Me And My Troublemaker Boyfri...

By AAAAAACIAM

1.4K 122 5

Dalawang taong laging nasasangkot sa gulo. Parang magnet kung dumikit sa kanila ang mga taong maiinit ang ulo... More

Prologue
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23

Chapter 1

127 9 0
By AAAAAACIAM

Zailla POV

"Mom! I'm going!" sigaw ko kay mommy habang nag mamadali na kunin yung bag sa lamesa. "Baby are you not gonna eat you're breakfast?" balik na sigaw din nito dahil nasa kusina busy sa pag hahanda ng agahan.

"Wag napo dun nalang ako sa school" sigaw ko din habang papalabas na ng bahay.

"Wait lang baby hatid na kita!"sigaw ulit ni mommy.

Tumango nalang ako na parang makikita pa niya.

"Ok mom, I'll wait for you in the garage." sigaw kupa ulit sakanya.

Sigawan ang eksena namin ni mommy ha.

hahahah.

"Bakit ba kase tanghali nako nagising?" Bulong ko habang inaayos yung pag kakaupo sa passenger seat pati yung sarili.

Ilang minuto pa yung hinintay ko nung bigla namang sumakay si mommy sa driver seat.

"Late nanaman ang baby ko" Sabi pa nito na tumingin muna saken saglet at ngumiti lang ako at sinimulan na niyang paandarin yung sasakyan.

Pag tapat sa gate tinigil muna niya yung kotse at tsaka bumaba sabay bukas. Tinted yung kotse namin kaya  dimo makikita kung sinong nasa loob pero kita mo kung sinong nasa labas.

Bumalik naman kaagad si mommy at sumakay ulit at pinaandar na yung kotse. Pag labas namin ng gate bumaba ulit siya para saraduhin at I lock ito.

Ako naman pinalibot yung mata sa labas, maraming mga tao parang nag de-decorate sila sa basketball hall. Ang bahay kase namin ay katapat lang ng basketball hall kaya kita mo agad at safe dito kase nasa village kami.

Pag balik ni mommy pinausad na niya ulit yung kotse.

Habang busy sa kakamuni muni diko namalayan na nakarating na pala kami sa school.

Bababa na sana ako pero pinigilan ako ni mommy.

"Wait baby" pigil sakin nito na nakahawak pa yung isang kamay sa manobela at yung isa namang kamay ay may kinakalikot sa bag niyang diko namalayan na nadala pala niya, nilingon ko naman siya.

"Why mom?" Baling ko sakanya ng nakangiti pero sa loob loob ko gusto ko nang tumakbo papasok dahil super late na talaga ko.

"Here" sabay abot sakin ng pera na diko alam kung ilan dahil sa sobrang kapal, lahat isang libo!

Tiningnan ko naman siya ng nag tataka.

"Ano yan?"naka kunot noo kong tanong.

Dipa naman ubos allowance ko ah? Bakit ako binibigyan nito?

"Just take it" Sabi pa nito na binitiwan na yung pagkakahawak sa manobela at kinuha yung kamay ko tsaka inilapag dun yung pera.

"Mom, dipa ubos yung binigay mo saking allowance and I don't have nothing to buy. So, why giving me this?" Tanong ko na nag tataka.

"I know that you have your allowance. It's just that I want to give you a money so you can go out and shop with you're friends" Sabi pa nito ng nakangiti.

Ngumiti nalang ako para hindi na humaba pa yung usapan dahil late na talaga ko.

"Ok mom. Thank you." Sabi ko sabay dukwang sakanya para humalik sa pisngi.

"I'll go first, take care." Sabi ko pa sabay baba na sa sasakyan.

"Bye baby, Enjoy your day!" sigaw pa nito saken.

Nakatalikod akong nag lalakad kaya tinaas ko nalang yung kamay ko sabay kaway.

Habang naglalakad ay naka yuko ako. Busy kase sa perang binigay ni mommy na inilalagay ko sa wallet.

Tiningala ko muna yung ulo ko at dito na pala ko sa may parking lot. Kase bago ka makapasok sa mismong school dadaanan mo muna yung parking lot.

Nang biglang may dumaan na kotse sa gilid ko muntik pakong mahagip. Sisigawan kuna sana pero dere-deretso lang Kaya naman diko nalang pinansin.

"Walang hiyang driver yon di manlang tumingin sa dinadaanan." Ang nasabi ko nalang habang naka busangot at nakatingin dun sa sasakyan na papalayo.

Nang malapit nako sa school halos takbuhin kuna yung room namin makarating lang nang maaga. Pero parang malabo narin kase kahit anong takbo ko late padin naman ako.

Kaya nilakad ko nalang late narin feel-in nalang haha!

Sermon na naman ako neto sa NAPAKA BAIT KONG PROF,

Note the sarcasm please.

Nang malapit nako sa room namin ang raming nag kukumpulan sa daan mga estudyante kaya ang ginawa ko dahil wala naman akong pakialam sa kanila ay naki siksik ako.

They are all looking at me now. But I didn't bother to glance them. Hindi  naman sila importanteng pag laanan pa ng oras tsk. Alangan namang unahin ko pa sila eh late na nga ako, Nung malayo layo nako nakarinig pako ng mga bulungan pero diko na pinansin.

They are always like that. kapag di nila gusto yung isang tao bulungan ng bulungan kala mo di naririnig yung binubulong tsk.

Nang nasa tapat nako ng room namin, Bubuksan kuna sana dahil nakasarado ng bigla itong bumukas at sobrang swerte ko nga naman, teacher ko pang terror yung bumungad si Miss Nady! Tsk.

Miss Nady daw ang itawag namin sakanya dahil masyado daw mahaba kung yung surname niya na Fernando tsk, Ang daming alam.

Heh! Nady niya mukha niya! Masyado siyang suplada!. Nady-monyona haha!

"Miss Rollins twenty-five minutes late."'Mautoridad na sabi nito na nakataas pa ang kilay at nakaharang sa may pinto.

"I'm sorry miss Nady" sabi ko na halatang hindi sincere habang naka yuko.

Ayokong makita mukha niya baka mahawaan ako ng malas! Tsk.

"Go inside" ang nasabi nalang nito at diretsong lumabas.

"San naman kaya punta nun?"bulong ko at himala di yata high blood ngayon si miss bago yun ah? nevermind nalang..

Pag pasok ko sa room dumiretso agad ako sa upuan ko pero nahagip muna ng mga mata ko si Conlee na nakatingin saken. Diko Naman siya pinansin pati ang mga kaklase ko na nakatingin din at dumiretso nalang sa upuan ko.

Bumalik naman kaagad si miss nady at nag discuss.

Discuss

Discuss

Discuss

Ringgggg..  Ringgggg.. Ringggg...

After ilang minutes nag bell narin senyales na lunch time na.

Hayyyyy salamat at Bell na konti nalang talaga makakatulog na ko sa sobrang kabagutan eh.

Pero himala talaga kase parang di high blood ngayon si miss, Hmmmnn.

Wag nalang pansinin..

Tumayo nako at inayos yung mga gamit ko tsaka bumaling sa katabi kong busy na sa kaka cellphone.

"Huyyy" Istorbo ko sa busy-ng si conlee habang tinapik pa ang balikat niya.

Tumingin muna siya saken saglet na nakangiti sabay balik nung tingin sa cellphone niya.

What happened to her?

"Tara na sa labas gutom nako di ako nakapag almusal sa sobrang kamamadali" sabi ko pa na kinalabit pasiya.

"Oo! ito na wait lang." Sabi pa nito na tumingin muna ulit sa cellphone sabay hila saken palabas.

"Ano bang nagyayari sayo?" Sabi ko na naglalakad kasabay siya.

Tumingin naman muna ulit siya saken pero this time sa mata pagkatapos "kyaaaaaaaaaahhhhh" bigla siyang tumili.

Narindi ako sa lakas ng boses niya Kaya napa layo ako ng konti sakanya.

"Ano bang tini tili-tili mo dyan ha?Ano bang meron?" Sabi ko na salubong yung kilay.

Merong nangyari dito, di lang nag sasabi kanina pako nakakahalata.

"Kase diba kanina napansin mo naman siguro si miss nady na parang bumait diba?" Sabi pa nito na naka ngiti sabay tataas taas pa yung kilay.

"Of course I noticed that, Kala ko nga kanina bubungangaan nanaman ako nun kase late ako."

"Ano bang nangyari nung wala pako?"curious na tanong ko pa.

"Haayyyss yan kase ang hirap sa mga late ehh, dika tuloy naka abot sa announcement ni miss nady"Sabi nanaman nito na para bang nang iingit.

"Ano ba kase yun sabihin muna kase?" Pilit ko sakanya.

Nag lalakad parin kami ngayon papunta sa canteen. Malayo layo rin kase yun,Nasa third floor kase kami  tapos dadaan pa kami sa library.

"So ayun nga diba kanina wala ka pa obvious naman kase late ka!" Pambibitin pa nito na nakasigaw pa at tumingin saken.

Tinaasan ko lang siya ng kilay at diko pinansin.

"When miss nady enter the room she look at us first and then she sighed. Like she have a big problem. Tapos bigla siyang nag salita sabi niya aalis nadaw siya sa ati--"

"Talaga?" Putol ko sa sinasabi niya na parang hindi interesado.

But deep inside? I'm very happy. Pake niyo ba? Masaya lang ako kase mawawala na rin yung si miss nady. lagi kayang mainit yung ulo nun saken pati kay Conlee. Wala naman kaming ginagawang masama sakanya tsk. Kaya nga nanibago ako kanina kung bakit di niya ko sinigawan kase late ako.

Actually me and Conlee are hate with miss nady. kaya siguro ganun nalang siya kung maka ngiti at may pa tili pa. Pero nag tataka rin naman ako kanina kase kung maka ngiti siya sa harap ng cellphone niya wagas.

May hindi to sinasabi saken..

"Ano ba wag kangang umarte na parang Hindi interesado dyan,kase Alam ko na masaya ka at dipa nga ako tapos mag kwento At tsaka baka pag narinig mo pa yung iba kong sasabihin baka mag titili kana dyan!" Sabi pa nito na nanlalaki pa yung mata at parang di nasiyahan kase pinutol ko yung pag ke kwento niya, Salubong naman yung kilay haha!

"Ok! Ok! Patuloy muna yang kwento mo"

Kumapit naman siya sa braso ko at hinayaan ko nalang.

"Ayun nga Sabi niya aalis nadaw siya kase daw natanggap nadaw siya dun sa trabahong pinasukan niya" Sabi pa niya na tumingin saken at tinaasan ako ng kilay.

Kung di niyo kase naitatanong exchange prof. lang pansamantala si miss nady samen kase yung totoong Prof. namin may importanteng nilalakad. Pinakiusapan kase siya ni Miss. Flores principal namin. na asikasuhin muna yung  importante daw na bagay na diko naman alam kung ano at wala akong balak na alamin. kaya nag leave siya ng two months kase daw sa ibang bansa yung importanteng lalakadin niya.

I think the reason why miss nady is leaving is because miss Gina will coming back? Ang totoo naming Prof.

"Tapos?" Tanong ko.

"At babalik nadaw kase si miss Gina" sabi Kuna eh. " sakto naman na aalis na si miss nady kaya meron na kaagad tayong Prof. Buti na nga lang daw kase na timing yung alis niya at dating naman ni miss, Kung hindi padaw sana dadating si miss Gina wala padaw sana tayong Prof. At baka ilipat daw tayo ng room dun sa fourth floor. dahil konti lang naman daw tayo at kaya naman daw I manage ni prof. June lahat ng student. Eh dumating na nga si miss Gina kaya hindi na natuloy. at Sabi pa ni miss nady may mag ta transfer daw satin na bagong classmate natin dahil ok pa naman daw yun kase two months palang naman daw yung pasok naten ihahabol nalang daw yung mga transferee." Mahabang paliwanag niya.

Masaya na talaga ako sa narinig ko kase aalis na talaga si miss nady at wala nang sisigaw saken kapag nalate ako haha!

Ang totoo kase niyan favorite lecturer ko si miss Gina kase mabait siya sa lahat at hindi naninigaw. Hindi katulad ni miss nady sigaw kaagad ang abot mo, si miss Gina ngingiti lang yan, tapos papapasukin kana pag nalate ka at mag papatuloy na sa pag tuturo na parang walang nangyari.

Oh diba ang bait..

Di nako nag pa salita dahil nasa canteen na kami. Ipinalibot ko naman yung paningin ko para mag hanap ng mauupuan pero parang malabo kase sobrang daming estudyante.

"Order muna ko ah? Mag hanap kana ng mauupuan naten." Bigla namang Sabi ni conlee tumango nalang ako at pinag patuloy na yung pag hahanap ng upuan.

Dito nga pala kami nag aaral sa Peyroux University private siya at sikat. Dito nako simula third year highschool at fourth year nako ngayon. That's why I'm staying here for good. kase di naman talaga kami taga dito.

At wala man lang akong ka close sa lugar namin kase di ako pala labas. Oo lumalabas ako sa bahay pero kung kailangan lang tulad ng kung mag papasama si mommy na may bibilin. Pero kung wala naman dun lang ako niyan sa bahay.

Kaya kahit mga kapit bahay namin diko pa masiyadong kilala.

Di ako pala gala no?

Habang ginagala ko yung paningin ko sa kabuuan ng canteen. Nakahagip naman ito ng mesa dun malapit sa bintana ng canteen.

Malayo siya dito sa may entrance kase nasa gilid siya. Sa may bintana nga diba?

Actually may naka upo siya, pero parang aalis na kase inaayos na nila yung mga gamit nila. at parang tatayo na kaya pinuntahan ko na para may maupuan kami ni Conlee pag dating niya.

Meron pa kaming mahigit isa't kalahating oras bago mag ala una kase ang labasan namin ay 11:30 at 11:45 pa lang naman.

Nakalapit nako dun sa table nila at tumikhim ako.

"Ehem" tikhim ko para makuha ang pansin nila.

Tumingin naman sila saken at apat sila lahat lalaki.

"Excuse me? Aalis na kayo?" Tanong ko habang naka ngiti.

Tumayo naman yung isang lalaki na gray yung buhok. Infairness  bagay sakanya ah.

"Ahm yes? What can I do for you?" Patanong na sagot nito sabay tingin sa mga kasamahan niya.

"Makiki upo lang sana pag alis niyo. pero mukang may inaayos pa kayo eh, sige hintayin ko nalang muna kayo dito sa gilid habang inaayos niyo pa yung mga gamit niyo at tsaka ako uupo pag alis niyo" Sabi ko pa na naka ngiti sabay gilid sa may table na malapit sa pader na meron ding kumakain.

Di nako pinansin nung gray yung buhok at umupo nalang tsaka pinag patuloy yung pag aayos niya ng mga notebook na naka kalat sa mesa.

Pinag masdan ko naman silang apat habang busy sila sa pag aayos ng mga gamit nila. Napansin ko lang parang iba-iba yata yung buhok nila? Ay mali pala wala ng parang kase iba iba talaga yung buhok nila. Yung kinausap ako gray yung buhok, Yung nasa left niya blue yung buhok,Yung nasa right niya dark brown at yung nasa harap naman niya blonde with black yung buhok oh diba? Iba iba hair nila.

Sila na nag papakulay ng buhok. Nahiya naman ako sa buhok ko. Haha!

And I'm wrong because it's just the three of them are busy. The one that have a mixed colored hair in front of the guy that has approach me is also busy but with his phone tsk.

Bigla naman silang tumayo kaya naputol yung pag mamasid ko sa kanila. Astang lalakad na sila ng bigla namang tumigil yung kulay blue yung buhok sabay senyas ng lamesa at tsaka ngiti.

Yung kaninang naka ngiti kong mukha biglang nag laho at napalitan ng salubong na kilay ko.

I'm just noding at them and didn't bother to talk. Umupo nalang ako dun sa isang upuan na iniwan nung may blonde and black hair.

Diko na sila pinansin dahil dumating na si conlee.

Habang kumakain kami tinanong ko siya kung bakit siya natagalan.

"Bakit ang tagal mo?" Sabi ko sabay baling  sakanya at lunok ko nung nginunguya ko.

"Eh kase po kung alam mo lang ang haba nung pila tsaka may nagkagulo pa" sagot nito na uminom pa muna ng tubig sa plastic bottle.

"Ha? Anong nagkagulo?" Sabi ko na parang nag tataka kase wala naman akong napansin kanina.

"Ayy! dimo pala yun malalaman kase dito ka nga pala naka pwesto sa may bintana, malayo sa entrance at tsaka marami pang mga estudyanteng naka harang." Sabi pa nito na tumatango tango pa

Di nako sumagot. Bakit diko napansin na may nagkagulo? Ganun bako ka focus sa pag mamasid dun sa apat? Oh sadya talagang malayo sa pwesto ko yung gulo para makita ko?.

Eh ano bang paki ko sa gulong yan? Ang importante hindi ako yung nakiki away.

Pinag patuloy ko na yung pagkain ko. pati narin si Conlee Kaya wala na kaming kibuan hanggang sa matapos kaming kumain. Mahigit mag kakalahating oras din kaming nag stay dun sa canteen.

Nag lalakad na kami ngayon pabalik sa room kase ilang minuto nalang ay babalik na ulit yung Prof. Namin.

" Uyy! alam mo ba zai na yung mga nag kagulo kanina ay yung grupo nila Rizzo at mga baguhang mukha na ngayon ko lang nakita sa tatlong taon ko dito?!" biglang sabi ni conlee habang nag lalakad kami kaya nabaling sakanya yung atensyon ko.

"Sino namang Rizzo yan?" Nag tataka kong tanong kase diko kilala.

"Ay oo nga pala, dimo nga pala kilala yung grupo nila Rizzo" Sabi pa nito.

"Eh sino ba yang Rizzo nayan?"

"Sila lang naman ang mga siga dito sa campus natin!. At tsaka alam mo ba na kapag di nila gusto ang mga mukhang bago sa paningin nila bigla nalang nilang binubully?" Sabi pa niya na napapangiwi pa.

"Bakit hindi Dina-drop?"tanong ko na Salubong yung kilay.

Eh baliw pala yang Rizzo nayan. Porket bago sa paningin bu bully-hin nalang basta basta?

"Kase po malakas ang kapit sa taas" Sagot ni Conlee na nanlalaki pa yung mata tsaka ilong natawa naman ako.

"Kahit na! Mali parin yung ginagawa nila" Sabi ko pa.

"Hayaan mo nalang nga yon, Ang saken lang eh sino kaya yung mga nakaaway nun nila Rizzo? Mukhang mga baguhan pa naman kagaya mo. pero nauna ka nga lang ng mahigit isang taon. At tsaka may napansin pako eh! yung buhok nung mga nakaaway nila Rizzo iba iba ang astig lang haha!" Mahabang sabi pa nito na natawa pa.

Tiningnan ko nalang siya at dina pinansin. Pero nag taka ako sa huling sinabi niya kase iba iba daw yung kulay nung buhok? Di kaya yun yung apat na umalis kanina sa inupuan namin? Pero hindi eh! Kase pag alis nila sya namang dating ni Conlee pero di na niya nakita yung apat kase ang bilis mawala.

Bumaling ako Kay Conlee na busy nanaman kakapindot sa cellphone niya.

"Ilan ba yung sabi mong mga baguhang mukha na nakaaway nung grupo nung Rizzo na ngayon mo palang nakikita?" Dire diretso at biglang tanong ko sakanya.

Napatigil naman siya sa pag pindot nung cellphone niya sabay baling saken.

"Akala ko hindi ka ba interesado sa kwento ko?" Sabi pa nito na binubulsa na yung cellphone niya.

Di nako sumagot

"Sa tingin ko nun mga anim yata o Lima? Bakit?" Curious na tanong niya.

"Nothing, natanong ko lang." sagot ko.

Tumingin pa siya saken na parang nag tataka pero nawala narin naman.

"Pero Zai pag nakita mo yung grupo nila Rizzo ikaw nalang ang umiwas ha?" Bigla namang sabi niya.

Tiningnan ko naman siya ng nag tataka

"Bakit? At tsaka pano ko malalaman na yun yung  grupo nung Rizzo eh hindi ko yun kilala?" Naka taas na kilay na sagot ko.

"Basta halata naman yun kase sila lang  ang mga estudyanteng mayroong tattoo sa katawan!" Sagot niya na nakasigaw pa.

Maka sigaw wagas? Ano ko bingi?!

"Ehh?" Yun nalang yung naisagot ko kase nandito na kami sa harap ng room namen.

Bakit kina qualified yung mga estudyanteng may tattoo? Diba bawal yun?..

Gusto ko pa sana yan na itanong pero wag nalang.

Pag pasok namen ng room dumiretso agad ako sa upuan ko at di nalang siya pinansin. Umupo nadin siya sa upuan niya na may pagitan ng isang upuan saken habang nag kakalikot nanaman ng cellphone niya.

Ano bang meron sa cellphone nito at kanina ko pa napapansin na laging dinu dotdot?

Hinayaan ko nalang dahil pumasok na si miss nady. Hanggang ngayong araw nalang ata siya sa amin dahil bukas aalis na nga sya at dadating na si miss Gina.

"So, ok class fix yourself first." panimula niya habang pinapalibot yung mata samen. Nung tumapat saken yung paningin niya yumuko ako.

"Ehem" tumikhim muna siya bago nag salita ulit.

"A while ago I announced to all of you  that you have a new classmate right? But sorry to say that I was wrong." Sabi pa niya.

Bigla namang umugong yung mga classmate ko. At biglang nag salita si Magdalena president namin.

"Why ma'am? Is there a problem?" Tanong niya.

Ganyan yan! Mabait pag kaharap yung mga Prof pero pag hindi daig pa demonyita tss.

Diko nga alam kung bakit yan naging president eh.

"There's a sudden change of plans that our principal decided, Principal Flores decide that the new transferees, will not transfer here in your room. Because Sir. June my co-lecturer volunteer that he can handle the new transferees. So miss principal's agree with that. and I don't have nothing to do with that because I'm no longer your teacher starting tomorrow, and Miss Gina will coming back tomorrow to change me." Mahabang paliwanag ni Miss Nady.

Bigla namang nag bulungan yung mga kaklase ko.

"Akala ko pa naman dito na mapupunta yung mga bagong transferee. hayyy." Parang problemadong problemado na Sabi ni Mackie. Babae yan ah? Muse namin yan.

"Oo nga eh akala ko rin" Sabi naman ni Joanna.

"Sayang naman, balita ko pa naman lahat daw lalaki yung mga transferee" sabat naman ni negie.

Diko na pinakinggan pa yung mga bulungan nila. Para namang big deal yun? Buti nga yun eh, kase dina madadagdagan ng maiingay yung room namin kung sakaling maiingay man yung mga yun.

Diko nalang sila pinansin hanggang sa mag uwian na. Nag paalam nadin si miss nady pero diko na pinansin at niyaya ko nalang si Conlee na pumunta na dun sa locker namin para iwan yung ibang gamit.

Pagka iwan namin nung ibang gamit namin sa locker, dumiretso na kami dun sa parking lot. Nag hintay ng mga ilang minuto nang sundo namin. Mommy ko lang pala yung sumusundo sakin.  hanggang sa dumating na yung sundo ni Conlee at nag paalam na siya.

"Ingat kayo ah? Text moko pag naka uwi kana" Sabi ko sakanya habang kumakaway ng kamay.

"Oo. Ingat karin text mo rin ako pag dumating na si tita ah?" Tumango nalang ako kase unti unti ng umaandar yung sasakyan nila.

Habang nag hihintay kay mommy na dumating bigla namang umingay yung paligid ko....

Hi guysss! enjoy reading lovelots

Zailla on the side -------->>>

Continue Reading

You'll Also Like

677K 2.6K 65
lesbian oneshots !! includes smut and fluff, chapters near the beginning are AWFUL. enjoy!
156K 7K 59
ခွန်းသမိုးညို × သစ္စာမှိုင်းလွန် အရေးအသားမကောင်းခြင်း၊[+]အခန်းများမြောက်များစွာပါဝင်ပြီး ကိုယ့်အတွက်ဘာအကျိုးမှရမည်မဟုတ်တဲ့စာဖြစ်သည်နှင့်အညီ မကြိုက်လျ...
53K 1.6K 24
[ONGOING 🔞] #8 insanity :- Wed, May 15, 2024. #2 yanderefanfic :- Sat, May 18, 2024. After y/n became an orphan, she had to do everything by herself...
169K 8.2K 53
ငယ်ငယ်ကတည်းက ရင့်ကျက်ပြီး အတန်းခေါင်းဆောင်အမြဲလုပ်ရတဲ့ ကောင်လေး ကျော်နေမင်း ခြူခြာလွန်းလို့ ကျော်နေမင်းက ပိုးဟပ်ဖြူလို့ နာမည်ပေးခံရတဲ့ ကောင်မလေး နေခြ...