Scary Stories 5

Von Sheree_Mi_Amour

41.3K 1.3K 19

The stories you're about to read are not mine. These are all from the popular Facebook page "Spookify". Enjoy... Mehr

Nueva Ecija - 1997
Ang MedRep
Maynila - 1993
Nueva Ecija - 1989
Tapik
Mindoro - 2006
Pamahiin sa Patay
Cagayan de Oro - 1950
San Mateo, Rizal - 1996
Bicol - 1955
Camping sa Baguio
PUP Scary Stories
Look Up, Up, Up
Serial Killer si Madam
The Horror Stories of Mindanao State University, Marawi City
Ilaw at Sigaw
The Customer
Opisina
R.L.E.
Full Moon
Nagpaparamdam na mga patay
Baguio Experience - 2019
Haligi ng Tahanan
Compiled Stories 1
Dugwak
Immersion (Parts 1-5)
Kulam
Caramoan
Accident call
Batangas (Bundok) (Parts 1-5)
Kapahamakan sa Kabundukan
Manggagamot
Bakanteng Lote
Nang dahil sa sampung piso
No one will know (Parts 1 & 2)
No one will know (Parts 3 & 4)
Compiled Stories 2
Station 4
Parola
Mananabtan
Katotohanan (Parts 1 & 2)
Ortigas - 6/29/19
Factory
Engineering Building
Bisita sa Bicol
Haunted Supermarket
Ang Engkanto sa Parking Lot ng Trinoma
Auntie V
Auntie V (Balikan)
Tubuhan (Parts 1 & 2 + Prequel)
Compiled Stories 3
Education Building
Bakuran
Mountaineer Stories
Hinang-hina ang Gabay namin
Playground of Ghost and Such (Parts 1-3)
Amadeuz Tale : Jenny
Salabay
Bulong
Past 3AM
Yaya
Ligaw
The Unsolved Mystery in my School
Compiled Stories 4
Unfamiliar face of a girl on the stair
Summer Vacation (Parts 1 & 2)
Training Center
The Museum
When Someone's Dying
Third Eye
Compiled Stories 5p
Orphanage
Sapi
Kababata/Baway
Random Stories (Parts 1 & 2)
Kasunduan sa Demonyo
Anita, Babaeng Itim, Paring Pugot at Retreat
Nakita Kita
Compiled Stories 6
Land of the Rising Sun
LAStsING
The Wake & The Game
Di na tayo pwede
Pag oras mo na, oras mo na
Compiled Stories 7
Boundary at Subdivision
Lungsod ng Quezon - 2009
About Doppelgangers
Kaybiang Tunnel Stories
Compiled Stories 8
Who is she? (Parts 1 & 2)
Mackaroo's Journal : My Last Confession
11/21
1994
Compiled Stories 9
Kay-Anlog Road
Ang Batang Tambay sa 14th Floor
Compiled Stories 10
Multo sa Mall?
Hilaga
Dalisay + Faith Healer
Earthquake Drill
Kuya Leo and Ate Lea
Gown
My Lola's Story (Parts 1-3)
Compiled Stories 11
Kulam Adventures (Parts 1-3)
Doppelganger Stories
The Chronicles of Nadia (Parts 1-5)
Compiled Stories 12
Stranger Danger
Dayo
Friday Night at Ang Babae sa Mall
NoSleep Series : Trabaho sa Dark Web (Parts 1-5)
Davao Doctors College (6th Floor Cad Bldg)
Unknown
Dyablo Island
My Lola and I (Parts 1-3)
Enchanted
Auditorium (Parts 1 & 2)
Kulam ba o Mental Illness?
Tubuhan: Triangle
Compiled Stories 13
Pamahiin
Ngiti
Engkanto
Compiled Stories 14
Madre
Me and My Two Best Friends (Parts 1-4)
Lason
Compiled Stories 15
Si Ninong (Parts 1 & 2)
Jose + Sumpa
Spirit of the Coin
Black Witch (Parts 1 & 2)
Compiled Stories 16
Mahiwagang Garden (Parts 1 & 2)
NoSleep One-shot Story : Ang Insidente sa Highway 1093
NoSleep One-shot Story : Parang may mali sa aking Lasik Surgery
The Sign
Compiled Stories 17
Compiled Stories 18
Compiled Stories 19
Kasabay
Ngayon naniniwala na ako
Papatayin kita
Mga kababalaghan
Naririnig kita
Compiled Stories 20
Compiled Stories 21
UV Express, Black and White Feathers at Si Anna
Psychosis (Caloy from Cebu)
Come Again
Compiled Stories 22
New Found Friend
Creepy Classroom
Bicol Dekada Otsenta
Hindi lang kami ang baliw dito, Miss
NoSleep (One-Shot Story) : Ang baog kong asawa ay nakabuo ng bata
Compiled Stories 23
Crematorium, 2012
Experiment
Compiled Stories 24
Mt. Cristobal (The Devil's Mountain)
Doppelganger Stories 1
Compiled Stories 25
Cronica Bruja : Hatid
Ilog sa Mt. Banahaw, Quezon Province
Compiled Stories 26
Compiled Stories 27
Ghost Wedding
Gutom (Parts 1-2)
Compiled Stories 28
Isay comes home (Parts 1-2)
Ricky's Wishing Coin
Stranger Danger (Parts 1-2)
Deliver us from evil
Kainan sa may Palengke
Anino (Parts 1-3)
The Bus Station (Thailand Tour)
Sine
Nawawala ang Nakaburol
Ang Babaeng pinaanak ang sarili (Parts 1-2)
Baboy
Kakila-kilabot na pagsalubong sa Bagong Taon
Till death, we'll never part (Parts 1-4)
Compiled Stories 29
Doppelganger Stories 2
Thou shalt not steal
Kerosene
Compiled Stories 30
Semana Santa
Huling gabi ng Santa Cruzan
Balkonahe (Lilac Story)
Poso
Kaibigan
At lumabas ang Halimaw mula sa Libro
Selos
Bahay-bahayan

Ingay ng Bulong (Parts 1 & 2)

197 9 0
Von Sheree_Mi_Amour


PART 1

It all started when I migrated in Cebu.  Few months din ako dito dahil sa gusto ko munang umalis sa Mindanao para makapagpahinga ng maluwag. I know some of you know me for how I write, and for how I describe my story. This story depends on how you believe, not just in magic, but also in unexplainable happenings.

Four months na ako dito and looking forward na dito ako na magsisimula ng panibagong buhay ko. Nakapagdesisyon na ako na mag-stop na muna sa pag-aaral for 1 year. Di kasi ako makapag-focus especially about what happened months and months ago, alam nyo na. Kasalukuyang naninirahan ako sa bahay ng tita ko ngayon somewhere here in Cebu malapit sa napakalaking statue na cross, alam ng taga Cebu yan haha. Di kalayuan sa bahay namin mga ilang metro ang layo, may istambayan doon na maganda puntahan lalo na kung gabi. Nakakapanibago lang ang area na tinitirahan ko dahil medyo bukirin, overveiw kapag gabi, madilim ang daanan, at maaliwalas. Okay lang naman kasi kahit papaano, peaceful at malamig ang hangin. May mga kapitbahay ka nga pero distansya din naman ang bahay, tapos di mo pa close. Isang gabi naisipan kong lumabas sa bahay ng 8pm para magpahangin at tignan ang mga ilaw na nangagaling sa siyudad. Dala ko ang kape ko habang nakaupo sa damuhan. Malalim ang iniisip habang pinagmamasdan ang kalangitan. Kasabay ng malamig na hangin na nagmumula sa likuran ko tumayo agad ang mga balahibo ko dahil may narinig akong boses, boses ng isang batang babae. "Kuya, malungkot ka yata." Napalingon ako bigla at nakita ko ang bata na nakatayo lang sa likuran ko, apat na hakbang mula sa kinalalagyan ko. "Oyy bata matulog kana, gabi na baka mahatak kapa ng mumu diyan sige ka." Tinawanan nya ako pero binalewala ko nalang. Maya-maya pa napansin ko hindi pa rin sya tumigil sa kakatawa. Almost 30 seconds ko na syang naririnig na tumatawa. Nairita ako kaya sinita ko sya. "Sge tawa ka pa para ihi ka nang ihi sa higaan mo mamaya." Sabi ko sa kanya. Ngunit hindi pa rin sya tumigil kaya di ko nalang pinansin. Maya-maya pa ay para bang nahihilo ako sa kakainom ko ng kape, hindi ko maramdaman ang hangin sa paligid ko, at nagtaka ako kung bakit napakalamig na ng kape. Hindi pa rin sya tumigil sa kakatawa kaya lumingon ako at sinabi na "Sakit sa ulo kang ba..." at napasigaw ako ng malakas. Abot hanggang tainga ang kanyang ngiti, malalim ang mga mata at naka-sandal sa kaliwang balikat ang ulo nya habang tumatawa at nakatitig sakin. Binato ko sa kanya yung hawak kong kape at kumaripas ako ng takbo pauwi sa bahay. Parang nahihilo ako at habang papalapit ako sa bahay ay parang may humihila sakin sa likuran. Alam kong nasa likuran ko lang sya dahil naririnig ko ang bawat salita at nanunuot sa tainga ko ang mga sinasabi at tawa nya. Kahit madilim at maputik ang daraanan ko ay patuloy pa rin ako sa pagtakbo. Ilang hakbang nalang ay makakaabot na rin ako sa pintuan ng bahay namin, nang bigla akong napatigil sa pagtakbo. Naramdaman ko ang lamig ng kamay nya sa kanang balikat ko at nakatayo lang ako na mistulang parang estatwa na hindi makagalaw. Para bang nakalutang sya sa likuran ko dahil naabot nga ang balikat ko. Bumulong sya sakin at sinabi na "Mahilig akong makipaghabulan kuya, gusto ko sana magtago ka na rin dahil hahanapin kita." Sa harapan ko ay may paparating na sasakyan. Di ako makagalaw, pilit kong iginagalaw ang katawan ko ngunit kahit daliri man lang ay hindi ko maigalaw. Tanging mga bulong nya lang ang naririnig ko at kung anu-ano ang pinagsasabi na sya ring sanhi nang panghihina ko at panghihilo. Ipinikit ko ang mata ko at nagdasal ako, yun lang ang tanging kaya kong gawin kapag ako ay nasa alanganin. Maya-maya pa ay nakarinig ako nang napakalakas na busina nang sasakyan at nasilaw ako sa ilaw ng sasakyan. Para bang namulat ako sa katotohanan. "Hoy! Umalis ka sa daraanan ko, kung magpapakamatay ka pwes pasensya wala akong pera!" Sigaw ng mamang driver na galit na galit. Tumabi ako sa gilid at napabulong nalang na "Gago ka pala eh, siguro utang yan kaya ganyan." Tapos naglakad ako papasok sa bahay. Pagpasok ko sa bahay dumiretso agad ako sa kwarto ko at humiga. Paniguradong naka-lock ang pintuan ko. Bale may lock sa taas, tapos sa doorknob, tapos may isa pa malapit sa doorknob. "Anak nang kamote nga naman. Kailan ba ako patatahimikin ng mga animal na ito." Sabi ko sa sarili ko. Nagdasal ako at naglagay ako sa hintuturo ko ng kaunting lana pagkatapos ay dinilaan ko. Habang nakahiga ako nakatayo pa rin ang mga balahibo ko. Palaging pumapasok sa isipan ko ang mga nangyari. "Patay, yung mug ni Tita naitapon ko. Ahh bukas ko nalang hanapin yun." Anya ko sa sarili ko. Sa kaliwa ko ay may mababaw na cabinet na paglalagyan ko ng cellphone ko at dun ko na rin nilagay ang lana ko. Nakahiga ako habang nakatagilid sa kaliwa at nakaharap sa puntuan. Tinignan ko ang orasan ko at 11pm na pala ng gabi, nakakapagtaka. Maya-maya pa nakarinig ako ng mga yapak. Makikita mo talaga sa baba ng pintuan na may taong paparating sa kwarto ko. Hinala ko si Tita Carol lang yun kasi naririnig ko na nag-hmmm sya habang kumakanta. Tinatawag nya ang pangalan ko na para bang kanina nya pa ako hinahanap. "Doong? Nasaan kaaaaa. Nandiyan kaba sa kwarto mooooooo?" Hindi ako sumagot para kunwari tulog na ako. Ang pinagtataka ko lang, parang may halong kaunting tawa ang naririnig ko habang tinatawag nya ang pangalan ko. Kinabahan na ako at pawis na pawis lalo na't natatanaw ko na unti-unting umaapaw ang lana na nasa ibabaw ng cabinet.

PART 2

Good evening readers! Pasensya na't natagalan ang update guys, medyo busy lang eh hahaha. Anyway, here it goes now.

Kakaiba si Tita kung tumawa, para bang may binabalak. Kumatok sya nang tatlong beses. "Tok... Tok... Tok. Keeeen? Ginabi ka ahh, hihihihi buksan mo nga ito. Mag-usap nga tayo." Namumutla ako habang nakikinig sa mga pinagsasabi nya. Usually pinapabayaan lang naman ako ni Tita kahit gabi na umuwi. Katok sya ng katok sa pintuan habang pilit nyang binubuksan. Nanginginig ang katawan ko at naninigas ang lalamunan. Di kalaunan tinigilan nya ang pagkatok sa pintuan. Tumayo ako sa higaan ko ng dahan-dahan. Dahan-dahan din akong dumapa para silipin sya sa ilalim ng pintuan. Ngunit wala naman akong natatanaw kahit anino man lang. "Mababaliw ako kakaisip saan pumunta ng walang nang-iistorbo." Anya ko sa sarili ko. Tumayo ako at balak nang humiga at magpahinga. Pero napatigil ako bigla ng maramdaman ko na may tumatawa sa likuran ko. Napakalamig ng kwarto ko at nangangamoy patay. Ayokong lumingon dahil alam kong matatakutin ako at talagang sisigaw ako. "Akala mo matatakbuhan mo ako Ken ahh, hmmmmm hahaha! Wag kang mag-alala, pati sa pagtulog mo gagambalain kita." Sabi ng isang maligno na ka boses ni Tita. Di ako makagalaw dahil sa takot ko, nanlamig at para bang nanlalaki ang ulo ko. Hinawakan nya ang kanang balikat ko at hinatak nya ako papunta sa higaan ko. Lumapit sya sa kaliwang tainga ko at bumulong nang... "Aram, Akdam, Aksadam" at kung anu-ano pang mga salita na napakabilis na may halong tawa at iba't ibang boses. Lahat ay pumapasok sa tainga ko na sya ring dahilan ng pagkaparalisado ko at nanaginip ng nakadilat, at bigla syang sumigaw ng pabulong sa tainga ko. Sa panaginip ko, ang tanging nakikita ko lang ay isang napakalumang balon. "Sumilip ka, makikita mo kung gaano kalalim ang pintuan papunta sa mundo na ang lahat ay kakaiba. Hmm hmm hmm hahahaha." Atras ako ng atras mula sa kinatatayuan ko palayo sa balon. Pero para bang may humahatak sakin. Maya-maya pa ay may lumabas, dalawang parang lubid kung tignan na lumulutang at nanggagaling sa balon. Kaya naman tumalikod ako at pilit kong inihakbang ang mga paa ko. Tila ba napakahina ng paggalaw ko, slowmotion kumbaga. Sa harapan ko nakikita ko ang batang nakita ko nung gabing iyon. Abot hanggang tainga ang ngiti, malalim ang hukay ng kanyang mga mata at may maitim na dugo na lumalabas. May hawak syang palakol at binato nya ito sa akin. Tinamaan ako sa dibdib na sya ring dahilan ng pagkatumba ko. Hinihila ang dalawang kamay ko papalapit sa balon at naririnig ang bawat sigaw, iyak at halakhak. Nararamdaman ko ang kirot ng palakol na nakadikit sa dibdib ko. Habang dahan-dahan akong hinihila papunta sa balon. Pilit ko mang humawak sa mga damuhan ngunit wala akong lakas para kumapit pa. Biglang tumigil sa paghila ang mga kadena. Habang nakahiga at nakaharap sa maputing kalangitan, may dumating na dalawang malalaking tao na nakakatakot ang itsura. Binuhat nila ako ng dahan-dahan. Nagdurugo ang aking bibig at panay ang pag-uubo. Nagmamakaawa ako sa kanila, ngunit wala silang pakiramdam kahit pagkibo man lang. Sabay nila akong binitawan habang dahan-dahan din akong nahuhulog sa madilim at malalim na balon na mayroon ding iba't ibang boses na naririnig. Unti-unting nawawala ang liwanag mula sa bunganga ng balon, unti-unti rin akong nawalan ng malay. "Ken.. Ken.... Kenny.." tinatawag na ako ng kamatayan ko. Nakaramdam ako ng sakit mula sa paa, mukha at malakas na kabog sa dibdib. Biglang lumiwanag ang paningin ko at nagising ako na nasa harapan ko ang Tita ko habang pinagsasampal nya ako. Yung pinsan ko naman kinakagat ang daliri ng paa ko habang yung isa ko namang pinsan na lalaki ay pinagsusuntok ang dibdib ko. Syempre nagising ako sa katotohanan, ikaw ba namang pagsasampalin, suntukin at kagatin. Naghihingalo ako at basang-basa ang katawan ko sa pawis. Lumabas kami ng kwarto at pina inom nila ako ng tubig tsaka kumain. Pagkatapos kinausap nila ako. "Buti nalang Ken sinilip ka ng pinsan mong si Daryl sa bintana. Napansin namin na alas diyes na ng umaga di ka pa lumalabas ng kwarto mo. Tinawag ka namin ayaw mo namang sumagot. Kaya naisipan ng pinsan mo silipin ka sa bintana mo mula sa labas. Napansin nya kasi na nakadilat ka habang nakahiga at mukhang hindi humihinga. Kaya sumigaw sya ng tulong at binasag nya ang bintana para makapasok sa kwarto mo, at binuksan ang pintuan upang makapasok din kami." Anya ni Tita sakin. "Oo nga insan, nakakatakot itsura mo eh, habang nakadilat ka may tumulo pang itim na dugo sa ilong mo." Sabi naman ng pinsan kong si Daryl. "Kinagat ko nalang din yung daliri ng paa mo bro para gumising ka, no choice eh kahit maputik." Sambit naman ng isa ko pang pinsan na si Jimmy. Binangungot pala ako kagabi, gusto ko sanang sabihin kung ano ang nangyari pero baka pagtawanan lang ako, mahirap na. "Oo nga pala saan ka ba galing? Maputik pa paa mo pati na higaan mo?" Tanong naman ni Tita sakin. "Ahh eh haha wala tita galing lang dun sa may tambayan ko nagpahangin." Sagot ko naman sa kanya. Biglang pumasok sa isipan ko ang batang iyon pati na rin ang naging panaginip ko. "Ahh Tita. May balon po ba dito?" Tanong ko kay Tita. "Naku marami naman bakit?" Tanong nya rin sa akin. "Hmmm, eh pano kung yung pinakamatagal at mukhang abandonadong balon Tita meron po ba rito?" Tanong ko uli sa kanya. "Oo meron pero ilang metro pa ang lalakarin mo. Pupunta ka dun? Eh ang OA mo nga eh ayaw mong mainitan at maglakad. Masanay ka na dito Ken di kagaya sa Cagayan de Oro na sasakay kalang ng sasakyan. Tamad ka nga minsan sa gawaing bahay eh sa paglalakad pa kaya." May point naman pero hahaha curious ako eh baka may kailangan yung batang yun. Kinabukasan nagpasama ako kay Daryl doon. Madilim at mapuno ang lalakarin bago ka makaabot dun sa balon, pero nagtaka kami sa nakita namin. "Ken, mukhang di maganda itong ginagawa natin, gusto ko ng umuwi Ken." Sabi ni Daryl sakin. "Gago teka lang saglit lang naman tayo eh." Sagot ko naman sa kanya. Sampung hakbang lang ang layo namin sa balon mula sa kinatatayuan namin. Maya-maya pa lumakas ang hangin at di kalaunan may nakita kami sa gilid ng balon. Isang maliit na nakakatakot na manika at nakatingin sa amin. "Ken, hindi na maganda itong nararamdaman ko." Anya ni Daryl sakin. "Anak ng kamote nga naman. Anong ginagawa ng manika sa gitna ng gubat, haha kalokohan."

-GhoulFromTokyo

Weiterlesen

Das wird dir gefallen

8.4K 307 25
"you're mine until death. i love you." - isang dalagang pilipinang pinag palit kaya iniwan ng jowa. ✧ tagalog ✧ contains curse words !! ✧ started : m...
30.9K 2.5K 29
Matapos ma-aksidente ng simpleng mangingisda na si Manuel, nakumbinse siya sa sarili na siya ang second coming ni Jesus Christ. At siya'y naghanap ng...
114K 3.4K 25
(COMPLETED) Alamin, tuklasin at buksan ang mga pahina ng DEATH NOTE. Mag-ingat lang baka ang pangalan mo ay nakasulat na pala. Matatakasan mo ba si...
147K 1K 7
If houses have termites and rice fields have rats, I, on the other hand, have Clark Ethan. Siya ang peste sa buhay ko. A damn good-looking p...