Your Blood Is Mine

By FinnLoveVenn

1M 33.2K 1.8K

Fiolee Hernandez- isang simpleng dalaga na nais lang naman siyang i-crush back ng crush niya, pero nagbago an... More

PROLOGUE
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39
CHAPTER 40
CHAPTER 41
CHAPTER 42
CHAPTER 43
CHAPTER 44
CHAPTER 45
CHAPTER 46
CHAPTER 47
SPECIAL CHAPTER
CHAPTER 48
CHAPTER 49
CHAPTER 50
CHAPTER 51
CHAPTER 52
CHAPTER 53
AUTHOR's NOTE
CHAPTER 54
CHAPTER 55
CHAPTER 56
SPECIAL CHAPTER
CHAPTER 57
CHAPTER 58
CHAPTER 59
CHAPTER 60
CHAPTER 61
CHAPTER 62
CHAPTER 63
CHAPTER 64
CHAPTER 65
CHAPTER 66
CHAPTER 67
CHAPTER 68
CHAPTER 69
CHAPTER 70
EPILOGUE
BOOK II
THANK YOU

CHAPTER 24

13.3K 462 54
By FinnLoveVenn

MARSHALL's POV

Paikot-ikot ako sa sala habang nag iintay ng balita sa mga kasamahan namin sa paghahanap kay Fiolee.

Pinatawag ni lolo ang lahat ng mga kakilala at kalapit naming bampira para tumulong at na ikwento niya na rin kung sino ang lalaking dumukot kay Fiolee base sa paglalarawan namin ni Prince.

Ayun sa kaniya, anak iyon ng dati nilang kasambahay at buttler ni papa. Matalik na mag kaibigan ang ama ko at ama niya pero dahil ang trabaho ng ama niya ay protektahan ang ama ko eh, binuwis ng ama nya ang buhay nito para kay papa.

Mortal ang ina niya at bampira ang ama nito, sa kanila na rin tumira ang kamag-anak ngunit hindi nila na gawang ipagtanggol ang pamilya niya dahil din sa may iba silang mahalagang inuna. Ngunit ng ililigta na daw nila lolo James ang ina nya ay huli na, tinangka nilang siyang bawiin pero siya na mismo ang umayaw dito.

"Apo umupo ka muna ako ang nahihilo sayo eh " napasuntok ako sa pader.

"Bakit hindi ko nahalata agad lo? Bakit hindi ko man lang na amoy o nalaman na may kakaiba na palang balak ang lalaki na 'yun?" Nasabunutan ko ang sarili ko sa inis.

"Napaka tanga ko!" Tinapik ako ni lolo sa balikat.

"Kalahating bampira siya marshall, at mas malakas ang dugong na nananalaytay sa kaniya bilang isang tao kaya hindi mo agad nalaman na bampira siya." Kahit na naiinis ako sa sarili ko dahil hindi ko alam kung ayos pa ba si Fiolee ngayon o ano na ang nangyayari sa kaniya ay pinili ko maghintay sa balita ng mga tauhan ni lolo.

"Pag na kita ko talaga ang lalaki na 'yun papatayin ko siya pag may ginawa siyang masama kay Fiolee" hindi na rin nakatiis si Prince at naglakad siya patungo sa pintuan.

"Aalis ako, hahanapin ko si Fiolee." biglang hinawakan at pinigilan sya ni lolo James.

"Walang aalis dito, lalo na ikaw mortal. Hayaan mo na kaming mag hanap sa kaniya." pumalag si Prince at tinabig ang kamay ng lolo ko.

"Hindi ko matiis tumunganga lang dito! Aalis ako!" Umiling si lolo at mukha na siyang seryoso.

"Ayoko nang may madamay pang ibang mortal dito. Kaya ikaw Prince mag intay ka dito " lumingon siya tinawag si Lenalie.

"Lenalie samahan mo si Prince sa isang kwarto at bantayan siya " tumango si Lenalie at inakay si Prince paakyat ng hagdan. Wala nang nagawa si Prince at umakyat na lang sa taas.

Maya-maya pa ay tumawag na ang mga tauhan ni lolo, nalaman na nila kung na saan si Fiolee, agad din naman kaming sumugod sa lugar na 'yun.

Kinakabahan ako, Fiolee intayin mo ko d'yan maging matatag ka. Papunta na ko ....

FIOLEE's POV

Sobrang sakit na ng katawan ko, tama na parang awa mo na....

"Oy wag kang matutulog ! Intayin mo si Marshall," sabi ng demonyong nasa harap ko pagkatapos niya bunutin ang lahat ng kuko ko sa kamay.

"Patayin mo na ko," ngumise siya sa'kin at tumawa . Demonyo talaga siya.

"Mamaya na ipapatikim ko pa sayo ang langit." at hinawakan niya ang mukha ko, nilapit niya ang mukha niya at tangkang hahalikan ako pero hindi ako makakapayag na babuyin pa niya ako! Kahit nang hihina ako ay pinilit kong bumuwelo at ihinampas ko ang mismong noo ko sa ulo niya. Pareho kaming na hilo at nag dugo ang ilong niya. Napangite ako.. sa wakas na saktan ko rin siya.

"Ang kapal ng mukha mong sugatan ako!" Sinampal niya ko at kinagat niya ang kabilang leeg ko. Ito na naman 'yung pakiramdam kong mauubusan ako ng dugo.

Pangatlong kagat niya na 'to sa'kin at pakiramdam ko unti na lang mamatay na ko. Sana bago ako mamatay eh, makita ko man lang 'yung mukha ni mama , ni Marshall nila Prince at iba pa.

Kaso... malabo nang mangyari 'yun. Mukhang bago nila ako matagpuan eh, malamig na kong bangkay.

Tumigil na siya sa pag inum sa dugo ko, pakiramdam ko eh mauubos na talaga 'to.
"Hindi talaga nakakasawa ang dugo mo no! Sayang hindi ka natikman ni Marshall ang tanga niya kasi eh, pinili niya pang mag mahal kesa sa mabusog siya ." tumayo siya at inayos 'yung martilyo niya. Hindi nang magawang mangatog ng katawan ko dahil pakiramdam ko manhid na 'to.

"Hindi bali kahit hindi ka niya maabutang buhay ngayon at may memories pa naman siyang maitatago." tinaas niya muli yung video camera na hawak nya at itinapat sa akin.

"Yan! Smile ka naman Fiolee, any last words sa pinakamamahal mong si Marshall?" Tumungo lang ako, ayokong makita ako ni Marshall ng ganito baka asarin lang ako nun o kaya pagtawanan, ang hilig pa naman mangasar nun.

Siguro kung andito siya eh, sinuntok niya na 'tong lalaking nag papahirap sa'kin ngayon at pagtatawanan niya ko pero aakayin niya ko bumangon.

Kaso walang Marshall Perez ngayon sa kwarto na 'to na gagawa nun.

Wala...

Ibinaba nya ulit 'yung camera sa lamesa at itinapat sa'kin.

Humarap siya dito at kumaway sabay sabing.

"Popokpokin ko ang binti niya ng martilyo kagaya ng ginawa nila sa mama ko, manood ka ah wag kang kukurap HAHAHA" at hinigpitan niya ang kapit sa partilyo at hinataw ang tuhod ko.

"Ugh Ugh," wala na manhid na manhid na talaga ako. Naririnig ko na lang na nababali at bumabaluktot na ang mga binti ko.

Hindi pa siya nakuntento at tinanggal niya ang sapatos ko saka pinaghihigit ang nga kuko ko, bawat dugong na agos dito ay sinisiil niya ng dila niya.

"Masaya ba Fiolee? MARSHALL MASAYA BA?! Hahahaha!" Baliw na siyang tumatawa sa harap ng camera at tuwang tuwa sa mga ginagawa niya. Kung dito mabibigyan ng hustisya ang pagkamatay ng ina niya ay sige ayos lang na ako ang magbayad dito. Pero sana panginoon, wag niyong papabayaan ang mga taong mahal ko na maiiwan ko.

Halos 'di ko na alam kung anong tumatakbo sa isip ko at kung anong oras na ba? Lumipas na ba ang mga araw? O talagang patay na ko? Kasi wala na kong ibang alam kundi ang umiyak at humingi ng tulong sa taas.

Ang daya rin naman ng tadhana no, excited pa naman ako para sa seniors night namin para maisayaw si Marshall pero kamalas malasan siya pa ang hindi ko pa naisasayaw. Ang daya may pangako pa siya sa'kin.

Napangiti na lang ako sa pag-iisip na baka magalit sa'kin 'yun dahil iniwan ko siya sa party ng hindi pa siya naisasayaw. Baka lumaki ang butas ng ilong nun at humaba ang tenga hahaha ang cute talaga ni Marshall pag naiinis.

"Sige Fiolee mag pakasaya ka muna d'yan, dahil na pagod ako sayo ay kukuha lang ako ng iba pang pwedeng gamitin sa pag papahirap sayo. Gusto mo ba ng lagari?"

"Ga-gawin mo na na na-- la-lahat na ng gusto mo gag* hahaha" baka pagkabalik mo dito eh bangkay na ako.

"Osige sabi mo eh saglit ah" lumabas na siya at kinuha yung ibang gamit niya.

Tumingin ako sa kisame.

Makakasama ko na ba si papa?

MARSHALL POV

Wala hudyat-hudyat kong tinadyakan ang pintuan ng isang lumang bahay dito sa gitna ng kagubatan. Pumasok ako at hinagilap ang hayop na kumuha sa babaeng mahal ko.

"Fiolee asan ka na ba?" Bulong ko .

Pumasok ako sa isang pintuan na bukas at nakita ko ang hudas na naghahasa ng matalim n'yang kutsilyo.

Alam kong naramdaman niya ang pwesensya namin .

"Kanina pa kita inaantay kaso nakalimutan ko address niyo kaya 'di ko na sabi kung na saan ako." tumayo siya at nag bow sa'kin.

"Sorry po," tapos tumawa siya ng napakalakas, baliw na ang isang 'to.

"Nasan si Fiolee?" Nagbikit balikat siya at tinalikudan ako at pinagpatuloy niya ang paghahasa niya.

"Hayop ka ilabas ko siya!" Sinugod ko na siya at hinawakan ang kwelyo niya. Ngumise lang siya.

"Nasa kwarto ko naghihingalo." agad ko siyang sinuntok na agad niya nmang na iwasan. Hinawakan ko ang ulo niya at pilit kong binabali ito pero parang bakal na napakatigas.

"Dalian mo uunahin mo pa ba ako kesa sa kaniya?" Tumawa siya at kinagat ang braso ko.

"Oo uunahin kita mamatay!" Hinablot ko ang kwelyo niya at pinangas ang leeg niya sabay dura ng dugo nito. Hinawakan ko ang ulo niya at inumpog sa hasaan niya ng kutsilyo.

Napangiwe siya sa ginawa ko pero nang lalaban pa rin siya kaya naman pinaikot ko ang mga braso niya at nag situnugan ang mga buto nito. Kinuha ko ang kutsilyong hinahasa niya at itinarak sa puso nito.

"Ikaw na mismo ang nag patalim niyang papatay sayo!" Pero bago siya naging abo ay ngumisi ulit siya na pinang lambot ko.

Huli na ba ko? Kaya agad akong tumakbo sa mga kwarto at sa pinakadulong kwarto nakita ko si Fiolee nakahiga sa sahig malapit sa kama .

Duguan...

"Fiolee?" Sigaw ni prince na sumunod pala sa amin. Pareho kaming nangangatog at kinakabahan sa maaring naming makitang kalagayan ni Fiolee.

Nauna akong pumasok sa kwarto.

Kinakabahan akong lumapit sa kaniya, huli na nga ba ako? Tumulo na ang luha ko at agad akong tumakbo sa kaniya. Niyakap at hinagkan siya.

"Fiolee andito na ako," hinawi ko ang mga buhok na nakatakip sa mukha niya.

Ngumitei siya sa'kin at 'yung ngiti na 'yun ang nagdulot ng sakit sa'kin, parang may karayom na tumutusok sa puso ko. Napaka sakit makita ang mahal mo sa ganitong sitwasyon.

"Ma-marshall" pilit niyang hinawakan ang mukha ko . Pinupunasan niya bawat patak ng luha na tumutulo sa mata ko.

"Andito na kami ni Prince, sorry nahuli kami pero okay na ang lahat andito na kami " pumukit pikit siya at sinilip si Prince sa likod ko.

"Salamat at niligtas niyo ko. Bantayan mo na lang si mama para sa'kin." tinapik tapik ko ang mukha niya dahil bahagya na siyang pumipikit. Nakita ko rin na wala na siyang mga kuko at pilipit ang mga binti niya. 'Yung sitwasyon niya ngayon ang ikamamatay ko, sobrang sakit! Humagulgol na ko at niyakap siya nanginginig ang buo kong katawan sa nakikita kong sitwasyon niya ngayon.

"Fiolee gising!" Dumidilat dilat siya pero halatang hindi niya na kaya.

"Fiolee hindi pa tapos ang oras oh! Mag sasayaw pa tayo 'di ba? Madaya ka naman eh! Si Prince naisayaw mo pero ako hindi? Huy, tayo ka na d'yan! Sasayaw tayo oh. Binuhat ko siya at sinandal sa dibdib ko, hinawakan ko ang kamay niya at niyakap ang bewang niya.

"Ito na oh, last dance mo ko at first and last kita." isinayaw ko siya habang nakadantay ang ulo niya sa balikat ko.

"Marshall..." bulong niya

"Ano 'yun? Sorry kung walang music ah, pagkagaling mo sasayaw ulit tayo." hunahagulgol na ko.

"Marshall," natahimik kaming lahat at inaantay ang pagsasalita niya.

"Mahal kita," pilit niyang inabot ang labi ko at dinampi ang kaniya dito, saglit na halik pero iyon ang pinakamatamis, pero iyon din ang pinaka masakit dahil nang idampi niya ang kaniyang labi ay tuluyan na siyang pumikit.

Napaluhod ako at ang tanging unaalingawngaw lang sa kwartong 'to ay ang pag-iyak at pakikiramay sa'kin ni Prince.

Fiolee mahal din kita sobra..

TO BE CONTINUED 

AN: wag nIyo po akong awayin sa ginawa kong pag mamalupit kay Fiolee, abangan pa po ang mga susunod na chapter ng Your BLood Is Mine dahil simula na po ang tunay na istorya char!

Sorry din po pala dahil late na 'tong UD ko dahil istudyante rin po ako, nakapasa po ako bilang Jap-A at asahang busy busihan na ko kakasolo ng Nihonggo o Japanese language.

Sana po kahit late na ako mag UD eh wag pa rin kayong mag sasawang suportahan ang storyang ito. Kung gusto niyo basahin niyo na lang ang iba ko pang storya XD HAHAHA promote lang eh no? Jeje days pa ko sa iba kong story at masasabi ko namang nag improve ako ngayon pero sana basahin niyo yung iba kong story :)

Salamat :)

Vote comment become a Fan :3
LoveLots

Continue Reading

You'll Also Like

1.8M 42.6K 58
Eve Henderson-a troublemaker, a tricky devil, a short-hot-tempered girl, a bitch with a heart, a bullyhater, a notorious hacker, a Mafia Heiress, a r...
21.5M 548K 37
"Do you want to be his favorite obsession?" DAHIL sa isang trahedya, ikinubli ni Virgo ang kagandahang taglay. Itinago niya iyon sa pamamagitan ng pa...
19.8K 1K 62
Victoria, a young human girl, endured a tragic first life when she was abducted by vampires as part of a dark tradition. But fate had something else...
1.5M 39.6K 41
A not-so-ordinary school for not-so-ordinary people. Mafias, gangsters, and delinquents who are under in this not-so-ordinary organization called Und...