Tulay
Dahil sa Manila pa ako nag-aaral, weekend lang ako kung umuwi ng province namin. Sinisigurado ko na hanggang Friday lang ang pasok ko para mas matagal ang stay ko sa bahay namin. Kapag wala akong pasok ng Saturday at Sunday, laging late ang last class ko ng Friday. May kasabihan kasi sa school na nasa panggabi ang mababait na prof kaya hindi ako nakuha ng pang umaga dahil daw nandun ang mga terror prof. Isang gabi, natapos ang class ko ng 9pm pero sa kagustuhan kong makauwi agad ay nagbiyahe na ako after class. Mga 2 oras din ang biyahe pero kung walang bus sa terminal, aabutin pa ng 3-4 na oras kasama ang paghihintay. Taya ko ay mga 11:30 pm na ako nakarating sa bababaan ko. Dahil wala kami sa highway ay dadaan muna ako ng tulay bago makarating sa amin. Madalas na akong dumaan ng gabi sa tulay na iyon at masasabi ko na nakakatakot siya sa gabi dahil wala masyadong ilaw. Ito ang gabi na super late na ako dumaan. Kapag nasa dulo ka ng tulay na nasa ibabaw ng ilog ay tanaw mo ang kabilang dulo. Hindi ito kahabaan pero ginawa ito para mas mapabilis ang biyahe namin galing sa kabilang barangay. Sa di ko maintindihang kadahilanan ay hindi ko marating ang kabilang dulo kahit sanay na ako sa dapat na hakbang ko para makarating sa dulo. Naalala ko bigla ang kwento ng lolo ko noong bata pa ako tungkol sa mga nilalang na hindi ka daw hahayaang makauwi bagkus ay ililigaw ka. Nangyari na daw ito sa kanya sa bukid nang hindi daw siya makauwi at pabalik-balik lang sa dinaanan na nya pero sabi ng lola ko ay nakikita lang daw niya si lolo na naikot sa isang lugar kaya nilapitan niya ito at pinabaliktad ang suot na damit kaya nakauwi sila. Ayaw ko naman tanggalin ang damit ko para baligtarin dahil gabi na at malamig. Ginawa ko nalang ang sinabi ng kalaro ko dati na takot daw sa walis tingting at buhok ang mga multo at aswang. Kaya inilugay ko ang buhok ko at winasiwas para masaktan kung anuman ang naglalaro sa akin na hindi ko makita saka ako nagdasal ng 'Our Father' and 'Hail Mary' habang naglalakad. Kahit naglalakad ako nang nakapikit para makapag-concentrate sa pagdarasal ko ay narating ko ang dulo. Binilisan ko nalang ang lakad ko para makarating na sa bahay. Buti nalang ay gising pa ang nanay ko na naghihintay sa akin bago ma-i-lock ang gate. Habang kumakain ako ng dinner ko ay nakwento ko kay nanay ang nangyari na ikinagalit lang niya. Bakit daw kasi ang hilig kong magpagabi kesa magpaumaga nalang ako sa dorm at kinabukasan nalang ako umuwi. Ang sabi ko naman ay mas gusto ko ng gabihin kesa ibang multo naman ang maramdaman ko sa dorm kasi wala din tao dun pag weekend. Alam kong takot lang ang nanay ko kaya nagalit nalang kesa magpatakot pa.
Isang gabi ulit na pag-uwi ko samin ay may na-encounter ako ulit sa tulay. Dahil matagal na ang last encounter ko sa tulay ay hindi ko na naisip iyon at umuuwi pa din ako kahit gabing-gabi na. Matagal ang biyahe ko noon dahil traffic sa Manila kaya 12am naman ako nakarating sa babaan. Inilagay ko muna ang headset ko at nagpatugtog ng malakas para hindi ako ma-distract ng kung ano. Pagdating ko sa mismong tulay ay nasimulang uminit ang katawan ko at parang nanlaki ang ulo ko. Kahit takot ay nagpatuloy pa din ako sa paglalakad. Habang nasa gitna ako ng tulay ay biglang gumalaw ang tubig sa ilog na tahimik naman ng mag-umpisa akong maglakad. Sobrang bigat ng pakiramdam ko sa katawan ko na parang may nakapasan sa likot ko, nagsimulang nagsitayuan ang mga balahibo ko at parang mabibingi ako kahit malakas ang sounds sa headset ko. Biglang may lumipad sa ulo ko na galing sa ilog papunta sa kabilang side ng ilog, hindi ko pinansin at sunod-sunod na ang hagis. Hindi ko alam kung ano ang mga iyon dahil ayaw kong tumingin sa ilalim ng ilog o tumingala dahil buwan lang ang liwanag. Sa sobrang takot ko ay nakatakbo ako sa amin. Hindi na ako nagkwento sa nanay ko dahil alam kong mapapagalitan lang ako. Naniniwala akong may multo sa tulay dahil na din sa iba pang kwento na nakakakita ng white lady doon.
Nakisama sa party
Hello Spookify, i-share ko lang ang creepy experience ko. May kaibigan kasi ako sa Bulacan, madalas kaming nagkakasiyahan sa bahay nya. Ang bahay (pabahay style) nya po pala ay walang kuryente at tubig pero wala namang problema kapag nag-iinuman dahil may kandila. At Mag-isa lang syang naninirahan sa bahay nya, Jick ang pangalan.
Akala ko kwento-kwento lang na may kasama sya sa bahay. Nakwento nya nga na meron talaga at mas malala pa noong may mataas na puno sa likod bahay. Noong una, hindi sya nito pinatutulog at panay ang ingay sa bubong kaya pinutol nya ito.
FF. Birthday noon ng kaibigan namin na si Jick, at nagpakabit sya ng kuryente sa kapitbahay para sa Videoke at kahit papaano ay ilaw sa loob ng bahay, isang araw po ito. Sa kalaliman ng gabi, nagpasya akong mahiga (sa lapag lang po at karton ang gamit) habang ang iba ay nag-uusap na lamang dahil cut off ng Videoke. Habang nakahiga ako, ay nakaharap ako sa pinto't nagpapaantok. Napansin kong may dumaan na itim, anino. Iniisip ko na baka iihi lang sya kaya pinabayaan ko. Nag-expect ako na lalabas sya at babalik sa inuman, at sa paglabas syempre makikilala ko kung sino. Lumipas ang ilang minuto, walang lumabas. Kaya naman inisip ko na baka nahiga rin sa may kama ng kaibigan ko. Dahil malikot ang aking isipan, inisip ko na baka may kinalikot na mga gamit. Sa Curiosity ko, gugulatin ko sana sya at tatanungin. Pero ako talaga ang nagulat dahil walang tao sa kama. Sa sobrang takot ko, ginising ko ang kasama kong natutulog sa sahig upang tingnan ang likod bahay pero wala syang nakita. Takot na takot ako ng mga oras na yun.
Kinabukasan kinuwento ko ang nangyari, sabi nya sanay na daw talaga sa kanila at hindi naman sila nananakit. Pero simula rin noon, hindi na ako nagpapaiwan mag-isa sa sa tuwing bibisita kami kila Jick.
Thank you.
4th floor
Hi spookify! Gusto ko lang mag-share ng story ko. Dati akong Janitress sa Isang mall sa Ayala, katabi niya noon ang sumabog na mall.
Madalas na akong makarinig na sa CR ng mga boss sa 4th floor ay may batang babae na kung hindi tatawa eh mahilig magpatay ng Ilaw o magsarado ng pinto. Akala ko noon hindi totoo kasi pagdating sa ganyang mga bagay di ako naniniwala. Hanggang sa ako na ang nagtrabaho doon. Umaga hanggang 4pm nasa 2nd floor ako dahil sa CR ako ng mga babaeng customer naka-assign, 4:30pm aakyat na ako sa taas sa 4th floor para maglinis na ng CR ng boss. Nung una okay lang naman, wala naman akong nararamdaman. Tumagal ng 2 linggong dire-diretso ang pag-duty ko dun. Hanggang sa may mga oras na yung cubicle na nililinisan ko kahit tapos ko na i-flush magpa-flush ulit ng sarili. Minsan naman after kong mag-mop may biglang putik na parang galing sa kung saan, Sinundan ko ung yapak ng putik hanggang sa nakapasok ako sa isang pinto. Stock room yun ng mga sabon ng mga Janitress na nagdu-duty ng umaga at iiwan after malinisan. Binuksan ko ang Pinto at wala naman akong nakita, dahil parte ng trabaho ko kailangan kong i-mop yung mga putik, Bago ko matapos ang lahat ng dapat kong gawin, sabay-sabay na nag-flush lahat ng bowl sa cubicle na nalinisan ko na. Nagulat ako at di ko malaman kung ano ang gagawin ko pero pinanatag ko ang sarili ko dahil kailangan kong malinis ang buong CR.
Bago ko iwan ang CR narinig ko ang halakhak ng batang parang nakikipaglaro at pagtingin ko sa pinto ng stockroom sumilip sakin ang bata. Kalahating mukha. Mukhang di masyadong maaninag, batang nakabestida pero punit at madunigs. Sa sobrang takot ko napasigaw ako na nakakuha ng atensyon sa mga boss. Pagkatapos nang pagpapakalma nila sakin kinuwento na nila na may batang gala sa mall simula ng sumabog ang katabing isa pang mall.
Matagal na akong hindi nagwo-work doon at mula ng matapos ang aking contract don ay di na ko bumalik pa.
Nasaan na Si Ma'am
Please hide my identity. Hindi po ako magaling sa pagkukuwento pero nais ko lang ibahagi ang kwento ng aming kabaro, nawa'y sumalangit nawa ang kanyang kaluluwa.
Araw ng Abril taong 2019 ay naging bali-balita ang tungkol sa isang Guro na mula Maynila ay umuwi sa probinsya ng Nueva Ecija sa bayan ng San Jose upang makasama nito ang kanyang pamilya. Ang pagkikita sana ng pamilya magiging masaya sana ngunit naging isang malaking trahedya pala.
Ang guro ay biglang naglahong parang bula. Huli syang nakita na sumakay sa isang tricycle, wala itong body number o plaka man lang at nakita ito sa CCTV ng isang bangko na malapit sa pinagsakyan nito. Araw, linggo, buwan ang lumipas ay di pa rin siya nakikita at walang ideya ang mga kamag-anak maski ang kanyang asawa kung nasaan na ito.
Isang araw ay may nakitang gamit sa isang irrigasyon sa bayan ng San Jose. Agad itong ipinagbigay alam sa pulisya dahil positibo na ito ay gamit ng nawawalang guro dahil sa mga ID na laman ng bag. Kaya naman mas umigting ang paghahanap sa nawawalang guro.
Maraming kuro-kuro ang naririnig tungkol sa suspect sa pagkawala ng guro, ang ilan ay nagsasabi na ito daw ay third party. Ngunit walang matibay na ebidensya patungkol dito
Di kalaunan ay naging maingay ang balita na may nagpakamatay sa isang hotel sa bayan ng San Jose at hinihinalang ito ang lalaking driver ng tricycle na sinakyan ng guro.
Nawawalan na ng pag-asa ang pamilya ng guro dahil sa patay na ang pangunahing suspect sa pagkawala ng guro. Buwan ng Hunyo ng makita ang bangkay ng guro sa Irrigasyon sa bayan ng Muñoz, Nueva Ecija. Ito ay nasa decomposing stage na at sinasabing matagal na itong patay. Nakakalungkot isipin na kami ay nawalan ng isang kabaro. Nawa'y mabigyan siya ng hustisya.
Ito ay kwento ng aking kakilala na nakatira malapit sa irrigasyon kung saan natagpuan ang bagkay ng guro.
Kinagabihan matapos matagpuan ang kanyang bangkay ay may napadaang tricycle driver na taga roon din sa lugar kung saan sya nakita ngunit ilang metro pa bago sya makarating sa kanila ay biglang namatay ang makina ng motor. Ilang beses nya itong sinubukang paandarin ay di pa rin ito umaandar. Nang may makita syang babae sa gilid ng irrigasyon bigla itong nangilabot sa takot dahil kilala nya ang damit na suot nito. Ito yung damit na suot ng guro ng ito ay matagpuan. Sa takot ay pinaandar ulit nya ito ngunit di pa rin ito umaandar hanggang sa nasabi nya na "Sige, sumakay ka na". Pagkabigkas ng tricycle driver ay biglang umandar ito at ramdam nya ang bigat ng sumakay ang guro sa likuran nya. At naramdaman na lang nya ang malamig at malakas na hangin at biglang nawala ang guro na sumakay sa kanya.
Nawa ay mabigyan ito ng hustiya. Hindi kami naniniwala na patay na ang totoong kriminal na gumawa sa kanya ng karumal-dumal na krimen. Sumalangit nawa ang kanyang kaluluwa. Nawa'y tulungan nyo kami ipanalangin siya.
-Maestra
Sundo?
Hello po, ako nga po pala si Red, 26 years old at isang Engineer dito sa Qatar. Tuwing Undas naaalala ko yung isa sa nakakakilabot na pangyayari na nasaksihan ko sa buong buhay ko. Naalala ko yung first time ko pa lang dito sa Qatar. 2016, Nov 1 din noon at isa sa flatmate namin ang nagtirik ng kandila sa gilid ng pintuan nila. Siguro, mga 2 or 3 yata nang madaling araw yon nung magbanyo sa common toilet ang kasama ko sa kuwarto. Kasalukuyan akong nanonood noon ng pelikula nang biglang nagkukumahog pumasok ang kasama ko sa kuwarto. Namumutla si loko. Tapos lumapit siya sa akin at bumulong.
"Boi, g*go, may nakatayong Qatari sa tapat ng pintuan nila Ronnie" (tropa naming pinoy) nagulat ako kasi baka CID yun (pulis).
So, tumayo kaagad ako para silipin kung anong ganap kung bakit may CID sa labas. Pinigilan ako ng kasama ko. Bakit ka 'ko e, sisilip lang naman. Aniya, nakapaa lang daw yung Qatari tapos nakatayo lang sa harap ng pinto nila Ronnie at di nagalaw. Di kumakatok. So? Ano naman? Ayon, sumilip pa rin ako. Ewan. Pero, totoo nga. Nakita ko yung Qatari. Nakapaa at nakatayo lang na parang estatwa. Isip ko sa sarili ko, siraulo yata 'to. Pero hindi ko sinita, Ni-lock ko ang pinto namin at bumalik sa kama. Yung kasama ko nakahiga pa rin at parang nagdarasal. Hindi naman nakapagtataka na ang kahit na sino sa accommodation namin e, nakakapasok. Open 24 hrs kasi lagi yung gate namin. Tinapos ko ang pelikula. Natulog. Tapos kinabukasan, laking gulat ko ng may mga nagkakagulo, yun pala patay na si Ronnie inatake sa puso. Hanggang ngayon palaisipan pa rin sakin kung ano ang kinalaman nung Qatari na nakatayo sa pintuan sa pagkamatay ni Ronnie. Pasensya na kung hindi masyadong nakakatakot ang istorya ko.
-Red