Scary Stories 5

By Sheree_Mi_Amour

41.4K 1.3K 19

The stories you're about to read are not mine. These are all from the popular Facebook page "Spookify". Enjoy... More

Nueva Ecija - 1997
Ang MedRep
Maynila - 1993
Nueva Ecija - 1989
Tapik
Mindoro - 2006
Pamahiin sa Patay
Cagayan de Oro - 1950
San Mateo, Rizal - 1996
Bicol - 1955
Camping sa Baguio
PUP Scary Stories
Look Up, Up, Up
Serial Killer si Madam
The Horror Stories of Mindanao State University, Marawi City
Ilaw at Sigaw
The Customer
Opisina
R.L.E.
Full Moon
Nagpaparamdam na mga patay
Baguio Experience - 2019
Haligi ng Tahanan
Compiled Stories 1
Dugwak
Immersion (Parts 1-5)
Kulam
Caramoan
Accident call
Batangas (Bundok) (Parts 1-5)
Kapahamakan sa Kabundukan
Manggagamot
Bakanteng Lote
Nang dahil sa sampung piso
No one will know (Parts 1 & 2)
No one will know (Parts 3 & 4)
Compiled Stories 2
Station 4
Parola
Mananabtan
Katotohanan (Parts 1 & 2)
Ortigas - 6/29/19
Factory
Engineering Building
Bisita sa Bicol
Ang Engkanto sa Parking Lot ng Trinoma
Auntie V
Auntie V (Balikan)
Tubuhan (Parts 1 & 2 + Prequel)
Compiled Stories 3
Ingay ng Bulong (Parts 1 & 2)
Education Building
Bakuran
Mountaineer Stories
Hinang-hina ang Gabay namin
Playground of Ghost and Such (Parts 1-3)
Amadeuz Tale : Jenny
Salabay
Bulong
Past 3AM
Yaya
Ligaw
The Unsolved Mystery in my School
Compiled Stories 4
Unfamiliar face of a girl on the stair
Summer Vacation (Parts 1 & 2)
Training Center
The Museum
When Someone's Dying
Third Eye
Compiled Stories 5p
Orphanage
Sapi
Kababata/Baway
Random Stories (Parts 1 & 2)
Kasunduan sa Demonyo
Anita, Babaeng Itim, Paring Pugot at Retreat
Nakita Kita
Compiled Stories 6
Land of the Rising Sun
LAStsING
The Wake & The Game
Di na tayo pwede
Pag oras mo na, oras mo na
Compiled Stories 7
Boundary at Subdivision
Lungsod ng Quezon - 2009
About Doppelgangers
Kaybiang Tunnel Stories
Compiled Stories 8
Who is she? (Parts 1 & 2)
Mackaroo's Journal : My Last Confession
11/21
1994
Compiled Stories 9
Kay-Anlog Road
Ang Batang Tambay sa 14th Floor
Compiled Stories 10
Multo sa Mall?
Hilaga
Dalisay + Faith Healer
Earthquake Drill
Kuya Leo and Ate Lea
Gown
My Lola's Story (Parts 1-3)
Compiled Stories 11
Kulam Adventures (Parts 1-3)
Doppelganger Stories
The Chronicles of Nadia (Parts 1-5)
Compiled Stories 12
Stranger Danger
Dayo
Friday Night at Ang Babae sa Mall
NoSleep Series : Trabaho sa Dark Web (Parts 1-5)
Davao Doctors College (6th Floor Cad Bldg)
Unknown
Dyablo Island
My Lola and I (Parts 1-3)
Enchanted
Auditorium (Parts 1 & 2)
Kulam ba o Mental Illness?
Tubuhan: Triangle
Compiled Stories 13
Pamahiin
Ngiti
Engkanto
Compiled Stories 14
Madre
Me and My Two Best Friends (Parts 1-4)
Lason
Compiled Stories 15
Si Ninong (Parts 1 & 2)
Jose + Sumpa
Spirit of the Coin
Black Witch (Parts 1 & 2)
Compiled Stories 16
Mahiwagang Garden (Parts 1 & 2)
NoSleep One-shot Story : Ang Insidente sa Highway 1093
NoSleep One-shot Story : Parang may mali sa aking Lasik Surgery
The Sign
Compiled Stories 17
Compiled Stories 18
Compiled Stories 19
Kasabay
Ngayon naniniwala na ako
Papatayin kita
Mga kababalaghan
Naririnig kita
Compiled Stories 20
Compiled Stories 21
UV Express, Black and White Feathers at Si Anna
Psychosis (Caloy from Cebu)
Come Again
Compiled Stories 22
New Found Friend
Creepy Classroom
Bicol Dekada Otsenta
Hindi lang kami ang baliw dito, Miss
NoSleep (One-Shot Story) : Ang baog kong asawa ay nakabuo ng bata
Compiled Stories 23
Crematorium, 2012
Experiment
Compiled Stories 24
Mt. Cristobal (The Devil's Mountain)
Doppelganger Stories 1
Compiled Stories 25
Cronica Bruja : Hatid
Ilog sa Mt. Banahaw, Quezon Province
Compiled Stories 26
Compiled Stories 27
Ghost Wedding
Gutom (Parts 1-2)
Compiled Stories 28
Isay comes home (Parts 1-2)
Ricky's Wishing Coin
Stranger Danger (Parts 1-2)
Deliver us from evil
Kainan sa may Palengke
Anino (Parts 1-3)
The Bus Station (Thailand Tour)
Sine
Nawawala ang Nakaburol
Ang Babaeng pinaanak ang sarili (Parts 1-2)
Baboy
Kakila-kilabot na pagsalubong sa Bagong Taon
Till death, we'll never part (Parts 1-4)
Compiled Stories 29
Doppelganger Stories 2
Thou shalt not steal
Kerosene
Compiled Stories 30
Semana Santa
Huling gabi ng Santa Cruzan
Balkonahe (Lilac Story)
Poso
Kaibigan
At lumabas ang Halimaw mula sa Libro
Selos
Bahay-bahayan

Haunted Supermarket

233 7 0
By Sheree_Mi_Amour


This spooky story happened two days before our halloween party. I was looking for mason jar for our halloween design, It was around 7pm, 1 hour nalang bago magsara ang supermarket na kinaroroonan ko.

Wala nang masyadong tao sa loob ng supermarket. Sa 1st floor ng Supermarket ay naroon ang mga Grocery items at ang Cashier Counter, sa 2nd floor ay ang mga cookwares, furnitures at iba't ibang damit.

Tinungo ko ang 2nd floor gamit ang escalator. Ang high-tech ng escalator dahil may people sensor ito, saka lamang gagana ang escalator kapag may ma-detect na taong nakatapak dito. Ewan ko kung paano nangyayari ito, basta manghang-mangha ako dito.

Pagdating ko sa 2nd floor ay medyo dim light na ang mga ilaw at kita ko rin na naglilinis at nag-aayos na ang nga employees dito para sa closing ng supermarket.

Pumunta ako sa section ng mga cookwares di kalayuan sa escalator, katapat niya lamang ito.

Katabi ng mga pinggan at baso ay ang mga Mason Jar at sa likuran ko ay ang mga cabinets at iba't ibang furnitures na tinitinda nila.

Habang namimili ako ng perpektong jar para sa halloween design ay napansin kong gumalaw yung escalator. Tiningnan ko ito ng puno ng pagtataka dahil wala namang tao doon na pababa ng escalator.

Tiningnan ko lang ito, umaasa na merong lamang bata na naglalaro sa escalator. Ang ginagawa ko kasi dati sa escalator (dahil napakalikot kong bata) yung pababang escalator ay tinatakbo ko pataas. Umaasa ako na may batang gumagawa rin nito ngayon. Pero bigo ako dahil tumigil ang escalator ng wala akong nakikitang tao.

Medyo creepy kung iisipin pero inisip ko nalang na sira yung escalator kaya gumalaw ito mag-isa. Tinuon ko ang atensyon ko sa pagpili ng mason jars. Alam ko kasi na matatakutin akong tao baka kumaripas ako ng takbo palabas kapag kinain ako ng takot.

Nagpatuloy ako sa ginagawa ko ng biglang ginapangan ng lamig ang batok ko. Tumingin ako sa likuran ko at wala akong nakita.

Ginala ko ang paningin ko sa paligid at nakita ko ang isang babae na namimili rin, medyo may kalayuan siya sa akin pero tanaw na tanaw ko siya, naroon siya sa section ng mga damit sa gilid ng escalator.

Sa tingin ko ay nursing student ito dahil nakauniform ito ng pang-nurse. Nakatayo ito at tinitingnan ang mga naka-display na sapatos. Napanatag ako ng makita kong may kasama akong namimili.

Napili ko na ang magandang jar para sa halloween design pero napasimangot ako ng makitang 2 pieces nalang ito, lima kasi ang kailangan ko.

Saktong may parating na employee ng supermarket at tinawag ko ito. Naka-uniform ito at mahaba ang buhok na straight.

"Ate, may stocks pa kayo nito? Kailangan ko pa kasi ng tatlong piraso."

Tumago lang siya at umailis agad. Ang sungit ni Ate, ni hindi man lang nagsalita. Hindi yata na-train about customer service.

Hindi ko na lamang ito pinansin. Hinintay ko ang pagbabalik ni Ate, inaliw ko ang sarili ko sa pagtingin ng mga paninda nilang mugs, ang ku-cute kasi.

Habang tumitingin ako ng mga mugs ay nasulyapan ko yung nursing students na pababa na ng supermarket.

Naglakad siya patungo ng escalator, pinagmasdan ko ang pagbaba niya. Banayad ang pagbaba niya hanggang sa ikinagulat ko na hindi gumagalaw yung escalator pababa, naka-steady lang ito.

Pero paano bumababa ang babae?.

Halos ikahimatay ko ng makita kong nakalutang siya. Tumigil siya pababa pero nakalutang pa rin ito. Biglang bumalot ang lamig sa katawan ko at ramdam ko na parang lumaki ang ulo ko.

Hindi ko maiwaglit ang paningin ko sa kanya, napako ang tingin ko sa kanya. Hanggang sa makita ko na ang suot niyang puting damit ay balutin na ng dugo. Duguan na siya at pumapatak ang dugo sa escalator.

Bumilis ang tibok ng puso ko at lalo pa itong bumilis ng mapansin kong pumipihit ang ulo niya paharap sa akin.

Unti-unti ang pagpihit hanggang tumambad sa akin ang basag-basag niyang mukha halos na-dislocate ang mga parte ng mukha niya at duguan ito.

Gusto kong sumigaw pero para bagang naka-tape ang bibig ko. Nakapako pa rin ang paningin ko sa babae. Hanggang sa pansin kong palapit ito sa kinatatayuan ko.

Palapit siya ng palapit. Nakalutang siya at tumutulo ang dugo mula sa mukha niya. Hindi pa siya nakalapit sa akin ng ipikit ko ang aking mga mata. Ayaw kong makita siya ng malapitan, baka himatayin ako dito ng wala sa oras.

Nagdasal ako habang nakapikit. Nang matapos ko ang dasal na 'Our Father' ay dahan-dahan kong minulat ang aking mga mata.

Pagkamulat ko ay nahimasmasan ako ng hindi ko na makita ang babaeng multo.

Unti-unti kong iginalaw ang mga paa ko at pumihit ako palikod para lumayo sa section na ito, hindi pa rin kasi nawala ang takot ko.

Ikinagimbal ko ng makita ko ang repleksyon ko sa cabinet na naka-display dito. Nasa repleksyon ko ang babaeng nakita ko kanina, kung paano ang pagkakatayo ko ay siya ring pagkakatayo niya.

Tumakbo ako hawak-hawak ang dalawang mason jars at nakita ko si Ateng masungit, nakatalikod ito habang inaayos ang mga paninda dito.

"Ate! Ate!"

Tinawag ko siya, nagpa-panic pa rin ako dahil sa nakita ko kanina.

Unti-unti niya akong hinarap at ikinasindak ko ng makitang maputla ang kanyang mukha at nakanganga ito, ang mukha niya ay parang nasindak. Ito siguro ang dahilan ng pagkamatay niya. Ilang sandali lang ay lumabas ang dugo sa bibig niya.

Bumilis ang kaba sa dibdib ko at naihulog ko ang hawak-hawak kong dalawang mason jars, nabasag ito sa harapan ko habang nakapako ang paningin ko kay Ate.

"Sir! Sir! Ayos lang po kayo?"

Nagising ang diwa ko ng tinapik ako ng employee dito sa Supermartket dalawa sila, isang babae at lalaki. Tiningnan ko sila at nang ibalik ko ang paningin ko sa kinaroroonan nung Ate ay naglaho ito.

"Yung babaeng.."

Paliwanag ko sabay turo sa likuran ko.

"Nakikita nyo rin po siya?"

Tanong nung babae sa akin na ikinagulantang ko.

Dinila nila ako sa 1st floor para kausapin, halos ayaw kong tahakin yung escalator kanina dahil doon ko nakita yung babae pero nilakasan ko ang loob ko dahil may kasama naman ako. Pinaliwanag nila na ang tungkol sa nakita kong babae.

Siya daw si Belen, isa sa mga employee sa Supermarket nila. Nahimatay daw siya 2 months ago at dito sa Supermarket na binawian ng buhay habang naka-shift siya.

Ang sabi ng iba ay nawalan ito ng hininga dahil may hika ito pero sabi ng iba ay namatay siya dahil nakita niya yung multo sa 2nd floor.

"Sino yung isa pang babae na naka-nursing uniform?"

Tanong ko at halatang binalot sila ng takot dahil sa kanilang reaksyon.

"Nakita mo rin yung multo sa escalator Sir!?"

Mabilis na tanong nung lalaki. Tumango ako para tumugon sa kanya.

Yung babaeng naka-nursing uniform daw ay isa sa mga customers nila last year, nahulog daw ito sa hagdanan noong wala pa silang escalator, nauna daw ang mukha nito. Napuruhan ito sa utak kaya binawian agad ng buhay. Kaya ganoon na lamang na pinalitan nila ang hagdanan ng escalator.

Binayaran ko ang mga jars na nabasag ko at nagpakuha ng stocks nila.

Simula noong pangyayaring iyon ay hindi na ako pumunta sa Supermarket na iyon. Ilang taon din ang nakalipas at tuluyan na itong nagsara.

Patuloy pa rin daw ang pagpaparamdam ni Belen at nung babaeng nahulog sa hagdan, lalo na kapag closing shift.

Sana nagustuhan nyo ang kwento ko.

Arthus from Tarlac City

Continue Reading

You'll Also Like

106K 6.6K 28
Sa isang hindi maipaliwanag na pangyayari, ang mahigit limang daang mamamayan ng maliit na bayan sa Quezon Province ay naglaho na parang bula. Isang...
193K 3K 42
Masagana, mapayapa, at masaya ang pamumuhay ng pamilya Bernadas sa bago nilang tahanan, pero paano kung ang pamumuhay na iyon ay mapapalitan ng malag...
204K 6.1K 71
Hinghest Achievement in Horror - #7 Transfer Student si Jasmin Fajardo sa Kirin Art Academy , Eskwelahan na akala niya ay Normal ngunit hindi pala...
17.2K 1.4K 34
Cursed Stories #1 | A lie will cause harm, so is the truth. *** A novelette. "Rain, rain, go away. Come again another day." There's a curse in Lorrai...