SIXTEEN
Copyright © Marco Jose (SiMarcoJoseAko)
"Ate, may bisita ka." Bigla akong napalingon sa may pinto ng kwarto ko ng marinig ko ang boses ng kapatid ko.
"Sino na naman? Si Heena ba?" Tanong ko. Wala naman kasi kaming usapan ngayon ni Heena o Din na pupunta sila rito sa bahay.
"Hindi, tignan mo na lang sa baba." Sabi ni Eugine at tsaka isinara ang pinto ng kwarto ko. Ibinaba ko naman ang librong binabasa ko at tsaka tumayo. Itinali ko lang saglit ang buhok ko at tsaka bumaba.
Agad na napakunot ang noo ko ng makilala ko kung sino ang taong naghahanap sa akin. Bakit na naman ba siya naririto sa pamamahay ko?
"Ano na namang ginagawa mo rito, Travis?" Mataray kong tanong sa kanya pero kesa sagutin niya ako ay ningitian niya lamang ako na parang tanga.
"Wala lang, dinadalaw ka. Masama?" Nakangisi niyang sabi. Tuluyan na akong nakababa ng hagdan at dumiretso sa pwesto niya. Prente siyang nakaupo sa sofa namin habang ang mga paa niya ay nakapatong sa maliit na lamesa. Mayroon pang orange juice at isang slice ng chocolate cake sa harap niya.
"At bakit?" Iritable ko ng tanong.
"Gusto kita makita, namimiss na kita eh." Sabi pa niya. Napairap naman ako sa hangin sa sinagot niya sa akin.
"Bakit ba ayaw mo akong tigilan?" Kunot noong tanong ko.
"I told you, Jeorge. Akin ka lang. Baka mamaya niyan pinagtataksilan mo na ako. Siyempre dapat minomonitor ko pa rin ang ginagawa mo, mamaya niyang nanlalandi ka na ng iba." Ani niya. Napaawang naman ang mga labi ko sa sinabi niya.
"Hoy! Ang kapal mo rin naman pala? Ako pa itong may ganang manloko sa ating dalawa?!" Hindi ko makapaniwalang sabi sa kanya. Nakita ko naman ang pagngiti niya.
"Di payag ka na pala?" Nakangiti niyang sabi. Inismiran ko naman siya agad.
"Ayoko nga! Tapatin mo nga ako, Montemayor. Bakit ba ayaw mo akong tantanan?!" Naiinis ko ng sabi sa kanya.
"Gusto kita." Diretsa niyang sagot sa akin. Naramdaman ko naman ang paghurementado ng puso ko sa sinabi niya. Hindi ko alam ang isasagot ko sa sinabi niyang iyon.
"G—Gusto mo ako?" Hindi ko mapaniwalang sabi sa kanya. Tumayo naman siya at lumapit sa pwesto ko.
"Oo, gusto kita." Diretso at walang pag-aalinlangan niyang sabi.
"Gusto mo ako? Di thank you." Sagot ko sa kanya. Nakita ko naman ang pagsalubong ng kilay niya.
"Anong thank you? Dapat ang itanong mo, bakit!" Sabi pa niya. Wow, scripted lang?
"Di bakit?" Sabi ko sa kanya.
"Ewan ko." Kaswal niyang sagot sa akin.
"Anong ewan ko?" Naiinis kong tanong sa kanya. Ang gulo kausap ng isang 'to! Kainis.
"Basta gusto kita, bakit ba ang dami mong tanong? Hahalikan kita diyan." Nakangisi niyang sabi at mas lalo pa siyang lumapit sa akin. Hindi naman mawala ang ngiti sa labi niya habang nakatitig sa akin.
"U—Umuwi ka na nga!" Nauutal kong sabi. Nagulat ako ng bigla niyang hawakan ang bewang ko at muli kong naramdaman ang pagdaloy ng kuryente sa sistema ko dahil sa paghawak niyang iyon.
"Damn, why you look so perfect in my eyes. Jeorge? Tell me." Paos niyang sabi habang nakatingin sa mga mata ko pababa sa labi ko. Kinabahan naman ako bigla dahil baka madatnan kami ng mga magulang ko sa ganoong akto. Strict pa naman ang parents ko, lalo na't maganda ang anak nila.
"A—Ano bang sinasabi mo?" Hindi ko na alam ang gagawin ko dahil sobrang lapit na ng mukha niya sa akin.
"Ano nga ba?" Sabi niya habang nakatingin sa mga labi ko. Nakita kong unti-unting bumababa ang mukha niya sa mukha ko at wala akong nagawa kung hindi ang ipikit ang mga mata ko. Naghintay ako ng ilang segundo na maglapat ang mga labi namin pero walang nangyari. Muli akong dumilat at nakita ko ang mukha niya na nagpipigil ng tawa.
"Bwisit ka!" Sabi ko sa kanya at agad siyang itinulak. Padabog ko siyang tinalikuran at tsaka nagmartsa papaakyat sa kwarto ko. Bwisit siya! Napakapaasa!
"Jeorge!" Narinig ko pa ang pagtawag niya pero hindi ko na pinansin iyon at agad akong pumasok sa kwarto ko.
"Bakit mo naman ako iniwan doon? Kaya nga kita pinuntahan para makita ka tapos hindi mo naman ako papansinin. Alam mo bang nakakasakit ka na sa puso?" Madrama pa niyang sabi pagkapasok niya sa kwarto ko.
"Lumabas ka rito, Travis." Maawtoridad kong sabi.
"Ayoko."
"Lumabas ka rito sabi! Bakit ba ang kulit-kulit mo?!" Hindi ko na napigilan na masigawan siya.
"Dito lang ako, magbebehave ako. Promise." Nakangiti niyang sagot sa akin. Napairap naman ako sa hangin at tsaka huminga ng malalim. Wala na ata akong magagawa pa sa kakulitan ng isang 'to.
Humiga ako sa kama ko at kinuha muli ang libro ko. Bahala siya diyan magsalita ng magsalita.
"Ang hilig n'yo talagang mga babae sa pink, ano?" Sabi niya. Hindi ko siya sinagot at itinuon ko lang ang pansin ko sa librong binabasa ko. Hindi na siya nagsalita at bigla akong nagtaka kaya sinilip ko siya. Nakita kong binubuklat niya iyong photo album ko noong bata.
"Ang cute mo rito, Jeorge. Naka-panty ka lang." Nakangisi niyang sabi. Naramdaman ko naman ang pag-akyat ng dugo sa mukha ko at agad na tumayo para kunin sa kanya iyong photo album ko.
"Lumabas ka na nga rito! Wala ka namang mapapala sa akin kaya umalis ka na rito!" Mariin kong sabi sa kanya.
"Ano ngayon kung wala akong mapala sa'yo?" Nanghahamon niyang sabi.
"Di tigilan mo na ako! Marami ka namang babae tsaka hindi ba't gusto mo 'yong malalaki ang boobs?! So bakit ako ang nilalandi mo ngayon?!" Singhal ko sa kanya.
"Narealize ko kasing, hindi lang boobs ang gusto ko sa isang babae. Gusto ko rin 'yong malalambot ang labi at sumasagot agad sa halik ko." Pilyo niyang sabi. Napaiwas naman ako ng tingin sa sinabi niya. Sige lang, ipapalala pa niya at babayagan ko siya ng wala sa oras!
Naramdaman ko na lumapit siya sa akin at wala pang ilang segundo ay nasa tabi ko na siya. Hindi ko alam kung bakit ganito ang nararamdaman ko dahil sa presensya niya. Hindi ako mapakali at para bang natatae ako.
"Liligawan kita kung gusto mo." Seryoso niyang sabi sa akin. Napalingon naman ako sa kanya at nakita ko sa mga mata niya na hindi siya nagbibiro. Alam ko kung nagloloko siya o hindi, kilala ko si Travis.
"B—Bakit mo ako liligawan?" Inosente kong tanong.
"Kasi gusto kita." Sagot niya.
"B—Bakit mo ako gusto?" Tanong ko sa kanya. Nagsalubong naman ang mga kilay niya sa tanong kong iyon.
"Alam mo ba kung ano ang ayaw ko sa babae?" Sabi niya at mas lalo siyang lumapit sa akin. Seryoso lang siyang nakatitig sa mga mata ko at minsan ay lumilipat iyon sa mga labi ko. Napapalunok naman ako sa mga ginagawa niya.
"A—Ano?"
"Ayoko sa babaeng maraming tanong. Kasi maikli lang ang pasensya ko at nanghahalik agad ako." Sabi niya at tsaka niya marahang hinawi ang iilang takas na buhok sa mukha ko. Nilapit pa niya ang mukha niya sa mukha ko hanggang sa nararamdaman ko na't naaamoy ang hininga niya sa mukha ko.
"T—Travis."
"Shhh. Hahalikan kita." Paos niyang sabi.
"B—Bakit ka nagpapaalam?" Wala sa sarili kong tanong. Nawawala na ata ako sa sarili ko dahil sa lalaking 'to.
"Good boy ako. Ayokong magalit ka sa akin." Sagot niya sa akin. Naramdaman ko ang kanan niyang kamay na marahang hinahaplos ang pisngi ko.
"M—Magagalit pa rin ako sa'yo kahit na magpaalam ka." Saad ko. Napapapikit ako sa ginagawa niya sa akin at hindi ko alam kung bakit gustong-gusto ng katawan ko ang ginagawa niya.
"Masarap akong humalik, hindi ka magagalit. Promise." Nakangiti niyang sabi at tsaka niya ako marahang siniil ng halik. Parang awtomatiko namang gumanti ako sa halik niya at hindi ko na inalala kung mayroon bang biglang pumasok sa loob ng kwarto ko. Basta ang mahalaga, gusto ko kung ano ba ang ginagawa ko.
"Baka hindi ako makapagpigil, Jeorge." Sabi niya ng bigla niyang itigil ang ginagawa niya. Tinignan ko naman siya sa mga mata at nagtatanong kung ano ang ibig niyang sabihin.
"Baka maaga kang mabuntis, gusto mo ba 'yon?" Nakangisi niyang sabi. Nanlaki naman ang mga mata ko ng mapagtanto ang nais niyang sabihin.
"Lumabas ka na nga!" Nakasimangot kong sabi sa kanya. Gusto ko tuloy mainis sa sarili ko kung bakit ko ba sinagot ang halik niya. Hindi ko alam pero parang laging mayroong nagtutulak sa akin na halikan ko rin siya pabalik. Hindi ko alam, basta ang alam ko. Nalulunod ako sa mga halik niya.
"Dito lang ako, panonoorin lang kita." Seryoso niyang sabi. Tinignan ko naman siya at nakita kong nakatitig na naman siya sa akin.
"Bakit mo ba ako nagustuhan, Travis?" Seryoso kong tanong sa kanya. Pinakatitigan naman niya ako sa mata sa tanong kong iyon.
"Hindi ko alam kung bakit o paano. Basta kapag nakikita kita at nakakausap, parang nabilis iyong tibok ng puso ko. Iyong para bang may tambol? Alam mo 'yon? Basta ang saya ko kapag nakakausap kita kahit na nakakainis 'yang mukha mo at ugali mo. Lagi mo na lang kasi akong binabara at gusto mo ikaw lagi ang tama. Kahit na madalas mo akong sabihang tanga at bobo, gusto pa rin kita. Hindi naman ako torpe para hindi sabihin sa'yong hindi kita gusto. Mas maganda na 'yong inamin ko agad para walang makaaligid sa'yong lalaki." Dirediretso niyang sabi. Napataas naman ang kilay ko sa sinabi niyang iyon. Hindi ba dapat kapag may gusto ka sa lalaki dapat nagpapaimpress ka? Bakit itong gagong 'to sinabihan pa akong nakakainis? Aba, aba.
"Iyon lang?" Sabi ko. Sunod-sunod naman ang ginawa niyang pagtango.
"Ako ba gusto mo?" Bigla niyang tanong. Tinignan ko naman siya sa mga mata at walang pag-aalinlangan siyang sinagot ng isang salita at limang letra.
"Hindi."
****
Copyright © Marco Jose (SiMarcoJoseAko)