My Princess Sarah [Completed]

By Pink1207

2.5K 48 4

Life Always turns in an unexpected time, in an unexpected ways. Subalit darating ang tamang panahon para sa... More

My Princess Sarah
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter 6
Chapter Seven
Chapter Eight :)
Chapter Ten

Chapter Nine

121 4 0
By Pink1207

Nagisng siya sa malakas na vibration ng cellphone sa ilalim ng unan niya. Pupungas-pungas niyang sinuri ang orasan sa ibabaw ng side table niya. Ugghh! Two-o’clock in the morning! Sino naman ang walang magawang tatawag sa kanya sa ganuong dis-oras ng gabi? Kinapa niya ang cellphone at hindi na siya nag-abalang suriin ang caller.

   “ Hello! Kung sino ka man, puede bang matulog muna?” histeryang bungad niya.

   “ Good morning, Sarah,”            

   “ D- Damien?” gulat niyang tanong. Bakit gising pa ito?

   “ Can you go out for a while? In our garden?” nakikiusap na tanong nito.

Alas-dos na ng madaling araw. Ano ang gagawin nila sa labas?

   “ Please, Sarah?”

   “ O-Okay, I’ll be there in a minute,” nag-hung up siya at nagmamadaling pumunta ng banyo. Nag-toothbrush at inayos ang sarili. Sinuri niya kung okay ba ang pajamang suot bago dahan-dahang binuksan ang pintuan at lumabas.

Nadatnan niya si Damien na nakaupo sa isa sa garden set. Nakatingala ito sa langit. Napangiti siya at patakbong tinungo ang kinaroroonan ni Damien.

    “ Hey! Is that a meteor shower?” aniyang nakangiti habang nakatingala.

Tumayo si Damien at sinalubong siya. “ Yep,” sagot nitong nakatingala na rin.

Unang naisip niya ay pumikit at mag-wish. Marami siyang wish. Makatapos siya ng pag-aaral. Makakita ng magandang trabaho. Magkaroon ng masayang pamilya,with two kids in it. One boy, one girl. And finally, bakit biglang na lang pumasok sa isip niya si Damien bilang ama ng mga anak niya?

    “ Kasama ba ako sa mga wish mo?” bulong ni Damien sa taynga niya.

Yes! At sana maging totoo. Dahan-dahan siyang nagmulat ng mga mata. Binalingan ang binatang ilang pulgada lang ang layo ng mukha nila sa isa’t-isa. Ngumiti ito sa kanya sabay na hinapit siya sa baywang ay tuluyang pinaharap sa binata.

Bigla ay tila kakapusin siya ng hininga sa sobrang tense.

    “ Breath, Sarah,” anas nito.

Hindi ba siya humihinga?  Hindi niya napansin iyon. “ D-damien?”

    “ Do you want to know my wish?”

    “ S-sasabihin mo ba?”

Napangiti lamang ito at hinawi ang ilang hibla ng buhok sa mukha niya.

    “ I wished that I could spend the rest of my life with you,”

Napasinghap siya. Tama ba ang narinig niya? “ W-Why me?”

Kulurot ang mga matang tinitigan siya nito. “ Why you’re so dumb?”

Pakiramdam niya ay susuntok siya ng tao. Gigisingin siya nito, sasabihang he want to spend the rest of his life with her, and now she’s asking for a reason, he called her dumb?

    “ Oh! I’m dumb! I just never assume things that are not officially confirmed! And thank you for waking me up at the break of dawn just to call me such! And please, don’t wish under those meteors that you wanted to spend your whole life with a dumb like me! Good morning!” nagpupuyos na pumihit siya at nagsimulang humakbang palayo. Hindi pa man siya nakakakilos ay maagap ng nahawakan ni Damien ang kamay niya at puersahang pinigilan siya.

    “ I love you, Sarah,”

Halos pabulong lamang na sinabi iyon ni Damien subalit pakiramdam niya’y nabingi siya. O, kabog ng dibdib niya ang naririnig niya? Bigla ay parang may nagbara sa lalamunan niya. Walang salitang gustong manulas sa bibig niya. Nang magtangka siyang magsalita’y hikbi ang nanulas sa mga labi niya.

   “ Hey! Aren’t you supposed to be saying that you love me back? Why are you crying?” nag-aalalang pinunasan ni Damien ang mga luha niya sa pamamagitang ng daliri nito.

Sa halip na sumagot ay yumakap siya sa binata at pinakiramdaman ang bawat tibok ng puso nito.

    “ Sarah?”

    “ Y-You love me?” parang hindi makapaniwalang tanong niya.

    “ I do,”

Napangiti siya. “ I love you, too, Damien,” halos pabulong niyang sagot.

Mahigpit na yakap ni Damien ang naramdaman niya bilang sagot mula sa binata. “ Thank you,” .

Ilang minuto din silang magkayakap habang nagpapakiramdaman. Hanggang maramdaman niyang nilayo siya ni Damien sa katawan nito at ginawaran ng maalab na halik sa labi. “ Do you want to see the rest of the meteor shower? I brought two cups of coffee, anyway,” anito at iginaya siya sa upuan.

    “ Wala ka bang balak matulog?” natatawang tumabi siya sa binata na umakbay sa kanya habang patuloy sa panonood ng meteor shower. Samantalang siya’y pinapanood ang mukha ng…boyfriend?

Ginagap ni Damien ang kamay niya nang tila maramdaman ang mga titig niya. “ Do you know that it’s rude to stare?” patagilid na tinitigan siya ng binata.

Napangiti siya. At dinampot ang tasa ng kapeng dala ni Damien. At pagkatapos ay hinilig niya ang ulo sa balikat nito. Pinikit ang mga mata at dinama ang kaligayahang nararamdaman niya sa oras na iyon. Hindi niya kailan man naisip na romatikong tao pala si Damien. Itinaon ba talaga nitong magtapat sa kanya sa ilalim ng liwanag ng buwan at meteor shower? At sa napaka-weird na oras? Imagined?! At least two-thirty in the morning! How sweet!

    “ Sarah,”

    “ Hmmnnn?”

    “ I broke up with Bianca,”

    “ I know. The worst thing is… it’s because of me,”

    “ I’m sorry,”

    “ Minahal mo ba siya?”

    “ I know you’re going to ask that. But no. You should know that, anyway. I was always with you,”

Napapikit siya. “ How did you know that you love me, Damien?”

Ginawaran siya ng halik sa noo bago ito sumagot. “ I’ve been feeling this since day one. I tried to shove it away. If after four years I’m still feeling this way, what do you want to call it?”

      “ Pity? Because you do know that I’m orphaned,”

      “ I never felt pity for someone that’s so feisty. And strong in fighting be back whenever I bully you,” pahagikgik na kinabig siya sa katawan nito.

     “ And that? Why did you have to bully me when you know that you love me?”

    “ I wanted your attention just for myself. You just don’t know how jealous I was whenever some guys were trying to hint on you,”

    “ I hate you for that,”

    “ And I love you more for that,”

Nakangiti siya nang tumitig siya kay Damien. Ginagap naman ni Damien ang kamay niya at ginawaran siya ng halik sa labi. Smack. “ I love you, Sarah,”

Tumango siya at napayuko. “ Errr… can we keep it for ourselves, Damien?”

Kulurot ang mga mata nitong tinitigan siya ni Damien nang mag-angat ng mukha. “ Which means?”

   “ I don’t want people to-,”

   “ No! I want to show to everyone that we are together,”

Tumirik ang mata niya. May determinasyon sa tinig nito. “ D-Damien,”

   “ You don’t need to hide it, Sarah. People around us can see it even before this moment,”

Kagat ang pang-ibabang labing napangiwi siya. “ I’m not ready for this, Damien,”

    “ So, today is Saturday. I’m giving you until Monday. Sarah, please. I didn’t keep it within four years and blurted it out and keep it again from people,” kinulong ni Damien ang mukha niya sa mga palad nito. “ I’m very proud to show people that finally we are together. Officially, I mean,”

    “ Some people out there already hate me because you broke up with Bianca, Damien. They even called me bitch, a nerdy flirt. So, if you can, stay away from me while we are in school ground,”

    “ Are you fucking serious, Sarah?” tila napasong binitawan siya ng binata at galit na tinalikuran siya.

    “ Language, Damien!”

    “ Well, you made me say that,” anitong humarap sa kanya. “ Mas mabuti pang hindi mo na lang nalamang mahal kita. At least, I’m allowed to stay by your side. You know I can’t do that, right? And I won’t do that, ever!” galit itong tumalikod sa kanya at tinungo ang pintuan ng bahay. Maya-maya’y narinig niyang ang malakas na pagbalibag nito ng pintuan.

What’s wrong with that girl? Pabagsak na nahiga si Damien sa kama niya. Tutop ang noo ng kamay niya at tumitig sa kisame ng silid niya. Ang saya niya nang malaman niyang mahal din siya ni Sarah. Parang nawala bigla ang bigat na nararamdaman niya mula nang magkasundo sila ng daddy niya at payagan siyang bumalik ng Pilipinas para tapusin ang high school niya at formal na magtapat kay Sarah and spend his remaining time with Sarah before he has to move in California to establish himself for the future. For their future.

And in the end? What? She want to hide their relationship from people around them? Alam niyang kahit noon pang hindi official ang relasyon nila, batid na ng mga tao sa paligid nila that there’s something between them. Hindi nga ba at iyon lagi ang madalas nilang pag-awayan ni Bianca. Batid ng dalaga na may gusto siya kay Sarah. Kagustuhan na lamang ni Bianca na subukan nilang mag-work out ang relationship nila. Kaya tumagal sila ng dalawang taon. Kaya nang makipag-break siya’y wala na ring nagawa si Bianca. Hindi niya lang malaman kung kanino narinig ni Sarah ang mga paratang sa dalaga.

Mga alalahanin iyon na malayang gumigising sa diwa niya. Nang suriin niya ang oras ay mag-aalas singko y medya na. Minabuti niyang bumaba at hanapin si Nita. Batid niya ang oras ng simula ng trabaho nila. Sinabihan niya si Nita na huwag gigisingin si Sarah sa pagtulog. Nagdahilan na lamang siyang homework nila ang tingnan ang meteor shower kanina kaya hindi sila nakatulog. Naniwala o hindi si Nita ay hindi niya na pinansin pa. Tsaka lamang siya bumalik sa silid upang matulog na rin.

     “ Hey! What’s wrong with you?” bungad ni Sarah sa nobyo habang daang pauwi sila. Kanina pa ito tahimik.

    “ Sarah, I’m sorry to say that I can’t keep our relationship to everyone. I want to show them you’re mine and I’m yours, okay?”

Natawa siya. Huminto siya sa paglalakad at hinarap ang binata. Kita niyang hirap ito sa gusto niyang set up nitong mga nakaraang araw. Wala pa ngang isang lingo ay parang sobra na ang parusang naranasan nito. Ginagap niya ang mga kamay nito at tinitigan si Damien. “ Okay. Ayoko rin namang nakikita kang halos araw-araw na hindi makangiti. But…,”

    “ What again?”

    “Uhmmmnn… ayoko sanang malaman ng mga parents mo at ni Nanay?”

Ito naman ang natawa at hinagkan siya sa noo at niyakap. “ That’s too late to ask, my princess,”

Sa kabiglaanan ay naitulak niyang palayo ang binata. “ I- I beg your pardon?”

Ginagap nito ang kamay niya at giniya siyang maglakad ulit. “ Look, Sarah, people at home are not as insensitive as you. Bago mo nalamang mahal kita, sila muna ang nakaalam,”

    “ At paano naman nangyari iyon?”

Napakamot ng batok ang nobyo bago sumagot.

    “ I kind of… sila muna ang niligawan ko, bago ikaw?”

Napailing siya. “ Lahat ng tao sa bahay?”

    “ Yep,”

    “ Pati si Nanay?”

Tinaasan lamang siya ng isang kilay ni Damien.

   “ W-What about your… p-parents?”  may kabang namayani sa maaring isagot ni Damien.

   “ They’re fine with it,” tumitig ito sa kanya.

Napaawang ang bibig niya at muling tumikom. “ Y-You’re messing with me, right?”

Umiling si Damien. Titig na titig pa rin sa kanya.

Napasinghap siya. Wala siyang makapang salita. Bigla ay para siyang maghahabol ng hininga. Paanong nangyari ang lahat ng ito, tanong niya sa sarili.

    “ Sarah?”

Napalunok siya. “ D- Damien,”

Kinabig siya sa katawan nito nang mapunang tila siya natutulala. “ They know that I’ve been in love with you, Sarah. And I want you to know that I never stopped loving you,” bulong nito sa taynga niya.

Napaluha siya sa narinig mula kay Damien. Nang walang manulas na salita sa bibig niya ay sinuklian na lamang niya ang mahigpit na yakap nito sa kanya.

Lumabas si Sarah mula sa banyo ng faculty office. Hindi niya malaman kung paano niyang hatakin pababa ang kulay asul na shorts na kailangan niyang isuot sa parade ng tournament. Paano kasi ay napasobra yata ng iksi ang shorts. Halos konting tuwad lang ay lilitaw na pisngi ng pang-upo niya.

    “ Hey! Do you have any shorter than this?” may sarkasmong tanong niya kay Damien na suot din ang uniform ng mga ito kasama nila Tristan, Jake, Luke, Bryan.

    “ Wow! Nerdy, I never thought that you have a very ravishing legs!” bulalas ni Tristan na umakbay kay Zoe na noon ay nakangiti lamang sa ginagawang paghatak ng shorts pababa at nang sandong pang-itaas niya na animo’y isa siya sa mga cheerleader na fit na fit sa katawan niya ang damit.

   “ Shut up, Tristan!” halos bulyaw niya at tinapunan ng matalim na tingin ang nobyo ni Zoe.

Sinundan pa iyon ng pagsipol nila Luke at Jake. “ Sarah, saan ka ba nagpunta nang hindi ka pa girlfriend ni Damien?”  ani Bryan na kunwa’y nasi-shock pa sa kanya. Sinadya pa nitong idilat ang mga mata na tila namamangha sa kanya.

Nagkatawanan ang lahat nang tapunan ni Sarah ng matalim na tingin si Bryan.

    “ Guys! Tama na ‘yan. Kailangan ko pang mag-make up ng muse,” singit naman ni Claire na may dalang vanity kit na akala mo ay professional.

   “ Hey, Sarah! Tanggalin mo na ‘yang salamin mo and wear your contact lense instead,” salag naman ni Gaby.

Napatingin siya kay Damien na nakangiting nagmamasid lamang sa kanya. Na-conscious tuloy siyang muling tumakbo sa banyo para ilagay ang mga contact lenses niya.

    “ Guys! We only have thirty minutes to get ready!” maya-maya’y anang coach nilang si Seth.

Tsaka lamang nagsimulang magmadaling kumilos ang lahat. Manipis na blush on lamang ang pinalagay ni Damien sa pisngi niya. Natural red na lipstick. Kaunting mascara. Mainpis na eye shadow.Hinayaan lamang na ilugay ang mahaba at tuwid niyang buhok.

    “ Sinisira ng nobyo mo ang diskarte ko, ha?” bulong sa kanya ni Claire nang kontrahin ni Damien ang amount ng make-up niya sa mukha.

   “ You’re so beautiful, Sarah,” ani Zoe nang matapos ang make up niya.

   “ I’m so proud of you! You two look so perfect together!” kinikilig si Gaby.

   “ Guys! Are you ready?” si coach ulit. Sabay-sabay na sumagot ang mga players. Maya-maya lamang ay nasa kani-kaniyang mga sasakyan na sila. Nagpahatid ang mga kaibigan niya sa driver nila Gaby sa Marikina Sports Complex kung saan idaraos ang tournament. Sakay naman ng isang van ang mga players, muse, at coach. Habang daan ay bini-briefing sila ni Seth na seryoso namang pinakikinggan na mga manlalaro. Samantalang sa isa pang van ay mga cheerleaders. Bigla niyang naisip si Bianca. Ito ang star cheerleader ng campus. Nitong mga nakaraang araw ay hindi niya maiwasan ang matatalim na titig nito sa kanya. Alam niyang masakit para sa dalaga ang break up nila ni Damien, subalit ano ang magagawa niya? Walang ibang makakapagpalaya sa isang tao kundi ang pagtanggap sa katotohanan. But most of the times, truth always hurts.

    “ Are you okay, my princess?” bulong sa kanya ni Damien habang daan. Magkatabi sila nito sa pang-hulihang upuan ng van.

Ngumiti siya. “ Y-yeah?” aniyang inayos ang buhok ng nobyo.

   “ You’re zoning out,”  hinalikan siya sa pisngi ni Damien habang naka-akbay sa balikat niya ang kamay nito. “ But, anyway, do you know how pretty you are today?” nginitian siya nito. His eyes sparkling.

Alam niyang nag-blush siya. Ramdam niya iyon sa magkabilang pisngi niya. “ T-Thank you. I love you,” bulong niya sa binata.

    “ I love you,too,” sabay na panakaw at mabilis siyang hinalikan sa labi.

Bahagya siyang natawa. At pinisil ang kamay niya ni Damien.

Marami ng taong nag-aabang nang makarating sila. Anim na iba’t-bang school ang nakatakdang maglalaban. Abala ang bawat players sa paghahanda. Ang mga guro naman ay hindi magkamayaw sa pag-aasikaso ng programa sa loob ng Sports Complex. Hindi humiwalay si Damien sa tabi niya. Maraming beses na naramdaman niyang hinaharang nito ang katawan para masigurong hindi siya nasasagi ng mga taong hindi maiwasang makabangga ng kapwa manlalaro. Dumadagundong ang lakas ng sound system habang inaayos ang mga representative ng bawat school na may partisipasyon.

Hanggang maya-maya ay isa-isa ng in-introduce ang bawat school kasabay ng maingay na pag-chi-cheer ng mga corresponding cheerleaders. Bawat taong ngumingiti kay Sarah ay sinusuklian niya rin ng ngiti habang hawak nila ni Damien ang sash ng school nila. Nagulat pa siya nang biglang may sumulpot na isang player sa ibang school sa harapan niya. guapo rin ito at matipuno ang katawan.

     “ Hi! I’m Andrew, from St. Joseph. And you are?”

Napangiti siya. “ Sarah, from St. louise,” magiliw niyang sagot at kinamayan ang naka-abang nitong kamay.

    “ It’s a beautiful name. Can I have your number? We can be friends,” nagingislap ang mga matang tumitig sa kanya at nasorpresa siya nang ilabas nito ang kapirasong papel at ballpen at inabot sa kanya.

Natawa siyang aabutin na sana niya ang nasabing papel nang tila gigil na hinablot ni Damien ang papel at ballpen at mabilis na nagsulat ito at mabilis na binalik sa lalaki.

    “ Here is her number. The game is about to begin, dude. Back off now!” pagtataboy nito at tinitigan ng matalim ang lalaking hindi man lang natinag sa nagbabantang mga titig ni Damien.

   “ Bye, Sarah. Nice meeting you,” nakangiting humakbang paurong ito at bago pa tuluyang tumalikod ay kinindatan pa siya ng bagong kakilala.

Napawi ang ngiti sa mukha niya nang masalubong niya ang tila galit na mga titig ni Damien. Jealous? Obviously, sagot niya sa sarili niyang tanong. And she’s enjoying it.

    “ Well? It’s not my fault. Did you really give my number to that guy?” aniyang tila nanggagatong pa at lalong tinamisan ang ngiti niya.

Biglang nagtaas-baba ang dibdib ni Damien.

     “ In your dream, my Princess,” sagot nito at umiwas ng tingin sa kanya. Iginala niya ang pangingin sa paligid. Marami ang kumakaaway sa kanya kasama na sila Claire, Gaby at Zoe na nasa front seat. Nginitian niya ang mga kaibigan at kinawayan din.

    “ But I saw you scribbled something on that paper,” bulong niya kay Damien habang patuloy na nakikipa-ngitian sa mga tao sa piligid.

   “ It’s my number,” anitong fake na ngumiti sa kanya habang alam niyang nagngangalit ang kalooban nito.

 Natutop ang sariling bibig sa pagtawa. “ Thank you, my Prince. I love you so much,” pabulong na lamang niyang nasambit ang huling tatlong salita na batid niyang magpapakalma sa galit ni Damien.

Which was true. Dahil nang marinig ni Damien ang mga salitang iyon at dramatikong lumambot ang aura nito at nangingislap ang mga mata ngitian siya. “ I love you, too, my princess,”

Tapos na ang parade ng lahat ng team kasama ang mga kani-kaniyang mga muse. Malakas ang hiyawan na sinabayan ng mga cheerleaders nang rumampa na ang mga muse. Kinakabahan man dahil first time na mapasali siya sa ganitong tournament at pilit niyang maging confident sa sarili niya. Rarampa lang naman aniya. The real focus is on every teams. And after that, maglalaban na ang mga school team. Nasa first game slot ang team nila against St. Georges. Isa-isa nang tinawag ang pangalan ng kalabang team. When it was their turn, nginitian niya si Damien.

    “ Goodluck,” aniyang pinisil ang kamay ni Damien for encouragement.

Ngumiti si Damien sa kanya. “ Thank you. Stay with your friends over there, okay?” habilin nito sa kanya.

Tumango lamang siya at tinapunan ng tingin ang kinaroroonan nila Zoe na halos mapunit ang lalamunan sa pag-chi-cheer nang tawagin ang pangalan ni Tristan.

   “ I’ll join them now,” aniyang ngumiti ulit sa binata. Tatalikod na sana siya nang magulat siya at hinapit ni Damien ang baywang niya at walang inhibisyong maalab siyang hinagkan sa labi. Nandidilat ang mga mata niya sa ginawa ng nobyo. Oh, my gosh! Hinahalikan siya ni Damien in the middle of the crowd?! Patagilid siyang napatingin sa paligid na noon ay sa kanila nakapako ang mga paningin. Naririnig niya pa ang ohhhh!!! mula sa mga tao sa paligid.

  “ I’m sorry, Princess. I just can’t stand those eyes feasting on my girl. I have to mark my territory,” anitong patagilid pang tumingin sa paligid.

Ngumiti siya. So, possessive, aniya sa sarili. “ Go, now, Damien! Your name already been called,” natatawang taboy niya sa nobyo. Tsaka lamang kumilos patakbo ang binata.

Nakita ni Sarah kung paanong nagsikap ang team ni Damien para manalo sa unang laro ng mga ito. Kahit sabihin pang magagaling rin ang nasa kabilang team. Kaunti lamang ang nilamang nila sa kalaban subalit St. Louise pa rin ang dineklarang nagwagi. Naroon lamang sila ng mga kaibigan niya. Natatawa siya sa tuwing mag-chi-cheer si Zoe kay Tristan. Nagkakatinginan na lamang silang tatlo nila Claire at Gaby at natatawang napapailing. Tuwang-tuwa naman si Coach sa naging resulta ng walang patumanggang pagpa-practice nila.

Masayang umaga sa school ang sumalubong sa buong team the next school day. Marami ang bumati sa bawat miyembro ng team. Busy ang nobyo sa bawat bumabati kaya minabuti niyang mauna na classroom.

Nakangiti siyang tinunton ang daan patungo sa silid-aralan nila nang bigla siyang harangan ni Bianca. Nagbabaga ang mga matang nakatitig ito sa kanya.

    “ Happy now, nerdy?” bungad nito. “ Ibang klase rin naman ang technique mo sa pang-aagaw ng boyfriend ng may boyfriend,’no? Pa-nerdy effect,may tinatago lang palang kati sa katawan,”

Sumulak ang dugo niya sa ulo. Hindi niya ipagwawalang bahala ang mga salitang binibitawan nito sa kanya. “ Nainsulto ka ba, Bianca? Isang nerd lang pala ang aagaw ng boyfriend mo?”

Ngumisi si Bianca at nilapitan siya. “ Iiwanan ka rin niya kapag nakuha niya na ang gusto niya sa ‘yo. Tulad ng ginawa niya sa ‘kin. Kaya huwag kang masyadong masaya! Matalino kang tao, you should know that a certified player has nothing to do with the nerd like you. He just want to get in your pants! Nerd!” anitong sinabayan ng pagtalikod sa kanya.

Hinihingal siyang napatda sa pagkakatayo sa kinaroroonan niya. Pilit itinatanggi ng utak niya ang lahat ng sinabi ni Bianca. And the worst thing keep on echoing in her mind was when she said “ tulad ng ginawa niya sa ‘kin,”. Did Damien….really do it with her? Tila pinanlalamigan ang buong katawan niya. Iyon lang din ba ang gusto ng nobyo sa kanya?

Natutop ng kamay niya ang sariling dibdib habang nanunuyo ang lalamunan niya.

    “ Sarah?”

Napalingon siya sa nobyong halos patakbong lumapit sa kanya.

    “ Why did you leave me there?” nakangiting umakbay ito sa kanya at giniya siyang patungo sa classroom nila.

Kapwa sila nagulat ni Damien nang pagpasok pa lamang nila sa pintuan ng silid-aralan nila ay walang patumangga ng nagliparan sa ere ang confetti. Naghihiyawan ang mga kaklase nila habang sinasalubong sila ng sunud-sunod na pagbati at pagkamay. Hindi maitatanggi ni Sarah ang sayang namamayani sa puso niya sa mga oras na iyon. She feels appreciated. And accepted.

Continue Reading

You'll Also Like

735K 2.7K 66
lesbian oneshots !! includes smut and fluff, chapters near the beginning are AWFUL. enjoy!
161K 962 31
spoiler "Berani main-main sama gue iya? Gimana kalau gue ajak lo main bareng diranjang, hm? " ucap kilian sambil menujukan smirk nya. Sontak hal ter...
28.9M 916K 49
[BOOK ONE] [Completed] [Voted #1 Best Action Story in the 2019 Fiction Awards] Liam Luciano is one of the most feared men in all the world. At the yo...
55.1M 1.8M 66
Henley agrees to pretend to date millionaire Bennett Calloway for a fee, falling in love as she wonders - how is he involved in her brother's false c...