HIS HIDDEN IDENTITY (BOOK 1)...

By Vis-beyan28

678K 11.2K 519

(RAW/UNEDITED) Ahlisha Zoxzhen Bustamantelo has a simple life. She studies at public school and she always en... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 31
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Epilogue
Important Note
BOOK 2

Chapter 46

8.2K 163 5
By Vis-beyan28

Chapter 46:'AGAINST'

Ahli's POV

"Hey! Are you listening, tombs?"-nabalik ako sa realidad ng bahagyang pitikin ni khanz ang noo ko.

Aligaga akong napatingin sa kanya at bumungad sa akin ang kunot noo niyang mukha. Nagsusungit na naman. Mabilis naman akong umayos ng upo at saka hinarap siya.

Kasalukuyan kaming nakaupo sa damuhan dito sa garden habang nire-review niya ako tungkol sa magiging long quiz namin bukas. Eh nahihirapan akong mag review pero buti na lang nandito si khanz para tulungan ako. Lunch time naman at kakatapos lang naming kumain kaya nagderetso na kami dito para magreview. Tahimik naman at walang tao kaya makakapag concentrate ako.

"H-ha?"-naguguluhang tanong ko at saka napakamot sa ulo ko.

Hindi ko na kase napansin ang mga sinasabi niya sa akin dahil naalala ko ang nangyari kahapon noong nasa bahay ako nila mommy. Hanggang ngayon, hindi pa din ako makapaniwala sa nalaman ko. Inookupa na ng nangyari kahapon ang isip ko kaya pati ang dapat kong gawin ngayon eh hindi na ako makapag focus.

Humalukipkip ito at saka napabuntong hininga.

"Tomorrow will be you're long quiz and you must review ahlisha. You're not focusing at all."-panenermon niya at saka tinaasan ako ng kilay.

Ngumuso na lang ako at saka yumuko para itago ang pagkapahiya ko. Tama nga naman siya. Nandito na nga siya para tulungan ako, ako pa tong hindi nagfo-focus.

Hindi ko kase maiwasang alalahanin ang nangyari kahapon at hanggang ngayon, hindi pa din ako makapaniwala sa mga nalaman ko.

*Flashback*

"Mom! You're here!"-lalo pa akong nagulantang dahil sa sigaw ni morreth kay Marinel Kang at bakas sa mukha ko ang hindi kapaniwa-paniwalang reaksyon ko.

Sa dinami-rami ng taong magiging ina ni morreth ay siya pa. Yung taong pinaghihinalaan ko may kailangan siya sa akin. Paano nangyari yun? Bakit ngayon ko lang nalaman?

Gusto kong murahin ang sarili ko sa sobrang inis. Ano ba talaga tong napasok ko? Tama pa ba tong desisyon ko?

"Baby, I miss you so much!"-mula sa aura niyang istrikta ay naging malambing ito ng yakapin siya ni morreth.

Medyo nabigla pa nga ako dahil sa inasta niya. Sa harapan ko pa talaga. Hindi ba siya nadi-distract sa akin at kung makatawag siya sa kanyang anak parang walang taong nanonood ngayon?

"Mom, I'm not a baby anymore. Psh."-masungit na puna ni morreth at saka humiwalay sa yakap ng ina.

Lalo akong nagulat sa aking nasaksihan ngayon lang.

Nananaginip lang ba ako?

Totoo ba tong nakikita't naririnig ko?

"You're still my baby, morreth. Deny it or else--"

"Okay, okay! You're being strict again mom."-irap pa niya sa kaniyang ina at saka muling nahiga sa sofa.

Dun lang naman ako napansin ni Marinel Kang na halos ikaigtad ko pa sa gulat ng magtama ang paningin namin.

Naglakad siya papalapit sa kinauupuan ko na lalong kinalakas ng kabog ng dibdib ko. Hindi ako mapakali sa kinauupuan ko dahil sa sobrang kaba.

"It's nice to see you again...ahlisha."-nginitian niya ako na halos ikalaglag ng panga ko sa gulat. Buti na lang napigilan ko.

Napalunok ako.

Paano niya nalaman pangalan ko?

"K-kilala niyo po ako?"-taka kong tanong at muling napalunok. Pakiramdam ko may bumabara sa lalamunan ko. Nawala nga yung aura niyang nakakatakot pero hindi ko padin maiwasang kabahan.

"Like duh, ahli? My mom is tita's sister."-sabat naman ni morreth sa gilid ko.

Naisip ko na yung sinabi niya pero iba din pala kapag nanggaling na sa kanila ang totoo. Pakiramdam ko mas lalo akong kinabahan.

Noon kaseng nakabangga ko siya, iba yung tingin niya sakin eh. Pati yung kwintas ko. Hindi ko pa din nakakalimutan ang tagpo naming yun.

Naalala pa niya kaya?

Malamang! Alam nga niya pangalan ko eh! Yun pa kaya?

Hindi ako nakaimik sa sinabi niya. Pakiramdam ko naputol ang dila ko dahil hindi ako makapagsalita.

"Ate!"-napunta lahat ng atensyon namin ng marinig namin ang sigaw ni mommy kakababa pa lang ng hagdan.

Napangiti naman ng matamis si Marinel at saka sinalubong ng yakap si mommy. Hindi talaga ako makapaniwala! Kaya pala napapansin kong may kahawig si mommy at yun ay si Marinel! Bakit ngayon ko lang napagtanto?!

"How are you? Ilang araw ka ng di umuuwi. You're daughter misses you a lot."-biro ni mommy na kinasimangot ni morreth sa aking gilid.

"No, am not!"-maarteng tanggi niya agad.

Natawa naman silang dalawa. "Psh. Sungit."-natatawang ismid ni marinel na kinairap lang ni morreth.

"Sis, may hindi ka sinasabi sa akin."-biglang sabi ni marinel at saka napasulyap sa akin. Napatingin naman sa akin si mommy at napangiti.

"I found my daughter ate!"-masayang balita niya at saka marahang naglakad papalapit sa akin si mommy. Hinawakan niya ako sa kamay na hanggang ngayon ay hindi pa din makapaniwala sa mga nangyayari.

At habang unti-unti ko siyang nakikilala ay unti unti ko ding nari-realize na hindi isang kalaban si marinel kang. Lahat ng katanungan sa aking isip ay nasasagot.

"I'm happy for you! Do you remember when I have a appointment in a school? Nagkita na kami noon, at nakita ko ang kwintas na suot niya and found out she's you're daughter."-tila naliliwanagang sambit ni marinel na pinagtaka ni mommy.

"T-talaga po?"-hindi ko napigilang sambit.

Kaya pala ganun na lang siya makareact nung makita ang kwintas ko dahil ako pala ang hinahanap ng kapatid niyang nawawalang anak. Nagi-guilty nga ako kase kung ano anong naisip kong masama tungkol sa kanya.

Ngumiti si siya at marahang napatango. "From that moment, I knew that you were my sister's daughter that's why I was shock that time."

"But, you didn't told me..."-singit ni mommy na nakataas na ngayon ang kilay sa kanyang kapatid.

"Sorry dear sister. I forgot to tell you because I'm too busy to you're company."-sarkastikong biro niya na kinatawa ng mahina ni mommy sa aking tabi.

Di ko naman mapigilang mamangha sa kaclose-an nilang magkapatid. Kahit na napakaelegante at istrikta tignan ang mommy ni morreth ay iba padin ang trato niya kapag pamilya na niya ang pinag uusapan. Parehong pareho talaga sila ng ugali ni morreth. Kaya hindi na talaga ako nagtataka na nanay niya Ito.

"And I'm lucky having you ate. It's you're company now not mine anymore."

Parang may biglang pumasok sa isip ko ng marinig ko ang huling sinabi ni mommy.

Naalala ko noong tinanong ko kay hans tungkol kay marinel kang at nasabi niyang siya na ang nagma-manage ng companya ng kapatid niyang namatay. Ngayon, alam ko na ang totoo. Pinakiramdaman ko ang sarili ko habang pinagmamasdan silang dalawang nag uusap.

Wala na yung kabang nararamdaman ko. Wala na din yung hinalang nararamdaman ko kapag nakikita ko si marinel kang dahil dito mismo, napatunayan kong mahal na mahal niya si mommy bilang nakakabatang kapatid. At kaya niyang gawin lahat para dito. Anong nagawa ko para magkaroon ng ganitong kabait na pamilya?

*END OF FLASHBACK*

"TOMBS!!"

"HA? AH, ANO? SUNOOOOG??!! MAY SUNOG!----A-ARAY!"-malakas na daing ko ng bahagya niyang pitikin na naman ang noo ko pero ngayon, mas malakas na.

"Tss. OA! Ano bang nangyayari sayo?"-nakasimangot ng singhal niya sa akin.

Grabe talaga magsungit ang lalakeng to. Parang araw araw ay may regla, dinaig pa niya akong babae. Psh.

"Ginulat mo ako eh, kasalanan mo!"-bintang ko at saka nginusuan siya. Hinimas himas ko ulit yung noo kong pinitik niya. Hindi na ako magtataka kung namumula na noo ko.

"Stop pouting! "-inis niyang sambit kaya lalo akong napanguso.

Lalong kumunot noo niya at saka napapalunok na sumulyap sa nguso ko.

Nangyayare sa lokong to?

"Damn! J-just review, ok?"-mabilis siyang nag iwas ng tingin at saka aligagang kinuha ang notebook ko at binigay sakin ng hindi man lang ako tinitignan.

"Turuan mo ko."-sabi ko at binalik sa kanya yung notebook ko.

Sinamaan niya ako ng tingin kaya medyo napaatras ako.

Grabe mapikon ang dragon na ito. Kulang na lang bugahan niya ako ng apoy.

"Let's make a deal."-kapagkuwa'y sambit niya at napaharap sa akin. Nasa gitna namin ang mga notebook ko.

"Ano yun?"

"You'll review on you're own at kapag hindi mo nasagot ang tanong ko, you will face the consequence."-parang biglang may nakakalokong pumasok sa isip niya dahil napansin ko ang pagngisi niya. Yung tipong may masamang binabalak.

Napaatras ako ng kunti at saka tinignan siya na may nanunuring tingin.

"May binabalak ka no?"-biglang nawala yung ngisi niya at saka kunyaring seryoso akong tinignan.

Tinaasan niya ako ng kilay. "Wala naman. I just want to challenge you."-nagkibit balikat pa siya.

"Eh anong sinasabi mong consequence kapag hindi ko nasagot yung tanong mo?"

Napangisi siya dahilan para kilabutan ako.

Gago to ah. Sabi na nga ba at may masamang balak to eh,

"It's simple baby. You will just kiss me....on the lips."-ngingisi niya yun sinabi na para bang napaka simple lang ang gagawin ko!

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya at wala sa sariling binato sa kanya ang mga notebook ko.

"Manyak!"

Humagalpak siya ng tawa dahil sa sinabi ko. Yung mukha ko hindi na maipinta at para ng kamatis dahil sa pamumula ng pisngi ko. Bwisit!

"Pinaglololoko mo ba ako, khanzler?!"

"Nope."-iiling niyang sagot kaya lalong nanlaki ang mata ko.

"Ayoko! Halikan mo sarili mo!"

"Hey, bakit ba parang takot na takot ka? Magre-review ka naman kaya paniguradong masasagot mo lahat ng tanong ko."-natatawa niyang pahayag pero lalo akong napasimangot.

"Eh paano kung hindi aber?"

"Then you'll face the consequence."-ngisi niya.

Ha! Gago talaga ang lokong to. Anong akala niya sa akin uto-uto?

Natigilan ako at saka napaisip. Kung hindi ako makasagot, ibig sabihin hahalikan ko siya eh paano kapag nakasagot ako? Aha! Hahaha! Anong akala niya sa akin tanga? Kung siya may kapalit, ako din! Anong akala niya saken?

"Ok."-sagot ko na lalong kinalawak ng ngiti niya. "Pero kapag nakasagot ako, lahat ng tanong ko sasagutin mo."-dagdag ko pa.

Natigilan siya saglit at saka tumango. "Fine. I'll give you 30 minutes to review."

"ANO?!"

"30 minutes is enough, babe."-ngingisi niyang saad atsaka Inabot sa akin ang notebook ko.

"Kanina ka pa ha. Kanina lang baby tapos ngayon naman babe. Ang corny mo!"-ismid ko.

"Question number 1----"

"Hoy, joke lang. Di ka na mabiro eh. 30 minutes okay, hehehe."-inirapan lang niya ako at saka nagsimula ng kumalikot sa kanyang cellphone.

Psh. Ang hirap talaga mabiro sa lokong to. Pero sisiguraduhin kong masasagot ko lahat ng tanong niya at hinding hindi ka makakahalik sa akin. Wahahaha!

*After 30 minutes...*

"An objective is a performance goal as a desired outcome a target to which the actions of a manager and the people and resources he manages are directed to."

Napalunok ako at saka napaisip. Hawak hawak ko pa yung ballpen ko habang di mapakali kung anong gagawin ko dun. Samantalang tong ugok naman sayang saya pa habang pinapanood akong maghirap. Bwisit siya.

Ano bang pumasok sa isip ko at pumayag ako sa deal niya?

"5....4...3....2---"

"Daya mo! Teka naman, wala naman ganyan kapag magte-test kami bukas ah. Nagiisip pa ako eh."-maktol ko pero inirapan lang niya ako.

"Para mareview mo ng mabuti ang lesson niyo."-depensa niya pero inismiran ko lang siya.

May nalalaman pang para mareview ng mabuti eh gusto lang naman niyang makahalik. Psh. Pasimple.

"The time is ticking ahlisha---"

"Establishment of objectives!"-napangisi ako ng makitang napasimangot siya.

Wahahaha! Sabi na nga ba! Nasa akin padin ang huling halakhak!

"Tss. May kodigo ka noh?"-bintang niya.

Pinandilatan ko siya ng mata. "Hoy, hoy! Hindi ako gumagamit ng kodigo noh! Huwag kaseng maliitin tong utak ko, magaling magkabesado to!"-pagmamalaki ko pa.

"Tss. Question."-napapairap niyang tipid na wika.

"Hmm...may lahi ba kayo? Natatandaan ko kaseng chairman ang tawag mo sa lolo mo."-napapaisip kong tanong.

"I'm half korean. Chairman's daughter Is my mother and her maiden name is Choi."-nababagot pa niyang sagot pero ako ay bakas na sa mukha ang pagkagulat.

"Talaga? Koreano ka? Bakit hindi halata?"-namamanghang usal ko pero inirapan lang niya ako. Psh. Sungit talaga.

"Ang dami mo ng tanong. Isang tanong, isang sagot lang."

"Ha? Wala naman akong sinabing ganun ah? Ang daya mo!"

"Ok sige. Hahayaan kitang magtanong ng magtanong pero kapag hinalikan mo ako dapat 3minutes para fair."-napangisi siya.

"Fair? Utot mo!"

Natawa siya ng mahina.

"Hindi pwede yan. Papatayin mo ba ako? Baka mawalan pa ako ng hangin kapag 3 minutes kitang hahalikan!"

"Then let's go back to you're deal. Isang tanong, isang sagot lang."

Napairap na lang ako at saka napapabuntong hiningang sumuko. Napangisi siya at humanap ng tanong sa notebook ko.

Nababagot ko siyang tinignan dahil kanina pa siya papalit palit ng pahina sa notebook ko. Mahirap bang maghanap ng maitatanong? Kanina pa to ah.

"Khanz, ano na?"

"Tsk. Wait."-masungit niyang sabi at pagkalipas ng ilang segundo ay padabog niyang sinara at binaba ang notebook ko. Kunot noo ko siyang tinignan.

"Bakit?"-naguguluhan kong tanong pero seryoso lang niya akong tinignan.

May nagawa ba akong mali? Bakit ang seryoso naman niya? Nasapian ba to?

Deretso niya akong tinitigan sa mata.

"Do you love me?"

Bigla akong nabato sa kinauupuan ko sa biglaang tanong niya. Halos makalimutan ko ng huminga at pakiramdam ko sasabog na tong dibdib ko sa sabrong lakas ng kabog nito.

Bakit naman bigla bigla siyang nagtatanong ng ganito? Nasa lesson ba namin to? At bakit ang seryoso niya masyado?

Napalunok ako.

"K-khanz..."-pakiramdam ko may bumara sa lalamunan ko dahil hindi ako makapagsalita. Wala akong maisip na sabihin. Parang namental block ang isip ko.

"That's not the answer I want to know. You're answer is wrong then you must face the consequence."-seryoso niyang sabi at ako naman si tanga, hindi makapagsalita.

Lalong lumakas ang kabog ng dibdib ko sa sinabi niya.

"Khanz----"

Naputol ang anumang sasabihin ko ng mabilis siyang nakalapit sa akin at walang pasabing hinalikan sa labi!!

Halos mahulog ang mata ko sa damuhan sa sobrang gulat! Nakakabingi ang kabog ng dibdib ko at para bang tumigil na ang paghinga ko.

Ramdam na ramdam ko ang lambot ng kanyang labi at di ko maiwasang namnamin ang tamis na hatid nun. Tuluyan na akong nalunod at nawala sa sarili ng gumalaw ang kanyang labi habang ako ay napapikit at napakapit ng mahigpit sa kanyang braso.

Naramdaman ko naman ang paghapit niya sa bewang ko upang mapalapit sa kanya at nagtagumpay naman siya.

Bawat halik niya ay may halong pag iingat at napaka marahan. Kaya naman kahit anong gawin ko, napapasunod niya ako sa anumang gusto niyang gawin sa akin.

Sabay kaming naghabol ng hangin ng humiwalay ang mga labi namin pero nanatiling nakatuon ang ang noo ko sa noo niya kaya kahit paghinga niya ay ramdam na ramdam ko. Di na din maawat tong puso ko sa pagwawala kanina pa.

Nanatiling tahimik ang pagitan namin. Halos paghinga lang namin ang naririnig at nahihiya naman akong magsalita. Feeling ko pulang pula na ang mukha ko dahil hindi ko man lang naisip na nasa skwelahan kami at nagawa pa talaga naming maghalikan! Shit! Paano kung may makakita sa amin? Ano na lang sasabihin nila?

Napalunok ako.

"Just wait ahlisha and I promise to love you everyday. Wait for me, baby..."-huling sabi niya bago dampian ng magaan na halik ang ilong ko.

**

"Ahli, ano pang ginagawa mo dito? Gabi na."-bungad ni mama ng makitang nasa salas lang ako habang nakatulala sa kawalan.

Malapit ng mag alas diyes at hindi pa talaga ako makatulog. Ewan ko ba pero hindi ko talaga magawang matulog dahil kanina pa bumabagabag sa isip ko ang tanong ni khanz sa akin.

Do you love me?

Napapikit ako ng mariin ng bumilis ang kabog ng dibdib ko. Ano ba talagang sagot sa tanong niya? Mahal ko na ba talaga siya? Nalilito ako. Hindi ko mawari kung oo na ba o malapit na. Hindi ko talaga alam.

"Ma, paano mo ba malalaman na mahal mo na ang isang tao?"-wala sa arili kong tanong na kinatigil niya.

Pero kapagkuwa'y marahan siyang naupo sa tabi ko.

"Bakit mo naman natanong yan?"-taka niyang tanong.

Napabuntong hininga naman ako at saka napayuko. Pilit kong binaling ang atensyon ko sa kamay kong hindi mapakali.

Paano ko ba sasabihin sa kanya tong problema ko? Nahihiya ako. Hindi ko naman alam kung paano sisimulan ang pagtatanong sa kanya. Nalilito ako.

"Tungkol ba to sa boyfriend mo?"-kapagkuwa'y tanong niya at napahawak sa balikat ko.

Gulat naman akong napaangat ng tingin sa kaniya.

"P-paano niyo po nalaman na may b-boyfriend ako?"

Napangiti siya ng tipid. "Natatandaan mo ba noong pumunta ka kina ayna at pumunta dito ang boyfriend mo, hinahanap ka."

Dun lang ako naliwanagan. Naalala ko palang sinabi sa akin ni khanz na nag usap sila ni mama noon.

Ano kayang pinag usapan nila?

"Hindi po ba kayo galit dahil may b-boyfriend na ako?"-kinakabahan kong tanong at nang umiling siya ay para bang nabunutan ng tinik ang dibdib ko.

"Hindi naman ako galit. Nagpakilala lang naman siya sa akin bilang nobyo mo at nakikita ko namang kayang kaya ka niyang alagaan at bantayan kaya hindi ako magiging tutol sa relasyon niyo."-natigilan siya saglit at hinaplos ng marahan ang buhok ko. Huminga siya ng malalim.

"At sa tanong mo kaninang, paano mo ba malalaman na mahal mo na ang Isang tao? Ahli, tandaan mong ang pagmamahal mo sa Isang tao ay walang dahilan dahil kusa mo Itong mararamdaman. Hindi mo malalaman agad na mahal mo siya dahil minsan may nararamdaman tayong takot na aminin sa mismong sarili natin. Malalaman lang nito..."-tinuro niya ang puso ko. "Kapag nawala na ang takot at kapag handa ka na talagang mahalin siya. Hindi masamang magmahal, anak. Kaya huwag mong pipigilan ang sarili mo. Sundan mo ang gusto neto."-turo niya ulit sa puso ko at napangiti.

Di ko naman napigilan ang pagsilay ng ngiti sa aking labi at wala sa sariling napatango.

Tama naman si mama. Bakit ko pa ba pipigilan tong sarili ko kung noong una pa lang mahal ko na siya? Bakit naman ako matatakot na aminin sa kanya? Kung tong pagmamahal ko ay totoo?

Hintayin mo ako khanz, dahil sasabihin ko din sayo tong nararamdaman ko kapag nasabi mo na ring mahal mo na ako.

"Pero ahli..."-napatingin ako kay mama ng bahagya niyang hawakan ng mahigpit ang kamay ko na para bang kapag binitawan niya ay mawawala na ako. Nanibago ako bigla dahil naging seryoso ang kanyang mukha.

"Tandaan mong ang pagmamahal din ay kaakibat ng sakit. Kaya sana, hanggang maaga pa huwag mo na siyang mahalin ng lubos dahil sa huli may masasaktan sa inyong dalawa..."

Huling sabi niya na nagpakaba sa aking dibdib. Tuluyan ng nasakop ng takot ang buong pagkatao ko dahil paano ko magagawa yun kung ngayon ay alam ko ng minahal ko na siya ng sobra? Sobra pa sa sarili ko?

_______________________________________

A/N: What's up reader's? Namiss ko kayo, hehehe. Anyways, mahaba tong update ko ngayon, sana nag enjoy kayo kay ahli at khanz bebe. At huwag muna kayong mainip dahil nasa kalagitnaan na tayo ng kwento kaya abang abang lang ha? I love you all and God bless;)♥♥

Continue Reading

You'll Also Like

155K 8.8K 43
Tagalog Vampire-Romance story. Ano ang gagawin mo kapag tumira ka sa isang mansion kasama ang mga bampira? Ikaw ba ay matatakot o magmamahal? Hindi m...
6.9K 189 28
The last book of Battle Above the Clouds Series Everyone dreams for a perfect relationship. Some girls wants to marry a doctor,lawyer,architect and e...
9.9M 365K 53
I was called as the hummingbird with wings that could bring gorgeous chaos, a bird with sharpest beak and a bird with deceiving voice. I have the fea...
20.5M 704K 28
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as self-harm, physical violence, emotiona...