My Princess Sarah [Completed]

By Pink1207

2.6K 48 4

Life Always turns in an unexpected time, in an unexpected ways. Subalit darating ang tamang panahon para sa... More

My Princess Sarah
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter 6
Chapter Seven
Chapter Nine
Chapter Ten

Chapter Eight :)

148 4 0
By Pink1207

Hindi malaman ni Sarah kung paanong haharapin si Damien. Hindi niya rin malaman kung saan ito naglagi noong Saturday at kahapon, Sunday. Nagtrabaho siya sa mansiyon pero maghapong hindi niya nakita ang binata. Hindi niya magawang mag-usisa kay Nanay Nita niya dahil ayaw niyang isipin nitong hinahanap niya ang binata. Isa pa ay alam ni Nita na hate na hate niya si Damien. Pinagtataka lamang niya ay parang malayang binibigyan ng permiso ni Nanay Nita niya na maglabas-pasok si Damien sa quarter nila. Sabihin pang sa mismong silid niya. Hindi lang ba mga kabataang babae ang kaya nitong paikutin sa palad nito? Pati mga kasambahay nila? Hindi na nga naman dapat siyang magtaka. Anak nga naman ng amo si Damien. Pero kahit na. Tama bang payagan ni Nanay Nita na bantayan siya ng binata ng halos magdamag noong nilagnat siya? Aaminin niyang hungkag ang bawat sandaling hindi niya nasisilayan si Damien. Tama ba ang nararamdaman niya? Ang galit niya noon kay Damien, ay pag-ibig na pala ngayon?

Napangiwi si Sarah nang matanawan niya si Damien sa lobby ng school. Mag-isa lang itong nakatayo doon. Nasaan si Bianca? Oh, si Bianca marahil ang hinihintay nito. Kinurot ang puso niya. May nobya nga pala ang lalaking nagma-may ari na ng puso niya ngayon. Tama lang siguro kung umiwas muna siya kay Damien. Bago pa may masaktang ibang tao. Bago pa siya makita ni Damien ay mabilis na siyang pumasok sa library. Naginitian niya ang librarian matapos bumati ng good morning. Tumuloy siya sa pinalikuran ng silid-aklatan. Doon muna siya maglalagi hanggang mag-bell na siyang hudyat ng simula ng lahat ng klase. Paliko na siya sa tinumtumbok niyang puwesto nang may maulinigan siyang mga anas sa pinakasulok din ng library. Dahan-dahan ang hakbang na kumubli siya sa isang bookshelf tsaka bahagyang sumilip. Nandidilat ang mga matang natutop niya ang sariling bibig niya. Bakit nga ba hindi ay hindi niya inaasahan na makita ang dalawang taong ni sa hinagap niya ay hindi niya inaasahang maglalapit. As in magkalapit-magkalapit ang mga katawan. Nakapako ang katawan ni Zoe sa dingding ng library sa katawan ni Tristan. Sa tingin niya ay nagpupumiglas si Zoe subalit hindi gustong pakawalan ni Tristan.

   “ Let me go, Tristan!” anas ni Zoe na matalim ang tingin kay Tristan na nakapikit habang nakadikit ang noo sa noo ni Zoe.

   “ Not until you give me a chance, Zoe. Please? I love you. Please, believe me,” nanggagalaiting sagot ni Tristan.

Natutop niyang bibig ni Sarah. Umamin na si Tristan? Hindi na ito nakapag-hintay na tulungan niya? Hindi niya napigilan ang ngiting sumilay sa mga labi niya. Nagdiriwang ang puso niya para sa kaibigan. May ngiti sa labing nagpasya siyang iwanan ang dalawa. Panatag na ang kalooban niya. Pumihit ang mga paa niya para lisanin ang lugar na iyon nang bumangga siya sa matigas na dibdib ni Damien. Pigil na singhap at natutop niya ang bibig nang tingalain ito.

   “ What are you doing here?” anas niya sabay na nilingon ang dalawang sinisilip niya.

Sinundan ng tingin ni Damien ang mga mata niya. Tsaka lamang ito napangiti sa kanya.

   “ No! How can you expect me to believe you. As if I don’t know your reputation here,” anas ni Zoe.

Malinaw sa pandinig nila ang lahat ng pag-uusap ng dalawa.

   “ Let me prove it to you, Zoe. Please?”” nagmamakaawa si Tristan.

Pasandal din siyang tinulak ni Damien sa bookshelf at tinitigan siya. Kinabog ang dibdib niya sa mga titig nito. Tila nawalan din ng lakas ang mga tuhod niya. Nanunuyo ang lalamunang tiningala niya ang binata. sabay anas na: “ Let’s go. They’re fine now,” ang totoo ay gusto niyang ilayo ang sariling katawan kay Dmaien. Bago pa may mahalata sa nararamdaman niya nang mga oras na iyon ang binata.

Hindi tuminag si Damien. Patuloy lamang itong nakatitig sa kanya habang tutok ang pakikinig sa dalawa.

   “ Zoe, please? Just tell me what do you want me to do?”

Tumaas ang kilay ni Damien.

   “ Anything?”

   “ Anything,”

   “ Okay. Leave me alone!”

   “ Zoe! I can’t do that!”

   “ Let me go, Tristan!”

   “ Kahit maghapon pa tayo dito, hindi kita pakakawalan hanggang hindi mo ako pinapayagang ligawan kita!” determinado ang tinig ni Tristan.

   “ Okay, fine! But don’t expect me to make it easy for you! Can you let me go now?”

   “ Deal! Give me your hand,”

   “ What for?”

   “ Sabay na tayong pumasok sa room,”

   “ Holding hands? Nanliligaw ka pa lang di ba?”

   “ Please?”

   “ Huwag ka ng manligaw!”

   “ No,no! I was just kidding! Lady’s first?”

Naalarama sila ni Damien nang maramdamang kumilos ang dalawa palabas ng library. Sa pag-aalalang makita sila ng dalawa ay mabilis na nahaklit ni Damien ang baywang niya at halos buhatin siya patungo sa isang corner ng library at kunwari ay abala sa pagpili ng mga librong maayos na nakasalansan sa shelf habang nakatalikod pareho. Nakahinga lamang sila ng maayos nang matantong nakalabas na ang mga ito ng silid aklatan.

Sinabayan na rin siya ni Damien sa pagtungo sa classroom nila. As usual, magulong mga estudyante pa rin ang nadatnan nila. Nagbubulungan naman si Gaby at Claire nang matanawan niya. Agad hinagilap ng mga mata niya si Zoe. At tulad ng inaasahan ay naroon ito nakaupo sa may tabi ni Tristan. Nilapitan niya ang dalawang kaibigan na tila hindi na namalayan ang pagdating niya. Naupo siya sa tabi ni Gaby na bahagya pang nagulat.

    “ Hey! Diyan ka na pala. Good morning,” bati ni Gaby ng nakangiti sabay na lumampas ang paningin nito sa may tabi niya.

    “ Hi, Damien!” magiliw na bati ni Claire kay Damien na nakaupo na pala sa tabi niya.

    “ Hi, there! Okay lang bang dito ako maupo? As you can see, my seat is occupied,” nakangiting nilingon pa nito ang dating upuan na okupado ni Tristan samantalang ang orihinal na desk ng binata ay okupado naman ni Zoe na abala sa pakikipag-usap kay Tristan.

    “ Sarah, what happened?” mahinang tanong ni Gaby sa kanya.

Nagkibit-balikat siya. “ Hindi ba obvious? The feeling is mutual, maybe,” wala siyang balak ipaalam sa dalawa ang narinig at nasaksihan nila ni Damien sa library.

   “ Parang kayo ba?” si Claire na pinaglipat ang paningin sa kanya at kay Damien na noon ay abala sa pagbabasa ng libro.

   “ Shut up, Claire!”

   “ Do you know that you look good together, Sarah?” susog pa ni Gaby na kumindat pa sa kanya.

    “ Gabrielle!” nagbabanta ang tinig niya sa dalawa.

Paiwas lamang na tumingin sa ibang direksiyon ang dalawa na parang kinikilig pa.

    “ Don’t you think that they are just being honest?” bulong ni Damien sa taynga niya na siyang naghatid ng kakaibang kiliti sa katawan niya. Mula ulo hanggang paa.

Gulat na nilingon niya ang binata at kung hindi lang siya mabilis na napaurong ay baka dumampi ang labi niya sa labi ni Damien.

   “ Being honest? With what?” she still managed to ask. Sa kabila ng malakas na dagundong ng dibdib niya.

    “ That we look good together,” sagot nitong nakangiti. Pagkatapos ay naramdaman niyang umangkla ang isang kamay nito sa likuran ng desk niya.

    “ You’ve been acting strange, lately, Damien. It’s creepy, you know?” anas niya sa binatang nilalaro naman ang daliri nito sa balikat niya.

    “ You’ve finally realized, huh?” anitong mahinang humagikgik. “ As I’ve told you before, expect the worst of me,” kumindat pa ito sa kanya.

Bigla siyang nailang na masyadong pagkakalapit ng katawan nila at pag-uusap nilang halos sagap na ang bawat hininga ng isa’t-isa. Umiwas siya ng tingin upang magulat lamang sa dalawang pares ng mga matang hindi niya alam kung gaano na katagal nakatitig sa kanila ni Damien.

Napalunok siya. Makahulugan ang mga ngiting nakaukit sa mga labi ni Gaby at Claire.

    “ W-What?” napapanttastikuhang tanong niya.

Sa halip na sumagot ang dalawa ay alertong umayos ng upo ang mga ito at itinuon ang atensiyon sa teacher na kadarating lamang.

Wala siyang maintindihan sa sinasabi ni Mrs. Baron. Ang naiintindihan lamang niya ay kamay ni Damien sa balikat niya sa buong klase. Tinatapunan niya ito ng nagbabantang tingin subalit sa kasamaang palad ay tutok na tutok ang mga mata nito kay Mrs. Baron.

    “ Damien, can you take your hands off me?” bulong niya sa binata.

Tinapunan lamang siya nito ng patagilid na tingin. Pagkatapos ay pasimpleng nilapit ang bibig sa taynga niya. “ I can. But I don’t want to. Any problem with that?”

Sumulak na ang dugo niya sa ulo ngunit nagpipigil lamang siya.

    “ Everybody’s looking, okay? And I can’t concentrate with the lesson,”

    “ That’s the exact thing I want to do, Sweetheart. And about the lesson, I can explain it to you,later,”

    “ Damien,”

    “ Shut up! On the board, okay?”

Atubili niyang itinuon ang paningin sa blackboard. Nahihirapan na talaga siya sa mga kinikilos ni Damien. Kung may gusto ito sa kanya, magsalita na sana ito. Hindi iyong nakabitin sa ere ang isipin niya.

Hanggang lunch break nila ay hindi siya hinihiwalayan ni Damien. At walang kalahating oras ay parang close na ito kay Gaby at Claire. Naroon din sa mesa nila si Zoe at Tristan na hindi na masasabing nagliligawan pa lang. Sila na ba? Officially?  Gusto niya ng espasyo kahit sandali lang kaya nang makakita siya ng pagkakataon ay nagpaalam siyang pupunta ng restroom. Doon siya nagkulong sa isang cubicle. Ilang minuto rin bago siya nagpasyang bumalik sa canteen. Subalit natigilan siya nang may isang grupo ng kababaihan ang pumasok sa lady’s room. Ayaw niya sanang makinig sa usapan ng may usapan. Subalit pagkarinig ng tema ng pinag-uusapan ay pinasya niyang making muna bago tulyang lumabas ng cubicle.

     “ Kawawa naman si Bianca. Hindi pumasok dahil nag-break sila ni Damien kahapon,”

Huh? Kaya ba hindi nito nakita si Bianca kaninang umaga?

    “ She really loves the guy, you know? But what can we do? May mga ahas talagang nagbabalat-kayong anghel kahit saan ka magpunta. And Sarah Marquez is one of those. Nerdy but flirt!”

    “ If I were Bianca, I won’t let that bitch take away my boyfriend from me,”

Siya ba ang dahilan ng paghihiwalay ni Damien at Bianca? Bakit siya? Kokomprontahin ba niya si Damien?

     “ Poor Bianca!” anang isa pa. Pagkatapos niyang marinig ang mga yabag papalayo ng mga ito ay tsaka siya lumabas ng cubicle. Tumuloy siya sa library. Sa paborito niyang sulok. Gusto niyang mag-isip.

Bakit siya? Tama ba ang hinala niyang may gusto nga sa kanya ang kababata? Pakiramdam niya ay napakasama niya? Lalo pa nang marinig niya ang pag-uusap ng ilang kaibigan ni Bianca sa lady’s room. Tatanungin niya ba si Damien? Kailangan niyang tapusin ang mga alalahanin niya. Kakausapin niya si Damien pagkatapos ng klase.

Dati ay mag-isa lamang siyang nakaupo sa isa sa mga upuan sa loob ng gym habang nagpa-practice ang team ni Damien, ngayon, dalawa na sila ni Zoe. Na siyang ikinatuwa niya. At least, may makakauentuhan siya habang hinihintay ang mga demanding na lalaki sa buhay nila. Magpa-practice lang kailangang nanduon pa sila at nanonood. Kahit hindi niya maintindihan ang mga rules ng basketball ay sunod lang siya ng sunod kay Damien kapag sinabi nitong hintayin siya at sabay na silang umuwi.

    “ Hey! You’re spacing out!” iyon ang gumulat sa kanya.

Napatingin siya sa kaibigan. “ Y-You’re saying….?”

Tumirik ang mga mata ni Zoe sa kanya. “ Kanina pa ako salita ng salita dito, wala naman pala akong kausap,”

Napangiti siya. “ S-Sorry. A-ano nga ‘yon?”

    “ Ang sabi ko, may naririnig ako sa paligid na ikaw daw ang dahilan ng break-up ni Damien at Bianca. Is it true? Nanliligaw ba sa ‘yo si Damien?”

Napatingin siya sa direksiyon ni Damien na noon ay nagdi-drible ng bola habang halos babad na sa pawis. “ I don’t know,” halos pabulong niyang sagot.

      “ What? Why you don’t know? Halos hindi na kayo maghiwalay,a!”

      “ He’s not saying anything, Zoe,”

      “ So, you’re waiting, then?”

Napatingin siya sa kaibigan. “ Yes. Nahihirapan na kasi akong mag-isip. Alam mo ba ‘yung pakiramdam na ramdam mong may gusto sa ‘yo ‘yung tao, pero walang confirmation? Para akong nasa ere, hindi malaman kung saan lalanding,”

     “ In love ka kay Damien?” nakangiting tanong ni Zoe na kinikilig pa pakiwari niya. “ I think, he’s a good guy, anyway,”

Napailing siya. “ I don’t know?”

     “ But I think he is,”

     “ He is what?”

     “ In love with you,”

     “ I’m a nerd. A nobody,”

     “ You are pretty, Sarah. All along, may kutob na kami nila Gaby kung bakit ka niya binoto bilang muse. Plus,kung hindi mo napapansin kung paano siya tumitig sa ‘yo. Kung paano’ng as much as possible ay gusto niya ay magkasama kayo,”

Humugot siya ng malalim na buntong-hininga. “ Zoe, I’m in love with him. Pero ang daming alalahanin ang pumapasok sa isip ko. Alam mo naman sigurong mayaman sila. He don’t deserve someone like me. Wala akong kayang ibigay sa kanya,”

    “ Love, Sarah. Hindi mo ba naiisip na alam niya rin ang agwat niyo sa buhay? But, I don’t think that he give a damn about it,”

    “ But…what if his parents-,”

    “ That’s when you’ll know how true is his feelings for you, Sarah,”

Napangiti si Sarah. Ngayon lang niya nakita kung gaano kaseryoso ang kaibigan. This is the other side of her bestfriend. “ What about you two?”  tanong niya sa kaibigang napangiwi at nagkamot ng batok.

    “ You know that I like him since first year high school. Kahit na nagdududa pa rin ako kay Tristan, I still want to give him a chance. You know, baka pagsisihan ko kung hindi ko sinubukan,” tipid ang ngiting sagot ng kaibigan.

Minsan, humahanga siya kay Zoe. Kahit noong una pa man silang magkakilala nito ay nakitaan niya na ito ng lakas ng loob. Willing to take the risk, mapatunayan lang niya ang katotohanan ng isang bagay.

    “ Hey, girls!” patakbong nilapitan sila ni Tristan na pawis na pawis. Agad namang inabutan ni Zoe ang binata ng tuwalyang pampunas nito. Samantalang siya naman ay maagap na dinampot ang bote ng tubig at inabot kay Damien na hinihingal na naupo sa tabi niya. Tapos na ang practice.

    “ Thanks,” bahagya pa siyang nginitian ni Damien at sinenyasan na kunin ang isang puting towel sa bag at punasan ang likuran nito.

Nag-aalinlangang napatingin siya kay Zoe na noon ay abala ding pinupunasan ang pawis sa likuran ni Tristan.

   “ Hey!” bulong ni Damien nang hindi siya kumikilos. “ What’s wrong with you?”

    “ Ha! Errr..n-nothing,” utal niyang sagot na dinukot mula sa bag ni Damien ang puting towel at pinatalikod ang binata para mapunasan niya ng maigi ang likuran nito.

    “ Why you’re still using your glasses?” bulong ni Damien.

Inaasahan niya ang ganuong tanong. “ I’m not comfortable with them,” sagot niya.

    “ You have to get used of them, Sarah,”

    “ Kung nahihiya kang ang kasama mo sa paglakad ay isang nerd, huwag mo akong sabayan sa daan,” hindi niya alam kung saan galing ang sinabi niya. But God knows she regret saying those words afterwards.

Matalim ang mga matang nilingon siya ni Damien. “ Do you have period or something? May naalala ka bang araw na hindi kita sinabayan sa pag-uwi?”

Wala. Actually, kahit gustuhin pa niyang umuwing mag-isa ay hindi kalian man pinayagan ni Damien. Napatingin si Zoe at Tristan nang mapansin ang iringan nila.

   “ Hey! You two okay?” ani Tristan na lumapit sa kanila.

Hindi sumagot si Damien. Umiwas lamang ito ng tingin sa kanila tsaka pinagpatuloy ang pag-inom ng tubig.

   “ Ummm, yeah. Ma-mauna na ako sa inyo. Bye!” mabilis siyang kumilos at humakbang palayo. Hindi niya kaya ang nakikitang galit sa mukha ng binata. Sinisisi niya ang sarili kung bakit nasabi niya iyon sa binata. Nagmamagandang-loob nga lamang ito,aniya sa sarili. Blame it to all the anxieties that Damien has been giving her. Napupuno na ang utak niya sa mga isiping walang kaliwanagan.

Continue Reading

You'll Also Like

220 5 35
Nagsimula lang ang lahat sa simpleng tanungan sa high school "Seryoso ka ba talaga sakin?" At mula sa gabing iyon, hindi na muling bumitaw si Janna a...
2K 20 25
As if high school isn't hard enough, but what makes it worse is finding out who you are. What can get worse than that? There's a crazy bitch out to r...
309 63 31
Isang simpleng dalaga ang naging biktima ng bullying sa high school. Dahil sa sakit at pang-aapi, natutunan niyang tumigas, gumanti, at maging "kontr...
9.2K 368 17
"sana hindi nalang ikaw 'yong hinahangaan ko simula palang" humihikbi kong saad "kasi alam mo, mas magaan pala kapag wala kang alam kasi simula nong...
Wattpad App - Unlock exclusive features