My Tag Boyfriend (Season 2)

By OppaAnja

15.9M 280K 69.7K

Nagsimula ang kwento nila sa maling pagkaka-tag ni Sitti sa pinakasikat na lalaki sa school nila na si Kaizer... More

Plot
My Tag 1
My Tag 2
My Tag 3
My Tag 4
My Tag 5
My Tag 6
My Tag 7
My Tag 8
My Tag 9 (Special Chapter)
My Tag 10
My Tag 11
My Tag 12
My Tag 13
My Tag 14
My Tag 15
My Tag 16
My Tag 17
My Tag 18
My Tag 19
My Tag 20
My Tag 21
My Tag 22
My Tag 23
My Tag 24
My Tag 26
My Tag 27
My Tag 28
My Tag 29
My Tag 30
My Tag 31
My Tag 32
My Tag 33
My Tag 34
My Tag 35
My Tag 36
My Tag 37
My Tag 38
My Tag 39
My Tag 40
My Tag 41
My Tag 42
My Tag 43
My Tag 44
My Tag 45
My Tag 46
My Tag 47
My Tag 48
My Tag 49
My Tag 50
My Tag 51
THE END

My Tag 25

189K 4.1K 717
By OppaAnja

UN-EDITED. DI NA EDIT. MAGULO. DAMI TYPO. HAPPY READING!

My Tag 25

Sitti's POV

          Ito na ang araw na pinaka hinihintay ng lahat! Ang SITTING ARRANGEMENT DAY! Tsk!

          Lakas talaga makapauso ng Eastton University na 'to! Bakit kasi kailangan pang magkaroon ng sitting arrangement? Di ba pwede kahit saan na lang kami umupo?

          Sabagay. Kapag ganoon pala ang mangyayari, for sure dalawa lang ang resulta niyan. Una, lahat uupo sa likod dahil ayaw nilang matawag sa recitation kapag nasa harapan sila. Pangalawa, lahat ng mga babae kong classmate—maliban na lang kay Patty—ay uupo sa tabi ng prinsipe nila na si Kaizer Buenavista.

          Lagi na lang ganito! Lagi na lang may sitting arrangement! At lagi na lang akong malas sa mga nakakatabi ko!

          "Next, Felicity Sandoval."

          Ayan na! Natawag na pangalan ko! May drum roll music na nagpi-play ngayon sa utak ko habang naglalakad ako palapit doon sa Professor namin na may hawak ng isang black box na naglalaman ng mga numbers ng upuan sa classroom namin.

          Ang weird talaga ng school na 'to. Una, pinagsasama nila sa iisang section 'yung magkakaiba ng major at course para lang sa socialization chuchu nila. Pangalawa, every semester na lang may sitting arrangement! Try naman nila na every year para maiba lang.

          Tinalo ko pa 'yung kaba ng mga Liar Game contestant habang bumunot ako ng number ko sa black box na 'to. Nakaupo na kasi si yabang. Nandoon na naman siya sa likuran. At hinihiling ko na sana hindi ko siya makatabi ngayong semester na ito.

          Bakit? Una, nakakatunaw siya. Pangalawa, kahit na kami na, di pa rin tanggap ng three fourth ng fan girls niya na may girlfriend na ang prinsipe nila at na 'yung girlfriend ng prinsipe nila ay isang anti-social loser lang na gaya ko.

          Kapag naka-graduate na talaga ako sa school na 'to, gagawa ako ng mahabang post sa Facebook ko na naglalaman ng mga bash at rants ko sa Eastton.

          Pero syempre, joke lang 'yun kasi una, masama iyon. Pangalawa, masama talaga 'yun.

          "Magkatabi na naman kayo."

          Para akong pinagsakluban ng langit at lupa nang basahin ng Prof ko 'yung number ng upuan ko.

          Kakasabi ko lang na ayaw kong makatabi si yabang tapos ito na naman ako, magtitiis na naman sa kayabangan niya sa loob ng isa pang semester!

          "Hi, TG!" Ngiting tagumpay na bati sa akin ni Kaizer sabay kaway pa sa akin.

          Napabuntong-hininga na lang ako saka palihim na tiningnan siya nung hindi na siya nakatingin sa akin.

          Wala sa loob na napangiti ako sa sarili ko nang makita ko na wala na sa mata at aura ni yabang 'yung lungkot na nakita ko sa kanya nung nakaraan araw.

          Masaya ako na masaya na siya ngayon. At masaya ako dahil kahit na bumalik na naman 'yung pagyayabang niya matapos ng madramang moment namin sa school field eh okay na sa akin iyon.

          Mas gusto ko na masaya si Kaizer kasya naman nakikita ko siyang malungkot na ewan.

          Ewan ko ba. Pakiramdam ko kapag nasasaktan siya nasasaktan na rin ako.

          "Miss, Valdez, sa kaliwa ka ni Mister Buenavista."

          Biglang tumahimik 'yung paligid namin at 'yung bulung-bulungang dasalan nang mga classmate kong babae na gustong makatabi si Kaizer nang bigla na lang magsalita 'yung Prof namin.

          Si Mia nga pala 'yung susunod na bubunot pagkatapos ko.

          Lahat ng mga mata na nasa classroom namin ay nakatingin at nakasunod kay Mia habang naglalakad siya papalapit sa direksyon namin ni Kaizer.

          Hindi ko maiwasan na hindi maawa sa kanya kasi pakiramdam ko talaga naiilang na siya sa classroom namin. Na parang nakikita ko sa kanya 'yung sarili ko last semester nung ako pa si Sitti the ultimate loser sa Eastton University.

          "Hi." Tipid na bati niya sa amin saka siya naupo sa tabi ni Kaizer.

          Napatingin ako kay Kaizer nang wala sa oras at nakita ko sa mukha niya 'yung pagkayamot na nababanas na ewan.

          Bigla kong ipinatong sa isang kamay niya na nasa desk 'yung kamay ko saka ko siya hinawakan at pinisil 'yung kamay niya.

          Nung humarap siya sa akin, binigyan ko siya ng isang matipid na ngiti saka ako napatingin kay Mia na nakayuko lang ang ulo at parang ayaw na mapansin ng mga kaklase namin.

          'Kawawa naman siya.'

          Nawala sa isip ko si Mia nang pisilin din pabalik ni Kaizer 'yung kamay ko saka niya binalik sa akin 'yung ngiti niya.

          Ayokong nakikita silang ganito. Di ba ex sila? Di ibig sabihin may pinagsamahan sila?

          Dapat ba kapag mga ex ganito 'yung trato sa isa't-isa? Kailangan ba talaga na mag-iwasa at hindi magpansinan?

          Alam ko na wala akong alam sa naging kwento nila Kaizer at Mia noo at wala naman akong balak mangealam. Pero sa tingin ko hindi magiging okay ang lahat kapag hindi sila nagkausap ng maayos.

          Saka nakikita ko talaga kay Mia ngayon ang sarili ko noon—kahit hanggang ngayon.

          Alam ko 'yung pakiramdam ng di sikat. At kung mapapansin man ako, 'yung mga kabobohan ko lang sa buhay ang makikita nila tapos pagtatawanan pa nila ako.

          Hindi ko alam kung ano bang meron sa nakaraan pero ayokong magaya sa akin si Mia.

          'Kailangan nilang mag-usap!' Sa isip ko saka lihim na bumuo ng plano sa utak ko.

          Kung hindi kikilos si Kaizer at Mia na maging okay sa kanila ang lahat, puwes ako na ang gagawa!

          "Siya nga pala class may announcement ako sa inyo."

          Napatingin ako sa harapan namin, doon sa Professor ko, matapos niyang maiayos 'yung sitting arrangement ng klase namin.

          "Next week ay magkakaroon ng program for a cause ang Eastton University. At sa bawat klase magkakaroon ng representative per category. Isa itong talent showcase program at ang klase na makakakuha nang lahat ng major awards sa pa-contest na iyon ay magkakaroon ng exemption sa darating na midterm exam at ang perang mapapanalunay ay mapupunta sa charity na sinusuportahan ng school natin."

          Bigla na namang umingay 'yung klase namin dahil sa sinabi nung Prof namin.

          Ayos! Mananalo na kami! May magaling kumanta, si Patty. May magaling sumayaw, si Margaret—pero medyo nagdududa lang ako kung sasali siya dito sa contest na ito kasi baka may trauma pa siya sa nangyari sa kanya noong nakaraan doon sa victory party ng school namin dahil sa nakamit naming championship sa basketball. Tapos nandyan pa si yabang na kahit tumayo lang doon sa stage eh mananalo na agad. Benefits ng pagiging school heartthrob nga naman.

          "Draw lots ang gagawin natin." Sabi ng Prof ko sabay angat ulit sa ere nung black box na hawak niya kanina. "Kaya walang tatayo sa mga upuan niyo."

          Madami ang nagreklamo sa mga kaklase ko. Sabi nila dapat volunteer na lang o di kaya kung sino na lang 'yung magagaling ang kuhain.

          Pero wala. Hindi nakinig sa mga reklamo 'yung Professor namin at nagpatuloy lang doon sa pag-alog niya sa blackbox niya.

          "Para sa dancing category..." Sabi ni Sir sabay bunot ng isang papel sa loob. "Number 18. Margaret Torres."

          Ang lakas ng palakpak ko nang tawagin 'yung name ni Margaret.

          Yes! Panalo na kami sa dancing contest!

          "And number 24. Mia Valdez."

          Oh-oh. Iyan ang sabayang binigkas ng mga kaklase ko nang tawagin na rin ang pangalan ni Mia.

          Napatingin ako kay Margaret na nasa harapan ko lang nakaupo at kitang-kita ko 'yung matatalim na tingin na binibigay niya kay Mia.

          "Sir ayoko maging partner ang babae na—"

          "Next, poetry contest."

          Padabog na muling umupo si Margaret sa upuan niya nang hindi siya pansinin nung Professor namin.

          "Number 14. Kris Lorenzo."

          "Boo! Boring! Ayoko dyan! Doon sa beach body contest niyo ako isali, Sir!" Biglang sabi ni Kris sabay nagtawanan ang klase namin.

          "Ikaw na kaya magturo dito sa harap at ako na gagawa ng poetry mo?"       

          "Joke lang, Sir! Bunot ka na lang ulit, Sir!"  Sagot niya sabay nagtawanan na naman 'yung mga kaklase ko.

          Yes! Panalo na naman kami sa poerty chuhu na 'yun! Matalino daw si Kris di ba? Kaya na niya 'yan!

          Bumunot pa si Sir ng maraming pangalan para sa mga category doon sa talent showcase ng school namin next week.

          Grabe! 'Buti na lang at di pa ako nabubunot! Wala kaya akong talent!

          "Song writing contest."

          Ay maganda mabunot dyan si Patty! Magaling siya kumanta at sa tingin ko naman kayang-kaya niyang sumulat ng kanta. Saka pwede naman siyang tulungan ni Kris na sasali sa poetry category. Member din ng poetry ang pagsusulat ng kanta di ba?

          "Sa ilalim ako bubunot para mas masaya."

          Ayos 'yung bagong teacher namin ngayong sem. Ang cool niya lang. Tapos medyo hawig pa niya si Pin sa Kimi ni Todoke  dahil doon sa pangbabara niya at sa tusok-tusok na style ng buhok niya.

          'Kailangan kong mapag-ayos si Kaizer at Mia. Pero paano ko sila maayos kung hindi ko naman alam paano sila nagkagalit maliban na lang sa iniwan niya si Kaizer?'

          "Number 26."

          'Itanong ko kaya kay yabang kung bakit sila nag-away ni Mia? Ay teka! Nag-away nga ba sila? Baka naman pinagsusungitan lang ni Kaizer si Mia? Alam niyo na? Umaatake na naman ng pagiging suplado niya?'

          "Number 26!"

          'Siguro kapag si-net-up ko sila sa may roof top, baka magawa nilang mag-usap. Kaya lang kapag nalaman naman ni Margaret na pinagbabati ko sila Kaizer at Mia, baka masabon na naman niya ako at awayin niya ako?'

          "Felicity Sandoval will represent our class in the song writing category."

          'Pero okay na rin iyon! At least magkakaayos na sila Kaizer at Mia saka para na rin sila magka-ilangan dito classroom namin. Saka pangit naman talaga sa isang relationship 'yung—'

          Teka! Pangalan ko iyon ah!  Binanggit ba ni Sir 'yung pangalan ko?

          "Sir?"

          "Hay nako. Baliw talaga."

          Napatingin ako sandali sa direksyon ni Kaizer nang bigla na lang siyang magsalita.

          "Miss Sandoval," napaharap ako ulit kay Sir. "Ikaw ang nabunot para sa song writing contest next week."

          "Ah okay po—ANO PO?! AKO PO?!"

          OHMYGAD! Akala ko ba si Patty 'yung napag-usapan na bubunutin doon sa draw slot? Bakit ako? BAKIT AKO?!

          Saka anong alam ko sa pagsusulat ng kanta?!

          "Iyan na muna sa ngayon. Babalitaan kayo ng student organization tungkol sa mga activity na sinalihan niyo. Class dismiss."

          O to the M to the G. Bakit ako?

          Anong kanta ang isusulat ko?!

A/N: Sensya na kung walang kwenta ang update ko ngayon at maiksi lang. Ito lang kasi talaga ang laman ng chapter na ito. DUN! DUN! DUN! DUN! Si Sitti! Kasali na naman sa contest! :D Lagi talagang swerte sa bunutan si Sitti. Try mong tumaya sa lotto gerl baka manalo ka :D Ano kaya ang mangyayari sa talent showcase portion na ito? At ano kaya ang mangyayari sa team up nila Margaret at Mia? Magawa kayang sumulat ng kanta ni Sitti? ABANGAN!

Continue Reading

You'll Also Like

13.5M 212K 68
Aragon Series #4 : This is the story about the Aragon's next generation. Humandang makisabay sa mga pangyayari sa buhay ng New Batch as they ride the...
1.6M 96.8K 35
FLAMES: F- Forever, L-Love, A-Angry, M-Married, E-Enemy, S... Sinister ... Isang taon na nahinto ang sikat na estudyante sa Sto. Cristo, naaksidente...
41.3M 686K 61
Anong gagawin mo kapag may na-tag kang maling tao sa status mo sa Facebook? Ang masaklap pa nito, nabasa ng buong school yung status mo. Wait, nasabi...
4.7M 147K 51
Inakala ni Kaizer at Sitti na magiging okay na sa kanila ang lahat dahil sa mahal na nila ang isa't-isa. Na hindi na lang pagkukunwari ang relasyon a...