Still Dark, Love (Still Serie...

By ataraxiacy

1.2M 28K 12.9K

Hashline Alfaro grew up basking in the warm glow of her parents' love, always getting what she desires in the... More

Disclaimer
Hakbang 1
Hakbang 2
Hakbang 3
Hakbang 4
Hakbang 5
Hakbang 6
Hakbang 7
Hakbang 8
Hakbang 9
Hakbang 10
Hakbang 11
Hakbang 12
Hakbang 13
Hakbang 14
Hakbang 15
Hakbang 16
Hakbang 17
Hakbang 18
Hakbang 19
Hakbang 20
Hakbang 21
Hakbang 22
Hakbang 23
Hakbang 24
Hakbang 25
Hakbang 26
Hakbang 27
Hakbang 28
Hakbang 29
Hakbang 30
Hakbang 31
Hakbang 32
Hakbang 33
Hakbang 34
Hakbang 35
Hakbang 36
Hakbang 37
Hakbang 38
Hakbang 39
Hakbang 40
Hakbang 41
Hakbang 42
Hakbang 43
Hakbang 44
Hakbang 45
Hakbang 46
Hakbang 47
Hakbang 48
Hakbang 49
Hakbang 50
Hakbang 51
Hakbang 52
Hakbang 54
Hakbang 55
Announcement
Huling Hakbang
:)
Announcement
Special Chapter 2 - Riordan
Happy Birthday, Riordan!

Hakbang 53

18.5K 363 415
By ataraxiacy

That was all it takes to bring us down.

Nabayaran namin ang lahat ng pinagkakautangan ni Daddy sa tulong ng mga Tito ko at sa pagbebenta namin ng mga properties na kahit kailan, hindi ko naisip na ibebenta namin.

That properties are dear for us. Pamana ng Lolo at Lola kaya masakit para sa akin, lalo na kila Mommy at Daddy, na ibenta iyon.

But at times likes this, we really need to do that. We have no choice.

Ang tanging magagawa ko na lang ay magtrabaho para mabawi ang mga iyon. Which I doubt if I can do because that entails millions of money!

"Sabi ni Benjamin sa akin nag-invest ka raw sakanila?"

Iyan ang bungad sa akin ni Zerline pagkarating niya rito sa bahay. And she's right. I used my money to invest on companies.

Our friends consistently offered their help that I declined. Hindi dahil sa nahihiya ako o ano pa man. Kundi dahil sa ayoko na na magkaroon pa kami ng dagdag na utang. It's too much.

Sinabi nila na papautangin nila ako para lang mabayaran ang mga pinagkakautangan namin pero hindi ko iyon tinanggap. They even offered to give us money which we also declined. Kung laging mangungutang, hindi kami makakaahon kaya ayos na 'to.

I know my friends are worried and they just wanna help but I can't really take it. Sapat na ang suporta nila sa akin. Hindi ko gusto na pati sila ay maglalabas ng pera para sa sarili kong problema.

"Oo, bakit?"

"Wala lang. Nasabi niya lang. Pati kila Dervin nag-invest ka?" Aniya.

Tumango ako.

"Yes. I used my own money." Ani ko.

She nodded and examined me. Hindi nawala si Zerline sa tabi ko nitong mga nakaraang araw. She's always with me to cheer me up and to ask questions.

I'm relieved she's there. Kung wala siya baka nabaliw na ako sa tumpok tumpok na problema.

"That's good! Unti-unting mababalik ang pera sa'yo." Aniya.

Ang perang naipon ko sa pagmomodelo ay ginamit ko ngayon sa negosyo. Halos walang natira roon pero alam kong babalik din iyon sa akin. I have to risk it because we don't have plenty of options here.

We needed to cut our expenses. Si Daddy ay nag-invest din sa ibang kompanya na stable kagaya na lang kila Condrad. He borrowed money from my Tito.

Hindi pa man nababalik ang perang nawala sa amin, ayos na rin na kahit papaano nakakabangon kami.

"Ang perang makukuha ko roon ay gagamitin ko para palaguin ulit ang company ni Daddy." Ani ko.

She shifted on her seat.

"Isn't it better... if you... give that up?" Nag-aalinlangan niyang sabi.

Agad akong umiling. Hindi ko isusuko ang isang iyon kahit ano ang mangyari. Importante iyon kay Daddy at Mommy. Uubusin ko ang pera ko umayos lang ulit ang kompanyang pinaghirapan ng magulang ko.

"That's not an option for me, Zerline. It will never be. I'll do anything for our company." I said.

"Anything, Hashline?"

Tumango ako. "Anything."

Nasuko na namin ang ilang properties, hindi ako makakapayag na pati ang kompanya ay isusuko din namin.

Never in this lifetime. Never.

Tumayo si Zerline at kinuha ang bag na dala niya. Hula ko may race na naman siya base sa damit na suot niya. She's really addicted on that sport. It's dangerous.

"Well, then I have to go now. Babalik na lang ako mamaya." Paalam niya.

"Alright. Take care."

She smirked at me. "Tumawag si Rio sa akin kanina. Hinahanap ka. Hindi mo raw sinasagot ang tawag niya."

Oh, shoot! I forgot! Shit!

"Tatawag ako ngayon." Ani ko.

Tumango si Zerline at saka umalis na. Dumiretso naman ako sa kwarto para kunin ang cellphone ko na nakalimutan kong icheck.

I saw bunch of missed calls and texts. It was all from him. My heart ached for unknown reason.

It's been two months since they left.

I... miss him...

Pero sa kabila noon, ayos rin na wala siya rito. Bukod sa hindi ko siya mabibigyan masyado ng pansin, natatakot ako sa epekto niya sa akin. Now that he's far from me, I can think straight. Pag malapit siya sa akin, nawawala ako. Kaya ayos na rin ito.

Ang sabi niya, uuwi sila pagkatapos ng isang linggo noong isinugod ang lolo niya. Hindi natupad iyon.

His Lolo died that week too...

I wanna go there to comfort him but I couldn't. My family needs me and his family needs him. We need this space apart for our loved ones.

I was very sad when I heard that news. I was looking forward on meeting his grandfather and I heard a lot of good things about him. He's one of the few person Riordan looked up too.

And I know it was devastating for him. I want to be there for him. I want to be the light in one of his darkest hours but... how can I do that when I also need light? When I am also in the dark?

Just... how?

Tita Shia was a wreck. I understand her pain. Her Dad died and I can't even imagine that for myself. Pati si Curl ay hindi maganda ang disposisyon. Ang alam ko pa, isang beses na sinugod si Tita Shia sa hospital dahil nahimatay ito. Hindi raw kasi kumakain. Kinailangan din bantayan si Curl dahil masama sa kaniya ang ma-stress.

So they need to stay there.

Two months without him, and with all these problem was really draining. I feel like I am walking in the dark with no light to see at all.

I am really... really... drained. But I still need to fight. Not just for myself but mostly for my family.

Hindi naman nagkulang si Riordan sa akin. He texts and calls me everyday. Ako ang nagkulang sakaniya dahil halos hindi ko iyon masagot lahat. We barely communicate and that was because I was too busy with my own problems.

Riordan:

Can you please, please call me? I am worried, Hashline.

That was one of his texts.

Honestly, I don't even know if he knows my situation. He's in the business world so it's not impossible for him to know. Pero sa loob ng dalawang buwan, wala akong narinig sakaniya. Hindi siya nagtanong at mas pabor sa akin iyon dahil hindi ko alam paano sasabihin sakaniya.

I closed my eyes tightly as I read his messages.

I'm sorry, Riordan... I really am.

Then it hit me. Do I still deserve him? Do I deserve his love?

Nararapat ba sa akin ang pagmamahal na ito kung ngayon pa nga lang ay wala akong masyadong maibigay?

Riordan deserves so much more from me and all I can give is less of me.

He deserves a woman who will be there in his darkest time. A woman who's mature enough to handle everything. A woman... who's his equal.

Akala ko noon sapat ako sakaniya. Pero ngayon... hindi ko na alam.

I wasn't there for him. I wasn't mature to handle everything all at once. And... I wasn't his equal anymore...

Do I need to give this up?

Pero... mahal na mahal ko siya...

A tear fell from my eyes. Lately, I've been emotional. Mumunting hikbi ang kumawala bago ko pinindot ang cellphone gamit ang nanginginig na kamay.

Ako:

I'm busy. Can't you understand that?

I pressed the send button. Shit! Ang sakit. Ayoko nito! Hindi ko kaya.

Mabilis ang reply niya at halos lagutan ako ng hininga.

Riordan:

Am I not allowed to borrow a little bit of your time? Just a minute, Hashline. One minute. I wanna hear your voice.

Pumikit ako ng mariin. I'm sorry... I'm sorry, my love...

Ako:

No, you're not allowed.

Pagkasend noon ay agad kong pinatay ang cellphone ko. Kasabay noon ay ang pagkadurog ng puso ko.

Why is this happening to me? Eto ba ang kabayaran sa lahat ng mga kasalanan ko? Bakit parang sobra naman ata?

Bakit... ganito?

Nakatulog ako kakaiyak kaya naman mugtong mugto ang mata ko pagkagising. My head is throbbing and I am not feeling well. Tinignan ko ang orasan at mag-aalas tres na ng hapon. Shit! May usapan kami ni Sasha ngayon!

Agad akong tumayo para maligo. Nahilo pa nga ako panandalian dahil sa biglaang ginawa pero binalewala ko iyon at mabilis na kumilos.

Naligo at nagbihis ako ng maayos na damit. I looked at myself in the mirror. Hindi na halata ang mugto ng mata ko. My cheeks are red. Hindi pa ako nagbablush on pero mas mapula iyon sa normal na kulay dapat nito.

Pagkatapos mag-ayos ay dumiretso na agad ako papunta sa meeting place namin. Sa isa iyong coffee shop malapit lamang sa office niya. She was already there when I came. Hiyang hiya ako na nalate dahil ako na nga ang nanghingi ng pabor, ako pa ang nahuli.

"I'm sorry..." Ani ko at bumeso sakaniya.

She smiled at me. "It's fine. Kakarating ko lang din."

I nodded and sat on the chair infront of her.

"I hope you don't mind. I already ordered."

Tumango ako. "Ayos lang."

Marami nakalagay sa lamesa na pagkain pero isa man sa mga iyon ay hindi kaaya-aya sa mata ko.

Busog pa siguro ako kaya hindi ko masyadong gusto ang mga pagkain.

"So... about your favor. I can do something about that. Although you breach some of your contracts... may iilang brand na gusto ka pa rin na magmodelo sakanila. I received calls back then and they are asking for you to model their products. Tinanggihan ko lang noon dahil ayaw mo na magmodelo. Pupwede ko silang tawagan ngayon para sabihing kukunin mo ang offer." Aniya.

And yes... I am going back to modelling.

"Thank you, Sasha. I just really need this. You know..." I said.

"Walang anuman, Hashline. I am always ready to help."

Ngumiti ako ng matamis sakaniya. Tinanguan niya ako at nilahad ang mga pagkain.

"Kain ka na. Mag-gym ka na lang after." Biro niya.

Bahagya akong natawa at nilingon ang mga pagkain. I looked at the pasta infront which supposedly my favorite but I am really not hungry.

Nilingon ko si Sasha na nagsimula nang kumain. I just signaled her to continue eating.

Babalik ako sa pagmo-model. Kailangan kong kumita. Even if I don't wanna do this, I'll trade my inner peace.

Kung dati madali lang ang pera sa akin, ngayon kailangan ko nang paghirapan iyon.

"Oo nga pala, Hashline. You need to work out more. Ang tatawagan ko mamaya ay swimsuit shoot." Ani Sasha.

Tumango ako. "Mamaya mag-uumpisa ako."

May equipments naman sa bahay. Doon ako sa mansion tumutuloy ngayon dahil gusto kong magkakasama kami nila Mommy at Daddy sa pagharap sa problemang ito. And I am also thinking of selling my condo unit. I just can't decide right away.

Hindi ako kumain. Natapos na lang si Sasha ay wala akong natikman ni isa. I paid the bill. She insists on paying it but I didn't let her. Ako na nga itong nang-abala, pagbabayarin ko pa siya? No.

Tumayo kami pagkabayad. Dumiretso kami sa parking lot kung nasaan naroon ang kotse naming dalawa.

"I'll just contact you later. Panigurado namang papayag sila. They personally want you to model their product. " Aniya.

"Maraming salamat. Hihintayin ko ang tawag mo kung ganoon." Sabi ko.

I smiled sweetly at her. She smiled back and after that, we parted our ways.

Pagkatapos ng pagkikita namin na iyon ay didiretso naman ako kila Mommy at Daddy. Nasa office sila at inaasikaso ang iilang bagay. Alas singko palang naman ng hapon at malapit lang naman kaya hindi problema ang pagpunta ko roon.

Ang problema nga lang, inaantok na ako. Kahit pa nakatulog kaninang umaga, tinatablan na ako ng antok ngayon. Siguro'y nagbabawi ang katawan ko? Ilang araw din kasi akong puyat.

Siguro ganoon nga.

Humihikab ako habang nagmamaneho at pinipilit ang sariling magising. Ang bigat ng talukap ng aking mata dahil sa lahat ng pagod nitong nakaraang araw.

All of these problems are really draining me.

Kaya nang makarating sa opisina, agad akong lumabas ng kotse para magising ang diwa. Dire-diretso ang lakad ko at hindi na masyadong pinapansin ang tingin ng mga tao. I checked my phone when I was already in the elevator.

May mga texts doon. I saw Riordan's and Zerline's texts.

Riordan:

Let's talk. I can't let this day pass without us talking.

Zerline:

Pagkatapos ng race ko ay pupunta ako sainyo. I'm gonna sleepover.

Bumuntong hininga ako at nagreply kay Riordan.

Ako:

We'll talk later. I'm not home yet.

Sabay ng pagkasend noon ay ang pagbukas rin ng elevator hudyat na nasa tamang palapag na ako. Hindi katulad noon na puno ito ng mga tao, ngayon halatang halata ang nabawas sakanila.

I smiled bitterly. I promised myself we'll gain everything we've lost.

Naglakad ako papunta sa office nila Mommy. Wala ang sekretarya roon kaya dumiretso na ako sa pinto. Dahil hindi soundproof ang opisina nila, rinig ko ang iilang bulungan.

"Ashton, this will be a great help to you and to your company. We'll not gain something here but we're still offering you this." Ani ng boses na pamilyar sa akin.

Dahan-dahan kong binuksan ang pintuan at sumilip doon. I saw my Mom and Dad talking to Ryton's family.

Nanlaki ang mata ako. What are they doing here?

"I already told you, Carlos. I am not gonna take your offer." Mariing sabi ni Daddy.

Nanatili ako sa aking pwesto. Hindi gumagawa ng ingay at nakikinig lamang sakanila. Hindi pa nila ako nakikita.

I have an idea...

"Babagsak ang kompanya niyo, kung ganoon." Rinig ko ang banta sa tono nito.

My jaw dropped. Bakit? Ano ba ang hinihingi nila?

Ryton's family is one of the largest investors in our company! Sila ang isa sa mga hindi pa nagpupull out at kapag ginawa nila iyon, panigurado na ang pagbagsak ng kompanya!

Shit!

"Tinatakot niyo ba kami? Carlos? Raqueline?" May lamig sa boses ni Mommy.

Pumikit ako ng mariin. I think I know... where this is going...

"Hindi namin kayo tinatakot. Pinapaalam ko lang ang magiging resulta ng desisyon niyo." Ani Tito Carlos.

Hindi nagsalita si Mommy at Daddy. Naghari ang katahimikan pero ramdam ko ang tensyon sa pagitan ng dalawang pamilya. My Dad is coldly looking at them while Mommy is on his side.

Tumango si Tito Carlos at umambang aalis na. Nanlaki ang mata ko at bago pa man ako makaalis doon, nakita na ako ni Ryton! He's now looking intently at me.

"We have to go now. I'm expecting that you'll change your mind. This offer will benefit your family. Think wisely." Ani Tito.

Giniya niya ang asawa papaalis doon at dahil nakita na ako ni Ryton, hindi na ako umatras pa. Tuluyan akong pumasok at nakita nilang lahat.

"Hashline!" Sigaw ni Mommy.

Hindi ko siya nilingon. Ang mga mata ko ay nakila Tito at Tita.

These people infront of me... we treated them as family. They are our family friend and I can't imagine they're doing this to us now.

Ginigipit nila kami sa panahong naghihingalo kami... para sa sarili nilang kagustuhan.

"Oh, here's your daughter. Maybe she can decide better than the two of you?" Tita Raqueline smirked.

Agad akong nilapitan ni Mommy at Daddy. Si Ryton at ang kaniyang ama ay tahimik lang na nanunuod sa amin, may ngisi sa mga labi.

"My daughter is out of this!" Sigaw ni Mommy.

"Carlos, give it up. My decision is final." Matapang na sabi ni Daddy.

Hinawakan ko ang kamay nila para patahimikin. I wanna know what's this all about.

"Ano po iyon, Tito, Tita?" Tanong ko.

They smiled fakely at me. I feel disgusted.

"Hashline, I know you're a very smart girl. And you know that your company is at stake right now. We are offering to help you... in exchange of you... marrying my son." Walang pag-aalinlangan sabi ni Tita.

Natikom ko ang aking bibig. Parang hindi ako makahinga bigla dahil sa narinig.

"We know that you and Ryton are friends, right? This wont be hard because you two already have the foundation. Besides, this will benefit you and your family."

"Raqueline! Stop it!" Ani Mommy.

"I'm giving you time to decide. And I want your answer... as soon as possible."

Tumango ako. Nagulat si Mommy doon at hinatak ang kamay ko. Umiling iling siya at kita ang luha sa kaniyang mga mata.

I know, Mommy. I am hurting, too.

"Pag-iisipan ko po." Matapang kong sabi.

Ngumisi sila at nakuntento sa sagot ko. Naglakad sila papunta sa pintuan para umalis na. Si Ryton ay nanatiling nakatayo rion at nakatingin sa akin.

"Can I talk to you?" Aniya sa akin.

Dad pulled me. Tila hindi sang-ayon. Nginitian ko siya para sabihin na ayos lang.

"Wait for me outside." I answered.

Pagkalabas ng pamilya niya at ni Ryton, doon lamang ako nakahinga ng maluwag. Agad kong narinig ang hikbi ni Mommy. Parang lumubog ang puso ko. I looked at my Dad who's now shaking his head while his eyes are bloodshot.

"Anak, hindi. Hindi ako papayag!" Iyak ni Mommy.

Hindi rin naman ako payag, My... Pero paano tayo?

"Hashline, I told you. I will not approve of any of these. I won't let you marry him." Ani Daddy.

Hinawakan ko ang kamay nilang dalawa at marahang hinaplos. Ngayon ko napatunayan na kaya ko talagang gawin ang lahat para sa pamilya ko.

Even if it means I'll be wreck. Even if it will drain me. Even if it will kill me.

"Akong bahala, Daddy, Mommy. Just trust me." Ani ko.

Tapos noon ay hinalikan ko ang pisngi nila at kumawala sa hawak. Isang ngiti pa ang ginawa ko bago tuluyang lumabas at kausapin si Ryton.

Sa conference room ang napili naming lugar para mag-usap. Walang makakarinig at makikiusosyo roon.
Nakaupo siya pagdating ko at agad na tumayo nang nakita ako. He smiled but I did not even tried to lift my lips.

How can I smile for something this tragic?

Hindi ako umupo. Nanatili akong nakatayo sa malayong harap niya. Ayaw kong lumapit at nag-aalab lang ang galit ko.

"What do you want?" I asked.

He smirked. "I want your hand... in marriage."

Natahimik ako. I don't want it. But do I have choice?

Yes, I have. But what choice will I choose? That's the question.

"Ryton, why are you doing this?" Mahina kong tanong.

Hinang hina na ako sa lahat.

"Hashline, sinabi ko naman sa'yo noon, hindi pa ako tapos. Kaya ngayon, papakasalan mo ako kung hindi ay babagsak kayo."

I closed my eyes tightly. I can feel my heart breaking as I listened to him.

"Will you rather choose to lose your beloved company?" He asked.

Ayaw kong mawala ang kompanya pero ayoko ring pakasal sakaniya.

"I have a ring now and if you'll agree to this... we'll marry right away. This month to be specific. And your problems will vanish away."

Humugot ako ng malalim na hininga at tinapangan ang sarili. Naninikip ang dibdib ko at nananakit ang ulo ko.

"I am the only one who can help you, Hashline. I am your answer. I am your solution. Remember that." Aniya at iniwan ako roon pagkatapos.

Nanghihina akong napaupo pagkaalis niya. Tumulo ang luha ko para sa lahat ng problema. He's right. He can help us. Pero sapat ba iyon para pumayag ako rito?

Hindi ko alam. At ayaw ko rin talaga.

Hinang hina ako pagkauwi sa bahay. Hindi na ako bumalik sa opisina nila Mommy at Daddy dahil mas lalo lang akong manghihina. I wanna help them so bad.

Nasa kwarto ko na si Zerline pagkarating ko. Basa pa ang buhok niya at halatang bagong ligo. She's looking at me with sadness in her eyes.

"Are you okay?" She asked.

Tumango lamang ako at nag-iwas lang tingin. Iniwan ko muna siya roon at naligo ako para maibsan ang bigat sa damdamin ko pero balewala iyon. Kahit anong gawin ko, may nakadagan pa rin sa puso ko.

Nakahiga ako sa kama habang katabi si Zerline na busy kakapindot sa cellphone niya, nang tumunog rin ang phone ko sa tawag.

Nilingon ko iyon at napabuntong hininga nang makita na si Riordan ang tumatawag.

Seeing his name on my screen makes me wanna cry!

"Sasagutin mo?" Tanong ni Zerline.

Tumango ako. Sasagutin ko.

Pumunta ako sa balcony para roon siya kausapin. Nanginginig ang tuhod ko sa kaba at takot sa gagawin.

"H-Hello?" Bungad ko.

I heard his heavy sighs. Tahimik sa kabilang linya.

"You answered..." Napapaos niyang sabi.

Nanggilid agad ang luha ko pagkarinig sa malambing niyang boses.

This... is the voice I wanna hear every time I will wake up...

He's the man I wanna spend my life with.

Bakit parang ang hirap abutin noon?

"May k-kailangan ka?" Kinagat ko ang labi ko para pigilan ang paghikbi.

"I just... miss you, baby." Malambing niyang sabi.

I miss you, too. But I won't say it.

"Iyon lang?" Ani ko.

Shit!

He didn't speak for a while. Hindi rin ako nagsalita.

"Are we okay?" He asked after a long while.

Rinig ko ang sakit sa boses niya.

"Riordan... inaantok na ako..." Pag-iiba ko ng usapan.

"Hashline, what's wrong?" He asked.

"Wala. Inaantok na talaga ako."

"No... You have a problem. Come on. Tell me."

I bit my lips. I wanna hug him so bad!

"Wala nga, Riordan. Bakit ba ang kulit mo?" Sigaw ko.

"I am just asking. Calm down." Nanunuyo niyang sabi.

"Hindi! Nagsasawa na ako! Hindi mo ba maintindihan na busy ako?! Sinasakal mo ako?!"

"I understand it, Hashline. That's why I called you at night! I badly wanna talk to you but I waited till you're done!" Mataas na rin ang boses niya.

"Nagrereklamo ka, kung ganoon?!"

"What?! No! I just wanna talk to you! Is it bad, baby? Am I forbidden to do that?"

Ang hirap! Fuck! Para akong pinapatay.

"Wala nga akong panahon, Riordan. Mahirap bang intindihin iyon? Kahit kausapin ka, wala akong oras! Kung nahihirapan kang intindihin iyon, maghiwalay na lang tayo!" Sigaw ko.

Ang sakit sakit. Gusto kong sumigaw at bawiin iyon.

Mahal na mahal ko siya.

"What?! Your solution for this is to break up?! Really, Hashline?" Malamig niyang sabi.

Bumuga ako ng hininga dahil nahihirapan na ako.

"Let's break up." Buo kong sabi.

Pero sa totoo lang, ubos na ubos na ako.

Hindi siya nagsalita kaya mariin kong kinagat ang labi ko para hindi kumawala ang mga hikbi na kanina pa gustong lumabas. Matinding katahimikan ang namayani hanggang sa nagpasya siyang basagin iyon...

At ang puso ko.

"After all these years, you still don't trust me, Hashline." He coldly said.

And because I was too heart broken about what he said, I ended the call right away. Agad akong umiyak at tinadyakan ang railings. Humagulgol ako roon habang inaalala lahat ng sinabi.

It hurts like hell. Akala ko ayos na ang lahat. Bakit ngayon nasa dulo kami?

I know I was dumb but I realized... I am selfish if I'll keep him. Hindi ako ang babaeng dapat para sakaniya. Marami akong problema sa buhay at ayokong maapektuhan siya.

Isa pa, I really want to put all my time and focus on my family. Ang daming problema.

Hindi ko alam. Naguguluhan ako sa sarili ko. I'm too emotional these past few days and I couldn't handle it very well. I couldn't handle this right now.

I am so inlove with him that I am willing to let him go... even if it will kill me a thousand times more.

And if you ask me... No... I will not marry Ryton. That's final.

Hindi ko siya kailangan. Hindi ko kailangan ng kahit na sino para makaahon dito.

Sarili ko at ang pamilya ko lang. That's all I ever need.

And if after this, we'll still end up together... we'll still find a way to each other... then that's the time I will never let him go.

Hindi ko na siya bibitawan pa kapag nangyari iyon.

Sa ngayon, I needed to do this. At kung makakahanap man siya ng iba pagkatapos nito, tatanggapin ko kahit masakit kasi ako naman ang unang umalis. I just... couldn't handle this right now. It's too much for me. I'm sorry.

Leaving him was my only choice. Not because I want to...but because I need to.

Kanina nang nasa byahe pauwi, tinawagan ako ng pinsan niya. Si Huxley. He said that Riordan couldn't focus there. Gusto na nitong umuwi pero kailangan siya roon ng pamilya niya. Ayaw umuwi ni Tita Shia at Curl dahil sa pagkamatay ng Lolo nila. They are still mourning and Riordan is very stubborn! He wants to go home!

To me...

At hindi iyon maganda. Masyado kaming nakadepende sa isa't isa. Kung hindi ko siya papakawalan ngayon, anong mangyayari sa paligid namin? He needs to stay there. I need to save our company.

It's not all about us. Our family needs us both.

Kapag natapos ito at mahanap namin ulit ang isa't isa, pinapangako kong hindi ko na siya papakawalan pa.

Sa ngayon, kailangan muna.

Naabutan ako ni Zerline na umiiyak at agad niya akong sinalubong ng yakap. Niyakap ko siya pabalik at umiyak nang sobra.

This pain is almost tangible I could taste it. I could almost grasp it.

"What happened?" She asked me.

"I-I broke up w-with him." Hikbi ko.

Nanlaki ang mata niya pero hindi siya nagsalita. Mas lalo akong umiyak.

"Mahal na mahal ko siya, Zerline. Pero paano kung ganito ang buhay ko ngayon? Kailangan siya roon at hindi ako makasarili para pauwiin siya rito! Parang buhat ko lahat ngayon. Ang hirap..." Iyak ko.

She didn't answer me. Pinatahan niya lang ako. Umiyak lang ako sa kaniya. Iniyak ko lahat pero parang kulang pa rin.

"Let's go inside. Malamig dito sa labas." Aniya.

Tumango ako at tumayo. Kasabay ng pagtayo ay ang pagkahilo ko. Napahawak ako sa may railings dahil doon.

"Hashline! Ayos ka lang?!" Nag-aalalang tanong ni Zerline.

Masyado akong nahihilo para sagutin siya. Kinalma ko ang sarili ko at nang medyo umayos ang pakiramdam, pumasok na ako. Nakaalalay sa akin si Zerline. Nag-aalala.

"Nagpaluto ako ng pasta. Hindi ka pa raw kumakain sabi-"

Hindi na niya natapos ang sasabihin niya dahil nang maamoy ko ang pasta na sinasabi niya pagkapasok sa loob, ay agad bumaliktad ang tyan ko at napahawak sa bibig ko.

Shit!

Naduwal ako at tinakpan ang bibig.

"Hashline! Ayos ka lang ba talaga?!" Aniya.

Tumango ako pero naduwal na naman nang maamoy iyon kaya tumakbo na ako papasok sa banyo. Bumabaliktad ang sikmura ko kaya agad akong lumuhod sa toilet bowl at dumuwal doon.

Tumutulo ang luha ko habang dumuduwal ako. Walang lumalabas sa bibig ko dahil hindi pa ako kumakain. I feel so sick and I am so damn nervous.

Shit! Shit! Shit!

Sinundan ako ni Zerline at hinawakan niya ang buhok ko para hindi mabasa iyon. Dumuwal ako nang dumuwal doon kahit pa wala naman lumalabas sa bibig ko.

Nang medyo umayos ang pakiramdam, inabot ko ang tissue at pinunasan ang bibig. Tumayo ako para magmumog sa sink. Nakatingin lang sa akin si Zerline. Nanliliit ang mga mata.

Pumikit ako ng mariin. Fuck!

Nilingon ko ang salamin at nakitang pulang pula ang labi at pisngi ko. Naghilamos ako para mahimasmasan doon.

"Nakainom ka ba?" Tanong ng pinsan ko.

Nag-iwas ako ng tingin at umiling.

I'm afraid I know what's this...

"Bakit ka nasusuka?" Tanong ulit niya.

I closed my eyes tightly. Nang dumilat ako ay hinarap ko siya.

"Can you get my bag, please?" Nanginginig kong sabi.

"Bakit, Hashline?"

"Just... please get it."

Tumango ang pinsan ko at lumabas para kunin iyon. Humarap ulit ako sa salamin at ang puso ko'y tumitibok ng mabilis.

Agad namang nakabalik si Zerline dala ang bag ko. Inabot ko iyon at huminga ng malalim.

Ito na iyon.

Nilabas ko roon ang pregnancy test na binili ko noong isang araw. Nanggigilid ang luha ko habang hawak iyon.

"Hashline?" May pagtatanong sa boses ni Zerline.

Ngumiti ako ng mapait. Inasahan ko na ito pero nakakagulat pa rin talaga.

Ilang araw ko nang nararamdaman ang mga sintomas ng pagbubuntis pero hindi ko masyado iyong inisip dahil sa mga problema... at dahil na rin sa takot.

Kada magigising ako ay naduduwal ako at mabilis din akong mahilo. Lagi rin akong inaantok nitong nakaraan at ang mga paborito ko noon ay hindi ko gustong kainin ngayon.

Isa pa... hindi pa ako nagkakaroon...

At dalawang buwan na rin simula nang may nangyari sa amin ni Riordan.

I still remember it. Hindi siya gumamit ng proteksyon at... matagal ko nang itinigil ang pag-inom ng pills.

I'm afraid to know it, but I am sure this is something. Gamay ko ang katawan ko at alam kong may kakaiba rito.

"I'm t-trying this." Utal kong sabi.

Laglag ang panga ni Zerline pero tumango siya. Lumabas siya ng banyo para magawa ko ito at halos mahimatay ako sa kaba.

Binasa ko ang instruction at ginawa iyon. Hinintay ko na lumabas ang resulta at nakapikit lang ako habang ginagawa iyon.

Am I... ready for this?

Tinapangan ko ang sarili at dumilat para tignan iyon. Unang sulyap ay tumulo na ang luha ako.

Two lines.

Positive.

I am pregnant.

And Riordan's the father of my child.

Binuksan ko ang banyo at agad na pumasok si Zerline. Naninigas ako sa kinatatayuan ko. Kinuha niya ang pregnancy test sa kamay ko at nanlaki ang mata nang nakita iyon.

I smiled weakly and held my stomach.

"You're... pregnant?!" Ani Zerline.

Tumango ako. Buntis ako.

Masaya ako na malungkot. Masaya dahil matagal ko nang gusto ang magkaroon ng anak... malungkot dahil... sa ganitong panahon ako binigyan...

Baby, you're so stubborn like your father. Why now when Mommy's failing?

But even so... I am happy that you're here.

I am happy that I have you with me.

Baby, you are a product of our love. Gawa ka sa pagmamahalan namin ng Daddy mo at hindi ko pagsisisihan na nabuo ka.

I love you so much, kahit wala ka pa.

"Hash, kakabreak niyo lang ni Rio. Paano 'yan?" Tanong ni Zerline.

Kung kailan ako nakipaghiwalay, saka ko malalaman na buntis ako.

"Hindi ko alam, Zerline. But I am happy that I am having a baby." Nanghihina kong sabi.

Tumulo ang luha ko at hinaplos ang tyan ko. Nilingon ko si Zerline na hindi makapaniwala ang tingin sa akin.

"Leche ka, Hashline! Ninang ako niyan!" Aniya.

Tumawa ako. Of course. Hindi pa halata na buntis ako pero ramdam ko na iyon ngayon.

Paano ito ngayon? Paano ko bubuhayin ang anak ko kung wala ako ngayon? Paano na?

May ipon ako pero hindi iyon sapat.

At paano na ang offer ni Sasha? Hindi ko na iyon magagawa ngayong buntis ako. Hindi na ako makakabalik sa pagmomodel.

My baby's safety is my number one priority. That's all that matters.

Paano ito ngayon? Ang gulo-gulo ng buhay ko!

"Kumain ka! Hindi pwedeng magutom ka kasi magugutom din ang baby mo!" Pangaral ni Zerline.

Tumango ako. Tama siya. Kailangan malakas ako kasi hindi na lang ako isa. Dalawa na kami.

Dalawa na kami ng baby ko.

"Okay. Basta huwag iyong pasta. Naduduwal ako roon." Ani ko.

She nodded and left me there to call for food. I smiled.

Mommy na ako!

I couldn't believe it!

Baby, I'm gonna protect you and give you everything you need. Hindi ako magkukulang sa pagmamahal saiyo dahil isa ka sa pinakamagandang nangyari sa buhay ko.

You're a part of me and your Daddy. He's the love of my life that's why you're here. I will love you wholeheartedly like how I love your father.

Ngayon na buntis ako, mas lalo lang na gusto kong maging maayos ang lahat. Ngayon, isa na ang anak ko sa mga dahilan.

This is for my family... and my baby.

Bumalik si Zerline na kabado pa rin. Inalalayan niya ako palabas ng banyo at hindi ko na naamoy ang pasta kanina. Pinaupo niya ako sa kama at hindi siya mapakali.

"Nahihilo ako sa'yo. Umupo ka nga." Natatawa kong sabi.

"Nahihilo ka? Dalhin na kita sa hospital? Papatayin ako ni Rio kapag may nangyaring masama sa'yo!" Aniya.

I laughed. Baliw!

"Hindi niya alam. Calm down! I'm fine." 

"Sino lang ang nakakaalam?"

"Ikaw palang. Ngayon ko lang din nalaman." Sagot ko.

Tumango siya at hindi talaga mapakali.

"Ipapaalam mo ba kay Riordan? He deserves to know." She said.

She's right. But... am I ready to tell him?

We just broke up!

Sa huli, tumango ako. Hindi ko naman itatago.

"I'll tell him. He deserves to know. But definitely... not now."

Continue Reading

You'll Also Like

Pearl and Petals By jeil

General Fiction

880K 27K 52
Legrand Heirs Series #3
62.8K 2.1K 36
sometimes you have to die in order for you to live.
98.8K 2.6K 28
Killa Herrera is a woman of strong convictions who stands firm in her beliefs. A strong woman, like that of a Tequila. And an unstoppable one, like t...
2K 45 13
Rule Series #1: Rule of Fate Side Story Maximillian Gray Castellano