HIS HIDDEN IDENTITY (BOOK 1)...

By Vis-beyan28

680K 11.3K 519

(RAW/UNEDITED) Ahlisha Zoxzhen Bustamantelo has a simple life. She studies at public school and she always en... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 31
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Epilogue
Important Note
BOOK 2

Chapter 45

8.1K 177 4
By Vis-beyan28

Chapter 45: 'Alcantara sister's'

Ahli's POV

Makalipas lang ng ilang araw, lunes na at may pasok na! Parang kailan lang, nakahiga lang ako sa kama at walang magawa at ngayong araw parang ayaw ko pang pumasok. Pakiramdam ko nabitin ako sa semestral break namin.

Pero kahit anong angal kong wala akong magagawa. Papasok at papasok pa rin ako sa paaralan. Simula ng mag kaayos na kami ni 'mommy'. (-.-). Hanggang ngayon, hindi padin ako sanay na tawagin siyang 'mommy'. Nahihiya ako at parang ang sosyal naman pakinggan nun. Ayoko sana, pero yun na lang daw itawag ko sa kanya at 'mama' naman kay mama.

Yun nga, simula ng nagkabati na kami, palagi niya akong pinapasyal sa kung saan saan. Kumbaga, nagba-bonding. Nalaman na din ni hans na step sister lang niy ako pero kahit ganun, hindi nag iba ang trato namin sa isa't-isa. Para pa din siyang mas nakakatanda kung tratuhin at sungitan ako.

Para ngang ngayon na lang ako nakaramdaman ng ganitong 'saya'. Matagal ko ng hinhiling at talagang nagpapasalamat ako dahil natupad na. Wala na ata akong mahihiling pa. Pakiramdam ko buong-buo na ako at eLa nang kulang dahil nasa akin na lahat ng taong nagpapasaya sa akin.

Kahit late na akong pumasok sa klase, nanatili akong nakangiti. Kahit pinagalitan na ako ni sir montevaldejo, nginitian ko lang siya kaya naman lalo siyang nagalit at muntikan na akong palabasin, buti na lang dumating si principal para magmonitor bawat classroom. Nagtataka nga si ayna dahil para na daw akong nababaliw. Ano daw bang nangyari sa akin noong semestral break, para maging ganito ako kasing saya. Sabi pa niya, namaligno daw ako pero imbes na magalit nginitian ko siya ng pagka tamis-tamis.

Hindi makapaniwalang tinignan niya ako at saka nagtatakang dinuro.

"Hindi pala, na engkanto ka, tama! Naengkanto. Nababaliw ka na ahli. Diyosko, kung ako sayo magpa albularyo ka na. Sasamahan pa kita."-tatango niyang sabi at saka nagpamewang sa harapan ko.

Hindi pumasok ang second lecturer namin dahil absent kaya naman malaya kaming magingay ngayon dahil wala kaming bantay. Si ayna naman ay kanina pa nakatayo sa harapan ko na para bang sinesermunan.

"Tsk. Napaka OA mo talaga. Di ba pwedeng masaya lang ako?"-tinaasan ko siya ng kilay at saka nginisihan.

Nanlaki ang mata niya at saka sinabunutan ako dahilan para mapahiyaw ako.

"Aba at nginingisihan mo na ako. May iba sayo eh. Sabihin mo nga---oh my god!"-magaspang ang pagkaka english niya atsaka napatakip pa sa bibig. "Huwag mong sabihing, nagpo-prose sayo si khanz at ikakasal na kayo? Bakit ang bilis naman ata?"

Malakas ko siyang hinampas na malakas niyang kinasigaw dahilan para mapatingin sa kanya ang mga kaklase namin. Pero mabilis lang naman silang nag iwas.

"OA mong babae ka! Upakan kita diyan eh, kung ano anong iniisip mo!"

"Eh ano nga bang dahilan at bakit sobrang saya mo ngayon? Nagshashabu ka ba?"-hinimas niya ang balikat niyang hinampas ko at saka naupo na sa tabi ko.

Napangisi ako. "Bati na kase kami ni mama at saka nalaman ko na ang totoong nanay ko."

"Ows? Bati na kayo ni tita? Okay naman pala---TEKA! Anong totoong Ina? Mayron ba akong hindi nalalaman? Ano yun, may dalawa kang nanay?!"-gulat niyang sigaw kaya mabilis ko siyang sinuway at lumapit ng husto sa kanya.

"Huwag kang maingay."-asik ko at saka kinwento sa kanya kung anong nangyari. Kung paano ko nalaman at ang dahilan niya kung bakit ngayon niya lang ako nahanap.

Sobrang laki ng mata niya at halos malaglag na panga niya sa gulat.

Tinawanan ko na lang siya kase para na siyang naestatwa at hindi na makapagsalita.

**

"Seryoso, ahli? Ipakilala mo naman ako sa totoo mong nanay. Ano, maganda ba siya? Magkamukha kayo? O baka naman, mas maganda pa siya kaysa sayo? Naku, gusto ko siyang makita!"-excited pa siyang nagpapa palakpak habang naglalakad kami papuntang canteen.

Hindi ko nakita si khanz ngayon at sana, makita ko siya dito sa canteen. Hindi na kami nagkausap kahapon dahil wala naman kaming komunikasyon. Wala akong cellphone eh. Tsk.

"Tumigil ka nga diyan. Para kang siraulo. Parang ikaw pa ang anak dahil sa sobrang pagka excited mo."-ismid ko sa kanya kaya napanguso siya.

"Alam mo naman, magpapabida na ako sa nanay mo baka ayaw pa niya ako maging kaibigan mo. Sige ka, mawawalan ka ng magandang kaibigan."-at saka napahagikgik sa huling sinabi.

Napangiwi ako. "Share mo lang."-irap ko at saka di na siya pinansin.

Siya ata na engkanto sa aming dalawa eh.

Nagpatuloy lang kami sa paglalakad hanggang sa nakapasok kami, dun ko agad nakita si khanz. Napangiti ako at akmang tatawagin siya ng mapansin ko kung sino ang katabi niya. Nakita ko pa lang si thamy, pakiramdam ko yung magandang mood ko ay para bang nawala. Ang kaninang ngiti sa labi ko ay unti-unting nawawala.

Nasa pinaka gilid silang lamesa habang nagtatawanan na para bang walang tao sa paligid nila. Kung hampasin ni thamy ang balikat ni khanz ay parang may relasyon sila eh. At ito namang gagong to, tumatawa lang! Aba at! Mga lalake naman oh! Wala lang sa paligid ang girlfriend nila eh nakikipaglandian na sa iba. Nakalimutan pa niya akong sunduin sa klase ko kanina at nauna nang kumain!

Agad na nalukot ang mukha ko habang si ayna ay nakangiwi narin habang pinapanood silang nagtatawanan.

"Tsk, tsk. Alam mo, kung ako sayo susugudin ko yang linta'ng yan at saka sasabunutan. Sabihin mong, 'walangya ka! Nanlalandi ka pa eh may girlfriend na yan! Malandi ka!' Tapos sampalin mo siya. Yung tipong, mapapa iyak siya sa sakit. Tapos kapag, makikisabat tong boyfriend mo, duruin mo siya tapos sabihin mong, 'isa ka pa! Alam mo na ngang may girlfriend ka na, nagawa mo pang makipaglandian sa linta na to. Magsama kayo!' Atsaka sampalin mo din siya and then, mag wa-walk out ka at ako naman bilang kaibigan mo duduruin ko boyfriend mo at sasabihing, 'huwag kang susunod' at mag wa-walk out din ako."

Kumunot ang noo ko sa mahabang linatanya niya. "Ang kaso, hindi ikaw ako. Kung maka sabi ito parang ikaw pinagtaksilan at dahil ako ang girlfriend hindi yun ang gagawin ko."-ismid ko.

Nanatili naman kaming nakatayo sa gitna habang may masamang tingin sa dalawa na para bang hindi kami napapansin dahil busy sila sa isa't-isa.

"Ano naman?"-takang tanong niya.

"Dahil brutal ako, susuntukin ko sa mukha yung babae, tapos kukunin ko yung gamit niyang tinidor at isasaksak sa kanyang kamay para dama niya galit ko. At kapag sasabat naman ang gagong boyfriend ko, sisikmuraan ko siya at susuntukin sa mukha sabay sabing, 'break na tayo! Magsama kayo ng kabit mo!' Tapos muli ko siyang sasapakin at mag wa-walk out."

"Ay! Bet ko yan!"-at tumawa pa siya na parang kontrabida tapos may background music pa na parang may kumikidlat.

"Pero dahil hindi ko yun kaya, sa isip ko na lang yun gagawin. Tara na."-malungkot akong umalis at mabilis na lumabas ng canteen.

Nakikita ko pa lang siyang masaya sa piling ng iba, nadudurog na ang puso ko. Nasasaktan ako sa Isiping hindi lang ako ang maaaring makapagpatawa sa kanya ng ganun dahil may kahati ako.

Hindi ko gusto na may kahati ako. Madamot mang pakinggan pero yun ang gusto ko. Nagiging selosa ako pagdating sa kanya. Nagiging madamot ako pagdating sa kanya.

Ayokong mawala ang kasiyahan ko. Ayokong maagaw ng iba si khanz...

**

"Hey, are sure you're okay? Bakit ang tahimik mo?"-takang tanong ni khanz habang naglalakad kami patungong parking lot.

Ewan ko kung anong pumasok sa isip niya at nagawa pa niya akong sunduin pagkatapos ng klase ko bakit hindi na lang si thamy. Tutal siya naman kasama niyang kumain kanina. Tsk.

At dahil naiinis ako sa kanya, hindi ko siya pinapansin. Kanina pa siya tanong ng tanong. Iling o tango lang ang sinasagot ko. Manigas siya diyan, hindi ko siya kikibuin.

Kung makatawa siya kanina kasama yung thamy na yun, parang wala siyang girlfriend.  Eh kung may kasama kaya akong lalake? Tignan na lang natin kung hindi siya magwawala sa selos. Tss. Bwisit siya.

Uwian na at si ayna naman ay nauna na dahil sinundo siya ni renzo kaya naman wala na akong choice kundi sumama sa manlolokong to.

"Ahlisha.,, why are you not talking to me?"-kunot noo niyang tanong at saka tinitigan ako. Pilit na inoobserbahan ang mga reaksyon ko.

Nagpatuloy kami sa paglalakad hanggang sa nakalabas kami ng St. Montris hindi ko siya kinibo.

"May problema ba tayo?"-tanong na naman niya kaya di ko napigilan mapangisi ng sarkastiko.

"Sa tingin mo? May problema ba tayo khanz?"-pagbabalik ko sa kanya ng tanong.

Natigil kami sa paglalakad ng makadating kami sa kotse niya. Hinarap ko siya na may halong sarkastikong tingin.

Nanatili naman siyang nakapamulsa. Nagpi-feeling fpg. Tsk.

"I asked first ahlisha. Bakit mo binabalik sa akin ang tanong?"-kunot noo niyang tugon.

Lalo akong nainis sa Inasta niya. Bwisit siya. Nakakairira siya! Manhid!

"Psh! Manhid ka! Manigas ka diyan, gago!"-sigaw ko at saka padabog na pumasok sa kanyang kotse. Kung pwede lang basagin tong mga windshield niya, ginawa ko na sa sobrang pagkairita.

Nakabusangot akong humalukipkip habang bumubulong bulong. Nang makapasok naman siya ay hindi ko padin siya pinapansin.

Wala kaming imik ng paandarin niya ang kanyang kotse. Minsan napapasulyap ako sa kanya dahil kanina pa siya nakangisi na hindi ko maintindihan.

Tss. Natutuwa siguro ang gagong to, dahil nainis na naman niya ako.

Ganyan naman yan eh! Palaging may topak! Sinigawan ko na nga, ngingisi pa. Peste siya. Nabi-bwisit ako sa kanya.

Saka lang nabasag ang katahimikan sa loob ng binuksan niya ang radyo ng kanyang kotse. Agad na umalingawngaw ang kanta ni 'April boy' na lalong kina Irita ko dahil sumabay na siya sa kanta.

~'Bakit ba ako'y laging ganito
Lagi akong di mo pinapansin
Para na lang akong laging
Sumusunod sa gusto mo
Lagi kitang inaalala
Kahit di mo ako pansin
Honey,my love, so sweet...~

Pakiramdam ko pinaparinggan niya ako gamit ng kantang yun. Para akong sasabog na bulkan dahil sa sobrang pagtitimpi. Samantalang siya, may pasipol sipol pa siyang nalalaman tapos ngingisi at kakanta na may halong pagpaparinig.

~'Kahit ako'y di mo pinapansin,
Hindi ako nagagalit sayo
Pagka't alam ko na ang iyong
Damdamin para sa kin
Hindi mo lang alam ang aking
Nadarama pag kapiling ka,
Honey, my love, so sweet...~

"Nagpaparinig ka ba? Sabihin mo lang, naiinis na ako sayo."-di ko na napigilang isumbat yun sa kanya. Kanina pa ako nagtitimpi at baka sa sobrang inis ko, tatalon ako dito.

Parang wala naman siyang narinig dahil nagpatuloy lang siya sa pagkanta. Ahh...gumaganti na siya ganun?

~'Kahit sino ka pa basta't mahal kita
Lagi na lang akong sumusunod sayo,

"Khanz! Tumigil ka na! Sasapakin na talaga kita---"

~'Mahal kita at yan ay totoo...
'Ahli', my love, so sweet...~

Kusang tumikom ang bibig ko ng marinig ang huling kanta niya. Ang kaninang iritang nararamdaman ko ay tila napupuyos na kandila. Unti-unting nawawala at napalitan yun ng di maipaliwanag na pakiramdam.

Nag iinit ang mga pisngi ko at pilit na kinakagat ang labi ko para itago ang ngiti sa aking labi.

Bwisit! Simpleng mga salita lang niya, ang laki na ng epekto sa buong sistema ko. Paano mo nagagawa sa akin to khanz?

Pagkatapos ng mala 'april boy' niyang kanta, saka lang siya humagalpak ng tawa. Yung tipong parang wala ng bukas. Napapahawak pa siya sa kanyang tiyan habang ako ay inirapan na lang siya.

"Damn, you're cute when you're jealous my love."-natatawa pa niyang sambit at saka napailing iling.

Nanlaki naman ang mga mata ko sa huling sinabi niya. Dalawang salita yung tumatak sa isipan ko eh. Yung selos, atleast maiintindihan ko pa pero yung m-my love...ano daw? MY LOVE DAW? PSH! UTOT NIYA---PERO KINILIG AKO!!!

Bwisit na ulupong na to! Bakit ang lakas ng tama ko sa lalakeng to? Isang salita lang niya ang bilis kong tumiklop. May sira na ata sakin.

"D-di ako nagseselos ah! K-kanino naman ako magseselos aber? At saka huwag mo nga akong tawagin ng ganun. Korni mo!"-kunyaring galit-galitan kong sabi pero parang gusto kong sumigaw sa sobrang kilig! Tangna!

"I'm not dumb ahlisha. I saw you earlier with you're friend. Alam kong nakita mo kami ni thamy."-pagpupunto niya at saka ngumisi.

"Alam mo naman pala, bakit hindi ka nagpaliwanag sa akin?"-pabulong kong ismid at saka napairap sa kawalan.

"Because if you have trust on me, hindi ka mag iisip ng kahit ano sa aming dalawa."-nagulat ako sa sinabi niya.

Narinig niya yung sinabi ko?! Bwisit na bungangang to! Pahamak! Pero himdi lang yun ang kinagulat ko. Agad na tumatak sa Isip ko ang unang sinabi niya.

"Kapag sinabi kong ikaw lang, ikaw lang ahlisha. Wala ng iba."-natulala ako ng sabihin niya mismo sa akin habang nakatingin ng deretso sa aking mata. Limang segundo ang lumipas ng ngitian niya ako dahilan para lalong kumabog ang dibdib ko.

Muli siyang tumingin sa dinadaanan namin habang ako ay nanatiling pinagmamasdan ang ngiti niyang nagbibigay ng saya sa aking buong pagkatao.

**

Sinabi ko sa kanyang hindi sa bahay niya ako Ihahatid dahil pupunta ako ngayon sa bahay ni mommy. Gusto daw ako ulit makita ni mommy kaya dun ako dederetso.

Nagtaka nga si khanz dahil nagkabati na pala kami at hindi ko pa nake-kwento sa kanya. Kaya ng sinabi ko sa kanya kung pano kami nagkabati, tango lang ang sinagot niya at saka ako nginitian.

Nanatili akong nasa kotse niya ng makadating kami sa mansion nila mommy. Nagtataka ako kung bakit hindi pa niya ako pinabababa.

"Here. Ako lang dapat ang ka text at katawag mo, understand? If someone tries to get you're number, number ko ang ibibigay mo."-paalala niya at saka may inabot sa akin dahilan para magtaka ako.

"H-ha? Anong---"-di ko na natapos ang sasabihin ko ng makita kung ano yun, halos malaglag ang panga ko sa gulat dahil sa binigay niya. Nagtataka akong tinignan siya.

"Khanz, hindi mo kailangang bilhan mo ko ng cellphone. Hindi ko naman kailangan yan atsaka isa pa---"

"I don't take anything in return other than 'thank you'."-pigil niya sa anumang sasabihin ko.

Sa lahat ng ginawa niyang effort, hinding hindi ko makakalimutan lahat ng ginawa niya para lang mapasaya ako. Sinsero ko siyang nginitian at mabilis na niyakap.

"Salamat, khanz."-bulong ko sa kanyang tenga at mabilis na hinalikan ang kanyang pisngi.

Kita ko naman ang kanyang pagngisi at saka ang pag iwas niya ng tingin ng kumalas ako.

Saka ko lang napansin na may maliit na keychain na nakasabit sa taas ng case ng cellphone. Isa yung maliit na lalake na naka t-shirt ng kulay pink at nakashort ng blue tapos naka rubber shoes pa. Ang cute ngang tignan dahil parang nag blush pa ang pisngi niya.

Nakarinig naman ako ng pagtikhim kaya nabaling kay khanz ang atensyon ko.

"Pareho tayo."-tipid niyang sagot at saka pinakita sakin yung keychain ng kanyang cellphone pero babae yung nandun. Naka jacket na panglalake at naka cap pa. Ang angas nun tignan kayo lalo akong nacute-an.

"Si tombs to."-turo niya sa keychain niya dahilan para ngayon ko lang magets kung anong Ibig sabihin ng keychain namin. Natawa na lang ako.

Kaya pala ang angas nung tignan.

"At si bads naman to."-pinakita ko yung keychain ko. Kaya pala kulay pink ang t-shirt niya at nag blush pa. Di ko mapigilang mapangiti sa tuwa.

"Ang korni mo pala. May naisip ka pa talagang ganito?"-biro ko na mabilis niyang kina iwas ng tingin at saka kunwaring tumikhim.

"N-naisip ko lang. Tss. Baba na nga."-pagsusungit niya.

Imbes na mainis ako, natawa na lang ako habang Iiling Iling. Kahit ilang oras lang kaming nagsama ngayon, hindi parin siya nabigong pasayahin ako.

"Kita na lang tayo bukas bads. Text kita mamaya, para naman hindi ka maboring kakahintay."-ngisi ko at saka dali dali ng bumaba sa kanyang kotse. Di ko na narinig ang pagsusungit niya dahil malakas kong sinarado ang pinto at nagtatatakbong pumasok sa mansion.

Narinig ko pa siyang bumusina at tuluyan ng pinaharurot ang kanyang kotse.

Di ko naman mapigilang mapatingin sa bigay niyang cellphone kaya lalo akong napangiti at iiling iling na pumasok sa mansion. Agad na bumungad sa akin si morreth sa salas na nakatihaya pa sa sofa habang nanonood sa malaking tv.

Palaisipian padin sa akin kung ka-ano ano ni mommy sina morreth. Hindi pa naman nila sinasabi sa akin kung anong ugnayan nila at kung bakit dito nakatira si morreth. Iniisip ko ngang anak siya ni mommy sa iba pero napatunayan kong hindi dahil nalaman kong simula ng maghiwalay sila ni papa ay hindi na humanap ng iba si mommy dahil hanggang ngayon, mahal pa din niya si papa.

Bumalik lang ako sa realidad ng bumaling sakin si morreth. Tinaasan niya ako ng kilay. Hindi naman ako nag react dahil alam kong ganun lang talaga siya. Hindi naman siya masungit na masungit na yung tipong parang spoil brat. Dahil si morreth napaka mature kung mag isip. Mataray lang siya kapag ayaw niya ang isang tao. Sa liit ng panahon na nakilala ko siya, napansin ko na yun. At nakasanayan na din ang ugali niya.

"Tita is upstair. Hintayin mo na lang siya dito, baka pababa na yun."-sambit niya bago tinapon ang tingin sa pinapanood.

Tumango na lang ako at saka naglakad papalapit sa gawi niya. Umupo ako sa gilid niya kung saan nandun ang single sofa.

Paulit-ulit ko ng naririnig ang salitang tita kapag binabanggit niya si mommy pero hindi ko nga lang matukoy kung magkamag anak ba sila o baka naman, ampon siya? Hindi naman yun impossible. Pero kung titignang mabuti si morreth, may pagkahawig sila ni mommy. At kapag pinagmamasdan ko naman si mommy leyah, parang may kamukha siyang nakilala ko na. Pero hindi ko lang maalala kung sino.

"Staring at me is rude couz."-natatawang puna ni morreth ng mapansin niyang nakatitig na ako sa kanya. Pero hindi yun ang naging dahilan kung bakit ako nagulat kundi sa sinabi niya.

"Couz?"-taka kong tanong na naging dahilan ng pag ngisi niya.

Dun na ako nahulog sa aking pag iisip. Anong ibig niyang sabihin? Mag pinsan kami? Kaya ba napapansin ko minsan na may pagkahawig sila ni mommy? Bakit hindi ko alam? At kung may pinsan ako, ibig sabihin, may kapatid si mommy? Sino?

"You don't know, don't you? "-ngumiti siya ng nakakaloko at napaupo. Hinarap niya ako na may nakakalokong tingin. Mukhang aliw na aliw dahil sa naguguluhan kong mukha na ngayon ay hindi na maipinta.

"A-ang alin?"-kunot noo kong tanong at napalunok. Bakit pakiramdam ko kinakabahan ako?

Humigpit ang pagkakahawak ko sa cellphone na binigay ni khanz sa akin. Naramdaman ko pang nag vibrate Ito, pero di ko pinansin dahil nakatuon ang buong atensyon ko sa susunod na sasabihin ni morreth.

"Nobody informs me that we have visitor."-naputol ang titigan naming dalawa ng makarinig ako ng boses na nagmumula sa aming likuran.

Sabay kaming napalingon doon at halos lumuwa ang mga mata ko sa gulat ng mapagsino ang may ari ng boses na yun!

Halos malaglag ang panga ko sa pagkabigla at hindi na maawat ang malakas na kabog ng dibdib ko sa sobrang kaba.

P-paano nangyari to?

Nasa harapan ko ngayon ang babaeng napaka elegante at pormal ang bawat tindig at kilos pero naghahatid sa buong pagkatao ko ang takot at pangamba ang kanyang aura.

"Mom! You're here!"-pakinig ko ang masayang boses ni morreth at saka dali daling sinalubong ng yakap ang kanyang ina...

Ina? Bakit ngayon ko lang napansing magkamukha pala sila? Bakit ngayon ko lang napagtantong ang nanay ni morreth at ang kapatid ni mommy ay walang iba kundi si...

Marinel Kang...

________________________________________

A/N: Bawing bawi si author ngayon, hehehe. Mahaba tong chapter na to kaya sana nag enjoy kayo! Pls, do vote and comment my beloved readers!♥♥

Goodnight evryone and God bless

Continue Reading

You'll Also Like

227K 5.8K 59
Every people have a hidden secret.. She's Clarity,the innocent lady and 'THE MYSTERIOUS PRINCESS' .
1.8K 406 27
Isang section ang mapapasabak sa isang hamon na hindi nila alam kung paano nga ba sila napapunta doon. Isang hamon na kailangan nilang malampasan, ku...
29.1K 653 29
In the eyes of everyone, Arzi has the perfect family that everyone dreamed of. Despite the wealth and power that her Family has, she never feels so h...
189K 7.1K 82
Myth Series 3 Will the King of The Sea marry a mortal woman who is not even destined to be his bride?