ALICE { o n g o i n g ...}

By purpleangel23

841K 12.2K 2K

A girl who stranded in the world of unknown; she will discover that this world was different from where she c... More

PROLOGUE
Chapter 1: It is still a Once upon a time
Chapter 2 : The Truth
Chapter 3 : Pagtakas
Chapter 4 : NO TRESPASSING
Chapter 5 : Where am I
Chapter 6 : Helping hand
Chapter 7 : What?
Chapter 8 : Dark Spell
Chapter 9 : Sha magic...
Chapter 10 : Metru Nui
Chapter 11 : Waiting for you
Chapter 12 : Omegas
Chapter 13 : Leprechaun
Chapter 14 : Blood
Chapter 15 : Fairies
Chapter 16 : Sphinx
Chapter 17 : Nokama
Chapter 18 : Counting Dance
Chapter 19 : Hurts
Chapter 20 : Dark Cave
Chapter 21 : Morbuzakh
Chapter 22 : Water Sprite
Chapter 23 : Invisible Cloth
Chapter 24 : Nightmare Jar
Chapter 25 : Little Punishment
Chapter 26 : Telepathy
Chapter 27 : Goblin and Dark Raven
Chapter 28 : Crystal Eye
Chapter 29 : Cyclops
Chapter 30 : Sylph
Chapter 31 : Jealous
Chapter 32 : Totema Famfight
Chapter 33 : Revenge of the Wolf Part 1
Chapter 34 : Revenge of the Wolf part 2
Chapter 35 : Revenge of the Wolf Part 3
Chapter 36 : Black Witch and the Labyrinth Mansion
Chapter 37 : Elitist (Grand Witch)
Chapter 38: Shadow Reaper
Chapter 39 : Cerberus
Chapter 40 : Red Mist
Chapter 41: Maiden Warriors and the Damah Desert
Chapter 42 : Cronos Game 1
Chapter 43 : Cronos Game 2
Chapter 44 : Cronos Game 3
Chapter 45 : Pegasus Necklace
Chapter 46 : Sanctuary Grave
Chapter 47 : Dim Ghost Ship
Chapter 48 : Nation of Spirits
Chapter 49 : Princess Morbuzakh
Chapter 50 : Gargoyles
Chapter 51 : Trust and Acceptance
Chapter 52 : No Mana Zone
Chapter 53 : Kitty Punch
Chapter 54 : I'm not yet ready
Chapter 55 : Mortal World
Chapter 57: Steps to Hope I
Chapter 58 : Steps to Hope II
CHAPTER 59 : STEP TO HOPE III

Chapter 56 : Steps to Hope

4.4K 166 16
By purpleangel23

 

CLYDE P.O.V.

Habang kami naglalakbay pabalik napansin naming may kakaiba sa lugar.

“Kailangan ko bang magsaya sa nakikita ko?” pagtatanong ni Yenma.

“Hindi ko rin alam kung ano ang reaksyon ang gagawin ko.”pagkakasabi ni Montblanc.

Nagiba ang tinatawag na Tower of Nomak at ang mga bato na nagmistulang barrier sa mga dadaanan ay nawasak din.

GRUUH!

Nakita naming naglilibot sa himpapawid ang dragon at ilang minuto lang lumipad ito palayo.

Ang mga Gargoyles…

“Nasaan ang mga Gargoyles?” pagkakatanong ni Montblanc.

Nawala din.Kahit isang bakas wala kaming nakita.Napansin namin ang mga grupong kalalakihang papalapit sa amin.

Grupo ni Mongzu.

“Anong nangyari?Nasaan ang iba?Nasaan ang prinsesa?” napansin niya si Eliot.“Sino itong bago niyong kasama?” pagkakatanong niya sa amin.

“Si Eliot… isang kaibigan, may iba pa ba kayong panlunas para sa kanyang sugat? Natamaan siya ng dark magic. Naubusan na kasi kami ni Yenma.” Pagkakasabi ni Montblanc habang inaalalayan si Eliot.

“Da-Dark Magic? May sumugod sa inyo?” pagtatakani Mongzu.

“Mga Soul Eater.”

“Hali kayo… Si Ginang Grizel may sapat na gamot para sa kanya.”Sa pagkakasabi ni Mongzu tinulungan ng iba niyang kasamahan na alalayan si Eliot.

“Natalo niyo ba ang mga Gargoyles?”Pagkakatanong ng Prinsipe kay Mongzu.

“Hindi po Third Prince, habang kami ay nakikipaglaban sa mga Gargoyles may kung anong pwersa kaming naramdaman at ito ang dahilan sa pagkawasak ng Tower of Nomak. Bigla naman nawala ng parang bula ang mga Gargoyles.”Explinasyon niya.

Nagkatinginan lang kami ni Azera saka lang kami naglakad papuntang sa kanilang kampo pero nagpatuloy si Mongzu sa pagtanong.

“Nasan ang prinsesa? Anong nangyari sa inyo? Alam kong sa kaharian nanggagaling ang pwersa.”

“Tama ka … sa kaharian nanggagaling ang pwersa dahil nawasak ang portal.”

Sa pagkakasabi ni Azera nagulat si Mongzu. “At ang prinsesa?”pagaalala nitong sinabi.

“Hinigop siya ng portal kasama ang Soul Eater na si Orrl.Kaya hihingi kami ng tulong kay Ginang Grizel papuntang Mortal World.”

“Mortal World!?”

======

“I can’t and… that’s impossible.” pagkakasabi ni Aling Grizel.“How you all so sure? Na sa mortal nga napunta ang prinsesa?”

“Amm… instinct? Namin?” Singit ni Yenma.

“Ginang Grizel naman… kayo nalang po ang pagasa namin.” Sabi ni Montblanc.

“I know… I’m the one hoariest Morbuzakh in here pero hindi ko alam kung kaya kong magbukas ng isang portal.Wala akong sapat na kapangyarihan pagdating sa ganitong bagay.”

“Subukan niyo po Ginang Grizel.Nakasalalay po sa inyo ang buhay ng prinsesa.”Pagkukumbinsini Montblanc.

“Pano niyo nga masasabing nasa mortal ang prinsesa?”

“Bago makuha ang prinsesa, si Alice muna ang unang nahigop ng portal sa kadahilanang matagal na niyang gustong umuwi.” Pagkakasabi ni Azera nagtaka ang iba na hindi nakakalam. “Maaring naituloy ito dahil sa spell ni Ginoong Ducan. May posibilidad na nasa Mortal World ang prinsesa.”

“Isang mortal si Alice?” pagtatakani Eliot.

“Impossible…” sabi ni Ginang Grizel.“Si Alice… at bu-buhay si Ducan?”

“Opo… pero sa proseso ng pagkakabukas ng portal, nawasak ito at bigla siyang naglaho.”

Ngayong nalaman nilang mortal si Alice nagulat sila… pano pa kaya kung malaman nila ang pinagkakatago kong sikreto tungkol kay Alice.

“Possible kasi hindi inaasahan ni Alice mapunta dito sa mundo natin.” Sabi ni Prince Azera.

“Kung ganun.Tama nga ang sinabi ni Sha bukas ang portal mula sa mundo ng mortal bago ito mawasak.”pagkakasabi ni Martha.

“Ituro niyo sa akin kung saan lugar nakapasok si Alice.”Napatingin kaming lahat kay Ginang Grizel.Napatingin naman siya kay Prince Azera.“Pero bago yun dalin ninyo muna ako sa Hari’t Reyna ng Nokama.”

 

=====

Nang maayos na ang usapan nagsimula na kami maglakbay, sumama sa amin ang grupo ni Mongzu at si Ginang Grizel.

Habang naglalakbay…

“Ginang Grizel! Ayos lang po ba kayo!?” sigaw ni Mongzu. Biglang kasing lumamig ang simoy ng hangin at lumakas ang pagbagsak ng niyebe.

Hindi na sumama si Eliot dahil sa kanyang kalagayan at patuloy parin siyang ginagamot.

“Ayos lang ako!” sagot nito sabay tapik niya sa makapal na coat. Walang poblema kay Ginang Grizel dahil may dala ito tungkod na mas mataas sa kanya, ito ang nagsisilbing alalay niya sa paglalakad.

Papunta kami ngayon kung saan inilapag nila Martha ang kanilang sinakyan papunta dito. May konting sira daw ito dahil sa pagsugod sa kanila ng Gargoyles pero sa tingin ni Martha maayos pa ang sira nito.

Naglalakad kami sa destinasyon kung saan kami’y pumasok noon. Napansin kongnagyelo ang falls na pinasukan namin noon.Kahit isang patak ng tubig ay wala.

“Anong nangyari? Masyado atang malakas ang pagbagsak ng nyebe naun.” pagtatanong ni Montblanc.

“It’s kingdom nature dilemma. Hindi na tumigil ang pagyeyelo dito ng mawala na ang Hari’t Reyna. Signs of sadness. Kapag nakikita ko ang lugar na ito na hindi ganun katulad ng dati. Hindi ko maiwasang maluha.” Sabi ni Ginang Grizel habang siya’y patuloy sa paglalakad.

“Do you hear that?”pagkakatanong ni Montblanc kay Yenma.

“Ang alin?”napalingon-lingon siya sa lugar na puro puti naman ang makikita.

“Someone screaming…”

“Screaming? I don’t hear anything.” takot na makikita sa mukha ni Yenma.

“Screaming of madness and suffering.” Sa pagkakasabi ni Montblanc.

“Awoo~” sinabayan naman ito ni Luke.

“Ano ba!” sabay hampas nitokay Luke.“Hindi kayo nakakatawa.” Sabay lakad na mabilis papunta kay Martha na nauuna sa amin.

“Hey! I’m not kidding.”Sunod ni Montblanc sa kanya.

Hindi ko alam kung totoo ang sinasabi ni Montblanc dahil ako naririnig ko rin pero tunog ito ng pagihip ng malakas na hangin. Retarded lang si Montblanc.

Nakita ko namang natatawa si Luke.

“You seem happy when you’re teasing that girl.” Sabi ko sa kanya.

“H-Huh?” sabi niya pagkatapos ng pagbabago ng kanyang facial expression.

“Do you like her?”

“Huh? Anong pinagsasabi mo?”hindi lang kita sa mukha ang isang in-denial pero nabisto ko naman ang pagtibok ng puso niya.

“Kunyari pa tong bugok.” Umiling ako na may ngiti sa mga labi at saka ako naglakad palayo sa kanya.

“Sinong bugok!” inis na sinabi ni Luke, hindi ko nalang siya pinansin.

Sa pagkapasok namin sa cave bumungad sa amin ang nagyeyelong lugar. Ang dating dumadaloy na tubig mula sa dagat ay nagyelo din kahit ang bangka na ginamit namin noon ay nabalutan ng yelo.

“Mukhang hindi ito maganda ah.” Sabi ni Luke.

“Yan na nga ang sinasabi ko eh.” – Montblanc.

“Wala kang sinabi sa pagkakaalam ko.” – Luke.

“Tignan niyo!” sigaw ni Martha. “Yung lagusan ng kweba natatakpan ng makapal na yelo.”

Nagtungo kami sa sinabi ni Martha. Makapal ito sa inaasahan ko.

“Pano tayo makakalabas niyan?” tanong ni Yenma.

“Masyado kayong nagaalala. Magsi-tabi kayo.” Sabi sa amin ni Ginang Grizel.

Tinaas niya ang kanyang hawak na tungkod. Sa pagkumpas niya nito nagkaroon ng isang usok sa kanyang kinatatayuan at nang paglagay niya ng tungkod sa yelo umusok din ito.

Habang gunuguhit niya ang isang malaking bilog sa yelo patuloy parin ang pagusok ng dulo ng kanyang tungkod. Hanggang sanatunaw na ito at nagkaroon ng lagusan.

“That’s it. Wala ng problema.” saka siya naglakad palabas sa kanyang ginawang lagusan.

Sa paglabas namin.

“Ngayon lang ito nangyari.” komentoni Mongzu.

Nagyelo kasi ang halos sulok ng lugar. Kahit ang ibabaw ng dagat ay nabalot ng yelo.

“Good thing… Pwede maglayag ang sasakyan naminsa himpapawid.”Sabi ni Martha at nagpatuloy maglakad sa kapal ng yelo.

Pwede? Ano bang klaseng sasakyan ang sinakyan nila?

“S-Safe bang umapak dito?” pagkakatanong ni Yenma.

“Ma-May gumagalaw sa ilalim ng inaaapakan natin.”Sabi ni Sha.

Tumingin kami sa sinabi niya at tama ang sinabi ni Sha may mahabang itim na lumalangoy sa ilalim ng inaapakan naming makapal na yelo.

“Martha malayo pa ba ang sinasabi mong sasakyan niyo?” pagkakatanong ko sa kanya.

“Isang kilometro pa ang layo sa pinaglapagan nito.”Sagot niya.

Sa ilang minutong paglalakbay lalong lumalakas ang pagbagsak ng niyebe, gumamit na kami ng light ball para makita ang daan namin.

“Siguro masaya na si Alice dahil nakauwi na siya.” Narinig kong pagkakasabi ni Sha kay Montblanc.“Nagkita na siguro sila ng Lola’t Lolo niya. Nuh… Momont.”

“Sigurado yan… pati narin si Nathan.” Pagkakasabi ni Montblanc.“Aray!”

Hindi ako nakatingin sa kanila pero alam kong ako ang pinaguusapan nila.

Wala naman akong magagawakungipagpapatuloy nila ang naputol nilang relation.Nasaktan ko si Alice… at dahil sa ginawa ko, may posibilidad na mabaling ulit ang atensyon niya kay Nathan lalo na’t meron na silang pinagsamahan noon.

Habang iniisip ko ang mga bagay na ito. Nararamdaman kong may tumutusok sa aking puso.

May narinig kaming paggulong ng isang bagay. Inapakan naman nito ni Martha para tumigil sa kanyang harapan.

Kinuha niya ang kanyang pamaypay na sandata, ginamit niya ito pangtanggal ng makapal na nyebe.

Sa paghampas ng kanyang pinalabas na hangin bumungad sa amin ang isang wasak na bagay.“Oh… No…” sabi ni Martha.

“Hindi naman ganito ito ng iniwan natin yung Oasis Elemental Ship.” Sabi ni Yenma.

“O-Oasis?” pagkakasabi ni Sha. “Ka-Kayo ang kumuha pinalanunan naming Oasis Elemental ship!?”

Napansin kong nakatinginan sina Martha at Yenma.

Sa pagsusuri ko sa kanilang sasakyan… tama ang sinabi ni Sha dahil parehas ang detalyeng pinalalunan namin at ang kanilang sasakyan.Kahit ang banderang nakalagay ang pangalan ng aming grupo.

“Sa-Sa inyo ito?Kayo ang Hybrid Fierce tiger? Na nakatalo sa Cootamundra?” pagtatanong ni Yenma.Tumungo naman si Sha.“What a coincidence.”

“Mukhang kailangan niyong magbayad sa amin.” Luke wiggles his eyebrows.

“Walang babayaran at walang magbabayad.” Tingin ni Prince Azera kay Luke. “Ang mahalaga maayos itong sasakyan.”

“Titignan ko kung pwede pang ayusin ito.”Maguumpisa na sanang maglakad si Martha pero pinigilan ko siya.

“Sandali.”May nararamdaman ako sa aming paligid.

Sa sinabi ko pinakiramdaman din nila ang paligid.

“Dumapa kayo!”sa pagkakasabi ni Ginang Grizel agad kaming dumapa at namangha sa kapangyarihang ipinakita niya.

Nagpakawala siya ng isang blue snake flare na nagpalibot sa aming lahat.Sa pagkakagawa niyang yun may bumagsak na maraming pointed ice.

Ginamit ulit ni Martha ang kanyang kapangyarihan para makita namin ang mga umatake sa amin.

Nabigla kami ng bumungad sa amin ang mga nakapaligid na yeti. A big white furry creatures.

Ang kakaiba lang sa kanila ay ang mga kadenang nakalagay sa kanilang mga leeg.Mukhang kinokontrol niya ang mga ito.

“Hi… gentlemen and ladies.” Nagpakita sa amin ang isang lalaking nakaitim. Hindi naman siya matanda para magkaroon ng mahaba at maputing buhok.

“Mufta.” Pagkakasabi ni Ginang Grizel.

“Mu-mufta?Ang isang karibal na kaaway ng Haring Morbuzakh.” Sabi ni Mongzu.

“Oh! Grizel… malakas ka parin kahitmatanda ka na… kumag ka.”Sabi ng tinutukoy nilang Mufta.

“And your still loser.” Sabi ni Ginang Grizel. Kita sa mukha ni Mufta ang inis. “Anong ginagawa mo dito sa Spirit Nation?”

“May tatlong dahilan.” Lumapit siya sa katabi niyang yeti at hinipo ang malambot na balahibo nito. “Ang una… natapos ko ng mawasak ito.” Tukoyniya sa Oasis.“Pangalawa... kailangan niyong sumama sa akin.” Tumingin siya sa amin ng masama. “At ang pangatlo… kung mapilit kayo … kailangan niyong mamatay.”

Sa pagkakasabi niya… sumugod agad ang mga yeti sa pwesto namin pero dahil sa snake flare na inalalabas ni Ginang Grizel. Lumalayo ito bahagya sa amin.

Nang makita ni Mufta na hindi kami kaya ng mga yeti.

Tumira siya ng isang ice blast na nagpalibot sa amin at nakulong kami sa isang parang igloo at ang mga haligi nito ay mahahalintulad sa salamin.

“Nadagdagan ang panlalalamig ko.” sabi ni Sha.

Sinubukan kong suntukin ang yelo, nagawa ko naman itong mawasak ng bahagya pero bumabalik ito sa dati. Ginawa narin ni Ginang Grizel ang lahat pero hindi niya ito masira.

Naramdaman namin ang paggalaw ng aming inaapakan. Nanlaki ang aming mga mata ng makita namin ang mahabang nilalang sa ilalim ng inaapakan namin.

“Oh… No! No! I don’t like to be a meal of that freaking creature!” sabi ni Yenma.

Lumabas ang reflection ni Mufta sa salamin na yelong ginawa niya.

“This is unbreakable ice cage. Just pray your pity soul because that ice floor… is going to break any minute.”

Nagpalabas si Ginang Grizel ng isang mas malaking snake flare palibot sa loob ng ice cage, nagagawa niya itong matunaw pero hindi ito sapat dahil bumabalik ang ice cage sa ayos.

Narinig naming nagcrack ang inaapakan naming yelo.

“Oh… I forgot to say… bumisita ang mga alaga kong yeti sa maliit na barangay. No… I was wrong… hindi siya barangay… it’s like a camp. Do you know that place?”

Alam namin ang tinutukoy niya. Nagalala na kaming lahat lalong lalo na sina Ginang Grizel, Mongzu at ng kanyang kagrupo.

“No!” sigaw ni Mongzu sabay pakawala niya ng isang boomerang sa paligid ng ice cage.

“Yes… at mukhang nasisiyahan ang mga alaga kong yeti.” Pagpapatuloy ni Mufta.

“Wala kang kasing sama Mufta.” Sabi ni Ginang Grizel kasabay ng pagtira niya ng snake flare.

Naramdaman ulit naming nagcrack ang inaapakan namin at mas malaki ito ngayon.

“OH! Thank you!” ngumiti siya pero agad naman ito nagbago.“And I’m Thankful for this!” pinakita niya sa amin ang isang malaking peklat sa kanyang dibdib.“Dahil sa ginawa niyang ito. I became fierce, more violet and brutal.”

“Ang tinutukoy ba niya ay ang hari ng Morbuzakh?” pagtatanong ni Prince Azera.

Nagkibit balikat naman si Montblanc sa pagtatanong niya dito.“Siguro?”

“And… she gave me a second chance to pleasure my revenge.”

++++++

Again and again...sorry sa late ud.ko..^^

Sana magustuhan niyo ang ud ko naun...

enjoy reading!!!

thank you so much!!^^

Godbless!!

Continue Reading

You'll Also Like

174K 12.7K 46
Lavender is in love with Yuan, the perfect guy--kind, sweet, charming, and a musician like her. The problem? He's not real. He only exists in her dre...