Its 11 pm
Naglalakad akong mag isa sa isang madilim na kalsada
Im in pain
Ben and I just broke up today
I just found out may gf pa pala siyang iba
And guess what?
Im the sidechick
Pinaniwala niya kong matagal na silang hiwalay ng girlfriend niya sa states
Then malalaman ko nalang umuwi yung babae at magpapakasal na sila
Fck him!
Lakad lang ako ng lakad
Bahala na san ako mapunta
Umiiyak
Para na kong tanga pero wala akong pakialam
Hanggang sa makarinig ako ng isang malakas na busina at isang malakas na hampas ng hangin
Napaupo ako
Muntik na akong mabanga
Dun ako parang nagising sa realidad
Ng mahimasmasan ako ay saka ako tumayo
Isang malamig na hangin ang tila yumakap sa akin
Napahawak ako ng mahigpit sa aking jacket
Pinagpag ko ang aking damit
Magpapatuloy na sana ako sa pag lalakad ng bigla akong mapatingin sa bandang kaliwa
Sinehan
Naisip kong manuod para medyo madivert sa iba ang aking atensiyon
Nakakita ako ng mga taong pumapasok doon
May matatanda
Isang pamilya
At napasimangot ako ng may makita akong mag jowa
Mag hihiwalay din kayo
Bulong ko sa aking sarili
Lumapit ako doon at isang matamis na ngiti naman agad ang ibinigay sa akin ni kuya guard
Hindi ko alam pero nagtayuan ang lahat ng buhok ko sa batok ng oras na iyon
Agad akong pumunta at pumila sa counter
Nasa harapan ko ang nakita ko kaninang mag jowa at nag haharutan sila
Umikot ang aking mga mata at tumingin nalang sa ibang dereksiyon
Nagulat nalang ako ng makarinig ako ng boses sa aking tenga
Napatingin ako sa paligid
Ako nalang pala ang mag isa sa pila
Napakunot ako ng noo
Dahil dalawang dipa ang layo sa akin ng babae sa counter pero bakit kanina ay parang narinig ko ang boses niya sa tabi mismo ng aking tenga
Lumapit ako saknya
Nakangiti lang siya sa akin
Labas ang kanyang mga ngipin
Parang hindi kumukurap ang kanyang mga mata
Tinignan ko kung ano ang palabas nila ngunit iisa lang ito
1666
Ang pamagat
Tumingin uli ako saknya pero nakangiti pa din ito katulad ng kanina
"Miss magkano po?" Tanong ko
"Libre lang" sabi nito na siyang ikinagulat ko
Inabot niya sakin ang isang ticket at agad ko naman itong tinanggap
Ngunit muntik ko na itong mabitawan ng makaramdam ako ng hapdi sa aking daliri
Tumulo ang dugo dito
Napatingin ako sa babae sa counter ngunit wala na ito
"Weird"
Naglakad lang uli ako deretsyo sa madilim na hallway hanggang sa naaninag ko uli si kuya guard yung nasa labas kanina
Nakangiti lang din ito sa akin hanggang makalapit ako saknya
Tulad ng babae ay tila hindi din kumukurap ang kanyang mga mata
Ibinigay ko saknya ang ticket at tinanggap niya naman ito ng hindi inaalis ang tingin sa akin
Isinauli niya sakin ang kalahati at itinuro ang daan kung saan ako papasok
Agad akong pumunta doon ngunit bago ako pumasok ay lumingon muna ako saknya
Nanindig ang aking mga balahibo dahil nakatingin din siya saakin
Nakangiti pa din
Hindi kumukurap
At ang nakakapagtakay kumakaway siya sa akin
Dali dali akong pumasok sa loob
"What was that?" Tanung ko sa aking sarili
At ng maghahanap na sana ako ng uupuan ay bigla akong napatigil
Punong puno ang sinehan
At lahat sila nakatingin sa akin
Yumuku ako
Awkward akong naglakad sa harap dun nalang kasi ang natitirang bakanteng upuan
Ng makaupo na ako ay nag simula na ang palabas
Biglang nanlagkit ang aking pawis
Parang pakiramdam ko ay may nakatingin sa akin
Di ako mapakali
At ng lingunin ko ang aking kaliwa
Ay halos mahulog ako sa aking kinauuupuan dahil lahat ng katabi ko ay nakatingin sa akin
Lahat sila ay nakangiti
Hindi kumukurap
Mabilis akong lumingon sa harap upang manuod
Nakikita ng gilid ng aking mata na sabay sabay gumalaw ang kanilang mga ulo at tumingin sa harap
Pero tulad kanina ay nakangiti pa din ang mga ito
This is weird
Saad ko sa aking isipan
Napakunot ang aking noo ng mapansin na black and white lang ang palabas
Wala din itong tunog
silent movie
Creepy
Lahat ng character doon ay mapapansin mong parang lahat din ay nakaitim
Magulo
Parang walang dereksyon
May isang babaeng nakaupo sa upuang tumba tumba
Nakabelo ito
Maya maya pay nag iba na naman
May mga batang naglalaro sa labas ng bahay
Pero ang nakakatakot ay
Kutsilyo ang nilalaro nila
At nag iba na naman
May babaeng nanganganak ngunit lahat ng taong nakapaligid saknya ay nakabelo din ng itim
At ang nakakakilabot pay ng lumabas ang bata ay ulo lang ito
Walang katawan
Maya maya pay may lalaki namang nakatalikod
May tinataga ito
Parang may kinakatay
At ng umikot ang camera at ihirap sa lalaki ay napahawak ako sa aking bibig
Dahil kamay niya ang kanyang tinataga
Meron ding babaeng nakatali sa isang puno
Pinapalibutan siya ng mga nakabelo ulit ng itim
Ang kinagulat ko ay ng bigla nilang sindihan ang mga kahoy sa paanan ng babae at sinunog ito
Kitang kita ko ang matinding pagsigaw ng babae kahit wala akong naririnig
At ng tanggalin ng mga tao ang belo sa kanilang ulo ay talagang napamura ako dahil lahat sila ay nakangiti
Hindi kumukarap ang mga mata
Akma na sana akong tatayo at aalis doon ng makaramdam ako ng isang malamig na kamay na humawak sa aking braso
Unti unti ko itong nilingon at talagang napasigaw ako ng malakas dahil lahat ng aking katabi ay may belong itim at tulad sa pinapanuod ko
Ay nakangiti sila sa akin
Napaupo ako sa sahig
Sigaw ako ng sigaw
Pikit ang aking mga mata
Hanggang sa nakaramdam ulit ako ng isang malakas na yug yug sa aking balikat
"Mam! Mam! Ayos lang po ba kayo! Mam!"
Natigilan ako
Dahan dahan kong binuksan ang aking mga mata
Tinignan ko ang paligid
Walang tao
Napaka dilim
"Mam ayos lang po ba kayo?" Tinignan ko kung sino ang nasa aking harapan
Security guard
May hawak siyang flash light
Pero hindi siya yung nakita ko kanina
"Mam!" Ulit niya
Tumango ako
Tinulungan nya akong tumayo
"Nagroronda ako sa labas ng marinig ko ho kayong sumisigaw"
"Nanunuod ho ako"
Nanlaki ang mga mata ni kuya guard
"Impossible po ang sinasabi niyo mam dahil matagal ng abandonado ang sinehan na ito"
Napatigil ako sa sinabi niya
Nanghilakbot ako
At ng nasa labas kami ay nilingon ko ang sinasabi niyang sinehan
Nanlambot ng husto ang aking mga tuhod
Dahil kitang kita ko ang sira sirang karatula at instraktura ng sinehan
Totoo nga
Abandonado na ito
------
-end