Inggit lang 'yan dahil sa panaginip nalang niya mararanasang sumeksi."

"OMG!" bulalas niya na napatayo pa nang makita ang paglalakad patungong stage ng mga pamilyar na pigura. 

Kahit medyo madilim sa parte kung saan huminto ang mga ito ay hindi siya maaaring magkamali. Iyon na ang bandang pinakahihintay niya. Maya-maya lang ay kinumpirma na rin ng emcee ang hinala niya nang ipakilala ang mga ito. Malakas na napapalakpak siya at nakisabay sa sigawan ng mga bisita.

"Hoy! Kinakausap pa kita."

Sa kabila ng ingay sa paligid ay narinig pa rin niya iyon. Mukhang galit na ang asungot dahil mas mataas na ang boses nito kumpara kanina. Pero wala na siyang pakialam rito. Sabi nga ni Precy, the best way to deal with 'haters' is to ignore them. Karamihan sa mga ito, gusto lang ng atensyon.

"Ang kapal ng mukha mong babae ka. Baboy ka na nga, bastos pa. Huwag na huwag mo akong tatalikuran kung kinakausap pa kita!"

Malalakas na pagsinghap ang nag-udyok kay Cheezer para bigyang-pansin muli ang bruha. Kaya lang, imbes na nakakainis at nakasimangot na mukha ang malingunan niya, ay malapad na likod ang sumalubong sa kanya. Humakbang siya ng kaunti pakanan upang makita kung ano ang nangyayari.

Nakatayo ang buong grupo ng mga tsismosa habang nakatingin sa buset na babaeng hawak ang basong wala nang laman. Napansin niyang may ilan na ring mga empleyado ng resort ang nakamaang sa kanila.

"OMG! Anong ginawa mo?"

"Gosh. Kakaloka ka, girl."

"What? Siya kaya itong humarang. Kasalanan niya iyan!"

"Halika na, Grace. Dali na. Umalis na tayo."

"Bitiwan mo nga ako, Janna. Hindi pa ako tapos sa baboy na iyan." Dinuro siya ng loka-loka bago balingan ang lalaking nasa gitna nila. "At sino ka ba? Bakit ka nangingialam?"

"OMG! OMG! I'm out. Mauna na ako sa inyo, girls."

"Uy wait lang, Mia! Sasabay na ako sa 'yo."

"Ako rin! Sorry, Grace at Sophia, maiwan na namin kayo."

"Sige. Umalis kayo. Mga duwag."

"Ma'am, kung pwede ay umalis na lang din po kayo," singit ng isang babaeng medyo naiiba ang suot na uniporme sa karamihan. Malamang ay mas mataas ang posisyon nito.

"What? Hindi mo ba ako nakikilala? Bakit mo ako paaalisin? Dapat nga iyang baboy na 'yan ang paalisin ninyo."

Wow ha. Nakakailang duro ka na sa akin.

"Nakakasira siya ng magandang view nitong lugar."

Excuse me, kahit na chubby ako, di-hamak namang mas maganda ako sa 'yo. Kainis 'to.

"At iyang lalaking 'yan. Pakialamero."

Doon lang nagawang balingan ni Cheezer ang pigurang nasa harapan niya kanina. Medyo madilim man ay nakilala niya agad si Stone. Hindi rin nakaligtas sa kanya ang mga dilaw na marka sa suot nitong puting polo. At bakit parang basa ang buhok nito?

"Okay ka lang, Stone?"

Humarap ito sa kanya at hinawi pataas ang mamasa-masang buhok na tumatabing sa mukha nito bago marahang tumango at matipid na ngumiti.

Wow! Kaloka! Bakit ba may mga ganito kaguwapong lalaki sa mundo?

"OH-MY-GOD! Tara na, Grace. Dali." 

Sa gilid ng mga mata niya ay nakita niya nang marahas na hilahin ng kaibigan nito ang bruhang ayaw pa rin magpatinag sa kinatatayuan. Pero hindi ito binitiwan ng kasama at kulang na lang ay kaladkarin pababa ng hagdan. 

"Magtigil ka na nga. Iiwan talaga kita rito kapag di ka pa sumama. Ipapahamak mo pa tayong lahat, eh. Bwisit ka! Si Stone 'yan ng Zaldana Empire. Gahd! Isa lang naman itong Sanctuario sa napakaraming pag-aari nila!"

"What?! Bakit ngayon mo lang sinabi?!"

Hindi na niya nagawa pang tapunan ng tingin ang dalawang kulang na lang ay tumakbo palayo sa lugar. Nakamasid na lang kasi siya sa guwapong nilalang na abala na sa pagtutuyo ng buhok gamit ang tuwalyang inabot kanina ng isa sa mga empleyado. Ilang sandali pa ay tila napansin ni Stone ang pagtitig niya.

"Mapa-flatter na ba ako? That's the second time you stared at me like that."

"Huh?"

He chuckled as he slightly lowered her head to meet her eyes. "I'll take that as a yes."

Ano raw? Buset. Hindi gumagana ang utak niya. Maliban sa nabigla siya sa kaalamang pag-aari pala ng binata ang resort ay talaga namang napakaguwapo ng kumag. Idagdag pang naka- 'wet look' ito sa mga sandaling iyon.

Natatarantang dinampot niya ang inuming bitbit ng waitress na napadaan at inisang-lagok iyon. Hindi na niya pinansin nang awatin siya ng kaharap. Huli na nang maalala ni Cheezer na hindi nga pala niya kayang uminom ng alak. Napahawak siya sa ulo at mariing napapikit nang magsimula siyang mahilo. Yep. Ganun siya kabilis tamaan. Kaya nga umiiwas siya sa kahit anong alcoholic drink.

Mabilis siyang inalalayan ni Stone at iginaya sa kinauupuan niya kanina. "Hindi mo pala kayang uminom bakit--" Umiikot man ang mundo ay naramdaman pa rin niya ang biglang paninigas ng binatang nakaalalay sa kanya. Hindi rin nakaligtas sa kanya ang tila komosyong nangyayari at ang mahihinang bulungan.

"Princess!"

Bakit parang kilala niya ang may-ari ng boses na iyon?

"Princess! Are you okay?"

Hay... lasing na 'ata talaga ako. Kung ano-ano na ang naririnig ko. Pinilit niyang buksan ang mga mata upang makita ang may-ari ng tinig na iyon. Ano namang gagawin dito ni... "Lolo?!"

Continue Reading

You'll Also Like

23.2M 623K 65
Hoping for a fresh start, Adrianna Walter reluctantly enrolls at Sinclaire Academy-an elite school for humans and vampires. But upon her arrival, she...