Unluckily Inlove With A Badboy

By Fluffyderella

208K 5.7K 385

A prodigious lovestory of a notorious casanova who unanticipatedly fell inlove with a girl who's inlove with... More

Copyrights
Unluckily Inlove With A Badboy
Chapter One: "Badboy Meets The Badgirl'
Chapter Two: "Password"
Chapter Three: "World War 3''
Chapter Four: "Truce"
Chapter Five:"Detention"
Chapter Six:"Cloudnine"
Chapter Seven: "She's Mine"
Chapter Eight: "Cafeteria"
Chapter Nine: "Quiz"
Chapter Ten: "Cat Fight"
Chapter Eleven: "Nutrition Month"
Chapter Twelve: "Maria Clara"
Chapter Thirteen: "Rehearsal"
Chapter Fourteen: "Cupcake"
Chapter Fifteen:"Exception"
Chapter Sixteen: "Number"
Chapter Seventeen: "Sci-Fest"
Chapter Eighteen: "Swimwear"
Chapter Nineteen: "Kiss"
Chapter Twenty: "Fool"
Special Chapter♡
Chapter Twenty One: "Friends"
Chapter Twenty Three: "Couple T-Shirts"
Chapter Twenty Four: "Dress''
Chapter Twenty Five: "Granny"
Chapter Twenty Six: "Cat"
Chapter Twenty Seven: "Gayuma"
Second Half
Second Half (2)
Second Half (3)
Second Half (4)
Second Half (5)
Second Half (6)
Second Half (7)
Second Half (8)
Second Half (9)
Second Half (10)
Second Half (11)
Second Half (12)
Second Half (13)
Finale
Finale (1)
Finale (2)
Finale (3)
Finale (4)
Finale (5)
Finale (6)
Finale (7)
Finale (8)
Finale (9)
Finale (10)
Finale (11)
Finale (12)
Finale (13)
Finale (14)
Finale (15)
Finale (16)
Finale (17)
Finale (18)
Finale (19)
Finale (20)
Finale (21)
Finale (22)
Finale (23)
Finale (24)
Finale (25)
Epilogue

Chapter Twenty Two: "Ghost Hunting"

3.5K 103 4
By Fluffyderella

Chapter  TwentyTwo-"What? You choose, 'be my girl or be with the ghost."










"AFTER this, I promised Villaflor. Ililibing talaga kita ng buhay." Naiinis na may kalakip na takot ang boses ni Danielle habang may hawak ng flashlight.

Hindi ko alam kung anong kagagahan ang iniisip ko at sumali sa pesteng ghost hunting. Kaya eto ako ngayon at nagpipilit na maging matapang habang may hawak ding flashlight.

"Oh my God. Bumalik na kaya tayo. Someone told me, may babaeng umiiyak rito." Kasalukuyang nasa Science Building kami. Nangilabot naman ako sa sinabi ng babae.

"Wooh! Come on, don't be too KJ. Nag eenjoy pa ako." Si Kaezar naman. Nakakapit rito si Brielle. I smirked nang makitang mukhang takot na takot ang babae.

Siguro mga sampu or fifteen kami since hindi sumama ang iba dahil takot. Sa grupo ng Chix Hunters, sina Kaezar at Alvis lang ang sumama.

Nauna na akong maglakad pero natulos ako sa kinatatayuan ko nang matigilan kaming lahat sa boses ng umiiyak na babae. Shet!

"Aaahhh! Aaah!" Nagtakbuhan na ang lahat. Siyempre tumakbo na rin ako. Mabilis akong pumasok sa isang room.

"Buwisit na ghost hunting! Buwisit na Halloween Party!" I'm shaking. The H!

"Aaah!" Gulat na napasigaw ako ng direktang natumbok ng flash light ko yung bone skeleton pero mas higit na nanlamig ako dahil sa mainit na kamay na tumakip sa bibig ko.

"Hmmf!" Nagwala ako. That familiar smell again.

"Don't shout. Magigising mo ang kaluluwa na kasama natin." Pinakawalan niya ako.

"L-Lance?" My eyes widened. Hindi ko inaasahang nandito siya.

Lub! Dub! Lub! Dub!

Napahawak ako sa puso ko. Buwisit! Yung epekto na naman niya sa akin.

"A-anong ginagawa mo dito? Sumama ka sa ghost hunting?"

Hindi niya ako sinagot. Tumayo lang siya. Hinila ko siya paupo. Shet! Baka makita kami ng mumu.

"Huwag mo kong iwan." Hindi ko makita ang ekspresyon niya dahil sa dilim. Nakakahiya naman idirekta ko sa kanya yung light ng flashlight ko.

"Tss! Ang lakas ng loob mong sumama, takot ka naman pala." Supladong saad niya.

"Nagsisisi na nga ako!"

Natahimik kami. Walang sinuman sa amin ang gumalaw. Hindi ko nakaya ang katahimikan kaya nagsalita ako.

"W-wala na kayo ni S-Snow?" Gusto kong sampalin ang sarili ko sa tanong na 'yon.

"Ano naman sayo!" Suplado pa rin ang boses niya.

"B-bakit?" Argh! Kinuyom ko ang mga daliri ko.

"I am Lance Zedrick F. Chan. Notorious playboy kaya hindi ko kailangan ng rason para makipaghiwalay."

Napanguso ako. Oo nga naman.

"Gusto mo pa rin ba ako?" Hindi ko alam kung saang lupalok ng mundo ko nakuha ang lakas ng loob na itanong 'yon sa kanya.

Hindi siya sumagot. Hell! Pakiramdam ko hindi ako makakahinga kapag di niya ako sinagot. "Lance! Suma---"

"Wala namang mababago kung sasagutin ko ang tanong mo. Oo o hindi. Pareho lang ang resulta, ayaw mo sa akin at hindi---

"Crush kita!" Pagputol ko sa anumang sasabihin niya.

WTF! 'Yong totoo, Kiara?!

He stopped. Tumayo ako. Shet! Nakakahiya. Hindi ko naman 'to naramdaman nang nagconfess ako kay Keiron ah?!

Bago pa ako makaalis, hinila niya ang braso ko. "May white lady sa tabi mo." Sa sinabi niya, napayakap ako sa kanya. Shet!

Naramdaman ko ang panginginig ng katawan niya sa pagtawa. Ginagago ako ng demonyo! Walangya talaga!

"Ikaw! Napakahayop mo talaga!" Hinampas ko na. Kainis!

"Ssh." Tumigil siya sa pagtawa. "Hindi ako nagbibiro, Kiara. Nasa Biology room tayo at sa mga oras na ito may kasama tayong patay na tao."

Umisog ako sa kanya. Shet talaga! "Shut up! I don't believe you!"

He just shrugged. "Bahala ka. Last Tuesday, Class A was assigned for the Biology case study at ang patay na tao na kasama natin ngayon ang subject namin."

Hindi ko na napigilan ang sarili kong lumingkis sa braso niya. Argh! The F! Bakit sa lahat ng rooms, dito pa ako napunta?! Why?!

"Lance... Let's get out of here." Nanginginig ang boses ko.

"Let me think first." He chuckled again. Buwisit talaga!

"Lance!" Sumigaw na ako.

"Don't shout! Magigising mo siya."

Napatahimik naman ako at mas lalong dumikit sa demonyo. "Alright. Aalis tayo rito on one condition."

"Say it and let's get of here." Naiinis na natatakot ako.

"Be my girl." Napalayo ako sa sinabi niya.Tinignan ko siya pero hindi ko makita ang mukha niya.

"A-ano?! Nababaliw ka na ba?! Binablackmail mo akong, demonyo ka!"

"Think whatever you want to think." Kinuha niya ang cellphone niya at nakita kong nagset siya ng recorder. "Say, 'you are my girl'." Nakikita ko ang seryoso niyang mukha mula sa background light ng kanyang CP.

"You are my girl." Pangagaya ko. Bigla siyang tumayo at akmang aalis.

"Lance naman eh!" Humawak ako sa braso niya.

"What? You choose, 'be my girl or be with the ghost."

Shet naman, oh! Pwedeng 'yong 'or' na lang ang piliin ko?! Buwisit talaga!

"Oo na!" Napipilitang sagot ko. Hawak niya pa rin ang cellphone niya. Shet! Matalino talaga ang unggoy.

Umupo ulit siya sa tabi ko. "Napipilitan ka lang ata"

"Ikaw, ang arte mo. Hindi ka nga nanligaw. First boyfriend kita tapos ni hindi man lang ako nakatikim ng panliligaw. Siyempre, unfair 'yon sa akin!"

Natahimik siya na para bang di makapaniwala. Nakikita ko ang curve ng ngiti niya. "Don't worry, I'll court you everyday. Hindi ko alam kung paano 'yon but for you pag aaralan ko. Just for you. For my baby bunny."

The F! The H! Holy motherfvcker! Natabunan na ata ng kilig yung takot ko. Buwisit na demonyo!

"Who are you? Whose girl are you?"

Ngumiti ako at nag iinit na ang pisngi ko. Argh! Buti na lang talaga, madilim. "I am Kiara Shannel Mullein. I am Lance Zedrick  F. Chan's girlfriend."

Mas lalong lumawak ang ngiti niya. "Ang gandang araw naman ng magiging monthsary natin, November 1. Araw ng mga patay." I giggled.

"Tss! Thanks for ruining the atmosphere." He said bago ako hinila paalis roon.












"TANGENA, dude! Halos mamatay ako sa katatawa nang magtakbuhan sila." Naabutan naming nagtatawanan ang Chix Hunters na kasama ang outsider na si Ezekiel. Naka Ezio Costume-Assassin's Creed 2 ang lalaki.

Napatingin sila sa amin at dumeretso ang tingin nilang lahat sa nakaalalay na kamay ni Lance sa siko ko.

"Ano ba?! Tigilan mo yang kalandian mo Lance, ah! Tatamaan ka sa akin." Siniko ko siya.

"Ano'ng kalandian?" Kumunot ang noo niya. "Inaalalayan kita. Ang green mo."

"Hoy! Ano'ng green?! Hindi ako 'green'. Maputi ako noh." Naiinis na sagot ko. Kainis talaga! Matapos ko siyang sagutin, siyempre umalis na kami roon agad dahil kung hindi, hihiwalayin ko agad siya. Hmf!

"Tss! Slow!" He said at inuupo niya ako sa tabi nang makaabot kami sa table ng CH.

"Stop staring. Kami na. No question." Cool niyang sagot bago ako tinignan. Napa'Wooh!' sila. "What do you like? Do hard drinks for you."

"Alam ko. French fries, hamburger, and strawberry flavor milk tea. At samahan mo na rin ng nuts."

"You hear what my girlfriend said." He said again. WT!

Hinampas ko siya. "Hindi mo kailangan sabihin na girlfriend mo ako." Namumulang saad ko sa kanya.

"Tss! You are my girl. You are my girl. You are Almighty LZ's girlfriend." Paulit ulit niyang sinasabi 'yon. Tinakpan ko na ang bibig niya. Ang demonyo talaga! Pero hindi ko alam kung bakit napangiti na lang ako.

"Oo na. Girlfriend mo na ako. Paulit ulit lang? Unli? Tsk! Oo, girlfriend na ako ni Lance Zedrick F. Chan." Shet! It feels good to say it. LoL! Kinikilig ako. Kainis na pakiramdam!

"Hooo! Get a room!" Si Kiel na nakangisi.

"A-ano?" Namula ako sa sinabi niya. Ang baboy talaga nitong si Kiel. "Ikaw, ang dumi mo Kiel. Naka-ano kana siguro noh?!"

He laughed. "Bakit? Sa tingin mo ba, virgin pa yang boypren mo?"

Nanliliit ang mga mata kong binalingan ang demonyo. Gusto kong pumatay sa tuwing iisipin kong may na-ano na siya.

"Fvck you, Ezekiel! One word again and I f*cking kick your balls!" Nakabaling siya sa humahalakhak na Kiel.

Hinawakan ko ang chin niya at iniharap sa akin. "Mambabae ka ulit. Kakatayin kita at ibebenta ang mga pira-piraso mong katawan sa mga babae mo."

"Anak ng---! Naunder si LZ!" Si Kiel ulit.

"Oo na. Psh!" Saktong dumating ang order ko. "Tsk! Ang tagal. Nagugutom na ang girlfriend ko. Balak tuloy ako ang kainin." Humalaklak siya.

"Tumigil ka!" Kinuha ko 'yong burger para itago ang pamumula ko. Argh!

"Ezekiel!" Si Alvis. Seryoso ang mukha nito.

"O' dude?" Cool lang na uminom ng kung anumang liquor si Kiel.

"Don't do it again. Alam kong ikaw ang may pakana ng boses ng babaeng umiiyak. Dane fainted dahil sa kagaguhan mo."

Napatayo ako."Ikaw ang may kagagawan non!" Tinuro ko ang kutong lupang si Kiel.

"Hey, chill guys." Nagpeace sign pa ang gago.

"Wooh, dude! Goodluck." Lance smirked.











"Ayoko nga, Lance. Tanggapin na natin ang katotohanan na bobo ako at hanggang Class F lang ang kaya ng utak ko."

Pinitik ng demonyo ang noo ko. "Aray! Alam mo, isa pang ganyan at isusumbong na kita sa Gabriella!" Hawak ko ang noo kong pinitik nito.

"Sino'ng nagsabi sayo na bobo ka? That fvcking professor?" Nakakunot ang noo niya senyales na naiinis siya.

Nasa canteen kami at kumakain ng lunch since iyon lang ang oras na puwede kaming magkasama. Kaya nga pinipilit niya akong magtransfer sa Section A. Pumayag lang daw ako at siya na ang bahala.

Sumubo ako ng Lasagna na niluto ko. LoL! Since kami na, nagtry akong ipagluto ulit siya ng Lasagna. Argh! Nakakahiya!

"Hindi. Matagal ko na lang talaga narealize at tanggap ang bagay na 'yon." Nagsip ako ng Moo.

"Fine! Ako ulit ang magt'transfer sa Class F." This time, siya naman ang pinitik ko sa noo.

"What the FVCK!"

"You can't run as student council president kapag nasa Class F ka! Mag isip ka nga!"

"To hell with that fvcking thing." Supladong nag iwas siya ng tingin sa akin na tila ba nagtatampo.

Napatingin ako sa mga estudyanteng naroon at tinitignan kami. Nagtaas ako ng kilay nang maraming inirapan ako. Hmf! Insecures go to hell.

Binalingan ko ulit si Lance na tahimik na. I smiled. "Hoy, tumigil ka dyan sa kadramahan mo! Hindi bagay sa personality mo, Iho." Natawa ako.

Tinignan niya ako. Masama ang tingin niya. "Ye. I've change a lot because of you pero simpleng hiling ko lang di mo pa ako mapagbigyan." Nagtatampo talaga ang boses niya.

I gave a big sigh. "Kasi naman po. Gusto kong makita ng lahat na kumikilala  ka ng 'equality'. I believe you'll win as the SC President kaya dapat ikaw ang tumayong leader and role model. It-transfer mo ang isang katulad ko sa Class A samantalang karamihan ng mga estudyante rito nagpapawis para makapasok at ma-maintain sa Class A. Nasaan ang equality roon?"

"You are an exemption." Simpleng sagot niya.

Napapikit ako. Hays! Ang sarap isipin na nabobobo ang isang LZ Chan sa akin.

"Mahihirapan ako sa Class A, Lance. Gusto mo ba akong mahirapan?" Nag puppy eyes na ako this time.

"I'll tutor you." Shet! Hindi ko pa pala nasabi sa kanyang tinuturuan ako ni Keiron.

Nag iwas ako ng tingin. "No need. Keiron is teaching me---

"What?!" Now, he's mad.

"Oo, matagal na. Wala ka naman kasing pakialam sa akin this past few days." Nagsip ulit ako ng Moo habang di makatingin sa kanya.

"Look at me, Kiara Shannel." Dahan-dahan naman akong tumingin sa kanya bago ngumiti.

"Ako na ang magtuturo sayo. Magt'transfer ka sa Class A."

"No!" Mariin kong sagot. Nawala ang ngiti ko. Argh! Kagabi lang naging kami tapos mag aaway na kami agad. Argh! What a relationship?!

"It's final." Mariin at mahinahon ring sagot niya.

"No!" Mataas na ang tono ko. "I have my own decision, devil! You can't just dictate me with what you want and what pleases you." Pagtatapos ko bago galit na umalis roon.

"Kiara!" Hindi ko pinansin ang galit niyang pagtawag.












"Kiara..." Wala sa mood na tinignan ko si Snow na kapapasok lang ng kuwarto.

Katatapos lang din ng klase namin pero deretso na ako rito sa dorm.

Dalawang araw na kaming hindi nagpapansinan ni Lance. At dalawang araw na ring ipinagpapaliban ko ang pagtu-tutor sakin ni Keiron kaya dalawang araw na rin akong nganga sa loob ng klase. Argh! Buwisit na buhay!

"What happen to the both of you?" Umakyat si Snow ng kama ko bago umupo. Mula sa pagkakahiga, napaupo rin ako nang maayos.

"That devil! Tinitiis niya ako!" Argh! Teary eyes na naman ako. Gabi-gabi na lang ako umiiyak. Siyempre, tinitikis ko rin siya noh. Hah! Kapal niya! Hindi ako magsosorry.

Hinawakan ni Snow ang kamay ko. "Makipagbati kana sa kanya."

Hinila ko yung kamay ko. "No!"

"Kiara... Dalawang araw ng zombie si LZ. Akala ko, ni sa panaginip hindi ko makikitang talunan siya pero nitong nakaraang araw, siya palagi ang lowest sa mga quizzez namin."

Napatingin ako kay Snow. "A-ano?!"

"Mainit lagi ang ulo niya. Kawawa ang iba naming classmates pati na rin ang mga professors. At ito pa, hindi siya umattend ng final meeting ng mga tatakbo as SC officers."

Napatayo ako. "That devil! Humanda siya sa akin."

Argh! Tinitiis niya ako tapos sinisira niya ang buhay niya at pati buhay ng ibang tao. Aba!

Hinawakan ulit ni Snow ang kamay ko. "Sige na, Kiara. Alam ko, konti na lang siya na ang magso-sorry pero hahayaan mo bang masira pa siya."

"Tss! Papatayin ko ang demonyong 'yon." Naiinis na aalis na sana ako nang pigilan ako ni Snow.

Mahina siyang tumawa. "May bukas pa, Kiara."

Kinabukasan.

"Excuse me, Ma'am. Magc-cr lang po ako."

Tumango lang ang guro bago ako lumabas. Mabilis akong dumeretso sa classroom kung nasaan ang mga taga Class A. Nakita ko agad ang demonyong natutulog at prenteng nakaupo sa arm chair nito. Wala ni isang estudyante maging CH ang nakaupo sa unahan, sa tabi o maging sa likod nito.

"Glycolysis is an erlenmeyer pathway. The breakdown of glucose to profile energy in the form of ATP---"

Hindi ko maintindihan kung ano'ng pinagsasabi ng guro nila. Nosebleed. Nagwave nalang ako ng kamay para makita ni Snow. Nag excuse siya sa guro at may kung ano pang sinabi bago ako nilabas.

"Finally! Come, let's get inside." Bago pa ako makaapila, hinila na niya ako sa loob.

Nagpeace sign lang ako sa professor na nginitian lang ako. Nakita ko ang mga CH na kabilang roon na ngumisi.

"T-teka, Snow. Tumakas lang ako sa klase ko. I need to----" Natigilan ako nang inuupo ako ni Snow sa mismong tabi ng demonyo. Shet! Naramdaman ko agad ang dark aura niya.

Nanigas ako. Shet ka, Snow.

Dahan-dahang nagmulat ng mga mata ang demonyo bago tumingin sa akin. Ngumiti ako. "H-hello? K-kumusta?"

Wala sa mukha nito ang gulat o saya. Basta malamig ang ekspresyon niya.

"Why are you here?"

Nagpatuloy na ulit ang guro sa pagtuturo. "Ah, wala. Nakikinig lang sa guro niyo. Nosebleed pala dito. Hehe." Nag iwas ako ng tingin. Shet, talaga!

Inabot ako ng kamay niya at hinawakan ang baba ko para iharap sa kanya. Sobrang lapit ng mukha niya sa mukha ko. "L-Lance.. A-ano ba. N-nasa classroom tayo."

"I don't care. I miss you damn much. Hindi mo alam kung anong hirap ang ipinaramdam mo sa akin. Tell me Kiara, masaya ka ba talagang nahihirapan ako?" He's voice. God! Ang husky!

Hindi ako nakapagsalita. Shet! Nalulunod ako sa mga mata niyang nakatingin sa akin.

"Fine. You win. Gawin mo ang gusto mo. Just don't... Don't get mad at me. I'm sorry."

Napaawang ang labi ko. T-teka? Di ba ako ang nandito para mag sorry. Bakit siya yung nagso-sorry?

Continue Reading

You'll Also Like

93.6K 2.2K 34
Aera Lea Zamora (Taeyeon) and Red Kavid Navarro(Baekhyun) are lovers. Summer vacation nun ng magkakilala sila at ma-inlove sa isa't isa pero ang hind...
198K 4.3K 86
COMPLETED!!! NOTE: Madaming typo grammatical errors dito, masyadong cringe basahin. :))) Hindi ko pa 'to naeedit. Highest Rank/s: #1 PROBINSYANA - I...
26.2K 634 37
Jemimah is a simple girl who wants a quiet college life until she learned that her brother is a member of one of the famous fraternities in the unive...
938K 32.2K 75
[REVISED VERSION: MAY 2024] Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but with dissonance.