Scary Stories 5

By Sheree_Mi_Amour

41.4K 1.3K 19

The stories you're about to read are not mine. These are all from the popular Facebook page "Spookify". Enjoy... More

Nueva Ecija - 1997
Ang MedRep
Maynila - 1993
Nueva Ecija - 1989
Tapik
Mindoro - 2006
Pamahiin sa Patay
Cagayan de Oro - 1950
San Mateo, Rizal - 1996
Bicol - 1955
Camping sa Baguio
PUP Scary Stories
Look Up, Up, Up
Serial Killer si Madam
The Horror Stories of Mindanao State University, Marawi City
Ilaw at Sigaw
The Customer
Opisina
R.L.E.
Full Moon
Nagpaparamdam na mga patay
Baguio Experience - 2019
Haligi ng Tahanan
Compiled Stories 1
Dugwak
Immersion (Parts 1-5)
Kulam
Caramoan
Accident call
Batangas (Bundok) (Parts 1-5)
Manggagamot
Bakanteng Lote
Nang dahil sa sampung piso
No one will know (Parts 1 & 2)
No one will know (Parts 3 & 4)
Compiled Stories 2
Station 4
Parola
Mananabtan
Katotohanan (Parts 1 & 2)
Ortigas - 6/29/19
Factory
Engineering Building
Bisita sa Bicol
Haunted Supermarket
Ang Engkanto sa Parking Lot ng Trinoma
Auntie V
Auntie V (Balikan)
Tubuhan (Parts 1 & 2 + Prequel)
Compiled Stories 3
Ingay ng Bulong (Parts 1 & 2)
Education Building
Bakuran
Mountaineer Stories
Hinang-hina ang Gabay namin
Playground of Ghost and Such (Parts 1-3)
Amadeuz Tale : Jenny
Salabay
Bulong
Past 3AM
Yaya
Ligaw
The Unsolved Mystery in my School
Compiled Stories 4
Unfamiliar face of a girl on the stair
Summer Vacation (Parts 1 & 2)
Training Center
The Museum
When Someone's Dying
Third Eye
Compiled Stories 5p
Orphanage
Sapi
Kababata/Baway
Random Stories (Parts 1 & 2)
Kasunduan sa Demonyo
Anita, Babaeng Itim, Paring Pugot at Retreat
Nakita Kita
Compiled Stories 6
Land of the Rising Sun
LAStsING
The Wake & The Game
Di na tayo pwede
Pag oras mo na, oras mo na
Compiled Stories 7
Boundary at Subdivision
Lungsod ng Quezon - 2009
About Doppelgangers
Kaybiang Tunnel Stories
Compiled Stories 8
Who is she? (Parts 1 & 2)
Mackaroo's Journal : My Last Confession
11/21
1994
Compiled Stories 9
Kay-Anlog Road
Ang Batang Tambay sa 14th Floor
Compiled Stories 10
Multo sa Mall?
Hilaga
Dalisay + Faith Healer
Earthquake Drill
Kuya Leo and Ate Lea
Gown
My Lola's Story (Parts 1-3)
Compiled Stories 11
Kulam Adventures (Parts 1-3)
Doppelganger Stories
The Chronicles of Nadia (Parts 1-5)
Compiled Stories 12
Stranger Danger
Dayo
Friday Night at Ang Babae sa Mall
NoSleep Series : Trabaho sa Dark Web (Parts 1-5)
Davao Doctors College (6th Floor Cad Bldg)
Unknown
Dyablo Island
My Lola and I (Parts 1-3)
Enchanted
Auditorium (Parts 1 & 2)
Kulam ba o Mental Illness?
Tubuhan: Triangle
Compiled Stories 13
Pamahiin
Ngiti
Engkanto
Compiled Stories 14
Madre
Me and My Two Best Friends (Parts 1-4)
Lason
Compiled Stories 15
Si Ninong (Parts 1 & 2)
Jose + Sumpa
Spirit of the Coin
Black Witch (Parts 1 & 2)
Compiled Stories 16
Mahiwagang Garden (Parts 1 & 2)
NoSleep One-shot Story : Ang Insidente sa Highway 1093
NoSleep One-shot Story : Parang may mali sa aking Lasik Surgery
The Sign
Compiled Stories 17
Compiled Stories 18
Compiled Stories 19
Kasabay
Ngayon naniniwala na ako
Papatayin kita
Mga kababalaghan
Naririnig kita
Compiled Stories 20
Compiled Stories 21
UV Express, Black and White Feathers at Si Anna
Psychosis (Caloy from Cebu)
Come Again
Compiled Stories 22
New Found Friend
Creepy Classroom
Bicol Dekada Otsenta
Hindi lang kami ang baliw dito, Miss
NoSleep (One-Shot Story) : Ang baog kong asawa ay nakabuo ng bata
Compiled Stories 23
Crematorium, 2012
Experiment
Compiled Stories 24
Mt. Cristobal (The Devil's Mountain)
Doppelganger Stories 1
Compiled Stories 25
Cronica Bruja : Hatid
Ilog sa Mt. Banahaw, Quezon Province
Compiled Stories 26
Compiled Stories 27
Ghost Wedding
Gutom (Parts 1-2)
Compiled Stories 28
Isay comes home (Parts 1-2)
Ricky's Wishing Coin
Stranger Danger (Parts 1-2)
Deliver us from evil
Kainan sa may Palengke
Anino (Parts 1-3)
The Bus Station (Thailand Tour)
Sine
Nawawala ang Nakaburol
Ang Babaeng pinaanak ang sarili (Parts 1-2)
Baboy
Kakila-kilabot na pagsalubong sa Bagong Taon
Till death, we'll never part (Parts 1-4)
Compiled Stories 29
Doppelganger Stories 2
Thou shalt not steal
Kerosene
Compiled Stories 30
Semana Santa
Huling gabi ng Santa Cruzan
Balkonahe (Lilac Story)
Poso
Kaibigan
At lumabas ang Halimaw mula sa Libro
Selos
Bahay-bahayan

Kapahamakan sa Kabundukan

290 11 0
By Sheree_Mi_Amour


Magandang Araw sa inyong lahat mga Ka-spookify. Its been a while na matagal-tagal akong nakapag-update muli dito sa page. Masyado na kasi akong abala sa trabaho ko sa ngayon. Sana maintindihan niyo.
Marahil nagtataka kayo kung bakit iba itong pamagat ng aking confession ngayon. Pansamantala ko muna wag ilabas ang karugtong nong "The Truth of the Hidden Mystery..." sa isang malalim na dahilan. Ayoko na munang pag usapan ito. In a right time, ipagpapatuloy ko ang karugtong pero hindi na muna ngayon. Let's just respect the privacy of the people involved on that story. Moving on. Dito tayo ngayon sa bago lang naganap na nangyari sa buhay ko at sa nangyari dito sa Mindanao. Muli ipapaalala ko lang, Hindi ko pinipilit ang mga hindi maniniwala, wala akong oras sa mga skeptic minded.

Simulan na natin.

October 15, 2019.
Araw ng Martes, wala akong duty nong araw na yun. Nasa bahay lang ako, umaga noon habang kumakain ako ng agahan. Biglang tumunog yong celphone ko na nakalapag lang sa lamesa. May natanggap akong txt at binasa ko, Mula ito sa dati kong kababata noon na itago nalang natin sa pangalan na Matt, kamukha niya daw kasi si Matt Evans. Palibhasa Half Filipino, Half American siya. pero yong accent niya bisayang-bisaya at higit sa lahat bihasa sa salitang Maranao, Muslim. doon kasi siya lumaki sa Cotabato. Basta mahaba ang istorya ng buhay niya. kung bakit napunta siya sa Cagayan de Oro noon. Tinext niya ako para imbitahan sa kaarawan niya, kaya tinawagan ko siya kaagad. "Tol, gwapo. Kumusta ang kaibigan kong porenoy? (sabay tawa) hindi ako mahilig mag-reply sa text e. kaya tinawagan nalang kita. Kailan ba yang birthday mo? Baka kasi may duty ako niyan." Sabi ko kay Matt nung tinawagan ko na sinagot naman niya kaagad. "Iba ka talaga tol tisoy, unli call ka lagi ha. Dami mo yata katawagan eh." (sabay tawa) pang-aasar ni Matt sa kabilang linya. "Loko ka talaga syempre kailangan ko mag-load para makapag-update ako sa company ko mahirap na baka biglaan kaming mag-operate. ma-absent pa ako, ayoko pa naman magka-NTE (notice to explain). Nga pala kesa asarin mo ko dyan, kailan ba yang birthday mo?" tanong ko kay Matt. "Bukas na bukas na. Matagal-tagal na rin tayong hindi nagkikita, kung saan-saan ka na pala napapadpad, nakita ko mga post mo sa fb, kaya dapat lang bukas nandito ka sa birthday ko, kundi magtatampo talaga ako sayo niyan. Ipaghahanda kita ng dalawang kahong beer. Alam ko favorite mo yan." pangungulit ni Matt sa akin na may halong pangungunsensya pa. "Oo na amaw ka kokonsensyahin mo pa talaga ako ha. Doon ka pa rin ba nakatira sa dati mong tinitirhan?" Tanong ko kay Matt. "Ay matagal na akong wala doon tol tisoy, nakapag-asawa na ako taga dito sa Bukidnon."sagot ni Matt sa akin. "Ay sakto bago yung motor ko kaya idyo-joyride ko pagpunta dyan, tanong ko lang. Estimate mo tol gwapo mga ilang oras kaya biyahe mula dito CDO papunta dyan?." tanong ko kay Matt, first time ko kasi mag-motor na pa Bukidnon ang destination kasi kadalasan dati pag nagmo-motor ako papuntang Lanao del Norte yung destination ko. "Ayos yan tol, ingat ka lang sa biyahe mo kasi magmo-motor ka, malayo-layo din ito sa amin kaya doble ingat kalang sa pagmamaneho, pero mukhang mas madali ka makakarating niyan dito kasi kabisado ko ugali mo magmaneho. para kang naghahamon kay kamatayan kung makapagmaneho ng motor (sabay tawa). Basta aasahan ko nandito ka bukas ha." pang-aasar ni Matt sa akin at tuwang-tuwa siya na pupunta ako sa kaarawan niya. Bestfriend ko kasi si Matt noon, during high school life ko. Nalayo siya sa akin dahil naligaw kasi ng landas si Matt dati. Naging palaboy-laboy din siya sa siyudad noon. Yung mga magulang niya hindi niya nakasama simula baby pa lang siya. Iba yung nagpalaki sa kanya kaya kung saan-saan nalang nakikitira. Napasama din siya sa mga solvent boys. Simula noon hindi ko nakita at nakasama si Matt. Hindi ko alam na dumating pala siya sa punto na binago niya ang sarili niya. Bumangon siya mula sa kanyang pagkakadapa sa buhay at ngayon guminhawa siya, may trabaho na marangal at kasama niya ang asawa't dalawang anak niya. Hinanap niya ako sa Facebook at saka kami muling nagkaroon ng communication. Binigyan ko siya ng personal number ko, kaya yun tinext niya ako.
Pagkatapos naming mag-usap sa phone, lumabas ako ng bahay para i-check yong motor ko na nakaparada malapit sa gate. Nilapitan ko ito at pinaandar, chineck ko ang hangin ng gulong, gasolina, lights, brake, busina, at tunog ng makina. "Handa na ito para bukas." sabi ko sa motor habang tinatapik ang upuan.

October 16,2019.
Maaga akong naligo at naghanda. Naka-full safety gear ako. Nagdasal muna ako sa harap ng altar na may larawan din ng lolo maestro ko. "Wag nyo po akong pababayaan sa biyahe kong ito, bantayan nyo po ako at iiwas nyo ako sa mga sakuna." sabi ko sa larawan ni lolo maestro habang hinihimas ang mukha niya sa picture. Alam ko na naririnig ako ng lolo maestro ko kaya magaan ang pakiramdam ko. Pagkalabas ko ng bahay, tumingala muna ako sa langit. "Diyos Ama alam ko naririnig mo din ako, sa mga kamay mo lang ipinagkakatiwala ko ang aking sarili. Bigyan nyo po ako ng sign kung may panganib man na nag-aabang."
pagkasabi ko non ay biglang kumilimlim ng bahagya ang kalangitan. Pero biglang tumawag si Matt kaya hindi ko na napansin kung yun na ba ang sign. Sinagot ko ang nagri-ring kong phone. "Tol tisoy, tuloy ka ba sa pagpunta dito?. Inaasahan ko ang pagdating mo mamaya. Saka gaya ng pangako ko nag-order na ako ng dalawang kahong beer" (sabay tawa) sabi ni Matt nung pagkasagot ko. "Oo, sa katunayan niyan paalis na nga ako eh. Nga pala ihanda mo na rin ang videoke mo kasi magkakantahan tayo pagdating ko diyan. Oh sige na at ng maaga-aga akong makarating dyan." sagot ko kay Matt. Nagsimula na akong bumiyahe at nakalimutan ko na ang sign na pinakita ng kalangitan. Iniisip ko kasi ang mahabang biyahe papunta kina Matt. Pagkarating ko ng Manolo Fortich Bukidnon, huminto muna ako sa isang kainan. Hindi pa kasi ako nag-almusal, at pagkatapos kong kumain lumarga na ako kaagad.
Ayos naman yung biyahe ko, Humihinto-hinto lang ako para umihi at uminom ng tubig at the same time pahinga din konti pero madalian lang at tuloy na naman sa pagmamaneho.
4pm, humigit kumulang nalampasan ko na ang lugar ng Valencia Bukidnon.. Huminto pa ako doon sa isang gasolinahan para magpa-gas at tuloy na naman sa biyahe. At habang nagmamaneho ako, umulan bigla kaya kailangan kong tumabi at naghanap ng masisilungan at napasilong ako sa isang puno sa tabi ng daan. "Ano ba naman ito imbes kailangan ko magmadali saka pa sumama ang panahon" sabi ko sa sarili ko. Nung unti-unti ng humina ang ulan nagpatuloy na ulit ako sa pagmamaneho. Alas sais, humigit kumulang. Hindi ko na alam kung anong lugar na iyon. Medyo dumidilim na ang aking nadadaanan. Wala na rin kasi akong nadadaanan na sign board o kahit anong palatandaan kung anong lugar na ba yung dinadaanan ko. Kaya yung takbo ko mas binilisan ko pa.
Wala ng kabahayan akong nadadaanan, madilim, at railings nalang ng daan at bangin ang nakikita ko sa nababanaag ng ilaw ng minamaneho kong motor. Sa kalagitnaan ng aking biyahe, may nangyari na hindi ko inaasahan. Pumutok ang gulong ko sa likuran. Kaya dahilan para itabi at ihinto ko ang motor. Bumaba ako at chineck ko ang pumutok na gulong. Sobrang flat, kaya kinuha ko ang cellphone ko para tawagan si Matt at ipaalam na na flat yung gulong ko pero nainis ako nung nakita ko na walang signal yong phone ko. Muntik ko na itong ibato sa daan. "Kung mamalasin ka ba naman talaga oh. Ba't dito pa sa hindi ko man lang alam kung anong lugar ba ito. Wala pang signal. Kainis" sabi ko na kahit alam kong wala namang makakarinig sa akin. Isipin niyo nalang ang sitwasion ko ng mga oras na yun. Madilim na, na-flat-an pa ng gulong yong motor ko, wala pang signal yong phone at higit sa lahat walang bahay kasi bangin yung lugar at sa kabila nito na daan, burol na tila ba kahit anong oras may mahuhulog na mga bato pero iniwasan ko mag-isip ng kung anu-ano kasi ang iniisip ko paano ko maayos yung gulong ng motor e, I'm in the middle of nowhere, mygoodness. Saka sinubukan kong pumara ng mga dumadaan na sasakyan para humingi ng saklolo pero hindi sila humihinto pero naisip ko din na baka pag iniwan ko yong motor ko sa ganitong lugar eh baka pagbalik ko wala na ito. Naiintindihan ko naman ang mga hindi huminto na pinara ko kasi baka iniisip nila masama akong tao. Alam naman natin na marami ng mga masasamang tao ngayon. Kaya nagpasya ako na maglakad nalang habang hawak ko ang manibela ng motor at patulak na naglakad sa gilid ng madilim at mabangin na daan.
at dahil medyo hiningal ako, huminto muna ako at umupo sa railings sa gilid ng daan, habang pinagmamasdan ko yong motor ko. Wala akong maisip ng mga oras na yun, hiningal kasi ako. Maya-maya pa may papalapit na dalawang tao na naglalakad may dala-dala silang flashlight. Hindi ko maaninag ang itsura nila kasi nakakasilaw yung flashlight, akalain nyo ba naman sa akin nakatutok yong direction ng ilaw nila. Hinintay ko na matapat sila na madaan sa harap ko, at nung nasa harap ko na sila. Isang babae at isang lalaki na nasa edad 40 pataas na.
"Maayong gabie amigo. Na-flat man imong motor, na wala ra bay vulcanizing diri dapita. Layu pa kaayo to-a..." sabi ng lalaki, na napansin niyang flat yung gulong at wala daw vulcanizing sa lugar na ito. Inilawan niya ang gulong ng aking motor. "Ah.. oo nga eh. Nga pala matanong ko lang ano po pangalan ng lugar na ito?" tanong ko sa kanila. "Mabuti pa amigo, sumama ka muna doon sa amin kasi may kumpare ako na may habal-habal na motor baka matulungan ka niya sa problema mo" aya ng lalaki sa akin. Pero hindi niya sinagot yung tanong ko. Kaya pumayag na din ako at nagsimula ulit maglakad habang hawak-hawak ko ang manibaela na tinutulak ang motor. Naka-on yong headlight ng motor ko pero di ko pinaandar kasi baka magkaproblema na naman ako sa gasolina. Napansin ko na may sukbit-sukbit na itak sa gilid yung lalaki pero di ako nagduda sa kanila ng masama kasi iniisip ko na tinutulungan nila ako. "Taga saan ka nga pala amigo?" tanong ng lalaki sa akin habang naglalakad kami. "Taga Cagayan de Oro po ako amigo. Pupunta sana ako sa kaarawan ng kaibigan ko pero heto na-flat yung gulong kaya na stranded ako sa lugar na ito" sagot ko sa lalaki. Huminto muna ako saglit para hubarin yong jacket ko kasi basang-basa na ako ng pawis. "Taga siyudad ka pala, kaya pala makinis ang balat mo. Mayaman ka ba?" tanong ng babae sa akin. Natawa ako sa sinabi ng babae. "Naku po hindi po ako mayaman. Mahirap lang din ako" sagot ko sa babae. "Mukha ka kasing mayaman, may trabaho ka ba?" tanong ulit ng babae. "Opo meron po" sagot ko sa tanong ng babae at sinabi ko na rin ang company na pinagtatrabahuhan ko. Maya-maya pa huminto sila sa paglalakad kaya napahinto na rin ako.
"Dito tayo amigo, medyo pababa ang daan kaya tutulungan kita diyan sa motor mo baka kasi madulas ka medyo malayo-layo pa yong sa ibaba.." sabi ng lalaki sa akin na itinuro yong pababa na daan at madamo na mabangin. Pero hindi naman ganun kabangin, parang sinadya kasi na daanan talaga yun "Sige po, kayo pong bahala amigo. salamat po" sagot ko at inalalayan niya ako sa motor habang bumababa. Nung marating na namin ang ibaba, huminto muna kami saglit kasi pareho kaming hiningal. "Malayo pa po ba yong sa inyo amigo?" tanong ko sa lalaki habang hinihingal ako. "Medyo malayo-layo ng konti, pero mararating din natin yun" yung babae ang sumagot kasi hinihingal pa yong asawa niyang lalaki. "Masukal masyado itong papunta sa tinitirahan nyo. Hindi ba kayo natatakot sa lugar na ito? Ibig kong sabihin baka ma-engkanto o ma-aswang kayo dito" tanong ko sa kanila. Tumawa sila pareho, "Mas natatakot kami sa mga taong buhay, kasi sila ang makakagawa na manakit at pumatay ng kapwa tao. Sa totoo lang maraming mga Engkanto, Maligno, Kapre, Duwende, Manlalayog, at kung anu-ano pang kinatatakutan na itinuturing ng maraming tao na masama pero hindi naman sila nananakit sa amin. simula pa noong nag-asawa kami dito na kami tumira kaya nasanay na kami. Malayo sa mga ibang tao na mapanakit at gumagawa ng kasamaan sa kapwa" sabi ng babae akin na nakatitig naaninag ko kasi siya dahil maliwanag ang ilaw ng headlight ng motor ko. "Tama na ang pahinga tara na at doon na tayo sa bahay magpatuloy ng kwentuhan" sabat ng lalaki na nasa likuran ko. "Sige po tayo na" pagsang-ayon ko sa sinabi ng lalaki. Dumaan kami sa mga mapunong lugar at madamo kaya yung motor ko nasasabit sa mga dahon-dahon. napaisip ako ng malalim sa sinabi ng babae sa akin. kaya nagsimula na akong magduda sa mag-asawa kung ano nga ba sila. May sumagi na sa isipan ko pero ayokong magkamali, saka pagod ako kaya napabuntong hininga nalang ako. Sa aming paglalakad, biglang may naririnig ako kaya napapalingon ako sa paligid na dinadaanan namin. bawat paghakbang ko nakikiramdam ako at hindi ako maaring magkamali, ang naririnig ko ay boses ng isang Tiyanak. Para sa kaalaman nyo, hindi totoo yong iyak ng sanggol ang boses ng Tiyanak. ang totoong boses nila ay parang nacho-choke na lalamunan na parang may plema na bumabara. Napaka-wierd pag narinig nyo sa totoo lang. "Wag mong pansinin ang mga maririnig mo dito. Paalala lang sayo amigo" sabi ng lalaki sa akin. "Alam ko po yun at alam ko rin kung ano yang naririnig ko" sagot ko sa lalaki. Nagpatuloy na kami sa paglalakad at biglang sumabit yong footrace ng motor ko sa isang damo na parang lubid, dahilan para mapindot ko ang starter ng motor at umandar at napihit ko yong gasolinador habang papatumba ako at ang motor. buti nalang at naka-neutral lang ito. Pero gumawa ito ng malaking ingay dahilan para magka-trigger ang mga naninirahang mga elemento sa paligid. Tinulungan ako ng lalaki na tumayo kaagad at ang motor. "Bilisan na natin ang paglalakad at baka may iba pang mangyari sayo dito" sabi ng lalaki. kaya kahit medyo pagod na ako binilisan namin, inaalalayan ako ng lalaki sa motor na magtulak. "Patayin mo ang ilaw ng motor amigo, masyadong nabibighani ang mga naririto sa ilaw mo" utos ng lalaki sa akin. Kaya pinatay ko kaagad ang ilaw ng motor. Yung dala nilang flashlight lang ang nagsilbing ilaw namin sa dinadaanan. Nung marating na namin ang bahay nila, napansin ko kaagad na wala silang kuryente at walang kalapit na bahay. Sila lang ang nakatira sa lugar na ito. Pinark ko ang motor sa malawak na harap ng bahay nila. Actually, parang kubo na may silong yong bahay nila.  "Umakyat ka na dito amigo. bukas ko na pupuntahan ang kumpare ko, madilim na kasi ang daanan at tatawid pa ng sapa. Bayaan mo't aagahan ko ang pagpunta doon" sabi ng lalaki na inaaya akong umakyat sa bahay kubo nila. Umakyat ako at pinapasok sa loob nila. May munti silang sala na upuan na kawayan at mesa na gawa din sa kawayan. Yung ilaw nila improvise mula sa bombilya ng sasakyan at nakakabit sa battery din ng sasakyan. "Dati kasi amigo may naaksidente doon sa hinintuan mo, eh wasak yung sasakyan nagkalasog-lasog. Kaya kinuha ko yong mga parte ng sasakyan na natapon na maari pang mapakinabangan. Patay ang driver at ang sakay ng sasakyan na yun" kwento ng lalaki. Kahit hindi ko naman tinatanong kung saan galing yong ginawa nilang ilaw. Siguro sinabi niya nalang baka magtaka ako. "Maari po ba akong makiinom amigo nauuhaw na po ako" paghingi ko ng maiinom kasi sobrang uhaw na din ako ng oras na yun. Kumuha siya ng tubig sa container na black at isinalin niya sa baso at ibinigay niya sa akin.
"Maraming salamat amigo" pagtanggap ko sa basong may tubig. Ininom ko ito kaagad sa sobrang pagod at uhaw ko. Kinuha ko ang cellphone ko sa bulsa ko at tiningnan ang oras. Eksaktong alas siyete (7pm) ng gabi. Wala pa rin itong signal.
"Umiinom ka ba ng bahal amigo?" tanong ng lalaki sa akin. Ang bahal ay isang lambanog pero hindi ito matamis, napakaasim nito na parang pasuka na ang lasa. Kumuha siya ng bahal at tinagayan niya ako. Dahil naiilang din naman akong tumanggi tinanggap ko na at uminom ako.
Yung asawa niya nagluto sa panggatong na lutuan nila. Maya-maya pa kumain kaming tatlo at pagkatapos naming kumain ay nagpatuloy kami sa inuman, kasama na yung asawa niya. Sa biglang hindi ko inaasahang pangyayari, uminit yung kwintas ko sa leeg. Kaya nagdahilan ako na kailangan ko munang umihi. Alam kong may panganib na paparating. Napalingon ako sa bukas na bintana ng kubo ng mag-asawa. Kinabahan ako sa nakita ko. Hindi mga ordinaryong tao ang mag-asawa. Sila ay satanismo at puro marka ng dugo ang nasa dingding ng kwarto nila. Nakasulat ang mga kataga na pantawag sa kadiliman. kaya pinilit kong kumalma at ayokong magpahalata. Nagdasal ako na sana gabayan ako ng Diyos Ama at sana dumating si lolo o kaya si JD. Kung nandito lang si Zing malamang binalaan ako non pero alam ko na hindi na mangyayari yun.
Napakalma ko ang sarili ko at bumalik sa kanilang sala, pagpasok ko may pinag-uusapan ang mag-asawa na naudlot lang pagpasok ko.
Umupo ako sa upuang kawayan at inabutan ng baso na may bahal. Ininom ko pa rin ito. Kunwari nalasing na ako at nakatulog sa upuan pero ang totoo non, pinakiramdaman ko sila at pinapakinggan ang usapan nila. "Malapit na ang kalag-kalag (araw ng mga patay), kailangan natin may ialay. Tamang-tama itong bisita natin. Bukas ilagay natin ang bangkay niya sa gilid ng daan. Sirain natin yung motor para magmukhang naaksidente. Basagin din natin ang ulo niya" sabi ng lalaki na biglang tumayo at tinahak ang kusina. Ang asawa niyang babae naman ay pumasok sa loob ng kwarto nila na sa tingin ko sinindihan ang mga itim na kandila na nandoon. Alam kong iaalay nila ako sa ritual nilang pang satanism. Nakikita ko yung lalaki na kumuha ng itak at hinasa niya ito. Kumuha din siya ng balde na nilagay niya sa tabi niya. Doon yata ilalagay ang dugo ko. Alam ko ang binabalak ng mag-asawang ito. Paglabas ng babae sa kwarto, saktong tapos na din maghasa ng itak ang lalaki kaya sabay silang papalapit sa inuupuan ko. Nakatayo sila sa harap ko na pinagmamasdan ako, akala nila tulog ako pero bahagyang nakabuka ng konti ang mata ko. "Tagain mo na sa ulo para siguradong di na mabubuhay. Baka magising pa yan" utos ng babae sa asawa niya. Hindi ako gumalaw at nagdasal ako at ginamit ko ang sagradong dasal pantawag sa mga Arkanghel. Naririnig ko sa buong paligid ang mga nakakapanindig balahibong mga boses ng mga elemento. Palakas ng palakas ang ingay nila at nung inangat na ng lalaki ang kanyang kamay na may hawak na napakatalim na itak para itaga sa ulo ko. Sa hindi inaasahang pangyayari, sobrang lakas ng pinamalas na pagyanig ng lupa na halos gibain ang bahay kubo na kinaroroonan namin. Ang mga upuan at mesa na kawayan sa sala nila ay nasira, nagsibagsakan yung mga baso at plato sa kusina nila pero yung inuupuan ko na kawayan hindi nasira. Natumba yung lalaki at ang babae napasalampak sila sa kanilang sahig. Nabitawan ng lalaki ang itak niya. Kaya tumayo ako mula sa pagkakaupo. "Alam ko na kung anong klaseng tao kayo, nagtiwala ako sa inyo pero may binabalak pala kayong masama sa akin. Malas nyo lang dahil hindi sa ganitong paraan ang aking katapusan. Wala kayong karapatan na mabuhay dito sa lupa. Wala rin kayong karapatang paslangin ako. Hindi ako nababagay na alay nyo baka bumaliktad ang sitwasyon dito. Ang mga kagaya nyo ay dapat maparusahan. Mali kayo ng napili nyong biktimahin" sabi ko na nakakuyom ang mga kamay. Humakbang ako patungo sa tumalsik na itak ng lalaki. Dinampot ko ito at ibinato sa labas ng bahay at hindi pa rin tumigil ang pagyanig ng lupa. "Ano ka ba? sino ka ba?" galit na tanong ng lalaki. "Hindi ako ordinaryong tao at hindi nyo ako kagaya. Kung gugustuhin ko ngayon na pagpapatayin kayo dito gagawin ko, wala din naman kayong silbi dito sa mundo pero hindi ako ganun. May gagawa para sa inyo ng ganun" sabi ko sa mag-asawa. Tumayo sila at tumakbo palabas ng kubo nila na nagkakandarapa. Lumabas na din ako at tinungo ang motor na natumba pala dahil sa lakas ng pagyanig ng lupa. Yung mag-asawa tumakbo sa madilim na direksyon ng kagubatan.
"Hangga't nabubuhay kayo hindi kayo titigilan ng mga Arkanghel na usigin sa inyong mga kasalanan. Sinisiguro ko yan" in-start ko ang motor ko at unti-unti ng humihina ang pagyanig ng lupa. Dahan-dahan kong nilisan ang lugar na yun at bigla na naman yumanig ang lupa at bigla rin nakita ko si lolo at si JD na nag-aabang sa akin. "Bakit lumilindol pa rin? Aftershock ba ito?" tanong ko sa kanila. "Oo, sa lakas ng ginawang pag-uga ng mga Anghel na bumaba dito sa lupa na apektuhan ang ilalim ng lupa" sagot ni lolo maestro. "Maraming kapuluan ng Mindanao ang naapektuhan ng pagyanig ng lupa. Nasa kabundukan ka na konektado lang ang mga lugar" sabat ni JD. "Umalis ka na dito habang takot pa ang mga elemento na nagbabantay sa lugar na ito. Saka tingnan mo yang gulong mo" hirit ulit ni JD. Tiningnan ko ang gulong ko at hindi na ito flat. "Mekaniko ka na ba ngayon? Paano mo naayos ito? Pinahirapan mo pa ako mapunta sa kubo na yun, muntik pa akong mapahamak. Ba't di ka pa dumating kanina?" sabi ko kay JD. "Ang Totoo niyan apo hindi ka naman talaga na-flat-an ng gulong. Nalamat ka ng mag-asawang yun. Pagod ka kaya di mo namalayan. Naalala mo ba nong, nakaupo ka sa gilid ng daan napapatitig ka sa motor mo pero wala kang maisip? Kasi kagagawan nila yun. Hindi ka ba nagtataka kung bakit sila biglang lumitaw kaagad? Gayung saan sila galing? Wala naman silang dapat pinupuntahan. Saka di nila sinasagot ang mga tanong mo. Hindi ka pa rin ba nagtaka kung bakit hindi umaatake ang isang nilalang na sumusunod sa inyo? Dahil alam nila na iaalay ka ng mag-asawa pero alam ng mga nilalang na yun kung ano ka at sino ka (ngumiti si lolo) binabantayan ka na namin non, inaantay lang namin ang pagkakataon na may gagawin sila na masama sayo" sabi ni lolo sa akin. Lumapit siya at hinipan ang noo ko at nag-sign of the cross sa noo ko gamit ang hintuturo niya. Biglang sumama ang pakiramdam ko at naramdaman ko na masusuka ako. Nagsuka nga ako. Ang lansa para bang nabubulok na patay yung isinuka ko. Kadiri talaga. "Mabuti nalang at puting tupa ka hindi ka nalason sa pinainom at pinakain nila sayo. Kaya ko pinasuka sayo yan dahil magmamaneho ka pa.
Bumalik ka na sa bahay, huwag ka ng tumuloy sa pupuntahan mo. Magpahinga ka at magpalakas ka ulit. May pasok ka pa bukas sa trabaho mo" sabi ni lolo maestro sa akin. "Maraming salamat lolo maestro, Sige po masusunod po ang sinabi nyo" sagot ko kay lolo maestro.
Umuwi ako at ginabayan ako ni JD sa pagmamaneho sa motor para maiiwas ako sa kapahamakan at nakauwi ako ng maayos. Tinawagan ko si Matt at sinabi ko na hindi ako nakatuloy dahil na-flat-an ako ng gulong. Pero sabi niya ayos lang daw kasi may nangyari din daw sa kanila. Nasira daw ang bahay nila dahil sa lindol.  Nakinig ako ng mga balita at nalaman ko na totoo yung sinabi ni JD na maraming lugar sa Mindanao ang naapektuhan ng malakas na paglindol. Maaring may mga hindi maniniwala sa kwento pero hindi ako mag-aaksaya ng oras na magsulat ng ganito kahaba kung hindi talaga ito nangyari. At nais ko ding ipaalam sa lahat, na hindi ko kagagawan ang lindol na yun. Hindi ako ang Diyos. At ako ay puting tupa niya lamang.
Pero sige ipagpalagay nalang natin na nagkataon lang siguro yun. at the exact, date and time.

Hanggang dito nalang mga ka-spookify, lagi po kayong maghahanda dahil sa bawat pangyayari, may mga misteryo sa likod nito. God Bless sa lahat.

-Silent Rasta

Continue Reading

You'll Also Like

EAT By Sharmain Yap

Mystery / Thriller

35.4K 1.4K 38
"TO EAT IS A NECESSITY, BUT TO EAT INTELLIGENTLY IS AN ART." - Fdlr 6 • Not Edited. 6 • Date Started: December 23, 2017 6 • Date Finished: June 23, 2...
193K 3K 42
Masagana, mapayapa, at masaya ang pamumuhay ng pamilya Bernadas sa bago nilang tahanan, pero paano kung ang pamumuhay na iyon ay mapapalitan ng malag...
44.2K 1K 31
Limang kwento ng kababalaghan at katatakutan ang magdurugtung-dugtong dahil sa isang masaklap na massacre na nangyari.
1.9M 106K 35
FLAMES: F- Forever, L-Love, A-Angry, M-Married, E-Enemy, S... Sinister ... Isang taon na nahinto ang sikat na estudyante sa Sto. Cristo, naaksidente...