Scary Stories 5

By Sheree_Mi_Amour

42K 1.3K 19

The stories you're about to read are not mine. These are all from the popular Facebook page "Spookify". Enjoy... More

Nueva Ecija - 1997
Ang MedRep
Maynila - 1993
Nueva Ecija - 1989
Tapik
Mindoro - 2006
Pamahiin sa Patay
Cagayan de Oro - 1950
San Mateo, Rizal - 1996
Bicol - 1955
Camping sa Baguio
PUP Scary Stories
Look Up, Up, Up
Serial Killer si Madam
The Horror Stories of Mindanao State University, Marawi City
Ilaw at Sigaw
The Customer
Opisina
R.L.E.
Full Moon
Nagpaparamdam na mga patay
Baguio Experience - 2019
Haligi ng Tahanan
Compiled Stories 1
Dugwak
Immersion (Parts 1-5)
Kulam
Caramoan
Accident call
Batangas (Bundok) (Parts 1-5)
Kapahamakan sa Kabundukan
Manggagamot
Bakanteng Lote
Nang dahil sa sampung piso
No one will know (Parts 3 & 4)
Compiled Stories 2
Station 4
Parola
Mananabtan
Katotohanan (Parts 1 & 2)
Ortigas - 6/29/19
Factory
Engineering Building
Bisita sa Bicol
Haunted Supermarket
Ang Engkanto sa Parking Lot ng Trinoma
Auntie V
Auntie V (Balikan)
Tubuhan (Parts 1 & 2 + Prequel)
Compiled Stories 3
Ingay ng Bulong (Parts 1 & 2)
Education Building
Bakuran
Mountaineer Stories
Hinang-hina ang Gabay namin
Playground of Ghost and Such (Parts 1-3)
Amadeuz Tale : Jenny
Salabay
Bulong
Past 3AM
Yaya
Ligaw
The Unsolved Mystery in my School
Compiled Stories 4
Unfamiliar face of a girl on the stair
Summer Vacation (Parts 1 & 2)
Training Center
The Museum
When Someone's Dying
Third Eye
Compiled Stories 5p
Orphanage
Sapi
Kababata/Baway
Random Stories (Parts 1 & 2)
Kasunduan sa Demonyo
Anita, Babaeng Itim, Paring Pugot at Retreat
Nakita Kita
Compiled Stories 6
Land of the Rising Sun
LAStsING
The Wake & The Game
Di na tayo pwede
Pag oras mo na, oras mo na
Compiled Stories 7
Boundary at Subdivision
Lungsod ng Quezon - 2009
About Doppelgangers
Kaybiang Tunnel Stories
Compiled Stories 8
Who is she? (Parts 1 & 2)
Mackaroo's Journal : My Last Confession
11/21
1994
Compiled Stories 9
Kay-Anlog Road
Ang Batang Tambay sa 14th Floor
Compiled Stories 10
Multo sa Mall?
Hilaga
Dalisay + Faith Healer
Earthquake Drill
Kuya Leo and Ate Lea
Gown
My Lola's Story (Parts 1-3)
Compiled Stories 11
Kulam Adventures (Parts 1-3)
Doppelganger Stories
The Chronicles of Nadia (Parts 1-5)
Compiled Stories 12
Stranger Danger
Dayo
Friday Night at Ang Babae sa Mall
NoSleep Series : Trabaho sa Dark Web (Parts 1-5)
Davao Doctors College (6th Floor Cad Bldg)
Unknown
Dyablo Island
My Lola and I (Parts 1-3)
Enchanted
Auditorium (Parts 1 & 2)
Kulam ba o Mental Illness?
Tubuhan: Triangle
Compiled Stories 13
Pamahiin
Ngiti
Engkanto
Compiled Stories 14
Madre
Me and My Two Best Friends (Parts 1-4)
Lason
Compiled Stories 15
Si Ninong (Parts 1 & 2)
Jose + Sumpa
Spirit of the Coin
Black Witch (Parts 1 & 2)
Compiled Stories 16
Mahiwagang Garden (Parts 1 & 2)
NoSleep One-shot Story : Ang Insidente sa Highway 1093
NoSleep One-shot Story : Parang may mali sa aking Lasik Surgery
The Sign
Compiled Stories 17
Compiled Stories 18
Compiled Stories 19
Kasabay
Ngayon naniniwala na ako
Papatayin kita
Mga kababalaghan
Naririnig kita
Compiled Stories 20
Compiled Stories 21
UV Express, Black and White Feathers at Si Anna
Psychosis (Caloy from Cebu)
Come Again
Compiled Stories 22
New Found Friend
Creepy Classroom
Bicol Dekada Otsenta
Hindi lang kami ang baliw dito, Miss
NoSleep (One-Shot Story) : Ang baog kong asawa ay nakabuo ng bata
Compiled Stories 23
Crematorium, 2012
Experiment
Compiled Stories 24
Mt. Cristobal (The Devil's Mountain)
Doppelganger Stories 1
Compiled Stories 25
Cronica Bruja : Hatid
Ilog sa Mt. Banahaw, Quezon Province
Compiled Stories 26
Compiled Stories 27
Ghost Wedding
Gutom (Parts 1-2)
Compiled Stories 28
Isay comes home (Parts 1-2)
Ricky's Wishing Coin
Stranger Danger (Parts 1-2)
Deliver us from evil
Kainan sa may Palengke
Anino (Parts 1-3)
The Bus Station (Thailand Tour)
Sine
Nawawala ang Nakaburol
Ang Babaeng pinaanak ang sarili (Parts 1-2)
Baboy
Kakila-kilabot na pagsalubong sa Bagong Taon
Till death, we'll never part (Parts 1-4)
Compiled Stories 29
Doppelganger Stories 2
Thou shalt not steal
Kerosene
Compiled Stories 30
Semana Santa
Huling gabi ng Santa Cruzan
Balkonahe (Lilac Story)
Poso
Kaibigan
At lumabas ang Halimaw mula sa Libro
Selos
Bahay-bahayan

No one will know (Parts 1 & 2)

314 11 0
By Sheree_Mi_Amour


PART 1

You can call me Elle, not my real name. Ngayon pa lang sasabihan ko na kayo. Kung hindi kayo maniniwala, hindi ko naman kayo pipilitin. Nirerespeto ko ang bawat pinaniniwalaan nating mga tao. Again, walang pilitan 'to. Lahat ng ikukwento ko ay nangyari na at hanggang sa mapunta tayo sa nangyayari pa rin ngayon. Hindi ko na ilalagay kung anong year or months, hindi kasi ako matandain sa araw, buwan o taon. Warningan ko na kayo, medyo mahaba ito. So guys, bear with me.

Before I continue, I have one question. Gaano katatag ang pananampalataya mo?.

Gabi na at wala ng katao-tao sa kalsada habang naglalakad ako pauwi galing sa kaibigan ko. Normal naman ang mga ilang oras na nag-iisa akong bumibiyahe, pero habang naglalakad ako ay hindi ko aakalaing may mangyayaring hindi normal. Sanay na ako sa mga nararamdaman o pangmamalikmata ko. Pero hindi ko naisip na makakasaksi ako ng ganito. Napahinto ako sa paglalakad at mabilis na nagtago sa nakaparadang kotse. Mula sa pwesto ko ay pinanood ko ang dalawang taong nag-uusap. Isang babae at isang lalaki. Ang lalaki ay kalmadong nakikinig sa babae, pero itong babae ay halos lumuwa na ang mata dahil sa galit. Sobra ang pagpipigil ko sa sarili ko na makagawa ng kahit konting ingay, natatakot ako ng mga oras na 'yon na malaman nilang may nakikinig sa kanila.

"Nasisiraan ka ba ng ulo? Sinabi ko sa'yo na huwag na huwag mo siyang lalapitan! Pero anong ginagawa mo? Ha?"

"Hindi ko siya nilalapitan. Nasa malayo lang ako at hindi niya alam na sinusundan ko siya." Wala akong mabasang emosyon sa lalaking 'yon. Hindi ko rin alam kung sino sila at kung sino ang pinag-uusapan nila.

Kitang-kita ko ang inis sa mukha nung babae, muntik pa akong mapasigaw nang mabilis niyang hinawakan sa leeg ang lalaki. "Hindi mo nilalapitan pero sinusundan mo. Alam mo ba ang ginagawa mo? Pwede tayong mapahamak dahil sa ginagawa mo!"

Nang mga oras na yon, gusto ko ng tumakbo pauwi dahil mukhang nagkakainitan na silang dalawa. Huminga ako ng malalim at kinalma ko ang aking sarili. Nagpanggap akong hindi ko sila narinig at dadaan pa lang. Nahinto silang dalawa ng medyo malapit na ako sa kanila. Iniwas ko kaagad ang tingin ko at nagkunwaring kinalkal ang cellphone ko. Ramdam ko ang titig nila sa akin, hindi ko na sila muli pang nilingon at nagtuloy-tuloy lang ako sa paglalakad. Pero bago pa ako tuluyang makalayo sa kanila ay mabilis akong hinarang ng lalaki. Sobrang kaba ang naramdaman ko, hindi ko alam kung paano ko ipapakitang hindi ako kinakabahan. Matagal niya akong tinitigan, nasa tabi na rin niya yung babaeng kasama niya. Muli ko pang iniwas ang tingin ko at akmang aalis na nang hawakan ako nito sa braso ko. Agad ko naman binawi ang pagkakahawak niya dahil sa lamig na naramdaman ko.

"Ano ba? Ano bang trip nyo?"

"Alam kong narinig mo kami kanina." sabi nung babae, hindi katulad kanina ay ngayon kalma na siya. Maputi at mahaba ang buhok niya, maganda rin siya sa malapitan at medyo matangkad lang sa akin.

Unti-unting nawala ang kaba ko. In-off ko ang phone ko at inilagay yon sa bulsa. "Narinig ko kayo pero hindi ko naman alam kung sino kayo at kung ano ba yung pinag-uusapan nyo. So, kung wala kayong balak umuwi sa mga bahay nyo, magpauwi kayo!" Naging mabilis ang pagbabago ng mukha ng babae, mukhang nagalit siya dahil sa sinabi ko. Nagulat ako nang ambaan niya ako at mabilis siyang pinigil ng kasama niyang lalaki, ako naman ay agad umatras dahil sa takot.

"Kumalma ka."

"Hindi ko kayo kilala at wala akong pakialam sa inyo. Tsaka pwede bang pauwiin nyo na ako? Isisikreto ko lahat ng nakita at narinig ko. Kaya please lang, hayaan nyo akong makauwi."

Isang tango lang ang natanggap ko sa lalaki, kaya dali-dali naman akong umalis at mabilis na naglakad. Simula ng gabing iyon ay tuluyan nang nagbago ang buhay ko. Hindi na naging normal kumpara sa buhay ko noon, na kahit may mga kababalaghang pangyayari ang nararanasan ko ay normal pa rin ang buhay. Pero lahat nag-iba dahil sa dalawang nilalang na iyon.

Christmas party sa school at bukod pa ang christmas party ng department namin na ginanap sa parte ng Laguna. 5pm nang makarating kami sa resort, yung iba kong classmate ay nagpi-picture na at tumitingin-tingin sa mga tanawin. Ako naman ay umupo muna sa isang cottage at pinanood ko na lang sila. Medyo inaantok pa kasi ako dahil sa biyahe. Mag-aalas sais nang tawagin na ako ni Clair (classmate ko). "Elle, tapos ko na yung adobo. Isunod mo na lang yung mga piprituhin." Tumango lang ako at nagpunta na sa cr para magbihis, pagtapos non ay agad na akong nagpunta sa lutuan para prituhin na yung manok at isda.

7pm nang likumin kami ng prof namin para sa mga palarong ginawa. Pagtapos non ay kanya-kanya na kaming sandok ng pagkain. (Fast forward) Lahat kami ay nakaupo sa buhanginan, sa harap namin ay ang apoy na ginawa ng mga classmate kong lalaki. Nagsimula na ang inuman at kwentuhan, sa tingin ko ay ang grupo na lang namin non ang nasa labas. Meron rin naman na naglilibot na mga taga bantay, pero paminsan-minsan lang. Lahat kami ay nagulat nang marinig namin ang sigaw ng isa naming kaklase habang papalapit sa amin.

"Ma'am! Ma'am! Si Roxanne po! Si Roxanne hinimatay sa cr!" Sumunod kaming lahat sa classmate ko, ito namang close friend ko na si Erin ay pinipigil ako.

"Elle, wag na tayong sumama. Hintayin na lang natin sila dito."

"Pero kawawa naman si Roxanne, tara na Erin." Labag man sa loob niya ay sumama na rin siya sa akin. Pagdating namin sa cr ay ginising pa saglit ng prof namin si Roxanne, agad naman niya itong pinabuhat sa ilan naming mga kaklaseng lalaki. Dinala agad namin ito sa kwarto naming mga girls. Si Erin sa tabi ko ay tahimik lang at kanina pang nakakapit sa akin. Hanggang ngayon ay wala pa rin malay si Roxanne, lumapit ako sa kanya at pinakiramdaman ang palapulsuhan niya. Normal naman ang pulso niya pero namumutla siya. Maya-maya lang biglang kumalabog ng malakas ang pinto, agad yon binuksan ni Ron (classmate ko) pero hindi niya daw ito mabuksan. Ang iba kong classmate ay nagtipon sa isang sulok dahil sa takot. Si Erin ay nasa tabi ko pa rin at hindi inaalis ang kapit sa akin.

"Anong nangyayari? Umuwi na tayo!" Iyak na sigaw ng isa kong kaklase. Ang prof namin ay pinakalma ang lahat, nataranta naman ako ng mangisay-ngisay si Roxanne at tumirik ang mga mata. "Roxanne! Roxanne!" pinigil ko siya at pilit ginigising. "Sabi ko na nga ba eh." Dinig kong bulong ni Erin sa tabi ko, "Ano? Anong sabi mo?" Tanong ko sa kanya. Hindi na niya ako nasagot nang biglang kumalabog na naman ang pinto pabukas, malakas na hangin ang pumasok sa loob ng kwarto. Maging sa labas ay humahangin rin at gumagalaw ang mga dahon sa puno. Nanlaki ang mata ko ng makita ko si Roxanne sa labas, nakangiti ito sa akin. Muli kong nilingon ang Roxanne na nakahiga tumigil na ito sa pangingisay pero nanatiling walang malay at namumutla.

"Roxanne!" Tawag ko doon sa labas. Lahat ng kaklase ko ay tumingin sa labas. "Ito, ito yung nakita kong mangyayari." bulong sa akin ni Erin. Bumitaw ako sa kanya at naglakad palabas. Dinig ko ang pagtawag ng mga kasama ko sa akin, pero nagtuloy-tuloy pa rin ako. Hindi ko alam kung ano ang nangyayari, pero isa lang ang sigurado ko hindi ito normal at delikado ang buhay ni Roxanne ngayon. Nang makalabas ako ng kwarto ay biglang nawala yung Roxanne na nasa labas, lumingon-lingon ako at hindi ko na siya makita. Dinig ko pa rin ang iyakan ng mga kasama kong babae. Ang prof ko naman ay hindi na rin nakatiis at hinila na ako pabalik ng kwarto. Nanatiling walang malay si Roxanne, tumingin ako kay Erin at nakita kong nakatitig lang din siya sa kaklase namin.

"Pulang tela. Sino ang may pulang tela?" tanong ko sa kanila. Agad binigay sa akin ni Ron ang pulang mantel na ginamit namin kanina. Kinuha ko iyon at ibinalot ko kaagad kay Roxanne. Buong katawan niya ay binalot ko at hinawakan ko ang suot kong rosaryo. Hinayaan ko lang ang ingay na nanggagaling sa mga kaklase ko, ipinikit ko ang mata ko at taimtim na nagdasal. Abot langit ang dasal ko na sana iligtas Niya si Roxanne, alam kong ang Panginoon lang ang mas makapangyarihan. Alam ko ng mga oras na yon na kaya niyang iligtas si Roxanne. Maya-maya lang ay napamulat ako nang umubo siya, inalis ko kaagad ang tela at nagulat ako ng makitang basang-basa ang mukha niya pati ang ulo. Akmang tatayo siya kaya tinulungan namin siya ni Erin, nang makaupo ay halos dinig namin lahat ang malalalim at mabilis niyang paghinga.

"Nagugutom ako."

Nasa biyahe na kami nito pauwi, pagtapos sa nangyari kay Roxanne ay hindi na namin iyon pinag-usapan. Pero hindi ko pa rin maiwasan mapaisip kung bakit basang-basa siya paggising niya. Nang makarating kami sa mall ay bumaba na kami ni Erin, nagpaalam muna kami sa prof namin pati na rin sa mga kaklase namin. Kumain kami ni Erin sa isang fast food chain, mabait naman itong kaibigan ko tahimik at mahinhin. Pero bukod doon ay may tinatagong alam nyo na, sikreto.

"Sa tingin mo? Ano kaya ang nangyari kay Roxanne?" Tanong niya sa akin, napakibit na lang ako at sinabi kong, "Hindi ko alam. Napapaisip rin ako kung bakit paggising niya basang-basa ang ulo niya."

Naging mabilis ang paglipas non ng araw, naging iba na rin ang kilos ni Roxanne. Hindi na siya katulad noon na maingay at sobrang friendly. Ngayon ay palagi na lang siyang tahimik at hindi na sumasama sa dati niyang grupo.

Alas tres ng hapon nang magpaalam ako kay Erin na pupunta ako sa mall para bumili ng cattleya sa National Bookstore. Gusto pa niya na samahan ako pero sinabi kong saglit lang ako dahil may klase rin kami ng alas kwatro. Nasa gilid ako ng highway at naghihintay ng jeep na masasakyan, hindi sinasadyang napatingin ako sa kabilang kalsada. Nanlaki ang mata ko at kinabahan nang makita ko yung babae at lalaking nakita ko noong gabing pauwi ako. Alam ko sa akin sila nakatingin dahil ako lang naman ang tao doon sa pwesto ko. Hindi na ako mapakali dahil punuan ang mga jeep na dumadaan, mas lalo akong kinabahan nang makita kong tumatawid na sila at papunta sila sa akin.

"Elle." Bungad sa akin nung babae. Pinagmasdan ko lang silang dalawa at mabilis ko silang tinalikuran at naglakad na paalis. Ramdam kong sinusundan nila ako pero hindi nila ako pinipigilan. Kaya nagdire-diretso lang ako sa paglalakad. "Elle ano ba? Kahit saan ka magpunta ay makikita ka pa rin namin. Stop avoiding us!" Huminto ako at pabalang ko silang hinarap, "Sino ba kayo? Tsaka bakit nyo ako kilala? Ano bang kailangan ninyo sa akin? Eh hindi ko naman pinagsasabi ang nalalaman ko!" Agad akong hinawakan sa kamay nung babae at hinila ako sa isang gilid. "Magpasalamat ka pa nga at kilala ka namin!" Hindi ko alam kung tatawanan ko ba sila o lalayasan, "Pasalamat? Nagpapatawa ba kayo? Sinong magpapasalamat kapag may sunod ng sunod sayo na hindi mo naman kilala?"

"Ako si Sara, siya si Ian. Ngayong kilala mo na kami, may gusto ka pa bang malaman?"

"Alam nyo, tantanan ninyo ako! Kung wala kayong mapagtripan wag ako!"

"Hindi ka namin pinagtitripan, okay? Magpasalamat ka dahil binabantayan ka namin! Kung tutuusin ay bawal itong ginagawa namin, pero mas pinili naming lapitan ka para lang maging ligtas ka!" Pabulong niyang sabi, pero ramdam ko ang inis niya sa akin. Nagtaka naman ako sa sinabi niya, hindi ko maintindihan kung anong ibig sabihin non. Hindi na ako kumibo at tinalikuran ko na sila, pinara ko na ang tricycle na dumaan at sinabi kong ihatid ako sa mall. Nasa National Bookstore ako pero ramdam kong may nakatingin sa akin na para bang pinapanood ang bawat galaw ko. Pasimple kong hinanap ang nararamdaman kong 'yon pero wala naman akong nakita na kakaiba.

(Fast forward) Tanghaling tapat nang biglang dumating sa bahay si Erin. Nagulat pa ako dahil hindi naman siya non nagsabi na darating pala siya. "Fiesta kasi sa province ng mama ko tradition na talaga ng family side ni mama na nagsasama-sama sila kapag fiesta doon, gusto mo bang sumama?" Nanonood kami no'n ng Second Chance tapos ako mangiyak-ngiyak na dahil kila Basha. "Kailan ba?" tanong ko. "Sa isang araw na. Huwag kang mag-alala kasama mo naman ako. Tsaka doon naman lumaki si mama." Hindi ko pa alam kung papayag ba ako o hindi, kasi never pa ako nakarating sa mga province at takot talaga ako base sa mga kwento ng iba kong kaibigan pati na rin ng nanay ko. Kahit nga sa sariling probinsya ng mga magulang ko ay hindi ko pa narating. Dito na kasi ako lumaki sa Manila, pero nakakaintindi ako ng bisaya words gawa ng lolo ko. So ito na nga, no choice at ang ending ay pumayag rin naman ako. Dumating ang araw na aalis na kami nila Erin papuntang province nila, at first ayaw pa akong payagan ni mama lalo na si lolo. Kasi daw uso nga daw sa mga probinsya ang "aswang" at baka daw hindi ko alam eh inaaswang na ako. Sabi ko na lang sa kanila huwag mag-alala at kasama ko si Erin, kilala ko ang kaibigan ko na yon. Never niya akong hinayaan na mapahamak.

(Fast forward) Nakarating na kami sa province nila, pakiramdam ko ay sobra akong na-relax ng makita kong ang tapat ng bahay ng lola niya ay dagat. Ang linaw pa ng tubig at sobrang maaliwalas talaga. Tas nalaman ko kay Erin na may mga katabing resort talaga doon. 8pm ay patuloy pa rin nagkakasayahan ang mga tao, kaming dalawa ni Erin ay kumain kami sa kwarto ng lola niya. Busy-busy talaga ang mga kamag-anak niya dahil nga marami pa ring bisita. Maya-maya lang nagkayayaan ang ibang pinsan ni Erin, syempre itong friend ko naman hindi pwedeng hindi sasama kaya sumama na rin ako. Ang driver ng kotse ay si Jake pinsan niya, sa tabi ni Jake ay si Troy. Sa likod ay ako, Erin, Patrice at si Mama V na pinsan din nila na beki. So ito na, biyahe-biyahe na with music pa. Nakarating kami sa tiangge ba yon, basta hindi pa rin naman kalayuan sa lugar nila Erin. Bumaba kami at namili kami doon dahil ang dami talagang pwedeng ipasalubong. Busy kami sa pamimili nang biglang nagulat ako at halos himatayin ako nang may humblot sa akin na matandang babae. Maayos naman ang itsura niya pero natakot ako sa higpit ng hawak niya sa akin. "Elle!!!" Hinihila rin ako ni Erin non kaya nagsipaglapitan na rin ang mga pinsan niya. "Lola ano ba! Bitiwan ninyo ang kaibigan ko." Ako naman ay hindi na ako makapagsalita dahil sa takot. Bigla namang nagsalita ang matanda, "Mag-iingat ka, hindi ka dapat nagpupunta sa mga ganitong lugar! Mas mabuting umuwi ka na!" Pagtapos non ay binitawan niya ako at naglakad palayo na parang walang nangyari. Tinanong nila ako kung ayos lang ako, tumango na lang ako. Pero si Erin ay nanatili pa rin na nakatingin doon sa matandang umalis. Umiling-iling pa siya non tapos nag-aya na siyang umuwi.

Hanggang dito na lang muna, masyado na talagang mahaba. Isusunod ko yung nagpunta kami ni Erin pati ng mga pinsan niya sa birthday ng kaibigan ng pinsan niya. Pasensya na kung sobrang haba, summary na po yan. Kung hindi ko naman ipapaliwanag yung ibang details baka hindi ninyo maiintindihan. Salamat po.

PART 2

Nagising lang ako bandang 10pm, tapos nakita kong na-post na pala ang story ko. So after ko ma-send 'to matutulog na ulit ako. Nakakatuwang pinipilit niyo talagang hulaan kung sino si nyo, sino si Sara at Ian. Kung anong nangyari kay Roxanne, darating tayo dyan. Meron pa kayong dapat na makilala ng very light syempre dito ko na ipapakilala. Pero bago yan, nagbasa ako ng mga comment. May nabasa akong comment na ano daw connect ng title sa story. Hindi ko rin alam, pero feeling ko lang talaga na swak yung title sa kwento ko. Meron din naman na pang-wattpad daw, guys una pa lang sinabihan ko na kayo diba? Kung hindi kayo maniniwala, okay rerespetuhin ko kayo. Pero sana respetuhin nyo rin ako and wala akong account sa wattpad. Meron naman sabi sana hanggang part 2 lang daw. Kung hanggang part 2 lang baka hindi ko na kayanin mag-type. Syempre kailangan ko rin putulin, bago ko simulan itong kwento iniisip ko talaga muna kung paano ko maide-deliver ng maayos. Kasi minsan nahihirapan talaga ako kung paano ipaliwanag. Kaso may iba sa inyo na hindi daw naiintindihan. Oh diba, paano kung hindi ko masyado ito dinetalye eh di mas lalong hindi nyo ako na-gets. Okay sige, sisikapin kong bawasan ang masyadong pagpapaliwanag. Hindi ko naman akalain na dapat pala hindi ganon. At isa pa, hindi ito copy-paste. Grabe kayo, ang sakit kaya mag-type tapos biglang copy-paste? Itutuloy pa ba natin ito? Hahahahaha. Kayanin nyo kaya?.

Birthday ni JC at ang pagbalik ko sa Manila.

Pang-apat na araw na namin nito nag-stay sa province nila Erin, hapon nang magpaalam kami sa mga kamag-anak nila dahil isasama kami ni Troy sa bahay ng kaibigan niya dahil birthday nga daw nito. Nauna nang lumabas sila Troy naiwan pa kami sa loob ng bahay ni Erin dahil nag-aayos pa siya. Maya-maya lang nilapitan ako ng lola ni Erin. Mabait ang lola niya maalaga at sa isang linggo na nandoon ako hindi ko naramdaman na bisita lang ako. Para bang tinuring nila talaga ako na pamilya din nila. So yon balik tayo, may inabot siya sa aking isang pulang kwintas. Hindi siya yung kwintas na mamahalin, para siyang gawa sa isang taling pula pero walang kahit na anong palawit. "Isuot mo yan, ipasok mo sa loob ng damit mo at huwag mong huhubarin." Tinanggap ko yung binigay niya sa akin, "Sige na isuot mo na, apo." Sinuot ko naman yon at ipinasok ko agad sa loob ng damit ko. "Para saan po ito, lola?" "Basta. Ingat kayo sa biyahe ninyo, huwag kang mag-alala kasama mo si Erin lalo na mga pinsan niya." Tumango na lang ako at nagpasalamat, lumabas na kami at umalis na."Pangontra yan at hindi ka niyan pababayaan, noong bago pa lang din ako na nakarating dito binigyan din ako ni lola ng ganyan. Hanggang ngayon ay suot ko at hindi ko talaga hinuhubad. Halos lahat kaming magpipinsan binigyan ni lola, at sabi niya noon simbolo rin yan ng pagmamahal niya sa aming mga apo niya." Nong sinabi yon sa akin ni Erin, naisip ko talaga na tinuring na talaga akong pamilya o apo ng lola niya. (Namiss ko tuloy sila) Medyo naging mahaba ang biyahe namin, halos dumidilim na rin dahil nga gabi na at medyo may kalayuan pala yung bahay ng kaibigan ni Troy.

(Fast forward) Pagkarating namin sa bahay ng kaibigan ni Troy, marami na ang bisita. Masasabi ko talagang may ibubuga ang kaibigan niya, I mean may kaya talaga sa buhay. Malaki ang bahay at may ilang mga sasakyan, napansin kong catering pala ibig sabihin hindi ang pamilya ng may kaarawan ang nagluto ng mga handa. Isa-isa kaming pinakilala ni Troy doon sa kaibigan niya, let's call him JC matangkad siya maputi at talaga namang good looking. Teammate ni Troy si JC sa basketball, kaya hindi na rin ako nagtaka dahil sa tangkad talaga nito. "Kumuha na lang kayo ng food ha, balikan ko kayo mamaya." Nagpaalam siya sa amin tapos pumunta siya sa ibang grupo. Umupo na muna kami sa isang round table, pinagigitnaan ako ni Erin at ni Mama V. Si Mama V ay panay ang lingon, si Erin naman ay diretso lang nakatingin sa mga nagse-serve. "Kami na ang kukuha ng food nyo." sabi ni Patrice. So ending ay naiwan kaming tatlo ni Erin at Mama V. "Smell something fishy." bulong sa akin ni Mama V, "Wala ka bang nararamdaman?" tanong pa niya sa akin, "Konti lang. Pero baka nagkakamali lang ako." Medyo weird din kasi ang ambiance, lalo na yung mga lalaking nagse-serve ng drinks at yung mga nakatayong server malapit sa mga food.

Inilapag na nila Troy sa lamesa ang mga pagkaing kinuha nila. "Lamon na, minsan lang ito." Mukha namang masarap ang pagkain, lalo na yung beef steak na aaminin ko namang natakam rin ako dahil paborito ko talaga yon. Sabay-sabay kaming nagsimulang kumain, nung isusubo ko na ang pagkain ko bigla akong naduwal. Pakiramdam ko babaliktad ang sikmura ko. Nailayo ko pa kaagad yung plato ko, tapos si Patrice inabutan ako ng tubig tinanggihan ko yon at kinuha ko sa bag ko yung bottle ko na may laman na tubig. (Ito tip ko sa inyong lahat. Kahit saan kayo magpunta make sure na may sarili kayong dalang tubig) Tinitigan ko yung pagkain, para kasing may naamoy ako na hindi maganda. "See? Meron talagang mali dito." Si Mama V. "Please Vince, let's enjoy the night. Set aside muna natin mga ganitong crafts." Si Troy na talagang seryosong kakain na pero tinapik ni Erin ang kamay niya, kaya nabitawan niya yung kutsara niya non. "What the? Erin, ano ba? Gusto mo bang mapahamak tayo kapag nakahalata sila?" Tanong niya kay Erin, "Ikaw? Gusto mo bang magising na lang at makita mo ang sarili mong binabalatan ka na nila ng buhay?" Hindi ko alam pero ng mga oras na yon ay halatang nagkakainitan na si Troy at Erin. Si Mama V ay isa-isa niyang hinahalo halo ang mga pagkain namin, maya-maya naglabas siya ng kalamansi at pasimpleng hiniwa yon gamit ang dala niyang cutter. Piniga niya yon sa ulam kong beef steak. Hindi nagtagal biglang nagbago yung itsura ng ulam, hindi ako sigurado kung anong parte yon pero parang may buhok, tapos may buo-buong itim at puti na mukhang matigas. Halos masuka kami dahil sa nakita namin, iniwas ko ang tingin ko at nakita kong papalapit sa amin si JC. "Guys, si JC." Warning ko sa kanila. Inurong ni Erin ang plato ko banda sa kanya na natatakpan ng anino niya. "Kamusta? Kumain pa kayo, marami pang food. Oh Elle, bakit hindi ka kumakain?" Palihim akong siniko ni Erin at nag-isip agad ako ng isasagot ko, "I...I'm full. Kakatapos ko lang kumain."

Lahat kami ay nagulat nang makarinig kami ng tilian ng mga babae. "Bro, si Raf nagwawala!" Agad umalis si JC na sinundan naman namin. Habang papunta kami sa pwesto nung mga nagtitilian ay naramdaman kong parang sumisikip yung suot kong kwintas. Kaya medyo hinigit ko yon para hindi ako masakal, nakita namin ang pagwawala nung Raf, may isang guard na lumapit sa kanya at inawat siya pero tinulak lang niya yon kaya natumba. Kinuha ni Raf ang isang upuan na gawa sa bakal at akmang ihahagis iyon sa gawi namin. Hindi ko alam kung paano akong iilag doon, halo-halo na rin pakiramdam ang naramdaman ko. "Mama V, wag mong iwan si Elle." bilin ni Erin bago umalis at lumakad palapit kay Raf. Pinigilan ko siya pero hindi niya ako pinakinggan non, parang gusto ko na talagang bumalik sa Manila kasi takot na takot na talaga ako. Sinabihan naman ako ni Patrice na huwag akong mag-alala dahil kaya ni Erin yon. Hinagis ni Raf ang upuan, napapikit pa ako dahil akala ko matatamaan si Erin pero pagmulat ko ay tumama ang upuan sa pader. Nakita ko ang pagtakbo ni Erin palapit kay Raf, nang makalapit siya ay mabilis niyang tinap ang balikat nito na hindi ko alam kung para saan yon. Then parang may binubulong non si Erin hindi ko lang siya marinig. Sumunod ay si Jake na may hawak ng pulang tela na hindi ko alam kung saan niya kinuha. Ibinalot niya yon sa ulo ni Raf. Hindi ko alam pero sobrang mabilis ang nangyari. Hinawakan ako ni Mama V at Patrice hanggang sa naramdam kong kami lang ang nandon, nawala ang ingay ng mga babaeng nagtitilian. Si Troy ay lumapit na kila Jake at tinulungan niya ito dahil nagpupumiglas si Raf. Hanggang sa parang nakakarinig ako ng ingay. Alam kong hindi yon galing sa lugar na yon, ingay na parang galing sa malayo. May sumisigaw at may parang malakas na hangin. Pagbitaw nila sa akin ay muling sumikip ang suot kong kwintas. Humawak ako sa rosaryo na lagi ko ring suot at nagsimulang magdasal. Napatigil ako ng bumagsak si Raf, nilapitan namin sila at inalis ni Jake ang tela. "Tignan nyo kung buhay pa!" Utos ni Patrice, "Wag kang oa, Pat." sabi ni Troy. "May nangursunada sa kanya, pakiramdam ko sinusubukan tayo. Kailangan na nating makauwi ngayon." Biglang umingay sa paligid namin, nilapitan rin kami ni JC. Hindi ko alam kung saan dinala nila Pat at Mama V ang mga tao kanina. Pero alam kong may kinalaman sila doon lalo na yung bigla nila akong hinawakan. "Hinimatay siya, pre. Mabuting ipasok na muna siya sa loob ng bahay." Sabi ni Troy sa kaibigan niya, sinunod naman kaagad ni JC ang sinabi ni Troy. Hindi na ako nagtaka nang biglang wala na yung nagke-catering. Hindi na kami nagpaalam kay JC at umalis na kami. Habang nasa biyahe kami ay sige lang sa sermon si Mama V. "Diba sabi ko sayo Troy. Masyado ka kasing mapilit! Sigurado akong masusundan tayo!" Hindi na kumibo si Troy non na halatang naiinis na. Napatili kami ng biglang prumeno si Jake, "Jake ano ba! Magdahan-dahan ka naman!" Si Patrice. "Tangina, may dumaan bigla eh! Malay ko ba!" Pinaandar na ulit ni Jake ang sasakyan, pero hindi pa non nakakatagal bigla akong kinabahan. "Parang may naririnig ako." Pagkasabi ko non nagulat kami sa sigaw ni Mama V, "Oh my gosh! Jake! Bilisan mong mag-drive!" nataranta ako ng makita ko ang dalawang tila malaking ibon. "Nasundan tayo! Sinasabi ko na eh, tayo ang pupuntiryahin dito! Siguradong nahalata tayo kanina!" si Troy. "Pwede ba wag na kayong magsisihan? Anong gusto mo? Balatan ka ng buhay?" si Erin na agad tumahimik at bumulong-bulong. Hindi ko maintindihan kung anong binubulong niya. Basta wala akong oras para pakinggan siya dahil sa kaba na nararamdaman ko. "Ihinto mo, Jake!" Utos ni Erin na agad namang kinontra ni Troy. "Anong ihinto? Anong laban natin sa mga yan?" Para na kaming mga tanga non dahil bukod sa ang bilis ng pagpapatakbo ni Jake ay nagsisigawan pa ang mga kasama ko. "Bakit? Natatakot ka? Jake, ihinto mo na. Hindi tayo titigilan kung wala tayong gagawin! Hindi rin nila tayo pwedeng masundan hanggang kila lola." Agad sumunod si Jake at itinabi ang sasakyan, lumabas si Erin na sinundan agad ni Troy at Jake. Maya-maya lumabas na rin kami nila Patrice. Dalawang malalaking ibon ang lumilipad paikot sa amin, first time kong maka-encounter ng ganito. Hindi ko alam kung anong maitutulong ko sa kanila ng mga oras na yon. Sa isip ko na lang ay dasal ako ng dasal. Napahawak ako kay Mama V nang makitang pasugod sa amin ang isang ibon, naging mabilis si Erin na agad niyang hinampas ang hawak niyang lubid na nakita kong kinuha niya galing sa bag niya. Si Jake at Troy naman ay may hawak na malaking bato. Sa isip ko pa non, anong magagawa ng bato. Si Mama V hindi ko alam kung natatakot ba o nagpapatawa dahil chini-cheer niya talaga si Erin sabi pa niya "Sige uluhan mo, cous! Uluhan mo!" Nabatukan pa siya ni Patrice tapos itong si Troy biglang hagis ng bato doon sa isang ibon na malaki pero hindi niya natamaan, sinundan agad ni Jake sa paghagis. Nakailang bato pa sila non nang biglang umalis ang dalawang ibon. "Sa dami ng pwede niyong gawin, bato talaga ang naisip nyo?" Si Patrice na natatawa pa. "Kesa naman sa inyo walang ginawa." Sagot ni Troy. Minsan napagkakamalan kong beki si Troy dahil masyado talaga siyang mapagpatol. Umalis na kaagad kami sa lugar na yon at mabilis na ang pagmamaneho ni Jake para makauwi na kami. Nagdarasal pa rin ako non at nagpapasalamat na walang nangyari sa amin at hindi kami pinabayaan ni God.

Kinaumagahan ay kinuwento ni Mama V sa mga kamag-anak nila ang nangyari sa amin. Mabuti na lang daw at walang nangyari sa amin. Anyway, laking probinsya na ang mga pinsan ni Erin. Si Erin lang ang laking Manila pero taon-taon talaga sila nagpupunta sa province nila. Okay balik ulit tayo. Tumunog ang phone ko non habang nasa kalagitnaan kami ng kwentuhan, nag-excuse ako sa kanila. Si mama yung tumawag sa akin at sinabing may naghahanap daw sa akin na isang babae at lalaki, putol-putol pa ang signal. Nang marinig ko yon ay alam ko na agad kung sino, napaisip ako. Dahil akala ko ba kahit saan ako magpunta masusundan nila ako? Natawa pa ako sa sarili ko ng maisip ko na baka wala silang pamasahe papunta sa province. And at the same time kinabahan kasi pati bahay ko alam na nila, para silang mga stalker.

Ilang araw na ang nakalipas nang makauwi kami ni Erin galing province. Hanggang ngayon ay suot ko pa ang binigay na kwintas sa akin ng lola niya. Nung pauwi kami, ibinabalik ko sa lola niya yung kwintas. Baka kasi sa lola niya yon tapos pinahiram lang sa akin. Then sabi sa akin ni Erin na hindi na nga daw pwede ibalik kung ano ang ibinigay sayo na tinanggap mo naman ng walang pag-aalinlangan. Nung una nga natakot pa ako kasi baka mamaya may kapalit pala ito, nag-voice out naman ako kay Erin pero natawa lang siya tapos sabi niya, "Fries ang kapalit niyan at sa akin mo daw ibibigay sabi ni lola."

(Fast forward) Nagising ako ng hatinggabi sa kalagitnaan ng sobrang himbing kong tulog. Nagising ako dahil parang nakakarinig ako ng sitsit. Hindi sunod-sunod na sitsit, parang mabagal lang tapos ayan na naman. Tumayo ako at nagulat ako ng sumikip ang suot kong kwintas at muling lumuwag. Hindi ko alam kung anong gagawin ko kasi mag-isa lang ako sa kwarto. Dahan-dahan akong naglakad papunta sa bintana. Hinawi ko lang ng konti yung kurtina ko tapos sumilip sa labas. Nakita kong may lalaki at babaeng nakatayo sa labas ng gate namin. Hindi ko maaninagan ang itsura nila kasi nakatalikod sila. Medyo kinabahan ako kasi feeling ko si Sara at Ian yon. Nawala tuloy ang antok ko kaya padabog kong binitawan ang kurtina. Babalik na sana ako sa kama nang sumitsit na naman sila. Sinilip ko ulit sila at nakita kong nadagdagan sila ng isang babae. Hindi ko kita ang mukha nung babae pero feeling ko ay kilala ko siya dahil pamilyar ang katawan niya. Nagdesisyon akong lumabas at lapitan sila, pero bago ko sila malapitan biglang lumakas ang hangin tapos naubo ako as in parang lalabas ang baga ko kakaubo. Yung kwintas ko kasi humigpit hindi normal na higpit, hindi katulad nung una. "Ano bang ginagawa nyo dito? Gabing-gabi na!" Nagulat pa ako ng malapitan ko yung isa nilang kasama. "Erin? Bakit nandito ka? Bakit mo sila kasama?" Hindi nila ako sinasagot na tatlo, parang nakikipag-usap lang ako sa hangin. "Ano? Bakit nandito kayo? Magkakakilala ba kayong tatlo?" Hindi pa rin nila ako sinagot at napalingon ako nang tawagin ako ni lolo. "Elle, bakit ka nasa labas? Sinong kausap mo?" Pakiramdam ko talaga umakyat lahat ng dugo ko, kaba at takot ang naramdaman ko nang makita kong wala na yung tatlo kong kausap. Nilapitan ako ni lolo at sinabi na ano ba daw nangyayari sa akin. Umiling na lang ako tapos siya na nagsarado ng gate namin. Hindi ko makakalimutang nakipag-usap ako sa hindi ko kilala o hindi ko alam kung sila ba talaga yung kausap ko. Kagaya ng lagi kong ginagawa napahawak ako sa rosaryo na lagi kong suot. Nang ikwento ko yon kay Erin ay nalaman kong hindi naman daw siya nagpunta sa bahay at sa ganon oras pa daw talaga. Mas pipiliin daw niyang matulog kesa puntahan daw ako at pagtripan ng ganon. Pero sinabi niya sa akin na sigurado siyang hindi siya yon. Sinabihan niya rin akong lagi ako mag-iingat at wag ako basta-basta lalabas ng bahay. Alam ko at alam niyang may kakaiba nung gabing yon na akala ko sila talaga yung kinausap ko. Isang bagay rin ang sinigurado niya sa akin, bad daw yung mga yon.

Continue Reading

You'll Also Like

33.6K 1K 56
Mahiwaga ang oras na Alas Tres. Sa oras ding ito, madalas naglalakbay ang kamatayan.
963K 31.3K 34
(Now a published book under LIB) Tatlong kwento na sisikaping pabaligtarin ang iyong sikmura! Story 1: AUCTION Hindi mo na ba ginagamit ang iyong pus...
240K 14.2K 40
"Forgive me for what I could do . . . when I fall asleep"
13.2K 830 23
Dahil sa pagkamatay ng lola ni Gwen, kinailangan nilang umuwi ng probinsya. Sa pag-uwi nilang ito maraming kababalaghan at sikreto ng kanilang pamily...