Scary Stories 5

Від Sheree_Mi_Amour

41.4K 1.3K 19

The stories you're about to read are not mine. These are all from the popular Facebook page "Spookify". Enjoy... Більше

Nueva Ecija - 1997
Ang MedRep
Maynila - 1993
Nueva Ecija - 1989
Tapik
Mindoro - 2006
Pamahiin sa Patay
Cagayan de Oro - 1950
San Mateo, Rizal - 1996
Bicol - 1955
Camping sa Baguio
PUP Scary Stories
Look Up, Up, Up
Serial Killer si Madam
The Horror Stories of Mindanao State University, Marawi City
Ilaw at Sigaw
The Customer
Opisina
R.L.E.
Full Moon
Nagpaparamdam na mga patay
Baguio Experience - 2019
Haligi ng Tahanan
Dugwak
Immersion (Parts 1-5)
Kulam
Caramoan
Accident call
Batangas (Bundok) (Parts 1-5)
Kapahamakan sa Kabundukan
Manggagamot
Bakanteng Lote
Nang dahil sa sampung piso
No one will know (Parts 1 & 2)
No one will know (Parts 3 & 4)
Compiled Stories 2
Station 4
Parola
Mananabtan
Katotohanan (Parts 1 & 2)
Ortigas - 6/29/19
Factory
Engineering Building
Bisita sa Bicol
Haunted Supermarket
Ang Engkanto sa Parking Lot ng Trinoma
Auntie V
Auntie V (Balikan)
Tubuhan (Parts 1 & 2 + Prequel)
Compiled Stories 3
Ingay ng Bulong (Parts 1 & 2)
Education Building
Bakuran
Mountaineer Stories
Hinang-hina ang Gabay namin
Playground of Ghost and Such (Parts 1-3)
Amadeuz Tale : Jenny
Salabay
Bulong
Past 3AM
Yaya
Ligaw
The Unsolved Mystery in my School
Compiled Stories 4
Unfamiliar face of a girl on the stair
Summer Vacation (Parts 1 & 2)
Training Center
The Museum
When Someone's Dying
Third Eye
Compiled Stories 5p
Orphanage
Sapi
Kababata/Baway
Random Stories (Parts 1 & 2)
Kasunduan sa Demonyo
Anita, Babaeng Itim, Paring Pugot at Retreat
Nakita Kita
Compiled Stories 6
Land of the Rising Sun
LAStsING
The Wake & The Game
Di na tayo pwede
Pag oras mo na, oras mo na
Compiled Stories 7
Boundary at Subdivision
Lungsod ng Quezon - 2009
About Doppelgangers
Kaybiang Tunnel Stories
Compiled Stories 8
Who is she? (Parts 1 & 2)
Mackaroo's Journal : My Last Confession
11/21
1994
Compiled Stories 9
Kay-Anlog Road
Ang Batang Tambay sa 14th Floor
Compiled Stories 10
Multo sa Mall?
Hilaga
Dalisay + Faith Healer
Earthquake Drill
Kuya Leo and Ate Lea
Gown
My Lola's Story (Parts 1-3)
Compiled Stories 11
Kulam Adventures (Parts 1-3)
Doppelganger Stories
The Chronicles of Nadia (Parts 1-5)
Compiled Stories 12
Stranger Danger
Dayo
Friday Night at Ang Babae sa Mall
NoSleep Series : Trabaho sa Dark Web (Parts 1-5)
Davao Doctors College (6th Floor Cad Bldg)
Unknown
Dyablo Island
My Lola and I (Parts 1-3)
Enchanted
Auditorium (Parts 1 & 2)
Kulam ba o Mental Illness?
Tubuhan: Triangle
Compiled Stories 13
Pamahiin
Ngiti
Engkanto
Compiled Stories 14
Madre
Me and My Two Best Friends (Parts 1-4)
Lason
Compiled Stories 15
Si Ninong (Parts 1 & 2)
Jose + Sumpa
Spirit of the Coin
Black Witch (Parts 1 & 2)
Compiled Stories 16
Mahiwagang Garden (Parts 1 & 2)
NoSleep One-shot Story : Ang Insidente sa Highway 1093
NoSleep One-shot Story : Parang may mali sa aking Lasik Surgery
The Sign
Compiled Stories 17
Compiled Stories 18
Compiled Stories 19
Kasabay
Ngayon naniniwala na ako
Papatayin kita
Mga kababalaghan
Naririnig kita
Compiled Stories 20
Compiled Stories 21
UV Express, Black and White Feathers at Si Anna
Psychosis (Caloy from Cebu)
Come Again
Compiled Stories 22
New Found Friend
Creepy Classroom
Bicol Dekada Otsenta
Hindi lang kami ang baliw dito, Miss
NoSleep (One-Shot Story) : Ang baog kong asawa ay nakabuo ng bata
Compiled Stories 23
Crematorium, 2012
Experiment
Compiled Stories 24
Mt. Cristobal (The Devil's Mountain)
Doppelganger Stories 1
Compiled Stories 25
Cronica Bruja : Hatid
Ilog sa Mt. Banahaw, Quezon Province
Compiled Stories 26
Compiled Stories 27
Ghost Wedding
Gutom (Parts 1-2)
Compiled Stories 28
Isay comes home (Parts 1-2)
Ricky's Wishing Coin
Stranger Danger (Parts 1-2)
Deliver us from evil
Kainan sa may Palengke
Anino (Parts 1-3)
The Bus Station (Thailand Tour)
Sine
Nawawala ang Nakaburol
Ang Babaeng pinaanak ang sarili (Parts 1-2)
Baboy
Kakila-kilabot na pagsalubong sa Bagong Taon
Till death, we'll never part (Parts 1-4)
Compiled Stories 29
Doppelganger Stories 2
Thou shalt not steal
Kerosene
Compiled Stories 30
Semana Santa
Huling gabi ng Santa Cruzan
Balkonahe (Lilac Story)
Poso
Kaibigan
At lumabas ang Halimaw mula sa Libro
Selos
Bahay-bahayan

Compiled Stories 1

379 11 0
Від Sheree_Mi_Amour


Ang ibang pasahero

"Oh, Yung mga hindi pa nagbayad diyan, magbayad na!" Sigaw ng driver ng jeep habang tinatahak namin ang daan ng from San Carlos to Bayambang, Pangasinan. Alas sais trenta ng hapon. Halos madilim na ang daan at wala ng halos kabahayan tanging bukirin na lang ang matatanaw sa labas. Napatingin ako sa side mirror ng jeep ng isigaw ng driver iyon. Tanging liwanag na lang ng ilaw sa loob ng jeep ang nagsisilbing ilaw tama lang para Makita Ang mga pasahero. Pagtingin ko makita ang salamin ay mga pasaherong nagkukwentuhan. Yung iba tulog o di Kaya naman ay nagse- cellphone. Madalas sa mga pasahero ay nagtatrabaho sa San Carlos o di kaya naman ay estudyante. "Manong, bayad po" "Singkwenta?" Tanong ng driver, tanong na ang ibig sabihin ay 'Saan itong singkwenta?' pero walanh nagsalita. Nagsibabaan na ang ibang pasahero sa Basista pero napukaw ang tingin ko sa nurse na kanina pa tulog. Kalahati lang ng pwet ang nakaupo at nakahawak ang kamay sa bakal na nagsisilbing patungan ng ulo nya. Wala na halos pasahero. Ilan na lang kami pero hindi gumalaw sa ganung posisyon yung nurse kahit wala na syang katabi. Ganun ang upo mo kapag isiniksik mo lang sarili mo para makaupo sa loob ng jeep. Biglang nagpreno yung driver ng jeep nang may sumigaw ng "Para!". Dahilan para malaglag yung balabal sa lap nung nurse. Puro blood stain Yung damit ng nurse. "Ano ba yan!" Bulong ko sa sarili ko. Kaya tumingin na lang ako sa daan. Nasa bandang Hands of Heaven na kami ng biglang mag-blink-blink yung ilaw sa loob ng jeep. Pito na lang sila doon tapos kami nung driver. "Ito na naman" Bulong ng driver. Nanindig ang balahibo ko ng pagtingin ko sa side mirror ng jeep. Nakaupo na ng maayos yung nurse at nakatakip na yung balabal nya sa lap nya. Pero nakayuko pa din. Nagpatay-sindi yung ilaw. Bawat sindi parang papalapit yung nurse. Di na lang ako tumingin ulit dahil natatakot na ako. Malapit naman na kaming bumaba. Nang makarating kami sa bayan. Nagmadali akong bumaba. Pero sa kasamaang palad. Ang hirap buksan ng pintuan ng jeep sa passenger seat. Sa hindi sinasadya ay napatingin ako sa side mirror. "Put*!" Napamura na lang ako dahil sa frustration at takot na nararamdaman ko. Nagsibabaan na kasi yung ibang pasahero sa likod.
"Miss, okay ka lang?" Tanong ng mamang driver. "Uncle pabukas. Ang hirap i-open" sagot ko. Pero bago pa kumilos yung driver nabuksan ko naman na. "Uncle, may pasahero pa kayo." Sabi ko sa driver habang pababa ako. Lumingon yung driver at napangiti. "Wala naman. Hayaan mo. Bababa din yan" sarkastikong sagot ng driver. Naintindihan nya siguro ang ibig kong sabihin. Pagkababa ko, umandar na agad yung jeep at napatingin ako sa likod nito, wala na yung nurse. Sa pagtataka, lumingon ako kung nasaan na sya. Paglingon ko nasa likod ko na pala at nakangiting demonyo. Parang itsurang adik. "Sh*t!!" Sabay takbo.

-MARIA

Ang Kaklase kong si Ligaya

Ang kwentong ito ay tungkol sa kaklase kong si Ligaya noong 2nd year high school na weird sa tingin ng karamihan, nakakakita sya ng mga bagay na hindi karaniwang nakikita ng mga may ordinaryong mata, tahimik siya, may sariling mundo, hindi palakaibigan, kikibo lang sya pag tatanungin mo pero ang good thing sa kanya ay masipag siyang mag-aral, naging magkaibigan naman kami kahit papaano.

Isang umaga sa Values Ed class namin, hinati kami ng teacher namin sa limang pangkat, kailangan daw isa sa group namin ang mag-share ng masaya, malungkot o nakakatakot na karanasan sa buhay. Hindi ko makakalimutan ang araw na iyon, isang madilim na umaga dahil tag-ulan at nakakatakot ang kulog. Ang pangalan ng kaklase ko ay Ligaya, sya ang naka-assign na magkwento ng malungkot na nakaraan at nasindak kami sa kanyang kwento.

Isang hapon, naglalaro silang magkakapatid nang tinawag siya ng kanyang tatay na manghiram ng itak sa kabilang bahay. Medyo malayo ang bawat bahay sa nayon kung saan nakatira si Ligaya. Nang makahiram ay inabot na ni Ligaya ang itak sa tatay niya at bumalik sa paglalaro. Nung gabi ding yun ay naghapunan na silang magpapamilya. Ang kanyang ina, ama , siya, ang kapatid din nyang babae, at bunsong lalaki na may polio. Tahimik na ang gabi, at isang nakakatakot na ingay ang pumukaw sa nahihimbing na nilang mga diwa. Ang kanilang ama ay nasa ibaba pala at nakaupo, nanlilisik ang mga mata at parang nasapian ng kung anung masamang demonyo. Nakangisi ang kanilang ama at parang kinakausap ang kanyang sarili at nakahawak sa itak, hanggang sa tumayo ito papunta sa itaas kung saan naroroon sina Ligaya, takot na takot sila sa mga oras na iyon. Isinara ng kanilang ina ang pintong kawayan para makaiwas sa posibleng sasapitin nila sa kamay ng tila may sayad na nilang ama. Alam nilang posibleng masira ang marupok na pinto kaya tumakas sila at lumabas ng bintana, unang lumabas si Ligaya, para saluhin ang mga kapatid. Nang makuha na nya ang bunsong kapatid na may polio sinabihan siya ng kanilang ina na mauna nang tumakas at baka maabutan pa sila ng kanyang ama. Labag man sa kalooban ni Ligaya ay sinunod niya ang kanyang ina, karga-karga niya sa likod ang bunso niyang kapatid at hawak niya ang isa pa. Sa di kalayuan, narinig niya ang palayaw ng kanyang ina na tila gustong makatakas sa nakakatakot na kamatayang posibleng masapit. Hindi ininda ni Ligaya ang mga tinik sa daan na naapakan niya, tinawid nila ang ilog, hugis suklay ang buwan noong gabing yun, kaya nakita niya sa di kalayuan na nakasunod pala ang kanyang ama at may hawak pa ring itak. Sinuong nila Ligaya ang matarik na daan, ang liwanag ng buwan ang nagsilbing tanglaw nila sa gabing yun. Nakarating sila sa bahay ng kanyang lola, at humingi ng tulong, doon pinapasok sila ng kanilang lola, at ramdan nila na nandun ang kanilang ama na umaaligid sa palibot ng bahay. Nagdasal sila ng nagdasal hanggang sa mag-umaga na, nakumpirma nga nila na nabaliw nga ang kanilang ama at ang kanyang ina ay hindi na bumalik at balita nila ay nasa Maynila na.

Nagkasakit ang kanilang bunsong lalaki at namatay, nang sumunod na taon namatay din ang kanilang ama, pero ni anino ng kanilang ina ay hindi na muli nilang nasilayan.

Sabay sa malakas ng buhos ng ulan ay bumuhos din ang luha naming lahat. Huminto si Ligaya nang sumunod na pasukan at hindi ko na siya nakita pang muli.

Lexie

Pusang Itim

This story was real and it happened last July 2019.

6 months ng buntis si Ate Za sa pangalawang anak nya. Healthy daw yung baby nya sa loob ng tummy nya. Laging updated sa check up, may vitamins din syang tini-take for her pregnancy.

Isang gabi galing daw silang mag-asawa sa trabaho ng may nadaanan daw silang lamay malapit sa inuupahan nilang bahay. Dumaan lang daw talaga sila ni lumingon daw ay hindi nila ginawa. Nang malapit na sila sa bahay nila e napansin daw nila yung pusang itim na nakasunod sa kanila, di daw pinansin ni Ate Za nung una kasi akala nga pusang ligaw lang daw. Nung nasa bahay na daw sila, yung pusa nasa tapat lang daw ng pintuan nila sinusundan ng tingin si Ate Za naalibadbaran daw sya kaya ginawa nya tinawag nya daw yung asawa nya para paalisin daw yung pusa. Nung una ayaw matinag nung pusa pero di kalaunan napaalis naman daw ng asawa nya.
Pagkaalis na pagkaalis nung pusa nakaramdam daw si Ate Za ng sobrang init, yung tipong dalawang electric fan na daw yung nakatutok sa kanya at naka-number 3 na e di pa rin maibsan yung init ng katawan nya.
Kaya ng matutulog na silang mag-asawa, nag-hubo't hubad daw sya na natulog.

Madaling araw na daw nagising sya sa sobrang uhaw saka magsi-cr daw sya. Nagulat sya kasi yung pusang itim eh nandon na naman daw. Nung akmang tatawagin nya daw yung asawa nya kusa nalang umalis yung pusa. Tapos yung pakiramdam daw non ni Ate Za eh gumaan daw yung katawan nya.

Kinabukasan di na daw naglilikot yung baby nya. Kinakabahan na daw sya kasi active daw yung baby nya sa tiyan e sobrang likot na talaga non, inaya na nya yung asawa nya don sa ob nya. Pagdating daw nila ng hospital ni-declare ng ob nya na wala na daw heartbeat ang baby nya 2 beses ni-check at in-ultrasound pa daw yung tiyan nya to check kung wala na talaga yung baby. Sad to say na patay na nga yung baby sa loob ng tiyan nya.

Pinaanak sya. Normal delivery, may pinainom sa kanyang gamot para daw di sya mahirapan ilabas yung baby. Nung pag-ire nya ng pangalawang beses lumabas yung baby tumalsik pa daw yung bata. Pag angat ng doktor durog daw yung ilong ng bata. Yung inunan naman ni Ate Za paglabas e tuyo, as in tuyo daw. Usapan sa trabaho nila na aswang daw yung pusa na yun. Sabi din ng iba dapat di raw sila muna dumiretso ng uwi para di daw sila nasundan nung maligno na yun.

Salamat sa pagbabasa.

Mariebiscuit 👯

Nakakatakot na katahimikan

Ako nga pala si Jonas, Nais ko lang ibahagi ang aking napaka-creepy-ing karanasan dito.

Ako ay nagtatrabaho bilang isang housekeeper o utility. Kami ay walang permanenteng lugar dahil nililinis lang namin ay yung mga newly constructed buildings, then pag ok na ay sa ibang lugar naman kami.

Share ko lang yung last building na nilipatan namin, kakatapos lang i-renovate yung ibang floors, mga kisame at pintura sa dingding pati na rin yung interior designs lang naman, kami na ang babanat dun para maglinis. Nung araw na yon ay kaunti palang kami ng mga ka-work ko kaya nag-intay kami, habang nag-aantay ay nakaramdam ako na naiihi ako, lumapit ako sa guard at tinanong ko kung saan ang CR.

Guard: "Doon sa dulo ng hallway. Nakikita mo yung may madilim na paliko? Diretsuhin mo yun, pero payo ko sayo pag dumiretso ka don may madadaanan kang isang bakanteng bodega na madilim, huwag mo nalang pansinin." (nakakatakot na tugon nya)
Ako: "Ah ganon po ba? Sige po salamat. Pero bakit naman po, ano po ba meron doon?"

Hindi umimik ang guard.

Ako nga ay pumaroon na, habang naglalakad palang ako sa hallway ay parang nabibingi na ako sa sobrang katahimikan. 12 ng hatinggabi na non dahil ganung oras lang kami pumapasok, hanggang sa narating ko na ang dulo, maraming kailangang ayusin lalo sa mga ilaw. Lumang building na rin kasi iyon, medyo madilim nga at mahaba ang daan, binaybay ko at malapit na ako sa CR nang bigla akong nakaramdam ng malamig na hangin. Medyo napaisip ako dahil sarado naman ang mga bintana ng gusali pero hinayaan ko nalang, malapit na ako sa CR ng madaanan ko ang isang storage room, nakabukas ang pinto at medyo malawak ang loob, napabalikwas ako ng tingin ng biglang parang may dumaan sa likod ko, di ko na pinansin gaya nga ng sinabi ng guard, dali-dali akong nagpunta sa CR para umihi, pagtapos ay dumiretso ako sa lababo para maghugas ng kamay at maghilamos, habang naghihilamos may narinig ako sa kabilang toilet na nag-flush, inisip ko na may tao at inantay ko nalang para may kasabay ako, and guess what? halos 10mins na mula nung narinig ko yung flush eh walang lumalabas, nagpasya akong kumatok ng tatlong beses, pagkatok ko ay labis akong natakot nung kumatok rin yung nasa loob ng tatlong beses, binuksan ko ngunit wala namang tao sa loob. sa sobrang takot ko ay lumabas agad ako ng cr ngunit para akong nahilo, madilim na hallway lang ang nakita ko at di ko alam saan tatakbo, nagpa-panic na ako at pawis na pawis dahil di ako makalagpas sa harap ng bodega na madilim, para bang hinang-hina ako pag pinilit kong dumaan don, pero nilakasan ko ang loob ko. tumakbo ako ng mabilis at paglagpas na paglagpas ko palang sa tapat ng bodega eh parang may mga narinig akong sitsit pero alam ko sa sarili ko kung ano yun, nakabalik ako sa pwesto namin at tulala't namumutla, tinanong ako ng mga kasamahan ko kung anong nangyari, di ako umiimik pero yung guard nakangiti lang na lumapit sakin sabay sabing "Ngayon nasagot mo na."

6th floor

Hello!!! Silent reader nga pala ako ng page na to actually since 400K likes palang itong page na ito, nagbabasa na ako. So eto na siguro yung time para ikwento ko yung story ko.

Way back nung 2016, yung ako ay nagtatrabaho pa sa isang kompanya near Makati (hide ko nalang yung name ng company) bago palang ako dito at yung lugar ay magarbo kaya di na ako nagtaka kung ba't ang taas ng monthly salary ko kahit janitor lang ako. Isa ako sa janitor noon, night shift ako, ang pasok ko ay 6pm-2am nagpapalitan kami nung isa pang janitor doon na pang umaga para maglinis.

Fast forward. Sabado non, tas kami nalang nung boss ko yung natira sa office kasi 1am talaga ang labasan noon kasi holiday, 2am na yata non ng madaling araw nang nagpaassist si boss para magligpit at maglinis sa room nya sa 2nd floor, actually dapat 2 kaming janitor na maiiwan kaso yung isang janitor nagpaalam na half day daw siya kasi birthday ng anak niya kaya ako nalang ang naiwan kasama si boss. Sabay kami palagi umuuwi ni boss dahil parehas naman kami ng daan na inuuwian kaya nakikisabay na ako sa kotse niya. Tas ayun habang naglilinis ako sa room ni boss kasama siya, inutusan niya ako na magpasama sa 6th floor, nagtaka ako kasi 2am na bakit pa ako maglilinis sa 6th floor e nalinis ko naman na don yun nung bandang 9pm, so ayun nga, sumunod nalang ako kahit nangangamba na ako. Habang nasa elevator kami hindi na siya nagsasalita o umiimik man lang, nang makarating na kami sa 6th floor bigla na lang siyang tumuro sa bintana, wala siyang ibang sinabi na kahit ano basta't tinuro nalang niya yon tapos naisip ko na baka may dumi don kaya pinunasan ko nalang kahit wala siyang sinasabi. Hindi nagsasalita yung boss ko kumbaga pinapanood lang ako nito. Tas ayun habang pinupunasan ko, nakaramdam ako ng pag-ihi, so dun na rin ako nag-cr sa 6th floor since may malapit naman na kubeta. Tapos ayun habang naglalakad ako, yung boss ko nakatingin lang sakin kumbaga hindi pa rin ito nagsasalita at nakatitig lang ito sakin, tapos ayun habang naglalakad ako papuntang banyo, may nararamdaman akong kakaiba as in kakaiba talaga kasi dalawa nalang kami nung boss kong natira, may naririnig akong kasabay papuntang cr, yung boss ko naman hindi pa din umaalis sa pwesto hanggang sa nag-cr nalang ako, binalewala ko nalang yung takot na nararamdaman ko kesa ano pang mangyari. Hanggang sa pagkatapos kong mag-cr, pagbalik ko sa kinaroroonan ni boss, wala na siya sa kinatatayuan niya, hindi ko naman siyang narinig na naglakad paalis o gumamit man lang ng elevator pababa kaya paano siyang nawala?. So, na-confused na ako sa kung anong nangyayari dito, parang ang weird sobra tas binalewala ko nalang din yun tas sumakay nalang ako ng elevator pababa, habang nasa elevator ako, pakiramdam ko na ang daming nakatingin sakin kahit wala namang ibang tao doon na natira. Tas nung makarating na ako sa ground floor, nakita ko yung boss ko na nagse-cellphone sa upuan. Tapos tinanong ko ito bakit ang bilis niyang makababa, tapos naging confused siya sa tanong ko kaya sinabi ko na huwag niya nalang isipin tapos pagka-check ko sa wall clock, saktong 3:30 na e parang saglit lang naman kami sa taas non kanina. Tas ayun na nga nararamdaman ko na rin yung takot sa loob ko hanggang sa makauwi na ako sa bahay. Tas ayun, pagkapasok ko kinabukasan yung mga tao nag-iiyakan na tapos nagtanong-tanong ako kung ano ang nangyayari hanggang sa pumunta ako ng 6th floor, nakita ko yung boss ko na duguan sa cr. Ang sabi, nadulas daw ito at naunang bumagsak yung ulo at maraming dugo ang nawala dito. Dead on arrival na nang makarating ng hospital.

-SGMD, 2016.

Продовжити читання

Вам також сподобається

6.8K 433 25
ANGELICA: Ang Multo ng Balete Drive Kuwento ni Segundo Matias, Jr. Guhit ni Jamie Bauza
Ang Bayang Naglaho Від GYJones

Паранормальні явища

106K 6.6K 28
Sa isang hindi maipaliwanag na pangyayari, ang mahigit limang daang mamamayan ng maliit na bayan sa Quezon Province ay naglaho na parang bula. Isang...
6K 214 7
Ang madugo at nakakakilabot na kwento ni Caloy sa kanyang paglipat sa kanyang bagong tirahan.
64.7K 2.5K 32
#PHTimes 2019 #1 in Horror🏅11142018 Magmula ng ipanganak si Emy ay nababalutan na ng hiwaga ang kanyang buong pagkatao. Ang kanyang inang nagsilang...