(GxG) Let somebody love you 2...

By AlyGeek

389K 14.5K 3.3K

**COMPLETED** Hindi naman gusto ni Diana ng kahit na anong kompetisyon. Lalo na kung si Nephra Allen ang maka... More

Chapter 1: Peer-Buddy
Chapter 2: Enemy Fire
Chapter 3: A Perfect Storm
Chapter 4: Ammunition
Chapter 5: Seminar
Chapter 6: Stock Room Incident
Chapter 7: Heart and Mind
Chapter 8: Unruly heart
Chapter 9: Beyond our control
Chapter 10: Stronger than you think
Chapter 11: Discharged
Chapter 12: The evil is back!
Chapter 13: Feelings, feelings.
Chapter 14: Stake your claim
Chapter 15: Handkerchief (Bonus Chapter)
Chapter 16: Misled
Chapter 17: Uninvited guest
Chapter 18: Sleeping Beauty
Chapter 19: Something in me has changed
Chapter 20: More than meets the eye
Chapter 21: Debate day!
Chapter 22: So many questions unaswered
Chapter 23: at the Gazebo (Pool Party II)
Chapter 24: A heart D
Chapter 25: Decisions
Chapter 26: Diana's glow up!
Chapter 27: Devil's whisper
Chapter 28: Lose control
Chapter 29: Confused
Chapter 30: Tension
Chapter 31: Lovesickness
Chapter 32: Holding back
Chapter 33: Beauty is truth, truth beauty.
Chapter 34: Allen Resort
Chapter 35: The Game
Chapter 36: There could be an us
Chapter 37: Next to you
Chapter 38: love-struck
Chapter 39: Desire
Chapter 41: Three words
Chapter 42: "I miss you"
Chapter 43: Masquerade Ball
POSTERS & EXCERPTS
Chapter 44: Tell me, how can my heart be wrong?
Chapter 45: King and Queen
🌈 NEW BOOK COMING SOON 🌈
Chapter 46: Quarrel of sexual tension
Chapter 47: Declaration of love
Chapter 48: End of camp, Beginning of love
Chapter 49: Campaign (Back to School)
Chapter 50: Coming Undone
Chapter 51: Secrets
Chapter 52: Mending hearts
Chapter 53: You and Me against the World
Chapter 54: The Newest Peer-Buddy
Epilogue: New beginnings
Thank you, Readers!

Chapter 40: Beginner's luck

7.2K 295 48
By AlyGeek

A/N: Did you guys know that "You better let somebody love you" was ranked number 1 in Lesbian category?  Yes! *Blush*

Thank you sainyong lahat! Alam kong napakaraming  flaws nitong story ko pero na-a-appreciate nyo parin. First time ko palang magsulat kaya naman masaya ako dahil kahit paano ay may nagbibigay oras para basahin to!

Thank you! xx

..

____________________

Diana's POV

Mabilis ang naging reaksyon namin ni Nephra sa narinig naming katok mula sa pintuan. Para akong binuhusan ng isang balde ng malamig na tubig. Napakurap ako ng mabilis at kumabog ang aking dibdib; napagtanto ko na bumalik na nga ako sa realidad.

"Girls?.." Tawag ni Miss Maya saamin sa labas.

Lumayo kami sa isa't isa.

Naramdaman ko ang pagtaas ng temperatura ng aking katawan.

"Si-si Miss Maya.." I lightly and nervously traced the lines of my brow using my shaking fingers, sabay iwas ng tingin kay Nephra na hindi maikakailang tensyonado din.

"I-I'll get it." Naiilang na sabi nya.

Ilang sandali lang ay tinungo na nga nya ang pintuan upang buksan ito. Nanatiling akong nakatayo sa puwesto ko, pinupunasan ang mga pawisan kong mga kamay.

"Hello, Nephra." Nakangiting bungad ni Ms Maya sakanya. Napaatras si Nephra at muling sumulyap saakin. Mabilis din nyang binawi ang tingin nya para ibalik ulit iyon kay Ms Maya na nakatayo parin sa labas.

"C-Come on in." Aya ni Nephra. Humakbang ulit sya paatras at aksidente nitong nasagi ang side table sa gilid ng kama ko. "Shit!" Hindi sinasadyang mutawi nito. "Pardon me.. please, come in." She tried fixing the stiffness of her posture.

"Salamat." Sagot naman ni Ms Maya habang pumapasok sa aming pod, "I'm sorry.. am I interrupting something?" Tanong pa nito habang tinitignan kaming dalawa.

Lalong umigting ang tensyon sa loob ng kwarto.

Imbis na sumagot ay nagpalitan lang kami ng tingin ni Nephra, hindi ako makapagsalita; para bang may bumara sa lalamunan ko.

"Um.. I'm sorry to barge in, pero medyo urgent kasi itong balita ko." Parang biglang nahiya pa si Ms Maya. "Pwede naman akong bumalik mamaya kung--"

"No.. you're fine." Putol ni Nephra kay Ms Maya, habang nilalaro ang suot nyang wrist watch.

I am completely useless right now, speechless.

"Okay. Uhm.. are you okay, Diana?" Direktang tanong nito sakin.

It took me so long to answer the question, "O-Opo.. o-okay naman po ako." I cleared my throat, "May problema po ba, Ms Maya?" Pilit kong tinaboy sa isip ko ang senaryong nangyari kanina sa pagitan namin ni Nephra.

Kahit mahirap.

"May balita lang ako para sayo.." Seryoso nga iyon, base sa ekspresyon ng mukha nya.

Earning my full attention; lumapit ako sakanya, "Ano pong balita, Ms Maya?" May pangangamba kong tanong. Malakas ang kutob ko na tungkol ito sa pamilya ko.

Hinawakan muna nya ang mga kamay ko.

"Ano po iyon?" Ulit ko. Hindi na ako makapaghintay sa sasabihin nya.

"Gising na ang papa mo.. at gagawin na daw nila ang operasyon sa lalong madaling panahon."

Lumaki ang mga mata ko sa narinig ko, hindi ako nagkamali ng dinig? ang papa ko? gising na?!

"Talaga po??" Napatakip ako ng bibig, hindi ako makapaniwala pero masaya ako sa balitang ito.

"Yes!" Malapad na ngiting sabi ni Ms Maya.

Walang pagsidlan ang kaligayahang ko. Namuo ang mga masasayang luha sa mga mata ko.

Lumapit saakin si Nephra at naramdaman ko ang dahan-dahang paghagod ng kamay nito sa likod ko, "I'm happy that your dad is awake. Let's hope for the best." She gave me a reassuring smile, na lalo pang nagpalakas saakin ng loob.

Nginitian ko sya at tumango, "Kaya ni papa 'to. Malalagpasan nya 'to.." Sabi ko na para bang kinukumbinsi pati ang aking sarili.

Kahit na may konting takot ay hindi parin ako nawalan ng pag-asa.. kahit kailan ay hindi ako mawawalan ng pag-asa.

Nagsalita ulit si Ms Maya sa tabi namin, "Pwede mong tawagan ang mama mo ngayon din, Diana, para kamustahin sila. Nandito din pala ang principal, gusto ka nyang makausap, doon sa may office."

"Sige po, maraming salamat po, Ms Maya."

"You're welcome.. I can show you to her office, let's go?"

...

***

Nephra's POV

Hindi ako mapakali habang naghihintay sa may lobby: sa labas lang ng office kung saan nag-stay ang aming principal para narin sa kanyang privacy. Ang sabi ni Ms Maya, bumisita sya ngayon sa camp para tignan ang reports at performances namin sa mga nagdaang araw.

Naiinip na tinignan ko ang relo ko, mahigit kalahating oras na akong nakaupo sa sofa.

Hindi ko maiwasang mag-alala para kay Diana. Kausap nya ngayon ang principal tungkol sa kalagayan ng papa nya. I started to get worried.

I've never felt so close to anyone before, I couldn't bear for anything bad to happen to her.

Ayokong masaktan sya kung mayroon syang matanggap na masamang balita. I know that heart failure is a serious condition, some cases gets worse over time, pero pinagdasal ko na gumaling at mabigyan pa ng isang pagkakataon upang mabuhay ang papa ni Diana.

Para narin sakanya. Dahil malungkot ako pag malungkot sya. She had come to mean a lot to me.

Sumulyap ako ng pabalik-balik sa direksyon kung saan pumasok sina Diana at Ms Maya. Pero kahit na anong pang-aabang ang gawin ko ay wala paring iniluluwa ang pintuan.

Nauubos na yung pasensya ko. I got up and walked back and forth.

"Shit! What's taking so long?" I murmured to myself.

Hindi na ako nakatiis. Nag-marcha na ako papalapit sa pintuan, just as I was about to hold the door knob.. bumukas ito at nakita ko na nga sina Ms Maya at Diana.

Hawak ni Ms Maya ang balikat ng nakayukong si Diana; para bang kino-comfort nya ito.

"Diana.. is everything okay?" Pag-aalala ko. Mukhang disappointed ito.

Pinilit nitong ngumiti kahit na halata parin ang lungkot sa mga mata nya.

Ayokong maging insensitive, alam kong may dinaramdam sya. Natural lang na mag-alala ito lalo pa't malayo sya ngayon sa pamilya nya. I wish I can do something to make her feel better.

"Ms Maya, can I speak to you for a second?" Sabay baling ng tingin kay Ms Maya.

Pinaupo muna namin si Diana sa lobby at inabot ko sakanya ang isang baso ng tubig.

After that, lumayo muna ako ng kaunti para hindi marinig ni Diana ang pag-uusapan namin ni Ms Maya.

"Can you tell me what happened, Ms Maya?" I clasped my arms and held myself confidently.

Tumingin pa sa likod si Ms Maya, para tignan si Diana bago sya nagsalita, "Humingi kasi ng permiso si Diana na umuwi muna at dalawin ang papa nya, pero hindi sya pinayagan ni Mrs Acosta." Malungkot na pahayag nito.

Kumunot ang noo ko at sinulyapan si Diana na halatang wala parin sa sarili, binuksan ko ang bibig ko para magsalita, but the words seem to just fall out of my mouth, "Wha-" I stopped in the middle of my sentence.

"W-What? Why??" Tanong ko ng sawakas ay manumbalik na ang mga salita.

"Tsk.." She clicked her tongue, halatang hindi din nya nagustuhan ang ginawang desisyon ng principal namin. "Mrs Acosta don't want Diana to miss out on her training dito sa camp. Sabi nya bawat bilang ng araw dito sa camp ay mahalaga. Kailangan daw ninyong makumpleto itong training kung hindi.. hindi na sya maaring tumakbo bilang Peer-Buddy, at ang pinakamalala ay—sabi pa ni Mrs Acosta, kapag nag-back out si Diana, pwedeng masugatan ang record nya at mawala sakanya ang scholarship."

Lalong kumunot ang mga kilay ko, namula ang mga tenga ko sa galit, "Seriously?! That doesn't make any sense! Diana's dad is sick! Mas importante pa ba ang program kesa sa pamilya nya?" Pinilit kong huwag iparinig kay Diana ang paghihimutok ko.

I can't believe this is happening!

"I understand your frustration, Nephra. But we have to follow the rules and procedures."

"No! It's not right." Sabi ko, habang agresibong iniiling ang ulo ko.

Sinubukan muli ni Ms Maya ang kalmahin ako, "Wala na tayong magagawa--"

"I will talk to Mrs Acosta."

"Pero.." Walang nagawa si Ms Maya para pigilan ako, "Ms Allen!" Tawag nito sakin pero, I didn't stop from walking 'til I finally reached Ms Acosta's office.

Nagulat ang principal sa ginawa kong pagsalakay sa office nito. Napatayo sya sa kanyang maliit na swivel chair.

"Ms Allen, what are you doing here? You should--"

Tumayo ako sa harapan ng mesa nya at hinarap sya, "You can't do this to her." Although my voice was low; it held an angry authoritiative tone.

"Excuse me?!" Hindi ko alam kung nagpapatay malisya ito pero alam kong alam nya ang ibig kong sabihin.

"Allow Diana! Let her visit her dad."

Tinanggal nito ang reading glasses nya at naupong muli, "Naiintindihan ko ang sitwasyon, Ms Allen.. pero hindi ko siya pwedeng palabasin sa camp. Not her, not any of you." Matigas na paninidigan nya, "Huwag na sya kamong mag-alala, we'll give her regular updates tungkol sa papa nya." Casual na sabi nito na para bang hindi ganun ka-seryoso ang pinag-uusapan.

"And what if it's too late by then?! Paano kung--"

Hindi ako pinatapos nitong magsalita, tumingala ito at sinabing, "I do not understand how you became involved in this matter, Ms Allen. How does it concern you?"

Tinignan ako nito diretso sa mga mata ko, kung matahin nya ako akala mo nakagawa ako ng krimen.

Sinubukan kong huwag ma-panic, "Diana is my partner. D-Dito sa camp.. of course I am concerned." Pero kahit na anong pilit ko, I sounded very defensive. Nag-bounced ang mga titig ko sa buong paligid ng kwarto.. pilit na iniiwasan ang mga mata ng aming principal.

"Very well.." Anito gamit ang walang energy nitong boses. "I can't allow Diana. She can only take phone calls. It's the least that we can do." At bumalik na ito sa ginagawa nya.

Biglang nagdilim ang paningin ko, "No!" I slammed both my hands on her desk, halos lumuwa ang mga mata nya sa pagkabigla at tumingin muli saakin, "Do something about this! Or else.. the press will know all about it. Masisira ang matagal ninyong iningatang repustasyon ng Don Javier University. I'm sure you don't want your reputation to get tarnished."

"Excuse me?! Are you threatening me, Ms Allen? You appear to be under misapprehension that you can address me as though I am not the principal!" Tumaas na ang boses nito.

With a flushed face, I tried to calm myself. "Look.. Mrs Acosta.." Dahil sa matinding pag-aalala, naba-blanko na ang isip ko. "I'm not threatening you. I'm just telling you to do the right thing."

Isang nakakabinging katahimikan lang ang sinagot nito saakin, wala na syang nasabi.

Nagpasya na akong umalis pagkatapos non.


..

Buong araw na halos hindi magsalita si Diana. Tahimik lang naming ginawa ang mga activities.. sinubukan ko syang kausapin pero pinigilan ko ang aking sarili. Gusto ko muna syang bigyan ng space para mag-isip.

***

7:30 pm - at Bonfire..

"Here. Pinagtimpla kita ng kape." Iniabot ko kay Diana ang mug, kinuha naman nya iyon at ikinulong sa mga palad nya.

Tonight's air is crisp. Mahangin at malamig. Kaya perfect ang kape ngayong gabi.

"Salamat." She gave me a tight smile, even I, know it's fake.

Dahan-dahan akong tumabi sakanya para samahan syang pagmasdan ang mga schoolmates namin sa gitna ng bonfire; nagsasayaw sila habang kumakanta si Ms Maya at si Mr Farreira naman ay tumutugtog ng gitara.

"You're welcome." I said, I took a sip after gently blowing my coffee; I felt the hot liquid travel through my stomach.

"How are you feeling?" Tanong ko sakanya.

Binaba nito ng kaunti sa bibig nya ang hawak nyang mug, "Heto, worried.. confused.." Sabi nito, naka-pako parin ang titig nya sa mga tao sa bonfire.

"Are you able to contact your mom?"

"Sabi ni mama okay naman daw si papa. Gising na sya pero hindi parin makapagsalita, baka bukas o kaya sa susunod na araw ay operahan na sya." Paliwanag nito.

Nag-isip muna ako ng mga bagay na pwede kong sabihin. I was afraid I might say the wrong things.

"Everything will get better."

Bumuntong hininga ito, "Sana nga.. sana pwede ko syang dalawin kahit sa operasyon lang nya. Kaso, hindi ata yun posible."

Pati ako ay napa-buntong hininga. Sana lang ay may gawin si Mrs Acosta para makauwi si Diana. Hindi ko akalain na pwede palang maging mistulang kulungan itong camping.

"Don't worry, Diana.. I'm sure Mrs Acosta will reconsider." Sinubukan kong maging optimistic.

"Yun nga ang pinagdadasal ko.. na sana ay magbago pa ang isip nya."

"She'll come around."

Tumahimik ulit, I was unsure of what to say.

"Salamat sa coffee, uhm.. masarap ka mag-timpla." Diana said, finally breaking the ice.

"Uh.. thanks. Hindi ako sigurado kung gusto mo ang strong coffee, kaya nilagyan ko nalang yan ng cream."

"Tama ka naman. Gusto ko sa kape ko creamy. Kuhang kuha mo yung gusto ko.." Nagiging relax na ngayon ang mukha ni Diana kahit papaano.

"Beginners luck, I guess.." I smiled and sip my coffee again.

"Hindi pa kaya pagod mga yan?" Biglang tanong ni Diana.

Tinignan ko sya, hindi sigurado kung anong tinutukoy nya.

"Sina Mark, Dustin at Joel. Kanina pa sila nagsasayaw.. walang kapaguran" Natatawa nyang komento.

"Baka na-sobrahan sa asukal. You know.. drinking too much espresso can cause a latte problems."

Agad na seryosong tumingin si Diana sakin. Para bang hindi sya makapaniwalang nagbibiro ako.

Bigla akong nahiya. I bit the inside of my cheeks, hiniling na sana ay lamunin nalang ako ng lupa..

..and then,

She laughed.

Tumawa sya!

"Ha-ha.. so that's your attempt at humor huh?"

"Gosh.." Minasahe ko ang sentido ko sa hiya. "Sorry, I'm terrible at humor." Natawa narin ako sa sarili ko.

I fixed my gaze at her, litaw parin ang mga dimples nya. Honestly, sobrang worth it ng joke nayun. Kase atleast, napatawa ko sya at nakalimutan nya ng pansamantala ang mga alalahanin nya. I don't mind embarassing myself once more, just to make her laugh.

"Hindi naman sa ganon. Hindi lang ako sanay na nagjo-joke ka.."

"Is that why you call me Nephra Terror? Dahil akala mo hindi ako marunong makipagbiruan?"

Sya naman ngayon ang namula, "Grabe! Naaalala mo pa yon??"

"Aba! Siyempre!"

"Noon yon! Ngayon kase kilala na kita.. softie karin naman pala." She looked at me when she said that. Naglakbay ang mga mata nya sa buong mukha ko, na para bang kinakabisa ang bawat parte nito.

I felt the quickening of my heartbeat. Pati na ang pagtaas ng mga balahibo ko.

"Have you ever been in a relationship?" She asked out of nowhere.

Hinayaan ko munang lumutang sa hangin ang tanong nya.

"Takot ba sila sayo?" Sunod nitong tanong sakin na may kasamang pagtawa.

"I guess.. I'm just too picky. At gaya nga ng sinabi mo, wala namang magtangkang sumubok." I chuckled, uminom ulit ako ng kape para maibsan ang biglaang panunuyo ng lalamunan ko.

Tumango-tango si Diana.. she was smiling yet it didn't reached her eyes. Malalim na naman ang kanyang iniisip.

"Hm.. s-si Buck?"

"B-Buck? What about him?" I was surprised that she inserted Buck in our conversation. I wasn't even thinking about him.

"Um.." Nagpakawala ito ng buntong hininga, she's clearly nervous to ask, "Hindi.. h-hindi ba siya special sayo?"

Hindi ako agad nakapagsalita.

"O-Okay lang kung.. kung ayaw mong sagutin."

"No, it's alright.." Paniniguro ko, "Well.. Buck is.. of course Buck is special."

Nawala ang ningning sa mga mata ni Diana ng marinig iyon.

But then I said to her, "He is special because he understands me. Pero.. magkaibigan lang kami, simula pa nung mga bata pa kami ni Buck. He is just a friend. Aaminin ko, sinubukan nyang manligaw, but I always reject him, kahit na sobrang pabor ang mga magulang ko sakanya, lalo na si daddy. Pero hindi talaga eh, I just don't really see him that way.. you know? Parang kayo ni.. ni Flores."

She nodded with an understanding smile. Hindi na ito nasundan pa ng isa pang tanong.

That's when I knew, I don't feel the same way about Buck as I do about Diana. Magkaibang magkaiba ang nararamdaman ko para sakanya.

"Uh.. and you?" Ako naman ngayon ang nagtanong.

" Huh? A-Ako?" Sabay turo sa sarili nya.

"Yes! You! Silly." Akala mo naman may iba pang tao dito, maliban saming dalawa.

"Ahh.. ha-ha. Bakit?"

"You told me.. you like someone."

Naubo sya sa iniinom nyang kape. "Ah!.. yun.. yun ba?" Binaba nya yung mug nya sa may steps ng pod namin, "Sinabi ko ba talaga yun?" Patay malisya nya.

"Yes, you did! Ha-ha.. sino ba yun ha?" Usisa ko ulit, kahit halatang uncomfortable si Diana sa pangungulit ko.

"Kuwan.. uhm.. ah." Tumingin ito sa langit na para bang nakalimutan ang sasabihin nya.

She pinched the skin of her hand. Makinis ang balat nito kaya agad na nag-bruised ang parteng iyon. Pinagmasdan ko sya, at nung mapagtanto kong hindi sya titigil.. I snatched her hand that's pinching her skin. Gulat itong napatingin sakin.

"Stop doing that.." Utos ko.

"P-Pasensya na.."

"No. Huwag ka sakin humingi ng pasensya. Dapat sa sarili mo, look.. you bruised yourself."

Nagulat ito nung makita nyang may pasa nga sa balat nya.

"It looks painful.." Sabi ko.

"Hindi.. okay lang sya. Hindi naman ganun kasakit." Sinamahan pa nya ng kabadong tawa.

"You are so.. different."

"Different?"

"Yep." Walang kagatol-gatol kong sagot, "You are so naive.. yet, very bright and very kind. You lack confidence but you are fearless when you want to be."

Binigay nito ang buong atensyon nya sakin, manghang-mangha ang mga mata nitong tumitig sakin; with her soft looking, feminine eyes..

I saw her pupils dilated.

"Masama ba yun?.." Buong tapat nyang tanong.

"No! Not at all.. In fact, the world would become a better place if there were more people like you."

Inilagay niya ang kanyang kamay sa kanyang dibdib.. as if to magically soothe the ache that was growing to be unbearable.

Pagkatapos ay dahan-dahan itong humakbang papalapit saakin.

I stood, frozen, waiting.. from both fear and excitement..

..and then she closed the gap between our lips.

.

.

.

To be continued..

Continue Reading

You'll Also Like

69.1K 3.5K 24
Elliott is an introvert-not a shy person, but a quiet one. She prefers to be alone and finds peace in solitude. Her stern demeanor and chilly gaze ar...
801K 19.4K 33
One night. One mistake. One mistake that changed their lives forever. Dylan Cruz is a demon. Literally. He is a half-breed. Half human, half demon. B...
2.1M 60.7K 14
OLD SUMMER TRILOGY #2 Being the niece of the volleyball team's coach, Alia is hired to design the uniforms of the players. Seven, who has had a crush...