Wanted Housewife (Conzego Ser...

By Azureriel

1.8M 36.7K 7.9K

The hiring process is now officially open. Are you interested in applying to be Treivhor Conzego's wife? He i... More

Disclaimer
Simula: Open Hiring!
Chapter 1: Old Flyer
Chapter 2: Contract Signing
Chapter 3: Beautiful Scenery
Chapter 4: School Bullies
Chapter 5: The Argument
Chapter 6: Goodbye Kiss
Chapter 7: Red Days
Chapter 8: Date's Stalker
Chapter 9: Signing Off
Chapter 10: Cold Night
Chapter 11: Late Talks
Chapter 12: Courting Stage
Chapter 13: Water Falls
Chapter 14: Their Endearment
Chapter 15: Baking Session
Chapter 16: Grande Festa
Chapter 17: Her Knight
Chapter 18: Coconut Leaves
Chapter 19: End Contract
Chapter 20: Family Date
Chapter 22: Pursuing Dream
Chapter 23: Heart State
Chapter 24: The Agreement
Chapter 25: Mood Swings
Chapter 26: Birthday Greet
Chapter 27: Christmas Song
Chapter 28: Empty Spaces
Wakas: Close Hiring!

Chapter 21: Entrance Exam

43.5K 767 106
By Azureriel


Chapter 21





"Wala bang ibang daan, Tatay Ernesto?"

Nasa sasakyan kami at kasalukuyang naiipit sa traffic. Araw-araw na lang ganito. Kawawa naman si Sofie, mahuhuli na sa klase. First day of school pa naman. Ibinaling ko ang tingin ko kay Tav-tav na nasa kaliwang bahagi ko. Abala siya sa paglalaro sa tablet. Ang cute niya sa suot niyang school uniform. Hindi pa naman siya papasok sa school. Gusto niya lang na nakaganyan para raw mas dama niyang estudyante siya.

"Naku wala po, doc. Wala tayong ibang choice kundi ang hintaying umusad ang mga sasakyan."

"I'm thirty minutes late," pigil na pigil niya ang sariling hindi mapamura.

Alam kong sobrang halaga ng oras para sa kanilang mga doktor.

"Lye, makakarating din tayo." Hinagod ko ang likod niya upang makakalma siya kahit papaano.

Nakarinig kami ng sirena ng papalapit na ambulansya. Kaagad na nagsitabihan ang lahat upang bigyang daan ito.

"Fuck, emergency."

"Sila na ang bahala roon. Makakarating din tayo."

"I love you," he mouthed in the rear view mirror.

Nakahinga kami kahit papaano nang umusad na ang mabagal na daloy ng trapiko. Mabagal man ngunit at least hindi kasing bagal ng kanina.

"Alam kong busy kayo sa ospital pero maglaan ka pa rin sana ng oras para sa pagkain."

"Susubukan ko."

"Anong susubukan? Gawin mo."

"Opo, misis ko."

"Huwag ka rin masyadong magpapagabi mamaya, saka..."

Sumikip bigla ang dibdib ko, hindi ko alam kung bakit. Parang may pumipiga niyon na nagpapahirap sa aking paghinga. Nawala rin naman iyon matapos ang halos isang minuto pero pakiramdam ko'y tumakbo ako nang malayo pagkatapos.

"Are you okay?"

Nakita ko ang pag-aalala sa mukha niya. Hindi muna ako umimik agad at pinakiramdaman muna ang sarili.

"O-Okay lang ako."

"Are you sure?"

"Um!"

"Pakihinto po ang sasakyan, lilipat ako sa likod. I need to check my wife."

"Doc, huwag na. Hindi na naman kailangan e. Napagod lang siguro ako. Ang dami ko kasing ginawa paggising ko kanina." Ngumiti ako tanda ng kasiguraduhan.

Lumipat pa rin siya sa tabi ko kahit sinabi ko na namang okay ako. Si Treivhor talaga. He wrapped his arm around my shoulder, asking me with worry. I caressed his face and smiled at him to give him assurance. Alam ko kasi na nag-aalala siya. At alam ko rin sa sarili ko na wala lang iyong naramdaman ko. Ayoko naman na hanggang sa trabaho ay iisipin pa niya iyon. Huminto ang sasakyan sa eskwelahan ni Sofie. Humalik lang siya sa amin at tumakbo na, halatang excited. Tumuloy na kami sa sunod naming distinasyon, ang ospital.

"Do you want to come inside?"

"For what?" I laughed.

"For check up."

"Lye, no need. I'm okay."

"Are you sure?"

"Siguradong-sigurado, kaya huwag ka ng mag-alala."

"Asawa kita at mahal kita kaya hindi mo maaalis sa akin iyon, Namirah."

Nakarinig kami ng ambulansyang paparating. Emergency na naman. Kaagad na kumilos ang mga nurse at doctor.

"Sige na pumasok ka na. Marami ka pang tutulungan."

"If something bad happens, don't hesitate to call me." He turned his gaze to his son. "And you, son, take care of your mom."

"Aalagaan kita, Mommy."

"Aww, thank you, baby."

Matapos magpaalam ni Doctor Conzego ay tumakbo na ito papasok ng ospital. Tumulong siya sa pagpapasok ng ibang pasyenteng nakahiga sa stretcher. He was a living hero.













NASA playroom kami ngayon ni Tav-tav. Ito ang magsisilbi naming classroom. Nagkukulay siya ngayon gamit ang binili naming jumbo crayon. Tinuruan ko siyang magsulat ng pangalan niya kanina. Hindi naman siya mareklamo at willing matuto kaya hindi siya mahirap turuan. Pero tulad ng ibang bata madali rin siyang ma-distract. Kasabay sa pag-aaral ang laro, isang bagay na hindi naman maiiwasan sa ganoong edad.

"Thank you, Teacher-Mommy." The sweet little boy kissed my cheek.

Minsan ko ng pinangarap maging guro. Isang pangarap na hindi ko natupad dahil sa hirap ng buhay. Pero dahil kay Tav-tav, pakiramdam ko ay unti-unti ko ng natutupad iyon. Kinain namin ang baon niyang lunch na ako lang din naman ang gumawa.

"Nagustuhan mo ba?" tanong pagkakagat nito sa sandwich na ginagawa ko.

Tango lang ang naging sagot nito dahil hindi makaimik gawa ng bibig nitong puno ng pagkain. Kapag ganito ba naman ka-cute, kalambing, at kabait ang tuturuan ko, hindi ko mararamdaman ang pagod.











"DADDY! Daddy!" Salubong nito sa ama.

"Careful, son. Baka madapa ka."

Naupo si Treivhor sa sofa at kinalong ang anak na may hawak na lapis at papel.

"Look, Daddy, oh. I have stars." He showed his arm.

"Wow. Ang galing-galing naman ng anak ko."

"Daddy, look." Ipinakita ni Tav-tav ang papel na hawak.

"Who are these? Mind to introduce each of them?"

"This you, Doctor-Daddy." He pointed the tallest man with a stethoscope. "This is teacher-mommy." He pointed the woman wearing a pencil skirt. Natawa ako nang maalalang ganiyan ang suot ko kanina. "This is Ate Sofie and this is me, Tav-tav."

"Very good ang baby namin ah." Ginulo ni Treivhor ang buhok ng anak.

Nakakatuwa silang panuorin na mag-ama. Ngayon pa lang nakikita ko ng lalaki si Tav-tav na matalino at mabuting tao. Kapag tinitingnan ko siyang tumatawa ay para bang ayaw ko pa siyang lumaki. Gusto ko munang manatili siya sa ganiyan-- sa pagiging inosente dahil ayoko pang maranasan niya ang hirap ng buhay sa mundo. Hindi pa ako handa para roon. Ngunit batid kong tulad din ng iba, dadaanan din siya sa mga pagsubok habang lumalaki. Nandito naman kami ni Treivhor para gabayan at tulungan siya.

"Thank you for teaching my son.... Teacher-Mommy?"

Naupo ako sa tabi nila upang makisali sa usapan. Ibinibida ng bata ang mga ginawa namin kanina.

"Daddy, I know how to sing the alphabet too."

"Really?" hindi makapaniwalang tanong ni Treivhor.

Kahit naman ako ay ganiyan din ang naging reaksyon kanina noong kinanta iyon ni Tav-tav habang nagkukulay, kahit hindi ko pa naman iyon tinuro sa kaniya. Ang sabi niya lang ay naririnig niya iyong pinapanuod ng ate niya sa iPad nito. Madali siyang matuto at kahit bata pa lang ay makikitaan mo na ng potensyal. Maswerte ang makakatabi nito sa klase.

"Can you sing that for us?"

"A B C D E F G..." He scratched his arms and continued. "H I J K L M N O P Q R S T U V..." He took a breathe. "W X Y and Z," pagkanta nito at pinalakpakan namin siya ni Treivhor pagkatapos.

"Galing galing naman ng baby namin." Pinanggigilan ko ang kaniyang pisnge.

Utal pa siya sa ibang letra pero nakakatuwa na kabisado niya ang pagkakasunod niyon. Sinubukan ko nga kanina na ipabasa sa kaniya ang mga letra ng hindi naka-alphabetical order pero nagawa naman niya. Nangangahulugan lamang iyon na kilala niya talaga sila.

"Dahil very good ka ipagluluto kita ng paborito mong fried chicken!"

"Talaga po, Daddy?"

"Yes, lil kid." Binuhat na nito ang anak at dinala sa kusina.

Sumunod naman ako upang tulungan silang mag-ama. Siguro kung may pinakatamang desisyon man akong nagawa sa buhay, iyon ay ang pinili kong maging parte ng pamilyang ito.














"LYE."

"Hmm?"

"Do you want to study again?"

Napapihit ako paharap sa kaniya dahil sa bigla niyang itinanong.

"Mag-aral?" tanong ko sa lalakeng katabi ko sa higaan.

Patay na ang mga ilaw at ilang minuto na rin siyang hindi umimik kanina kaya akala ko tulog na siya.

"You told me that you want to be a teacher, but because of financial problem, you didn't finish your degree. Do you want to study again?"

"Pero matanda na ako para mag-college, Treiv."

"Wala namang edad sa pag-aaral. Kahit sino pwedeng mangarap."

"Pero kasi..."

"Pag-aaralin kita."

"Treiv?"

"Handa akong suportahan ka sa pag-abot mo sa mga pangarap mo, Namirah. Gusto kong makita kang umaakyat ng entablado at tanggapin ang diploma mo."

Naiiyak ko siyang niyakap dahil sa sinabi niyang iyon. Siguro iyong iba mas gugustuhin na lang na sa bahay na lang babae lalo na kung hindi naman nito kailangang magtrabaho pa. But my husband was different. He want me to pursue my dreams dahil alam niyang magiging masaya ako roon.

"I love you." Hinagkan ko siya sa labi upang magpasalamat.

"Dito ka lang palagi ah."

"Um."

Pinisil niya ang ilong ko. "Matulog na tayo."

"Good night, lye." Ipinikit ko ang mata at mabilis na nakatulog dahil sa yakap niya.















"ITAY, huwag n'yo pong kalilimutang inumin ang gamot na nireseta ko. Tigilan na rin ho natin ang pag-inom ng alak. Hindi na po kayo bumabata."

Natawa lamang ang matandang nakahiga sa ospital bed sa sinabi ni Doctor Conzego. Ganito ko na siya inabutan nang dumating ako.

"Malakas pa ako, hijo. Kaya pa kitang labanan ng palakasan sa inuman."

"Itay, tumigil na nga ho kayo. Makinig na lang kayo sa sinasabi ng doktor. Nagkaka-edad na kayo, Itay. Tahanan n'yo na ang bisyo n'yo," sermon ng ginang. "Doc, pagpasensyahan n'yo na po sana si Itay. Sadyang matigas lang ang ulo n'yan."

"Ayos lang. Basta regular lang ang pag-inom ng gamot at iwasan na ang bisyo."

"Sige po, doc."

"Eh sino naman itong napakagandang dilag na nasa kuwarto ko?"

Napatingin silang lahat sa akin. Umayos ako ng tayo at lumapit sa kanila nang tawagin ni Doctor Conzego. Pumulupot kaagad ang braso niya sa beywang ko. Maghapon na siya sa duty pero ang bango pa rin niya.

"She's Namirah, my beautiful wife."

"Aba ay magaling kang pipili, hijo. Ganyang-ganyan din ako sayo noong kabataan ko. Ang daming babaeng nagkakandarapa sa akin. Lahat ng hinaharana ko aba'y pinagbubuksan ako. Pero isang babae lang talaga ang bumihag sa puso ko at iyon ay si Constancia."

Napahagikgik ang anak nito. "Ayon sa kuwento ni Inay binuhusan niya kayo ng ihi noong nangharana ka, Itay." Tinakpan niya ang bibig upang mapigilan ang sariling mapatawa ng malakas.

"Pakipot lamang ang iyong inay."

"Sus, si Tatay nahiya pa aminin. Muntikan ka na ngang habulin ng taga ni Lolo eh."

"Sige ho maiwan na namin kayo." Iginiya na ako ni Doc Treiv palabas ng kuwarto. Dumiretso kami sa opisina niya.











"WHERE do you want to study?" he asked while sitting on his swivel chair and playing the pen on his fingers.

Ipinatong ko ang aking baba sa mga braso kong nasa ibabaw ng lamesa. Okay lang naman sa akin na mag-aral kahit saan, pero may unibersidad talaga akong pinapangarap pasukan.

"UP." tipid kong sagot. Napabuga ako ng hangin. Alam ko naman na imposibling makapasok ako sa ganiyang eskwelahan.

"University of the Philippines?"

"Dream university ko iyon. Ang makapag-aral doon ay pangarap na lang para sa akin." Pinaglaruan ko ang muscular system na nasa lamesa.

"How did you say so?"

"Puro matatalino ang nag-aaral doon. Mahirap ding makapasok sa unibersidad na iyon." Para kang papasok sa butas ng karayom.

"Huwag kang mawawalan ng pag-asa hangga't hindi mo pa nagagawa ang lahat ng iyong makakaya."















"WAAAHH! UP!" sigaw ko pagkababa ng sasakyan. Hindi pa rin ako makapaniwala na nandito na ako ngayon. Hinawakan ni Treivhor ang kamay ko at hinatak na ako.

"Ang laki ng ngiti natin ah."

"Grabe nandito na talaga ako. Tinitingnan ko lang ito sa picture dati tapos..." Inilibot ko ang mata sa mataong paligid. "Nakapasok na talaga ako sa loob ng campus. Sana makabalik pa ako sa susunod."

"Papasa ka sa exam kaya siguradong makakabalik ka pa."

"Paano kung hindi? Ilang taon akong nahinto sa pag-aaral, Treiv. Baka nga limot ko na iyong mga pinag-aralan noon."

"Tutulungan naman kita." Itiningala ako nito at nagtama ang mata namin. Sh*t ang pogi talaga. Binasa niya ang labi bago muling nagsalita. "Magna Cum Laude yata asawa mo." Wala na, nahulog na akong lalo.

Magkasama kami ni Treivhor na pumila upang makipagsapalaran. Sobrang daming estudyanteng mag-e-exam kaya sobrang haba rin ng pila. Akala ko nga kanina ay ihahatid lang ako ni Treivhor pero heto siya, magpahanggang ngayon ay kasama ko pa rin. Alagang-alaga niya ako throughout the process. Nandiyan iyong binibilhan niya ako ng pagkain at inumin tapos papaypayan kapag naiinitan.

"Lye, umuwi ka na kaya muna. Sunduin mo na lang ako mamaya. Kaya ko na naman dito eh. Alam ko ring pagod ka pa sa duty mo kagabi. Alas cuatro ka na nga nakauwi."

"Gusto kitang sabayan sa bawat hakbang mo." Hinagkan niya ang noo ko.

Sobrang sarap sa pakiramdam na may ganitong supportive na asawa. Iyong tipong sasamahan ka niya sa pag-abot ng pangarap mo. Gumagaan ang lahat para sa akin dahil sa kaniya. Nang tawagin na kami para mag-exam ay doon na ako kinabahan. Ang tagal ng ipinila ko. Paano kung bumagsak ako?

"Kaya mo iyan. Maniwala ka sa sarili mo," sabi ni Treivhor bago ako pumasok.

Ibinuhos ko na ang lahat ng makakaya ko sa exam na iyon para wala ng susunod. Minsan lamang ito kaya hindi ko dapat na palampasin. Matapos ang exam ay sinalubong ako ni Treivhor ng yakap.

"Kumusta?" Hinaplos nito ang buhok ko.

"Ang hirap," drain kong sagot habang yakap siya.

"Pagod asawa ko, kawawa naman. Tara kain tayo."

"Mabuti pa nga. Parang piniga utak ko roon. Pakiramdam ko hinugot lahat ng natitirang lakas ko sa katawan."

"I love you." Pinatakan niya ako ng halik sa labi.

Isang halik lamang iyon pero napawi niyon ang pagod ko.















"CALM down, lye. Worrying won't help you."

"How can I, Treiv? Paano na lang kung hindi ako pumasa?"

Ngayon ko na malalaman ang resulta ng exam. Malaking bagay ito para sa akin kaya grabeng kaba rin ang nararamdaman ko.

"Nag-review ka naman, hindi ba? Mag tiwala ka lang. And if ever you didn't pass, it's okay. There are still a lot of universities and colleges out there." Hinatak niya ako palapit sa kaniya at kinalong. Medyo gumaan ang pakiramdam ko dahil sa mga sinabi niya. "Now let's see."

Binuksan niya ang laptop. Heto na, malalaman na kung makakapag-aral ba ako sa UP o hindi. Panay ang dasal ko habang nakapikit.

"Open your eyes, lye."

"I don't want." parang bata kong sabi at sumubsob sa dibdib niya. Bahala na siyang umalam kung pasado ba ako o hindi.

"You look so tense, Namirah," he teased.

"It's a matter of life and death." I replied, and he just chuckled sexily.

"Tingnan mo na."

"Ikaw na please."

Ilang minutong namayani ang katahimikan sa pagitan namin. Ramdam ko ang matinding kaba sa bawat sandaling lumilipas.

"Congrats."

"Huh?"

"You passed, lye."

Mabilis pa sa alas cuatrong tiningnan ko ang screen ng laptop. Napatili ako sa sobrang saya nang makita ang pangalan ko sa listahan ng mga nakapasa.

Conzego, Namirah Lein D. ------ Passed


"Hala nakapasa talaga ako," naiiyak kong sambit.

Pinunasan ni Treivhor ang luhang bumasa sa akin.

"I'm proud of you."















ENROLLMENT na at tulad noong nakaraan, nandito rin ang asawa ko para samahan ako. Nahihiya na nga ako dahil mukhang nakakaabala na ako sa trabaho niya. Sabi naman niya mamayang gabi pa raw ang duty niya. Pagkatapos kong ipasa ang enrollment form ay bigla na lamang akong nakaramdam ng pananakit ng dibdib.

"Okay ka lang?" tanong nito nang mapansin na natigilan ako saglit.

Pinakiramdaman ko muna ang sarili bago nagsalita. Unti-unting nawala ang paninikip ng dibdib ko at lumuwag ang paghinga ko kahit papaano.

"Um." I smiled to assure him. "Lye, pwede pahawak muna ito saglit. Pupunta lang ako sa restroom."

"Samahan na kita."

"Sige."

Pagpasok ko ay humanap kaagad ako ng bakanteng cubicle. After doing my thing I went out and wash my hands. Napahawak ako sa dibdib ko nang maramdaman na naman iyong kirot. Mas masakit kaysa kanina. Parang may ugat na hinihikit.

Lord, please not this one. Ito yung pakiramdam na ayaw ko ng maramdaman pa.

Habang tumatagal ay mas lumalala ang sakit. Dahan-dahan akong napaupo nang lumiit ang daanan ng hangin sa katawan ko. Gusto kong sumigaw ng tulong ngunit hindi ako makasigaw dahil sa sakit. Unti-unting dumilim ang paningin ko.

"Baby Nami, inumin mo na itong gamot mo."

"Ate Nurse gusto ko na po umuwi."

"Hindi pa nga raw pwede sabi nung doctor. Kailangan mo pang magpagaling."

"Namirah! Namirah, wake up!"

"Treiv... s-sorry." Hindi ko na alam ang sumunod na nangyari dahil nawalan na ako ng malay.


















[Treivhor's POV]




"Namirah." Ilang beses ko siyang tinawag pero hindi na siya nagre-respond.

I checked her pulse. May pulso pa siya pero mahina na. I carried her and drove faster to the hospital. Nasanay na ako na nag-aasikaso ng pasyente. Kalmado ako kapag ginagawa ko ang aking trabaho kahit gaano pa kalala ang sitwasyon. Pero iba pala kapag mahal mo na sa buhay ang nagkaganito, nakakatakot sobra.

"Kami na muna ang bahala," sabi ng doctor matapos nilang ipasok sa loob ang asawa ko.

"Doc, please save my wife."

"Gagawin namin ang aming makakaya."

Pumasok na ito sa loob at naiwan ako sa labas, pauli-uli at hindi mapakali. Hindi ko alam kung anong nangyayari. Bakit bigla na lamang siyang nagkaganoon? May sakit ba siya? Hindi. Ayokong isipin.

"Paging Dr. Conzego. Please proceed now to the operating room."

F*ck! I forgot that I have a sched operation.

"Doctor Conzego, everyone is waiting for you in the Operating Room. The patient needs to undergo surgery as soon as possible."

Napatingala ako sa lalakeng nagsalita. He is Doctor Mendez. Isa sa pinakamahusay na doctor sa ospital na ito. Isa rin siyang cardiologist kagaya ko.

"I-I cannot do that." I ran my fingers on my hair in frustration.

"What?" hindi makapaniwalang tanong nito.

"You f*cking heard me right?!"

"Ano bang nangyayari sa 'yo? Hindi ka naman dating gan'yan. This is a serious matter, Doctor Conzego. The patient needs operation."

"How can I f*cking do the operation if my wife is inside this room and fighting for her life? How can I focus on that f*cking surgery if I know the fact that while I am trying to save a patient's life, I did nothing to save my wife?"

He did not react right away and tried to absorb what I've said. I thought he will be mad or worse he would suspend me for disrespecting him as my senior, but he smiled instead.

"I understand. Let me handle this operation."

"You will do this for me?"

"Doctor Conzego, parang anak na ang turing ko sayo. Alam kong mahirap para sa 'yo ang nangyayari. Take care of your wife." Tinapik ako nito sa balikat bago iniwan.


















"KUMUSTA po ang asawa ko?"

"Let's talk outside." Nauna na siyang lumabas.

Pinagmasdan ko muna si Namirah na mahimbing na natutulog sa hospital bed bago ako sumunod.

"Tatapatin na kita, Doctor Conzego. This is a serious case."

Lumakas ang kabog ng dibdib ko. Natatakot ako sa susunod kong maririnig.

"What do you mean?"

"Based on the result of her lab test at pati na rin sa mga symptoms na ipinapakita ng katawan ng pasyente... we found out that there is a problem in her coronary artery." Ramdam ko ang panlalamig ng mga kamay ko. My world stopped from spinning when I heard the next thing he said. "Your wife has Atherosclerosis."






-Azureriel

Continue Reading

You'll Also Like

33.8M 1.4M 69
Eliza Velasquez is beyond belief to have Khairro Sanford - the man she once loved but has grown to hate - as her bodyguard. With them forced to spend...
237K 5.6K 37
[SOON TO BE PUBLISHED UNDER KM AND H] Career Series 2: COMPLETE Anguish. Suffering. Pain. That's how Lorelei describes her life. As an only child, s...
7K 193 66
Don't play with me series 4: Don't play with me, Coach In a relationship, not only people can be an obstacle to a very perfect relationship. Sometime...
82.9K 1.1K 15
Caught in the midst of a fight between her family and the Santi Vlanco clan, Demilyn wanted nothing but to seek revenge after she lost her child. Mat...