Scary Stories 5

By Sheree_Mi_Amour

41.4K 1.3K 19

The stories you're about to read are not mine. These are all from the popular Facebook page "Spookify". Enjoy... More

Nueva Ecija - 1997
Ang MedRep
Maynila - 1993
Nueva Ecija - 1989
Tapik
Mindoro - 2006
Pamahiin sa Patay
Cagayan de Oro - 1950
San Mateo, Rizal - 1996
Bicol - 1955
Camping sa Baguio
PUP Scary Stories
Look Up, Up, Up
Serial Killer si Madam
The Horror Stories of Mindanao State University, Marawi City
Ilaw at Sigaw
The Customer
Opisina
R.L.E.
Nagpaparamdam na mga patay
Baguio Experience - 2019
Haligi ng Tahanan
Compiled Stories 1
Dugwak
Immersion (Parts 1-5)
Kulam
Caramoan
Accident call
Batangas (Bundok) (Parts 1-5)
Kapahamakan sa Kabundukan
Manggagamot
Bakanteng Lote
Nang dahil sa sampung piso
No one will know (Parts 1 & 2)
No one will know (Parts 3 & 4)
Compiled Stories 2
Station 4
Parola
Mananabtan
Katotohanan (Parts 1 & 2)
Ortigas - 6/29/19
Factory
Engineering Building
Bisita sa Bicol
Haunted Supermarket
Ang Engkanto sa Parking Lot ng Trinoma
Auntie V
Auntie V (Balikan)
Tubuhan (Parts 1 & 2 + Prequel)
Compiled Stories 3
Ingay ng Bulong (Parts 1 & 2)
Education Building
Bakuran
Mountaineer Stories
Hinang-hina ang Gabay namin
Playground of Ghost and Such (Parts 1-3)
Amadeuz Tale : Jenny
Salabay
Bulong
Past 3AM
Yaya
Ligaw
The Unsolved Mystery in my School
Compiled Stories 4
Unfamiliar face of a girl on the stair
Summer Vacation (Parts 1 & 2)
Training Center
The Museum
When Someone's Dying
Third Eye
Compiled Stories 5p
Orphanage
Sapi
Kababata/Baway
Random Stories (Parts 1 & 2)
Kasunduan sa Demonyo
Anita, Babaeng Itim, Paring Pugot at Retreat
Nakita Kita
Compiled Stories 6
Land of the Rising Sun
LAStsING
The Wake & The Game
Di na tayo pwede
Pag oras mo na, oras mo na
Compiled Stories 7
Boundary at Subdivision
Lungsod ng Quezon - 2009
About Doppelgangers
Kaybiang Tunnel Stories
Compiled Stories 8
Who is she? (Parts 1 & 2)
Mackaroo's Journal : My Last Confession
11/21
1994
Compiled Stories 9
Kay-Anlog Road
Ang Batang Tambay sa 14th Floor
Compiled Stories 10
Multo sa Mall?
Hilaga
Dalisay + Faith Healer
Earthquake Drill
Kuya Leo and Ate Lea
Gown
My Lola's Story (Parts 1-3)
Compiled Stories 11
Kulam Adventures (Parts 1-3)
Doppelganger Stories
The Chronicles of Nadia (Parts 1-5)
Compiled Stories 12
Stranger Danger
Dayo
Friday Night at Ang Babae sa Mall
NoSleep Series : Trabaho sa Dark Web (Parts 1-5)
Davao Doctors College (6th Floor Cad Bldg)
Unknown
Dyablo Island
My Lola and I (Parts 1-3)
Enchanted
Auditorium (Parts 1 & 2)
Kulam ba o Mental Illness?
Tubuhan: Triangle
Compiled Stories 13
Pamahiin
Ngiti
Engkanto
Compiled Stories 14
Madre
Me and My Two Best Friends (Parts 1-4)
Lason
Compiled Stories 15
Si Ninong (Parts 1 & 2)
Jose + Sumpa
Spirit of the Coin
Black Witch (Parts 1 & 2)
Compiled Stories 16
Mahiwagang Garden (Parts 1 & 2)
NoSleep One-shot Story : Ang Insidente sa Highway 1093
NoSleep One-shot Story : Parang may mali sa aking Lasik Surgery
The Sign
Compiled Stories 17
Compiled Stories 18
Compiled Stories 19
Kasabay
Ngayon naniniwala na ako
Papatayin kita
Mga kababalaghan
Naririnig kita
Compiled Stories 20
Compiled Stories 21
UV Express, Black and White Feathers at Si Anna
Psychosis (Caloy from Cebu)
Come Again
Compiled Stories 22
New Found Friend
Creepy Classroom
Bicol Dekada Otsenta
Hindi lang kami ang baliw dito, Miss
NoSleep (One-Shot Story) : Ang baog kong asawa ay nakabuo ng bata
Compiled Stories 23
Crematorium, 2012
Experiment
Compiled Stories 24
Mt. Cristobal (The Devil's Mountain)
Doppelganger Stories 1
Compiled Stories 25
Cronica Bruja : Hatid
Ilog sa Mt. Banahaw, Quezon Province
Compiled Stories 26
Compiled Stories 27
Ghost Wedding
Gutom (Parts 1-2)
Compiled Stories 28
Isay comes home (Parts 1-2)
Ricky's Wishing Coin
Stranger Danger (Parts 1-2)
Deliver us from evil
Kainan sa may Palengke
Anino (Parts 1-3)
The Bus Station (Thailand Tour)
Sine
Nawawala ang Nakaburol
Ang Babaeng pinaanak ang sarili (Parts 1-2)
Baboy
Kakila-kilabot na pagsalubong sa Bagong Taon
Till death, we'll never part (Parts 1-4)
Compiled Stories 29
Doppelganger Stories 2
Thou shalt not steal
Kerosene
Compiled Stories 30
Semana Santa
Huling gabi ng Santa Cruzan
Balkonahe (Lilac Story)
Poso
Kaibigan
At lumabas ang Halimaw mula sa Libro
Selos
Bahay-bahayan

Full Moon

330 13 0
By Sheree_Mi_Amour


Hi spookify! Bago ko simulan ang story na ito, gusto ko lang humingi ng kaunting pang-unawa sa mga makakabasa nito, nasasainyo kung maniniwala kayo sa ibabahagi kong kwento. Based ito sa true life experience. Muli, humihingi ako ng konting pang-unawa, kung may details na medyo malabo. Ginagawa ko lang kasi itong story na ito sa biyahe, medyo pagod galing work. Haba ng traffic dito sa EDSA ngayon hehe. Night shift kasi ang work ko. Sa isang BPO company dito sa Ortigas ako na-assign. So pagdating ng out ko, traffic na agad kasi office hours na yun. Kung di ko siya matatapos ngayon sa biyahe, mamaya ko ituloy pagdating ko sa bahay. Bale isiningit ko lang ito sa gagawin dahil nasa gitna pa ako ng traffic. I know madami dito ang avid at silent reader. Pipilitin kong idetalye ng maganda ang ise-share ko ngayon na story. Ito ay hindi ko own experience, may mga real experiences ako pero sa ibang araw ko na lang siya gagawin. Ang story na ito ay karanasan ng isa kong close classmate nung elementary sa province namin. So simulan na natin.

Itatago ko siya sa pangalang Ryan. Kaklase ko siya simula grade 3 hanggang grade 6. Ibinahagi niya sa akin ang karanasan niyang ito, at talaga nga namang pumukaw at kumuha ng atensyon ko. Since may mga own experience ako, like ghost etc. Pero iba yung sa kanya, at ito ay karaniwang sa probinsya mo lang mararanasan.

Here we go.

Friday afternoon 5pm, last day ng school class namin for this week nun. Sa halip na dumiretso si Ryan sa kanilang bahay eh sa computer shop muna siya dumiretso, na lagi niya namang ginagawa. Inabot siya ng 7pm sa computer shop at nakauwi siya before 8pm na. Pagdating niya sa kanila, naabutan niya na nag-aaway yung nanay at tatay niya. Madalas daw mangyari yun kaya sanay na siya. Kaya kapag ganun, lumalabas lang daw siya ng bahay para hindi marindi sa ingay sa loob ng bahay nila. Tatambay lang siya dun at saka lang siya papasok kapag tapos na yung tensyon sa loob.

At ng gabing yun ay nangyari nga yung di niya inaasang karanasan, na habang isinasalaysay niya sa akin ay nagsisipagtayuan pa rin yung mga balahibo niya.

So pagdating niya sa kanila, nagmano lang siya sa mga magulang niya, na pansamatala naman nilang itinigil ang bangayan ng makita siya. Pumasok siya ng kusina at kumain, at maya-maya pa ay narinig niya na naman yung sumbatan ng nanay at tatay niya. After niya kumain ay lumabas siya kasi naririndi siya sa ingay sa loob. Bilog na bilog ang buwan ng gabing iyon at malamig kasi nga ber months ng mga buwan na yun. Kinuha niya ang nakataling si Blackie (alaga niyang aso) at naglakad-lakad. Medyo malalayo ang pagitan ng mga bahay-bahay dun, palibhasa nasa probinsya.

Nakarating siya sa isang bakanteng lote na medyo may kalayuan sa kanila. May ginibang bahay sa lote na iyon at dun siya madalas tumatambay. Umupo siya sa isang malaking bato at doon nagpalipas ng pag-aaway ng kanyang mga magulang. Nakatingala daw siya nung may napansin siyang ibon at tumigil iyon sa tapat ng buwan. Sa tantiya niya ay may sampung segundo tumigil iyon sa tapat ng buwan bago dumiretso sa paglipad.

Hindi pa nakakalipas ang isang minuto ay merong sumunod na ibon at tumigil din ito sa tapat ng buwan, medyo malaki ito kesa sa unang ibon. Kagaya ng unang ibon ay huminto rin ito sa tapat ng buwan, kung saan siya ay nakaupo at nakatingala.  May sampung segundo rin daw itong huminto. Parang ang weird daw, kasi hindi naman makakahinto ang ibon ng ganun katagal sa iisang pwesto kahit pa pumapagaspas ang mga pakpak nito.

Nasa ganun siyang pag-iisip ng may sumunod na ibon na ganun din ang ginawa. Kagaya ng una at ikalawa ay huminto rin ito sa tapat ng buwan. Patuloy lang daw sa pagkampay ng pakpak yung ibon, pero hindi umaalis sa pwesto. Mas malaki ito ng doble kesa sa naunang dalawa at ito lang ang tumagal sa paghinto. Sa tantiya niya ay may 20 segundo ito sa ganung pwesto at parang may tinitingnan sa baba kasi ginagalaw-galaw daw nito ang malaking ulo, after nun ay umalis na din.

Ang ipinagtataka niya ay bakit tumitigil ng ganun ang mga ibon na dumaan kanina. At pare-pareho daw, parang may tinitingnan sa ibaba, kasi nakikita niya yung galaw ng malalaking ulo nito na palinga-linga. Ang weird nga, kasi ngayon lang daw siya nakakita ng ganung mga ibon na kayang tumagal sa iisang pwesto. At ang isa niya pang ipinagtataka ay bakit ito humihinto sa tapat ng buwan na kung saan siya ay nakaharap?. Madaming tanong ang pumapasok sa isip niya na kung anu-ano ng gabing iyon. At sa isang sulok ng isipan na yun ay may unti-unti siyang nakakapa, ngunit ayaw niyang isipin kung totoo ba yun, kasi mismong sarili niya lang din ang matatakot. Wala naman sigurong ganun, kwentong bayan lang yun, pagpapakalma niya sa sarili niya. Ayaw nyang isipin na totoo yung imaheng nabubuo sa isipan niya ng mga gabing iyon.

Nasa ganun siyang isipin, nang biglang tumahol si Blackie, at sa gulat niya ay muntikan siyang mapatayo. Tahol daw ito ng tahol habang nakatingala. Umiikot yung aso niya na parang may sinusundan ng tingin sa itaas, nakabahag ang mga buntot nito na animo'y takot na takot. Wala naman siyang nakikita sa direksyon na tinatahulan ni Blackie, kahit pa medyo maliwanag ang bilog na buwan ay wala siyang nakikita na tinatahulan nito, pero patuloy lang daw ito sa pag-ikot at pagtahol habang nakatingala. Pinapatigil niya daw si Blackie, pero patuloy pa rin ito sa pagtahol. Sobrang weird na daw ng ganong eksena. Ayaw niyang tangapin sa isipan niya na totoo yung iniisip niya. Saka ay nag-iisa lang siya dun at malayo sa kabayanan. Alam niyang bibihira lang tumahol si Blackie ng ganun ka-weird, kasi bibihira lang ito tumahol. At wala naman siyang nakikitang dahilan para tumahol at bumahag ang buntot nito ng ganun-ganun na lang.

Nakayuko lang daw siya nun ng maya-maya pa ay medyo dumilim, (kasi maliwanag ng gabing yun) parang natakpan daw ang buwan ng isang malaking bagay kasi lumaganap daw ang dilim niyon sa buong lote. Nang pagtingala niya ay para daw siyang natuyuan ng dugo sa nakita, isang katawan ng babae na putol ang bandang ibaba, simula sa ibaba ng pusod hangang sa paa. May malalaking mga pakpak na hindi sa ibon kasi hindi mabalahibo (feather), parang sa paniki daw ang mga pakpak nito kasi may mga nakausling ugat. May kamay at may ulo daw ito na ang buhok ay sabog-sabog (parang kinuryente ang pagkakaayos). Parang nawalan daw siya ng lakas at napako (di makagalaw) siya sa nasaksihan. Yung pakiramdam niya ay manhid ang buong katawan niya at parang nakalutang lang.

Nang mag-sync in sa kanyang isip kung ano ito, ay dun lang siya natauhan. Wala man siyang lakas, ay pinilit nyang tumayo at tumakbo. Nabitawan niya daw si Blackie, pero sumunod din ito sa kanya na takot na takot din. Pagdating sa kanila ay ni-lock niya agad ang pinto nila, hinayaan niya na lang na bukas yung gate, kasi wala siyang time isara yun sa sobrang takot. Ang mahalaga ay naisara at na-i-lock niya ang pinto nila. Tulog na ang mga magulang at bunsong kapatid niya pagdating niya, kaya walang nakaalam ng nangyari sa kanya. Dali-dali siyang pumasok sa kwarto nilang magkapatid at chineck ang mga bintana. Nakatulog siya sa sobrang takot ng gabing iyon. Kinaumagahan ay hindi niya kinuwento sa mga magulang niya ang nakita, baka pagalitan lang daw siya, kung bakit lumalabas pa ng gabing-gabi na. Nanatiling tikom yung bibig ni Ryan sa mga nasaksihan. Simula noon ay maaga na siyang umuuwi at hindi na dumadaan sa computer shop para hindi na abutin ng gabi.

Dun nya na-realized na iisa lang pala yung mga nakita nya na tumitigil sa tapat ng buwan, na sa una ay inakala niyang ibon. Lumilibot lang pala ito sa taas then hihinto ulit sa tapat ng buwan. Iikot ulit pababa, kaya pala bawat hinto ay lumalaki kasi bumababa. Kaya pala tahol ng tahol si Blackie habang nakatingala at sinusundan ang pag-ikot nito. Naaamoy siya at nakikita ng nilalang na yun at siya ay gustong biktimahin, kaya tumitigil ito sa tapat niya.

Yung nilalaro niya na counter strike, sa computer shop na may mga kalaban na zombie at mga impakto ay nagkatotoo. Dun niya nalaman na hindi pala fiction lang ang nakita niya, kasi dalawang mata niya mismo ang nakakita. Tanging kaming dalawa lang ang nakakaalam ng kwento niya. Nakikita ko sa reaksyon niya yung takot habang isinasalaysay ang pangyayari. Nagtatayuan ang mga balahibo niya at nangingilid ang luha. Kita ko sa mga matang yun ang sensiridad ng mga sinasabi niya.

Muli humihingi ako ng konting pang-unawa at paumanhin, kung mayroon kayong hindi naintindihan o hindi naunawaan sa detalye. Pasensya na tao lang, hindi perpekto at nagkakamali rin. Sumasali rin ako dati sa mga patimpalak ng pagsulat (essay writing contest) at nananalo rin naman. Ngayon lang ako pumalya simula ng nag-work na ako. Noon lapis at papel lang meron ako masaya na ako kasi makakapagsulat ako. Ngayon naman computer na lagi kaharap ko.

Almost 2 hours ako sa Edsa kaya natapos ko ang kwentong ito. Masakit man sa mga daliri mag-type, pero sulit naman. Ang importante ay mabigyan ko kayo ng isang istorya na ma-i-imagine nyo yung realidad ng kwento, yung place at yung nangyari. Ginawa ko ito na parang isang movie na kung saan ay mapi-feel nyo yung takot, na para bang kayo ay nasa kalagayan din ni Ryan ng mga oras na yun. Sana di ko nasayang yung oras nyo sa pagbabasa ng long story na ito. Marami pa akong kwento, hindi man karanasan ko ay karanasan ng iba na ibinabahagi sa akin.

Comment kayo sa ibaba, para naman mabasa ko, ng sa ganun ay ganahan ulit ako gumawa ng kwento at ganahan ako mag type sa gitna ng traffic or bago matulog. Kung gabi or hatingabi nyo man mabasa ito, pray muna kayo bago matulog, baka sumama sa panaginip niyo eh hehe.

- Mr. Youso

Continue Reading

You'll Also Like

46.8K 1.8K 34
Sampung daliri sa kamay. Sampung magkakaibang kuwento ng... Mga daliring mapaghiganti... Sa sampung taong nakatakdang kikitil ng buhay sa iisang lug...
60.8K 2.8K 26
This story is available exclusively on Dreame! Dahil sa mga pinagdaanan nina Zyl at Res ay mahigpit ang paninindigan ni Justin na hindi siya tutulad...
6K 214 7
Ang madugo at nakakakilabot na kwento ni Caloy sa kanyang paglipat sa kanyang bagong tirahan.
204K 6.1K 71
Hinghest Achievement in Horror - #7 Transfer Student si Jasmin Fajardo sa Kirin Art Academy , Eskwelahan na akala niya ay Normal ngunit hindi pala...