Takbo lang ako ng takbo
Para akong hinahabol ni satanas
Lingon lang ako ng lingon sa likod ko
Wala man lang ako makitang tao kahit isa
Parang planado ang lahat
Sinisingil naba ako
Ansakit na ng mga paa ako
Malapit na ako sa bahay
Isang lingon pa si likod
Hanggang sa bigla akong matumba
May nabangga ako
Hawak ko ang aking noo
Medyo nahilo ako
At ng makabawi ay napatingin ako sa nabangga ko
Si Lucas
Nangatog ang tuhod ko
Si Lucas nasa harap ko
Nakayuko lang siya
Unti unti akong tumayo
At ng malapitan ko siyay sapilitan kong inangat ang ulo niya
Napahawak ako sa aking bibig
Dahil may kutsilyong nakatarak sa knyang mga mata
Nag uunahan sa pag labas ang mga dugo at uod sa knyang bunganga
Tumakbo ako ulit
At ng lingunin ko siya ay saka ko lang napansin ang likod niya
Kitang kita ko ang naglalabasan niyang mga buto sa likod
Wak wak ito
Parang pinaglaruan ng kung sino mang pumatay saknya
Dali dali akong pumasok sa bahay
Habol ang aking hininga
Someones PoV:
"Hindi! Hindi totoo ang lahat ng ito! Hindi! Namamalikmata lang ako. Impossible. Hindi totoo ito" hawak ni Rachel ang kanyang ulo habang paulit ulit na nag sasalita
Paikot ikot lang siya
Tumatawa
Iiyak
Para na siyang nababaliw
Biglang may kung anung ingay ang narinig niya mula sa kusina
Tumigil siya sa pag lalakad
Naging alerto ang kanyang mga mata
Parang sapilitang binasag ang salamin sa pinto nito at pumasok
Tumakbo siya sa hagdan paakyat sa kanyang kwarto
Dali dali niyang inilock ito
Kinalkal niya ang kanyang drawer
Hanggang sa makita ang hinahanap at binulsa ang mga iyon habang hawak ang isa pa
Narinig niya ang pag akyat ng kung sino man sa hagdan
Mabagal itong naglalakad habang maingay na lumalangitngit ang kung anu mang hawak nito sa sahig
Papalapit ito sa kwarto niya
Nagtago siya sa may gilid malapit sa pinto
Bahagya siyang napatalon ng makarinig ng isang malakas na kalabog sa kanyang pinto
Parang sinisira ito
Hanggang sa mabutasan na nga ang gitna
Palakol pala ang naririnig niya kanina
Palakol din ang ginamit nitong panira sa kanyang pinto
Patuloy lang ito sa pag sira sa kanyang pinto
Habang siya naman ay tutop ang kanyang bibig upang di makagawa ng anu mang ingay
Samantalang ang isang kamay naman niya ay hawak ang armas na tanging meron siya
Sumilip ang kung sinu man sa butas sa pinto
Nagulat siya
Si luna
Nanlilisik ang mga mata nito
Pinasok nito ang kamay sa butas saka binuksan ang naka lock na pinto
Dahan dahan itong naglakad papasok
"Hindi ka makakapag tago sakin Rachel" sa unang pagkakataon ay narinig niya ang boses nito napaka lamig
Kinilabutan siya
At ng makalapit ito sa pinagtataguan niya ay buong lakas niyang isinaksak ang armas na hawak niya
Kaso nahuli siya nito at nahawakan ang kamay
Sinuntok siya sa may tiyan kayat nabitawan niya ang hawak
Inihagis siya sa may pader
Hinawakan ni rachel ang likod dahil sa sakit na naramdaman
Napatingin siya sa knyang kamay
May dugo
May pako palang naka awang dito
Nalaglag ang picture frame na nakasabit dito kaya tumama sa likod niya ang pako
Ini indayog sa knya ang palakol pero mabilis siyang nakaiwas at nasipa si luna
Napahiga ito sa sahig
Kinuha niya ang pagkakataong iyon para makatakbo at makatakas
Pero natumba siya dahil nahawakan nito ang kanyang paa
Muli sinipa niya ito sa muka at saka siya tumayo at tumakbo sa baba
Palabas na siya ng pinto sa harap ng hindi niya mabuksan ito
Agad siyang nagpunta sa kusina ngunit napaatras din siya dahil nakita niya si Lucas na nakatayo sa may pinto
Kitang kita niya kung paanu unti unting tanggalin ni Lucas ang balat sa kanyang mga kamay na may suma sama pang kaunting mga laman
Nakakasuka
Tumakbo siyang muli at nagtago sa likod ng maliit na kabinet
Narinig niyang bumababa si luna at tinatawag ang pangalan niya
Hinahanap siya nito
Rinig na rinig ang maingay na palakol nitong gumagasgas sa sahig
Napakadilim ng bahay
Ngunit unti unting nag aadjust ang kanyang paningin
Narinig niya ang yabag ni luna na papalapit sa kinaroroonan niya
Pigil ang kanyang hininga
Ngunit ay biglang may nahulog sa sala
Tumakbo doon si luna
At ng akma sana siyang tatayo ng may kung anung malamig na bagay ang naramdaman niyang tumutulo sa kanyang noo
Pinunasan niya ito
Dugo
Isang malapot na dugo
Dahan dahan niyang inangat ang kanyang ulo
Isang malakas na sigaw ang kanyang nailabas dahil may isang babaeng pugot na ulong nakadungaw sa taas ng kabinet
Nakanganga ito at nakalabas ang dila
Naglalabasan ang malapot na dugo sa kanyang bunganga
Nalaglag ang mga iyon sa nakabukang bunganga ni rachel
Tumakbo si rachel papuntang sala ngunit nag kasalubong sila ni Luna
"Papatayin kita Rachel! Papatayin kita!"
Inihagis ni luna saknya ang palakol ngunit nakailag siya
Sinugod siya nito
Natumba sila
Panay ang pagpukpuk ni Luna saknyang ulo sa sahig
Hanggang sa unti unti siya nitong sinasakal
"Mamatay ka rachel! Mamatay ka!"
Paulit ulit na sigaw ni Luna
Pilit niyang tinatanggal ang kamay nito sa leeg niya kaso masyado itong malakas
Nahihirapan na siyang huminga
Hanggang sa may makapa siya sa kanyang bulsa at buong lakas na sinaksak ito kay Luna
Tumigil ito sa pag sakal saknya
Natumba
At unti unting nawalan ng malay
Injection
Ito ang armas na lagi niyang dala