The Rain in España (Universit...

Por 4reuminct

150M 3.5M 7.9M

University Series #1 In a family of doctors, Kalix decided to take a different path and found himself studyin... Más

PROLOGUE
01
02
03
04
05
07
08
09
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
32
33
34
35
EPILOGUE
Author's Note

06

3.4M 91.3K 167K
Por 4reuminct


Gabing-gabi na at kakatapos ko lang mag-aral para sa quiz nang maisipan kong kulitin si Kalix kahit kanina pa siya nag goodnight. I opened my Instagram and sent him a message. Nagbabaka-sakali lang ako na gising pa siya. 


lunavaleria: are u CA because damn ang lakas ng appeal mo 


I giggled by myself. Ang tagal kong pinag-isipan 'yun. Court of Appeals... Appeal... Natawa ulit ako dahil sa sariling pick-up line. Napaka-brainy ko talaga. 


kalixjm: You need Jesus. 


Mas lalo akong natawa. Tinakpan ko ang bibig ko para pigilan ang tawa ko dahil baka maistorbo ko na naman si Kierra kahit malayo naman siya sa 'kin. Baka hindi na 'ko makatulog dahil dito kay Kalix, ah!


lunavaleria: bakit gising ka pa? :) pinag-iisipan mo ba ang galit mo sa samgyup? you're weird. may galit ka sa samgyup. are you a vegetarian?


kalixjm: Wala akong galit sa samgyup. 


lunavaleria: i have a feeling na tayo ang magiging magkalaban sa finals ng basketball 


kalixjm: Anong connect sa samgyup? 


lunavaleria: walang connection. tayo pwede magkaroon tho 


Seen


Tumawa ulit ako at nag-type. Ang lamig naman! Hindi man lang binigyan ng heart ang message ko. Huwag siyang mag-alala dahil balang-araw, magiging heart niya rin ako! Kailangan ko lang paganahin ang skills ko. 


lunavaleria: bakit gising ka pa? 


kalixjm: Hindi tulog. 


lunavaleria: ayos mo kausap ha. maglalawyer ka niyan? ganda ng reasoning mo ih 


kalixjm: Gulo mo. 


Ngumiti ako at nagtype na lang ng goodnight. May quiz pa ako bukas 'no! Natulog na lang ako dahil maaga pa 'ko bukas. Kahit papaano, kailangan ko pa ring mag-aral, 'no! Hindi sa kaniya umiikot ang mundo ko. 


"Ugh! Napaka epal!" 


Kaunti na lang susuntukin ko na ang screen ng cellphone ko nang makitang nag-IG story na naman si Adonis at nakita kong nagshe-share ng readings si Kalix tsaka 'yung Amethyst! Ang caption pa ay 'Sana ol'! Nakakainis! 


Dahil doon, hindi ko chinat si Kalix buong araw! As if naman na hahanap-hanapin niya ang chat ko. Busy naman siya roon sa readings at sa babae niya. Wow, kung maka-asta ako, akala mo naman ay kami na. Dapat pigilan ko 'tong pagiging ganito ko! 


Nakinig na lang ako nang maayos sa prof kong nagdidiscuss ng history of Archi. Jusko. Mayroon na nga nito noong first year, mayroon na naman ngayon. Si Via, nag-cutting ngayon para tapusin 'yung plates niya. Ang babaeng 'yon! Nagawa pang mag-cutting, ah! Si Kierra naman nakapahalumbaba at kaunti na lang babagsak na dahil sa antok. 


Buong araw, nag-focus lang ako sa klase. Noong uwian na, aayain ko sana si Kierra na kumain sa Dapitan pero mukhang antok na antok. Nagpuyat kasi kagabi para tapusin 'yung pinepaint niya kaya ayan ang napala. Hinayaan ko na lang siyang umuwi at ako na lang ang naglakad papuntang Dapitan para kumain. 


Nang nasa carpark na ako, mabuti na lang at nakita ko si Sevi na naglalakad! May hawak siyang milktea. Naka-uniform pa, naka-glasses, at naka backpack. Dali dali akong naglakad palapit para gulatin siya. 


"Hoy!" Sigaw niya kaagad nang kuhanin ko ang milktea sa kamay niya at ininuman 'yon. 


Hinigop ko hanggang sa makalahati bago ko binalik sa kanya. The look on his face screamed betrayal. Nakaawang ang labi niya at gulat na gulat sa ginawa ko na para bang pinatay ko ang kapamilya niya sa harapan niya. 


Pinabalik-balik niya ang tingin sa akin at sa milktea niya. "Kakabili ko lang nito?!" Reklamo niya sa 'kin.


"Karma." I smirked and encircled my arms around his neck. "Tara, Dapitan!" 


"Kakagaling ko lang doon!" Sabi niya pero sumunod pa rin naman siya sa 'kin dahil wala siyang choice. Matangkad siya kaya napayuko siya dahil hatak hatak ko siya sa may leeg. Nakaakbay kasi ako. Hindi naman siya maka-angal dahil baka makaagaw ng pansin kapag gumawa siya ng eksena. 


Sinamahan niya akong kumain ng street food. Nilibre ko na rin siya ng isaw dahil pinilit niya ako. Kawawa naman, e. Okay na rin dahil sinamahan naman niya ako. Nakatayo lang kami sa tapat ng Lovelite habang kumakain. Ako, nasa gutter at siya naman nasa harapan ko nakatayo. 


"Alam mo ba, nakita ko na naman sa IG story 'yung crush ko tsaka 'yung babae! Share pa sila ng binabasa nila! Nakakainis!" Pagrarant ko sa kanya. "Tapos sana all pa 'yung caption! Paano na ako?!" 


He looked at me and chewed slowly, mukhang nag iisip kung ano ang sasabihin niya. 


"Baka naman walang malisya. Ikaw lang naglalagay." 


Inismiran ko siya at galit na kinagatan ang hawak kong barbecue. Pati ata stick mababali ko sa ngipin ko dahil sa inis, e. Mababalatan ko pa. Pagkatapos, uminom ako ng palamig. Magsasalita na sana ako ulit nang barumbado niyang pinunasan ang bibig ko gamit ang panyo niya. 


Masama ko siyang tinignan. "Aray, ha!" Kung makapunas, akala mo nagpupunas lang ng lamesa si kumag! 


"Dungis, e." Umiling siya. 


"Pupunta kaya siya ngayon? Kapag pumunta siya at nakita ko siya diyan, hindi ko talaga siya papansinin! He cheated on me with that girl!" Inis na sabi ko. Biro lang. O.A lang talaga ako sa part na 'yon. 


He laughed at that. "Kayo na?"


"Sa future." I winked at him. Hindi niya sure! 


Tipid siyang napangiti sa sinabi ko at pinagpatuloy na lang ang pag-kain niya, mukhang malalim na ang iniisip ngayon. Nawala ata sa mood. Bakit? Kulang pa kaya ang nakain niyang isaw? 


"Crush na crush mo 'yun, 'no?" Tanong niya bigla habang nakatingin sa basong hawak niya. 


"Oo naman!" Masayang sagot ko. "Ewan ko ba, nati-thrill kasi ako! Ang sungit kasi, e! Parang achievement sa akin kapag napagsalita ko siya, alam mo 'yun? Pero hindi lang dahil sa thrill, ah! May something sa kanya na nakaka-attract. Ewan!" 


Pinagmasdan niya ako habang nagkekwento ako tungkol kay Kalix. Napatagal ang titig niya at napansin niya ata 'yon kaya umiwas siya ng tingin. Mabilis niyang tinapos ang pag-kain niya at tinapon ang stick sa basurahan.


"Alis na 'ko. May training kami," paalam niya bigla. 


"Tara! Sabay na tayo!" Inubos ko na 'yung barbecue bago kami sabay na naglakad pabalik sa UST.


Hindi siya nagsasalita habang pabalik kami. Moody rin 'tong isang 'to, e. Bigla-bigla na lang tumatahimik, tapos minsan naman sobrang ingay. Hindi ko na rin maintindihan. That was the least of my concern. 


Nauna na siya para magpalit ng damit habang ako naman, pumunta sa Joli's para bumili ng kailangan ko sa Architectural Design. Bumili na rin ako ng illustration board at papel para i-sketch 'yung gagawin ko sa plate na 'to. We were tasked to design a residential building. Matagal pa naman 'to pero gusto ko nang simulan. 


Nilapag ko ang cellphone ko habang nagdadrawing ako. Sa kalagitnaan, tumigil ako para i-untog nang mahina ang ulo ko sa lamesa dahil nadidistract ako sa mga iniisip ko at hindi ko matapos-tapos dahil wala akong concrete idea. 


"Why are you hurting yourself?" 


Muntik na akong bumaliktad sa inuupuan ko dahil sa mabilis kong pag-ayos ng upo nang marinig ang boses ni Kalix. Matagal ko siyang tinignan para i-process ang presensya niya sa harapan ko. He was wearing a white Gucci shirt and a pair of black pants. Suot niya ulit 'yung metal pendant niya. I can also smell his manly scent. 


Hindi ko siya pinansin gaya ng sabi ko kanina. Kinuha ko na lang ang lapis ko at nag-drawing na ulit kahit hindi ko alam kung ano ba talaga ang gusto ko i-drawing! Naiinis na ako kaya panay ako bura! 


Mas na-distract pa ako nang umupo siya sa tabi ko. Nakaharap ako sa may table at siya naman pabaliktad ang upo. Nakasandal ang likod niya sa table. 


"Someone's grumpy," he pointed out. 


Hindi ko pa rin siya pinansin. Napasinghap ako nang mapunit ko ang papel kakabura ko. I crumpled it and got another paper. I tried to draw again but I was so distracted. 


"Hey," he tried to call me again but I ignored him.


Ano ba 'yan! Bakit ba ako nagkakaganito! Akala ko ba crush lang! Kainis naman, e! 


"Luna," he called, trying to catch my attention. 


Pero... Bakit? Bawal na bang masaktan sa crush? Teka, baka naman kasi tama si Sevi at wala lang! Ewan! Bakit ba ako nagseselos? Ang babaw ko naman! 


He leaned on the table to look at me. Pinagpatuloy ko ang pagdadrawing ko pero shade lang naman ako nang shade kahit wala akong shine-shade. Parang tanga lang. 


"Hey, do we have a problem?" 


I was forced to look at him. I saw concern and confusion in his eyes. Halos manlambot ang tuhod ko. Ano ba 'tong ginagawa ko? Kawawa naman siya. Luna, cut it out! Tigilan mo! 


"Wala naman. Sorry. Stressed lang ako rito," pagpapalusot ko. I crumpled the paper again but he picked it up to take a look at my sketch. Nahiya kaagad ako dahil hindi naman maganda ang nakalagay doon. 


"It looks good," he complimented. 


Natawa ako roon. "Wala pa nga, e, good agad? Ni wala ngang ka-structure structure. Wala pa rin akong maisip. I'm so bothered." Masyado naman siyang plastik! Wala pa namang good doon! 


He tilted his head to the side a little. "Why? What's bothering you?"


"Why? Why are you curious about me now?" I arched a brow while smirking. 


He was taken aback by my words. Binitawan ko muna ang lapis at humarap sa kanya para makipag-usap nang maayos at mangulit. Tutal, wala rin naman akong maiisketch dahil wala talaga akong creative juices ngayon... Lalandiin ko na lang siya. 


"Bakit ka narito? You didn't message me! Sabi sa 'yo i-message mo muna ako. Mamaya magtampo ka na naman kasi wala ako rito like the last time," pang aasar ko.


"Hindi ako nagtampo," he clarified. 


"Weh?" I teased again. "Paano mo 'ko nahanap dito? Ang layo ng UST Hospital, ah. Don't tell me napadpad ka na lang dito bigla?" For sure, hinanap niya 'ko, 'di ba?! Malayo ang building ko sa hospital! 


"That's exactly what happened," he said, not giving in to my accusations. 


"Kumain ka na? May utang pa akong dinner sa 'yo, 'di ba? Anong gusto mo?" Pag-iba ko ng topic. Mabuti na lang at naalala ko 'yung dinner na 'yon para makasama ko siya nang matagal. 


Medyo napapansin kong lumelevel-up na ang mga sagot niya sa tanong ko. Nadadagdagan na ng mga unnecessary info. Dati naman, isang tanong isang sagot lang siya. Very straight to the point. Ngayon, nagdadagdag na siya ng.. mga words. 


"Anything. I'm not that hungry," he answered.


See?! Dati, anything lang ang isasagot niyan. Ngayon, may dagdag nang 'I'm not that hungry'! Level-up na ang relationship namin baka pwede ko na siyang ipakilala sa family ko? Char. 


"Humahaba na ang mga sinasagot mo sa 'kin, ah," sabi ko habang nagliligpit ako ng gamit. Ako lang ata 'yung nagbibigay meaning sa mga ganoon! Doon ako masaya, e!  


Hindi na tuloy siya nagsalita. Tumayo ako at naglakad-lakad habang nag-iisip kung saan ba kami kakain. España? Dapitan? Noval? Wala masyadong kainan sa Lacson. 


"Lutuan na lang kaya kita?" Lumingon ako sa kanya. 


Nakapamulsa lang siyang sumunod sa 'kin. Pinagtitinginan pa rin siya ng mga tao na parang ngayon lang sila nakakita ng studyanteng hindi taga-rito... baka nga gwapo lang kasi talaga... O baka both. 


"What do you mean?" Naguguluhang tanong niya.


"Anong what do you mean? I'll cook for you, simple as that. Sa condo tayo." 


Napahinto siya sa paglalakad at kumunot ang noo sa 'kin. Anong masama? Para namang inaakusahan niya 'ko sa tingin niya! Itong lalaking 'to, akala mo naman may gagawin ako sa kanya! Conservative ako! Chos. 


"Naroon 'yung pinsan ko! Si Kierra! Chill!" Pagdedepensa ko. Baka isipin niya e mamanyakin ko siya kaya ko siya dadalhin sa condo! Kita ko ang itsura niya, e! Mapanghusga! 


As if naman hindi pa kami nagsama sa iisang condo na kami lang dalawa. Hihi. 


"First dinner and you're asking me to eat in your condo?" Tinaas niya ang isang kilay sa 'kin. Wow, I never thought that he would value our 'first's so much. 


"Ay, ayaw mo ba? Gusto mo ba somewhere romantic? Ano? Pa-reserve ba tayo sa Solaire?" Pang-aasar ko ulit habang nakangisi.


He shook his head. "Let's just go." 


Tinalikuran niya ako at naglakad papuntang carpark. Sumakay kami sa kotse niya at nag-drive siya papuntang condo. Hindi na Mustang ang dala niya. This one was a Lexus SUV. Familiar sa akin. Ito ata 'yung dinadrive niya roon sa IG story ni Adonis. 'Yung nasa shotgun seat 'yung quartz na 'yun! 


"Seriously? Ilan sasakyan mo?" Curious na tanong ko.


"That's not important," masungit na sagot niya sa 'kin. O, e 'di siya na ang humble! Kapag tinatanong ko siya sa mga bagay tulad ng magkano pabango niya o kaya mga ganito, hindi niya sinasagot. Nakakatuwa naman. 


"Okay, Gucci," I teased him about his shirt. 


"Okay, BMW," he countered. 


Napatingin ako sa kanya. "How did you know?!" 


"BGC." 


Ngumuso ako at tumingin na lang sa harapan. He didn't want to talk about his riches and I also didn't want to talk about mine. 


"So... Are you planning to be corporate lawyer or a criminal lawyer?" Tanong ko dahil traffic at ayoko noong tahimik kami sa sasakyan. Kailangan kong mag-ingay. 


"I'm fine with both," he answered simply, like it wasn't that hard.


"Ano ba 'yan, pwede ba 'yun?" Reklamo ko. "Just pick one! Ano 'yung mas interested ka?" 


"Criminal, as of now, but it can change after law school." 


"Bakit criminal?" 


"So I can get you out of jail."


"Hey!" Singhal ko sa kanya. "Hindi ako makukulong, 'no!"


"With that mouth of yours? I doubt," he said smugly. 


Sumimangot ako. Muntik ko nang hatakin ang buhok niya pero nagdadrive siya kaya umayos na lang ako ng upo. Baka maaksidente pa kami nito. So he knew how to joke around, huh? Pakiramdam ko tuloy unti-unti ko na siyang napapalambot! Nilalaga ko siya nang matagal para rito! Sa wakas! May nangyayari na! 


"Bakit nga criminal?" Tanong ko ulit.


"I love the thrill," he answered while turning the steering wheel. 


Humarap ako sa kanya. "Hi! I'm The Thrill!" Inalok ko ang kamay ko. 


He chuckled at my flirty advances but he didn't even take my hand! Inirapan ko siya. Ang uncooperative niya, ha! 


Nag-park na siya at sumakay kaming elevator papunta sa unit ko. I didn't tell Kierra na pupunta si Kalix kaya for sure magugulat siya. To my surprise, when I opened the door, Kierra wasn't around. 


Napalingon ako kay Kalix, afraid that he was getting the wrong idea. 


"I... I think my cousin left." 


Tumaas ang isang kilay niya pagkasara ng pinto. Oh God, this would be so awkward. Ang lakas ng loob kong ayain siya rito dahil akala ko narito si Kierra pero naiwan lang kaming dalawa. Hindi naman ganoon ka-kapal ang mukha ko para hindi makaramdam ng hiya o awkwardness sa kanya! 


"Upo ka muna habang nagluluto ako." Tumuro ako sa sofa. May mga gamit pa roon kaya tinanggal ko muna at nilagay sa sahig. 


But he didn't sit down. He looked around the unit like he was surveying every corner. Hindi naman maliit ang unit ko dahil dalawa kami ni Kierra. Two bedrooms, one bathroom, tapos may living room at kitchen. Magulo nga lang ang living room dahil nga naroon 'yung mga pinag gagagawa namin ni Kierra. May plates, drawings, paintings, kung ano-anong libangan at requirements. 


Kalix looked around but his eyes remained on the miniature buildings I designed. Nasa taas kasi 'yun ng side table doon sa sofa. 


"You're good," he complimented. 


"Not really," I said shyly habang naghuhugas ng gulay. Ano ba 'yan! Pinapakilig naman ako! Kanina pa niya 'ko pinupuri. Baka isipin kong may gusto siya sa 'kin niyan, ah. 


Pinagmasdan niya rin 'yung ibang paintings. Ako, nagluluto ng sinigang. Iyon lang ang pwede kong lutuin sa nakita ko sa ref, e. Okay na siguro 'yun sa kanya. Huwag na siyang choosy kahit mukhang yummy.  


"You should design my house."


Napangiti ako. It was so easy for him to pick me just by looking at my sketches. Sana sa ibang bagay, piliin niya rin ako, 'di ba?! 


"Yeah, I should design our house," I joked. 


Hindi siya nagsalita. Hindi ko alam kung narinig niya ako o baka umaakto lang na hindi ako narinig. Busy siyang nagtitingin ng designs. 


"I would hire you in the future," sabi niya ulit. 


"I wish I could say the same to you but I don't want to become a criminal."


Tumawa siya sa sinabi ko. Totoo naman, ah! Sana hindi dumating ang araw na kakailanganin ko ng criminal lawyer! Okay na ang mga civil na kaso lang. Ayaw kong makulong! Sabi pa naman ng mga kaibigan ko, ako ang may potential na makasuhan dahil sa kulit ko! 


Sumandal ako sa countertop habang naghihintay sa niluluto ko. Nakaupo na siya sa sofa ngayon at hindi alam kung anong gagawin. Manood na lang siya ng TV para naman may background noise sa tahimik na unit. Lumapit ako at kinuha ang remote saka inabot ko sa kanya. 


"Nood ka muna Netflix," sabi ko para mabawasan ang katahimikan. 


It was so awkward! Bakit kailangan pang umalis ni Kierra?! Bad timing! Akala ko ba inaantok siya! Saan na naman nag punta 'yung babaeng 'yon, ha? 


Kinuha niya 'yung remote pero nilapag niya lang sa table at hindi nag-abalang buksan ang TV.  Naglabas lang siya ng mga papel. Tumalikod ako saglit para i-check 'yung niluluto ko pero paglingon ko sa kanya, naghihighlight na siya. Nakaupo siya sa sahig at sa coffee table siya nag-aaral. 


Hindi ko na siya kinausap dahil nga nag-aaral siya. Nang maluto na, naghain na ako. Pati kanin. Umupo naman siya kaagad doon sa dining table. Nang humigop siya sa sabaw, kabadong kabado ako! Para naman akong sumali sa Master Chef nito! 


"So? Anong lasa?" Tanong ko. I was confident with my cooking skills but when it came to him, I couldn't help but doubt myself! 


"It's good," tumango siya. Nakahinga ako nang maluwag at nagsimula na kaming kumain. Naghanap ako ng mapapag-usapan dahil masyadong tahimik. 


"Do you have someone you like right now?" I asked.


Nasamid siya sa iniinom niya kaya nagulat rin ako. Ano ba 'yan! Hindi ba niya inaasahan ang tanong ko? Palagi naman akong bumabanat nang ganoon. 


"What?" Gulat na tanong niya sa 'kin pagkababa niya ng baso. 


"Tinatanong ko lang kung may nagugustuhan ka ngayon? Kaklase mo ganoon?" Si Amethyst! 


He immediately shook his head with his forehead creased. "No! Blockcest." 


"Naniniwala ka roon?" Tumawa ako. May pakialam pala siya sa mga 'yon. Akala ko puro aral lang siya, e. "Anong inaaral mo ngayon? Are you a DL?" I asked. 


"Yes, why?" Simpleng sagot niya na parang hindi big deal. 


"Wow, congrats!" Sabi ko sa kanya. 


Pakiramdam ko tuloy ako ang nagluwal sa kanya sa sobrang proud ko. I can see that he was running for honors. I liked men who had brains. What I meant was... Of course, lahat ng tao may utak pero hindi lahat ginagamit 'yon nang tama. Wow, may instructions pala. 


"You always study. Mayroon ka bang lovelife? Kahit dati man lang?" Tanong ko ulit. 


He cleared his throat. "Of course." Nagselos ako kahit wala pa naman siyang kinekwento! "All flings. Nothing serious... at least for me," he said carefully. "But let's not talk about that." 


"Why? I want to talk about that," pakikipaglaban ko pa. 


"No, you don't." Umiling siya. 


Sumimangot ako at sinalpak ang kutsara sa bibig ko. Tama siya. Ayaw kong pag-usapan at malaman 'yung mga nakalandian niya noon! Nagseselos lang ako! Ganito rin kaya sila? Mas malala rito? Kumakain din ba sila ng sinigang sa condo? 


"Si Amethyst?" I can't help but ask. Kumunot ang noo niya at tinignan ako, naguguluhan kung anong gusto kong ipahiwatig. "Hindi mo crush?" I asked straight to the point. 


"Crush?" He chuckled. "What am I? A kid?"


Aray, ha! Ikaw nga crush kita, e! 


"You did not answer the question," I persisted. 


"No, Luna." He looked at me. "I don't have a crush on Amy. Okay na?" 


Nakasimangot pa rin ako. Para namang sinasabi niya lang 'yun para hindi ako mag-inaso dito! Bakit ba ako ganito? Napaka wala sa lugar. Naiinis na rin ako sa sarili ko. Kung ako si Kalix, mababadtrip ako sa 'kin. 


"Sayang," pagkukunwari ko. 


"What?" 


"Sayang hindi mo siya crush. Magkaka-lovelife ka na sana! Kailan mo ba balak? Gusto mo retohan kita?" I tried to act normal. 


Nakakunot pa rin ang noo niya habang nakatingin sa 'kin. Kumuha siya ng tubig at uminom doon, hindi ako sinasagot. Mukha siyang may iniisip. Hindi ko mabasa kung ano 'yon. 


"Huy, ano? Ayaw mo ba?" Pangungulit ko. 


Umiling siya at niligpit ang pinagkainan niya. Nilagay niya 'yon sa sink at sinimulang maghugas! Hindi ko na siya napigil! Binilisan ko na lang ang pag-kain ko at lumapit na sa kanya sa may sink para agawin ang hugasin. 


"Ako na dito." I pushed him a little to the side so I can steal his spot. 


"I'm already doing it," pakikipagtalo pa niya. 


Nagpumilit pa 'ko hanggang sa pumayag siyang ako na ang maghugas. Naghugas siya ng kamay at pumunta ulit sa coffee table para ligpitin na ang mga gamit niya. Mukhang uuwi na siya. Ang bilis naman! Eat and run! 


"Thanks for the dinner," seryosong sabi niya.


"Uuwi ka na? Wait lang! Hahatid kita sa parking! Tapusin ko lang 'to!" Pagpapanic ko dahil sinuot na niya ang backpack niya, ready na talagang umalis. Masyado naman ata siyang nagmamadali! 


Hindi siya sumagot at dire-diretso lang sa pinto. Basa ang kamay ko kaya hindi ko siya mahatak sa braso. Baka magalit siya kapag nabasa ang shirt niya kaya pinanood ko lang siyang buksan ang pinto. 


Bago niya tuluyang mabuksan 'yon, lumingon muna siya sa akin. 


"You're confusing me." He shook his head and left.

_______________________________________________________________________________

:)

Seguir leyendo

También te gustarán

559K 5K 28
Written by: 4reuminct Gwy Saludes.
43.3M 1.6M 48
UNIVERSITY SERIES #6 Past experiences. Broken hearts. Present tragedy. Those are the things Kierra Ynares from UST Architecture and Shan Lopez from D...
148K 5.3K 63
The Mistress in Brooklyn Clau and Dior Claudette fell in love with a married man, and being a Mistress is the closest she can get to be with him. But...
108K 1.7K 75
Apat na taon ng kasal si Shu sa isang lalaking ni minsan ay hindi pa niya nakikita o narinig manlang ang boses. Palibhasa ay hindi naman siya dapat a...