The Rain in España (Universit...

By 4reuminct

150M 3.5M 7.9M

University Series #1 In a family of doctors, Kalix decided to take a different path and found himself studyin... More

PROLOGUE
01
02
03
04
05
06
08
09
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
32
33
34
35
EPILOGUE
Author's Note

07

3.5M 91K 229K
By 4reuminct


"Please? Puntahan natin siya, please? Ako magda-drive!" 


Pilit ako nang pilit kay Kierra dahil early dismissal ngayong araw. Nabobother kasi ako sa sinabi sa akin ni Kalix kagabi na naguguluhan daw siya sa 'kin! Hindi ko alam kung pupunta siya ngayon dito pero gusto ko na talaga siyang kausapin kaya ako na lang ang pupuntang Ateneo! Wala na siyang takas ngayon! 


"Oo na!" Pagpayag ni Kierra. 


Masaya akong naglakad papuntang carpark. Nagdala ng kotse si Kierra ngayon at ako ang nag-drive pagkatapos kong i-text si Sam na pupunta kami roon. Excited daw siya at wala naman na daw siyang klase kaya pwede niya kaming kitain. Nakatambay lang daw siya sa cafeteria nila. Ano ba 'yon? Gonzaga building?  


Walang traffic ngayon dahil maaga pa kaya mabilis lang din kaming nakarating sa Ateneo. Nag-snap ako ng photo at pinost sa Instagram story ko. Ang caption ko ulit: 'San ka na?'. Sana makita niya kaagad. 


"Aga n'yo, ah!" Salubong sa amin ni Sam nang sunduin kami mula sa pinag-parkingan namin. Naglakad kami sa tinatawag niyang Gonzaga. 'Yung cafeteria nila na may mga food stalls and tables around. 


Hindi ko maintindihan ang ibang lengwahe nila, ah. They had codes! Minsan, hindi na lang ako nag-aabalang intindihin ang mga sinasabi ni Samantha. Habang naglalakad kami, pahinto-hinto pa kami dahil ang dami niyang binebeso, binabati, at niyayakap. 


"I'm not sure kung anong oras dumadating sila Kalix but usually, doon sila nakaupo so wait ka lang," sabi niya sa 'kin pagkaturo roon sa kabilang table sa hindi kalayuan. Natatanaw ko pa rin naman kasi hindi ganoon kalayo. 


"Ito kasing tangang 'to, hindi ko alam ang sinabi kay Kalix at bigla na lang daw umalis kagabi sa condo," si Kierra na ang nag-chika.


"What?! Nasa condo mo siya kahapon?!" Gulat na tanong ni Sam. "Anong nangyari?! Did you kiss?! Did you have sex?! Oh my god!" 


Gusto kong takpan ang mukha ko sa lakas ng boses ni Samantha. Nakakahiya pa ang pagka-vulgar ng bibig niya. 


"Hindi, huwag kang maingay!" Sabi ko sa kanya. 


Umayos siya ng upo at bumulong. "Really? Walang nangyari? Are you sure? Paturo ka kay Yanna! She will teach you her skills!" 


"Hindi naman 'yun ang hanap ko, okay?" Pagpapaliwanag ko. 


Palibhasa silang dalawa ni Yanna ay parang nakikipag-paligsahan sa isa't isa ng paramihan ng nahaharot tuwing lalabas kami! Panalo nga lang si Yanna as of now. Inaraw-araw ng gaga. Kagabi nga kinekwento niya sa GC na may naka-'karat' daw siyang guy sa C.R ng cinema tapos may sumilip daw na bata mula sa ilalim, hinahanap mama. 


"Here they are." Kinurot ako ni Sam sa bewang para makuha ang atensyon ko. 


Napaangat ang tingin ko at nakita ko si Kalix, Adonis, Leo, at 'yung Amethyst. Kausap ni Kalix si Adonis habang naglalakad, mukhang may pinapaliwanag. Naka-button-down polo shirt siya na may blue and white design at black shorts. Suot niya ulit 'yung iconic Balenciaga shoes niya at 'yung digital watch pati necklace. Naka-ayos din ang buhok na mukhang winax. Ang gwapo naman. 


"Kalix looks good," bulong ni Sam sa 'kin. "If you won't get your ass out and get him, I'll get him."


Masama kong tinignan si Sam at malakas niya kong tinawanan. Alam ko namang nagbibiro siya pero muntik ko nang hatakin ang buhok niya. Subukan niya lang! Hindi naman sa threatened ako pero kakaiba 'yan si Sam at Yanna. 


"Did you know? Everytime may event sa orgs na flower-giving, Kalix would receive a lot! As in, a lot! I saw it myself! He would hold the flowers in his hand while walking to his class. Mayroon pang cactus! Kulang na lang magpalaki sila ng Groot at i-alay sa kanya or something." Samantha laughed again. 


Tama si Sam. Doon nga sa table na 'yun umupo sila Kalix. Hindi ko inalis ang tingin ko sa kanya. Talagang nagtabi pa sila noong Amethyst! Nakakainis dahil halatang-halata sa kanya na may gusto siya kay Kalix, sa tingin niya pa lang at paghaplos sa braso. 


Tumayo si Kalix at Adonis para bumili ng pagkain. Si Amethyst, tumakbo naman para habulin si Kalix. Nakakapangselos naman! 


Kaso na-realize ko na ganyan rin pala ako kay Kalix. Ganito rin siguro ang mararamdaman ni Amethyst kapag ako naman ang nakita niyang lumalandi sa crush niya. It was just a matter of perspective. 


Bumalik sila pagkatapos ng ilang segundo. Si Kalix, may hawak na tray at si Amethyst naman, tupperware lang na may laman na salad. Wow, siya na ang healthy living. Nahiya tuloy ako bigla. Ang ganda ng katawan niya! 


"If looks could kill, Amy would be down on the floor now," sabi ni Sam. 


"Sure ka bang hindi sila?" Tanong ko sa kaniya para makasiguro. 


Magkausap na si Kalix at Amethyst ngayon. Gusto kong malaman kung ano bang pinag-uusapan nila. Tungkol ba sa law? Sa totoo lang, mas may chance pa nga si Amethyst kaysa sa 'kin dahil pareho sila ng interest. Pareho rin silang magla-law. Goals nun, 'no. 


"Hindi nga sila! Kung sila, Amethyst would flex it in social media already, right?" Okay, may point. 


Galit akong uminom sa shake na hawak ko habang nakatingin pa rin sa kanila. I was surprised when Kalix looked my way while Amethyst was talking. Nanlaki tuloy ang mata ko at umiwas ako ng tingin. 


Gusto kong itago ang mukha ko sa sobrang hiya. Doon ako humarap sa gilid. I tried to sneak another glance at him but he was still staring at me with his usual serious face. Sa ibang side ulit ako humarap para maiwas ang tingin ko. 


"Ano? Pupunta-punta ka rito tapos kapag nandiyan na, iiwas ka?" Tinaasan ako ng kilay ni Kierra. 


"Ke, tara, bili tayong food!" Tumayo bigla si Sam at hinatak si Kierra. 


Napakunot ang noo ko sa biglaan nilang pag-alis. Halos mahulog ako sa inuupuan ko nang may maglapag ng tray sa table. 


Napaawang ang labi ko nang umupo si Kalix sa harapan ko. Naramdaman ko ang tingin ng iba sa amin o baka sa kanya lang nakatingin. Dahil doon, na-conscious tuloy ako! Nakakahiya naman. Baka nahalata nilang may outsider! Actually, halata naman dahil sa uniform! 


"Why are you here?" Seryosong tanong niya habang inaayos ang pagkain niya at nilalapag sa table. Dito siya kakain?! Ano ba 'to! 


"B-binisita si Sam," pagpapalusot ko. "Why are you here?" 


Tinaasan niya ako ng kilay. "This is my school?"


"I mean, bakit ka umupo sa table namin?" Nagtatakang tanong ko. 


"Bawal?" He shot back. 


"Hindi naman," mahinang sabi ko. "Iniwan mo friends mo roon, oh." Binalik ko ang tingin sa table nila Leo. Si Amethyst lang ang nakatingin dito at sila Adonis parang wala namang pakialam. Naramdaman ko ang masamang tingin niya. Ganoon din ako kanina, ah. 


"They can function without me, Luna," sabi niya habang kumakain. 


Tumingin ako sa suot ko, na-conscious lalo sa uniform na suot. Baka dahil doon kaya pinagtitinginan ako ng iba rito. Binalik ni Kalix ang tingin niya sa 'kin bago binaba ang tingin sa suot ko. Nagulat ako nang kinuha niya ang jacket niya at inabot sa 'kin. 


Kinikilig 'kong kinuha 'yon at sinuot. Shet, ang bango talaga. Ano ba kasing pabango niya? Parang hindi ko matigilan. Niyakap ko pa ang sarili ko para dumikit sa akin ang amoy. Kunwari siya ang yumakap sa 'kin, ganoon! 


"Kumain ka na ba?" Bigla niyang tanong. 


Wow! Ganyan ang mga linyahan ng mga humaharot sa 'kin, ah?! Kumain ka na ba? Kain ka na.  Ayokong nagugutom ka, e. Baka malipasan ka, ah. Sige na, kumain ka na baka magkasakit ka. 


"Oo, sa UST," sagot ko naman. "Kahapon... Bakit bigla ka na lang umalis? Tsaka anong ibig mong sabihing naco-confuse ka? Saan?" Hindi na 'ko nakapaghintay na itanong 'yon.


He stopped eating to drink water. Then, he looked at me. "Wala."


Kumunot ang noo ko. "Anong wala?" 


"Stop asking," seryosong sabi niya at kumain na ulit. 


Naubos niya naman 'yon kaagad. Kanin at shanghai lang ata 'yong kinakain niya. Medyo nainggit ako kasi parang nakakatakam 'yung pag-kain niya. O baka sa kanya ako natatakam, charot. 


"Wait here." Tumayo siya para isauli 'yung plato at tray. 


"My god, Luna, umayos ka, please," bulong ko sa sarili ko. Please lang, huwag ka nang grumpy dahil sa Amethyst na 'yon! At least ikaw ang kasama kumain noong nakita ka! Panalo ka roon, girl! Teka, bakit ba parang nakikipagpaligsahan ako?! 


Pagkabalik ni Kalix, umayos na ako ng upo. Magsasalita pa lang sana ako nang may tumapik na sa balikat niya. Inangat niya ang tingin niya sa Amethyst na 'yon. Hala, panira! Nawala na tuloy ang sasabihin ko. 


"You going straight home na ba?" Tanong noong Amethyst at sumulyap pa sa 'kin. "We're gonna study in Starbs, eh. Diba may quiz tomorrow sa Taxation? Did you review na?" 


"Yeah, you guys can go," Kalix said coolly. 


"Okay..." Tumingin sa 'kin si Amethyst bago ngumiti kay Kalix at umalis na. 


Anong tinitingin-tingin niya riyan?! Bakit parang pinapahiwatig niya na sinisira ko ang study date nila or something? Wala naman akong ginagawa, ah! Hindi ko rin pinilit si Kalix na samahan ako! 


"Stop glaring at her." Kalix laughed a little. 


Napabalik tuloy ang tingin ko sa kanya. "Hindi naman, ah!" I defended. 


"Really? You look like you would pull her hair in a second," he teased more. 


"Hindi nga!" 


"Okay, tigress." He smiled more. 


Hindi ko alam kung bakit kinilig ako roon. Kaunti na lang, kakagatin ko na 'tong si Kalix. Tigress ka pa, ha! Rawr. 


"Ang dami palang magaganda rito. Bakit wala ka pa ring jowa?" Pagchika ko sa kanya. 


Agad niya akong tinaasan ng isang kilay. "Sorry to burst your bubble but I value substance more than beauty." 


"'Yung talented sa drawing and designing, pwede na ba 'yun?" I tried to ask. 


He did not respond. Nilabas niya lang 'yung mga papers niya at nag-simula na ulit mag-highlight. Ano 'to? Dito siya mag-aaral? Hindi man lang sinagot ang banat ko! Hindi talaga nakiki-cooperate! 


"Substance you mean, knowledgeable sa mga bagay na interested ka, right? Like law?" Tanong ko. 


"What are you implying?" He stopped highlighting to challenge my look. 


"Si Amethyst?" 


"For fuck's sake, stop asking me about her," pikon na sabi niya. 


Ngumuso ako at umirap. E 'di huwag! Pikon naman nito! Paulit-ulit na ba 'ko? Sige na nga. Hindi ko na siya kukulitin tungkol sa lovelife niya. Masasaktan lang din naman ako kapag pinilit ko pang malaman. Okay nang ganito... Safe lang. Efas. 


"Uuwi na 'ko. Mag-aral ka na." Tumayo ako at kinuha ang gamit ko. Baka nakakaistorbo na 'ko sa kaniya, e. Nakakahiya na rin kapag outsider ka sa ibang university. 


"Can't we study together?" 


Jusko, nanlambot ang tuhod ko! Ano raw ang sabi?! Study together?! Together?! May kami na! Okay, nasaan na ang wedding gown ko at masimulan nang design-an! 


"Hindi ba kita naiistorbo?" Nagtatakang tanong ko. "Tsaka ang ingay dito, e. Baka hindi ka makapag-aral nang maayos." 


"Are you suggesting something?" Tanong niya bigla sa 'kin.


Napaawang ang labi ko. "Huh?! Hindi, ah!" Ano na naman ba ang iniisip niya?! Para namang lahat ng sinasabi ko ay may hidden landi meaning sa kanya! Hindi naman. Slight lang. 


"Where do you want us to go?" He tried to ask me. 


Alam mo, kung ako lang naman kasi ang tatanungin, alam mo naman kung saan ko gusto, e! Gosh, kailangan ko pa bang mag-sugarcoat? 


"Kahit saan." Yes. Kailangan ko ngang mag-sugarcoat.


"I'll ask you again. Where do you want us to go?" 


I bit my lower lip. Ugh! Nakakainis naman! Bakit ba hindi na lang niya patulan 'yung kahit saan ko hangga't hindi ko pa nasasabi kung saan ko talaga gusto, ha?! 


"Luna."


"Sa condo mo, okay na?" I snapped. 


Sumandal siya sa inuupuan niya with his crossed arms and an amused smile plastered on his face. Mukhang hindi siya makapaniwalang sinabi ko 'yon pero walang usad kung patuloy akong magpapabebe dito. Mauunahan ako! 


"Let's go." Tumayo siya at kinuha ang gamit niya para umalis. 


Sumunod ako sa kanya habang tinetext sila Kierra na aalis kami ni Kalix. Nakakakilig namang sabihin 'yon. Nang makasakay na kami sa kotse niya, hindi ako makapagsalita. Ngayon lang dumaloy ang hiya sa 'kin. Bakit ko naman sinabi 'yon? Bumigay ako kaagad, ah. 


I mean, for sure naman wala namang malisya sa kanya at sa akin lang mayroon kaya ako na lang ang nangako sa sarili kong wala akong gagawin sa kanya! Lalandiin ko lang siya through words, okay?! Tsaka para sa kanya rin naman 'yon. Para makapag-aral siya nang maayos dahil tahimik. 


Para namang hindi pa ako nakakapunta roon! Okay lang 'to... Pero lasing kasi ako noon! Ngayon, sober ako! Baka iba ang feeling? 


"I can almost hear you thinking," he commented while driving. 


"What? Did I say that out loud?!" I panicked. 


"Say what out loud?" He asked back. 


Umiling ako. Akala ko naman na-bulgar ko na lahat ng kalandiang iniisip ko ngayon. Mabuti na lang at nakarating rin kami kaagad dahil baka nga ipahiya ko lalo ang sarili ko sa kanya. 


Nang makarating kami sa unit niya, literal na dumiretso nga siya sa sofa. Umupo siya sa sahig at nilabas ang mga papel niya. Nag-aral siya roon sa coffee table. Ni hindi man lang ako pinansin! Wala man lang pa-welcome, ganoon! Wala man lang 'So this is my place' or 'Sorry, medyo magulo'. Mga typical lines ba kapag may bumibisita sa bahay! 


Umupo ako sa sahig, sa may tapat niya, at nilabas ko rin ang papel ko para i-sketch ulit 'yung gagawin kong residential building. Nakakahiya naman na siya lang ang may gagawin. Tahimik lang kaming dalawa at halos hangin lang ng aircon ang naririnig ko. 


Wala akong ma-drawing kaya nag-drawing na lang ako ng iba. 'Yung building na lang kanina sa Ateneo ang drinawing ko out of boredom. Triny kong sumulyap sa binabasa ni Kalix pero wala akong naintindihan! 


"Why?" Tanong niya nang mahuli akong tumitingin sa binabasa niya.


"'Yan full name mo?" Turo ko sa nakalagay sa papel niya. "Kalix Jace Martinez?" 


Tumango lang siya at hindi nagsalita. So that was why his other friends called him KJ. I thought it meant killjoy kasi mukha siyang killjoy sa inuman, e. Pangalan niya pala 'yon. Na-guilty tuloy ako sa iniisip ko. 


"So mag-isa ka lang dito?" 


"No. Nandito ka, 'di ba?" 


"May kasalanan ba 'ko sa 'yo, ha?"


Bakit ba ang sungit niya ngayon? I mean, normal naman na masungit siya pero namimilosopo siya ngayon, e! It was so unlike him. Pakiramdam ko e may ginawa akong masama sa kanya. Parang galit?! 


Tinapunan niya lang ako ng tingin at hindi ako sinagot. O tapos hindi niya 'ko kakausapin! Mababaliw na ako sa lalaking 'to! Normal ba ang nababaliw nang ganito sa crush?! Normal siguro kung ganito kagulo ang crush mo! 


"Galit ka ba sa 'kin?" I asked again. Ano ba 'to, ang gulo! Bakit hindi na lang sagutin nang maayos para matahimik ang kaluluwa ko. 


"Why would I be?" 


"Bakit ba sinasagot mo ng tanong 'yung tanong ko?" 


Hindi ako naiinis pero naiinis ako! Ano raw?! Naiinis ako pero crush ko pa rin siya at kinikilig pa rin ako kapag sinusungitan niya 'ko. Normal bang mainis at kiligin at the same time? Ah, basta! Okay na 'yon, at least may nararamdaman. 


Hindi na naman siya sumagot at nag-highlight na ulit doon. Ngumuso ako at nag-phone na lang. Nanood ako ng mga IG story para magpalipas ng oras. Kanina, nag-post ako ng IG story. Mukha ni Sevi na nakangiti na parang bata tsaka 'yung nilibre niya sa 'king ice cream ni Mang Tomas. Mukha raw kasi akong stressed kanina. 


Umupo ako sa couch at inaya na lang si Sevi mag-ML. Pumayag naman siya kaagad pero one game lang daw kasi break time lang daw nila. Nag-voicecall pa kami habang naglalaro. Ang bilis ng data niya, ah. 


[Top ako.] Sabi ni Sevi. 


"Sama ako," mahinang sabi ko dahil baka maingayan si Kalix sa 'kin. Hindi ako masyadong nag-ingay habang naglalaro kaso nang mamatay-matay na mga kakampi namin, napikon na ako! 


[Attack natin 'yung Lord, Luna.]


"Siraulo, Sevi, nasaan ka ba? Mamamatay na 'ko rito!" 


Nakita kong tumingin sa gawi ko si Kalix na nakakunot ang noo. Tinakpan ko ang bibig ko dahil baka naingayan sa 'kin. Si Sevi kasi, e! Back na dapat pero nagpu-push pa roon sa top! Kami na lang ang natirang buhay, o! 


"Tanga, Sevi, huwag kang sumugod! Retreat! 'Di natin kaya 'yan." Stressed na 'ko, girl! 


[Tangina, bobo kakampi! Walang ambag!]


Napatigil ako nang kuhanin ni Kalix ang mga papel niya at lumipat doon sa breakfast table para malayo sa 'kin. Kinagat ko ang labi ko at hinintay na matapos ang laro. Nanalo pa rin naman kami at ako ang MVP. Galit na naman si Sev dahil sa kill-steal ko! Hindi siya naka-maniac dahil nakuha ko, e. 


Tinago ko ang cellphone ko at dahan-dahang naglakad palapit kay Kalix. Nag-lean ako sa breakfast table at tumingin sa kanya. 


"Sorry, ang ingay," I cutely apologized. 


Hindi siya sumagot at nag-highlight highlight doon na parang hindi niya naman binabasa sa sobrang bilis. 


"Okay, hindi na kita guguluhin. Aral ka lang dyan." I tiptoed my way back to the sofa. 


Umupo ako roon at nag-IG story na lang ako. Nag-peace sign ako sa camera at nilipat ang video kay Kalix na nakatalikod sa akin at nag-aaral. Zinoom ko pa 'yon sa kanya at nilagyan ko ng caption: 


'Fighting, Atty!' 


"You can turn the television on," sabi niya bigla sa malayo. Nagulat tuloy ako at agad tinago ang phone ko dahil baka nahuli niya 'ko.  


Kinuha ko ang remote at binuksan 'yon. Inopen ko ang Netflix niya kaya nakita ko tuloy 'yung mga Continue Watching niya. Puro tungkol sa law tsaka mga ginagamitan ng utak! How to Get Away with Murder, Sherlock, Suits, Black Mirror, Money Heist, tapos mga documentary. Nakakaloka naman 'tong lalaking 'to. Masyadong seryoso mga pinapanood. Ako, B99, How I Met Your Mother. Friends, ganoon. 


"You like mind-games, 'no?" Tanong ko. 


"Not with women," mabilis na sagot niya rin. 


Tinanong ko kung anong ibig niyang sabihin pero hindi na siya sumagot kaya nanood na lang ako ng Black Mirror. Pagkatapos ng isang episode, nakita kong tumayo na siya roon sa kinauupuan niya at naglakad na palapit sa sofa. Umupo siya sa kabilang dulo para may space kaming dalawa. 


"Tapos ka na mag-aral?" Tanong ko.


"Tapos ka na mag-ML?" 


Kumunot ang noo ko at tumingin sa kanya. "May galit ka na rin ba sa ML?" 


"Wala." Kinuha niya ang remote at siya ang nagtingin ng papanoorin. 


Tumingin ako sa bintana. "Padilim na pala. Baka mahirapan ako mag commute." 


"Hahatid kita," sabi niya habang nakatingin pa rin sa TV. 


Tumango ako, tinatago ang kilig. Napapadalas na ata ang hatid niya sa 'kin, ah. Baka isipin ko nang gusto niya 'kong kasama palagi. Pinagdasal ko pang sana may traffic para matagal ang byahe namin. 


"Unless you have other plans," he added.


Lumingon ako sa kanya at binitawan ang kurtinang hinawi ko para tumingin sa labas. "Huh?" Nawala tuloy ang kilig ko! 


"Unless may susundo sa 'yo," he shrugged. 


Okay, naguguluhan ako. "Sino naman susundo sa 'kin?" 


"How would I know?" He shot back. 


Bumalik ako sa inuupuan ko at umusog nang kaunti para mapalapit ako sa kanya. Dahil nasa dulo na siya, hindi na siya nakausog palayo sa 'kin. I looked at him with accusing eyes. 


"May problema ka ba sa 'kin, ha? Am I bothering you too much?" Mabuti nang malinaw kami! 


"No," mabilis na sagot niya. "Am I bothering you?" 


"What?! Siyempre hindi!" Tanggi ko kaagad. Gustong gusto ko nga na kinakausap niya 'ko, e! 


Ayokong maramdaman niya na parang ginugulo niya 'ko. Una sa lahat, sinusungitan nga niya ako kaya paano niya ako magugulo?! Tsaka hindi ako ganoon ka-busy ngayon 'di tulad niya. 


"Paano mo naman nasabing ginugulo mo 'ko, ha? Hindi mo nga ako masyadong kinakausap, e. Ako lang nage-effort sa relasyong 'to! Ayoko na, pagod na 'ko. Mabuti sana kung maghiwalay na lang tayo," pagbibiro ko. 


Umiling siya at hindi pinansin ang pagda-drama ko. See?! Hindi nga siya nagsasalita kaya paano niya masasabing nagugulo niya ko?! 


Kung guguluhin niya lang rin ako, guluhin na niya ako habang-buhay! 


"Do you want to watch something?" Tanong niya bigla sa 'kin. 


"I can watch you all day," I teased. 


I saw how he bit his lower lip to stop himself from smiling. Napanguso tuloy ako para pigilan din ang ngiti ko. Nakakahawa naman siya. Sus! Kinikilig sa 'kin! Kaunti na lang, pakiramdam ko mafa-fall na sa 'kin 'tong isang 'to. 


"Let's watch porn," I teased more. 


"Luna, what the fuck?!" He hissed. 


Tumawa ako nang malakas habang nakaturo pa sa mukha niya. 'Yung itsura niya halatang gulat at kayang kaya akong sipain palabas ng condo niya. Nakakatakot naman. Nagalit ata! 


"Ayaw mo noon? Friends with benefits na movie? O kaya No Strings Attached. You want?" Hindi ako tumigil.


I just found his reaction cute. Akala ko gwapo lang siya. May cute side pala siya. Mukhang nahihiya siya kapag ganito ang mga topic. 


"Stop." He rolled his eyes and turned the television off. "Let's go. Umuwi ka na." 


Tinawanan ko siya dahil bigla na lang niyang kinuha ang susi ng sasakyan niya. Halatang gusto na ako paalisin sa mga sinasabi ko! Sige na nga! Kinuha ko na rin ang bag ko para makauwi na. Sa susunod ka sa 'kin, Kalix! With consent. 


Sumakay kami sa kotse niya at nag-drive na siya papunta sa amin. Malayo pa naman ako kaya matagal pa ang byahe. Lakas ko kay Lord at dininggin ang mga dasal ko na sana traffic. 


Lord, next time, sana ma-fall na sa 'kin si Kalix, ha. Kaya today? Sana kaya today! 


"Ilan na naging ex mo?" Tanong ko sa kanya. "Including flings. Ilan?" 


"Why are we talking about that now?" Hindi niya 'ko sinagot. 


"Wala lang. Curious lang!" Sabi ko. 


"How about you?" 


I cleared my throat. "Dalawang serious ex-boyfriend and then fling-fling lang," I joked. 


Hindi siya sumagot. His lips were in a grim line, seryoso ang mukha habang nagda-drive. Hindi ko tuloy malaman kung anong ibig sabihin ng reaction niya na 'yon. 


"Bakit? Are you judging me?!" Dramatic na sabi ko sa kanya. "Sa ganda kong 'to, siyempre kailangan ko ring gamitin 'no!" 


"Ganoon ba 'yon?" Malamig na tanong niya. 


"Selos ka, baby?" I teased. 


Hindi siya sumagot. Nako, dapat sumagot siya kundi iisipin kong nagseselos nga talaga siya! Itong isang 'to, paasa rin talaga, e. 


"Ikaw naman, wag kang mag-alala. Single na ako ngayon! I'm very free for you!" I giggled. 


Hindi ulit siya sumagot. Ang uncooperative na naman sa mga landi ko! Hanggang sa makarating kami sa condo, hindi nagsalita. Nagsasalita lang kapag may tinatanong ako pero kapag nilalandi ko, walang response! Ang cold!


"Bye! Thanks for the ride!" Masaya pa rin ako kahit ang cold ng bibi ko. 


"I'll see you tomorrow," maikling sabi niya habang nakatingin sa harapan at hawak ng isang kamay ang steering wheel. 


"Huh? Magkikita tayo bukas?" Nagtatakang tanong ko. Wow, level up! 


"Ayaw mo ba?" Tinignan niya na 'ko. 


Nagulat naman ako sa tingin niya. Parang tumalon 'yung puso ko. Ako ata ang nafa-fall, Lord! Mali ata 'yung dinig mo sa dasal ko! 


"Date ba 'to?" Pang-aasar ko. 


"No. Fan-service," sarkastikong sagot niya. 


Tumawa ako. "Whatever, KJ. See you tomorrow!"  


Buti na lang hindi ko nakalimutang hindi ko pa siya jowa kung hindi hinalikan ko na siya sa pisngi. Hay, Kalix. Hanggang saan tayo dadalhin nitong ginagawa natin? 

________________________________________________________________________________

:)

Continue Reading

You'll Also Like

7.1M 228K 11
Special chapters/AUs that are written during my Write with Me session in KUMU! Join me for spoilers, polls, and prizes! Kumu: @gwy.saludes
4.9M 100K 67
PUBLISHED UNDER IMMAC PPH In the world of married couple, Miracle Fortalejo is not one of the lucky wives to experience the joy of it. With all the t...
1.9M 128K 46
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...
934K 34.1K 49
Sa edad na 22 years old ay nbsb pa rin si Ava. Wala rin syang experience sa dating. Zero ang love life nya. Never been kissed never been touched. Paa...